"ANGELO, SALAMAT HA. MALAKING BAGAY PARA SA AKIN ANG PAGMAMAGANDANG-LOOB MO NGAYON.." puno ng sinseridad na pasasalamat niya kay Angelo nang ihatid siya nito sa tinutuluyang niya. Nag-boluntaryo itong samahan siyang maipadala ang parcel niya't ganoon na rin ang paghatid nito sa kanila. Pero dahil hindi naman nakapasok ang sasakyan nito sa eskinita nila kaya hanggang sa kanto lang siya.
Kinakabahan pa nga siya dahil baka pag-trip-an ng mga tambay sa lugar nila si Angelo; mag-a-alas sais na rin kaya kunti na lang laganap na ang dilim."Anything for you, Lucy, alam mo naman na lodi kita eh."Natawa sya sa mga sinabi nito sa kaniya; mukhang galing si Angelo sa isang mayamang pamilya at wala naman siyang interes alamin ang bagay na iyon sa binata. Gaya nga ng sabi niya kanina iyon ang una at huling hihingi siya ng tulong dito."So! Friends?"Binaba niya ang tingin sa palad nitong nilahad sa harap niya; nasa loob pa rin sila ng kotse ng binata at prente siyang nakaupo sa unahan katabi nito.'Dapat pa bang umabot sa friendship ang pabor na binigay nito sa kaniya?' tanong niya sa sarili niya. Umiwas siya nang tingin hindi alam kung ano ang itutugon dito; may malaking trust issue sa mga tao si Lucy kaya hindi siya sigurado kung sincere din ba ito sa pakikipag-kaibigan nito sa kaniya."Hey. Hindi pa rin ba tayo magkaibigan?" Muling untag ni Angelo sa kaniya."Pwedi bang pag-isipan ko muna? Hindi talaga kasi ako nakikipag-kaibigan eh..""Eh, 'di pakikipagka-ibigan na lang.."Sumingkit ang mga mata nya nang tumingin siya rito."Angelo!!" May halong kunwang galit sa boses niya nang banggitin niya ang pangalan nito. Natawa na lang si Angelo sa reaksyon nya."Just kidding. Basta kapag kailangan mo ako, nandito lang ako for you. Anytime, Lucy..Okay?" Nakangiting saad sa kaniya ni Angelo. Mabilis ang ginawa niyang pag-iwas ng tingin mula rito. Hindi niya alam kung bakit may kung anong nagsasabi sa isip niyang kilalanin niya muna ito."Hindi nga ako interesado!" Malakas na pagkakasabi ni Lucy sa sarili niyang dapat sa kaniya lang."Nagsusungit ka na naman.." saad naman ni Angelo sa kaniya. Natawa si Lucy dahil napalakas pala ang pagkakasabi niya. Napakagat-labi siyang tumingin dito, hindi niya naman sinasadya ang tugon na iyon dapat secret lang nila ng sarili niya."Sorry! Napalakas pala.." aniyang nahihiya."Willing to wait, Lucy.""Sige na. Pwedi ka na umuwi, mag-iingat ka. Salamat ulit, Angelo."Binuksan niya ang pinto sa gawi niya, hindi niya na hinintay pang bumaba si Angelo para pagbuksan siya."See you tomorrow, Lucy. Bye. Ingat ka. Masaya ako ngayon at gusto kong malaman mo iyon."Lihim siyang napalunok. Ano ba ang mga sinasabi nito? Napailing-iling na lang siya nang tuluyan siyang bumaba hindi na siya nag-atubiling sagutin ito- kumaway na lang siya dito para na rin umalis na ito at hindi na tuluyang gabihin pa.Patay malisyang tumalikod si Lucy, hindi na muling lumingon pa kay Angelo nang marinig niyang umandar na ulit ang sasakyan nito.'I'm not interested, Angelo. I'm sorry!'Buo ang loob niyang sambit sa sarili para sa binatang nararamdaman niyang may ibang hangarin sa kaniya't hindi lang basta pakikipagka-ibigan gaya ng inaalok nito. Hindi siya manhid at sigurado siya d'on._______KATATAPOS lang kumain ni Michael, hindi niya na nagawang hintayin ang kapatid niyang si Angelo- alas-otso na at hindi pa rin ito nakauwi sa bahay nila. Sanay naman siya at malaki ang tiwala sa bunso niyang kapatid na malapit sa kaniya, lalo na n'ong namatay ang lolo nilang nag-alaga at nagpalaki dito.Napatingin siya sa cellphone niya nang biglang narinig niya ang caller tone. Si Cheska ang nasa kabilang linya, agad niya itong sinagot at tinungo ang library niya sa kaliwang bahagi ng dining area nila."Sweetie?" Bungad ni Michael sa kasintahan."Hi, Sweetie. How are you?" Masiglang bati naman sa kaniya ni Cheska. Agad siyang nakaramdam ng pangungulila nang marinig ang boses nito. Ilang linggo na rin silang hindi nakapag-usap dahil sa pagiging abala niya sa turn-over ng ownership sa university kasama ang ilang board members at ganoon din itong alam niyang abala sa trabaho nito bilang head nurse sa Amsterdam."I'm doing good here. Ikaw diyan? Wala kabang pasok ngayon?" balik tanong ko sa kaniya- tanghali pa lang sa bansa kong nasaan ito ngayon. Malamang nagpapahinga ito."I have a good news for you, Sweetie. Kaya ako napatawag.""Good news? What is it?""Na-approve iyong bakasyon ko, kaya malapit na akong umuwi ng Pilipinas. Sounds good, right?"Awtomatiko ang ngiting sumilay sa labi ni Archangel nang marinig ang magandang balita sa kaniya ng nobya niya."Of course. Oo naman. Kailan? Para naman mapaghandaan ko.""I will tell you the details, Sweetie. That's all for now. Basta malapit na, magkikita na tayo ulit." Ramdam ni Michael ang saya sa boses ni Cheska, halos tatlong buwan na rin silang hindi nagkikita sa personal nito mula nang magpasya siyang umuwi sa lamay ng lolo niya."Be a good boy there ha. Just behave, Michael." Bilin pa nito sa kaniya nang magpaalam ito. May pasok na raw siya kaya kailangan nya nang patayin ang tawag nito dahil iyon lang naman ang sadya sa kaniya.Napatingin si Michael sa wallpaper ng cellphone niya nang napaupo siya sa swivel chair niya. Picture ito ni Cheska, sa isang beach nang huling araw na magkasama silang dalawa. Maganda si Cheska at wala na siyang hahanapin pa rito- she's almost perfect, iyon ang madalas na sigaw ng isip niya. Ganoon din ang relasyon nilang dalawa ng nobya niya; selosa lang ito pero kahit minsan hindi niya binigyan ng pagkakataong magselos ito. Halos pitong taon na rin ang relasyon nilang dalawa, at umaasa na ang lahat na sa simbahan ang tuloy nang mayroon silang dalawa.Muli niyang pinagmasdan ang nakangiting mukha ni Cheska sa screen ng cellphone niya; nang wala sa sariling napapikit siya't hindi malamang dahilan bigla na lamang rumehistro sa isipan niya ang galit at pikong mukha ng dalaga si Lucy Pearl.Mabilis ang ginawang pagdilat ng mga mata ni Michael at ang masayang mukha ni Angelo ang nabungaran niya ng tingin."Kuya, you can't believe it.. but I'm with her today. I'm with my Lulu."Masayang balita nito sa kaniya. Malakas ang kutob nyang tungkol ito sa babaeng binibida nito sa kaniya nakaraan._____"GOOD. Good, kumain ka na ba? Nagluto si Manang Edna. Kumain ka na muna o kumain na ba kayo?" tanong ni Michael sa kapatid niya. Hindi maikakatwa ang saya sa mga mata nito, mukhang inspired nga ang bunso niyang kapatid."I'm okay, Kuya. Ikaw? Work?" anito sa kaniya. "I just talked Cheska. Hindi mo na siya naabutan," aniya rito. Malapit si Angelo kay Cheska, halos kapatid na rin ang turing nito dito."But she will come home, Bro.""Talaga, Kuya? Kailan? Sigurado na ba iyan? Baka naman hindi na naman sigurado si ate.""Soon, Bro. I will update you once finalize na ang schedule ni Cheska, ikaw pa rin ang unang-unang makakaalam." Ngumiti siya rito, nang ngumiti ito sa kaniya.Magalang na nagpaalam sa kaniya si Angelo, pagod daw ito pero masaya sa naging lakad ng tinutukoy nitong si Lulu. Ito ang unang beses na nakita niyang inspired ang kapatid niya at masaya siya para dito- finally, kung sakali man matuloy ang pag-iibigan ng mga ito hindi naman siya tutol dito. Nasa tamang edad na rin
"April, April, kamusta ka? Ano ang nangyari sa iyo?" Agad na tanong ni Lucy kay April nang lumapit siya sa kung saan ito nakahiga. Napansin niya ang agad na pagsara ng nurse ng kurtina para sa privacy nila ng kaibigan niya. "Naabutan kong nahimatay ka, dinala ka ni Sir Santiago dito," aniya pa."Relax. Okay ako. Salamat sa pag-alala mo." "Ano ba kasi nangyari sa iyo? Nagpapagutom ka ba? May sakit ka ba?" sunod-sunod nyang tanong dito nang walang makuhang sagot sa kaibigan nang pumasok siya sa silid nito. Ngumiti sa kaniya si April. "Buntis ako, Lucy.." Pagkabigla ang unang naramdaman ni Lucy sa bungad sa kaniya ni April, hindi niya man lang naisip ang bagay na iyon. Kilala nya ang kaibigan, alam niya naman na may nobyo ito pero ang hindi niya napaghandaan ang sinabi nito sa kaniyang buntis ito. Hindi mawari ni Lucy, kung maganda ba o masama ang balitang iyon; kilala niya si April, mataas ang pangarap nito katulad niya; ang kagustuhan nitong makatulong sa pamilya ang siyang
___ UNANG araw sa buhay ni Lucy na walang April siyang kasama sa eskwelahan. Hindi niya sigurado kung paano niya titiisin ang lungkot dahil sa desisyon nitong tumigil habang buntis ito. Iyon na lamang ang bigat ng katawan niyang bumangon at maging sa paglalakad ngayon sa pasilyo ng unibersidad na ito. Si April pa naman ang tinuturing niyang nag-iisang taong masasandalan niya. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya nang maalala ang sinabi ni Archangel sa kaniya nang nakaraan. 'Ang ganda mo kahit pumuputok iyang pimple mo, Ms. Sandoval..' animo tila naririnig pa niya sa isip niya. 'Hindi maganda iyong manners na iyon!' sigaw ng utak niya.Napakunot-nuo siya nang wala man lang isang makulit na Angelo na tumatawag sa kanya tulad ng nakasanayan niya kada-umaga. 'At kailan pa ako nagka-interes sa lalaking iyon?' aniya.Nakakapanibago lang, kontra naman ng isip niya. Sa kabilang banda, nakaramdam din naman siya ng pag-alala kay Angelo. Paano kung napano ito? Tsaka niya lang na-
"APRIL.…" NAGMADALI si Lucy para yakapin ng mahigpit. Sinalubong niya ito sa lobby ng university nang sabihin nitong dumating na ito kasama si Abra. Binilin nyang isama ang nobyo nito para naman makilala nito ang ilan sa mga naging bahagi sa buhay ni April dito. "Kamusta ka?" tanong nya rito. Kahit naman na isang araw lang silang halos hindi nagkita, na-miss nya naman ito. Ganoon naman talaga sobrang ma-a-appreciate mo lang ang isang tao kapag wala na siya sa tabi mo."Teka para saan ba't pinapunta mo ko rito?" tanong sa kaniya ni April. Wala nang halos tao sa loob ng classroom nila at nandoon na ang mga ito sa faculty room kasama si Archangel."Masama bang ma-miss ka?" aniya."Kilala kita, Lucy. Anong mayroon? May problema ba? Inaaway ka ba ng mga witch?" Natawa siya sa tanong nito sa kaniya— nandoon pa rin ang pag-aalala ng kaibigan niya. "Basta. Tayo na?" "Saan?""Basta. Matutuwa ka.""Lucy, ayaw kong may money involve ha. Alam mong ayaw kong mang-abala ng tao." Umiling-i
ANG lakas ng loob sabihin sa aking ihahatid ako! Cheater at it's finest! iyon ang galit na bulong ni Lucy sa sarili. Narinig niya ang lahat ng mga sinabi ni Michael sa kausap nito— hindi siya pweding magkamali na may nobya ang lalaki. 'Sweetie!' ulit pa ng utak niya. She's never been into an in relationship, pero hindi siya tanga para hindi isipin na wala itong relasyon sa kung sino mang babae ang nasa kabilang linya. Ano ano naman sa iyo? Atsaka hatid lang naman ang offer ni Archangel, hindi naman sundot hatid.. ani ng isip niya. May galit sa mga mata nang muli niyang ipukol ang tingin sa lalaki; nakatingin pala ito sa kaniya. Bumalik siya ng tingin sa pagkain na nasa harap niya. "Ang sarap ng pagkain 'no, Lucy.." sambit sa kaniya ni April. Hindi niya namalayan na nasa tabi niya na pala ito sa dami ng iniisip niya. "O-oo naman. Tsaka lahat ngayon sa iyo masarap dalawa na kayo ng baby mo ang nakain eh," masaya niyang sambit. Kahit papano napawi ni April ang inis na
"ANO BA, ANGELO? HINDI KA BA TALAGA NAKIKINIG SA DOKTOR MO HA? KAILANGAN MONG ITIGIL ANG PANINIGARILYO MO. GUSTO MO NA BA TALAGANG MAMATAY HA?" NAKANGITING lumingon si Angelo sa kaibigan nyang si Sarah. Nasa rooftop sila ng hospital kung saan siya madalas magpapatingin sa kondisyon nya sa puso. Heto at hindi niya inakalang susundan siya nito sa rooftop, dahil masyado pa naman maaga para gumising na ito at makita siya kung saan siya pupunta. "Ito na ang last, Sarah. Believe it or not magpapaalam na ako sa yosi.." nakangiti niyang aniya dito. Pinag-isipan nya ito at sigurado na siya. Ngayon pa na may dahilan na siya para mabuhay si Lucy. "Gusto ko pa mabuhay tulad mo. Gusto kong makasama pa ng matagal si Lulu." Hindi nakaligtas sa tingin ni Angelo ang lungkot na sumilay sa mga mata ni Sarah nang sabihin niya ito. Kilala nya ang dalaga, tulad niya nakikipaglaban din ito sa isang malubhang sakit — pero siya tulad nang sabi niya mayroon na siyang dahilan para mabuhay maliban sa ku
The Obsession of CEO ( Lucy Pearl )___Chapter One"GOOD MORNING, LUCY PEARL.."MAY talim sa tingin nang ibaling ni Lucy Pearl ang mga mata n'ya sa lalaking bumati sa kaniya. Sa totoo lang dapat naman sana siyang matuwa nang batiin siya nito, pero dahil iba ang dating ng pagkakasabi nito sa pangalan niya ay hindi niya nagustuhan."Oh! Mukhang galit ka na naman?!" natatawa pa nitong tanong sa kaniya."Funny!"Mabilis siyang umiwas, ayaw niyang pumatol sa kahit na sino ngayong umagang 'to. Sinimulan na ng kasera nilang sirain ang araw niya at hindi niya pagbibigyan ang lalaking may nais sumira sa araw niya."Nagbibiro lang, ito naman galit na galit agad.. Gusto agad manakit!""Stop!" Malakas ang boses na pagkakasabi niya rito."Ang ganda mo talaga kapag nagagalit ka.." aniya pa sa kaniya."Ano ba!!!" Sigaw niya rito nang magtangka itong sundan siya."What do you need ba ha?"Nagpalinga-linga siya sa paligid, napansin niya ang ilang mga estudyanteng nahinto't napatingin sa kanila."Stop
The Ceo's Obsession || Lucy Pearl___CHAPTER 2UMIWAS ng tingin si Lucy Pearl nang mapansing sumulyap sa gawi niya ang bagong may-ari ng unibersidad na pinapakilalang ngayon sa harap nilang lahat na kapwa niya eskolar. Sino ba naman ang makakalimot sa lalaking iyon? Ito kanina ang pilit niyang pinapatay sa isip niya; ang minumura niya't halos isumpa niya."Sana maging maayos ang unibersidad na 'to sa lahat at sana walang estudyanteng mamumuhay ditong may hindi kaaya-ayang mga salita ang lumalabas mula sa kaniyang mga bibig." Napataas ng tingin si Lucy sa mga narinig mula rito. Siya ba ang pinapatamaan ng lalaking 'to? Inirapan niya ito nang muli siyang sulyapan sa gawi niya.'Pake ko ba sa nararamdaman niya?!' mataray niyang bulong sa sarili niya.Kailan pa ba siya nagkaroon ng nararamdaman sa mga tao sa paligid niya? Wala siyang naaalala."That's for today.. marami pa tayong pagsasamahan, I assured you guys." Pagtatapos ng salita nito sa gitna.Lihim na sinundan ni Lucy ng tingin