THE CEO'S OBSESSION | CHAPTER 3
____TULAD nang inaasahan ni Lucy, pinagalitan nga siya ni Mr. Aragon. Kahit na ano ang gawin niyang espleka na may naisip lang siya kaya siya natawa sa harap ng sinasabi nitong CEO ay hindi nito binili ang dahilan niya.Palibhasa s****p! Galit na bulong ni Lucy sa sarili niya dahil sa lahat ng narinig niya kay Mr. Aragon. Hindi pa ito nakuntento at pinagbantaan pa siya nitong tatanggalan ng scholarship kung hindi siya umayos sa ugali niya.'Sino ba siya sa tingin niya? E, kahit nga katiting wala naman siyang ambag sa eskwelahan na 'to! At ako pa talaga tinakot niya? Baka si Lucy Pearl 'to!' Mapait niyang bulong sa sarili niya.Inis na inis pa rin siya dito lalo na sa lalaking nangangalang Michael Archangel - 'Anghel ang pangalan, pero mas demonyo pa kay Lucifer ang ugali ng lalaking iyon! Bakit hindi? Tama bang ikulong niya ako sa rooftop ha?' galit niya pang dugtong.Isang pagsinghap pa ang pinakawalan ni Lucy Pearl sa sarili- at heto nga alam niyang pag-uwi niya sa boarding house niya stress na naman siya. Isang buwan na siyang delay sa bayad niya sa kasera nila. Gumagawa naman siya ng paraan sadyang hindi lang sapat ang paraan na ginagawa niya dahil wala siyang mapagkukunan ng pera ngayon, nahihiya naman siyang humiram kay April dahil alam niyang kapos din ito.'Mangutang na lang kaya ako kay Angelo?' Natatawang tanong niya sa sarili.'Isa pang unggoy na iyon! Kung makatawag sa pangalan ko Lucifer talaga ang bigkas at diin! Bwisit!'Sunod-sunod na pagsinghap ang pinakawalan niya nang malapit na siya sa kanila- hiling niya na lang ngayon na sana umalis na lang ito para magbinggo o mag tong its na madalas naman nitong ginagawa.'Bahala na si Batma!' Mapait na bulong ni Lucy sa sarili niya- may pera naman siya kung tutuusin kaso nga lang tinatabi niya iyon para sa kakailanganin niya sa binabayaran niyang pagpapa-xerox ng mga notes niya kapag wala siyang libro.MASAYANG nakahinga nang maluwag si Lucy nang pumasok siya sa boarding house nila na walang kahit na sino ang nakakita sa kaniyang kapamilya ng kasera nila.Mabuti na lang at hindi tuluyang sinumpa niya ang araw na mayroon siya ngayon-pagod siyang umupo sa plastik na upuan niya sa ginawa niyang mini study table ng maliit na silid na iyon.Malungkot siyang ngumiti nang pasadahan ng tingin ang sarili- talagang nag-iisa na siya sa mundong 'to.'Sarili ko na lang ang kasama ko sa lahat ng pagkakataon! Kaya sana, huwag niyo naman ako masyadong gawing warrior niyo.. kasi minsan malakas lang ako tingnan pero mahina rin ako!' tanging nasambit ko sa sarili ko nang napatingin ako sa larawan ni Hesus Kristo katabi ng salamin ko.Napabuntong-hininga siya nang maalala ang mapait na nakaraan ng buhay niya- bata pa lang siya nang iwan siya ng nanay niya sa lola niya at sumama ito sa ibang lalaki. Hindi niya rin nakilala ang tatay niya, dahil hindi rin alam ng lola niya kung sino ito hanggang sa mamatay ito nang limang taon pa lamang siya at simula n'on kung kani-kaninong kamag-anak na siya nakikitira. Hanggang sa maglakas loob siyang mamuhay mag-isa mula nang 'di niya kinaya ang panunumbat at pangmamata sa kaniya ng tiyahin at mga pinsan niya. Isama pa ang madalas na pangmamanyak sa kaniya ng tiyuhin niya.'Bata pa lang ako sinubok mo na ako eh! Pero hindi ako nagtatampo sa iyo, nagtatanong o higit sa lahat nagagalit sa iyo.. mahal pa rin kita kahit na hindi ko alam kung mahal mo ako dahil sa pangalan kong kaaway kayo!' Tumawa nang mapait si Lucy nang maalala ang pangalan niya at kung ano ang kwento sa likod n'on- ang natatandaan niyang kwento nang magdalaga siyang madalas sabihin nang katiwala ng tiyahin niyang kilala ang lola niya; nanay niya na raw nagbigay n'on dahil ayon dito malas daw siya sa buhay ng sarili niyang ina at sinira niya ang kinabukasan nito idagdag pa raw ang walang hiyang ama niyang bumuntis dito.Naramdaman ni Lucy ang luhang kumawala mula sa mga mata niya.'Mabuti na lang talaga maganda at matalino ako 'no? Kung hindi baka magalit talaga ako sa inyo.. at kwestyunin ko kayo..' Natatawa niyang biro sa larawang nasa harap niyang nagsisilbing lakas at kaibigan niya sa lahat ng panahon.'Tulungan niyo ho ako maging malakas.. at sana may mga taong dadating sa buhay kong magpapaalala sa akin mahalaga ako, na may silbi ang buhay ko kaya patuloy akong humihinga at lumalaban pa rin kahit ang hirap-hirap na!' madamdaming dugtong pa ni Lucy.Pinahid niya ang mga luha gamit ang palad niya-umupo siya ng tuwid buong tamis na ngumiti sa salamin.'Magiging isang magaling na nurse ako, at balang-araw magtratrabaho ako sa isang institusyon na maraming-maraming lola at ako ang mag-alala sa kanila tulad ng hindi ko nagawa sa lola ko.. tulungan niyo ho ako..' Buong tatag at tiwalang sinabi niya sa sarili- tumingin muli siya sa larawan ng pinagkukunan niya ng lakas.'Amen..' dugtong ni Lucy.____PINAIKOT-IKOT ni Michael ang ballpen sa mga daliri niya habang pinagmamasdan ang dalagitang na-engkwentro niya sa universidad na pinama ng lolo niya sa kaniya at sa kapatid niyang si Angelo.Lucy Pearl Sandoval- 2nd year Nursing student, pinasadahan nya rin ng tingin ang mga marka nito sa files na nasa harap niya. Matataas ang lahat ng grades nito at mukhang consistent ang dalaga, kaya siguro scholar ito.. iyon ang naging bulong ni Michael sa sarili.Mukha lang itong pasaway, pero mukhang mabait naman' aniya pa.Napako ang mga mata niya sa profile nito- December 25, 1989 ang birthday nito. Hindi siya halos makapaniwala dahil ito rin ang birthay niya 1996 lang siya at mas matanda nang anim na taon dito.'You look so interesting, Young lady..' tanging nasambit ni Michael sa sarili niya habang ang mga mata'y nanatili sa magandang mukha nito sa screen niya.'I want to know you more... I have this feeling na may mga buhat-buhat ka sa balikat mo at gusto kong tulungan kang bitiwan iyan..' Wala sa sariling sambit ni Michael sa sarili niya.Lucy Pearl - Michael Archangel, sounds devil and angel huh! Biro nya sa sarili niya.'See you tomorrow, young lady.. have a great day..' dugtong pa niyang may ngiti pa rin sa labi niya nang maalala ang hindi inaaasahang paghaharap nila sa rooftop kanina.___HALOS katatapos lang ng live selling ni Lucy Pearl ng mga items nyang bagong bili sa Divisoria n'ong isang linggo- pinapaubos niya na lang ang lahat ng tinda niya para sa panibagong ititinda ulit na request ng mga regular costumers niya. Heto nga at nag-aayos na siyang pumasok, sa mga nag-mine kanina okay na ito para makapagbayad siya kahit papano sa kasera nila. 'Sabi ko na nga ba hindi mo talaga ako pababayaan,' masayang kausap ni Lucy sa larawang pakiramdam nyang nakatingin sa kaniya.'Salamat ha,' aniya pa niya.Masaya siyang pinagmasdan ang sarili niya sa isang maliit na salaming paborito niya- pangarap niyang makabili ng life sized mirror pero mahalaga naman ito sa kaniya kahit na hindi niya masyado nakikita ang sarili niya ang mahalaga may tinitingnan siya kung maayos ba ang mukha niya.Umikot-ikot pa si Lucy, suot ang uniporme niyang pang-nurse, masaya talaga siya at hindi niya kayang ikubli iyon.'Isang taon na lang kung malapit na ako sa finals,' nakangiti niyang bulong sa
LAKAD takbo ang ginawa ni Lucy tuluyan lang siyang makalayo sa lugar Kung saan pinili niyang ikulong ang lalaking iyon. Wala siyang pakialam kahit na ito pa ang presidente ng Pilipinas ang mahalaga sa kaniya ngayon ay nakaganti na siya at patas na silang dalawa.'Beh buti nga! Beh buti nga sa iyo..' Natatawa niya pa ring sambit sa sarili habang panay ang pagmamadali niya. Walang dapat makakita sa kaniya na magpapatunay sa ginawa niya rito. 'Paano kung magsumbong siya, Lucy?' kastigo sa kaniya ng sarili niya.Ano naman kung magsumbong siya? Wala siyang pake; kahit na sa scholarship mong may tendency na mawala kapag nangyaring malaman ng lahat ang ginawa mo? dugtong pa.Doon nakaramdam ng bahagyang kaba si Lucy sa puso niya. Paano nga kung mawala ang iniingatan niyang scholarship sa ginawa niya rito? Kaya niya ba? Patuloy sa pakikipag-usap niya sa sarili niya.Isang paglingon ang pinakawalan ni Lucy sa gawi kung saan naroon papunta sa rooftop.Sunod-sunod siyang napalunok.'Hindi naman
Buong klaseng halos tulala si Lucy, o mas tamang sabihing halos buong oras ng klase nila pagka-bwisit ang nararamdaman niya sa acting proffesor nila nang araw na iyon. Hindi niya alam kung ano ang plano nito at bakit kinakailangan nitong maging replacement ni Mr. Agassi.Tinawag pa siya nito sa recitation at nagpapasalamat na lang din siya alam niya ang mga tanong nito. Handa naman siya sa lahat; hindi naman siya ang klase ng estudyante na tsaka lang mag-aaral sa oras ng klase. Advance palagi si Lucy, at iyon ang hindi nya iwawala sa sarili niya."Ang gwapo niya talaga, Girl..""Akin siya ha. Wala nang pweding umagaw sa kaniya sa akin nagkakaintindihan ba tayo?"Hindi napigilan ni Lucy ang sariling matawa sa mga narinig niya sa mga kaklase niyang mga Disney Princess kung umasta. Palibhasa mayayaman ang mga ito at famous din talaga sa university na to- iyon nga lang saksakan ng masasama ang ugali at literal na mga bully ang tatlong 'tong kinaiinis niya."Saan ka kakain?" tanong ni Apr
"ANGELO, SALAMAT HA. MALAKING BAGAY PARA SA AKIN ANG PAGMAMAGANDANG-LOOB MO NGAYON.." puno ng sinseridad na pasasalamat niya kay Angelo nang ihatid siya nito sa tinutuluyang niya. Nag-boluntaryo itong samahan siyang maipadala ang parcel niya't ganoon na rin ang paghatid nito sa kanila. Pero dahil hindi naman nakapasok ang sasakyan nito sa eskinita nila kaya hanggang sa kanto lang siya.Kinakabahan pa nga siya dahil baka pag-trip-an ng mga tambay sa lugar nila si Angelo; mag-a-alas sais na rin kaya kunti na lang laganap na ang dilim."Anything for you, Lucy, alam mo naman na lodi kita eh."Natawa sya sa mga sinabi nito sa kaniya; mukhang galing si Angelo sa isang mayamang pamilya at wala naman siyang interes alamin ang bagay na iyon sa binata. Gaya nga ng sabi niya kanina iyon ang una at huling hihingi siya ng tulong dito."So! Friends?" Binaba niya ang tingin sa palad nitong nilahad sa harap niya; nasa loob pa rin sila ng kotse ng binata at prente siyang nakaupo sa unahan katabi nito
"GOOD. Good, kumain ka na ba? Nagluto si Manang Edna. Kumain ka na muna o kumain na ba kayo?" tanong ni Michael sa kapatid niya. Hindi maikakatwa ang saya sa mga mata nito, mukhang inspired nga ang bunso niyang kapatid."I'm okay, Kuya. Ikaw? Work?" anito sa kaniya. "I just talked Cheska. Hindi mo na siya naabutan," aniya rito. Malapit si Angelo kay Cheska, halos kapatid na rin ang turing nito dito."But she will come home, Bro.""Talaga, Kuya? Kailan? Sigurado na ba iyan? Baka naman hindi na naman sigurado si ate.""Soon, Bro. I will update you once finalize na ang schedule ni Cheska, ikaw pa rin ang unang-unang makakaalam." Ngumiti siya rito, nang ngumiti ito sa kaniya.Magalang na nagpaalam sa kaniya si Angelo, pagod daw ito pero masaya sa naging lakad ng tinutukoy nitong si Lulu. Ito ang unang beses na nakita niyang inspired ang kapatid niya at masaya siya para dito- finally, kung sakali man matuloy ang pag-iibigan ng mga ito hindi naman siya tutol dito. Nasa tamang edad na rin
"April, April, kamusta ka? Ano ang nangyari sa iyo?" Agad na tanong ni Lucy kay April nang lumapit siya sa kung saan ito nakahiga. Napansin niya ang agad na pagsara ng nurse ng kurtina para sa privacy nila ng kaibigan niya. "Naabutan kong nahimatay ka, dinala ka ni Sir Santiago dito," aniya pa."Relax. Okay ako. Salamat sa pag-alala mo." "Ano ba kasi nangyari sa iyo? Nagpapagutom ka ba? May sakit ka ba?" sunod-sunod nyang tanong dito nang walang makuhang sagot sa kaibigan nang pumasok siya sa silid nito. Ngumiti sa kaniya si April. "Buntis ako, Lucy.." Pagkabigla ang unang naramdaman ni Lucy sa bungad sa kaniya ni April, hindi niya man lang naisip ang bagay na iyon. Kilala nya ang kaibigan, alam niya naman na may nobyo ito pero ang hindi niya napaghandaan ang sinabi nito sa kaniyang buntis ito. Hindi mawari ni Lucy, kung maganda ba o masama ang balitang iyon; kilala niya si April, mataas ang pangarap nito katulad niya; ang kagustuhan nitong makatulong sa pamilya ang siyang
___ UNANG araw sa buhay ni Lucy na walang April siyang kasama sa eskwelahan. Hindi niya sigurado kung paano niya titiisin ang lungkot dahil sa desisyon nitong tumigil habang buntis ito. Iyon na lamang ang bigat ng katawan niyang bumangon at maging sa paglalakad ngayon sa pasilyo ng unibersidad na ito. Si April pa naman ang tinuturing niyang nag-iisang taong masasandalan niya. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya nang maalala ang sinabi ni Archangel sa kaniya nang nakaraan. 'Ang ganda mo kahit pumuputok iyang pimple mo, Ms. Sandoval..' animo tila naririnig pa niya sa isip niya. 'Hindi maganda iyong manners na iyon!' sigaw ng utak niya.Napakunot-nuo siya nang wala man lang isang makulit na Angelo na tumatawag sa kanya tulad ng nakasanayan niya kada-umaga. 'At kailan pa ako nagka-interes sa lalaking iyon?' aniya.Nakakapanibago lang, kontra naman ng isip niya. Sa kabilang banda, nakaramdam din naman siya ng pag-alala kay Angelo. Paano kung napano ito? Tsaka niya lang na-
"APRIL.…" NAGMADALI si Lucy para yakapin ng mahigpit. Sinalubong niya ito sa lobby ng university nang sabihin nitong dumating na ito kasama si Abra. Binilin nyang isama ang nobyo nito para naman makilala nito ang ilan sa mga naging bahagi sa buhay ni April dito. "Kamusta ka?" tanong nya rito. Kahit naman na isang araw lang silang halos hindi nagkita, na-miss nya naman ito. Ganoon naman talaga sobrang ma-a-appreciate mo lang ang isang tao kapag wala na siya sa tabi mo."Teka para saan ba't pinapunta mo ko rito?" tanong sa kaniya ni April. Wala nang halos tao sa loob ng classroom nila at nandoon na ang mga ito sa faculty room kasama si Archangel."Masama bang ma-miss ka?" aniya."Kilala kita, Lucy. Anong mayroon? May problema ba? Inaaway ka ba ng mga witch?" Natawa siya sa tanong nito sa kaniya— nandoon pa rin ang pag-aalala ng kaibigan niya. "Basta. Tayo na?" "Saan?""Basta. Matutuwa ka.""Lucy, ayaw kong may money involve ha. Alam mong ayaw kong mang-abala ng tao." Umiling-i
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl ___ 54 NAGISING si Lucy sa sama ng panahon. Agad syang bumangon para tingnan ang lagay sa labas, napansin niya ang sanga ng kahoy sa harap ng gusali kong nasaan siya. Malakas ang hangin sa labas, dahil sa pagiging abala ng utak niya hindi niya alam kung ano ang mayroon sa panahon ng mga sandaling iyon. Linggo pa naman ang araw na iyon, at nangako siya sa lola niya na dadalawin niya ang puntod nito. Ilang buwan na rin naman siyang hindi nakakapunta d'on, dahil sa pagiging abala niya sa buhay maging sa buhay ng mga Santiago. Muli siyang bumalik sa higaan niya para kalkulahin ang gusto niyang mangyari ng araw na iyon. Wala sa plano niyang pumunta sa bahay nina Angelo, hindi rin naman siya nangako na pupuntahan niya ito. Napatingin si Lucy sa cellphone niya sa ibabaw ng bedside table sa kaliwang bahagi ng higaan niya. Tumayo siya para tingnan kong may mensahe ba siya mula rito. Wala. Iyon ang unang nasambit niya sa sarili niya. Mensahe ba n
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl 53 ____ HINDI na hinintay ni Lucy ang pagsikat ng umaga nang umalis siya sa bahay ng mga Santiago. Sa pakiusap sa kaniya ni Angelo naihatid siya ng family driver ng mga ito kasama ang pakiusap na huwag sasabihin kahit kanino kung nasaan siya. Ang sabi sa kaniya ni Angelo, walang alam si Michael tungkol sa lugar niya kung nasaan siya. Sa Cubao lang siya, malapit sa university kung saan siya pumapasok pero medyo may kalayuan kung saan nakatira ang magkapatid. Ang bilin sa kaniya ni Angelo, ay huwag niyang kalimutan na sabihin sa driver ng mga ito kung magpapasundo siya ganoon na rin ang magpapahatid. Gusto niya man sana tumanggi dahil malaking abala iyon, at baka malaman ni Michael ang tungkol sa kinaroroonan niya pero wala na rin naman siyang pweding pagpipilian —kailangan niyang sundin ang pakiusap ni Angelo, dahil ayon dito para din naman sa kaniya ang lahat ng iyon. 'Ayaw kitang mahirapan..' ang paulit-ulit na sinasabi sa kaniya ni Angelo.
THE CEO's OBSSESION | LUCY PEARL 52 ______ "LUCY, ARE YOU OKAY?" mahinang tanong ni Angelo ang nagpabalik sa katinuan ni Lucy. Tumuloy siya sa silid nito pagkatapos nila magkita at mag-usap ni Michael. Napag-alaman niyang wala pa ito sa bahay nito at wala siyang balak alamin kung saan ba ito tumuloy pagkatapos ng paghaharap nilang dalawa. "Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo, hindi ko alam kung ano iyong iniisip mo kaya nag-aalala ako, Lucy," dugtong pa ni Angelo sa kaniya. Yumuko siya't muling binalik ang tingin dito. "A-Angelo, I'm sorry.." "Sorry saan?" "H-hindi ko alam kung saan magsisimula, kung paano ko sasabihin sa iyo, kung paano ko maipapaliwanag iyong nararamdaman ko." "May problema ba?" mahinang tanong sa kaniya ni Angelo. Muli niyang iniwas ang tingin dito, binaling sa pinto may pag-aalalang nararamdaman kung iyon ba ang tamang oras para ipaalam sa lalaking kaharap ang nabuong desisyon niya. "Lucy, you can tell me everything.. Hindi mo naman kaila
THE CEO'S OBSESSION| LUCY PEARL51 ____ TULALANG nakatingin si Michael sa malayo, nauna siya sa oras ng usapan nila ni Lucy. Sinadya niyang mauna dito bago ito i-book sa isang Uber app para makarating sa kanya ng ligtas ang dalaga. Pinag-isapan niya ng mabuti ang sandaling iyon, kailangan niyang makausap si Lucy sa lalong madaling panahon— habang nasa maayos pa ang lahat. Pinilit niyang winaksi sa isip niya ang nangyaring pag-uusap nila ni Angelo kanina nang abutan niya itong gising sa silid nito. Hindi niya pwedi tikisin ang nararamdaman ng kapatid niya. Nangibabaw pa rin sa kaniya ang pagmamahal niya rito at gusto niya patunayan iyon sa pakiusap nito sa kaniya. Mahal ni Angelo si Lucy at walang pagdududa iyon, napapikit siya sa kawalan nang maalala ang pag-uusap nila ng kapatid; malaking sakripisyo ang kailangan niyang gawin kahit na nakasalalay d'on ang damdamin niya para sa dalaga. Para sa kaniya tama ang gagawin niya at hindi niya pwedi baliwalain iyon kung kaligayahan na
THE CEO's OBSESSION | LUCY PEARL _____ 50 TULALANG pinagmamasdan ni Lucy ang lahat ng proposal sa kaniya ni Cheska sa isang brochure na hawak nito. Maaga pa nang pinatawag siya nito sa silid niya para daw sa hinanda nitong almusal para sa kanila. Nang dumating siya r'on dalawa lang silang dalawa, wala si Michael at pinagpapasalamat niya. Sa hindi niya alam na dahilan, hindi niya pa rin alam kung paano harapin si Michael lalo na't nasa tabi nito si Cheska. May mga bagay na hindi pa malinaw sa kaniya, kahit na sinabi sa kaniya ni Michael na —mahal siya nito— "I think this one is fit for you, mukhang simple lang.. Just like you, Luz.." Tiningnan niya ang inaabot sa kaniya ni Cheska; maganda nga iyon, simple lang gaya ng sinasabi nito sa kaniya — isa iyong white dress na ayon kay Cheska para daw sa gaganaping engagement party nila ni Angelo. "What do you think?" untag na tanong nito sa kaniya. "M-maganda naman. Mukhang mamahalin lang." "Heto na naman tayo sa money matt
THE CEO's OBSESSION | LUCY PEARL 49 _____ ILANG BALING NA ANG GINAWA NI LUCY, hindi pa rin siya halos dalawin ng antok. Nakarating na sila sa Pinas, hindi niya na nagawang puntahan pa si Angelo dahil iyon ang sabi sa kaniya ni Cheska; natutulog na raw si Angelo. Kahit silip hindi niya na nagawa dahil baka magising lang ito. Pasado ala-una na rin ng madaling-araw nang dumating sila sa bahay na 'to. Sumagi sa isip niya ang pagsalubong sa kanila ni Cheska; isang mahigpit na yakap at halik sa labi ang pinagkaloob nila ni Michael sa isa't-isa. 'Akala ko ba mahal niya ako?' May kung ano'ng hapdi siyang nadama sa puso niya. Bumangon ng pagkakaupo si Lucy, sinandal niya ang likod niya sa headboard ng kama. Tinuon niya ang tingin sa malitang nasa paanan niya. 'Ano kaya kung umalis na lang ako rito?' bulong niya sa sarili. 'Makakaya ba ng konsensiya ko kung may mangyayaring masama kay Angelo?' aniya. Si Angelo nga lang ba ang totong dahilan kung bakit hindi niya makuhang umalis sa bah
THE CEO'S OBSESSION | LUCY PEARL 48 ____ NAKITA ni Lucy ang sarili niya kasama si Michael sa huling pakiusap nito ayon dito. Kaya lang naman siya pumayag dahil nangako itong babalik sila ng bansa pagkatapos ng araw na iyon. Pinaalam niya rin ito kay Angelo, nagtaka naman ang huli pero nakumbinsi niya naman ito na gusto niya nang umuwi at hindi na tapusin ang ilang araw na dapat silang nandoon ni Michael. Wala naman maraming tanong sa kaniya si Angelo, ang mahalaga ay gusto niya nang bumalik agad. Para sa kaniya hindi maganda ang mag-solo pa sila ng kuya nito sa iisang bubong. "I want you to be happy. Sincerely happy, Lucy.." narinig niyang sabi sa kaniya ni Michael sa likuran niya habang pinagmamasdan ang buong paligid. "Pangarap ko lang 'to.." naiiyak niyang sambit sa sarili. Naalala niya ang lola niya, kung buhay pa ito malamang ito na ang kasama niya sa lugar na iyon. Nilingon niyang may ngiti sa labi si Michael. "S-salamat ha.. Hindi ko makakalimutan 'to," aniya. Ngum
THE CEO'S OBSESSION| LUCY PEARL47___ HALOS mag-a-alas-syete na ng umaga pero gising na gising pa rin ang diwa ni Lucy. Kahit na nakapikit siya hindi mawala sa isip niya ang nangyaring hindi niya inaasahan; ang halik na pinagkaloob sa kaniya ni Michael na hindi niya inaakalang tinugon niya nang walang pag-aalinlangan."Bakit mo ginawa iyon, Lucy? Bakit!" naiinis niyang aniya sa sarili. Hindi niya maintindihan kung anong sumagi sa isip niya at bakit niya hinayaang magpakalunod sa damdamin niya.Biglang napabangon si Lucy; damdamin? So. Inaamin niya na ngayon na may nararamdaman siya para kay Michael at sa pagtugon niya nang halik nito.. Paano kung maisip nito o mas malala pa'y makaramdam ito?Ano'ng klaseng babae siya? She let herself to marry Angelo at isang iglap lang nakipaghalikan siya sa kuya nito?"Napakasama ko!" Isa pang daing niya. Tinuon niya ang tingin sa pinto. Paano siya haharap kay Michael ngayon? Anong mukha ang ihaharap niya rito?Muli siyang napapikit nang muling s
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl46 "MABUTI at gising ka na. Gigisingin sana kita, dahil baka gutom ka na.." bungad ni Michael kay Lucy nang lumabas siya ng silid niya. Naabutan niyang naka-upo sa sofa si Michael at agad itong tumayo pagkakita sa kaniya. Alanganing ngiti ang sumalubong niya sa mga mata nito. Sa katunayan naaantok pa siya, pinilit niya lang ang sariling gumising dahil sa pangangalam ng sikmura niya. Mas lalo siyang nagutom nang marinig ang salitang iyon mula sa lalaking kasama niya sa silid na iyon. ”Mag-aayos ka ba muna? O, okay ka nang ganyan?" tanong nito sa kaniya. "Okay na ako. Baka gutom ka na rin kaya lumabas na rin agad ako," aniya. "Ikaw nga ang inaalala ko, hindi lang kita makatok kanina dahil baka napasarap ang tulog mo." 'Bakit hindi ka ba natulog? Huwag mo sabihin sa aking hindi ka napagod at napuyat sa naging byahe natin." Hindi niya napigilan ang sariling makaramdam ng pag-alala dito. "Ang sweet naman, you cared for me—” Tila nat