Share

Chapter Four

HALOS katatapos lang ng live selling ni Lucy Pearl ng mga items nyang bagong bili sa Divisoria n'ong isang linggo- pinapaubos niya na lang ang lahat ng tinda niya para sa panibagong ititinda ulit na request ng mga regular costumers niya. Heto nga at nag-aayos na siyang pumasok, sa mga nag-mine kanina okay na ito para makapagbayad siya kahit papano sa kasera nila.

'Sabi ko na nga ba hindi mo talaga ako pababayaan,' masayang kausap ni Lucy sa larawang pakiramdam nyang nakatingin sa kaniya.

'Salamat ha,' aniya pa niya.

Masaya siyang pinagmasdan ang sarili niya sa isang maliit na salaming paborito niya- pangarap niyang makabili ng life sized mirror pero mahalaga naman ito sa kaniya kahit na hindi niya masyado nakikita ang sarili niya ang mahalaga may tinitingnan siya kung maayos ba ang mukha niya.

Umikot-ikot pa si Lucy, suot ang uniporme niyang pang-nurse, masaya talaga siya at hindi niya kayang ikubli iyon.

'Isang taon na lang kung malapit na ako sa finals,' nakangiti niyang bulong sa sarili.

Actually, hindi na siya makapaghintay na dumating ang araw na iyon, gusto niya na nga bukas na bukas na rin ang graduation niya at board exam na agad para makita nya na ang lahat ng resulta ng mga sakripisyo, pagod at hirap niya.

'Walang short cut sa tagumpay, Lucy.. Darating tayo diyan,' ani ng kanyang sarili.

'Ang mabuti pa umalis na tayo, para naman maipadala mo na agad ang mga parcel at makapagbayad ka na kay Aling Lumen at nang mabawasan ang stress mo sa buhay,' natatawang aniya pa.

Iyon nga ang ginawa ni Lucy, mabilis siyang nag-gayak at tuluyang umalis pagkatapos i-check ang lahat ng dapat niyang niyang tingnan bago umalis lalo na ang mga nakasaksak niyang appliances, wala naman siya nito dahil maliit na rice cooker, plantsa, ceiling fan ang mayroon siya sa maliit na silid na iyon.

Masayang lumabas ng silid si Lucy, alam niyang wala si Manang Lumen sa labas dahil bukod sa maaga pa ay nasa apo ito at nagbabantay dahil toka ito madalas- lunes lang talaga sila madalas magkita at tsamba nga nagdaang-araw.

'I have this feeling that is my lucky day..' positibong bigkas ni Lucy sa sarili niya; una muntik na maubos ang lahat ng tinda nyang terno na pajama, pangalawa wala si Aleng Lumen sa balkonahe nito na dinadaanan niya at pangatlo maayos ang unipormeng kakabili niya lang tatlong araw pa lang ang nagdaan. Hindi nga siya makapaniwala dahil cash niyang binili ito sa universidad, walang installment basis na pinagtakhan niya rin.

'God is always provide, iyon nga lang nahuli lang talaga ang kasera ko.' bulong niya sa sarili. Kung hindi niya naman kasi uunahin ang mga xerox ng librong hihiramin niya kay April ay bayad na ito, study first kasi ang nais niya kaya pinagpaliban niya muna ang kasera.

'Bibilhan ko na lang ng mango pie si Aleng Lumen kapag bayad na ang mga parcel ko,' mabait niyang aniya sa sarili niya. Mabait nanan talaga si Lucy at punong-puno ng pag-alala sa mga tao sa paligid niya- iyon naman ang kagandahan sa kaniya bilang isang magandang nilalang na madalas niyang biro sa sarili.

"LUCY.. LUCY..."

HINANDA ni Lucy ang matalim na tingin nang paglingon niya, walang iba kun 'di si Angelo na naman ang makulit na transfer students sa universidad na 'to. Hindi niya nga alam kung bakit madalas siya nitong natyetyempuhan sa lobby kapag dumadaan siya papunta sa department nila.

"Ano na naman ba?" mataray niyang tanong dito.

"Maganda ang araw ko, Angelo.. Por pabor huwag mong sirain," Hindi niya alam kung bakit sa tono ng boses niya nandoon ang pakiusap.

Iniwas niya ang tingin niya rito nang nakita niyang ngumiti ito sa harap niya.

"May nakapagsabi na ba sa iyo na ang ganda-ganda mo lalo na kapag nagtataray ka, Lucy?"

Imbes na sagutin ito napailing-iling na lang siya sa kakornihan ng lalaking 'to- mahilig siya sa k-drama at Turkish-drama kaya malamang luma na ang hirit na iyon para sa kaniya kung sa mga pelikula o palabas - kumita na -

"Wala ka na bang sasabihing matino? Kailangan ko nang umalis at may gagawin pa akong mahalaga, Angelo."

"Pinaglihi ka ba sa snow ha? Bakit ba ang cold cold mo sa akin? Dati ka bang aircon sa past life mo, Ms. Lucy Pearl?" Natatawang aniya nito sa harap ko.

Awtomatiko ang pagtaas ng kilay ko, alam kong sa tono at mga lumalabas sa bibig nito mukhang hindi na naman maganda ang mga susunod niya pang sasabihin.

"Ang alam ko kasi mainit naman sa hell.." tawang-tawang bigkas nito.

Tinaas ni Lucy ang mga kamay niya't sumenyas na lumapit ito sa kanya.

"Kapag hindi mo ako titigilan talagang mapupunta ka sa hell, Angelo.. dahil kakausapin ko si kamatayang sunduin ka na at ibagsak ka d'on! Siraulo!" Pikon na pikon niyang sambit dito. Ang siste tumawa lang ito nang tumawa sa mga sinabi niya.

"Bwisit! Sira-ulo!" Pigil ang sariling isigaw niya sa harap nito, mabilis siyang nag-martsa paalis sa lugar na iyon kung hahayaan niya ang lalaking iyon masisira lang ng tuluyan ang araw niya't ayaw niyang mangyari iyon.

"WHAT ARE YOU DOING HERE?"

"AY GWAPONG PALAKA!" GULAT ang naramdaman ni Lucy nang bigla na lamang siyang may narinig na boses sa isang tabi nang pumunta siya ng rooftop- nagtataka pa siya at prenteng nakaupo ang lalaking ito sa sahig na may isang karton na nagsisilbing salumpuwit nito.

"Cutting class again, Young lady?" Dugtong pa, habang nakaupo pa din at nakatingin lang sa gawi niya kung saan siya nakatayo ngayon. Mabuti na lang at hindi siya sumigaw agad at kung ano-anong pagmumura na naman ang lalabas mula sa mga bibig niya.

"Teka lang.. Ang alam ko ikaw lang may-ari ng eskwelahan na 'to.. Pero teritoryo ko 'tong rooftop ako ang may-ari nito akin 'to! Asungot ka dito!" Puno ng pagtataray niyang untag dito. Sinundan niya ng tingin ang lalaking tumayo mula sa pagkaka-upo nito kanina.

'I-la-lock na naman ba ako ng siraulong 'to?'

"Do you want to shout? Do you want to ease your burden? Go ahead. I will let you! Hindi kita isusumbong!"

Napakunot-nuo si Lucy- sino naman ang demonyong sumapi sa katawang lupa nito at mukhang nagbago ang timpla ng hangin?

"Just leave me here! Just leave me here.. thats all I want.." tuwid niyang sabi sa mga mata nito kahit na kailangan niya pang tumingala para lang matingnan ito.

Napalunok si Lucy nang bigla na lamang itong pumunta sa paborito niyang gawi- likod ang bahagi n'on kaya ang tanging nakikita niya ay ang mga naglalakihang building.

'Tatalon ba siya sawa na ba siya sa pera niya?' tanong ni Lucy sa sarili nang napansin niyang pumatong ito sa isang tumbang hollow blocks na nar'on na madalas niyang pinapatungan para matanaw niya ang gusto niyang tingnan madalas.

"Come here. Just shout! Magmura ka kung gusto mo. Halika ka!" Narinig niyang tawag nito sa kaniya.

Isa pang paglunok ang pinakawalan ni Lucy sa sarili habang nakapako ang tingin sa lalaking 'to.

'Kung siya naman kaya ikulong ko dito? Makaganti man lang!' pilyang bagay na naisip niya.

"No thanks.. I change my mind.. Bye. Tc." natatawang bigkas ni Lucy sa lalaki.

'Lintik lang ang walang ganti ngayon, Archangel!'

Mabilis ang ginawang pagkilos niya hanggang sa nakalabas siya- ginawa niya ang maitim na plano niya; pinili niyang mag transform bilang si Lucifer at hindi siya nagdalawang-isip na i-lock ang lalaking iyon.

'Its a tie! Quits na tayo, Mr. Koroko!' natatawang huling salitang nasambit niya sa sarili bago tumalikod at tuluyang bumaba na parang walang nangyari.

_____

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status