Share

Chapter Five

LAKAD takbo ang ginawa ni Lucy tuluyan lang siyang makalayo sa lugar Kung saan pinili niyang ikulong ang lalaking iyon. Wala siyang pakialam kahit na ito pa ang presidente ng Pilipinas ang mahalaga sa kaniya ngayon ay nakaganti na siya at patas na silang dalawa.

'Beh buti nga! Beh buti nga sa iyo..' Natatawa niya pa ring sambit sa sarili habang panay ang pagmamadali niya. Walang dapat makakita sa kaniya na magpapatunay sa ginawa niya rito.

'Paano kung magsumbong siya, Lucy?' kastigo sa kaniya ng sarili niya.

Ano naman kung magsumbong siya? Wala siyang pake; kahit na sa scholarship mong may tendency na mawala kapag nangyaring malaman ng lahat ang ginawa mo? dugtong pa.

Doon nakaramdam ng bahagyang kaba si Lucy sa puso niya. Paano nga kung mawala ang iniingatan niyang scholarship sa ginawa niya rito? Kaya niya ba? Patuloy sa pakikipag-usap niya sa sarili niya.

Isang paglingon ang pinakawalan ni Lucy sa gawi kung saan naroon papunta sa rooftop.

Sunod-sunod siyang napalunok.

'Hindi naman makatarungan kung gagawin niya sa akin 'yon? After all siya naman talaga ang nauna kung bakit gumanti lang ako ngayon eh. Siya iyong may mali at hindi ako.' Patuloy ko sa kumbinse sa sarili ko.

'Balikan ko na lang kaya siya at buksan? Pero baka kapag ginawa ko iyon mas magalit siya sa akin.' aniya ng konsensya niya.

Napakamot si Lucy sa sentido niya sa hindi malaman kung ano ang dapat niyang gawin nang makahinga siya nang maluwag dahil sa nakita niya ang janitor ng eskwelahan nila. Tinawag ito ni Lucy at sinabi niya ritong may narinig siyang tao sa rooftop, na baka may na-lock d'on- pagmamaang-maangan niya.

Tumalima naman ito at sinunod ang mga sinabi niya.

Pinili niyang dumiretso na sa klase niya, ayaw niyang ma-late ngayon. Inspired pa naman siyang pumasok kanina dahil sa bagong uniform niya- naisip niya na naman si Angelo at ang gigil na naramdaman dito kanina kaya siya nagawi d'on sa teritoryo niya't hindi inaasahan ang lalaking naroon.

'Kasalanan niya kung bakit siya nakulong d'on at inosente ako 'no.' Patuloy niya sa pakikipag-usap sa sarili niya hanggang sa makapasok siya sa loob ng classroom nila.

"Saan ka galing?" Bulong sa kaniya ni April nang tumabi siya rito.

"Traffic," maiksing tugon niya ritong may halong pagsisinungaling.

"Never ka na-late, Lucy, kaya huwag kang magsinungaling sa akin. Rooftop 'no?" ani naman nito sa kaniya.

Kilalang-kilala na talaga siya ni Lucy, wala na talaga syang maitatago dito simula't sapol. Mabuti na lang at wala pa ang professor nila kaya hindi naman talaga siya late kung tutuusin- iyon nga lang madalas talaga siyang nauuna sa lahat dahil nakahiligan niya nang mag-advance study palagi

"Rooftop.."

"Sinasabi ko na nga ba eh. Stress ka na naman 'no? Ang aga mo mag live selling kanina eh. Alas cinco pa lang yata 'yon," sambit nito sa kaniya.

Tama si April, maaga talaga siyang nagtrabaho pag gising niya pa lang dahil gusto niyang makarami agad bago siya pumasok.

"Money matters?" Mahinang tanong sa kaniya ni April. Sinadya nitong hindi iparinig sa ilang kamag-aral nila lalo na sa tatlong classmate nilang felling mga - Disney Princess -

"Delay ako sa bayad sa boarding house, Pril, kaya todo grind ako ngayon para matapos na problema sa akin ni Aleng Lumen," aniya rito.

Ngumiti nang maluwag sa kaniya si April, nagulat pa siya nang may kinuha ito sa bag nito- wallet ito at mula r'on may nilabas itong iilang libong inabot ng lihim sa kaniya.

"Gamitin mo na muna 'tong pambili ko ng libro sa susunod na linggo.."

"Pero, A-April.." Subok niyang pagtanggi nang iabot nito ang pera sa mga palad niya.

"Huwag mo akong alalahanin, Lucy. Mas kailangan mo ngayon iyan. Ayaw kong ma-stress ka lalo na sa pera, kaya tanggapin mo na 'to.." Pagpipilitan nito sa kaniya.

"Sigurado ka ba?"

"Alam ko naman na maibabalik mo rin agad sa akin yan, kilala kita, Lucy. Sige na. Kunin mo na iyan."

Maingat na nilagay ni Lucy ang pera sa wallet niyang bigay din nito sa kaniya n'ong nag-birthday siya.

"Ibabalik ko agad sa iyo 'to, ipapadala ko agad ang mga items na binili sa akin para maibalik ko agad sa iyo."

"Hindi ako nagmamadali. Masaya akong nakakatulong sa 'yo, Lucy."

"Maraming salamat ha."

Niyakap niya si April, bilang pagpapasalamat niya rito. Nang mapako ang tingin ni Lucy sa biglang dumating sa room nila- ang professor nila at may lalaking nakasunod ditong hindi siya pweding magkamali dahil ito ang lalaking kinulong niya sa rooftop.

Iniwas ni Lucy ang tingin niya nang mapansin niyang nandoon ang sulyap nito sa gawi nila; patay na, aniya pa niya. Kaya ba ito naroon ngayon dahil nagsumbong ito? At malilintikan na naman siya.

"Good morning, Class.."

Panimulang pagbati ng Social Science proffesor nilang si Mr. Agassi. Muling napalunok si Lucy nang muli siyang mapatingin sa lalaking naroon pa rin ang tingin sa gawi nila ni April sa likuran kahit ilang upuan ang pagitan bago sila.

"As you can see, kasama ko ngayon si Mr. Michael Archangel Santiago the owner of this university- ang nag-iisang tagapagmana ng namayapa nyang abwelong si Don Arthur Santiago.." ani pa ni Mr. Agassi.

'Napakaraming pasakalye! Hindi na manabon kung gusto akong sabunin!' mataray na bulong ni Lucy sa sarili kasabay pa ang pag-ikot ng bolang itim sa mga mata niya.

"And, he's here bilang magiging bagong proffesor n'yo sa subject na 'to.. Mr. Archangel, graduated his masteral in Amsterdam."

Napatingin nang tuwid si Lucy sa gawi ng mga ito.

'What? Ang koroko na iyan ang magiging proffesor namin?' sambit niya sa sariling hindi makapaniwala sa mga narinig.

Hindi nakaligtas sa kaniya ang excitement ng mga babaeng kaklase niya sa harapan nila ni April sa lahat ng mga narinig mula kay Mr. Agassi.

"But it's temporary, siguro mga ilang buwan lang ito habang nasa bakasyon si Mr. Agassi. It's that clear? Everyone?" Narinig niyang aniya ni Archangel sa buong klase nila.

Masaya namang sumagot ang mga itong -clear- na may pagpapa-cute pa.

"Huwag kayong mag-alala, I'll be good to you, Guys. As long as, hindi kayo nang-la-lock ng tao sa rooftop! Okay?"

Narinig ni Lucy ang lakas ng tawanan sa loob ng classroom. Samantalang siya sunod-sunod ang paglunok ang pinakalawan niya sa sarili nang marinig ang mga sinabi nito- muli itong tumingin sa gawi niya na parang may pagbabanta pang..

- We're not done yet - Lagot ka sa akin!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status