Share

Destined to be the Billionaire's Wife
Destined to be the Billionaire's Wife
Author: Anne

Chapter 1

CHAPTER 1

"Dad seryoso po ba kayo sa sinasabi nyo? Ipapakasal nyo ako sa isang lalake na hindi ko naman po kilala," inis na sabi ni Ayesha sa kanyang ama.

"Anak pasensya ka na talaga pero kailangan natin itong gawin dahil walang ibang makakatulong sa atin ngayon kundi ang pamilya Madrigal lamang. Kaya anak pakiusap pumayag ka na. Para rin naman ito sa pamilya natin," sagot ni Daniel sa kanyang bunsong anak na si Ayesha.

"Pero dad ni hindi ko nga po kilala ang lalaki na yun," pagmamaktol pa ni Ayesha. "Dad baka naman po may iba pang paraan para hindi tuluyang bumagsak ang kumpanya natin at hindi ko na po kailanganin pa na magpakasal sa lalaki na yun," pakiusap pa nito sa kanyang ama.

"Pasensya ka na anak pero wala ng iba pang paraan dahil nalulugi na ang ating kumpanya.. Kaya sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mong magpakasal sa kaisa isang anak ng pamilya Madrigal para maidalba pa natin ang ating kumpanya," pinalidad na sabi ni Daniel sa anak bago nya tinalikuran si Ayesha at ang kanyang asawa.

Naluluha na lamang si Ayesha dahil sa sinabi ng kanyang ama. Ayaw naman nya itong suwayin pero hindi nya alam ang gagawin nya sa pagkakataon na ito dahil ibang usapan na ang pagpapakasal dahil matatali na sya rito. Pangarap din naman nya na makapag asawa pero sa taong mahal nya at hindi dahil sa isang arrange marriage.

Agad naman na linapitan ni Rita ang kanyang anak ng umalis ang kanyang asawa.

"Anak sorry ha. Alam kong kasalanan ko ang lahat ng ito. Pasensya ka na kung ikaw ang kailangan na magsakripisyo para lamang sa ating kumpanya," sabi ni Rita sa kanyang anak. Naaawa namang tinitigan ni Ayesha ang kanyang ina.

"Mom it's okay. Ang hirap lamang po talagang tanggapin na ikakasal ako sa taong hindi ko naman po mahal at ang worst pa po ay ni hindi ko man lang po ito makikilala muna bago kami ikasal. Pero wag po kayong mag alala mom kaya ko po ito," pilit ang ngiti na sagot ni Ayesha sa kanyang ina.

"Pasensya ka na talaga anak," muling sabi ni Rita sa kanyang anak at hindi na nya napigilan pa na maluha. Totoong nagsisisi naman sya sa kanyang nagawa dahil hindi nya akalain na darating sila sa puntong ito. Agad naman syang yinakap ni Ayesha para aluhin.

"Wag na po kayong umiyak mom. Kaya ko po ito wag po kayong mag alala sa akin" sabi pa ni Ayesha sa kanyng ina.

Bunsong anak ng mag asawang Daniel at Rita Salcedo si Ayesha. Bunso si Ayesha sa kanilang tatlong magkakapatid at lahat ng kapatid nya ay may kanya kanya ng pamilya kaya ngayon ay sya ang hiniling ng pamilya Madrigal na maikasal sa kaisa isa nilang anak.

Nabaon kasi sa utang ang pamilya nila Ayesha dahil sa nalulong sa casino ang kanyang ina at hindi na nito namalayan na halos maubos na pala nya ang pera nila dahil sa pagcacasino. Pati tuloy ang kanilang kumpanya ay nadadamay dahil sa unti unti na itong nalulugi. Sobra namang nagsisisi ang ina ni Ayesha ngayon dahil sa nangyayare sa kanilang pamilya pero wala naman ng magagawa pa ang sorry nito dahil nangyare na ang nangyare at nabaon na nga sila sa utang.

Nang malaman ng pamilya Madrigal ang nangyayare sa kumpanya ng pamilya Salcedo ay agad na nilang kinausap ang mga ito.

FLASHBACK

"Handa kong tulungan ang inyong kumpanya pero may hihingin akong kapalit ng pagtulong namin sa inyo," sabi ni Rico sa mag asawang Daniel at Rita. Sinadya pa talaga nila Rico at Shiela ang mag asawa sa opisina ng mga ito para lamang makausap nila ng masinsinan ang mag asawa.

Matagal na rin naman na magkakilala sila Daniel at Rico dahil nga pareho silang nasa mundo ng pagnenegosyo kaya agad na nalaman nila Rico ang tungkol sa nangyayare sa negosyo ng pamilya Salcedo.

"A-Ano ang gusto nyong maging kapalit ng pagtulong nyo sa aming kumpanya?" nauutal pa na tanong ni Daniel kay Rico.

"Balita ko ay mayroon pa kayong dalagang anak. Kaya gusto ko sana na maikasal ang inyong anak sa kaisa isang kong anak na lalake," seryosong sagot ni Rico sa mag asawa.

"Ha? Sandali lang bakit nadamay rito ang aking anak?" kunot noo na tanong ni Daniel kay Rico.

"Simple lang dahil gusto na namin na mag asawa ang aming unico hijo. Pero wala pa kaming napupusuan na mapapangasawa nya at wala pa rin naman syang ipinapakilala sa amin na nobya nya kaya nagpasya na lamang kaming mag asawa na kami na lamang ang gagawa ng paraan para makapag asawa na ang aming anak," seryosong sagot ni Rico sa kaibigan.

"P-pero hindi ako s-sigurado kung papayag nga ang aming anak sa gusto nyong mangyare. Baka naman may iba pa kayong gustong hingin na kapalit sa pagtulong nyo sa aming kumpanya," sagot ni Daniel.

" Tsk. Hindi ko na problema ang bagay na yun. Pero iyon lang ang gusto kong kapalit ng gagawin naming pagtulong sa inyong kumpanya kaya pag isipan nyong mabuti kung tatanggapin nyo ba o hindi ang alok namin sa inyo. Kayo na rin ang bahalang magkumbinse sa anak ninyo. Kayo rin naman ang makikinabang sa bagay na ito. Oras na pumayag kayo sa gusto naming mangyare ay agad na naming aayusin ang problema ng inyong kumpanya," seryosong sagot ni Rico sa mag asawa.

Nagkatinginan naman ang mag asawang Daniel at Rita.

"S-sige. P-pag uusapan muna namin ang tungkol sa bagay na yan dahil hindi rin naman basta basta ang inyong hinihinging kapalit dahil anak namin iyon," sagot ni Daniel.

"Naiintindihan ko naman kayo. Madali naman kaming kausap. Bibigyan namin kayo ng panahon para pag isipan ang tungkol sa iniaalok namin sa inyo pero sana ay hindi nyo na kami paghintayin pa ng matagal," sagot ni Rico.

"S-sige pag iisipan naming mabuti ito.. Maraming salamat," nauutal pa na sabi ni Daniel.

"Pag isipan nyong mabuti ang alok namin. Mapapabuti naman ang anak nyo sa amin wag kayong mag alala dahil hindi naman namin sya pababayaan at isa pa ay mabait naman ang anak namin sadyang may pagkamasungit lamang talaga sya kung minsan," sabat naman ni Shiela.

"M-maaari ba naming makilala ang anak nyo para na rin makilala sya ng aming anak at mapapayag namin sya sa gusto nyong mangyare," sabat naman ni Rita.

"Pasensya na kayo. Pero ang gusto sana naming mangyare ay sa mismong araw na lamang ng kasal sila magkikita ng aking anak," sagot ni Shiela.

"What? P-pero bakit?" gulat na tanong ni Rita dahil baka lalong hindi nila mapapayag ang kanilang anak dahil hindi man lang nito makita o makilala muna ang mapapangasawa bago ikasal.

"Iyon kasi ang gusto ng aming anak para mapapayag namin sya na makapag asawa. Aware naman sya sa gusto naming mangyare yun nga lang ay yan ang gusto nya na sa mismong araw ng kasal na lamang sya makikita ng mapapangasawa nya," sagot ni Shiela.

"Pero baka lalong hindi pumayag ang anak namin. Baka naman pwede nating pakiusapan ang anak nyo na magkita sila ng aming anak para naman magkakilanlanan muna sila bago sila matali sa isa't isa," pakiusap pa ni Rita.

"Yan ang gusto ng aming anak kaya wala rin kaming magagawa kundi ang pagbigyan sya sa bagay na yan para mapapayag namin sya sa gusto naming mangyare," sagot ni Shiela.

Napabuntong hininga na lamang si Rita at wala rin naman talaga silang magagawa kung yun ang gusto ng anak ng mag asawang Madrigal dahil kung tutuusin ay sila ang may kailangan sa mga ito kaya hindi na sila dapat na magdemand pa.

END OF FLASHBACK

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maecel_DC
Sino kaya ang poging mapapangasawa ni Ayesha?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status