Natasha Del Mundo suffered from the most painful heartbreak in college. Kaya naman hirap na siyang magtiwalang muli sa iba. But one day, she got a text message telling, "Can you be my textmate?" Napataas ang kilay niya. Sino pa ba naman ang makikipag-textmate sa panahong iyon, na uso na ang chat? At papaano nakuha ng kung sinong poncio pilatong iyon ang number niya? However, instead of avoiding who he is, she finds herself texting back. But until one day, she met Cedrick Thompson; the most successful billionaire-engineer and a businessman. A man that could easily get what he wants. Pero hindi iyon uobra kay Natasha. Kahit ito pa ang pinakamayamang nilalang sa balat ng lupa, hindi siya papatol sa lalaking nuknukan ng antipatiko. Never! Pero bakit ganoon? Kahit anong iwas niya kay Cedrick, he still got into her nerves. Ang masama pa noon, pareho siyang nahuhulog sa lalaki at sa ka-textmate niya. Sino ngayon ang pipiliin niya?
View MoreNagmadali umuwi si Cedrick pagkatapos ihatid ang dalaga sa tinutuluyang boarding house, dahil sa isang papeles na kailangan niyang ipasa kinabukasan sa isang supplier para sa bago niyang itatayong condo sa Makati area. Tinawagan niya ang kan'yang secretary para ipasa ang soft copy nito sa email. Nasalubong niya ang ina sa hallway, bago siya pumasok ng kwarto niya."Akala ko ba isasama mo si Natasha?""Bukas na lang po para makapagpahinga siya. May tatapusin lang akong layouts at dokumento para sa project na itatayo namin.""Siya, sige. Kami ng daddy mo ay matutulog na."Humalik siya sa ina bago tuluyang pumasok ng silid. Mabilis siyang nagbihis at pumunta sa opisina. Alas-nuebe na nang gabi at madami-dami rin iyon.Nasa kalagitnaan ng trabaho, tumunog ang cell phone niya.Athena!Hindi ito pinanasin saka binalik ang isip sa ginagawa. Pero makulit ito."Yes, Athena? What is it?""Whoa! Gan'yan
Kahit kinakabahan, gusto niyang malaman ang totoo. Sana mali siya. At kung iisa lang ang lalaking minahal niya at ang ka-text niya, hindi niya alam kung anong gagawin. Pagbukas ng elevator, hinanap niya ang lalaki pero wala ito sa lobby. May lumapit sa kan'yang dalawang men in black."Ma'am Natasha, sumama po kayo sa amin. Pinapasundo po kayo ni Boss Ken," bulong ng isa.Nakangiti ang mga ito.Nagtataka siya at tumingin sa phone niya."I have two bodyguards there. Go with them." Hindi niya alam kung anong bang mayroon.Tumingin siya sa dalawang lalaki at sumunod dito.Isang eleganteng limousine car ang naghihintay sa labas, saka inalalayan siyang papasok. Bahala na kung sino ito. Mukhang mabait naman ang mga tauhan ni Ken.Isang exclusive restaurant ang narating nila. Parang naka-reserve lang iyon para sa kanila at walang mga tao. "Ma'am., pasok na po kayo. Naghihintay na si boss sa loob," w
Gusto niyang sumagap ng sariwang hangin. Ayaw muna niyang umuwi ng bahay. Gusto niyang tawagan si Alexa, pero wala siyang phone. Naiwan niya iyon. Kaya naglakad-lakad muna siya sa isang parke na hindi niya alam kung saan. Marami namang tao na naglalakad pero mga foreigner ang mga ito.Naliligaw na ba siya?Ang alam niya bumaba siya ng The Fort, pero hindi niya alam ang pasikot-sikot doon. Tumingin siya sa relong nasa bisig. Alas-singko na nang hapon at halos limang oras na siyang naglalakad doon. Kahit nakararamdam ng gutom hindi niya iyon pinansin. Hanggang may bumangga sa kan'yang babaeng naka-hood.Napatitig siya rito .Athena!"Wow! Small world!" palatak nito. "Hindi ba ikaw ang babaeng kasama ni Cedrick last time and slash secretary ni Tito Leopoldo?" ismid nito.Umiwas siya rito. Bakit andito ito? Baka kasama nito si Cedrick. Mabilis siyang tumalikod, pero hinila nito ang braso niya."Bastos ka rin noh! K
Pagkahatid ng binata sa kaniya sa boarding house, nagmamadali itong umalis. Naalala niya ang sinabi ni Athena na puntahan ito ng lalaki sa pad nito."Babe, sleep early. Huwag na magpuyat. Sunduin kita bukas ng umaga. I love you. Good night."Ngumiti lang siya at hindi sinagot ang sinabi ng binata."Sige mag-iingat ka. Good night!" Matamlay na tumalikod siya sa binata at binuksan ang pinto."Babe, you didn't answer me. I said, I love you." Hinila siya nito paharap."Gabi na. You need to rest."Magpapahinga nga ba ito kung pupunta ito sa pad ng Athena na iyon? bulong sa sarili niya.Hindi naman niya hawak ang oras at isip nito, kaya wala siyang magagawa. Maganda si Athena kumpara sa kaniya at kahit sinong lalaki, pwedeng mahumaling sa kagandahan nito."Are you mad at me?"Narinig niya ang pagbuntonghininga ng lalaki."Sige na, good night. And I love you, too. Ingat sa pag-d-drive." Yumakap siya s
Balik opisina na siya pagkatapos ng opening ng resort at limang araw na bakasyon.Mula kahapon hindi na siya tinigilan ng binata na maghatid at sundo sa kaniya papasok ng opisina. Katulad ngayon, pagkaupo niya sa table, nagpaalam ito na kakausapin ang ama."Sabay na tayo mag-lunch mamaya, babe," wika nito bago pumasok sa opisina ng ama.Ngumiti lang siya.Ayaw niyang magpahalata sa mga tao sa opisina na may relasyon sila ng binata maging sa ama nito. Hindi pa siya handa.Halos mag-l-lunch na nang matapos ang meeting ng mag-ama. Mukhang seryosong-seryoso ang dalawa. Narinig niya tumunog ang telepono."Thompson Builders Corporation, this is Natasha. Can I help you?""Can I talk to Tito Leopoldo?" anang tinig mula sa kabilang linya."I'm sorry, Ma'am, he has a meeting right now. If you have a message, please leave it to me or you can call after fifteen to twenty minutes?" magalang niyang wika dito.
Pagpasok sa banyo ng binata sinubukan niyang lumabas sa kwarto pero hindi niya mabuksan ang pinto. Hinanap niya ang lock button pero wala ito. Pagtingala niya may nakita siyang isang sensored red light.Sensored ang pintuang ito? Bulong niya sa sarili.Sibukan niyang i-adjust ang sarili at tumapat doon pero ayaw bumukas. Napagod na siya kaya hinawi na lang niya ng kurtina, saka tumanaw sa malawak na karagatan.Mula sa kinatatayuan niya makikita ang asul na tubig at luntiang kapaligiran. Talagang mala-paraiso ito. Panalo na ang mga Thompson sa pagbili ng resort na iyon.Ang mala-maldives nitong buhangin at mga naggagandahang cottage ay nakatutuwang pagmasdan. Perfect lagyan ng mga jetski at mga sasakyang pang-sports ang resort na iyon.Iba talaga ang mayayaman, isang pitik lang ng kamay mabibili na ang gusto nila.Nasa ganoong pwesto siya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto sa banyo."Like the view, babe?" Tinig mula
"Happy Fiesta! Viva Sr. San Isidro Labrador"Ito ang makikita sa daan paglabas sa simbahan. Napakaraming banderitas ang makikita sa kahabaan ng kalsada na kulay dilaw. May mga sari-saring prutas ang nakaparada kasabay ng Patron San Isidro. Kasunod ang mga masasayang tugtugin. Masasaya ang mga tao sa paligid at maraming palaro."Babe, you have a nice place here," bulong ni Cedrick sa kaniya.Siniko niya ito."Nasa likuran si Nathaie at sila Tatay."Ngumiti ito, saka lumingon."Ate, maraming palaro ngayon si Kapitan. Una, boat race sa may resort mo, Kuya. Halika kayo manood tayo," wika ni Nathalie.Sumunod sila rito. Puno ng taong naghihiyawan sa gilid ng dalampasigan at may tinanghal ng panalo. Napadako naman sila sa isang palaro na kung tawagin ay palosebo. Limang punong kawayan ang nakahilara at mag-uunahang akyatin at kunin ang premyo. Maging ang katabi niyang binata ay napahiyaw sa saya nang may maunang maka
Kinabukasan bisperas ng piyesta at abala ang lahat sa pagluluto.Tinanghali siyang nagising at wala na ang kapatid sa tabi niya. Halos alas-kwatro na ng umaga siya nakatulog. Kaya nang tumingin siya sa orasan, alas-onse na ng umaga. Napahilamos siya ng mukha.Ako yata ang may hangover! Bulong niya.Inayos niya ang kama saka lumabas ng kwarto."Good morning sa ate kung sleeping beauty! Katagal mo namang magising, ah. Ayon, umalis na tuloy ang prince charming mong may hangover." Malawak ang ngiti ni Nathalie nang masalubong niya ito sa salas. "Tapos na nila lutuin ni tatay ang litson. Maliligo raw muna siya at sinundo ng tauhan niya. Pero may kasamang magandang babae ito." Nagkibitbalikat ang kapatid niya.Nakasimangot siyang nilampasan ito."Mukhang sweet 'yung dalawa kasi umakbay siya sa babae, Ate," dagdag pa ito."Ano naman ngayon? Buhay niya iyon kaya huwag nating pakialaman. Ikaw, may maitsismis ka lang. Tsk. . . tsk
"Babe? Something's wrong?" Pinisil nito ang kamay niya.Boses pa lang ng binata, kahit lasing, talagang malakas na ang hatak sa pagkatao niya. Nasanay na siya na laging sumusulpot na lang ito sa harapan niya. Ayaw niyang masanay, pero hinahanap na niya nag presensiya ng lalaki, kahit ang endearment nito sa kaniya. Parang normal na lang. Masarap pakinggan na parang gusto na niyang nasa tabi lang ito palagi."Babe. . . I'm sorry kung mabilis. Pero ikaw talaga ang tinitibok nito." Kinuha nito ang kanang kamay niya at itinapat sa dibdib.Napaatras siya at pilit binawi ang kamay. Tumingin siya sa paligid dahil baka biglang lumabas ang kaniyang ina at kapatid."Sir—" "Stop calling me sir. I am not your boss." Hinapit nito ang beywang niya.Napakagat-labi siya."And how many time did I warned you not to bite your lips. Please. . . baka makalimot akong narito tayo sa kubo ninyo." Inilapit nito ang mukha sa kaniya. Amoy niya ang alak na ininom nito, pero mas lamang pa rin ang mabangong hinin
Masayang nag-uusap ang mga estudyante sa isang kubo kung saan nag-aaral si Natasha ng kolehiyo. Pinag-uusapan nila ang hirap ng exam na ibinigay ng kanilang professor kani-kanina lang. Habang ang iba sa di-kalayuan ay kasama ang kanilang mga kasintahan na nakikinig ng musika.Ika-apat na taon na n'ya sa paaralang iyon. At ilang buwan na lang ay makukuha na niya ang degree na matagal na niyang inaasam. Saksi ang paaralang iyon sa lahat ng mga paghihirap, sakripisyo at sakit na kaniyang naranasan maitawid lang ang buhay bilang isang mag-aaral."Alam mo ba Carol, graduating na ngayon ang boyfriend ko at halos wala na siyang time para sa akin," boses ng isang mag-aaral sa harapan niya."Hayaan mo na. Nag-OJT siya di ba?" sagot ng babaeng kasama nito."Oo nga. Pero parang iba na siya ngayon. Hindi man lang dumadalaw sa boarding house para kumustahin ako," muling wika nang naunang babae sa madamdaming tinig.Umiling siya sa narinig. Sa tantiya niya mga freshmen pa lang ang mga ito. At pag-i...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments