Cedrick Thompson. Isang sikat na engineer at may-ari ng malalaking gusali na itinatayo sa bansa. Popular na endorser ng ilang sikat na clothing brand abroad. May pagkamatinik sa mga babae, at isang sikat na artista sa showbiz sa ngayon ang na-l-link dito.
Sa estado ng buhay binata, pakiramdam niya kompleto na ang buhay niya. Lahat nakukuha niya, maging negosyo man o mga babae. Nagtayo siya ng isang coffee shop, dahil sa request ng ilang kaibigang mahilig sa ganoong lugar, lalo na kapag may mga hang-over, o kaya kapag may pag-uusapang importante. Malayo man sa linya ng mga negosyo niya ang isang iyon, pero sumubok pa rin siya. Naging successful naman ang opening noon. At ngayon, ang pinsan niyang si Michelle ang nag-aasikaso ng lahat doon. Naisipan niyang muling bumisita roon, isang taon na nakalipas. Iyon din ang huling bisita niya sa kaibigang si Alexis. Nasa ibang bansa siya ngayon para sa isang project na itinatayo ng ama at siya ang pinamahala nito sa building design. Ginawa talaga niya iyon para mapapayag ang ama sa susunod niyang malaking project pagbalik sa Pilipinas. "Cedrick, hijo, ayos na ba ang design na ilalapat sa rooftop?" boses iyon ng ama. "Yes, Dad. Actually, me and my team coordinated to board of director at pirma mo na lang ang kulang," sagot niya na nakangiti sa ama. Inabot niya ang isang folder sa ama. Nakita niyang pinasadahan nito iyon ng tingin. Sa awra ng mukha ng ama, masaya ito sa naturang disenyo. "Good! This is perfect, son! Kahit kailan hindi mo talaga ako binibigo." Tinapik siya nito sa balikat. "Thanks, Dad." Yumakap siya sa ama. "So, paano? Ibibigay mo na ba ang titulo ng lupa na gusto ko? Magandang gawing mall at mga condo ang property na iyon. Sayang naman kung nakatingga lang," wika niya sa ama. "Balak ng mommy mo na ipagawang private resort iyon at may blueprint na rin. Pero sang-ayon ako sa plano mo. Hahanap na lang ako ng ibang lugar para sa pagtatayuan resort. Lambingin mo lang mommy mo." Ngumiti ang kaniyang ama sa kaniya. Lumapad naman ang pagkakangiti niya sa sinabi ng ama. Mabilis lang namang lambingin ang mommy niya. Subalit, may nais pa siyang sabihin dito bukod doon. Isang desisyong nabuo sa isip bago umuwi. "Dad, tutal ayos na ang lahat dito. . . I want to go back in the Philippines," aniya sa ama. "Of course, son!" mabilis nitong pagpayag. Nawala naman ang agam-agam sa dibdib niya at ngumiti ritong muli. "If there's a problem here, call me immediately, okay?" pahabol niyang wika sa ama bago tumayo. Tumango ito, saka pa lang siya tuluyang lumabas ng opisina nito. "Yes! Another successful plan!" naisigaw niya sa hangin habang nakatanaw sa bintana. Inilabas niya ang ginawang design para sa pinakamalaking plano niya pagbalik sa Pilipinas. "Sir, tumawag na po ang clothing brand to set a meeting with you," boses iyon ng kaniyang secretary. "Cancel it. And tell them, I will not accept any endorsement until next year," seryoso niyang wika rito. "Alright, Sir. But I would just like to remind you that your contract will expire two months from now." "Then, don't sign any contract with them. Book a ticket back to the Philippines," utos niya rito. Lahat ng mga natitirang trabaho niya ay ipinaasikaso niya sa kaniyang sekretarya. Hindi pa naman niya talaga totally tatalikuran ang pagiging modelo. It's just that he has other priorities right now. At iyon ang proyektong binubuo niya sa isipan. Paglapag na paglapag ng eroplano, sinalubong siya ng pamilyar na simoy ng hangin doon. "Welcome back to the Philippines, Cedrick," malapad ang ngiting wika niya sa sarili. Nakita niya ang mga tauhan ng ina na nag-hihintay sa kaniya sa labas ng kanilang private plane. Umiling na lang siya. Sa edad niyang iyon, talagang mas gusto pa rin na b-n-baby siya ng ina. But that was too much for him. May sarili na siyang buhay at kaya na niyang kumuha ng sariling mga tauhan kung gugustuhin niya. Subalit, hindi naman pwedeng hindian ang ina. May kailangan pa siya rito, kaya pagbibigyan niya muna ito. "Mommy, I'm home!" malakas niyang sigaw mula sa salas. Nakita niya si Nana Rosing na abala sa paghahain ng mga pagkain sa dining. Malapad ang mga ngiting binati siya nito. "Maligayang pagbabalik, hijo!" masayang sabi ng matanda sa kaniya. "Salamat po. Nasaan po ang mommy?" "Pababa na iyon. Baka kasama niya ang secretary niya," Napakunot ang noo niya. Alam niya na may negosyo ang ina, pero never itong kumuha ng secretary dahil hands on ito sa lahat. Gusto nito perfect at malinis lahat ng trabaho, kaya walang tumagal na secretary dito. "Anak! Welcome home!" bulalas ng kaniyang ina na hindi niya namalayang nakababa na pala. Mahigpit siya nitong niyakap. Gumanti siya ng yakap dito "Parang stress ka ngayon Mom?" Umiling ito. "No. May inaayos lang kami ni Nasha na mga dukomento na ipapasa sa city hall," sagot nito. "May legal advisor tayo, Mom. Bakit hindi mo na lang sa kanila ipaayos ang mga iyon?" kunot-noong tanong niya sa ina. Ngumiti lang ito, na palihim niyang ikinataas ng kilay. Ano na naman kayang nasa isip ng mommy niya? "Kumain na tayo. Lalamig ang pagkain," pag-iiba nito ng usapan. Umiiling siyang sumunod dito. Ipinaghila niya ito ng upuan bago naupo sa tapat nito. "Mom. . ." tawag niya sa ina. "Hmmm. . ." Nilingon siya nito at inabutan siya ng pagkain. Tinanggap naman niya iyon, bago muling nagsalita. "Why don't you take a rest for a while? I mean. . . hindi ba pwede ka ng mag-retire? Ipamahala mo na lang sa iba ang mga negosyo mo. Enjoy your life from now on at kami na ni Kuya Gael ang bahala sa lahat," kumbinsi niya rito. "I'm still enjoying it, son." Hinarap siya nito. "Ikaw ba kailan mag-aasawa? Si Kuya Gael mo tatlo na ang anak. Eh, ikaw? Anong plano mo?" tanong sa kaniya ng ina. Napatigil siya sa pagsubo ng pagkain. "You're already thirty-two years old. My god Cedrick!" palatak nito. "Like what you've said, I'm still enjoying my life as a bachelor," walang gatol na sagot niya sa ina. "At kailan ka mo pa balak mag-asawa? Kapag hindi ko na kayang mag-alaga ng mga apo? Mag-isip ka na nga," gigil pa ring saad nito. "Kasalanan ito ng ama mo, eh. Kung hindi ka niya kinukonsente sa mga negosyong pinapasok mo, hindi sa na mangyayari ito," dagdag pa nitong sa asawa naman nabaling ang inis. "Mom. . ." awat niya rito. "Stop explaining yourself, Cedrick. I want you to marry soon," may pinalidad na sambit nito. Napabuntonghininga na lang siya. Naiinip na naman siguro ang ina niya sa bahay nila. Ito lang kasi ang naiiwan doon kapag may business trip sila ng ama. Tapos minsan lang makadalaw roon ang mag-iina ng kuya niya. "Mrs. Thompson, okay na po ang mga papeles para sa bubuksan ninyong flowershop. Aalis na po ako. Idadaan ko na lang po ang mga ito kay attorney," anang babaeng bigla na lang sumulpot sa kung saan. Napatitig siya rito. Maganda ang babae na may mga matang seryoso, labing mapupula at balingkinitang katawan. But. . . she looks so familiar. Saan nga ba niya ito nakita? Tanong niya sa sarili. "Salamat, hija. Sumabay ka na munang kumain sa amin." Tumayo pa ang kaniyang ina para lapitan ito. "Naku, hindi na po! Next time na lang po. May nag-hihintay rin po kasi sa akin sa labas. Niyaya akong mag-dinner," sagot nito sa ina niya. "Siya sige. . . Ikumusta mo na lang ako kay Alexis. Bakit ba hindi ka pa niya sinundo rito?" tanong ng kaniyang ina, na ikinatuwid niya ng upo. Alexis? Ibig sabihin. . . Nagtagal ang mga mata niya sa babae na sa kaniya rin nakatingin. May kung anong nag-flash sa kaniyang isipan habang ginagawa iyon. "Nga pala. . . nakalimutan ko. Ito nga pala si Cedrick. Bunso kong anak," pakilala nito sa kaniya at siya naman ang binalingan. "Anak, si Natasha. Hinihiram ko siya kapag ganitong weekend kay Alexis," anito. Marahan siyang tumango na hindi hinihiwalayan ng tingin ang babae. Ngumiti naman ito sa kaniya at nagpaalam na. Ilang sandali rin siyang natulala, pagkuwa'y. . . Si Natasha Del Mundo! Ang nagnakaw ng halik sa pisngi niya noong minsang um-attend siya ng birthday ni Alexis. Biglang may nabuhay na init sa katawan niya nang maalala ang gabing iyon. "Son, nakaalis na si Nasha. Wala ka ng tinititigan kundi kawalan," wika ng ina. Mabilis niyang ipinilig ang ulo. "How's Alexis?" biglang tanong niya sa ina. Pakunwa pa siyang busy sa pagkain upang hindi nito mahalatang nag-uusyuso siya. "Nasa opisina na siya ngayon ng dad mo. Siya ang namahala doon habang wala ang iyong ama." "You mean. . . nagtatrabaho na siya sa atin?" tanong niyang muli. "Yes. At sa sobrang busy mo hindi mo man lang nabalitaan," sagot ng ina. "I know na may trabaho siya. Pero noong tanungin ko kung saan, surprise daw," nakangiting sagot sa ina. "So, hindi na surprise ngayon." Natawa ito. Natigil naman siya sa pagtawa nang maalala ang dalaga kanina. So, magkasama silang dalawa ngayon? Alam niya na may pagtingin ang kaibigan dito noon pa man. Subalit hindi pa rin niya maiwasang hindi isipin ang babae. It was as if she was just right there, in the small corner of his brain. Huminga siya nang malalim. Sa kabilang banda, masaya siya sa kaalamang sa kompanya ng ama nagtatrabaho si Alexis. Malaking asset ito roon dahil magaling itong engineer. At dahil doon ay napanatag ang kalooban niya. Gusto niyang gumawa ng sariling pangalan sa larangan ng negosyong ginagalawan niya; na walang kahit anong tulong na magmumula sa ama. Kaya naman pabor na pabor na naroroon sa kompanya nila si Alexis. Mas malakas na ang loob niya ngayon, dahil alam niyang nasa magaling na kamay ang negosyo ng ama.Pumasok siya ng gusali na pag-m-may-ari ng ama, apat na araw ang nakaraan simula nang dumating siya sa Pilipinas. Gusto niyang surpresahin ang kaibigan. Pagpasok niya, seryosong mga mukha ng mga empleyado ang sumalubong sa kaniya. Bago siya makapasok sa silid ng kaibigan nakita niya ang isang pamilyar na mukha. Hindi siya nagkamali nang masulyapan ito sa malapitan. Nakatutok ang mukha ng dalaga sa monitor na seryosong-seryoso.Subalit ang ipinagtataka niya, hindi man lang siya napansin ng babae."Where's Mr. Alexis Boromeo?" seryosong tanong niya rito.Napaangat ito sa kinaupuan nang makita siya. Nakatulalang napatitig na lang ito sa kaniya na namumula ang magkabilang pisngi.Lihim siyang natuwa sa reaksyon nito."I said, where is Mr. Alexis Boromeo?" pag-uulit niya sa tanong kanina bago tuluyang lumapit dito. Nanatiling nakatingin lang ito sa kaniya, pagkuwa'y iniyuko ang ulo.Magsasalita pa sana siyang muli nang mula sa likuran niya ay may nagsalita."Pare, bumalik ka na pala? At
Pagdating niya sa bar nakita agad niya ang mga kaibigan. Wala pa roon si Alexis kaya, mabilis siya lumapit sa mga ito."Si Jane, soon-to-be my wife," pakilala ni Cyron sa kasama nito."This is Edz, my wife. Last year you attended to our wedding, right?" wika ni Marvin.Ngumiti siya sa mga ito."This is Jessica, my longtime girlfriend," ani Joshua."Sky, my girlfriend." Si JP naman.Isa-isa siyang nakipagkamay sa mga ito. As he looked into his friends' eyes, they were happily inlove with thier partners.Napabuntonghinga na lang siya. Nang mapadako ang tingin niya sa dulong bahagi ng mesa, nakita niya ang pagkaway ni Jerry kasama ang kabiyak nitong si Manilyn. Gumanti naman siya ng kaway sa dalawa.Maya-maya dumating na rin si Alexis. At napanganga siya nang makita kung sino ang kasama nito."Natasha. . ." mahinang bulong niya sa hangin, habang nakatitig lang sa dalawa, partikular sa babae.Napakaseksi nito sa suot na black-dazy-floral-jacquard-cami dress. Tabon ang katawan but her bea
"Going home?" mula sa kung saan ay tanong ng lalaking nakasandal sa isang haligi ng pasilyo.Napaatras siya at humakbang pabalik. Natakot siya na baka lasing ito at galing sa loob ng bar."You're gonna leave me again? Just like the last time we've met."Napatigil siya. Pamilyar ang malagom na boses na iyon sa kaniya.Ipinilig niya ulo. Baka naman nagkakamali lang siya. Kinuha niya ang cell phone sa bag at tinawagan ang driver ni Alexis. Napakunot ang noo niya nang may mensahe roon mula sa unknown number kanina."Please, reply. . . Can you be my text mate?""Sus! Kung mang-g-good time ka lang huwag ako." Umismid siya.Subalit, bago pa niya ma-i-dial ang numero ng driver ay may biglang humablot ng kaniyang telepono."Ibalik mo iyan!" bulyaw niya sa kaharap, pagkuwa'y umaangat ang mukha niya.Tinamaan naman ng liwanag ang mukha ng kaharap."I can buy you more of this," anito na hindi ngumingiti. "I've been talking to you, but you're not paying attention to what I've said." At ipinasok n
Maagang nakarating sa bahay ng mga Thompson si Natasha nang araw na iyon, para iabot ang mga papeles sa bubuksang flowershop ni Mrs. Thompson. Maagan ang loob niya rito at mukhang magkakasundo sila. May pagka-strikta ito sa mga gawain kaya pinipili niyang huwag magkamali.Ayaw ng matanda na may ibang hahawak ng papeles, kahit pwede namang iutos na lang iyon sa driver. Last month siya nag-umpisang magtrabaho rito, kaya medyo sanay na siyang labas-pasok sa bahay ng mga ito.Nakatayo siya sa sala habang hinihintay ang may-edad na babae. At habang naroon ay iginala niya ang mga mata sa paligid. Noon niya lang naisipang tingnan ang mga display roon. Una niyang nakita ang masayang larawan ng pamilya; na sa hula niya ay kuha sa Paris dahil sa Eiffel Tower na background. Napatitig siya sa batang kasama ng mag-asawa. Super cute kasi at parang masayahin iyon."Mukhang pilyo, noon pa man," bulong sa sarili.Bumaling siya sa iba pang mga larawan na nakasabit sa dingding. Mga kuha iyon habang lum
Subalit, hindi pa man siya nakakalayo sa binata; na ramdam niyang nakasunod sa kaniya, ay bigla na lang tumawag dito. Natigilan pa siya nang makitang babae iyon."Sweetheart, you're here! I missed you!" anang babaeng kasalubong niya.Napasimangot siya. Kaya pala nagmamadali ang binata at halos ayaw sundin ang ina. May iba palang gagawin doon.Hindi na niya pinansin ang dalawa at deritsong umakyat. Tutal half day naman ngayon, aayusin na lang niya ang gamit at ibang mga papeles na gagamitin sa Monday.Padabog na ibinagsak niya ang bag sa upuan.Bwisit talaga ang lalaking iyon!"Hey! Mukha yatang masama ang mood mo, ah? May nangyari ba?" tanong ni Alexis.Hindi niya ito nilingon. "Wala naman Kuya," aniya saka inayos ang mga gagawin."Uuwi na si Tito Leopoldo next week at may nakuha na silang secretary ko. Ibig sabihin madalang na tayong magkikita." Lumapit ito at timampal ang noo niya.Gusumot ang mukhang hinarap niya ito. "Kuya!" inis na wika niya at inirapan ito.Tumawa ito at hinawa
Nabigla siya nang may dalawang text message na nag-appear sa phone niya."Hija, I'm sorry. Na-lowbat ang cell phone ko. But anyway, see you later." Galing iyon kay Mrs. Thompson.Napabuntonghininga siya sa nabasa. Nawala ang pag-alala niya sa isip nang malamang hindi pala ito galit."Hi! Sorry nakatulog ako, kaya ngayon lang ako naka-text ulit. How are you?"Kinabahan siya. Galing kay Ken ang isang mensahe. Hindi siya nag-reply rito."You always made my day." Iyon ang laman ng sunod na text. "Ako ba pinaglololoko mo? Kung serryoso ka talaga, bakit hindi ka nagpapakita?" inis na sagot niya. "Kapag wala na kayo ng boyfriend mo."Natigilan siya sa sagot nito."Ewan ko sa 'yo! Huwag ka na din magpadala ng kung ano-ano rito!""Iyon na nga lang ang nagpapasaya sa akin aalisin mo pa.""Aba't—"Natigil siya sa pag-r-reply nang biglang tumunog ang doorbell. Lumabas siya at tiningnan iyon."Miss Natasha, dear! This is Mia from the Kingdom of Kingdom," masiglang sabi nang nasa gate. Natawa s
Natatarantang lumabas siya ng mansyon. Parang bibigay ang tuhod niya sa kahihiyan. Sandali siyang tumigil at wala sa sariling napahawak sa kan'yang dibdib, na kaybilis ng pagtibok. Ipinilig niya ang ulo saka muling binilisan ang mga hakbang. Nakita niya na kumaway si Mrs. Thompson sa kan'ya. Sumenyas ito na lumapit siya sa kinaroroonan nito.Napahinga siya nang malalim at gumanti ng ngiti rito.Biglang may dumaang waiter na may dalang alak. Kumuha siya at nilagok lahat ng laman. Medyo mapait iyon at ang init ay umaabot hanggang sikmura. Napapikit siya saka dahan-dahang nagmulat ng mga mata."Drink moderately." At isang kamay ang humapit sa bewang niya.Nilingon niya ito."Mr. Thompson!" nabiglang saad niya."Call me, Cedrick," anito.At tuluyan na siyang hinapit paharap at hinalikan sa noo.Pinilit niyang baklasin ang kamay nito, pero mas lalo yatang humigpit ang yakap sa kaniya.Isang tikhim ang narinig nila mula sa likuran."Son, mamaya na iyan. Ipakilala mo muna si Natasha sa mga
Mas lumalim pa ang halik ng binata sa kaniya, kaya hindi niya naramdaman na nakapasok na pala sila ng living room ng binuksan ang kaniyang mata. Dahan-dahan siyang inihiga ng binata sa couch kasama nito. Ibinaba nito ang ang strap ng gown niya, habang patuloy nitong pinaglalakbay ang mga kamay sa katawan niyaSumabalit bigla ang pagsulpot nang mumunting tinig sa isip niya."Ako pa rin masusunod kung sino ang mamahalin ko, mom!""Kalimutan mo na kasunduan natin kung hindi ka tutupad! Apo ang kailangan ko.""Tonight, I'll promise to grant your wish, mom."Pagkuwa'y narinig pa niya ang isang mahinang ungol mula sa binata.Hindi siya papayag na gawin siyang parausan sa plano nito.Wake-up self!At mabilis niya itong naitulak."No!" Mabilis siyang bumangon."What the f*ck!" mahinang mura nito na mukhang nabitin sa ginagawa."Ipahatid mo na ako sa driver ninyo, please," sagot niya na halos mag-ulap na ang mga mata niya.Natahimik ang binata at mukhang natauhan sa ginagawa. Napahilamos ang k
Nakarating sila ni Alexa sa isang resort sa Tagaytay. Maaga pa silang nakarating doon kaya naman kitang-kitang ang mababang ulap sa dinaraaanan nila. Timigil muna sila sa isang picnic groove. Makikita rito ang heartbreaking view of Taal Volcano. They sit and take a picture for a while. Then, they proceed to resort. They took a shower and rest. Ganito ang buhay nilang magkaibigan kapag may problema. Dahil masakit sa ulo ang alak, mas pinili nilang mag-getaway."Friend, may masarap na kainan dito ng bulalo. You want to try? Then, let's go to sky ranch at sakyan natin lahat ng rides," nakangiting wika ni Alexa."Sure! How about horse riding?""Then, let's try that too. Maliligo muna ako tapos mamayang gabi, magbabad tayo sa pool," wika nito bago pumasok sa banyo. "Bukas na tayo umuwi ng Manila."Malawak ang ngiti ng kaibigan. After a year, ngayon lang ulit nangyari ang bonding nila. Kaya lulubos-lubusin na nila dahil sa Monday, trabaho na n
Nagmadali umuwi si Cedrick pagkatapos ihatid ang dalaga sa tinutuluyang boarding house, dahil sa isang papeles na kailangan niyang ipasa kinabukasan sa isang supplier para sa bago niyang itatayong condo sa Makati area. Tinawagan niya ang kan'yang secretary para ipasa ang soft copy nito sa email. Nasalubong niya ang ina sa hallway, bago siya pumasok ng kwarto niya."Akala ko ba isasama mo si Natasha?""Bukas na lang po para makapagpahinga siya. May tatapusin lang akong layouts at dokumento para sa project na itatayo namin.""Siya, sige. Kami ng daddy mo ay matutulog na."Humalik siya sa ina bago tuluyang pumasok ng silid. Mabilis siyang nagbihis at pumunta sa opisina. Alas-nuebe na nang gabi at madami-dami rin iyon.Nasa kalagitnaan ng trabaho, tumunog ang cell phone niya.Athena!Hindi ito pinanasin saka binalik ang isip sa ginagawa. Pero makulit ito."Yes, Athena? What is it?""Whoa! Gan'yan
Kahit kinakabahan, gusto niyang malaman ang totoo. Sana mali siya. At kung iisa lang ang lalaking minahal niya at ang ka-text niya, hindi niya alam kung anong gagawin. Pagbukas ng elevator, hinanap niya ang lalaki pero wala ito sa lobby. May lumapit sa kan'yang dalawang men in black."Ma'am Natasha, sumama po kayo sa amin. Pinapasundo po kayo ni Boss Ken," bulong ng isa.Nakangiti ang mga ito.Nagtataka siya at tumingin sa phone niya."I have two bodyguards there. Go with them." Hindi niya alam kung anong bang mayroon.Tumingin siya sa dalawang lalaki at sumunod dito.Isang eleganteng limousine car ang naghihintay sa labas, saka inalalayan siyang papasok. Bahala na kung sino ito. Mukhang mabait naman ang mga tauhan ni Ken.Isang exclusive restaurant ang narating nila. Parang naka-reserve lang iyon para sa kanila at walang mga tao. "Ma'am., pasok na po kayo. Naghihintay na si boss sa loob," w
Gusto niyang sumagap ng sariwang hangin. Ayaw muna niyang umuwi ng bahay. Gusto niyang tawagan si Alexa, pero wala siyang phone. Naiwan niya iyon. Kaya naglakad-lakad muna siya sa isang parke na hindi niya alam kung saan. Marami namang tao na naglalakad pero mga foreigner ang mga ito.Naliligaw na ba siya?Ang alam niya bumaba siya ng The Fort, pero hindi niya alam ang pasikot-sikot doon. Tumingin siya sa relong nasa bisig. Alas-singko na nang hapon at halos limang oras na siyang naglalakad doon. Kahit nakararamdam ng gutom hindi niya iyon pinansin. Hanggang may bumangga sa kan'yang babaeng naka-hood.Napatitig siya rito .Athena!"Wow! Small world!" palatak nito. "Hindi ba ikaw ang babaeng kasama ni Cedrick last time and slash secretary ni Tito Leopoldo?" ismid nito.Umiwas siya rito. Bakit andito ito? Baka kasama nito si Cedrick. Mabilis siyang tumalikod, pero hinila nito ang braso niya."Bastos ka rin noh! K
Pagkahatid ng binata sa kaniya sa boarding house, nagmamadali itong umalis. Naalala niya ang sinabi ni Athena na puntahan ito ng lalaki sa pad nito."Babe, sleep early. Huwag na magpuyat. Sunduin kita bukas ng umaga. I love you. Good night."Ngumiti lang siya at hindi sinagot ang sinabi ng binata."Sige mag-iingat ka. Good night!" Matamlay na tumalikod siya sa binata at binuksan ang pinto."Babe, you didn't answer me. I said, I love you." Hinila siya nito paharap."Gabi na. You need to rest."Magpapahinga nga ba ito kung pupunta ito sa pad ng Athena na iyon? bulong sa sarili niya.Hindi naman niya hawak ang oras at isip nito, kaya wala siyang magagawa. Maganda si Athena kumpara sa kaniya at kahit sinong lalaki, pwedeng mahumaling sa kagandahan nito."Are you mad at me?"Narinig niya ang pagbuntonghininga ng lalaki."Sige na, good night. And I love you, too. Ingat sa pag-d-drive." Yumakap siya s
Balik opisina na siya pagkatapos ng opening ng resort at limang araw na bakasyon.Mula kahapon hindi na siya tinigilan ng binata na maghatid at sundo sa kaniya papasok ng opisina. Katulad ngayon, pagkaupo niya sa table, nagpaalam ito na kakausapin ang ama."Sabay na tayo mag-lunch mamaya, babe," wika nito bago pumasok sa opisina ng ama.Ngumiti lang siya.Ayaw niyang magpahalata sa mga tao sa opisina na may relasyon sila ng binata maging sa ama nito. Hindi pa siya handa.Halos mag-l-lunch na nang matapos ang meeting ng mag-ama. Mukhang seryosong-seryoso ang dalawa. Narinig niya tumunog ang telepono."Thompson Builders Corporation, this is Natasha. Can I help you?""Can I talk to Tito Leopoldo?" anang tinig mula sa kabilang linya."I'm sorry, Ma'am, he has a meeting right now. If you have a message, please leave it to me or you can call after fifteen to twenty minutes?" magalang niyang wika dito.
Pagpasok sa banyo ng binata sinubukan niyang lumabas sa kwarto pero hindi niya mabuksan ang pinto. Hinanap niya ang lock button pero wala ito. Pagtingala niya may nakita siyang isang sensored red light.Sensored ang pintuang ito? Bulong niya sa sarili.Sibukan niyang i-adjust ang sarili at tumapat doon pero ayaw bumukas. Napagod na siya kaya hinawi na lang niya ng kurtina, saka tumanaw sa malawak na karagatan.Mula sa kinatatayuan niya makikita ang asul na tubig at luntiang kapaligiran. Talagang mala-paraiso ito. Panalo na ang mga Thompson sa pagbili ng resort na iyon.Ang mala-maldives nitong buhangin at mga naggagandahang cottage ay nakatutuwang pagmasdan. Perfect lagyan ng mga jetski at mga sasakyang pang-sports ang resort na iyon.Iba talaga ang mayayaman, isang pitik lang ng kamay mabibili na ang gusto nila.Nasa ganoong pwesto siya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto sa banyo."Like the view, babe?" Tinig mula
"Happy Fiesta! Viva Sr. San Isidro Labrador"Ito ang makikita sa daan paglabas sa simbahan. Napakaraming banderitas ang makikita sa kahabaan ng kalsada na kulay dilaw. May mga sari-saring prutas ang nakaparada kasabay ng Patron San Isidro. Kasunod ang mga masasayang tugtugin. Masasaya ang mga tao sa paligid at maraming palaro."Babe, you have a nice place here," bulong ni Cedrick sa kaniya.Siniko niya ito."Nasa likuran si Nathaie at sila Tatay."Ngumiti ito, saka lumingon."Ate, maraming palaro ngayon si Kapitan. Una, boat race sa may resort mo, Kuya. Halika kayo manood tayo," wika ni Nathalie.Sumunod sila rito. Puno ng taong naghihiyawan sa gilid ng dalampasigan at may tinanghal ng panalo. Napadako naman sila sa isang palaro na kung tawagin ay palosebo. Limang punong kawayan ang nakahilara at mag-uunahang akyatin at kunin ang premyo. Maging ang katabi niyang binata ay napahiyaw sa saya nang may maunang maka
Kinabukasan bisperas ng piyesta at abala ang lahat sa pagluluto.Tinanghali siyang nagising at wala na ang kapatid sa tabi niya. Halos alas-kwatro na ng umaga siya nakatulog. Kaya nang tumingin siya sa orasan, alas-onse na ng umaga. Napahilamos siya ng mukha.Ako yata ang may hangover! Bulong niya.Inayos niya ang kama saka lumabas ng kwarto."Good morning sa ate kung sleeping beauty! Katagal mo namang magising, ah. Ayon, umalis na tuloy ang prince charming mong may hangover." Malawak ang ngiti ni Nathalie nang masalubong niya ito sa salas. "Tapos na nila lutuin ni tatay ang litson. Maliligo raw muna siya at sinundo ng tauhan niya. Pero may kasamang magandang babae ito." Nagkibitbalikat ang kapatid niya.Nakasimangot siyang nilampasan ito."Mukhang sweet 'yung dalawa kasi umakbay siya sa babae, Ate," dagdag pa ito."Ano naman ngayon? Buhay niya iyon kaya huwag nating pakialaman. Ikaw, may maitsismis ka lang. Tsk. . . tsk