"Alexa, baby!" salubong ng Kuya Alexander nito sa kaibigan.
"Kuya. . . I'm not a little girl anymore." Umirap ito sa kapatid bago nagbeso. Umakbay ang kuya nito kay Alexa, saka humarap sa kaniya. "This is Natasha, right? Gorgeous, huh," manghang wika nito. "Yes, Kuya! Kaya ipakilala mo na siya sa mga friend mo mamaya para magka-boyfriend na." Siniko niya ang kaibigan. Tinawanan lang naman ito ng kapatid at niyaya sila sa lamesa. Pinakilala sila nito sa mga kasama at maging girlfriend nito. "Gillian, this is my sister Alexa and her friend, Natasha. Girls, this is Gillian," masayang pakilala nito sa kanila. Matipid itong ngumiti. Mukhang mabait at hindi maarte sa paningin niya. Maganda at simple lang ang ayos. Palagay niya'y magkakasundo ito at si Alexa. "Hi! Nice meeting you two." Tumayo ito at ginawaran sila ng halik sa pisngi. Tumingin siya sa kabilang dulo at nakita niya ang isa pang kapatid ni Alexa, na kausap ang babaeng katabi na halos nakayakap na. Napailing na lang siya. Tumabi sila malapit kay Alexis. Nakasimangot na umupo sa tabi nito ang kaibigan. "Ito na ang gift ko, Kuya Alexis." At ibinigay nito ang books na binili nila kanina. "Thank you, sister," wika nito na sa kaniya nakatingin. Ngumiti siya at binati itong muli. Nakita niya kung paano dumilim ang mukha ng babaeng kasama nito. Bigla siyang siniko ni Alexa. "Aray! Bakit?" pabulong niyang tanong. "Umpisahan mo nang akitin ang Kuya Alexis ko, friend. Ayaw ko sa kasama niya," ganiting bulong nito sa kanya. Nasa ganoong sitwasyon sila nang biglang dumating ang isa pang bisita. Dahil busy silang magtsismisan, hindi nila iyon pinansin. "Dude! Mabuti naman nakarating ka! Akala ko wala nang halaga ang pagkakaibigan natin, eh." Mabilis na tumayo si Alexis at sinalubong iyon. "Happy birthday, Dude! Ikaw pa ba?" Biglang siyang natigilan nang marinig ang boses ng lalaki. Pamilyar kasi iyon sa kaniya. Saan nga niya narinig iyon? Tanong niya sa sarili. "Guys! This is Engineer Cedrick Thompson, my college friend," malakas na pakilala ni Alexis rito. Nagkatinginan sila ni Alexa, na parehong nilingon ang lalaki. The man who was standing in front of them, was the owner of the coffee shop! Literal na napanganga silang dalawa. At parang gusto na niyang magtago sa mga sandaling iyon. Nakita nilang pareho ni Alexa na sa may tabi niya ito mauupo. Kaya mabilis na tumayo ang kaniyang kaibigan at doon naupo. "Sit down here, bro." Ipinaghila pa ito ni Alexis ng upuan. Eksaktong paupo na ito nang magtama ang mga mata nila. Malakas ang tibok ng puso niya habang hindi ito hinihiwalayan ng tingin. Seryoso ito. At mukhang hindi rin sila nakilala ni Alexa. Huminga siya nang malalim. Kunsabagay, sa dami ba naman ng tao sa shop kanina, maaalala pa nga ba sila nito? Nag-umpisa ng kumain ang lahat. Samantalang siya, hindi alam ang kukunin sa dami ng pagkain. "Friend, ano na? Hindi ka ba kakain?" Siko ni Alexa sa kaniya. Kanina lang nagugutom siya, pero ngayon parang nawala iyon. Iba na kasi ang nararamdaman niya. Ang gutom ay napalitan nang hindi maipaliwanag na damdamin. "Rice?" Biglang bumaling ang lalaki sa kan'ya. Halos isang dangkal lang ang layo nila sa isat-isa. "No, thanks!" mabilis niyang sagot. Tumaas ang labi nito. "Diet? But you're so thin,"sabi nito na seryoso. Napaangat ang kilay niya. Ano bang pakialam nito? Pero sa halip na barahin ang lalaki, tumingin na lang siya kay Alexa na maganang kumakain. Nalagay na rin siya ng pagkain sa pinggan at nagsimulang kumain. Mga ilang minuto pa, tumayo si Alexis at itinaas ang kopita ng lalaki. "Thank you, guys, for being here! Cheers!" "Cheers!" sabay-sabay na wika ng mga naroroon. Kasunod noon ang tunog ng nagpingkian mga kopita. "Happy Birthday!" sigaw ng lahat bago muling bumalik sa pagkain. Pagkatapos ng salo-salo, nagkayayaan ang mga magkakaibigan ni Alexis na ituloy ang party sa garden. Nakahinga siya nang maluwag nang wala natira roon, kundi sila ni Alexa. "Friend, you want to drink?" Siko nito sa kaniya. "Gusto ko lang kumain. Nasaan nga pala si Tita Alexandra? Isabay na natin siya. Hindi pa siya kumain, hindi ba?" sagot lang niya sa kaibigan. "Ang takaw mo talaga, pero hindi ka naman tumataba," tudyo nito sa kaniya. "Well. . . kahit anong sabihin mo, kakain pa rin ako." Inirapan niya ito. "That's good!" boses mula sa likuran nila. "Kuya Cedrick!" bulalas ng kaibigan niya na sa bagong dating nkatingin. Natigilan siya sa pagsubo. "Alexa, right? You were at the store earlier, weren't you? Kaya pala you look familiar to me." wika nito. Nakita niya pagkamot sa ulo ni Alexa at ngumiti. "Yes. Kaya pala pamilyar din ang mukha mo Kuya Cedrick. Nice to see you again." Nakipagkamay ito sa lalaki, na matamis na nginitian ang huli. Ewan! Pero asar talaga siya sa lalaki. "Friend, punta lang ako sa kusina. Check ko lang si Tita Alexandra," bulong niya kay Alexa. Tumango lang ito at masayang nakipagkwentuhan sa lalaki. Mula sa gilid ng mata niya, napansin niyang nakasunod ng tingin ang lalaki sa kaniya. Pero hindi niya makita ang ekpresyon ng mukha nito. "I don't care!" bulong niya sa sarili. Paglabas niya sa kusina ay nabangga niya si Alexis. Napayakap siya sa braso ng lalaki. "Kuya Alexis! Sorry!" natarantang wika niya. "It's okay. But be careful next time," tugon nito na inayos ang ilang hibla ng buhok niya sa mukha. Napaurong siya at nagpasalamat dito. "Si Tita Alexandra po?" tanong niya sa binata. "Nasa loob. Puntahan mo na lang at aasikasuhin ko lang ang mga bisita ko. And by the way, can we talk later?" mapungay ang mga matang tanong nito. "A-Ah. . . para saan po, kuya?" wika niya. Nagkibit-balikat ito. "Later. . ." Ngumiti pa ito nang matamis sa kaniya. Tumango lang siya at nagpaalam na rito. "Hija!" masiglang wika ni Alexandra nang makita siya. "Tita. . ." magiliw niyang tugon dito. "Parang lalo kang gumaganda ngayon, ah. Ibang-iba ang dating mo. Sino ang maswerteng lalaki, hija?" nakangiti nitong tanong. "Tita talaga. . . wala po. Nakapahinga lang po siguro ako ng ilang araw," nahihiyang tugon niya. "Naku, kayong mga kabataan talaga! Malilihim!" Umiling-iling pa ito, pagkuwa'y hinarap ang niluluto. "Tikman mo nga itong lasagna. Favorite ito nina Alexa at Alexis, eh. Gusto ko perfect talaga." Iniabot nito ang nasa mangkok na hawak. Ito ang gusto niya sa ina ng kaibigan kahit mayaman ito hindi siya tinuring na iba. Para na ngang pangalawang ina na niya ito. "Hmm. . . Sakto na po ang lasa at superb!" bulalas niya. Nagkatawanan sila, eksaktong pumasok si Alexa sa kusina. Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Parang nagseselos na ako niyan, ha. Anong pinagkukwentuhan ninyo at parang wala nang bukas ang mga ngiti ninyo?" tanong nito. "Nagselos naman agad ang bunso ko." Nilapitan ito ni Alexandra. "Ipinagluto kita ng favorite mo," anito at yumakap sa kaniyang kaibigan. "Lasagna?!" napamulagat ang mga mata nito sa tuwa. Kinuha naman ng may-edad na babae ang niluto at inilapag sa lamesa. Masayang pinagsaluhan iyon kasabay ng kwentuhan at kumustahan. Maya-maya nagpaalam na ang matanda sa kanila. Bawal kasi rito ang mapuyat. Hinatid nila ito sa kwarto. Pasado alas-dyes na nang gabi, kaya nakakaramdam na rin siya ng antok.Niyaya siya ni Alexa sa garden at doon naabutan ang mga kaibigan ng kuya nito na medyo may tama na ng alak. “Drinks?” Alok ni Alexa sa kaniya nang umupo sila malapit sa umpukan ng kuya nito. Umiling siya. “No, thanks,” agad niyang tugon. “Killjoy mo na naman Natasha.” Inirapan siya nito. Tabingi siyang ngumiti rito at iginala ang paningin sa paligid. Halos lahat ng naroon ay umiinom at siya lang ang hindi. Hindi naman siguro masama kung iinom ako kahit konti, aniya sa sarili. Kaya't inabot niya ang alak na ibinigay sa ni Alexa. Nilagok niya nang dahan-dahan iyon. Mukhang ayos naman lasa, kaya tuluyan nang inubos ang laman ng baso. “Hey! Dahan-dahan lang. Nasa huli ang tama ng alak na hawak mo,” natatawang awat ni Alexa sa kan’ya. Medyo nanlambot nga ang tuhod niya at mabilis na nag-init ang kan’yang pakiramdam. Pati ang paningin niya ay biglang umikot. She shakes her head continuously upang mawala ang kaniyang pagkahilo. After a while, nakita niya ang ilang bisita na nagsasa
Cedrick Thompson. Isang sikat na engineer at may-ari ng malalaking gusali na itinatayo sa bansa. Popular na endorser ng ilang sikat na clothing brand abroad. May pagkamatinik sa mga babae, at isang sikat na artista sa showbiz sa ngayon ang na-l-link dito. Sa estado ng buhay binata, pakiramdam niya kompleto na ang buhay niya. Lahat nakukuha niya, maging negosyo man o mga babae. Nagtayo siya ng isang coffee shop, dahil sa request ng ilang kaibigang mahilig sa ganoong lugar, lalo na kapag may mga hang-over, o kaya kapag may pag-uusapang importante. Malayo man sa linya ng mga negosyo niya ang isang iyon, pero sumubok pa rin siya. Naging successful naman ang opening noon. At ngayon, ang pinsan niyang si Michelle ang nag-aasikaso ng lahat doon. Naisipan niyang muling bumisita roon, isang taon na nakalipas. Iyon din ang huling bisita niya sa kaibigang si Alexis. Nasa ibang bansa siya ngayon para sa isang project na itinatayo ng ama at siya ang pinamahala nito sa building design. Ginawa
Pumasok siya ng gusali na pag-m-may-ari ng ama, apat na araw ang nakaraan simula nang dumating siya sa Pilipinas. Gusto niyang surpresahin ang kaibigan. Pagpasok niya, seryosong mga mukha ng mga empleyado ang sumalubong sa kaniya. Bago siya makapasok sa silid ng kaibigan nakita niya ang isang pamilyar na mukha. Hindi siya nagkamali nang masulyapan ito sa malapitan. Nakatutok ang mukha ng dalaga sa monitor na seryosong-seryoso.Subalit ang ipinagtataka niya, hindi man lang siya napansin ng babae."Where's Mr. Alexis Boromeo?" seryosong tanong niya rito.Napaangat ito sa kinaupuan nang makita siya. Nakatulalang napatitig na lang ito sa kaniya na namumula ang magkabilang pisngi.Lihim siyang natuwa sa reaksyon nito."I said, where is Mr. Alexis Boromeo?" pag-uulit niya sa tanong kanina bago tuluyang lumapit dito. Nanatiling nakatingin lang ito sa kaniya, pagkuwa'y iniyuko ang ulo.Magsasalita pa sana siyang muli nang mula sa likuran niya ay may nagsalita."Pare, bumalik ka na pala? At
Pagdating niya sa bar nakita agad niya ang mga kaibigan. Wala pa roon si Alexis kaya, mabilis siya lumapit sa mga ito."Si Jane, soon-to-be my wife," pakilala ni Cyron sa kasama nito."This is Edz, my wife. Last year you attended to our wedding, right?" wika ni Marvin.Ngumiti siya sa mga ito."This is Jessica, my longtime girlfriend," ani Joshua."Sky, my girlfriend." Si JP naman.Isa-isa siyang nakipagkamay sa mga ito. As he looked into his friends' eyes, they were happily inlove with thier partners.Napabuntonghinga na lang siya. Nang mapadako ang tingin niya sa dulong bahagi ng mesa, nakita niya ang pagkaway ni Jerry kasama ang kabiyak nitong si Manilyn. Gumanti naman siya ng kaway sa dalawa.Maya-maya dumating na rin si Alexis. At napanganga siya nang makita kung sino ang kasama nito."Natasha. . ." mahinang bulong niya sa hangin, habang nakatitig lang sa dalawa, partikular sa babae.Napakaseksi nito sa suot na black-dazy-floral-jacquard-cami dress. Tabon ang katawan but her bea
"Going home?" mula sa kung saan ay tanong ng lalaking nakasandal sa isang haligi ng pasilyo.Napaatras siya at humakbang pabalik. Natakot siya na baka lasing ito at galing sa loob ng bar."You're gonna leave me again? Just like the last time we've met."Napatigil siya. Pamilyar ang malagom na boses na iyon sa kaniya.Ipinilig niya ulo. Baka naman nagkakamali lang siya. Kinuha niya ang cell phone sa bag at tinawagan ang driver ni Alexis. Napakunot ang noo niya nang may mensahe roon mula sa unknown number kanina."Please, reply. . . Can you be my text mate?""Sus! Kung mang-g-good time ka lang huwag ako." Umismid siya.Subalit, bago pa niya ma-i-dial ang numero ng driver ay may biglang humablot ng kaniyang telepono."Ibalik mo iyan!" bulyaw niya sa kaharap, pagkuwa'y umaangat ang mukha niya.Tinamaan naman ng liwanag ang mukha ng kaharap."I can buy you more of this," anito na hindi ngumingiti. "I've been talking to you, but you're not paying attention to what I've said." At ipinasok n
Maagang nakarating sa bahay ng mga Thompson si Natasha nang araw na iyon, para iabot ang mga papeles sa bubuksang flowershop ni Mrs. Thompson. Maagan ang loob niya rito at mukhang magkakasundo sila. May pagka-strikta ito sa mga gawain kaya pinipili niyang huwag magkamali.Ayaw ng matanda na may ibang hahawak ng papeles, kahit pwede namang iutos na lang iyon sa driver. Last month siya nag-umpisang magtrabaho rito, kaya medyo sanay na siyang labas-pasok sa bahay ng mga ito.Nakatayo siya sa sala habang hinihintay ang may-edad na babae. At habang naroon ay iginala niya ang mga mata sa paligid. Noon niya lang naisipang tingnan ang mga display roon. Una niyang nakita ang masayang larawan ng pamilya; na sa hula niya ay kuha sa Paris dahil sa Eiffel Tower na background. Napatitig siya sa batang kasama ng mag-asawa. Super cute kasi at parang masayahin iyon."Mukhang pilyo, noon pa man," bulong sa sarili.Bumaling siya sa iba pang mga larawan na nakasabit sa dingding. Mga kuha iyon habang lum
Subalit, hindi pa man siya nakakalayo sa binata; na ramdam niyang nakasunod sa kaniya, ay bigla na lang tumawag dito. Natigilan pa siya nang makitang babae iyon."Sweetheart, you're here! I missed you!" anang babaeng kasalubong niya.Napasimangot siya. Kaya pala nagmamadali ang binata at halos ayaw sundin ang ina. May iba palang gagawin doon.Hindi na niya pinansin ang dalawa at deritsong umakyat. Tutal half day naman ngayon, aayusin na lang niya ang gamit at ibang mga papeles na gagamitin sa Monday.Padabog na ibinagsak niya ang bag sa upuan.Bwisit talaga ang lalaking iyon!"Hey! Mukha yatang masama ang mood mo, ah? May nangyari ba?" tanong ni Alexis.Hindi niya ito nilingon. "Wala naman Kuya," aniya saka inayos ang mga gagawin."Uuwi na si Tito Leopoldo next week at may nakuha na silang secretary ko. Ibig sabihin madalang na tayong magkikita." Lumapit ito at timampal ang noo niya.Gusumot ang mukhang hinarap niya ito. "Kuya!" inis na wika niya at inirapan ito.Tumawa ito at hinawa
Nabigla siya nang may dalawang text message na nag-appear sa phone niya."Hija, I'm sorry. Na-lowbat ang cell phone ko. But anyway, see you later." Galing iyon kay Mrs. Thompson.Napabuntonghininga siya sa nabasa. Nawala ang pag-alala niya sa isip nang malamang hindi pala ito galit."Hi! Sorry nakatulog ako, kaya ngayon lang ako naka-text ulit. How are you?"Kinabahan siya. Galing kay Ken ang isang mensahe. Hindi siya nag-reply rito."You always made my day." Iyon ang laman ng sunod na text. "Ako ba pinaglololoko mo? Kung serryoso ka talaga, bakit hindi ka nagpapakita?" inis na sagot niya. "Kapag wala na kayo ng boyfriend mo."Natigilan siya sa sagot nito."Ewan ko sa 'yo! Huwag ka na din magpadala ng kung ano-ano rito!""Iyon na nga lang ang nagpapasaya sa akin aalisin mo pa.""Aba't—"Natigil siya sa pag-r-reply nang biglang tumunog ang doorbell. Lumabas siya at tiningnan iyon."Miss Natasha, dear! This is Mia from the Kingdom of Kingdom," masiglang sabi nang nasa gate. Natawa s
Nakarating sila ni Alexa sa isang resort sa Tagaytay. Maaga pa silang nakarating doon kaya naman kitang-kitang ang mababang ulap sa dinaraaanan nila. Timigil muna sila sa isang picnic groove. Makikita rito ang heartbreaking view of Taal Volcano. They sit and take a picture for a while. Then, they proceed to resort. They took a shower and rest. Ganito ang buhay nilang magkaibigan kapag may problema. Dahil masakit sa ulo ang alak, mas pinili nilang mag-getaway."Friend, may masarap na kainan dito ng bulalo. You want to try? Then, let's go to sky ranch at sakyan natin lahat ng rides," nakangiting wika ni Alexa."Sure! How about horse riding?""Then, let's try that too. Maliligo muna ako tapos mamayang gabi, magbabad tayo sa pool," wika nito bago pumasok sa banyo. "Bukas na tayo umuwi ng Manila."Malawak ang ngiti ng kaibigan. After a year, ngayon lang ulit nangyari ang bonding nila. Kaya lulubos-lubusin na nila dahil sa Monday, trabaho na n
Nagmadali umuwi si Cedrick pagkatapos ihatid ang dalaga sa tinutuluyang boarding house, dahil sa isang papeles na kailangan niyang ipasa kinabukasan sa isang supplier para sa bago niyang itatayong condo sa Makati area. Tinawagan niya ang kan'yang secretary para ipasa ang soft copy nito sa email. Nasalubong niya ang ina sa hallway, bago siya pumasok ng kwarto niya."Akala ko ba isasama mo si Natasha?""Bukas na lang po para makapagpahinga siya. May tatapusin lang akong layouts at dokumento para sa project na itatayo namin.""Siya, sige. Kami ng daddy mo ay matutulog na."Humalik siya sa ina bago tuluyang pumasok ng silid. Mabilis siyang nagbihis at pumunta sa opisina. Alas-nuebe na nang gabi at madami-dami rin iyon.Nasa kalagitnaan ng trabaho, tumunog ang cell phone niya.Athena!Hindi ito pinanasin saka binalik ang isip sa ginagawa. Pero makulit ito."Yes, Athena? What is it?""Whoa! Gan'yan
Kahit kinakabahan, gusto niyang malaman ang totoo. Sana mali siya. At kung iisa lang ang lalaking minahal niya at ang ka-text niya, hindi niya alam kung anong gagawin. Pagbukas ng elevator, hinanap niya ang lalaki pero wala ito sa lobby. May lumapit sa kan'yang dalawang men in black."Ma'am Natasha, sumama po kayo sa amin. Pinapasundo po kayo ni Boss Ken," bulong ng isa.Nakangiti ang mga ito.Nagtataka siya at tumingin sa phone niya."I have two bodyguards there. Go with them." Hindi niya alam kung anong bang mayroon.Tumingin siya sa dalawang lalaki at sumunod dito.Isang eleganteng limousine car ang naghihintay sa labas, saka inalalayan siyang papasok. Bahala na kung sino ito. Mukhang mabait naman ang mga tauhan ni Ken.Isang exclusive restaurant ang narating nila. Parang naka-reserve lang iyon para sa kanila at walang mga tao. "Ma'am., pasok na po kayo. Naghihintay na si boss sa loob," w
Gusto niyang sumagap ng sariwang hangin. Ayaw muna niyang umuwi ng bahay. Gusto niyang tawagan si Alexa, pero wala siyang phone. Naiwan niya iyon. Kaya naglakad-lakad muna siya sa isang parke na hindi niya alam kung saan. Marami namang tao na naglalakad pero mga foreigner ang mga ito.Naliligaw na ba siya?Ang alam niya bumaba siya ng The Fort, pero hindi niya alam ang pasikot-sikot doon. Tumingin siya sa relong nasa bisig. Alas-singko na nang hapon at halos limang oras na siyang naglalakad doon. Kahit nakararamdam ng gutom hindi niya iyon pinansin. Hanggang may bumangga sa kan'yang babaeng naka-hood.Napatitig siya rito .Athena!"Wow! Small world!" palatak nito. "Hindi ba ikaw ang babaeng kasama ni Cedrick last time and slash secretary ni Tito Leopoldo?" ismid nito.Umiwas siya rito. Bakit andito ito? Baka kasama nito si Cedrick. Mabilis siyang tumalikod, pero hinila nito ang braso niya."Bastos ka rin noh! K
Pagkahatid ng binata sa kaniya sa boarding house, nagmamadali itong umalis. Naalala niya ang sinabi ni Athena na puntahan ito ng lalaki sa pad nito."Babe, sleep early. Huwag na magpuyat. Sunduin kita bukas ng umaga. I love you. Good night."Ngumiti lang siya at hindi sinagot ang sinabi ng binata."Sige mag-iingat ka. Good night!" Matamlay na tumalikod siya sa binata at binuksan ang pinto."Babe, you didn't answer me. I said, I love you." Hinila siya nito paharap."Gabi na. You need to rest."Magpapahinga nga ba ito kung pupunta ito sa pad ng Athena na iyon? bulong sa sarili niya.Hindi naman niya hawak ang oras at isip nito, kaya wala siyang magagawa. Maganda si Athena kumpara sa kaniya at kahit sinong lalaki, pwedeng mahumaling sa kagandahan nito."Are you mad at me?"Narinig niya ang pagbuntonghininga ng lalaki."Sige na, good night. And I love you, too. Ingat sa pag-d-drive." Yumakap siya s
Balik opisina na siya pagkatapos ng opening ng resort at limang araw na bakasyon.Mula kahapon hindi na siya tinigilan ng binata na maghatid at sundo sa kaniya papasok ng opisina. Katulad ngayon, pagkaupo niya sa table, nagpaalam ito na kakausapin ang ama."Sabay na tayo mag-lunch mamaya, babe," wika nito bago pumasok sa opisina ng ama.Ngumiti lang siya.Ayaw niyang magpahalata sa mga tao sa opisina na may relasyon sila ng binata maging sa ama nito. Hindi pa siya handa.Halos mag-l-lunch na nang matapos ang meeting ng mag-ama. Mukhang seryosong-seryoso ang dalawa. Narinig niya tumunog ang telepono."Thompson Builders Corporation, this is Natasha. Can I help you?""Can I talk to Tito Leopoldo?" anang tinig mula sa kabilang linya."I'm sorry, Ma'am, he has a meeting right now. If you have a message, please leave it to me or you can call after fifteen to twenty minutes?" magalang niyang wika dito.
Pagpasok sa banyo ng binata sinubukan niyang lumabas sa kwarto pero hindi niya mabuksan ang pinto. Hinanap niya ang lock button pero wala ito. Pagtingala niya may nakita siyang isang sensored red light.Sensored ang pintuang ito? Bulong niya sa sarili.Sibukan niyang i-adjust ang sarili at tumapat doon pero ayaw bumukas. Napagod na siya kaya hinawi na lang niya ng kurtina, saka tumanaw sa malawak na karagatan.Mula sa kinatatayuan niya makikita ang asul na tubig at luntiang kapaligiran. Talagang mala-paraiso ito. Panalo na ang mga Thompson sa pagbili ng resort na iyon.Ang mala-maldives nitong buhangin at mga naggagandahang cottage ay nakatutuwang pagmasdan. Perfect lagyan ng mga jetski at mga sasakyang pang-sports ang resort na iyon.Iba talaga ang mayayaman, isang pitik lang ng kamay mabibili na ang gusto nila.Nasa ganoong pwesto siya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto sa banyo."Like the view, babe?" Tinig mula
"Happy Fiesta! Viva Sr. San Isidro Labrador"Ito ang makikita sa daan paglabas sa simbahan. Napakaraming banderitas ang makikita sa kahabaan ng kalsada na kulay dilaw. May mga sari-saring prutas ang nakaparada kasabay ng Patron San Isidro. Kasunod ang mga masasayang tugtugin. Masasaya ang mga tao sa paligid at maraming palaro."Babe, you have a nice place here," bulong ni Cedrick sa kaniya.Siniko niya ito."Nasa likuran si Nathaie at sila Tatay."Ngumiti ito, saka lumingon."Ate, maraming palaro ngayon si Kapitan. Una, boat race sa may resort mo, Kuya. Halika kayo manood tayo," wika ni Nathalie.Sumunod sila rito. Puno ng taong naghihiyawan sa gilid ng dalampasigan at may tinanghal ng panalo. Napadako naman sila sa isang palaro na kung tawagin ay palosebo. Limang punong kawayan ang nakahilara at mag-uunahang akyatin at kunin ang premyo. Maging ang katabi niyang binata ay napahiyaw sa saya nang may maunang maka
Kinabukasan bisperas ng piyesta at abala ang lahat sa pagluluto.Tinanghali siyang nagising at wala na ang kapatid sa tabi niya. Halos alas-kwatro na ng umaga siya nakatulog. Kaya nang tumingin siya sa orasan, alas-onse na ng umaga. Napahilamos siya ng mukha.Ako yata ang may hangover! Bulong niya.Inayos niya ang kama saka lumabas ng kwarto."Good morning sa ate kung sleeping beauty! Katagal mo namang magising, ah. Ayon, umalis na tuloy ang prince charming mong may hangover." Malawak ang ngiti ni Nathalie nang masalubong niya ito sa salas. "Tapos na nila lutuin ni tatay ang litson. Maliligo raw muna siya at sinundo ng tauhan niya. Pero may kasamang magandang babae ito." Nagkibitbalikat ang kapatid niya.Nakasimangot siyang nilampasan ito."Mukhang sweet 'yung dalawa kasi umakbay siya sa babae, Ate," dagdag pa ito."Ano naman ngayon? Buhay niya iyon kaya huwag nating pakialaman. Ikaw, may maitsismis ka lang. Tsk. . . tsk