Yumi and the Golden Mansion

Yumi and the Golden Mansion

last updateLast Updated : 2022-08-11
By:   Writer Zai  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
5 ratings. 5 reviews
40Chapters
3.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Laundrymaid, cook, janitress— name it all. These are among of the tasks YUMI has to do every day. In short, she's your generous all-around maid who works without getting paid. However, her monotonous life of being the modern Cinderella will soon end the moment she lays eyes on VINCENT, who is a rich, fair young boy who is offering her one huge offer no lady of her status would ever say no— to marry him. Everything is already supposed to be a happy ending for Yumi until her cruel stepmother-in-law, VICTORIA, steps in to ruin the dream-like fantasy she has ever dreamed of. Will her fairytale-like life with her prince charming end so soon? Or will she then begin to put her A-game on a battle against her stepmother-in-law for the sake of Vincent and the life she has longed for?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

ISANG dalaga ang nakahiga sa bubong ng bahay at malayang nakatunghay sa nagkikislapang bituin. Naka-unan siya sa magka-ekis niyang braso. Siya si Yumi--ang dalagang sagana sa 'sana'. Gumugugol siya ng oras upang kausapin ang mga bituin sa bubong ng kanilang bahay."Sana, bukas mayaman na ako. At sana, mahanap ko na ang Prince Charming ko," halos pabulong niyang sambit ngunit mababasa iyon sa pagkibot ng kanyang bibig.Napangiti siya nang makitang kumislap ang isa sa malaki at maliwanag na bituin. Wari ba'y hudyat iyon na malapit nang matupad ang kanyang kahilingan."Ma, Pa, kumusta na po kayo riyan sa langit? Pakibulong naman po kay God, sana'y tuparin na Niya ang aking kahilingan. Para makabayad na ako ng mga utang natin. At upang sa gayon po'y hindi na magalit sa akin si T'yang Lour--" Naputol ang kanyang pagsasalita nang marinig ang sigaw ng tiyahin."Mayummiiii, nasaan ka na naman baaa?""Lagot!" anas niya. "Hindi pa nga...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Simple Girl
i love it!
2023-04-18 12:09:41
0
user avatar
Jhean Nudo
interesting dis novel
2023-04-02 21:45:50
0
user avatar
Vince Amolap
kailan ang next
2022-05-21 22:41:15
0
user avatar
Zyrill Anne D Villareal
nabasa ko na ito pero babasahin ko ulit
2022-05-07 06:03:46
0
user avatar
hillary
thank you, GN
2022-04-20 22:16:15
0
40 Chapters
Chapter 1
ISANG dalaga ang nakahiga sa bubong ng bahay at malayang nakatunghay sa nagkikislapang bituin. Naka-unan siya sa magka-ekis niyang braso. Siya si Yumi--ang dalagang sagana sa 'sana'. Gumugugol siya ng oras upang kausapin ang mga bituin sa bubong ng kanilang bahay. "Sana, bukas mayaman na ako. At sana, mahanap ko na ang Prince Charming ko," halos pabulong niyang sambit ngunit mababasa iyon sa pagkibot ng kanyang bibig.Napangiti siya nang makitang kumislap ang isa sa malaki at maliwanag na bituin. Wari ba'y hudyat iyon na malapit nang matupad ang kanyang kahilingan. "Ma, Pa, kumusta na po kayo riyan sa langit? Pakibulong naman po kay God, sana'y tuparin na Niya ang aking kahilingan. Para makabayad na ako ng mga utang natin. At upang sa gayon po'y hindi na magalit sa akin si T'yang Lour--" Naputol ang kanyang pagsasalita nang marinig ang sigaw ng tiyahin. "Mayummiiii, nasaan ka na naman baaa?" "Lagot!" anas niya. "Hindi pa nga
last updateLast Updated : 2022-01-20
Read more
Chapter 2
 Pansamantalang iniwan niya ang paglilinis upang magluto naman at dahil naubusan na sila ng gulay, kinailangan niyang magtungo sa palengke. Malapit lang sa tirahan nila ang palengke kaya't nilalakad na lamang niya iyon. May pasipol-sipol pa siya habang patungo roon nang walang anu-ano'y biglang bumulaga sa harapan niya ang isang lalaking tila pinison ang buhok. Tuwid na tuwid kasi ang buhok niyon at nasa pinaka-gitna pa ang pinakang hati. "Magandang hapon, aking mahal." Bati nito na ang kamay ay ikinukumpas pa. "Tsk, mukhang hindi maganda ang hapon ko ngayon.""Ha? Bakit naman?""May isa kasing GGSS na naman akong nakita.""Anong ggss?" tanong nitong nakakunot ang kilay na dinaig pa ang pinalantsa. "Ay! Hindi mo alam? GGSS, ibig sabihin ay 'yong mga taong GUWAPONG-GUWAPO SA SARILI." Hininaan pa niya ang pagkakabanggit sa huling salita, sapagkat nakita niya ang ina ng kaharap na paparating. Tiyak na kukulitin na
last updateLast Updated : 2022-01-20
Read more
Chapter 3
 MAHIHINANG tapik ang gumising kay Yumi. Mumukat-mukat pa siyang nagmulat ng mata. Bagama't madilim na ang kapaligiran ay aninag pa niya ang isang taong nakatayo sa kanyang harapan dahil sa tama ng ilaw na nagmula sa nakaparadang sasakyan. Napasinghap siya nang marealize ang kinahihintnan at dahil doon ay naramdam din siya ng takot. "M-multo..." Napalingon naman ang taong nakatayo sa kanyang harapan. Hinahanap ang sinasabing multo at nang wala itong makita ay muling hinarap ang dalaga. "Diyos ko, Lord! Nasa langit na po ba ako? Patay na po ba ako?" Mabilis siyang tumayo at kinapa-kapa ang sarili. "Hindi! Buhay pa ako! Nararamdaman ko pa ang sarili ko." Napatitig siya sa kaharap, isang lalaki iyon. Maputi at puti rin ang suot nito. At higit sa lahat, mukhang hindi uso ang kumain dahil sa payat nitong katawan. Lumapit siya rito upang mapagmasdan pa iyon. "Buhay ka ba?" Sinundot-sundot pa niya ang pisngi nito. "Ano sa tin
last updateLast Updated : 2022-01-20
Read more
Chapter 4
ISANG lumang jogging pants ang white t-shirt ang suot ni Yumi nang humarap sa mahaba at puno ng pagkaing hapag-kainan. Medyo nahirapan pa siyang hanapin iyon dahil sa pasikot-sikot na dinaanan. Ang kanyang tinutuntungan ay may carpet at maging ang kanyang dinaanan. Naisip pa nga niya na para siyang isang prinsesa nang sandaling iyon. Naglalakad sa red carpet habang sa pinaka-dulo niyo'y naghihintay ang kanyang prinsipe.  "Maupo ka." Napukaw ang kanyang isipan nang magsalita ang lalaking kanina pa nakatitig sa kanya. Alumpihit siyang na-upo sa dulo dahil doon siya nakatapat.  "Hindi riyan, dito sa tabi ko." Tinitigan muna niya ang nagsalita bago tumayo at muling na-upo sa katabing bangko nito. Sa sentro ito naka-upo, siya nama'y sa kanang bahagi nito. Magtatanong sana siya nang may pumasok na isang babae. Ma-edad ito at nasa ayos ng pananamit ang pagiging isang kasambahay. Nagsalin ito ng maiinom sa kanilang mga baso. "Salamat, Manang
last updateLast Updated : 2022-03-03
Read more
Chapter 5
NALAGLAG ang panga ni Yumi sa ganda ng bakuran ng mansyon. Hangang-hanga siya sa iba't-ibang uri ng bulaklak na bawat daanan nila'y naroon ang mga iyon. Humahalimuyak sa bango. Halata sa ayos na hindi pinababayaan. "Si Mama ang nagpatanim ng mga bulaklak na nakikita mo. At siya rin ang nagdesinyo ng harden na ito. Kaya hindi ko pinababayaan. Kapag may nasira, ipinapaayos ko kaagad.""Sobrang mahal mo ang ina mo, 'no?""Oo naman. Lahat naman yata tayo, mahal natin ang ating mga ina. Siyempre, mahal ko rin si Papa pero iba ang ina. Iba kasi silang mag-alaga.""Tama ka."Nagpatuloy ang maliliit nilang hakbang hanggang sa mapatapat sila sa pinaka-sentro ng harden na iyon. May isang bukal roon na may dalawang bebe na yari sa semento sa tabi. Umaagos ang tubig niyon patungo sa isang maliit na lawa. "Wow! Ang ganda!""Kaya sinasabi nila na pinamumugaran ito ng iba't-ibang engkanto dahil sa lugar na ito. Dito raw malimit tumira an
last updateLast Updated : 2022-04-21
Read more
Chapter 6
MAAGANG gumising si Yumi kinabukasan at tulad nang nangyari kahapon, sabay silang nag-almusal ni Vincent. Pagkatapos nilang kumain ay nagpunta silang muli sa harden. Ngiting-ngiti siya habang pinagmamasdan ang iba't ibang uri ng bulaklak, magmula sa nakalinyang orchids, rose, may wild plants din at kung anu-ano pa. "Hindi ako magsasawa sa lugar na ito, kahit dito na lang ako tumira, ayos lang sa akin. Ang ganda kasi," buong paghangang sambit niya. Nangingislap din ang mata niya habang nakatitig sa mga bulaklak. "Mahilig ka rin pala sa mga bulaklak."Nilingon niya si Vincent, "Medyo. Si Mama kasi noong nabubuhay pa ay may mga tanim din na bulaklak pero kaunti lang, tapos ako ang nagdidilig sa umaga."Tumango-tango naman si Vincent. Inilibot din siya nito sa labas ng mansiyon na ayon dito ay pag-aari rin ng yumao nitong ama. Napanganga siya sa lawak ng lupain nito. Para siyang nasa loob ng isang fairytale. May baka, kabayo, kalabaw at kambing na
last updateLast Updated : 2022-04-22
Read more
Chapter 7
TILA isang prinsesa si Yumi habang bumaba ng hagdan. Slow motion pa ang ginagawa niyang paghakbang sa mga baitang ng hagdan. At sa ibaba naman niyo'y naghihintay ang kanyang prince charming--si Vincent. Ang ngiti nito'y lumampas na sa dulo ng kalangitan habang nakatunghay sa bumababang dalaga. Feeling tuloy niya'y ang haba-haba ng hair niya. "You're so beautiful!" Ini-abot nito ang kamay niya. "Hindi kita nakilala. Ibang-iba ang hitsura mo kaysa kahapon.""Magaling kasing mag-ayos ang ipinadala mo sa akin." Pino siyang napangiti rito pero biglang nag-iba ang kanyang awra nang maalala ang kahihiyang natamo sa dalawang nagpakilalang dalawang magiging taga-silbi niya. "Bakit nga pala nagpadala ka pa ng maid? Alam mo ba kung ano ang ginawa nila sa akin, ha?""Ouch! Ouch! Stop. Stop. Stop. It hurt," nakangiwing daing ni Vincent nang maramdaman ang unti-unting paghigpit ng kanilang mga palad. "Anong sinasabi mo?""M-masakit na! A-aray! Ang ka
last updateLast Updated : 2022-04-23
Read more
Chapter 8
Nais mang mag-protesta ni Yumi ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang sa kagustuhan ni Vincent. Kasama iyon sa kasunduan nila ng binata. "Puwede bang umatras?" hiyaw ng kanyang isipan. "Umatras sa pagpapakasal sa iyo." Pero hindi niya maiwasang manghinayang kung aatras siya. Marahil ay sa kapalit nang pagpapakasal niya sa binata. Aaminin niya, naakit siya sa sinabing ibibigay ng binata sa kanya 'pag pumayag siyang magpakasal dito. Sino ba naman ang tatanggi 'pag pera na ang pinag-uusapan? Isa pa, fake lang naman ang kasal na gaganapin. Natitiyak niyang mababayaran na niya ang tiyahing Lourdes at mababawi na rin ang bahay ng kanyang magulang. Subalit ngayo'y parang may pag-aalinlangan na sa isipan niya. Hindi niya kayang makisama sa mga taong high-class dahil hindi siya ganoong uri ng tao. Mas nanaisin pa niya ang magtinda sa palengke o kaya'y magtrabaho nang walang sahod. Namalayan na lamang niyang sakay na sila sa isang white van. Abot-abot ang kanyang hinin
last updateLast Updated : 2022-04-25
Read more
Chapter 9
KINABUKASA'Y nine o'clock na ng umaga nang lumabas sa silid si Vincent, naghihikab pa siya habang bumaba ng hagdan. Hindi na siya kumatok sa silid ni Yumi 'pagkat alam niyang nasa ibaba na ito. Ngunit nagkamali pala siya sa naisip. Narinig niyang tinawag siya nito mula sa itaas ng hagdan. Napaawang ang kanyang bibig nang tingalain ito. "Jingles!" Lalo siyang humanga sa dalaga. "She's so pretty!""Good morning!" "G-good morning!" Pinasadahan pa niya ng tingin ang kabuohan ng dalaga. "You're so different today." "Bakit?""Ngayon lang kita nakitang ganyan ang suot.""Uhm, kasalanan ito ni Ella at Marrie." Sinuri rin nito ang sarili."Kung kasalanan ang ginawa nila, sana'y araw-arawin na nilang gumawa ng kasalanan. Mas gusto ko ang hitsura mo ngayon.""Nakakahiya nga eh! Sa tanang buhay ko'y ngayon lang ako nakapagsuot ng short na ganito kaiksi.""At saan ka naman nakakita ng short na hanggang talampakan?"
last updateLast Updated : 2022-04-26
Read more
Chapter 10
MADALING lumipas ang araw at tatlong araw na lamang ay ikakasal na si Yumi. Kabadong-kabado ang dalaga, hindi dahil sa nalalapit na kasal kundi sa isiping 'pag kasal na sila'y tiyak na sa iisang silid na sila magsasama ni Vincent. Nalunok niya ang sariling laway. "Oh my God!" Tumayo siya't nagpalakad-lakad sa harapan ng higaan. "Pero siguro nama'y hindi niya gagawin sa akin ang bagay na iyon kasi nga'y hindi totoo ang aming kasal," aniya habang patuloy sa paghakbang. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng katok. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanyang mata ang nakangiting si Victoria. May dala itong dalawang tasa ng tsaa. "Auntie Victoria, kayo po pala!" Pinapasok niya ang ginang sa loob ng kanyang silid. "Maupo po kayo," itinuro niya ang sofa na nasa gilid silid niya. "Thank you. You want tea?" Ini-abot nito ang tsaa sa dalaga. Kinuha naman naman iyon subalit hindi ininom. Tila ba'y may kung anong puwera ang pumipigil sa kanya na huwag inumin iyon. "You know what, dapat ay
last updateLast Updated : 2022-04-28
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status