"SWEETIE...""Yes?" Nabaling ang paningin ni Yumi sa asawang kalalabas lang sa banyo. Tumutulo pa ang tubig nito sa buhok at tanging puting towel ang balot nito sa pang-ibabang katawan. Napalunok siya ng laway nang makita ang nakaumbok nitong kakambal. Hindi man niya aminin pero pinagnanasaan niya ng palihim ang asawa. "Eyes on me, sweetie. Don't look down there." Pilyo itong ngumiti nang magtaas siya ng paningin.Hiyang-hiya siya sa salitang lumabas sa bibig nito. Syete. Nahuli na naman siya nito. Bakit kasi ang yummy ng asawa niya? Simula nang malaman nito ang katotohanan sa kalusugan nito'y mas naging aware ito sa kinakain. "Luh! Para kang temang. Kasalanan ko ba kung matuon ang paningin ko sa ano mo." Umirap pa siya para mawaglit ang hiyang nadarama niya. Narinig na lang niya ang mahinang tawa ng asawa na lalo niyang ikinahiya. Tumalikod na lang siya at kunwaring inabala ang sarili sa pag-aayos ng kanilang higaan. Saglit pa ay bahagya siyang napapitlag nang maramdaman ang mai
KASALUKUYANG tinatahak na ng sasakyan ni Vincent ang pabalik sa mansiyon. Napasarap ang kuwentuhan nila ni Tikboy. Lihim siyang napangiti nang maalala ito. Ang lalaking pinagselosan niya nang unang gabi nila ni Yumi bilang mag-asawa. Boyfriend pala ito ni Althea na dating nanliligaw sa asawa niya. Hindi naman niya kasi maitatanggi, may angking ganda ang kanyang asawa. Ang itim nitong mata, mahaba at malantik ang pilik-mata, mapula ang makipot na labi at ang bilugan nitong mukha, kaysarap pagmasdan. Napasulyap siya sa katabing asawa. Kaya pala tahimik ay nakatulog na pala ito. Napagod ito sa walang katapusang kuwentuhan ng magpinsan.Ang tiyang na nito ang pinamahala nito sa naiwang negosyo ng magulang nito, pero, minsan ay bumibisita sila roon. Lumaki na nga iyon. Ipinagpasalamat din ng asawa niya na kahit niloko ito ng mag-ina ay hindi nagawang pabayaan ng ginang ang tahian. Dinagdagan niya iyon ng twenty pieces na sewing machine at nagdagdag na rin ang ginang ng tauhan. Pinababali
MATIYAGANG nagbabantay si Vincent sa asawa. Wala pa rin itong malay. Hindi naman delikado ang naging lagay nito, sinalinan din agad ito ng dugo pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. Laking-pasasalamat niya sa taong nagligtas sa kanila. Kundi siguro dumating ang dalawa, tiyak niyang hindi lang iyon ang nangyari sa kanilang mag-asawa. Si Samuel. Matapos nitong gamutin ay dinala na ito sa presinto. Hindi siya pumayag na sa hospital ding iyon ito magpapagaling. Base sa naging usapan nilang dalawa ay naghihiganti ito dahil sa pagkamatay ni Yvonne at pagkakakulong ni Victoria. Sila pa pala ang may ganang maghiganti? Napahinga na lang siya ng malalim. Naagaw ang pansin niya nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang taong nagligtas sa buhay nila. "Hey, dude! Kumusta? Nagkamalay na ba ang asawa mo?" "Hindi pa," aniya na sinamahan pa ng marahang iling. "Don't worry, she will be alright." "Yeah. Thanks to you, Hector, ganoon din sa iyo, Drew." "Wala iyon," tugon
ISANG dalaga ang nakahiga sa bubong ng bahay at malayang nakatunghay sa nagkikislapang bituin. Naka-unan siya sa magka-ekis niyang braso. Siya si Yumi--ang dalagang sagana sa 'sana'. Gumugugol siya ng oras upang kausapin ang mga bituin sa bubong ng kanilang bahay."Sana, bukas mayaman na ako. At sana, mahanap ko na ang Prince Charming ko," halos pabulong niyang sambit ngunit mababasa iyon sa pagkibot ng kanyang bibig.Napangiti siya nang makitang kumislap ang isa sa malaki at maliwanag na bituin. Wari ba'y hudyat iyon na malapit nang matupad ang kanyang kahilingan."Ma, Pa, kumusta na po kayo riyan sa langit? Pakibulong naman po kay God, sana'y tuparin na Niya ang aking kahilingan. Para makabayad na ako ng mga utang natin. At upang sa gayon po'y hindi na magalit sa akin si T'yang Lour--" Naputol ang kanyang pagsasalita nang marinig ang sigaw ng tiyahin."Mayummiiii, nasaan ka na naman baaa?""Lagot!" anas niya. "Hindi pa nga
Pansamantalang iniwan niya ang paglilinis upang magluto naman at dahil naubusan na sila ng gulay, kinailangan niyang magtungo sa palengke. Malapit lang sa tirahan nila ang palengke kaya't nilalakad na lamang niya iyon. May pasipol-sipol pa siya habang patungo roon nang walang anu-ano'y biglang bumulaga sa harapan niya ang isang lalaking tila pinison ang buhok. Tuwid na tuwid kasi ang buhok niyon at nasa pinaka-gitna pa ang pinakang hati."Magandang hapon, aking mahal." Bati nito na ang kamay ay ikinukumpas pa."Tsk, mukhang hindi maganda ang hapon ko ngayon.""Ha? Bakit naman?""May isa kasing GGSS na naman akong nakita.""Anong ggss?" tanong nitong nakakunot ang kilay na dinaig pa ang pinalantsa."Ay! Hindi mo alam? GGSS, ibig sabihin ay 'yong mga taong GUWAPONG-GUWAPO SA SARILI." Hininaan pa niya ang pagkakabanggit sa huling salita, sapagkat nakita niya ang ina ng kaharap na paparating. Tiyak na kukulitin na
MAHIHINANG tapik ang gumising kay Yumi. Mumukat-mukat pa siyang nagmulat ng mata. Bagama't madilim na ang kapaligiran ay aninag pa niya ang isang taong nakatayo sa kanyang harapan dahil sa tama ng ilaw na nagmula sa nakaparadang sasakyan. Napasinghap siya nang marealize ang kinahihintnan at dahil doon ay naramdam din siya ng takot."M-multo..."Napalingon naman ang taong nakatayo sa kanyang harapan. Hinahanap ang sinasabing multo at nang wala itong makita ay muling hinarap ang dalaga."Diyos ko, Lord! Nasa langit na po ba ako? Patay na po ba ako?" Mabilis siyang tumayo at kinapa-kapa ang sarili. "Hindi! Buhay pa ako! Nararamdaman ko pa ang sarili ko." Napatitig siya sa kaharap, isang lalaki iyon. Maputi at puti rin ang suot nito. At higit sa lahat, mukhang hindi uso ang kumain dahil sa payat nitong katawan. Lumapit siya rito upang mapagmasdan pa iyon. "Buhay ka ba?" Sinundot-sundot pa niya ang pisngi nito."Ano sa tin
ISANG lumang jogging pants ang white t-shirt ang suot ni Yumi nang humarap sa mahaba at puno ng pagkaing hapag-kainan. Medyo nahirapan pa siyang hanapin iyon dahil sa pasikot-sikot na dinaanan. Ang kanyang tinutuntungan ay may carpet at maging ang kanyang dinaanan. Naisip pa nga niya na para siyang isang prinsesa nang sandaling iyon. Naglalakad sa red carpet habang sa pinaka-dulo niyo'y naghihintay ang kanyang prinsipe. "Maupo ka." Napukaw ang kanyang isipan nang magsalita ang lalaking kanina pa nakatitig sa kanya. Alumpihit siyang na-upo sa dulo dahil doon siya nakatapat. "Hindi riyan, dito sa tabi ko." Tinitigan muna niya ang nagsalita bago tumayo at muling na-upo sa katabing bangko nito. Sa sentro ito naka-upo, siya nama'y sa kanang bahagi nito. Magtatanong sana siya nang may pumasok na isang babae. Ma-edad ito at nasa ayos ng pananamit ang pagiging isang kasambahay. Nagsalin ito ng maiinom sa kanilang mga baso. "Salamat, Manang
NALAGLAG ang panga ni Yumi sa ganda ng bakuran ng mansyon. Hangang-hanga siya sa iba't-ibang uri ng bulaklak na bawat daanan nila'y naroon ang mga iyon. Humahalimuyak sa bango. Halata sa ayos na hindi pinababayaan."Si Mama ang nagpatanim ng mga bulaklak na nakikita mo. At siya rin ang nagdesinyo ng harden na ito. Kaya hindi ko pinababayaan. Kapag may nasira, ipinapaayos ko kaagad.""Sobrang mahal mo ang ina mo, 'no?""Oo naman. Lahat naman yata tayo, mahal natin ang ating mga ina. Siyempre, mahal ko rin si Papa pero iba ang ina. Iba kasi silang mag-alaga.""Tama ka."Nagpatuloy ang maliliit nilang hakbang hanggang sa mapatapat sila sa pinaka-sentro ng harden na iyon. May isang bukal roon na may dalawang bebe na yari sa semento sa tabi. Umaagos ang tubig niyon patungo sa isang maliit na lawa."Wow! Ang ganda!""Kaya sinasabi nila na pinamumugaran ito ng iba't-ibang engkanto dahil sa lugar na ito. Dito raw malimit tumira an
MATIYAGANG nagbabantay si Vincent sa asawa. Wala pa rin itong malay. Hindi naman delikado ang naging lagay nito, sinalinan din agad ito ng dugo pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. Laking-pasasalamat niya sa taong nagligtas sa kanila. Kundi siguro dumating ang dalawa, tiyak niyang hindi lang iyon ang nangyari sa kanilang mag-asawa. Si Samuel. Matapos nitong gamutin ay dinala na ito sa presinto. Hindi siya pumayag na sa hospital ding iyon ito magpapagaling. Base sa naging usapan nilang dalawa ay naghihiganti ito dahil sa pagkamatay ni Yvonne at pagkakakulong ni Victoria. Sila pa pala ang may ganang maghiganti? Napahinga na lang siya ng malalim. Naagaw ang pansin niya nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang taong nagligtas sa buhay nila. "Hey, dude! Kumusta? Nagkamalay na ba ang asawa mo?" "Hindi pa," aniya na sinamahan pa ng marahang iling. "Don't worry, she will be alright." "Yeah. Thanks to you, Hector, ganoon din sa iyo, Drew." "Wala iyon," tugon
KASALUKUYANG tinatahak na ng sasakyan ni Vincent ang pabalik sa mansiyon. Napasarap ang kuwentuhan nila ni Tikboy. Lihim siyang napangiti nang maalala ito. Ang lalaking pinagselosan niya nang unang gabi nila ni Yumi bilang mag-asawa. Boyfriend pala ito ni Althea na dating nanliligaw sa asawa niya. Hindi naman niya kasi maitatanggi, may angking ganda ang kanyang asawa. Ang itim nitong mata, mahaba at malantik ang pilik-mata, mapula ang makipot na labi at ang bilugan nitong mukha, kaysarap pagmasdan. Napasulyap siya sa katabing asawa. Kaya pala tahimik ay nakatulog na pala ito. Napagod ito sa walang katapusang kuwentuhan ng magpinsan.Ang tiyang na nito ang pinamahala nito sa naiwang negosyo ng magulang nito, pero, minsan ay bumibisita sila roon. Lumaki na nga iyon. Ipinagpasalamat din ng asawa niya na kahit niloko ito ng mag-ina ay hindi nagawang pabayaan ng ginang ang tahian. Dinagdagan niya iyon ng twenty pieces na sewing machine at nagdagdag na rin ang ginang ng tauhan. Pinababali
"SWEETIE...""Yes?" Nabaling ang paningin ni Yumi sa asawang kalalabas lang sa banyo. Tumutulo pa ang tubig nito sa buhok at tanging puting towel ang balot nito sa pang-ibabang katawan. Napalunok siya ng laway nang makita ang nakaumbok nitong kakambal. Hindi man niya aminin pero pinagnanasaan niya ng palihim ang asawa. "Eyes on me, sweetie. Don't look down there." Pilyo itong ngumiti nang magtaas siya ng paningin.Hiyang-hiya siya sa salitang lumabas sa bibig nito. Syete. Nahuli na naman siya nito. Bakit kasi ang yummy ng asawa niya? Simula nang malaman nito ang katotohanan sa kalusugan nito'y mas naging aware ito sa kinakain. "Luh! Para kang temang. Kasalanan ko ba kung matuon ang paningin ko sa ano mo." Umirap pa siya para mawaglit ang hiyang nadarama niya. Narinig na lang niya ang mahinang tawa ng asawa na lalo niyang ikinahiya. Tumalikod na lang siya at kunwaring inabala ang sarili sa pag-aayos ng kanilang higaan. Saglit pa ay bahagya siyang napapitlag nang maramdaman ang mai
KAHIT papaano ay nakadama ng takot si Vincent nang kalabitin ang gatilyo ng baril ni Victoria. Ngayon lang siya nakadama ng ganoong uri ng takot kaya niyakap na lang niya ang katabing asawa dahil ito ang puntirya ng baril. Sabay na lang silang napapikit. Ang mga pulis nama'y mabilis din ang ginawang pagdampot sa kanya-kanyang baril.Nagtilian ang mga saksi. Naghintay si Vincent pero walang bala ng baril ang dumapo sa kahit anong parte ng katawan niya. Nagmulat siya ng mata at nakita na lang niya ang pagbaha ng dugo sa kinatutuntungan nila. "Y-Yvonne..." Nabitiwan ni Victoria ang hawak na baril. Kitang-kita nito ang pagtama ng bala sa dibdib ng anak. "Yvonne..." patakbong lumapit ito sa anak ngunit naunahan na ito ng mga pulis. Agad itong nahawakan ng isa at ipinosas ang kamay.Mabilis na dinaluhan ni Vincent si Yvonne. Tinapalan ni Yumi ang sugat ng panyong nadukot sa bulsa ngunit bumubulwak pa rin ang dugo. Walang patid iyon na dinaig pa anh gripo ng tubig. Napuno na rin ng dugo ang
NANG dahil naging busy si Victoria nang mga nakalipas na araw ay pansamantalang nakalimutan niya ang gintong kawangis ng mansiyon. Kinabukasan pagkatapos nang dakpin si Yumi ay saka pa lang niya naalala iyon. Pagmulat pa lang ng mata niya'y iyon na agad ang pinagtuunan niya ng pansin. Umakyat siya sa ikatlong palapag, kung saan ay naroon ang kawangis ng mansiyon. Simula nang ipapatay ng ginang si Vincent ay hindi na siya pang muli umakyat doon. Nakalimutan na niya ang tungkol sa gintong mansiyon dahil sa araw-araw na paglabas at pag-akit niya sa mga kaibigan. "What? Nasaan na iyon?" buong pagtatakang tanong niya. Wala na roon ang gintong mansiyon. Maliban doon ay wala nang iba pang nawawala. Inilibot niya ang paningin. Binuksan din niya ang kabinet na nandoon ngunit wala sa alinman doon ang kanyang hinahanap."May pumasok dito?" sambit niya. "Si Yumi! Ang walanghiyang babaeng 'yon! Ahh..." hiyaw niya, sapo ng dalawang palad ang ulo. "Naisahan na naman niya ako!""Bwisit ka talaga, Y
NAGPAALAM sandali si Yumi kay Manang Fe, may importanteng aayusin siya at iyon ay tungkol sa pina-examine niyang gamot na ininom ni Vincent. Wala kasi siyang alam tungkol sa mga ganyan. Humanap siya ng mapagkakatiwalaang tao at doon ipinagawa ang nais. At ayon sa taong inutusan niya'y lumabas na ang resulta. Hindi muna niya ipinaalam sa matanda ang naging desisyon niya. Mahigit tatlong oras siyang wala at sa pagbalik niya'y hawak na niya ang resulta. Naabutan niya na nasa labas ng gate si Ella at Marrie. Bahagya pang umarko ang kilay niya sa narinig na pagtatalo ng dalawa. Nasa likuran na siya ng dalawa at mukhang hindi siya napapansin."Ikaw na nga kasi.""Bakit ako? Mas matagal ka sa akin dito, 'di ba? So, ikaw na.""Wala sa tagal iyan, Marrie. Sige na, pindutin mo na ang doorbell." "Luh! Ikaw na nga. Or mas mabuting hintayin na lang natin dito si Ate Yumi.""Lalamukin tayo rito. Ikaw na. Sabunutan pa ako ni Madam Victoria e."Nahilot niya sa sentido kasabay ang pag-ikot ng mata.
KUYOM ang kamao habang nakatitig sa repleksyon sa salamin si Victoria. Halos umusok ang ilong niya sa matinding galit na nararamdaman. Nagkakandabuhol-buhol na ang pagtahip ng dibdib niya. Buong akala niya'y mananalo na siya sa larong ginawa. Kung hindi nga lang ba dumating sa buhay ni Vincent si Yumi, tagumpay sana ang kanyang plano. "Ahhh... Bvwisit ka!" hiyaw niya kasabay ang pagtilapon sa lahat ng madampot na kasangkapan. Wala siyang itinira, maging ang nananahimik na unan ay pinagbuntungan din ng galit. "Hayop! Hayop ka! Sagad hanggang buto ang galit ko sa inyo!" muling sigaw niya. "Kasalanan mo ito, Bridgette. Hayop ka! Pinapahirapan mo pa rin ako kahit nasa kabilang buhay ka na! Kung hindi dahil sa ginawa mo noon, hindi sana ako maghihirap ng ganito. It's all your fault!" gigil pa niyang sabi.Inilabas niya ang lahat ng galit na nasa dibdib. Sumigaw siya nang sumigaw ngunit hindi yata mawawala ang galit na nararamdaman niya. Isang libo't isang daan din niyang minura ang yumaon
NAKITA ni Yumi na halos lumuwa ang mata ng dalawa sa nabasa. Kapwa yata hindi makapaniwala. Sabay na nabaling ang tingin ng mga ito sa kanya na nakaawang pa ang bibig."Ate," nagtitili si Marrie. "Ang yaman-yaman mo na!""Shhh!" Mabilis niyang tinakpan ang bibig ni Marrie. "Ang bunganga mo. Huwag kang maingay! Walang dapat maka-alam. Hahayaan muna nating namnamin ni Victoria ang tagumpay na inaakala niya. At sa huli, pagbabayarin ko siya. Alam ko naman siya ang may pakana nang pagkamatay ni Vincent." Kahit may lungkot na nadama ang dalawa ay hindi napigilang magningning ang mga mata ng kaharap niya at kasabay ang pagsilay ng ngiti sa kanila-kanilang mga labi. Pagkatapos niyo'y lumabas na sila ng silid. Nagtungo ang dalawa sa tinutuloyang silid upang kuhain ang mga gamit. At habang naghihintay si Yumi sa dalawa ay lumapit si Yvonne."Iyan lang ba ang dadalahin mo?" Tiningnan nito ang nasa paanan niyang bag. "Oo. Bakit?""I thought na gusto mong dalahin ang damit mo? Sige na, kuhain
MAG-ISA si Yumi sa silid nilang mag-asawa, nagmumuni-muni sa mga nangyari. Katatapos lang na ilibing ang bangkay ni Vincent. Ayon kay Victoria ay ayaw nitong patagalin pa ang burol, bagay na sinang-ayunan din niya. Naluluha't nagagalit siya nangyari sa kanyang asawa, pero wala na siyang magagawa pa. Ang dapat na lang niyang gawin ngayon ay patunayan na ang ginang nga ang may pakana ng aksidenteng nangyari. Napakabilis ng pangyayari. Parang kahapon lang ay masaya pa siyang magkasama pero ngayo'y...wala na. At dahil iyon sa isang taong ganid sa pera. Sino pa ba ang gagawa n'on sa asawa niya? Baka nga kung hindi siya nakaalis sa sasakya'y nadamay rin siya. Pero ang ipinagtataka niya at kung si Victoria ang nag-utos na patayin si Vincent, hindi ba't may kayamanan na rin itong natanggap mula sa yumaong ama ng asawa niya? Dahil ba sa gustong makuha ng mag-ina ang lahat ng ari-arian nito? Kunsabagay, alam nga pala ng mag-ina na peke ang kanilang kasal."Asa ka, Victoria! Hindi mo makukuha a