MAHIHINANG tapik ang gumising kay Yumi. Mumukat-mukat pa siyang nagmulat ng mata. Bagama't madilim na ang kapaligiran ay aninag pa niya ang isang taong nakatayo sa kanyang harapan dahil sa tama ng ilaw na nagmula sa nakaparadang sasakyan. Napasinghap siya nang marealize ang kinahihintnan at dahil doon ay naramdam din siya ng takot.
"M-multo..."
Napalingon naman ang taong nakatayo sa kanyang harapan. Hinahanap ang sinasabing multo at nang wala itong makita ay muling hinarap ang dalaga.
"Diyos ko, Lord! Nasa langit na po ba ako? Patay na po ba ako?" Mabilis siyang tumayo at kinapa-kapa ang sarili. "Hindi! Buhay pa ako! Nararamdaman ko pa ang sarili ko." Napatitig siya sa kaharap, isang lalaki iyon. Maputi at puti rin ang suot nito. At higit sa lahat, mukhang hindi uso ang kumain dahil sa payat nitong katawan. Lumapit siya rito upang mapagmasdan pa iyon. "Buhay ka ba?" Sinundot-sundot pa niya ang pisngi nito.
"Ano sa tingin mo?" baritonong tinig nito, nakakunot din ang kilay nito. Halatang galit na.
"Hala! Buhay ka nga! Pero bakit ganiyan ang histura mo? Sobrang payat mo at ang puti mo pa. Glutathione ba ang itinuturok sa 'yong katawan? Hanep ah!" Napalatak pa siya at umikit sa lalaki.
Tumalim ang pagkakatitig ng lalaki, "Kung alam ko lang na lalaitin mo lang ako, sana'y hindi na kita ginising pa! Naawa pa naman ako sa iyo nang makita kita riyang nakalugmok. Ihahatid pa naman sana kita sa inyo dahil mukhang nawawala ka." Akmang tatalikod na ang lalaki ngunit maagap niyang nahawakan ang braso nito para pigilan ito.
"Sorry na po, nagulat lang ako!"
"Diyan ka na! Kainin ka sana riyan nang sinasabi mong multo."
"Teka sandali," mabilis niyang kinuha ang mga gamit at hinabol ang lalaki. "Nagbibiro lang po ako kanina. Patawad na po! Maawa ka naman sa akin oh! Kanina pa akong basang-basa sa ulan. Gutom na gutom na rin ako--"
Agad siyang hinarap nito, "Bakit ka kasi lumayas sa inyo nang hindi mo naman pala alam ang pupuntahan mo? At tiyak kong wala ka ring pera dahil kung mayroon, hindi ka magpapakabasa sa ulan. Tama ba ako, Miss?"
Lihim na sumimangot si Yumi, "Hindi po ako lumayas, pinalayas po ako. Wala po akong ibang mapupuntahan. Kaya please lang po, huwag mo naman akong iwan sa ganitong madilim na lugar!" Pinalungkot niya ang boses upang maawa ang lalaki.
Sandali namang natahimik ang lalaki, "Sumakay ka na sa kotse," nawika nito.
Atubili namang sumunod si Yumi, pagkakataon na niya iyon at pagkakataon na rin niyang sumakay sa ganoong kagarang kotse. "Ito ba yung sikat na 'Lamborghini'? Tanong niya sa sarili. May sasakyan din naman sila noon pero hindi kasing-ganda tulad nito. Bago siya tuloyang maupo sa hulihan, kinuha muna niya ang towel sa plastik upang ilagay iyon sa bangko ng sasakyan.
"Anong ginagawa mo?" Napapitlag siya nang marinig ang boses na iyon.
"Basa po kasi ako, Sir."
"Tanggalin mo na 'yan!"
Tumingin muna siya sa nagsalita bago muling ibinalik ang towel sa plastik. Pigil niya ang paghinga nang umupo sa malambot na bangko nang muling nagsalita ang lalaking naka-upo sa harap mg manibela.
"Ano bang ginagawa mo?"
Umarko ang dalawang kilay ni Yumi, "Um-upo. Hindi mo ho ba nakikita?"
"Alam ko. Pero, bakit diyan ka um-upo? Anong palagay mo sa akin? Driver mo? Pinasakay na nga kita, tapos balak mo pa yata akong gawing driver habangbuhay. Dito ka na ma-upo sa unahan. Iwan mo na lamang ang mga gamit mo riyan!" utos nito kasabay ang pagbuhay sa makina ng sasakyan.
Nahugot ni Yumi ang hininga, "Ang sungit naman ng payatot na 'to!" pabulong niyang sabi
"Anong sinabi mo?"
"Ba-baba na po ako."
Kampante na siyang na-upo sa tabi nito at hindi na rin pansin ang basang kasuotan. Subalit, hindi pa man sila nakalalayo ng tinatakbo ay nanlalamig na ang katawan niya. Niyakap na lamang niya ang sarili upang kahit papa-ano ay maibsan ang panlalamig ng katawan. Napansin naman iyon ng katabi niya. Pinatay nito ang aircon ng sasakya't binuksan ang katabing bintana. Ini-abot din nito ang suot na Amerikana.
"Suotin mo muna iyan para hindi ka lamigin. 'Pagdating mo sa bahay, maligo ka agad."
"Bahay? K-kaninong bahay?"
"Sa akin." Sinulyapan siya nito, "Hindi ba, sabi mo'y wala ka nang pupuntahan? Kaya sa bahay ko muna ikaw tutuloy."
Napipilan si Yumi, maya't-maya rin ay napatango na lamang siya. Habang tumatakbo ang sasakya'y naglalakbay din ang kanyang diwa hanggang sa makatulog siya. Nagising na lamang siyang nasa tapat na ng bahay na lalaking hindi pa kilala.
"Sorry po, Sir. Nakatulog na pala ako."
"Okay lang. Bumaba ka na para makapagpalit ng damit. Baka'y magkasakit ka pa niyan."
Tumalima naman agad siya. Kinuha niya ang mga gamit at sumunod sa lalaki. Nalaglag ang kanyang panga habang nagkabuntot dito. Sino ba naman ang hindi mapapanganga sa nakikita? Hindi lang pala basta bahay ang kanyang titirahan kundi isang mala-palasyong tahanan. Halos malula siya sa laki at ganda niyon. Magmula sa desinyo, mga painting's na nakasabit, chandelier's at mga gamit na naka-display. Nagulohan tuloy siya sa pagkatao ng lalaking nasa unahan. Nais sana niya itong tanungin ngunit ayaw umangat ng pagkakalapat ng kanyang bibig.
Inakyat nila ang hagdan. Hagdan pa lang napapasipol na siya. Mukhang yari iyon sa ginto dahil sa kinang lalo na't natatamaan iyon ng ilaw. In-ikot muli niya ang paningin nang maka-akyat na sila sa ikalawang palapag ng bahay.
"Wow! Ang ganda!" puri niya.
"Nagustuhan mo?"
Sandali niyang nilingon ang nagtanong at tumango nang ilang beses. Hindi siya makapagsalita sa labis na paghangang nararamdaman sa mga nakikita.
"Matagal na itong ipinatayo ng magulang ko, bahay-bakasyunan daw namin. Alam mo bang karamihan sa gamit dito ay yari sa ginto't pilak?" Tumabi ito sa dalaga at tumunghay sa unang palapag ng bahay.
Lumaki ang mata ni Yumi sa narinig, "Tama nga pala ang hinala ko."
"Marami na rin ang nagtangkang nakawin ang ilan sa mga kagamitan dito pero hindi sila nagtatagumpay. Walang sinuman ang nakaaalis sa bakuran nang mansyon na ito."
Nahintatakutan bigla si Yumi. Nanindig ang kanyang mga balahibo. Pakiwari ba niya'y ipinaalam na ng kaharap ang mangyayari sa kanya kung sakali.
"Sabi nila, may mga nag-aalaga raw na kung anuman dito dahil na rin sa tagal na panahon nang nakatayo ang mansyon na ito. Pero hindi ako naniniwala roon. Masyado lang nilang tinatakot ang kanilang mga sarili."
"Hindi mo sila masisisi dahil sabi mo nga'y hindi nakaliligtas ang sinumang magtatangkang magnakaw dito."
"Tama ka." Sagot agad nito. "Kaya ikaw, huwag kang magkakamaling kumuha nang anumang gamit dito kung ayaw mong magaya sa iba pa."
"Naman. Hindi ko pag-iintirisan ang mga ang mga gamit mo kahit ginto pa iyan." Kabaligtaran iyon sa mga salitang nasa isipan niya. "Gusto ko pang mabuhay nang matagal."
"Good. Halika na, ihahatid na kita sa tutulogan mo."
Mula sa ikalawang palapag ay umakyat pa sila ng hagdan patungo sa ikatlong palapag. Kung sa ikalawang palapag ay hangang-hanga na si Yumi, higit pa siyang humanga nang mapagmasdan ang ikatlong palapag ng mansyon. Sa pinaka-gitna ay naroon ang isang malawak na sala. May mesa at mga bangko rin. May mga painting's din na nakasabit sa dingding. Isa-isa niyang tiningnan ang mga painting na nakasabit sa magkabilang dingding ngunit ang mas naka-agaw ng pansin sa kanya ay ang larawang nakasabit sa gitna. Namumukod tangi iyon sa lahat.
"Siya ang Mama ko," pakilala nito. "Twenty-five lang siya sa larawan na iyan."
"Ang ganda n'ya!"
Nangiti naman ang binatang katabi niya. "Kuha iyan sa harapan ng bahay namin sa England--"
"Taga-England ka? May dugong bughaw ka? Isa ka bang prinsipe?" sunod-sunod niyang tanong dito.
Pinong ngumiti ang binata, "Bukas ko na sasagutin ang mga katanungan mo. Sa ngayon, magpahinga ka na muna. Maligo tapos bumaba ka at sabayan mo akong kumain." Binuksan nito ang pintong nasa bukana lamang. "Okay na ba ito sa iyo?"
"Wow! Ang gara naman!"
"Kung nagustuhan mo'y bababa na ako para makapaglinis ka na ng katawan mo." Itinuro nito ang pintong nakapinid, hudyat na iyon ang banyo.
"Sandali lang po, Sir. Saan po ako pupunta mamaya? Baka kasi po'y maligaw ako. At sa sobrang laki ng bahay mo'y tiyak na bukas ko pa mahahanap ang kusina rito."
Muling sumilay sa labi ng lalaking kaharap ni Yumi ang pinong ngiti. Sinabi na nito ang lugar na dapat niyang puntahan at pagakatapos ay tuloyan nang lumabas ng silid. Si Yumi nama'y pinagsawa ang mata sa pagtingin sa bago niyang silid.
"Lord, kung panaginip lang po ito'y maaari po bang huwag N'yo muna akong gisingin. Mag-e-enjoy po muna ako sa pagkakataong ibinigay Mo sa akin." Taimtim niyang panalangin na magkadaop ang palad. "Ang gara naman ng silid ko. Tiyak na kapag nalaman ito ng pinsan kong tinurukan ng glutathione, maiinggit iyon sa akin." Bigla siyang natahimik at nakaramdam ng lungkot. Kahit ganoon ang mag-ina ay napamahal na iyon sa kaniya. Malupit mang mag-utos ang tiyang niya ay hindi pa kailanman siya nito sinaktan.
Ilang sandali pa ay kinuha na niya sa plastik ang towel. Nangingiti na siyang pumasok sa banyo. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, kung bakit magaan ang pakiramdam niya sa lalaking iyon. Kabilin-bilinan sa kanya ng yumaong ama na huwag agad magtitiwala sa mga taong hindi pa gasinong kilala, pero iba ang lalaking may-ari ng mansyon na tinutuntungan ngayon. Hindi dahil mayaman ito.
Napanganga siya nang sa pagpasok niya'y bumulaga ang ayos ng banyo. "Wow! Kakaiba ito sa na-imagine ko." Pinasadahan niya lahat ng gamit at maging wall doon. Maging ang toilet bowl ay hindi rin niya pinalampas. "Ang ganda!" Ang bathtub ang tinutukoy niya. Lahat ng kagamitan roon ay pinasadahan niya ng daliri. Hindi niya aakalain na makakapasok siya sa ganoong karangyang bahay. "Yumi, bilisan mo na. Baka'y mainip na si Sir, palayasin ka pa n'ya rito." Gusto pa sana niyang magbabad sa shower ngunit ang katawan niya'y iba ang nais sundin.
ISANG lumang jogging pants ang white t-shirt ang suot ni Yumi nang humarap sa mahaba at puno ng pagkaing hapag-kainan. Medyo nahirapan pa siyang hanapin iyon dahil sa pasikot-sikot na dinaanan. Ang kanyang tinutuntungan ay may carpet at maging ang kanyang dinaanan. Naisip pa nga niya na para siyang isang prinsesa nang sandaling iyon. Naglalakad sa red carpet habang sa pinaka-dulo niyo'y naghihintay ang kanyang prinsipe. "Maupo ka." Napukaw ang kanyang isipan nang magsalita ang lalaking kanina pa nakatitig sa kanya. Alumpihit siyang na-upo sa dulo dahil doon siya nakatapat. "Hindi riyan, dito sa tabi ko." Tinitigan muna niya ang nagsalita bago tumayo at muling na-upo sa katabing bangko nito. Sa sentro ito naka-upo, siya nama'y sa kanang bahagi nito. Magtatanong sana siya nang may pumasok na isang babae. Ma-edad ito at nasa ayos ng pananamit ang pagiging isang kasambahay. Nagsalin ito ng maiinom sa kanilang mga baso. "Salamat, Manang
NALAGLAG ang panga ni Yumi sa ganda ng bakuran ng mansyon. Hangang-hanga siya sa iba't-ibang uri ng bulaklak na bawat daanan nila'y naroon ang mga iyon. Humahalimuyak sa bango. Halata sa ayos na hindi pinababayaan."Si Mama ang nagpatanim ng mga bulaklak na nakikita mo. At siya rin ang nagdesinyo ng harden na ito. Kaya hindi ko pinababayaan. Kapag may nasira, ipinapaayos ko kaagad.""Sobrang mahal mo ang ina mo, 'no?""Oo naman. Lahat naman yata tayo, mahal natin ang ating mga ina. Siyempre, mahal ko rin si Papa pero iba ang ina. Iba kasi silang mag-alaga.""Tama ka."Nagpatuloy ang maliliit nilang hakbang hanggang sa mapatapat sila sa pinaka-sentro ng harden na iyon. May isang bukal roon na may dalawang bebe na yari sa semento sa tabi. Umaagos ang tubig niyon patungo sa isang maliit na lawa."Wow! Ang ganda!""Kaya sinasabi nila na pinamumugaran ito ng iba't-ibang engkanto dahil sa lugar na ito. Dito raw malimit tumira an
MAAGANG gumising si Yumi kinabukasan at tulad nang nangyari kahapon, sabay silang nag-almusal ni Vincent. Pagkatapos nilang kumain ay nagpunta silang muli sa harden. Ngiting-ngiti siya habang pinagmamasdan ang iba't ibang uri ng bulaklak, magmula sa nakalinyang orchids, rose, may wild plants din at kung anu-ano pa."Hindi ako magsasawa sa lugar na ito, kahit dito na lang ako tumira, ayos lang sa akin. Ang ganda kasi," buong paghangang sambit niya. Nangingislap din ang mata niya habang nakatitig sa mga bulaklak."Mahilig ka rin pala sa mga bulaklak."Nilingon niya si Vincent, "Medyo. Si Mama kasi noong nabubuhay pa ay may mga tanim din na bulaklak pero kaunti lang, tapos ako ang nagdidilig sa umaga."Tumango-tango naman si Vincent. Inilibot din siya nito sa labas ng mansiyon na ayon dito ay pag-aari rin ng yumao nitong ama. Napanganga siya sa lawak ng lupain nito. Para siyang nasa loob ng isang fairytale. May baka, kabayo, kalabaw at kambing na
TILA isang prinsesa si Yumi habang bumaba ng hagdan. Slow motion pa ang ginagawa niyang paghakbang sa mga baitang ng hagdan. At sa ibaba naman niyo'y naghihintay ang kanyang prince charming--si Vincent. Ang ngiti nito'y lumampas na sa dulo ng kalangitan habang nakatunghay sa bumababang dalaga. Feeling tuloy niya'y ang haba-haba ng hair niya."You're so beautiful!" Ini-abot nito ang kamay niya. "Hindi kita nakilala. Ibang-iba ang hitsura mo kaysa kahapon.""Magaling kasing mag-ayos ang ipinadala mo sa akin." Pino siyang napangiti rito pero biglang nag-iba ang kanyang awra nang maalala ang kahihiyang natamo sa dalawang nagpakilalang dalawang magiging taga-silbi niya. "Bakit nga pala nagpadala ka pa ng maid? Alam mo ba kung ano ang ginawa nila sa akin, ha?""Ouch! Ouch! Stop. Stop. Stop. It hurt," nakangiwing daing ni Vincent nang maramdaman ang unti-unting paghigpit ng kanilang mga palad."Anong sinasabi mo?""M-masakit na! A-aray! Ang ka
Nais mang mag-protesta ni Yumi ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang sa kagustuhan ni Vincent. Kasama iyon sa kasunduan nila ng binata. "Puwede bang umatras?" hiyaw ng kanyang isipan. "Umatras sa pagpapakasal sa iyo." Pero hindi niya maiwasang manghinayang kung aatras siya. Marahil ay sa kapalit nang pagpapakasal niya sa binata. Aaminin niya, naakit siya sa sinabing ibibigay ng binata sa kanya 'pag pumayag siyang magpakasal dito. Sino ba naman ang tatanggi 'pag pera na ang pinag-uusapan? Isa pa, fake lang naman ang kasal na gaganapin. Natitiyak niyang mababayaran na niya ang tiyahing Lourdes at mababawi na rin ang bahay ng kanyang magulang. Subalit ngayo'y parang may pag-aalinlangan na sa isipan niya. Hindi niya kayang makisama sa mga taong high-class dahil hindi siya ganoong uri ng tao. Mas nanaisin pa niya ang magtinda sa palengke o kaya'y magtrabaho nang walang sahod.Namalayan na lamang niyang sakay na sila sa isang white van. Abot-abot ang kanyang hinin
KINABUKASA'Y nine o'clock na ng umaga nang lumabas sa silid si Vincent, naghihikab pa siya habang bumaba ng hagdan. Hindi na siya kumatok sa silid ni Yumi 'pagkat alam niyang nasa ibaba na ito. Ngunit nagkamali pala siya sa naisip. Narinig niyang tinawag siya nito mula sa itaas ng hagdan. Napaawang ang kanyang bibig nang tingalain ito."Jingles!" Lalo siyang humanga sa dalaga. "She's so pretty!""Good morning!""G-good morning!" Pinasadahan pa niya ng tingin ang kabuohan ng dalaga. "You're so different today.""Bakit?""Ngayon lang kita nakitang ganyan ang suot.""Uhm, kasalanan ito ni Ella at Marrie." Sinuri rin nito ang sarili."Kung kasalanan ang ginawa nila, sana'y araw-arawin na nilang gumawa ng kasalanan. Mas gusto ko ang hitsura mo ngayon.""Nakakahiya nga eh! Sa tanang buhay ko'y ngayon lang ako nakapagsuot ng short na ganito kaiksi.""At saan ka naman nakakita ng short na hanggang talampakan?"
MADALING lumipas ang araw at tatlong araw na lamang ay ikakasal na si Yumi. Kabadong-kabado ang dalaga, hindi dahil sa nalalapit na kasal kundi sa isiping 'pag kasal na sila'y tiyak na sa iisang silid na sila magsasama ni Vincent. Nalunok niya ang sariling laway. "Oh my God!" Tumayo siya't nagpalakad-lakad sa harapan ng higaan. "Pero siguro nama'y hindi niya gagawin sa akin ang bagay na iyon kasi nga'y hindi totoo ang aming kasal," aniya habang patuloy sa paghakbang. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng katok. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanyang mata ang nakangiting si Victoria. May dala itong dalawang tasa ng tsaa. "Auntie Victoria, kayo po pala!" Pinapasok niya ang ginang sa loob ng kanyang silid. "Maupo po kayo," itinuro niya ang sofa na nasa gilid silid niya. "Thank you. You want tea?" Ini-abot nito ang tsaa sa dalaga. Kinuha naman naman iyon subalit hindi ininom. Tila ba'y may kung anong puwera ang pumipigil sa kanya na huwag inumin iyon. "You know what, dapat ay
NAKIKINIG lang si Yumi sa nagsesermong si Victoria. Pinagmasdan niya ang dalawang nag-aayos sa kanya, nakayuko lang ng mga ito. Noon lang niya ito nakitang nanigaw ng kasambahay at sa harap pa mismo niya. "Hindi pa rin kayo tapos! Aba'y anong petsa na?! Aabutin pa ba kayo ng Pasko sa pag-aayos sa babaing iyan! Ang kukupad ninyo!""S-sorry po, Madam.""Sorry? Dalawa na nga kayo rito--""Auntie, huwag po naman ninyo silang pagalitan," awat niya rito. Hindi na niya natiis ang sarili. "Ako po ang may kasalanan at tsaka'y tatlong oras pa po ang hihintayin natin."Hindi nakasagot ang ginang, sumimangot na lamang ito. Manaka'y pinagmasdan nito ang gown na susuotin ng dalaga. "Hindi ko talaga type itong napili mong gown. Ang pangit! Cheap pagmasdan."Makahulogang nagkatinginan ang tatlo. At napilitang tumayo si Yumi upang lapitan ang ginang. "Para sa akin po'y maganda iyan. Simple pero elegant ang dating."Tumilos naman ang nguso ni Victoria, "Bakit kasi hindi mo na lamang pinili ang naiibig
MATIYAGANG nagbabantay si Vincent sa asawa. Wala pa rin itong malay. Hindi naman delikado ang naging lagay nito, sinalinan din agad ito ng dugo pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. Laking-pasasalamat niya sa taong nagligtas sa kanila. Kundi siguro dumating ang dalawa, tiyak niyang hindi lang iyon ang nangyari sa kanilang mag-asawa. Si Samuel. Matapos nitong gamutin ay dinala na ito sa presinto. Hindi siya pumayag na sa hospital ding iyon ito magpapagaling. Base sa naging usapan nilang dalawa ay naghihiganti ito dahil sa pagkamatay ni Yvonne at pagkakakulong ni Victoria. Sila pa pala ang may ganang maghiganti? Napahinga na lang siya ng malalim. Naagaw ang pansin niya nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang taong nagligtas sa buhay nila. "Hey, dude! Kumusta? Nagkamalay na ba ang asawa mo?" "Hindi pa," aniya na sinamahan pa ng marahang iling. "Don't worry, she will be alright." "Yeah. Thanks to you, Hector, ganoon din sa iyo, Drew." "Wala iyon," tugon
KASALUKUYANG tinatahak na ng sasakyan ni Vincent ang pabalik sa mansiyon. Napasarap ang kuwentuhan nila ni Tikboy. Lihim siyang napangiti nang maalala ito. Ang lalaking pinagselosan niya nang unang gabi nila ni Yumi bilang mag-asawa. Boyfriend pala ito ni Althea na dating nanliligaw sa asawa niya. Hindi naman niya kasi maitatanggi, may angking ganda ang kanyang asawa. Ang itim nitong mata, mahaba at malantik ang pilik-mata, mapula ang makipot na labi at ang bilugan nitong mukha, kaysarap pagmasdan. Napasulyap siya sa katabing asawa. Kaya pala tahimik ay nakatulog na pala ito. Napagod ito sa walang katapusang kuwentuhan ng magpinsan.Ang tiyang na nito ang pinamahala nito sa naiwang negosyo ng magulang nito, pero, minsan ay bumibisita sila roon. Lumaki na nga iyon. Ipinagpasalamat din ng asawa niya na kahit niloko ito ng mag-ina ay hindi nagawang pabayaan ng ginang ang tahian. Dinagdagan niya iyon ng twenty pieces na sewing machine at nagdagdag na rin ang ginang ng tauhan. Pinababali
"SWEETIE...""Yes?" Nabaling ang paningin ni Yumi sa asawang kalalabas lang sa banyo. Tumutulo pa ang tubig nito sa buhok at tanging puting towel ang balot nito sa pang-ibabang katawan. Napalunok siya ng laway nang makita ang nakaumbok nitong kakambal. Hindi man niya aminin pero pinagnanasaan niya ng palihim ang asawa. "Eyes on me, sweetie. Don't look down there." Pilyo itong ngumiti nang magtaas siya ng paningin.Hiyang-hiya siya sa salitang lumabas sa bibig nito. Syete. Nahuli na naman siya nito. Bakit kasi ang yummy ng asawa niya? Simula nang malaman nito ang katotohanan sa kalusugan nito'y mas naging aware ito sa kinakain. "Luh! Para kang temang. Kasalanan ko ba kung matuon ang paningin ko sa ano mo." Umirap pa siya para mawaglit ang hiyang nadarama niya. Narinig na lang niya ang mahinang tawa ng asawa na lalo niyang ikinahiya. Tumalikod na lang siya at kunwaring inabala ang sarili sa pag-aayos ng kanilang higaan. Saglit pa ay bahagya siyang napapitlag nang maramdaman ang mai
KAHIT papaano ay nakadama ng takot si Vincent nang kalabitin ang gatilyo ng baril ni Victoria. Ngayon lang siya nakadama ng ganoong uri ng takot kaya niyakap na lang niya ang katabing asawa dahil ito ang puntirya ng baril. Sabay na lang silang napapikit. Ang mga pulis nama'y mabilis din ang ginawang pagdampot sa kanya-kanyang baril.Nagtilian ang mga saksi. Naghintay si Vincent pero walang bala ng baril ang dumapo sa kahit anong parte ng katawan niya. Nagmulat siya ng mata at nakita na lang niya ang pagbaha ng dugo sa kinatutuntungan nila. "Y-Yvonne..." Nabitiwan ni Victoria ang hawak na baril. Kitang-kita nito ang pagtama ng bala sa dibdib ng anak. "Yvonne..." patakbong lumapit ito sa anak ngunit naunahan na ito ng mga pulis. Agad itong nahawakan ng isa at ipinosas ang kamay.Mabilis na dinaluhan ni Vincent si Yvonne. Tinapalan ni Yumi ang sugat ng panyong nadukot sa bulsa ngunit bumubulwak pa rin ang dugo. Walang patid iyon na dinaig pa anh gripo ng tubig. Napuno na rin ng dugo ang
NANG dahil naging busy si Victoria nang mga nakalipas na araw ay pansamantalang nakalimutan niya ang gintong kawangis ng mansiyon. Kinabukasan pagkatapos nang dakpin si Yumi ay saka pa lang niya naalala iyon. Pagmulat pa lang ng mata niya'y iyon na agad ang pinagtuunan niya ng pansin. Umakyat siya sa ikatlong palapag, kung saan ay naroon ang kawangis ng mansiyon. Simula nang ipapatay ng ginang si Vincent ay hindi na siya pang muli umakyat doon. Nakalimutan na niya ang tungkol sa gintong mansiyon dahil sa araw-araw na paglabas at pag-akit niya sa mga kaibigan. "What? Nasaan na iyon?" buong pagtatakang tanong niya. Wala na roon ang gintong mansiyon. Maliban doon ay wala nang iba pang nawawala. Inilibot niya ang paningin. Binuksan din niya ang kabinet na nandoon ngunit wala sa alinman doon ang kanyang hinahanap."May pumasok dito?" sambit niya. "Si Yumi! Ang walanghiyang babaeng 'yon! Ahh..." hiyaw niya, sapo ng dalawang palad ang ulo. "Naisahan na naman niya ako!""Bwisit ka talaga, Y
NAGPAALAM sandali si Yumi kay Manang Fe, may importanteng aayusin siya at iyon ay tungkol sa pina-examine niyang gamot na ininom ni Vincent. Wala kasi siyang alam tungkol sa mga ganyan. Humanap siya ng mapagkakatiwalaang tao at doon ipinagawa ang nais. At ayon sa taong inutusan niya'y lumabas na ang resulta. Hindi muna niya ipinaalam sa matanda ang naging desisyon niya. Mahigit tatlong oras siyang wala at sa pagbalik niya'y hawak na niya ang resulta. Naabutan niya na nasa labas ng gate si Ella at Marrie. Bahagya pang umarko ang kilay niya sa narinig na pagtatalo ng dalawa. Nasa likuran na siya ng dalawa at mukhang hindi siya napapansin."Ikaw na nga kasi.""Bakit ako? Mas matagal ka sa akin dito, 'di ba? So, ikaw na.""Wala sa tagal iyan, Marrie. Sige na, pindutin mo na ang doorbell." "Luh! Ikaw na nga. Or mas mabuting hintayin na lang natin dito si Ate Yumi.""Lalamukin tayo rito. Ikaw na. Sabunutan pa ako ni Madam Victoria e."Nahilot niya sa sentido kasabay ang pag-ikot ng mata.
KUYOM ang kamao habang nakatitig sa repleksyon sa salamin si Victoria. Halos umusok ang ilong niya sa matinding galit na nararamdaman. Nagkakandabuhol-buhol na ang pagtahip ng dibdib niya. Buong akala niya'y mananalo na siya sa larong ginawa. Kung hindi nga lang ba dumating sa buhay ni Vincent si Yumi, tagumpay sana ang kanyang plano. "Ahhh... Bvwisit ka!" hiyaw niya kasabay ang pagtilapon sa lahat ng madampot na kasangkapan. Wala siyang itinira, maging ang nananahimik na unan ay pinagbuntungan din ng galit. "Hayop! Hayop ka! Sagad hanggang buto ang galit ko sa inyo!" muling sigaw niya. "Kasalanan mo ito, Bridgette. Hayop ka! Pinapahirapan mo pa rin ako kahit nasa kabilang buhay ka na! Kung hindi dahil sa ginawa mo noon, hindi sana ako maghihirap ng ganito. It's all your fault!" gigil pa niyang sabi.Inilabas niya ang lahat ng galit na nasa dibdib. Sumigaw siya nang sumigaw ngunit hindi yata mawawala ang galit na nararamdaman niya. Isang libo't isang daan din niyang minura ang yumaon
NAKITA ni Yumi na halos lumuwa ang mata ng dalawa sa nabasa. Kapwa yata hindi makapaniwala. Sabay na nabaling ang tingin ng mga ito sa kanya na nakaawang pa ang bibig."Ate," nagtitili si Marrie. "Ang yaman-yaman mo na!""Shhh!" Mabilis niyang tinakpan ang bibig ni Marrie. "Ang bunganga mo. Huwag kang maingay! Walang dapat maka-alam. Hahayaan muna nating namnamin ni Victoria ang tagumpay na inaakala niya. At sa huli, pagbabayarin ko siya. Alam ko naman siya ang may pakana nang pagkamatay ni Vincent." Kahit may lungkot na nadama ang dalawa ay hindi napigilang magningning ang mga mata ng kaharap niya at kasabay ang pagsilay ng ngiti sa kanila-kanilang mga labi. Pagkatapos niyo'y lumabas na sila ng silid. Nagtungo ang dalawa sa tinutuloyang silid upang kuhain ang mga gamit. At habang naghihintay si Yumi sa dalawa ay lumapit si Yvonne."Iyan lang ba ang dadalahin mo?" Tiningnan nito ang nasa paanan niyang bag. "Oo. Bakit?""I thought na gusto mong dalahin ang damit mo? Sige na, kuhain
MAG-ISA si Yumi sa silid nilang mag-asawa, nagmumuni-muni sa mga nangyari. Katatapos lang na ilibing ang bangkay ni Vincent. Ayon kay Victoria ay ayaw nitong patagalin pa ang burol, bagay na sinang-ayunan din niya. Naluluha't nagagalit siya nangyari sa kanyang asawa, pero wala na siyang magagawa pa. Ang dapat na lang niyang gawin ngayon ay patunayan na ang ginang nga ang may pakana ng aksidenteng nangyari. Napakabilis ng pangyayari. Parang kahapon lang ay masaya pa siyang magkasama pero ngayo'y...wala na. At dahil iyon sa isang taong ganid sa pera. Sino pa ba ang gagawa n'on sa asawa niya? Baka nga kung hindi siya nakaalis sa sasakya'y nadamay rin siya. Pero ang ipinagtataka niya at kung si Victoria ang nag-utos na patayin si Vincent, hindi ba't may kayamanan na rin itong natanggap mula sa yumaong ama ng asawa niya? Dahil ba sa gustong makuha ng mag-ina ang lahat ng ari-arian nito? Kunsabagay, alam nga pala ng mag-ina na peke ang kanilang kasal."Asa ka, Victoria! Hindi mo makukuha a