NALAGLAG ang panga ni Yumi sa ganda ng bakuran ng mansyon. Hangang-hanga siya sa iba't-ibang uri ng bulaklak na bawat daanan nila'y naroon ang mga iyon. Humahalimuyak sa bango. Halata sa ayos na hindi pinababayaan.
"Si Mama ang nagpatanim ng mga bulaklak na nakikita mo. At siya rin ang nagdesinyo ng harden na ito. Kaya hindi ko pinababayaan. Kapag may nasira, ipinapaayos ko kaagad."
"Sobrang mahal mo ang ina mo, 'no?"
"Oo naman. Lahat naman yata tayo, mahal natin ang ating mga ina. Siyempre, mahal ko rin si Papa pero iba ang ina. Iba kasi silang mag-alaga."
"Tama ka."
Nagpatuloy ang maliliit nilang hakbang hanggang sa mapatapat sila sa pinaka-sentro ng harden na iyon. May isang bukal roon na may dalawang bebe na yari sa semento sa tabi. Umaagos ang tubig niyon patungo sa isang maliit na lawa.
"Wow! Ang ganda!"
"Kaya sinasabi nila na pinamumugaran ito ng iba't-ibang engkanto dahil sa lugar na ito. Dito raw malimit tumira ang mga iyon at alam mo ba, bihira lang akong magpunta rito. Pinagbabawalan kasi ako."
"Sinong nagbabawal sa iyo?
"Si Auntie Victoria-stepmother ko."
"Ah! Bakit naman daw?"
"Bukod daw sa delikado ang lugar na ito, bawal kasi sa akin ang sobrang masikatan ng araw."
"Ha? Papaano naging bawal iyon?" Sinulyapan niya ang binata at naghintay sa itutugon nito.
"Mayroon kasi akong hindi maipaliwanag na karamdaman."
"May sakit ka?" Hindi malaman ni Yumi kung bakit nag-iba ang pakiramdam niya matapos marinig iyon mula sa binata. Kanina lamang naman ay masiglang-masigla ang katawan niya lalo nang makita ang magandang bakuran ng mansyon. Marahil ay sa dinaramdam ng binata. Nakiki-isa ang kanyang damdamin dito. Naisip din niya, kaya siguro ganoon ka-payat ang binata dahil sa sakit nito. Bawal pang magpainit kaya nama'y sobra ang pamumutla ang katawan. Pero, may tao ba talagang bawal masikatan ng araw?
Naagaw ang kanilang pansin nang may humahangos na dumating. Naka-uniporme rin ito tulad nang dalawa pang maid.
"Sir Vincent, oras na po para pumasok kayo sa loob. Masyado na pong mainit ang sikat ng araw."
"Sige," tumango ito rito. "Si Dalia nga pala, siya ang nag-aalaga sa akin." Hayag nito na nakatingin sa dalaga.
Ngumiti si Yumi rito, gumanti rin naman ito ng ngiti sa kanya. 'Pagdaka ay magkasabay sila ng binata na bumalik sa loob ng mansyon. Nasa huli si Dalia na nakikinig lang sa kanilang pinag-uusapan. Pagkapasok ay dumiretso sila sa dining room at tulad nang nagdaang gabi, puno na naman ng pagkain ang mesa.
"Uhm, Vincent, bakit maraming pagkain ang mesa rito? Eh, tayo-tayo lang naman ang kakain. May darating bang bisita?"
Napangiti si Vincent, "Ganito kasi rito. At ito ang gusto ni Auntie Victoria. Kapag kumakain, dapat daw palaging puno ang mesa."
"Ah! Ganoon ba!" Muli ay sinulyapan niya ang mga pagkaing nakahain sa harap ng mesa at halos kuminang ang mata niya roon. Parang kaysarap kainin lahat. Magaganda pa ang pagkakahanay niyon sa lalagyan.
"Kumain ka na. Masarap iyan." Inginuso nito ang isang uri ng pagkaing nasa harapan niya at iyon ang kanyang nilantakan.
Naging pino ang galaw niya sa harapan ni Vincent. Nakaramdam siya ng pagkaasiwa, marahil ay sa maya't-mayang pagkakatitig nito sa kanya. Lalo na't inalok siya nito na magpakasal sa kanya. Kahit pa nga sabihin na fake lang ang kasal na iyon ay hindi pa rin niya maiwasang isipin na magsasama sila sa iisang silid. Hindi tuloy niya mapigilang mag-isip nang kung anu-ano.
"Tapos ka na?" tanong nito nang makita siyang hindi na muli pang kumuha ng pagkain, inilapag na niya rin ang kutsara sa gilid ng pinggan.
"O-oo, busog na ako eh!"
"Lets go upstair, may ipapakita ako sa iyo."
Habang ina-akyat nila ang hagdan patungo sa ikatlong palapag ay panay kuwento si Vincent. At ayon din sa binata, kapag nagpakasal siya rito'y isasama siya sa England upang makilala ang iba pang kamag-anak nito. Biglang nakaramdam si Yumi ng excitement dahil sa sinabing iyon nito. Isa sa pangarap niya'y makasakay eroplano at makarating sa ibang bansa. Nagtatalo tuloy ang isipan niya kung tatanggapin ba ang alok nito o hindi. Hindi na niya naunawaan pa ang iba pang sinasabi ng binata dahil sa isiping iyon.
"Narito na tayo." Nangingiting binuksan ni Vincent ang pinakang-itaas ng mansyon.
Isang malaking silid iyon na halos ikalula ni Yumi. Pinasadahan niya bawat naroon. Magmula sa carpet na kanilang tinutuntungan na para bang kaysarap gulongan. Ang mga nakahanay na kabinet ay punong-puno ng samu't-saring libro. May mesa at mga upoan din sa gitna at karamihan doon ay yari rin sa ginto. Ngunit ang isa sa nakatawag-pansin sa kanya ay ang naka-display na tila isang pigurin sa sentro ng silid na iyon.
Nangonot ang noo niya habang nakatitig doon, "Hindi ba't ito ang mansyon na ito?" Sabay turo sa roon.
Tumango si Vincent, "Oo." Lumapit ito roon. "Pinagawa ito ni Papa sa England. Kalahati ng sangkap sa paggawa nito'y ginto." Unti-unti ay pinasadahan ito ng kamay ng binata. "At alam mo bang bilyon ang halaga nito!"
Bahagyang natigilan si Yumi. Napahugis bilog ang bibig niya. Binilang niya sa mga daliri kung gaano ba kalaki ang sinasabi ng binata. Pero, "Teka, bakit mo sa akin ipinapakita ito?"
Napatitig muna si Vincent sa dalaga, "Sabi kasi ng Papa, kapag ang nakatira raw dito sa bahay ay puno ng sigla, labis itong kumikinang at gusto kong subukan kung totoo nga ang sinasabi ni Papa."
"Bakit? Hindi ka ba masaya?"
Umiling si Vincent, "Sabi pa ni Papa bago siya pumanaw, babalik lang ang tunay na kinang ng pigurin na 'to kapag nahanap ko na ang tunay na magpapasaya ng puso ko. At alam mo rin ba, na kahit ibenta mo iyan ngayo'y mawawalang saysay ang tunay na halaga niyan."
"Dahil sa sinasabi mong mga nakatira rito sa mansyon mo?"
Muling umiling ang binata, "Dahil hindi ito kikinang sa oras na mailabas mo na ng mansyon. Kumbaga, magiging isang pangkaraniwang pigurin na lang iyan. Unless, nahanap ko na ang tunay kong kaligayahan."
"Magic? Ganoon ba? May kalakip itong mahika!" Nanlaki ang mata ni Yumi at pakiramdam niya'y lahat ng kanyang balahibo ay nagsitayuan. Hindi siya naniniwala sa mga magic lalo na kung galing sa perya pero ngayon, ewan ba niya. May takot din siyang nararamdaman.
"Hindi ko alam kung magic nga ba ang dapat itawag d'on. Pero--"
"Mahiwaga pala ang pigurin na 'yan. Pero, bakit mo ipinakita sa akin iyan?"
Nagbaba ng paningin si Vincent at muli ay pinasadahan ng daliri ang bagay na nasa harapan. "Umaasa kasi ako na balang-araw makita at mahanap ko ang sinasabi ni Papa na tunay kong kaligayahan," malungkot nitong tugon.
Nakaramdam ng awa si Yumi sa binata. Kahit siya man ang nasa kalagayan nito'y malulungkot din siya. Lalo na't may karamdaman pa ito. Nag-iisa at walang sino mang pamilya. Bigla tuloy niyang na-miss ang tiyahi't pinsan niyang si Althea. Kahit matatalas ang bunganga ng mga ito at panay utos, masaya naman siya sa araw-araw. Sila na lang kasi ang natitira niyang pamilya. Kung mayroon ma'y malayo at hindi pa n'ya kilala.
"Anong maitutulong ko para mapasaya ka?" Kahit hindi niya nais na magsalita ay kusang lumabas ang salitang iyon sa bibig niya.
"Hindi ko rin alam." Naglakad ito patungo sa nakapinid na bintana. Binuksan iyon at saka'y sumilip. "Sa ngayo'y iisa lang naman ang gusto ko..." Nahinto at muling tumingin sa dalaga.
"Sige. Pumapayag na ako sa gusto mong magpakasal tayo." Hindi pa siya nakatitiyak na iyon nga ang isusunod na sasabihin nito'y bigla na lamang niyang nasabi iyon. Huli na para bawiin pa.
"Talaga? Pero, baka'y hanggang sa una lang 'yan, ha?"
"Subukan natin. Hindi naman totoo, 'di ba? Kung umurong man ako, ibig sabihin may hindi ako nagustuhan o kaya nama'y nagalit ako sa 'yo."
Sumilay sa labi ni Vincent ang kakaibang ngiti. At may kung anong nadama ito sa kaibutoran ng puso. Hindi maipaliwanag na bagay. Maya-maya pa ay lumapit si Yumi at dumungaw rin sa binata. Sabay nilang tinanaw mula roon ang kalupaan ng mansyon. Siyang-siya ang dalaga sa mga nakikita at ang ngiting iyon ang nagdulot din ng ngiti sa binata.
Sinamahan siya nito sa silid niya, naiinip daw ito kaya inubos nila ang oras sa pagkukuwentuhan. Nagkuwento rin siya tungkol sa buhay niya. Wala siyang pinalampas na kahit maliit na detalye. Hindi niya malaman kung bakit tila kampante siya sa presinsiya nito na kung tutuosi'y dapat matakot siya. Una, sa panlabas na anyo nito. Oo nga't guwapo ito pero...haller, sino ang maniniwala na bawal itong masikatan ng araw. Vampire lang ang peg. Ikalawa, ayon dito ay pinamumugaran daw ang mansiyon ng iba't ibang uri ng engkanto at ang ikatlo, ang gintong pigutin. May ganoon ba talaga? Hindi kaya may lahi talaga itong bampira? Bahagya siyang napailing sa naiisip.
Ilang oras pa ang lumipas ay bumaba na sila para maghapunan at gaya nang mga nauna, marami na naman ang nakahaing pagkain. Sila lang ang nakaupo roon. Habang nginunguya ang pagkain ay naisip niya ang tiyahin at Althea. Kumusta na kaya ang dalawa?
"Is there something wrong?"
Napapitlag siya sa narinig. "Uhm..."
"May gumugulo ba sa isipan mo?"
"Ha? W-wala. Naisip ko lang ang tiyahin ko." Ngumiti siya at minadali na ang pagkain.
Sabay na silang umakyat. Inihatid pa siya nito sa silid niya. "Good night! Be ready for tomorrow," anito.
Nanatili siya sa harap ng pinto, "Be ready for tomorrow?" patanong niyang ulit kahit wala na ito sa harapan niya. Kahit hindi siya nakatapos sa pag-aaral ay nakauunawa naman siya ng mga basic na english. "Ano kayang ibig niyang sabihin?" Nahulog siya sa malalim na pag-iisip hanggang sa nakatulogan na niya iyon.
MAAGANG gumising si Yumi kinabukasan at tulad nang nangyari kahapon, sabay silang nag-almusal ni Vincent. Pagkatapos nilang kumain ay nagpunta silang muli sa harden. Ngiting-ngiti siya habang pinagmamasdan ang iba't ibang uri ng bulaklak, magmula sa nakalinyang orchids, rose, may wild plants din at kung anu-ano pa."Hindi ako magsasawa sa lugar na ito, kahit dito na lang ako tumira, ayos lang sa akin. Ang ganda kasi," buong paghangang sambit niya. Nangingislap din ang mata niya habang nakatitig sa mga bulaklak."Mahilig ka rin pala sa mga bulaklak."Nilingon niya si Vincent, "Medyo. Si Mama kasi noong nabubuhay pa ay may mga tanim din na bulaklak pero kaunti lang, tapos ako ang nagdidilig sa umaga."Tumango-tango naman si Vincent. Inilibot din siya nito sa labas ng mansiyon na ayon dito ay pag-aari rin ng yumao nitong ama. Napanganga siya sa lawak ng lupain nito. Para siyang nasa loob ng isang fairytale. May baka, kabayo, kalabaw at kambing na
TILA isang prinsesa si Yumi habang bumaba ng hagdan. Slow motion pa ang ginagawa niyang paghakbang sa mga baitang ng hagdan. At sa ibaba naman niyo'y naghihintay ang kanyang prince charming--si Vincent. Ang ngiti nito'y lumampas na sa dulo ng kalangitan habang nakatunghay sa bumababang dalaga. Feeling tuloy niya'y ang haba-haba ng hair niya."You're so beautiful!" Ini-abot nito ang kamay niya. "Hindi kita nakilala. Ibang-iba ang hitsura mo kaysa kahapon.""Magaling kasing mag-ayos ang ipinadala mo sa akin." Pino siyang napangiti rito pero biglang nag-iba ang kanyang awra nang maalala ang kahihiyang natamo sa dalawang nagpakilalang dalawang magiging taga-silbi niya. "Bakit nga pala nagpadala ka pa ng maid? Alam mo ba kung ano ang ginawa nila sa akin, ha?""Ouch! Ouch! Stop. Stop. Stop. It hurt," nakangiwing daing ni Vincent nang maramdaman ang unti-unting paghigpit ng kanilang mga palad."Anong sinasabi mo?""M-masakit na! A-aray! Ang ka
Nais mang mag-protesta ni Yumi ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang sa kagustuhan ni Vincent. Kasama iyon sa kasunduan nila ng binata. "Puwede bang umatras?" hiyaw ng kanyang isipan. "Umatras sa pagpapakasal sa iyo." Pero hindi niya maiwasang manghinayang kung aatras siya. Marahil ay sa kapalit nang pagpapakasal niya sa binata. Aaminin niya, naakit siya sa sinabing ibibigay ng binata sa kanya 'pag pumayag siyang magpakasal dito. Sino ba naman ang tatanggi 'pag pera na ang pinag-uusapan? Isa pa, fake lang naman ang kasal na gaganapin. Natitiyak niyang mababayaran na niya ang tiyahing Lourdes at mababawi na rin ang bahay ng kanyang magulang. Subalit ngayo'y parang may pag-aalinlangan na sa isipan niya. Hindi niya kayang makisama sa mga taong high-class dahil hindi siya ganoong uri ng tao. Mas nanaisin pa niya ang magtinda sa palengke o kaya'y magtrabaho nang walang sahod.Namalayan na lamang niyang sakay na sila sa isang white van. Abot-abot ang kanyang hinin
KINABUKASA'Y nine o'clock na ng umaga nang lumabas sa silid si Vincent, naghihikab pa siya habang bumaba ng hagdan. Hindi na siya kumatok sa silid ni Yumi 'pagkat alam niyang nasa ibaba na ito. Ngunit nagkamali pala siya sa naisip. Narinig niyang tinawag siya nito mula sa itaas ng hagdan. Napaawang ang kanyang bibig nang tingalain ito."Jingles!" Lalo siyang humanga sa dalaga. "She's so pretty!""Good morning!""G-good morning!" Pinasadahan pa niya ng tingin ang kabuohan ng dalaga. "You're so different today.""Bakit?""Ngayon lang kita nakitang ganyan ang suot.""Uhm, kasalanan ito ni Ella at Marrie." Sinuri rin nito ang sarili."Kung kasalanan ang ginawa nila, sana'y araw-arawin na nilang gumawa ng kasalanan. Mas gusto ko ang hitsura mo ngayon.""Nakakahiya nga eh! Sa tanang buhay ko'y ngayon lang ako nakapagsuot ng short na ganito kaiksi.""At saan ka naman nakakita ng short na hanggang talampakan?"
MADALING lumipas ang araw at tatlong araw na lamang ay ikakasal na si Yumi. Kabadong-kabado ang dalaga, hindi dahil sa nalalapit na kasal kundi sa isiping 'pag kasal na sila'y tiyak na sa iisang silid na sila magsasama ni Vincent. Nalunok niya ang sariling laway. "Oh my God!" Tumayo siya't nagpalakad-lakad sa harapan ng higaan. "Pero siguro nama'y hindi niya gagawin sa akin ang bagay na iyon kasi nga'y hindi totoo ang aming kasal," aniya habang patuloy sa paghakbang. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng katok. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanyang mata ang nakangiting si Victoria. May dala itong dalawang tasa ng tsaa. "Auntie Victoria, kayo po pala!" Pinapasok niya ang ginang sa loob ng kanyang silid. "Maupo po kayo," itinuro niya ang sofa na nasa gilid silid niya. "Thank you. You want tea?" Ini-abot nito ang tsaa sa dalaga. Kinuha naman naman iyon subalit hindi ininom. Tila ba'y may kung anong puwera ang pumipigil sa kanya na huwag inumin iyon. "You know what, dapat ay
NAKIKINIG lang si Yumi sa nagsesermong si Victoria. Pinagmasdan niya ang dalawang nag-aayos sa kanya, nakayuko lang ng mga ito. Noon lang niya ito nakitang nanigaw ng kasambahay at sa harap pa mismo niya. "Hindi pa rin kayo tapos! Aba'y anong petsa na?! Aabutin pa ba kayo ng Pasko sa pag-aayos sa babaing iyan! Ang kukupad ninyo!""S-sorry po, Madam.""Sorry? Dalawa na nga kayo rito--""Auntie, huwag po naman ninyo silang pagalitan," awat niya rito. Hindi na niya natiis ang sarili. "Ako po ang may kasalanan at tsaka'y tatlong oras pa po ang hihintayin natin."Hindi nakasagot ang ginang, sumimangot na lamang ito. Manaka'y pinagmasdan nito ang gown na susuotin ng dalaga. "Hindi ko talaga type itong napili mong gown. Ang pangit! Cheap pagmasdan."Makahulogang nagkatinginan ang tatlo. At napilitang tumayo si Yumi upang lapitan ang ginang. "Para sa akin po'y maganda iyan. Simple pero elegant ang dating."Tumilos naman ang nguso ni Victoria, "Bakit kasi hindi mo na lamang pinili ang naiibig
MASASARAP ang nakahaing pagkain sa mesa ngunit tila hindi magustohan iyon ni Yumi, dahil na rin sa narinig niya kay Yvonne at idagdag pa ang masasamang titig nito sa kanya. Hindi niya halos malunok ang pagkaing nginunguya, pakiwari niya'y bumabara iyon sa kanyang lalamunan. Napansin naman iyon ni Vincent, "Hindi mo ba nagustohan? Hindi ba't iyan ang paborito mo?""Uhm, oo. Pero parang busog pa ako eh! Mamaya na lang ako kakain nang maayos. Huwag mo na akong intindihin, kumain ka na lang diyan." Pilit siyang ngumiti rito. "Are you sure?" tanong nito kasabay ang pag-ayos sa ilang hibla ng buhok niya. "May iba pa namang pagkain, magpapakuha ako kung gusto mo.""Huwag na. Baka'y sadyang wala lang akong ganang kumain ngayon." "Okay, hindi na kita pipilitin. Pero mamaya'y kumain ka ha."Tumango siya rito. Tinawag niya si Ella na nasa gilid lamang at nagbabantay. Nagpasalin siya rito ng tubig sa baso at sa 'di sinasadya ay nagkamali ito ng salin."Ay naku! Sorry po A-Ma'am. Hindi ko po si
NAG-UUSAP ang mag-inang Victoria at Yvonne sa silid ng huli, kapwa nagpupuyos ang damdamin ng bawat isa. Hindi makahuma sa biglaang kasalang naganap. Ang ginang ay patuloy sa pagsimsim ng wine na hawak habang paroo't-parito sa silid."I hate this!" Pagbagsak na ibinaba no Victoria ang hawak na kopita. At matalim na tumitig sa kawalan. "Mom, please calm down!""It's all your fault, Yvonne!" Dinuro pa niya ang anak habang nasa anyo ang matinding galit. "Kung hindi mo sana ako pinigilan, sana'y matagal nang wala sa landas ko ang lalaking iyan! And now what? Anong nangyari? Nagpakasal na siya sa iba! At tiyak kong ang lahat ng kayamanang iniwan sa kanya ni Howard ay mapapapunta sa lintang iyan!" pasigaw niyang sabi."Hindi ko naman kasi alam na may itinatagong nobya pala si Vincent. I really didn't know that, Mom.""Puro ka kasi pa-cute sa lalaking iyon. Hindi ka naman pinapansin. Hindi ba'y sinabi ko na sa iyo, kapatid lang ang turing niya sa 'yo!" Nagpapadyak si Yvonne patungo sa gili
MATIYAGANG nagbabantay si Vincent sa asawa. Wala pa rin itong malay. Hindi naman delikado ang naging lagay nito, sinalinan din agad ito ng dugo pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. Laking-pasasalamat niya sa taong nagligtas sa kanila. Kundi siguro dumating ang dalawa, tiyak niyang hindi lang iyon ang nangyari sa kanilang mag-asawa. Si Samuel. Matapos nitong gamutin ay dinala na ito sa presinto. Hindi siya pumayag na sa hospital ding iyon ito magpapagaling. Base sa naging usapan nilang dalawa ay naghihiganti ito dahil sa pagkamatay ni Yvonne at pagkakakulong ni Victoria. Sila pa pala ang may ganang maghiganti? Napahinga na lang siya ng malalim. Naagaw ang pansin niya nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang taong nagligtas sa buhay nila. "Hey, dude! Kumusta? Nagkamalay na ba ang asawa mo?" "Hindi pa," aniya na sinamahan pa ng marahang iling. "Don't worry, she will be alright." "Yeah. Thanks to you, Hector, ganoon din sa iyo, Drew." "Wala iyon," tugon
KASALUKUYANG tinatahak na ng sasakyan ni Vincent ang pabalik sa mansiyon. Napasarap ang kuwentuhan nila ni Tikboy. Lihim siyang napangiti nang maalala ito. Ang lalaking pinagselosan niya nang unang gabi nila ni Yumi bilang mag-asawa. Boyfriend pala ito ni Althea na dating nanliligaw sa asawa niya. Hindi naman niya kasi maitatanggi, may angking ganda ang kanyang asawa. Ang itim nitong mata, mahaba at malantik ang pilik-mata, mapula ang makipot na labi at ang bilugan nitong mukha, kaysarap pagmasdan. Napasulyap siya sa katabing asawa. Kaya pala tahimik ay nakatulog na pala ito. Napagod ito sa walang katapusang kuwentuhan ng magpinsan.Ang tiyang na nito ang pinamahala nito sa naiwang negosyo ng magulang nito, pero, minsan ay bumibisita sila roon. Lumaki na nga iyon. Ipinagpasalamat din ng asawa niya na kahit niloko ito ng mag-ina ay hindi nagawang pabayaan ng ginang ang tahian. Dinagdagan niya iyon ng twenty pieces na sewing machine at nagdagdag na rin ang ginang ng tauhan. Pinababali
"SWEETIE...""Yes?" Nabaling ang paningin ni Yumi sa asawang kalalabas lang sa banyo. Tumutulo pa ang tubig nito sa buhok at tanging puting towel ang balot nito sa pang-ibabang katawan. Napalunok siya ng laway nang makita ang nakaumbok nitong kakambal. Hindi man niya aminin pero pinagnanasaan niya ng palihim ang asawa. "Eyes on me, sweetie. Don't look down there." Pilyo itong ngumiti nang magtaas siya ng paningin.Hiyang-hiya siya sa salitang lumabas sa bibig nito. Syete. Nahuli na naman siya nito. Bakit kasi ang yummy ng asawa niya? Simula nang malaman nito ang katotohanan sa kalusugan nito'y mas naging aware ito sa kinakain. "Luh! Para kang temang. Kasalanan ko ba kung matuon ang paningin ko sa ano mo." Umirap pa siya para mawaglit ang hiyang nadarama niya. Narinig na lang niya ang mahinang tawa ng asawa na lalo niyang ikinahiya. Tumalikod na lang siya at kunwaring inabala ang sarili sa pag-aayos ng kanilang higaan. Saglit pa ay bahagya siyang napapitlag nang maramdaman ang mai
KAHIT papaano ay nakadama ng takot si Vincent nang kalabitin ang gatilyo ng baril ni Victoria. Ngayon lang siya nakadama ng ganoong uri ng takot kaya niyakap na lang niya ang katabing asawa dahil ito ang puntirya ng baril. Sabay na lang silang napapikit. Ang mga pulis nama'y mabilis din ang ginawang pagdampot sa kanya-kanyang baril.Nagtilian ang mga saksi. Naghintay si Vincent pero walang bala ng baril ang dumapo sa kahit anong parte ng katawan niya. Nagmulat siya ng mata at nakita na lang niya ang pagbaha ng dugo sa kinatutuntungan nila. "Y-Yvonne..." Nabitiwan ni Victoria ang hawak na baril. Kitang-kita nito ang pagtama ng bala sa dibdib ng anak. "Yvonne..." patakbong lumapit ito sa anak ngunit naunahan na ito ng mga pulis. Agad itong nahawakan ng isa at ipinosas ang kamay.Mabilis na dinaluhan ni Vincent si Yvonne. Tinapalan ni Yumi ang sugat ng panyong nadukot sa bulsa ngunit bumubulwak pa rin ang dugo. Walang patid iyon na dinaig pa anh gripo ng tubig. Napuno na rin ng dugo ang
NANG dahil naging busy si Victoria nang mga nakalipas na araw ay pansamantalang nakalimutan niya ang gintong kawangis ng mansiyon. Kinabukasan pagkatapos nang dakpin si Yumi ay saka pa lang niya naalala iyon. Pagmulat pa lang ng mata niya'y iyon na agad ang pinagtuunan niya ng pansin. Umakyat siya sa ikatlong palapag, kung saan ay naroon ang kawangis ng mansiyon. Simula nang ipapatay ng ginang si Vincent ay hindi na siya pang muli umakyat doon. Nakalimutan na niya ang tungkol sa gintong mansiyon dahil sa araw-araw na paglabas at pag-akit niya sa mga kaibigan. "What? Nasaan na iyon?" buong pagtatakang tanong niya. Wala na roon ang gintong mansiyon. Maliban doon ay wala nang iba pang nawawala. Inilibot niya ang paningin. Binuksan din niya ang kabinet na nandoon ngunit wala sa alinman doon ang kanyang hinahanap."May pumasok dito?" sambit niya. "Si Yumi! Ang walanghiyang babaeng 'yon! Ahh..." hiyaw niya, sapo ng dalawang palad ang ulo. "Naisahan na naman niya ako!""Bwisit ka talaga, Y
NAGPAALAM sandali si Yumi kay Manang Fe, may importanteng aayusin siya at iyon ay tungkol sa pina-examine niyang gamot na ininom ni Vincent. Wala kasi siyang alam tungkol sa mga ganyan. Humanap siya ng mapagkakatiwalaang tao at doon ipinagawa ang nais. At ayon sa taong inutusan niya'y lumabas na ang resulta. Hindi muna niya ipinaalam sa matanda ang naging desisyon niya. Mahigit tatlong oras siyang wala at sa pagbalik niya'y hawak na niya ang resulta. Naabutan niya na nasa labas ng gate si Ella at Marrie. Bahagya pang umarko ang kilay niya sa narinig na pagtatalo ng dalawa. Nasa likuran na siya ng dalawa at mukhang hindi siya napapansin."Ikaw na nga kasi.""Bakit ako? Mas matagal ka sa akin dito, 'di ba? So, ikaw na.""Wala sa tagal iyan, Marrie. Sige na, pindutin mo na ang doorbell." "Luh! Ikaw na nga. Or mas mabuting hintayin na lang natin dito si Ate Yumi.""Lalamukin tayo rito. Ikaw na. Sabunutan pa ako ni Madam Victoria e."Nahilot niya sa sentido kasabay ang pag-ikot ng mata.
KUYOM ang kamao habang nakatitig sa repleksyon sa salamin si Victoria. Halos umusok ang ilong niya sa matinding galit na nararamdaman. Nagkakandabuhol-buhol na ang pagtahip ng dibdib niya. Buong akala niya'y mananalo na siya sa larong ginawa. Kung hindi nga lang ba dumating sa buhay ni Vincent si Yumi, tagumpay sana ang kanyang plano. "Ahhh... Bvwisit ka!" hiyaw niya kasabay ang pagtilapon sa lahat ng madampot na kasangkapan. Wala siyang itinira, maging ang nananahimik na unan ay pinagbuntungan din ng galit. "Hayop! Hayop ka! Sagad hanggang buto ang galit ko sa inyo!" muling sigaw niya. "Kasalanan mo ito, Bridgette. Hayop ka! Pinapahirapan mo pa rin ako kahit nasa kabilang buhay ka na! Kung hindi dahil sa ginawa mo noon, hindi sana ako maghihirap ng ganito. It's all your fault!" gigil pa niyang sabi.Inilabas niya ang lahat ng galit na nasa dibdib. Sumigaw siya nang sumigaw ngunit hindi yata mawawala ang galit na nararamdaman niya. Isang libo't isang daan din niyang minura ang yumaon
NAKITA ni Yumi na halos lumuwa ang mata ng dalawa sa nabasa. Kapwa yata hindi makapaniwala. Sabay na nabaling ang tingin ng mga ito sa kanya na nakaawang pa ang bibig."Ate," nagtitili si Marrie. "Ang yaman-yaman mo na!""Shhh!" Mabilis niyang tinakpan ang bibig ni Marrie. "Ang bunganga mo. Huwag kang maingay! Walang dapat maka-alam. Hahayaan muna nating namnamin ni Victoria ang tagumpay na inaakala niya. At sa huli, pagbabayarin ko siya. Alam ko naman siya ang may pakana nang pagkamatay ni Vincent." Kahit may lungkot na nadama ang dalawa ay hindi napigilang magningning ang mga mata ng kaharap niya at kasabay ang pagsilay ng ngiti sa kanila-kanilang mga labi. Pagkatapos niyo'y lumabas na sila ng silid. Nagtungo ang dalawa sa tinutuloyang silid upang kuhain ang mga gamit. At habang naghihintay si Yumi sa dalawa ay lumapit si Yvonne."Iyan lang ba ang dadalahin mo?" Tiningnan nito ang nasa paanan niyang bag. "Oo. Bakit?""I thought na gusto mong dalahin ang damit mo? Sige na, kuhain
MAG-ISA si Yumi sa silid nilang mag-asawa, nagmumuni-muni sa mga nangyari. Katatapos lang na ilibing ang bangkay ni Vincent. Ayon kay Victoria ay ayaw nitong patagalin pa ang burol, bagay na sinang-ayunan din niya. Naluluha't nagagalit siya nangyari sa kanyang asawa, pero wala na siyang magagawa pa. Ang dapat na lang niyang gawin ngayon ay patunayan na ang ginang nga ang may pakana ng aksidenteng nangyari. Napakabilis ng pangyayari. Parang kahapon lang ay masaya pa siyang magkasama pero ngayo'y...wala na. At dahil iyon sa isang taong ganid sa pera. Sino pa ba ang gagawa n'on sa asawa niya? Baka nga kung hindi siya nakaalis sa sasakya'y nadamay rin siya. Pero ang ipinagtataka niya at kung si Victoria ang nag-utos na patayin si Vincent, hindi ba't may kayamanan na rin itong natanggap mula sa yumaong ama ng asawa niya? Dahil ba sa gustong makuha ng mag-ina ang lahat ng ari-arian nito? Kunsabagay, alam nga pala ng mag-ina na peke ang kanilang kasal."Asa ka, Victoria! Hindi mo makukuha a