Share

Chapter 3

Author: Tin Gonzales
last update Last Updated: 2025-03-09 08:54:54

“Kuya Alexis, you remember Natasha, right?” Tinapik pa siya ni Alexa sa balikat habang malapad ang ngiti nitong nakatingin sa kapatid.

“Yeah! Bata pa kayo noon noong huli ko siyang makita. But look at you now, you grow up beautiful,” wika ng kuya nito na sa kaniya nakatingin. 

Medyo nag-blush siya. Hindi siya sanay sa ganoong klase ng papuri.

Tumikhim ang kaibigan niya nang magtagal ang mga titig na iyon ni Alexis sa kaniya.

“Kuya. . . naghihintay na ang mga bisita mo,” anito upang mabaling dito ang atensyon ng kapatid. “Maiwan ka na muna namin dito. Magpapalit lang kami ng damit, tapos susunod na rin kami.” Muling niyakap ni Alexa ang kuya nito.

“Happy Birthday again, Kuya Alexis,” sa wakas ay bati niya sa lalaki.

“Just simple Alexis is enough. No kuya, please. . ." nakangiting wika ng lalaki.

Mas lalo siyang nahiya.

“Alright. But still, kuya pa rin,” singit ni Alexa. Hinila na siya nito sa kamay at pumasok sa kwarto ng dalaga.

“Kadiri si Kuya. Mukhang umandar na naman pagka-chikboy,” wika nito habang isinasara ang pinto.

“Bakit naman?” Nagkunwari siyang walang alam.

“Natasha, I want you to be a sister. Pero kung si Kuya Alexis ang papatulan mo para lang matupad ’yon. . . it's a big no for me!" Ibinagsak nito ang bag sa kama.

“Ayaw mo sa akin para kay kuya mo? Iyon ba gusto mong iparating sa akin?” bulalas niya.

Medyo nasaktan siya roon. Ganoon ba siya kababa para sa kuya nito?

“Oo. Dahil sasaktan ka lang niya. Sa dami ng babae niyang dinadala sa condo, although wala pa siyang ipinapakilala sa amin ni mama at iniuuwi rito, gusto ko pa ring ayusin niya muna ang sarili niya, ano?” Sumimangot ang kaniyang kaibigan.

Natawa naman siya. Akala niya naging matapobre na ito katulad ng ibang mayayaman.

“Don't worry friend. Wala pa sa isip ko mag-boyfriend ulit.” Nagkibit siya ng mga balikat.

“Hindi ka pa rin ba naka-move on kay Jack?” bulalas nito.

“Who's Jack?” natatawang tanong niya.

“Your first boyfie and first love mo raw kuno three years ago." Umirap pa nito.

Mas lalo siyang natawa sa inakto ng kaibigan.

“Ikaw na rin ang nagsabing tatlong taon na iyon. Hello! Sa tagal na noon baka hindi na ako kilala ng lalaking iyon,” tugon niya kay Alexa.

Wala na siyang nararamdaman na  kahit ano sa taong binanggit ng kaibigan. Kahit walang closure, naka-move na siya. Mas mabuti na rin yon para sa kaniya. Wala na siyang hihintaying paliwanag sa lalaki, dahil alam niyang nagkabalikan na ito at ang ex-girlfriend, na gumulo sa tahimik na mundo niya noon.

At naging aral din iyon sa kaniya, dahil namulat siya sa katotohanang mas kailangang unahin pag-aaral kaysa ang habulin ito sa piling ng iba.

“Akala ko hindi ka pa rin nakaka-move on sa babaerong iyon. Akala mo kung sinong matino, iyon pala kung saan-saang lugar may babae,” paingos na tugon nito.

“Hello! Matagal na iyon Alexa. At saka, iyang iniisip mo na type ako ng kuya mo, maghunos dili ka nga! Kapatid lang ang turing ko sa mga kuya mo,” nakangiting wika niya.

“Huwag kang magsalita ng tapos, friend. Si Kuya Alex lang ang may asawa sa mga kapatid ko. At aminin na natin. . . maganda talaga ang lahi namin.” Kumindat pa ito sa kan’ya.

“Sus! Akala ko ba ayaw mo sila para sa akin? Bakit nag-iba yata ang ihip ng hangin? Binebenta mo na ba sila ngayon?” Natatawa siyang umupo sa kama.

“Naaasar kasi ako sa kanila! Kabibilis magpalit ng babae! Minsan naaabutan ko sa condo halos hindi na nagsusuot ng damit,” palatak nito.

“Mga lalaki sila, friend. Ganoon talaga sila minsan, kaya hayaan mo na lang. Siguro naman alam nila ang mga ginagawa nila,” saway niya kay Alexa.

“Oo nga. Pero kung ganoong klase ng babae ang dadalhin nila rito, mas mabuting pikutin mo na lang ang isa sa kanila.” Sabay harap nito sa kaniya.

Natawa siya sa sinabi nito. “Alexa, ayaw ko na nang magulong mundo. Masaya na ako  sa kung anong mayroon ako ngayon,” aniya.

Naputol ang kanilang pag-uusap nang makarinig ng katok sa pintuan. 

“Alexa, naghihintay na mga kuya mo sa labas.” Boses ni Tita Alexandra, ang ina ng kaniyang kaibigan, ang narinig niya sa likod niyon.

“Yes, Ma! Palabas na po,” sagot ni Alexa.

“Kasama mo ba si Natasha?” muling wika nito.

“Opo, Ma! Magbibihis lang kami.”

“Mabuti kung ganoon. Bilisan n'yo na.” Kasunod niyon ay narinig nila ang papalayong mga yabag.

Kumuha ng mga damit sa closet ang kaibigan niya at inaabot sa kaniya.

“Pili ka na rito, Natasha.” 

Kinuha naman niya ang  mga damit sa paper bag na mukhang hindi pa nabuksan.

“Teka lang. . . Ito na lang uniform ko,” wika niya rito.

“Ikaw lang naka-uniform friend.” Umirap ito. “Kung ayaw niyan, ito na lang binili ko sa mall last week.” Saka nito inilabas ang isa pang paper bag.

Isa iyong scallop-trim-butterfly-sleeve na belted-romper na kulay asul.

“Friend naman. . . labas ang cleavage ko rito, eh. Wala bang hindi showy diyan?” Ibinalik niyang muli sa kaibigan ang damit.

“Mga bisita nga sa ibaba labas na ang singit, kaya huwag ka nang umangal diyan.” Ang iniabot naman nito ay ang isang pares ng flat sandals. Magkasukat ang mga paa nila, kaya walang problema na pahiramin siya nito. 

Wala na siyang nagawa kundi isuot ang mga iyon.

“Wow! Super ganda mo, friend! Walang sinabi  si Anne Hathaway sa beauty mo!” palatak ng kaibigan.

“Sus! Kaibigan kita kaya gan’yan ang reaksyon mo, Alexa!” Pinandilatan niya ito ng mga mata.

Nakasuot na ito ng isang  asymmetrical-neck-batwing sleeve blouse & shorts. Lutang na lutang ang kaputian nito sa kulay niyon, pati na ang kurba ng katawan nito. 

“Maganda ka rin sa suot mo,” nakangiting papuri niya sa kaibigan.

“Retouch na lang tayo nang kaunti. . . dali!” Hinila nito ang kamay niya.

Ayaw niya ng mga make-up, kaya itinali lang niya ang  buhok saka naglagay nang kaunting powder at lip gloss sa mga labi; na natural nang mapupula.

Mga ilang minuto pa at lumabas na rin silang dalawa.

Halos magkulay makopa ang mukha niya, dahil pakiramdam niya sa kanila ni Alexa nakatuon ang paningin ng mga bisita roon na karamihan ay mga lalaki.

“Friend, bakit ba hindi na lang sila maunang  kumain?” bulong niya sa katabi.

Hindi na iyon nasagot ng kaibigan, dahil  biglang sumulpot ang ina nito mula sa kung saan.

“Natasha, hija! Long time, no see. Kamusta ka na?” At nagbeso ito sa kaniya.

“Mabuti naman po, Tita. . . Kayo po?” magalang na sambit niya.

“Mabuti naman. Heto nga at muntik ng mabuong muli ang family namin. Kaso si Alex kasasakay lang ulit sa barko,” wika nito.

Ang asawa nito ay dating kapitan ng barko. Ilang taon din ang ginugol sa gitna ng karagatan, ngunit sa kasamaang palad ay nasunog ang barkong sinasakyan nito at hindi nakaligtas. Halos hindi makausap ang ginang dahil sa nangyari. Mabuti na lang at unti-unti nang bumalik ang sigla sa mga mata nito.

“Pumunta na kayo sa labas. Ipinaayos ko na ang mga pagkain roon,” wika pa nito sa kanila ni Alexa.

“Sige po, Tita.” Masaya ang mukhang niyakap niya itong muli.

Sabay na silang tatlo na naglakad palapit sa karamihan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chaptet 4

    "Alexa, baby!" salubong ng Kuya Alexander nito sa kaibigan."Kuya. . . I'm not a little girl anymore." Umirap ito sa kapatid bago nagbeso.Umakbay ang kuya nito kay Alexa, saka humarap sa kaniya."This is Natasha, right? Gorgeous, huh," manghang wika nito."Yes, Kuya! Kaya ipakilala mo na siya sa mga friend mo mamaya para magka-boyfriend na."Siniko niya ang kaibigan.Tinawanan lang naman ito ng kapatid at niyaya sila sa lamesa. Pinakilala sila nito sa mga kasama at maging girlfriend nito."Gillian, this is my sister Alexa and her friend, Natasha. Girls, this is Gillian," masayang pakilala nito sa kanila.Matipid itong ngumiti. Mukhang mabait at hindi maarte sa paningin niya. Maganda at simple lang ang ayos. Palagay niya'y magkakasundo ito at si Alexa."Hi! Nice meeting you two." Tumayo ito at ginawaran sila ng halik sa pisngi.Tumingin siya sa kabilang dulo at nakita niya ang isa pang kapatid ni Alexa, na kausap ang babaeng katabi na halos nakayakap na. Napailing na lang siya.Tumab

    Last Updated : 2025-03-09
  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 5

    Niyaya siya ni Alexa sa garden at doon naabutan ang mga kaibigan ng kuya nito na medyo may tama na ng alak. “Drinks?” Alok ni Alexa sa kaniya nang umupo sila malapit sa umpukan ng kuya nito. Umiling siya. “No, thanks,” agad niyang tugon. “Killjoy mo na naman Natasha.” Inirapan siya nito. Tabingi siyang ngumiti rito at iginala ang paningin sa paligid. Halos lahat ng naroon ay umiinom at siya lang ang hindi. Hindi naman siguro masama kung iinom ako kahit konti, aniya sa sarili. Kaya't inabot niya ang alak na ibinigay sa ni Alexa. Nilagok niya nang dahan-dahan iyon. Mukhang ayos naman lasa, kaya tuluyan nang inubos ang laman ng baso. “Hey! Dahan-dahan lang. Nasa huli ang tama ng alak na hawak mo,” natatawang awat ni Alexa sa kan’ya. Medyo nanlambot nga ang tuhod niya at mabilis na nag-init ang kan’yang pakiramdam. Pati ang paningin niya ay biglang umikot. She shakes her head continuously upang mawala ang kaniyang pagkahilo. After a while, nakita niya ang ilang bisita na nagsasa

    Last Updated : 2025-03-09
  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 6

    Cedrick Thompson. Isang sikat na engineer at may-ari ng malalaking gusali na itinatayo sa bansa. Popular na endorser ng ilang sikat na clothing brand abroad. May pagkamatinik sa mga babae, at isang sikat na artista sa showbiz sa ngayon ang na-l-link dito. Sa estado ng buhay binata, pakiramdam niya kompleto na ang buhay niya. Lahat nakukuha niya, maging negosyo man o mga babae. Nagtayo siya ng isang coffee shop, dahil sa request ng ilang kaibigang mahilig sa ganoong lugar, lalo na kapag may mga hang-over, o kaya kapag may pag-uusapang importante. Malayo man sa linya ng mga negosyo niya ang isang iyon, pero sumubok pa rin siya. Naging successful naman ang opening noon. At ngayon, ang pinsan niyang si Michelle ang nag-aasikaso ng lahat doon. Naisipan niyang muling bumisita roon, isang taon na nakalipas. Iyon din ang huling bisita niya sa kaibigang si Alexis. Nasa ibang bansa siya ngayon para sa isang project na itinatayo ng ama at siya ang pinamahala nito sa building design. Ginawa

    Last Updated : 2025-03-15
  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 7

    Pumasok siya ng gusali na pag-m-may-ari ng ama, apat na araw ang nakaraan simula nang dumating siya sa Pilipinas. Gusto niyang surpresahin ang kaibigan. Pagpasok niya, seryosong mga mukha ng mga empleyado ang sumalubong sa kaniya. Bago siya makapasok sa silid ng kaibigan nakita niya ang isang pamilyar na mukha. Hindi siya nagkamali nang masulyapan ito sa malapitan. Nakatutok ang mukha ng dalaga sa monitor na seryosong-seryoso.Subalit ang ipinagtataka niya, hindi man lang siya napansin ng babae."Where's Mr. Alexis Boromeo?" seryosong tanong niya rito.Napaangat ito sa kinaupuan nang makita siya. Nakatulalang napatitig na lang ito sa kaniya na namumula ang magkabilang pisngi.Lihim siyang natuwa sa reaksyon nito."I said, where is Mr. Alexis Boromeo?" pag-uulit niya sa tanong kanina bago tuluyang lumapit dito. Nanatiling nakatingin lang ito sa kaniya, pagkuwa'y iniyuko ang ulo.Magsasalita pa sana siyang muli nang mula sa likuran niya ay may nagsalita."Pare, bumalik ka na pala? At

    Last Updated : 2025-03-16
  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 8

    Pagdating niya sa bar nakita agad niya ang mga kaibigan. Wala pa roon si Alexis kaya, mabilis siya lumapit sa mga ito."Si Jane, soon-to-be my wife," pakilala ni Cyron sa kasama nito."This is Edz, my wife. Last year you attended to our wedding, right?" wika ni Marvin.Ngumiti siya sa mga ito."This is Jessica, my longtime girlfriend," ani Joshua."Sky, my girlfriend." Si JP naman.Isa-isa siyang nakipagkamay sa mga ito. As he looked into his friends' eyes, they were happily inlove with thier partners.Napabuntonghinga na lang siya. Nang mapadako ang tingin niya sa dulong bahagi ng mesa, nakita niya ang pagkaway ni Jerry kasama ang kabiyak nitong si Manilyn. Gumanti naman siya ng kaway sa dalawa.Maya-maya dumating na rin si Alexis. At napanganga siya nang makita kung sino ang kasama nito."Natasha. . ." mahinang bulong niya sa hangin, habang nakatitig lang sa dalawa, partikular sa babae.Napakaseksi nito sa suot na black-dazy-floral-jacquard-cami dress. Tabon ang katawan but her bea

    Last Updated : 2025-03-17
  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 9

    "Going home?" mula sa kung saan ay tanong ng lalaking nakasandal sa isang haligi ng pasilyo.Napaatras siya at humakbang pabalik. Natakot siya na baka lasing ito at galing sa loob ng bar."You're gonna leave me again? Just like the last time we've met."Napatigil siya. Pamilyar ang malagom na boses na iyon sa kaniya.Ipinilig niya ulo. Baka naman nagkakamali lang siya. Kinuha niya ang cell phone sa bag at tinawagan ang driver ni Alexis. Napakunot ang noo niya nang may mensahe roon mula sa unknown number kanina."Please, reply. . . Can you be my text mate?""Sus! Kung mang-g-good time ka lang huwag ako." Umismid siya.Subalit, bago pa niya ma-i-dial ang numero ng driver ay may biglang humablot ng kaniyang telepono."Ibalik mo iyan!" bulyaw niya sa kaharap, pagkuwa'y umaangat ang mukha niya.Tinamaan naman ng liwanag ang mukha ng kaharap."I can buy you more of this," anito na hindi ngumingiti. "I've been talking to you, but you're not paying attention to what I've said." At ipinasok n

    Last Updated : 2025-03-17
  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 10

    Maagang nakarating sa bahay ng mga Thompson si Natasha nang araw na iyon, para iabot ang mga papeles sa bubuksang flowershop ni Mrs. Thompson. Maagan ang loob niya rito at mukhang magkakasundo sila. May pagka-strikta ito sa mga gawain kaya pinipili niyang huwag magkamali.Ayaw ng matanda na may ibang hahawak ng papeles, kahit pwede namang iutos na lang iyon sa driver. Last month siya nag-umpisang magtrabaho rito, kaya medyo sanay na siyang labas-pasok sa bahay ng mga ito.Nakatayo siya sa sala habang hinihintay ang may-edad na babae. At habang naroon ay iginala niya ang mga mata sa paligid. Noon niya lang naisipang tingnan ang mga display roon. Una niyang nakita ang masayang larawan ng pamilya; na sa hula niya ay kuha sa Paris dahil sa Eiffel Tower na background. Napatitig siya sa batang kasama ng mag-asawa. Super cute kasi at parang masayahin iyon."Mukhang pilyo, noon pa man," bulong sa sarili.Bumaling siya sa iba pang mga larawan na nakasabit sa dingding. Mga kuha iyon habang lum

    Last Updated : 2025-03-17
  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 11

    Subalit, hindi pa man siya nakakalayo sa binata; na ramdam niyang nakasunod sa kaniya, ay bigla na lang tumawag dito. Natigilan pa siya nang makitang babae iyon."Sweetheart, you're here! I missed you!" anang babaeng kasalubong niya.Napasimangot siya. Kaya pala nagmamadali ang binata at halos ayaw sundin ang ina. May iba palang gagawin doon.Hindi na niya pinansin ang dalawa at deritsong umakyat. Tutal half day naman ngayon, aayusin na lang niya ang gamit at ibang mga papeles na gagamitin sa Monday.Padabog na ibinagsak niya ang bag sa upuan.Bwisit talaga ang lalaking iyon!"Hey! Mukha yatang masama ang mood mo, ah? May nangyari ba?" tanong ni Alexis.Hindi niya ito nilingon. "Wala naman Kuya," aniya saka inayos ang mga gagawin."Uuwi na si Tito Leopoldo next week at may nakuha na silang secretary ko. Ibig sabihin madalang na tayong magkikita." Lumapit ito at timampal ang noo niya.Gusumot ang mukhang hinarap niya ito. "Kuya!" inis na wika niya at inirapan ito.Tumawa ito at hinawa

    Last Updated : 2025-03-17

Latest chapter

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 42

    Nakarating sila ni Alexa sa isang resort sa Tagaytay. Maaga pa silang nakarating doon kaya naman kitang-kitang ang mababang ulap sa dinaraaanan nila. Timigil muna sila sa isang picnic groove. Makikita rito ang heartbreaking view of Taal Volcano. They sit and take a picture for a while. Then, they proceed to resort. They took a shower and rest. Ganito ang buhay nilang magkaibigan kapag may problema. Dahil masakit sa ulo ang alak, mas pinili nilang mag-getaway."Friend, may masarap na kainan dito ng bulalo. You want to try? Then, let's go to sky ranch at sakyan natin lahat ng rides," nakangiting wika ni Alexa."Sure! How about horse riding?""Then, let's try that too. Maliligo muna ako tapos mamayang gabi, magbabad tayo sa pool," wika nito bago pumasok sa banyo. "Bukas na tayo umuwi ng Manila."Malawak ang ngiti ng kaibigan. After a year, ngayon lang ulit nangyari ang bonding nila. Kaya lulubos-lubusin na nila dahil sa Monday, trabaho na n

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 41

    Nagmadali umuwi si Cedrick pagkatapos ihatid ang dalaga sa tinutuluyang boarding house, dahil sa isang papeles na kailangan niyang ipasa kinabukasan sa isang supplier para sa bago niyang itatayong condo sa Makati area. Tinawagan niya ang kan'yang secretary para ipasa ang soft copy nito sa email. Nasalubong niya ang ina sa hallway, bago siya pumasok ng kwarto niya."Akala ko ba isasama mo si Natasha?""Bukas na lang po para makapagpahinga siya. May tatapusin lang akong layouts at dokumento para sa project na itatayo namin.""Siya, sige. Kami ng daddy mo ay matutulog na."Humalik siya sa ina bago tuluyang pumasok ng silid. Mabilis siyang nagbihis at pumunta sa opisina. Alas-nuebe na nang gabi at madami-dami rin iyon.Nasa kalagitnaan ng trabaho, tumunog ang cell phone niya.Athena!Hindi ito pinanasin saka binalik ang isip sa ginagawa. Pero makulit ito."Yes, Athena? What is it?""Whoa! Gan'yan

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 40

    Kahit kinakabahan, gusto niyang malaman ang totoo. Sana mali siya. At kung iisa lang ang lalaking minahal niya at ang ka-text niya, hindi niya alam kung anong gagawin. Pagbukas ng elevator, hinanap niya ang lalaki pero wala ito sa lobby. May lumapit sa kan'yang dalawang men in black."Ma'am Natasha, sumama po kayo sa amin. Pinapasundo po kayo ni Boss Ken," bulong ng isa.Nakangiti ang mga ito.Nagtataka siya at tumingin sa phone niya."I have two bodyguards there. Go with them." Hindi niya alam kung anong bang mayroon.Tumingin siya sa dalawang lalaki at sumunod dito.Isang eleganteng limousine car ang naghihintay sa labas, saka inalalayan siyang papasok. Bahala na kung sino ito. Mukhang mabait naman ang mga tauhan ni Ken.Isang exclusive restaurant ang narating nila. Parang naka-reserve lang iyon para sa kanila at walang mga tao. "Ma'am., pasok na po kayo. Naghihintay na si boss sa loob," w

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 39

    Gusto niyang sumagap ng sariwang hangin. Ayaw muna niyang umuwi ng bahay. Gusto niyang tawagan si Alexa, pero wala siyang phone. Naiwan niya iyon. Kaya naglakad-lakad muna siya sa isang parke na hindi niya alam kung saan. Marami namang tao na naglalakad pero mga foreigner ang mga ito.Naliligaw na ba siya?Ang alam niya bumaba siya ng The Fort, pero hindi niya alam ang pasikot-sikot doon. Tumingin siya sa relong nasa bisig. Alas-singko na nang hapon at halos limang oras na siyang naglalakad doon. Kahit nakararamdam ng gutom hindi niya iyon pinansin. Hanggang may bumangga sa kan'yang babaeng naka-hood.Napatitig siya rito .Athena!"Wow! Small world!" palatak nito. "Hindi ba ikaw ang babaeng kasama ni Cedrick last time and slash secretary ni Tito Leopoldo?" ismid nito.Umiwas siya rito. Bakit andito ito? Baka kasama nito si Cedrick. Mabilis siyang tumalikod, pero hinila nito ang braso niya."Bastos ka rin noh! K

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 38

    Pagkahatid ng binata sa kaniya sa boarding house, nagmamadali itong umalis. Naalala niya ang sinabi ni Athena na puntahan ito ng lalaki sa pad nito."Babe, sleep early. Huwag na magpuyat. Sunduin kita bukas ng umaga. I love you. Good night."Ngumiti lang siya at hindi sinagot ang sinabi ng binata."Sige mag-iingat ka. Good night!" Matamlay na tumalikod siya sa binata at binuksan ang pinto."Babe, you didn't answer me. I said, I love you." Hinila siya nito paharap."Gabi na. You need to rest."Magpapahinga nga ba ito kung pupunta ito sa pad ng Athena na iyon? bulong sa sarili niya.Hindi naman niya hawak ang oras at isip nito, kaya wala siyang magagawa. Maganda si Athena kumpara sa kaniya at kahit sinong lalaki, pwedeng mahumaling sa kagandahan nito."Are you mad at me?"Narinig niya ang pagbuntonghininga ng lalaki."Sige na, good night. And I love you, too. Ingat sa pag-d-drive." Yumakap siya s

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 37

    Balik opisina na siya pagkatapos ng opening ng resort at limang araw na bakasyon.Mula kahapon hindi na siya tinigilan ng binata na maghatid at sundo sa kaniya papasok ng opisina. Katulad ngayon, pagkaupo niya sa table, nagpaalam ito na kakausapin ang ama."Sabay na tayo mag-lunch mamaya, babe," wika nito bago pumasok sa opisina ng ama.Ngumiti lang siya.Ayaw niyang magpahalata sa mga tao sa opisina na may relasyon sila ng binata maging sa ama nito. Hindi pa siya handa.Halos mag-l-lunch na nang matapos ang meeting ng mag-ama. Mukhang seryosong-seryoso ang dalawa. Narinig niya tumunog ang telepono."Thompson Builders Corporation, this is Natasha. Can I help you?""Can I talk to Tito Leopoldo?" anang tinig mula sa kabilang linya."I'm sorry, Ma'am, he has a meeting right now. If you have a message, please leave it to me or you can call after fifteen to twenty minutes?" magalang niyang wika dito.

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 36

    Pagpasok sa banyo ng binata sinubukan niyang lumabas sa kwarto pero hindi niya mabuksan ang pinto. Hinanap niya ang lock button pero wala ito. Pagtingala niya may nakita siyang isang sensored red light.Sensored ang pintuang ito? Bulong niya sa sarili.Sibukan niyang i-adjust ang sarili at tumapat doon pero ayaw bumukas. Napagod na siya kaya hinawi na lang niya ng kurtina, saka tumanaw sa malawak na karagatan.Mula sa kinatatayuan niya makikita ang asul na tubig at luntiang kapaligiran. Talagang mala-paraiso ito. Panalo na ang mga Thompson sa pagbili ng resort na iyon.Ang mala-maldives nitong buhangin at mga naggagandahang cottage ay nakatutuwang pagmasdan. Perfect lagyan ng mga jetski at mga sasakyang pang-sports ang resort na iyon.Iba talaga ang mayayaman, isang pitik lang ng kamay mabibili na ang gusto nila.Nasa ganoong pwesto siya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto sa banyo."Like the view, babe?" Tinig mula

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 35

    "Happy Fiesta! Viva Sr. San Isidro Labrador"Ito ang makikita sa daan paglabas sa simbahan. Napakaraming banderitas ang makikita sa kahabaan ng kalsada na kulay dilaw. May mga sari-saring prutas ang nakaparada kasabay ng Patron San Isidro. Kasunod ang mga masasayang tugtugin. Masasaya ang mga tao sa paligid at maraming palaro."Babe, you have a nice place here," bulong ni Cedrick sa kaniya.Siniko niya ito."Nasa likuran si Nathaie at sila Tatay."Ngumiti ito, saka lumingon."Ate, maraming palaro ngayon si Kapitan. Una, boat race sa may resort mo, Kuya. Halika kayo manood tayo," wika ni Nathalie.Sumunod sila rito. Puno ng taong naghihiyawan sa gilid ng dalampasigan at may tinanghal ng panalo. Napadako naman sila sa isang palaro na kung tawagin ay palosebo. Limang punong kawayan ang nakahilara at mag-uunahang akyatin at kunin ang premyo. Maging ang katabi niyang binata ay napahiyaw sa saya nang may maunang maka

  • MY TEXTMATE, MY HUSBAND   Chapter 34

    Kinabukasan bisperas ng piyesta at abala ang lahat sa pagluluto.Tinanghali siyang nagising at wala na ang kapatid sa tabi niya. Halos alas-kwatro na ng umaga siya nakatulog. Kaya nang tumingin siya sa orasan, alas-onse na ng umaga. Napahilamos siya ng mukha.Ako yata ang may hangover! Bulong niya.Inayos niya ang kama saka lumabas ng kwarto."Good morning sa ate kung sleeping beauty! Katagal mo namang magising, ah. Ayon, umalis na tuloy ang prince charming mong may hangover." Malawak ang ngiti ni Nathalie nang masalubong niya ito sa salas. "Tapos na nila lutuin ni tatay ang litson. Maliligo raw muna siya at sinundo ng tauhan niya. Pero may kasamang magandang babae ito." Nagkibitbalikat ang kapatid niya.Nakasimangot siyang nilampasan ito."Mukhang sweet 'yung dalawa kasi umakbay siya sa babae, Ate," dagdag pa ito."Ano naman ngayon? Buhay niya iyon kaya huwag nating pakialaman. Ikaw, may maitsismis ka lang. Tsk. . . tsk

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status