Kinabukasan bisperas ng piyesta at abala ang lahat sa pagluluto.Tinanghali siyang nagising at wala na ang kapatid sa tabi niya. Halos alas-kwatro na ng umaga siya nakatulog. Kaya nang tumingin siya sa orasan, alas-onse na ng umaga. Napahilamos siya ng mukha.Ako yata ang may hangover! Bulong niya.Inayos niya ang kama saka lumabas ng kwarto."Good morning sa ate kung sleeping beauty! Katagal mo namang magising, ah. Ayon, umalis na tuloy ang prince charming mong may hangover." Malawak ang ngiti ni Nathalie nang masalubong niya ito sa salas. "Tapos na nila lutuin ni tatay ang litson. Maliligo raw muna siya at sinundo ng tauhan niya. Pero may kasamang magandang babae ito." Nagkibitbalikat ang kapatid niya.Nakasimangot siyang nilampasan ito."Mukhang sweet 'yung dalawa kasi umakbay siya sa babae, Ate," dagdag pa ito."Ano naman ngayon? Buhay niya iyon kaya huwag nating pakialaman. Ikaw, may maitsismis ka lang. Tsk. . . tsk
"Happy Fiesta! Viva Sr. San Isidro Labrador"Ito ang makikita sa daan paglabas sa simbahan. Napakaraming banderitas ang makikita sa kahabaan ng kalsada na kulay dilaw. May mga sari-saring prutas ang nakaparada kasabay ng Patron San Isidro. Kasunod ang mga masasayang tugtugin. Masasaya ang mga tao sa paligid at maraming palaro."Babe, you have a nice place here," bulong ni Cedrick sa kaniya.Siniko niya ito."Nasa likuran si Nathaie at sila Tatay."Ngumiti ito, saka lumingon."Ate, maraming palaro ngayon si Kapitan. Una, boat race sa may resort mo, Kuya. Halika kayo manood tayo," wika ni Nathalie.Sumunod sila rito. Puno ng taong naghihiyawan sa gilid ng dalampasigan at may tinanghal ng panalo. Napadako naman sila sa isang palaro na kung tawagin ay palosebo. Limang punong kawayan ang nakahilara at mag-uunahang akyatin at kunin ang premyo. Maging ang katabi niyang binata ay napahiyaw sa saya nang may maunang maka
Pagpasok sa banyo ng binata sinubukan niyang lumabas sa kwarto pero hindi niya mabuksan ang pinto. Hinanap niya ang lock button pero wala ito. Pagtingala niya may nakita siyang isang sensored red light.Sensored ang pintuang ito? Bulong niya sa sarili.Sibukan niyang i-adjust ang sarili at tumapat doon pero ayaw bumukas. Napagod na siya kaya hinawi na lang niya ng kurtina, saka tumanaw sa malawak na karagatan.Mula sa kinatatayuan niya makikita ang asul na tubig at luntiang kapaligiran. Talagang mala-paraiso ito. Panalo na ang mga Thompson sa pagbili ng resort na iyon.Ang mala-maldives nitong buhangin at mga naggagandahang cottage ay nakatutuwang pagmasdan. Perfect lagyan ng mga jetski at mga sasakyang pang-sports ang resort na iyon.Iba talaga ang mayayaman, isang pitik lang ng kamay mabibili na ang gusto nila.Nasa ganoong pwesto siya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto sa banyo."Like the view, babe?" Tinig mula
Balik opisina na siya pagkatapos ng opening ng resort at limang araw na bakasyon.Mula kahapon hindi na siya tinigilan ng binata na maghatid at sundo sa kaniya papasok ng opisina. Katulad ngayon, pagkaupo niya sa table, nagpaalam ito na kakausapin ang ama."Sabay na tayo mag-lunch mamaya, babe," wika nito bago pumasok sa opisina ng ama.Ngumiti lang siya.Ayaw niyang magpahalata sa mga tao sa opisina na may relasyon sila ng binata maging sa ama nito. Hindi pa siya handa.Halos mag-l-lunch na nang matapos ang meeting ng mag-ama. Mukhang seryosong-seryoso ang dalawa. Narinig niya tumunog ang telepono."Thompson Builders Corporation, this is Natasha. Can I help you?""Can I talk to Tito Leopoldo?" anang tinig mula sa kabilang linya."I'm sorry, Ma'am, he has a meeting right now. If you have a message, please leave it to me or you can call after fifteen to twenty minutes?" magalang niyang wika dito.
Masayang nag-uusap ang mga estudyante sa isang kubo kung saan nag-aaral si Natasha ng kolehiyo. Pinag-uusapan nila ang hirap ng exam na ibinigay ng kanilang professor kani-kanina lang. Habang ang iba sa di-kalayuan ay kasama ang kanilang mga kasintahan na nakikinig ng musika.Ika-apat na taon na n'ya sa paaralang iyon. At ilang buwan na lang ay makukuha na niya ang degree na matagal na niyang inaasam. Saksi ang paaralang iyon sa lahat ng mga paghihirap, sakripisyo at sakit na kaniyang naranasan maitawid lang ang buhay bilang isang mag-aaral."Alam mo ba Carol, graduating na ngayon ang boyfriend ko at halos wala na siyang time para sa akin," boses ng isang mag-aaral sa harapan niya."Hayaan mo na. Nag-OJT siya di ba?" sagot ng babaeng kasama nito."Oo nga. Pero parang iba na siya ngayon. Hindi man lang dumadalaw sa boarding house para kumustahin ako," muling wika nang naunang babae sa madamdaming tinig.Umiling siya sa narinig. Sa tantiya niya mga freshmen pa lang ang mga ito. At pag-i
Habang papalit sa counter, lahat ng mga estudyante nakatingin sa bawat hakbang niya. Bakit parang solo flight ako? Bulong niya sa sarili. ‘Yong kaninang magulong paligid, parang nag-slow motion ngayon. "This is the last customer who ordered the cake, Michelle?" Narinig niya mula sa lalaki. Totoo na naka-s-starstruck ito. Gwapo, matangos ang ilong, makinis ang balat, at neat itong tingnan. Parang ang bango-bango at kaysarap yakapin. Pero kakaiba ang mga mata nito. Napakaseryoso niyon at hindi man lang kumukurap. Animo’y sinaniban ito ng kung ano sa itsurang iyon. Mukha tuloy itong dominante. Walang imik at hindi man lang ngumingiti na iniabot nito ang cake sa kan’ya. Samantalang kanina, halos mapigtas na ang mga labi nito sa kangingiti sa ibang customer. May lahi ba itong angrybird? “Miss Nastasha, your camera?” tinig muli ng lalaki. Dinig niya ang tawanan ng ibang customer dahil sa nakitang pagkatulala niya. “Kukunin ko lang ang cake. Kahit wala ng pictures,” aniya habang
“Kuya Alexis, you remember Natasha, right?” Tinapik pa siya ni Alexa sa balikat habang malapad ang ngiti nitong nakatingin sa kapatid. “Yeah! Bata pa kayo noon noong huli ko siyang makita. But look at you now, you grow up beautiful,” wika ng kuya nito na sa kaniya nakatingin. Medyo nag-blush siya. Hindi siya sanay sa ganoong klase ng papuri. Tumikhim ang kaibigan niya nang magtagal ang mga titig na iyon ni Alexis sa kaniya. “Kuya. . . naghihintay na ang mga bisita mo,” anito upang mabaling dito ang atensyon ng kapatid. “Maiwan ka na muna namin dito. Magpapalit lang kami ng damit, tapos susunod na rin kami.” Muling niyakap ni Alexa ang kuya nito. “Happy Birthday again, Kuya Alexis,” sa wakas ay bati niya sa lalaki. “Just simple Alexis is enough. No kuya, please. . ." nakangiting wika ng lalaki. Mas lalo siyang nahiya. “Alright. But still, kuya pa rin,” singit ni Alexa. Hinila na siya nito sa kamay at pumasok sa kwarto ng dalaga. “Kadiri si Kuya. Mukhang umandar na naman pagka
"Alexa, baby!" salubong ng Kuya Alexander nito sa kaibigan."Kuya. . . I'm not a little girl anymore." Umirap ito sa kapatid bago nagbeso.Umakbay ang kuya nito kay Alexa, saka humarap sa kaniya."This is Natasha, right? Gorgeous, huh," manghang wika nito."Yes, Kuya! Kaya ipakilala mo na siya sa mga friend mo mamaya para magka-boyfriend na."Siniko niya ang kaibigan.Tinawanan lang naman ito ng kapatid at niyaya sila sa lamesa. Pinakilala sila nito sa mga kasama at maging girlfriend nito."Gillian, this is my sister Alexa and her friend, Natasha. Girls, this is Gillian," masayang pakilala nito sa kanila.Matipid itong ngumiti. Mukhang mabait at hindi maarte sa paningin niya. Maganda at simple lang ang ayos. Palagay niya'y magkakasundo ito at si Alexa."Hi! Nice meeting you two." Tumayo ito at ginawaran sila ng halik sa pisngi.Tumingin siya sa kabilang dulo at nakita niya ang isa pang kapatid ni Alexa, na kausap ang babaeng katabi na halos nakayakap na. Napailing na lang siya.Tumab
Balik opisina na siya pagkatapos ng opening ng resort at limang araw na bakasyon.Mula kahapon hindi na siya tinigilan ng binata na maghatid at sundo sa kaniya papasok ng opisina. Katulad ngayon, pagkaupo niya sa table, nagpaalam ito na kakausapin ang ama."Sabay na tayo mag-lunch mamaya, babe," wika nito bago pumasok sa opisina ng ama.Ngumiti lang siya.Ayaw niyang magpahalata sa mga tao sa opisina na may relasyon sila ng binata maging sa ama nito. Hindi pa siya handa.Halos mag-l-lunch na nang matapos ang meeting ng mag-ama. Mukhang seryosong-seryoso ang dalawa. Narinig niya tumunog ang telepono."Thompson Builders Corporation, this is Natasha. Can I help you?""Can I talk to Tito Leopoldo?" anang tinig mula sa kabilang linya."I'm sorry, Ma'am, he has a meeting right now. If you have a message, please leave it to me or you can call after fifteen to twenty minutes?" magalang niyang wika dito.
Pagpasok sa banyo ng binata sinubukan niyang lumabas sa kwarto pero hindi niya mabuksan ang pinto. Hinanap niya ang lock button pero wala ito. Pagtingala niya may nakita siyang isang sensored red light.Sensored ang pintuang ito? Bulong niya sa sarili.Sibukan niyang i-adjust ang sarili at tumapat doon pero ayaw bumukas. Napagod na siya kaya hinawi na lang niya ng kurtina, saka tumanaw sa malawak na karagatan.Mula sa kinatatayuan niya makikita ang asul na tubig at luntiang kapaligiran. Talagang mala-paraiso ito. Panalo na ang mga Thompson sa pagbili ng resort na iyon.Ang mala-maldives nitong buhangin at mga naggagandahang cottage ay nakatutuwang pagmasdan. Perfect lagyan ng mga jetski at mga sasakyang pang-sports ang resort na iyon.Iba talaga ang mayayaman, isang pitik lang ng kamay mabibili na ang gusto nila.Nasa ganoong pwesto siya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto sa banyo."Like the view, babe?" Tinig mula
"Happy Fiesta! Viva Sr. San Isidro Labrador"Ito ang makikita sa daan paglabas sa simbahan. Napakaraming banderitas ang makikita sa kahabaan ng kalsada na kulay dilaw. May mga sari-saring prutas ang nakaparada kasabay ng Patron San Isidro. Kasunod ang mga masasayang tugtugin. Masasaya ang mga tao sa paligid at maraming palaro."Babe, you have a nice place here," bulong ni Cedrick sa kaniya.Siniko niya ito."Nasa likuran si Nathaie at sila Tatay."Ngumiti ito, saka lumingon."Ate, maraming palaro ngayon si Kapitan. Una, boat race sa may resort mo, Kuya. Halika kayo manood tayo," wika ni Nathalie.Sumunod sila rito. Puno ng taong naghihiyawan sa gilid ng dalampasigan at may tinanghal ng panalo. Napadako naman sila sa isang palaro na kung tawagin ay palosebo. Limang punong kawayan ang nakahilara at mag-uunahang akyatin at kunin ang premyo. Maging ang katabi niyang binata ay napahiyaw sa saya nang may maunang maka
Kinabukasan bisperas ng piyesta at abala ang lahat sa pagluluto.Tinanghali siyang nagising at wala na ang kapatid sa tabi niya. Halos alas-kwatro na ng umaga siya nakatulog. Kaya nang tumingin siya sa orasan, alas-onse na ng umaga. Napahilamos siya ng mukha.Ako yata ang may hangover! Bulong niya.Inayos niya ang kama saka lumabas ng kwarto."Good morning sa ate kung sleeping beauty! Katagal mo namang magising, ah. Ayon, umalis na tuloy ang prince charming mong may hangover." Malawak ang ngiti ni Nathalie nang masalubong niya ito sa salas. "Tapos na nila lutuin ni tatay ang litson. Maliligo raw muna siya at sinundo ng tauhan niya. Pero may kasamang magandang babae ito." Nagkibitbalikat ang kapatid niya.Nakasimangot siyang nilampasan ito."Mukhang sweet 'yung dalawa kasi umakbay siya sa babae, Ate," dagdag pa ito."Ano naman ngayon? Buhay niya iyon kaya huwag nating pakialaman. Ikaw, may maitsismis ka lang. Tsk. . . tsk
"Babe? Something's wrong?" Pinisil nito ang kamay niya.Boses pa lang ng binata, kahit lasing, talagang malakas na ang hatak sa pagkatao niya. Nasanay na siya na laging sumusulpot na lang ito sa harapan niya. Ayaw niyang masanay, pero hinahanap na niya nag presensiya ng lalaki, kahit ang endearment nito sa kaniya. Parang normal na lang. Masarap pakinggan na parang gusto na niyang nasa tabi lang ito palagi."Babe. . . I'm sorry kung mabilis. Pero ikaw talaga ang tinitibok nito." Kinuha nito ang kanang kamay niya at itinapat sa dibdib.Napaatras siya at pilit binawi ang kamay. Tumingin siya sa paligid dahil baka biglang lumabas ang kaniyang ina at kapatid."Sir—" "Stop calling me sir. I am not your boss." Hinapit nito ang beywang niya.Napakagat-labi siya."And how many time did I warned you not to bite your lips. Please. . . baka makalimot akong narito tayo sa kubo ninyo." Inilapit nito ang mukha sa kaniya. Amoy niya ang alak na ininom nito, pero mas lamang pa rin ang mabangong hinin
Nagdasal muna ang kapatid niya bago sila kumain. Sa haba nang panahon, ngayon lang sila na kompleto at may nadagdag pa na isang asungot.Inabot niya rito ang plato saka inilapit ang mga pagkain. Ayaw man niyang gawin, pero nakatingin ang ama at ina niya. Hindi sila pinalaking bastos ng mga ito lalo pa sa hagpag-kainan."Kuya Cedrick, kumain ka lang at maya-maya may mabarik kayo ng tatay. Naku, iwan lang ha, baka mauna kang malasing sa dami ng tuba na iyan," natatawang wika ng kapatid."Ay mukhang hindi ko malalasing areng batang are. Aba'y sa ganda ng exercise nare kanina sa pagsisibak ng kahoy eh, paniguradong handang-handa na ito," natatawang wika ng tatay niya."Eh, bakit mo ga naman hinayaang magsibak ng kahoy ang bisita ng anak mo? Mukhang hindi naman niya gawain ang trabahong iyan. Aba'y pasensya ka na, hijo. Talagang napasabak ka dine," sabat ng kaniyang ina."Okey lang po, 'Nay. Sanay naman ako sa katulad niyan, pero hindi nga lang kahoy." Malawak itong nakangiti at sumulyap s
Nakatulog siya at mga bandang alas-tres siya ng hapon bumangon. Hindi talaga siya ginising ng kapatid. Hindi rin niya alam kung nakauwi na ang mga magulang nila galing bayan.Medyo blurry pa ang mata at magulo pa ang buhok niya nang lumabas sa kwarto. Pinusod lang niya ang buhok at itinali ng basta saka dumiretso sa kusina.Nagtaka siya at alas-tres pa lang ng hapon ay mukhang ang dami ng niluto ng kaniyang ina. Narinig niya na tumatawa ang kan'yang ama sa labas at mukhang may bisita ito.Sumilip siya sa bintana at nabigla siya sa nakita.Masayang nakikipagtawanan at nakikipagkwentuhan ang ama sa nakahubad na lalaki. Matipuno ang katawan at sumisigaw sa laki ang mga muscle nito, habang itinataas ang palakol upang mabiyak ang kahoy. Pawis na pawis ito at halos mabasa na rin ang suot nitong pantalon. Mas lalo siyang kinabahan ng lumingon ito sa dako niya. Nakangiti ito at nag-thumps up sa kaniya kasabay ng tatay niya.Si Cedrick Thompson lang naman.Mukhang kuhang-kuha na nito ang loob
Nagdala sila ni Nathalie ng isang blanket at mga pagkain sa dalampsigan. Kung mas maaga sila, mas maaga namang umalis ang tatay at nanay nila. Naisipan nilang doon kumain at magkape bago lumusong sa tubig.Nagsuot sila one piece at pinatungan ng isang maiksing short. Isang black one-piece ang suot ng kapatid niya at siya naman ay kulay red. Mahilig sa photograph ang kapatid niya, kaya dala nito ang mini-camera. Nakita niya ang mga kuha nito at mukhang may future ito bilang isang photographer."Ate, ako ang photographer mo ngayon. Model kita, bilis! Suotin mo itong sumbrero. Then, mag-one-piece ka muna. Maganda ang sunrise! Go Ate!" sigaw ni Nathalie"Ayoko nga! Baka may mga taong dumaan," tanggi niya. Hindi siya sanay na one-piece lang ang suot."Saglit lang naman, Ate. Tapos ako naman kuhanan mo," maktol nito.Tumingin siya sa paligid. Tahimik naman. Tumingin siya sa resort. Mukha rin namang walang tao sa loob. Buntonghininga muna siya."Sige na! Pero bilisan mo, ah. Iyong cover up
"Michelle, I'll send you some information now. Please make a call to the said number," aniya sa pinsan.Ito ang naisip niyang tawagan para maghanap ng resort na bibilhin. "Now na ba, Kuya?" sagot nito."Yap! Then, set the meeting and I will be there. Paayos mo ang mga papel at title. If hindi pumayag bilhin ko ng triple," sagot niya."Nasaan ba ang secretary mo at ako na naman ang ginugulo mo?" reklamo nito."Just do it! If it is successful, I will give you a bonus. Alright?" wika niya sa pinsan."Sure! How much?" mabilis nitong wika sabay halakhak. "Trip to Korea na lang Kuya with allowance," dagdag nito."Then, do it now, Michelle," sang-ayon niya."Yes. Maasahan mo, Kuya. Gawan natin paraan ito. Tawag na lang ako sa iyo later," masayang wika ng pinsan niya.Napailing siya at ngumiti.Alam niya ng gagawin iyon ng pinsan kahit walang bayad. Ano kayang nakain at pupunta ng Korea ito?Matapos ang maghapon, pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Bumalik siya sa opisina, pero hindi par