Share

Chapter 3

CHAPTER 3

Hindi naman mapakali si Ayesha sa kanyang higaan dahil hindi sya makatulog. Naiinis kasi sya sa isipin na ipapakasal sya sa taong hindi naman nya mahal. Ayaw naman nyang suwayin ang kanyang mga magulang dahil ayaw naman nyang madisappoint ang mga ito sa kanya. Isa pang dahilan din ng kinaiinis nya ay hindi man lang nya muna makikilala ang mapapangasawa nya dahil nga ang gusto nito ay sa mismong araw na ng kasal sila magkikita.

"Bakit kaya ayaw nilang ipakilala muna ang anak nila? Matanda na kaya iyon? Di kaya sunog ang mukha nya kaya ayaw nyang magpakita muna sa akin?" kausap ni Ayesha sa kanyang sarili habang nakahiga sya at nakatingin sa kisame ng kanyang kwarto. "Pero okay lang naman sa akin na hindi gwapo basta itrato lamang ako ng maayos ay okay na iyon sa akin," kausap pa nyang muli sa kanyang sarili. Nagulo na lamang nya ang kanyang buhok dahil sa mga iniisip nya.

"Hay ano ba yan? Nakakainis naman. Masyado nila akong pinag iisip," kausap pang muli nya sa kanyang sarili.

Nasa malalim na pag iisip naman si Ayesha ng biglang tumunog ang kanyang phone kaya naman agad na nya itong kinuha at sinagot.

"Hello Ayesha. Nasaan ka ngayon?" tanong ni Zoey sa kaibigan.

"Nasa bahay malamang. Anong oras na kaya patulog na rin ako," pagsusungit ni Ayesha. "Napatawag ka?" tanong pa nya.

"Sungit mo naman girl. May problema ka ba at nagsusungit ka na naman," sagot ni Zoey.

"May iniisip lamang ako. Wag mo na lamang akong pansinin. Bakit nga pala napatawag ka?" muling tanong ni Ayesha.

"Ayain ka sana naming lumabas. Magcelebrate raw tayo sabi ni Janna. Napromote raw kasi sya sa trabaho," sagot ni Zoey. Bigla namang napabangon si Ayesha mula sa kanyang pagkakahiga.

"Libre ba yan? Gora ako kung libre," sagot ni Ayesha. Natawa naman si Zoey mula sa kabilang linya.

"Hahaha. Oo naman libre to ni Janna. Sagot nya lahat ito," tatawa tawang sagot ni Zoey sa kaibigan.

"Sige. Pupunta ako dyan. Hintayin nyo ako ha," agad na sabi ni Ayesha at pinutol na nya ang tawag at dali dali na syang nagbihis upang makaalis na sya dahil gusto nya rin munang magliwaliw para makalimutan nya ang kanyang mga iniisip dahil hindi talaga sya makatulog dahil sa kakaisip sa kung sino ba ang ipapakasal sa kanya ng kanyang mga magulang.

Agad na rin naman na umalis si Ayesha at nagtungo sa bar kung saan naroon ang kanyang mga kaibigan. Hindi na sya nag abala pa na gisingin ang kanyang mga magulang para magpaalam dahil ayaw naman nyang maistorbo ang pagtulog ng mga ito dahil dis oras na ng gabi at alam nya na masarap na ang tulog ng mga ito.

Pagkapasok ni Ayesha sa loob ng bar ay sumalubong sa kanyang paningin ang napakaraming tao na nagkakasiyahan may mga nagtatawanan nagsasayaw sa dance floor at patti na rin iba't ibang kulay ng pailaw na naroon sa loob ng bar. Agad naman na ng hinanap ng kanyang paningin ang mga kaibigan nya.

"AYESHA," sigaw ni Zoey.

Agad naman na hinanap ng paningin ni Ayesha ang tumatawag sa kanya at nakita nya si Zoey na kumakaway sa kanya kaya agad na syang lumapit doon.

"Wow ha. Ang bilis mo. Kanina lang nagsusungit ka pa tapos ngayon narito ka na kaagad. Ibang klase ka talaga," natatawang sabi ni Zoey kay Ayesha.

"Tsk. Kailangan ko ito e. Marami akong iniisip at sumasakit na talaga ang ulo ko sa kakaisip. Gusto ko rin namang makalimot kahit saglit," sagot ni Ayesha saka sya naupo sa tabi ng kaibigan.

"Bakit ano ba kasi yang iniisip mo na yan at parang stress na stress ka na naman?" seryosong tanong na ni Janna kay Ayesha.

Dumampot naman na muna ng alak si Ayesha na nasa table nila at agad na uminom kaya naman napanganga na lamang ang dalawa nyang kaibigan sa kanya.

"Alam nyo ba na ikakasal na ako?" sabi ni Ayesha.

"What? Ikakasal? Seryoso ba yan? Haha. Ni wala ka ngang boyfriend ikakasal ka," natatawa na sabi ni Zoey sa kaibigan.

"Oo nga. Seryoso ako sa sinasabi ko. Ikakasal na ako. Ipapakasal ako ng mga magulang ko sa lalaking hindi ko naman kilala," sagot ni Ayesha at umirap pa ito.

"Arrange Marriage? Uso pa pala yun," sabat naman ni Janna.

"Oo sa kanila uso pa yun," mataray na sagot ni Ayesha.

"Kaya naman pala nagsusungit ka na naman," natatawang sabi ni Zoey. "Kumusta yung mapapangasawa mo? Pogi ba? Ipakilala mo naman sa amin" usyoso pa nito.

"Tsk. Hindi ko alam. Ayaw ipakilala sa akin. Ang gusto ay sa araw na lamang ng kasal kami magkikita," iirap irap na sagot ni Ayesha sa mga kaibigan nya.

"What? Seryoso ba yan?" gulat pa na tanong ni Zoey. "Baka panget kaya ayaw ipakilala muna sa'yo," dagdag pa nya.

"Wala naman akong pakialam sa looks basta hindi ako sasaktan at tratuhin lamang ako ng maayos ay pwede na yun. Gusto ko lang sana kasi muna ay makilala ko sya bago ako matali sa kanya," sagot naman ni Ayesha. Wala naman kasi talaga syang pakialam kung anong itsura nito dahil hindi naman talaga sya mahilig sa gwapo.

"E di pano yun? Pumayag ka naman?" tanong na ni Janna kay Ayesha.

"Tsk. Wala naman na kasi akong choice. Kailangan ko iyong gawin para sa kumpanya namin. Alam nyo naman ang nangyayare sa kumpanya namin ngayon diba. Ang magiging kapalit kasi ng pagpapakasal ko sa lalake na yun ay tutulungan ng pamilya nya ang kumpanya namin para hindi ito tuluyang bumagsak at malugi," malungkot na sagot ni Ayesha sa kanyang mga kaibigan.

"Hay naku. Ano ba naman yan. Yun pala ang kapalit ng pagtulong nila sa inyo. E bakit naman kasi ayaw magpakilala man lng nung lalake na yun," daldal naman ni Zoey.

"Hindi ko rin alam. Bahala sya. Basta hindi nananakit okay na yun," sagot na lamang ni Ayesha.

"Tsk. Naku naku. Wag nyo na nga muna isipin yan. Mag enjoy na lamang muna tayo ngayon. Pumunta tayo dito para magcelebrate hindi para mag emote. Kaya next time na lang yang emote emote na yan. Party party muna tayo," daldal na naman ni Zoey saka nya sinalinan ng alak ang baso ng kaibigan nya.

"CHEERS," sigaw pa ni Zoey at itinaas ang hawak hawak nitong baso.

"Tara sayaw tayo roon," aya ni Zoey kila Ayesha at Janna.

Agad naman na sumama ang dalawa at talaga namang nakipagsabayan din sila sa pagsayaw sa mga naroon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status