[ Elina ]
- May pinag-uutos si Hades..Ang pakainin ang kaniyang alagang Cerberus..Ang tagapagbantay ng mga tarangkahan ng Mundong Ilalim.Ibinigay niya ang susi sa kulungan nito..Ang kulungan ay nasa ilalim ng kaharian, at mayroong lagusan dito.Sa kanlurang bahagi ay naroon ang mga hagdan pababa.Dala ko ang mga karneng kakainin nila..Tatlong buong manok at mga karne ng baka..Sasapat kaya ang mga ito?Hindi ba’t malaking nilalang ang Cerberus? °~°~°Ang aking mga hakbang ay dahan-dahan pababa patungo sa lungga ng nilalang.Kahit pa’y hawak ko ang isang sulo ay hindi sumasapat ang liwanag nito.Dagdag pa ang lamig ng hangin rito ay nagbibigay sa akin ng kaba at takot.Paano kung hindi sumapat ang mga karneng ito at ako ang kanilang ginawang hapunan?“ Panginoong Zeus.. tulungan niyo po ako. “ panalangin koHindi nagtagal ay nakarating na ako sa kulungan..Laking gulat ng aking mga mata sa laki at lawak nito.Mistulang hindi ito kulungan.Kundi isang koluseyo..Kung gayon ay hindi lamang malaking nilalang ang narito.PINAKAMALAKI.“ Hindi ko mapigilang manginig. Nagnginginig ang aking mga kamay. “Hindi ko alam kung ipapasok ko ba ang susi sa tarangkahan nito.Nanlalamig at naninigas ang aking mga paggalaw.Ngunit..Wala akong magagawa..Ayaw ko nang magkamali at mapunta sa bingit ng kamatayan.O baka nama’y ganun din dahil ako ang malalamon ng buo.Huwag naman sana..Hindi nagtagal ay naipasok ko na ang susi sa tarangkahan at nabuksan ito.Mayroon namang mga anim na sulo sa bawat ikot, ngunit hindi ito sapat.Sa gitna ng kulungan ay madilim..Dinig ko rin ang mga ungol ng nilalang..“ Naroon siguro siya... “At sa gitna ng dilim ay mayroong mga nagliliwanag na pulang mata.Hindi lamang ito isang pares..Kundi tatlong pares..Ilang segundo ay lumabas ang Cerberus sa dilim.Napakalaki nito at tatlo ang ulo sa iisang katawan, may pagkakahawig sa aso.Halos kahingtaas nito ang isang dalawang palapag na bahay.Itim ang balahibo nito at nag-aapoy ang hininga nito.Umuungol ang tatlong ito sa akin at tila nais akong lapain anumang sandali.Ang mga pangil ay napaka-laki..Hindi ako makagalaw sa harapan nito..Nanigas ang aking mga paa..Hindi din ako makahinga..Ang aking pawis ay lumamig..Ang aking puso’y lumalakas ang kaba..Ang tanging magagawa ko lamang ay tumingala sa nilalang.“ Pi—pinadala ako ni Panginoong Ha—hades dito upang pakainin ka.. “Nilapag ko ang mga karne sa kaniyang harapan..Ang problema ay tinignan lamang ang mga ito at patuloy ang pagtingin ng masama sa akin.Patuloy ang mga mababangis na ungol..Ang malala pa’y inilapit nito ang malaking nguso sa aking harapan.“ Cerberus, huwag ako.. “ANONG GAGAWIN KO?!!Paano ba magpa-amo ng aso?Kung hawakan ko siya?!!Hindi pa ako nag-alaga ng aso..Hindi ko alam kung gagana ito sa kaniya..“ Ka—kaibigan mo ako.. “Dahan-dahan kong inilalapit ang aking kamay sa malaking nguso nito.Sa pagdampi ng aking palad ay hinapis-hapis ko ang balahibo nito hanggang sa ilong.Marahan..Hindi nagtagal ay tumahimik ang kaniyang pag-ungol at nagsimulang humahampas ang malaking buntot nito.Gumaan ang loob ko at napahinga ng maluwag..Natuwa rin ako..“ Cerberus.. “Sa pagkakataong ito ay ikinasupresa ko ang nangyari sa Cerberus.Sa isang iglap ay nagliyab ang buong katawan nito at sa likod ng malaking apoy ay mayroon lumabas.Tatlong itim na tuta..TEKA! IBIG SABIHIN AY ITO ANG KANILANG TUNAY NA ANYO?“ Aaah!! “Nagsi-takbuhan silang tatlo patungo sa akin at sumunggab ang kanilang maliliit na paa.Nakakatuwa silang pagmasdan..Naaaliw din ang aking puso sa kanilang pagyakap sa akin..Niyakap din silang tatlo at napakalambot ng kanilang mga balahibo.Sa maliliit nilang mga dila ay dinidilaan nila ang aking mukha.“ Teka! Nakikiliti ako! “ natutuwang wika koBigla silang tumigil sa pagdila sa akin at lumingon sila sa likot.Lumingon din ako sa kanilang nakita..Nariyan si Hades..Mukhang pinapanood niya kami..Dali namang nagsi-takbuhan ang mga tuta sa kanilang amo at binuhat ang isa sa kanila.“ Panginoong Hades.. “ bati ko habang nakayuko ang aking ulo“ Nagtungo ako rito upang makita ang kalagayan nila. Inakala ko rin ay nilapa kana nila ng buhay. “ wika ni Hades habang hawak ang isa sa mga tutaIbinaba niya ang isang tuta..Iniluhod niya ang isang tuhod upang makita at pakainin ang mga tuta ng maayos.Dali kong inilapit ang mga karneng dala ko kanina.Si Hades ang nagpakain sa tatlong tuta..Hindi ko mapigilang pagmasdan sila.Lalo na si Hades..Mukhang mahilig din siyang mag-alaga ng mga kaibigang hayop.Oo nga pala..May mga ngalan kaya sila?O Cerberus ang ngalan nilang lahat?“ Panginoong Hades, mayroon po ba sila mga ngalan? “ tanong ko“ Mayroon: ang isang tuta na may isang bakas na kahel ay si Ceres, ang mayroong dalawang bakas ay si Beres, at ang mayroong tatlong bakas ay si Rus. “ tugon ni Hades“ Ah! Kung gayon ay bumase po kayo sa mga pangalan nila! Ang galing naman po!! Nakakatuwa naman! “ masayang wika koDahil sa labis kong tuwa ay hindi ko namamalayang nakangiti na ako kay Hades.Nakatingin lamang siya sa akin..Kalmado ang mukha..Napayuko ako ng mabilis at umatras ng kaunti habang ang aking mga kamay nilagay ko sa aking likuran.Nailang ako ng labis..Gayunding nag-iinit ang aking mga pisngi..“ Pasensya na po, hindi ko po sinasadya. “Patuloy parin ang aking pag-yuko habang aking mga mata’y nakatingin sa kaniyang mga baluti sa paa.Lumakad na siya palayo at walang sinabing anumang salita..Pinanood ko ang kaniyang paglisan..“ Hay, ano ba itong ginagawa ko? “Akala ko magagalit muli siya sa akin..Pero ang kaniyang mga titig kanina, hindi ko maipaliwanag.Sa palagay ko’y mayroon namang kaunting liwanag sa kaniya sa kabila ng mga dilim. °~°~°Napadaan ako sa bulwagan..Doon ay nakita ko si Hades at Aeacus na nag-uusap.Mayroong din mga iskrolyong dala ang matanda, marahil ito’y para kay Hades.Ang dami..“ Ah, Binibini! Kamusta kana? ““ Mabuti naman po. “ wika ko at ngumitiLumipat ang aking tingin kay Hades..Abala siya sa mga iskroylo..“ Iha, hindi ba’t sinabi mo noon na marunong ka sa gawain? “ tanong ni Aeacus“ Opo, bakit po? “ tugon ko“ Maaari mo ba akong ipagluto ng isang hapunan? “ pakiusap ni AeacusNagulat ako sa mga wika ni Aeacus, ngunit may kahalong tuwa.Akalain mo nga naman..Ang isa sa mga hukom ng Mundong Ilalim ay nakaramdam ng pagkagutom.“ Wala pong problema, Panginoong Aeacus. “ masayang tugon ko“ Salamat, iha. Nais ko namang makatikim ng masarap na hapunan ngayon. Sawang-sawa na ako sa mga ibinigay ni Hermes. “ wika ni Aeacus“ Panginoong Hades, bakit hindi mo kami saluhan? Sama-sama tayong kumain! Masayang magkakasama sa iisang mesa. Hindi ba? “ dagdag pa ni Aeacus“ O—po, opo! “ tugon ko“ Hmmp.. “ reaksyon ni HadesKung gayon ay magiging masaya nga ito.Siguro’y ngayon lamang mayroong magsasalu-salo sa mahabang mesa roon.Mabibigyan ng kaunting ingay ang kahariang ito.Dadamihan ko ang aking ihahain para sa kanila.. °~°~°Simple lamang ang inilatag ko para sa kanila, ngunit lahat ng ito’y tama sa lasa.Ito ang mga pagkaing inihahain ni Cassiopeia sa tuwing kaarawan ko.Naalala ko tuloy sila..Sana ayos lamang sila..“ Talaga ngang napaka-sarap ng mga ito, iha! Siguradong mapaparami ang aking kakainin ngayon! “ masayang wika ni AeacusKita ko nga sa matanda na napaparami siya ng kain, at ito’y ikinatutuwa ko.Ibig sabihin ay hindi ko pa nakakalimutan ang mga sangkap at mga hakbang.“ Kumain lamang po kayo. “ masayang wika koTumingin ako kay Hades..Dahan-dahan lamang niyang kinakain ang hapunan niya, ngunit gayun pa rin ang dami sa pag-inom ng Ambrosia.“ Panginoong Hades, sana po’y nagustuhan niyo lahat ng aking inihain para sa inyo. “ wika koKatulad parin ng dati..Hindi siya tumugon..“ Ah, Panginoong Hades, kumain ka ng mabuti. Sayang naman ito lahat kung hindi mauubos ang mga pagkaing ito. “ masayang wika ni Aeacus“ Hmmp.. “Sa hindi inaasahan..Biglang may dumagdag na bisita..Si Hermes!Mas lalo pang naging maingay at masaya ang silid hapagkainang ito!“ Hermes! Natutuwa ako’t narito ka!! “ masayang pagbati ko“ Kamusta?! Mukhang may handaan dito ah? Maaari ba akong makisalo? “ tanong ni Hermes“ Para sa atin itong lahat! Inihanda ni Elina ang mga pagkaing ito! “ wika ni AeacusGayunding nakisalo si Hermes..Nasa kanang upuan si Aeacus at si Hermes nama’y nasa kaliwang upuan.Si Hades ay nasa gitna..Dalawang maingay at isang tahimik.Hindi ko mapigilang ngumiti sa kanila.“ Saluhan mo na kami, Elina. “ wika ni HadesNiyaya ako ni Panginoong Hades..Bigla akong nataranta sa kaniyang mga salita.Dali akong umupo sa tabi ni Hermes.“ Salamat po, Panginoong Hades. “ wika ko“ Panginoong Hades, ano po ang masasabi niyo sa dalagang ito? Hindi ba’t napaka-maalaga niya? “ papuri ni Aeacus“ Hi-hindi naman po, Panginoong Aeacus. “ nahihiyang tugon ko“ Alam mo ba, kung sino man ang mapapangasawa mo ay napaka-swerte! Hindi ba’t Panginoong Hades? “ papuri ni Aeacus“ Hmmp.. “ reaksyon ni Hades“ Tama! “ mapagmalaking sagot ni Hermes“ Panginoong Hades, bakit hindi ninyo ligawan ang dalagang ito? Bagay na bagay kayo! “ panunukso ni Aeacus“ Tama, tama! “ panunukso ni HermesANO??!!ANO BA ANG MGA SINASABI NILA?!!Nakakahiya!!“ A—ano?! “ nahihiyang wika ko“ Ah! Kahit madilim, iha. Nakikita ko parin ang iyong mga namumulang pisngi. “ panunukso ni Aeacus.ANO BA ANG MGA ITO?!ITO BA ANG PINAKAY NILA?!!ANG TUKSUHIN KAMI?!!“ Te—teka! “ nahihiyang tugon koLumingon ako kay Hades kung ano ang kaniyang reaksyon sa panunukso nila.Hindi siya kumikibo..Hindi siya tumugon ng tingin..Habang umiinom, ang kaniyang mga kila’y nakababa habang ang inis ay nasa kaniyang mukha.Hay nako..Kinakabahan muli ako..Sana’y hindi siya magalit sa mga sinasabi nila..Delikado na..Baka anu pang magawa sa kanila. °~°~°Natapos din ang hapunan kanina..Labis din akong nagpapasalamat dahil hindi umapaw ang galit at inis ni Hades kanina.Agad na siyang umalis kanina..Nakakalungkot nga lang..Hindi niya naubos ang inihanda ko para sa kaniya..Tila kulang pa siguro..“ Hindi siguro niya nagustuhan. “Dahan-dahan akong lumalakad sa mahabang pasilyo patungo sa aking silid.Medyo masakit ang aking kaliwang braso..Marahil sa labis na pagod..“ Medyo kumikirot ang aking braso ha. “Sa aking daanan ay nadatnan ko si Hades na papalakad pabalik.“ Panginoong Hades. “ pagbibigay galang koHindi niya ako pinansin..Dinaanan lamang niya ako na tila isa akong dumi sa kaniyang harapan.Walang lingon, basta diretso lamang ang tingin..Napaka-sungit niya..Pero saan siya tutungo?!BABALIK BA MULI SIYA SA BULWAGAN?Bakit laging binababad ni Hades ang kaniyang sarili sa mga trabaho niya? Hindi na ba siya matatapos?Ano ba ang mga nilalaman ng mga iskrolyong iyon?Bakit laging may dumating?!! °~°~°Sumilip ako sa bulwagan..Nakaupo muli siya sa trono..Pero ngayon ay hindi siya nagtatrabaho..Malayo ang kaniyang tingin habang siya’y umiinom muli ng alak ng ambrosia.Pero mayroon akong napansin sa lapag..Isang iskrolyo na kulay lila..Mukhang itinapon niya ito..Ano kaya ang nilalaman noon?“ Lumabas kana riyan! Huwag ka nang magtago! “ sigaw ni Hades na umalingawngaw sa buong bulwaganLaking gulat ko na may kasamang kaba nang malaman niyang narito ako.ANONG GAGAWIN KO?!!!SABIHIN KO NA LAMANG NA NAPADAAN LAMANG AKO!!Hindi ba’t napadaan lamang talaga ako!!?“ Panginoong Hades. ““ Lumapit ka rito.. “ utos ni HadesAnong gagawin niya sa akin?!!Papatayin naba niya ako?!!“ Ano nanaman ang kailangan mo? Muli ba akong may dumi sa mukha? “ prangkang tanong ni Hades“ Hindi po, Panginoon. Napadaan lamang po ako, iyon po ang totoo. “ tugon koTumayo siya sa kaniyang trono at lumapit sa aking harapan.Nakatindig siya habang nakayuko sa akin, nakatingin pababa.“ Sabihin mo nga sa akin, minamanmanan mo ba ako? Isa kabang espiya? Paano ka nakarating dito ng buhay?! “ tanong ni Hades“ Hindi ko po alam! Hindi ko po maalala paano.. patawad po. “ malungkot na tugon ko“ Kung gayon, bakit sa tuwing nasaan ako ay naroon ka din? Sa laki ng aking kaharian at dami ng mga silid ay nakikita parin kita. “ wika ni HadesOo nga naman..Hindi dapat ako narito..Bakit napaka-tigas ng ulo ko?Hindi ko dapat siya pinapakelaman..Pero sa totoo lamang ay—Hindi ko mapigilang mag-alala para sa kaniya.Kaming dalawa lamang ang narito walang umaalala sa kaniya..“ Hindi na po mauulit, panginoon, Patawad po. “ wika ko habang nakayuko“ Isang beses pang makita kita rito ay papatayin na kita. Umalis kana sa aking harapan bago pa magdilim ang aking paningin sa iyo. “ tugon ni HadesDali akong lumalakad palayo sa bulwagan..Hindi na ako tatapak dito, maliban na lamang na may kailangan siya.Iiwasan ko na siya..Dapat ko na siyang iwasan.. ****Hello po sa lahat ng readers!! ❤️Salamat po sa mga nagbasa ng aking story! dahil po sa inyo ay sumisipag pa po akong magsulat at ipagpatuloy ang istoryang ito. Sana po abangan po natin ang mabubuong pag-iibigan nila Hades at Elina! ❤️🥲Inspired po ito sa BEAUTY AND THE BEAST with greek twist.Inspired din po ito kay Wang so at Hae soo from Scarlet Heart: Ryeo. Isinusulat ko na po ito since high school hanggang ngayon. tinry po pa po itong gawing Graphic novel. ( still in progress. ) 🙂🌼Pero sa ngayon ay dito na muna sa Good Novel ❤️ Alam kong may mababasa kayong mga wrong grammar dito at mispelled. Please bear with me.. but i will edit soon. 🥲🙏 Hindi pa po ako ganun kabihasa sa pagsusulat, hooby ko lng po ito. Pede niyo po ako imessage at sabihin sa akin. 🙂Huwag po kayong mahiya. 🥲🙏Salamat po muli, mga readers!! 🙂❤️Truly yours,Miss_Myth ❤️
[ ELINA ]-Tapos na ang aking paglilinis sa dalawang kwarto sa ika-unang palapag. Ngayon naman ay tutungo ako sa silangang parte ng kaharian, kung saan naroon ang silid-aklatan at silid ng mga armas at sandata. Ipinapa-utos ito ni Hades sa akin.Umalis siya kanina.Hindi ko alam nasaan siya ngayon. °~°~° Dumaan ako ng pangunahing bulwagan, patungo sa silangang parte. Sa bulwagan ay nakita ko roon si Aeacus.Marahil hinahanap niya si Hades.“ Panginoong Aeacus! “ masayang pagbati ko“ Ah, binibini! Nariyan ba si Panginoong Hades? “ tanong ni Aeacus “ Hindi ko po alam nasaan siya sa kahariang ito. Baka nariyan lamang siya sa kung saan po. “ tugon ko“ Hmm, teka. Naalala ko na! Nagtungo siya sa kaharian ng Olympus ngayon. Mayroong pagtitipon ang lahat ng mga diyos. Hay, bakit nakalimutan ko. “ tugon ni Aeacus “ Kung gayon, kailan naman po siya babalik? “ tanong ko“ Hindi ko rin alam, wala siyang sinasabi parati. Kung minsa’y babalik
[ ELINA ] - Nasa silid-aklatan ako ngayon at abalang kinukuskos ang mga libro.Nalinis ko na din ang mga matatangkad na istante't mga mesa." Hay, kakapagod naman. Tatapusin ko na lamang ito at saka magpapahinga pagkatapos. "Sa gitna ng aking pagkuskos sa mga libro ay mayroon akong nakita sa isa sa mga ito.Isang tuyong rosas na naka-ipit sa mga libro. Paano nagkaroon ng rosas dito?Mayroon bang hardin ang kahariang ito?Marahil dinadala lamang ni Hermes ang mga bulaklak rito.Ngunit ang isang ito ay kakaiba.Kahit tuyo na ang mga talulot nito ay mayroon parin amoy.Napakabango.Kanino kaya galing ito? °~°~° Babalik na ako sa aking silid upang magpahinga.Pagkatapos ang lahat ng mga pagkuskos sa isang bundok ng mga libro ay isang parusa.Maliligo din sana ako.Madaming dumi ang aking damit.Ihahanda ko ang aking panligo nito at matutulog pagkatapos.Maghahanda din ako ng aking hapunan.Hindi ko na kailangan pang ipaghanda si Hades.Hindi niya tipo ang mga totoong pagkain." Ano ka
[ Elina ]- Nagdaan ang mga araw ay iniwasan ko si Hades.Ang pinaka-huling babala niya sa akin noon ay aking sinundan.Ang ginawa ko'y nanahimik na lamang at tinapos ng pa isa-isa ang mga gawain dito sa kaharianNasabi ko na kay Hermes ang aking pagkatao.Ina ko si Demeter.Babalitaan na lamang ako ni Hermes kung nasaan ang aking ina.Pagkatapos ay sasambitin niya ito kay Hades.Nang sa gayon ay bibitawan na niya ako bilang bihag niya. °~°~° Umalis si Hades sa kaniyang kaharian.Marahil tinanggap niya ang gantimpalang ipinagkaloob sa kaniya.Hindi ko alam anong klaseng gantimpala iyon.Nasabi lamang ni Hermes sa akin na ikaliligaya niya iyonKung gayon ay mas makakabuti sa kaniya.Hihintayin ko naman ang paglisan rito.Kaya habang wala ay iiwas ako sa gulo. °~°~°Ipinaghanda ko ng makakain ang tatlong tuta at pinanood ko silang kumakain.Buti pa ang tatlong tuta na ito ay mabuti sa kabila ng ka
[ ELINA ]- Hindi kami natuloy sa tukso.Tumanggi ako sa pag-aanyaya ng kaniyang init ng katawan. Hindi pa ako handa sa ganoong bagay.Sa mga nagdaang araw ay hindi kami nagkakatawagan o nag-uusap. Sa tuwing nagkikita kami'y nagkaka-iwasan.Iniiwasan ko ang kaniyang mga tingin dahil iba ang aking nararamdaman. Hindi takot kundi--Nahihiya ako sa kaniya.Malawak ang kahariang ito ngunit nagkikita kami parin.Pinaglalaruan ba kami ng tadhana?°~°~°Dumating si Hermes at mayroon siyang dalang mga damit para sa akin.Mukhang madami din siyang dalang mga iskrolyo.Abala siya ngayon. Ah." Binibini, para sa iyo. " wika ni Hermes" Salamat. " wika koBiglang inilapit ni Hermes ang kaniyang mukha sa aking mukha at pinagmasdan ako ng maigi.May nagbago ba sa akin?!" Binibini, mukhang gumaganda ka ngayon, ah. Ang iyong mga pisngi'y namumula. " pagpuri ni Hermes " Ginoong Hermes! Ano bang sinasabi niyo?! Ganito parin ako! Tulad ng dati! " nahihiyang tugon ko " Ah! Mukhang may nangyari ah!
[ HADES ]- Ang dalagang iyon.Ang dalagang iyon ay isang malaking tukso sa aking paningin.Sa bawat nariyan siya'y hindi ko mapigilan ang aking sarili na pagmasdan siya.Titigan siya..Hinahanap-hanap siya ng aking mga mata.Hindi ko rin mapigilang maisip ang nangyari noon sa balkonahe. Simula noon ay hindi ko maintindihan ang aking sarili.Noon ay wala akong iniisip kundi trabaho bilang diyos dito.Wala din sa aking isip ang mga ganitong bagay dahil ito'y hindi bagay sa akin.Bigla na lamang nagbago ngayon. Ang halik na iyon..Naramdaman ko ang kaniyang mga malalambot na labi.Nagliyab ng malaking tukso ang aming pagitan.Hindi siya umiwas.Humahanga din ako sa kaniyang kabaitan. Maganda siya..Para sa akin ay lamang siya kay Aphrodite.Nagustuhan ko ang kaniyang mga berdeng mata at gintuang buhok.Maputi ang kaniyang balat at mga labi'y natural na pula.Ang mga katangiang ito'y nakita ko na noong una siyang nakipag-usap siya sa akin. Sa ilalim ng puno..Hindi ko siya pinansin no
[ ELINA ]- Wala si Hades ngayon dito dahil nagtungo siya sa kaharian ng Olympus.Ipinatawag siya ni Zeus.Narito ako ngayon sa pangunahing bulwagan at maiging pinapakintab ang kaniyang trono.Bigla kong naalala..Nang nakatulog siya rito.Siguro'y sa mga nagdaang mga araw bago pa ako narito ay hindi siya masyadong nakakapag- pahinga.Dito na rin siya siguro nalilipasan ng pagod.Hindi na nakaka-akyat sa kaniyang silid.Ang pagiging diyos ng isang nasasakupan ay isa sigurong bigat sa mga balikat.Kung gayon ay nakakapag-alala naman para sa kaniya." Ang sipag naman niya. "Wala siya ngayon..Hindi ko maiwasang isipin siya.Manabik sa kaniya.Ano ba ito?Iniiwasan ko siya tapos ngayon ay wala siya hinahanap ko siya. Bakit ganoon ang nararamdaman?Nakakalito kung minsan.Kung minsan ay hindi ko maiwasang mapa-isip ng anu-ano.Paano kung--Kung maging kasintahan ko na siya? Ano kaya ang pakiramdaman nang mayroon ganoon?Siguro naging kasintahan na ni Aphrodite si Hades. Ano kaya ang pa
[ HADES ]- Nakatulog si Elina sa kaniyang labis na pag-iyak.Binuhat ko siya patungo sa kaniyang silid at doon ko siya hiniga sa kaniyang kama upang mapakapag-pahinga ng maayos.Nang makita ko ang labis na kalungkutan ng dalagang ito ay nadudurog ang aking puso.May bigat sa kaniyang puso.Tungkol saan ang kaniyang dinaramdam?Nais kong malaman.Ngunit, sa ngayon ay hindi muna..Siguro'y itatanong ko na lamang ito sa kaniya sa tamang oras at panahon.Ang kailangan ko munang isipin ngayon ay kung paano siya mabibigyan ng kaligayahan.Hmm..Ano kaya ang maaaring ibigay o kaya'y gawin?Hindi ako makapag-isip ng maayos sa mga iskrolyong ito.Si Elina muna ang aking alalahanin ngayon. °~°~°Nagtungo ako sa kaniyang silid.Sa harapan ng pintuan ay ako'y kumatok ng tatlong beses. * KNOCK-KNOCK-KNOCK!Ilang segundo'y hindi bumukas ang pintuan.Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sumulyap sa maliit na siwang.Nakita kong naka-upo lamang si Elina sa kaniyang