Share

Chapter 3

[ Elina ]

Bumalik ako sa pagdungaw sa bintana at naghihintay sa kung sino na lamang ang darating para sa akin..

Umaasa sa wala..

Kahit ito nalang ang aking nagagawa upang gumaan ang aking loob..

Kung minsa'y naiisip ko..

Kung kitilin ko na ang aking buhay?

Gusto ko nang sumama sa aking ama't kapatid..

                           ~~~~

Hindi ko na alam ang aking ginagawa..

Basta na lamang akong dumampot ng matalim na bagay..

Ang aking isipan ay lumubog sa kawalan..

Marahil ito na ang solusyon..

Wala na din namang hahanap pa sa akin..

" Basta gawin mo na! "

Dahan-dahan kong inilalagay ang patalim sa aking pulso upang putulin na ang mga ugat na bumubuhay sa akin..

Kaya ko ito..

Ngunit

Hindi ko magawa..

Wala akong lakas ng loob upang gawin ito sa akin..

Binitawan ko ang patalim at lumuha muli ang aking mga mata..

Masyado na akong nalulungkot..

Hindi ko man lang naisip ang mga nagmamahal sa akin..

Hindi rin nais ng aking ama't kapatid na gawin ko ito..

Patawad..

                            °~°~°

Muli, nakaupo ako sa aking duyan sa matandang puno at nakatingala sa kalangitan..

Araw-araw akong humihiling kay Zeus na sana'y may dumating sa aking buhay.

Hindi ko na kaya ang mag-isang namumuhay..

" Hindi ko na alam ang aking gagawin.. kung naririnig niyo ako ay sana'y matupad ang aking kahilingan. "

Sa pagtitig ko sa kalangitan...

Napansin kong may mga nagsisiliparan na tila palabas ng kagubatan..

Mga nagliliwanag na asul na paru-paro..

Tila patungo sila sa direksyong hilaga..

Nakatingala ako sa kalangitan habang ang aking mga paa'y kumilos at tumakbo..

Saan kaya sila tutungo?

Tumatakbo ako sa gitna ng gubat..

Hindi pinapansin ang pagod at hingal dahil puno ng kuryosidad ang aking isipan..

" Saan kaya sila pupunta? "

Hindi nagtagal ay pumasok sila tarangkahan ng Nysa..

Dito na ako tumigil..

Ang gubat ng Nysa ay ang pinaka-mapanganib na kadugtong ng gubat ng Elusian.

Naglalaman ito ng mga ilusyon at mga nilalang na isinumpa..

Ito ang hinahabilin sa akin ni Cassiopeia at Delilia, gayundin si mama.

Ang tanging nagawa ko na lamang ay panoorin ang mga maliliwanag na paru-paro sa kalangitan..

Patungo pa sila sa hilagang parte ng gubat..

Ano kaya ang pupuntahan nila roon?

Hindi nagtagal ay hindi ko na matanaw ang mga paru-paro na malayo na ang nilipad..

Bumalik na lamang ako muli pauwi..

                        °~°~°~°

Bilog na ang buwan at inihahanda ko na ang aking kama upang matulog..

Suot ko na din ang aking pangtulog na bistida..

Sinusuklay ko ang aking buhok habang ako'y nakatingin sa salamin..

Ganito ang aking ginagawa noong ika-labing walong kaarawan ko..

Ngayon ay dalawamput-isang taong gulang na ako...

Tatlong taon na ang nakalipas...

Kamusta na kaya sila Cassiopeia at Delilia? Mabuti ba ang kanilang lagay?

Sana'y oo..

Wala na silang dinadamdam na pagsubok sa kanilang mundo..

                         °~°~°~°

Sa aking paghiga ay ipipikit kona ang aking mga mata upang matulog..

   

Hindi ko ito nagawa..

Hindi ko nagawang makatulog sapagkat...

May pumasok sa aking bintana na mahiwaga..

Isang nagliliwanag na asul na paru-paro..

Sila yung mga nakita ko kaninang umaga..

Dali akong bumangon at nilapitan ito..

Napakaganda itong pagmasdan sa malapitan..

Lumilipad-lipad ito sa aking harapan na tila inaaya akong sundan siya..

Dumungaw ako sa bintana at nakita ang iba pang mga kasama niya...

Kumpol-kumpol silang nagliliwanag sa madilim na langit na tila mga asul na bituin..

Patungo muli sila sa hilagang parte ng gubat..

Sa gubat ng Nysa...

                          °~°~°~°

Sa aking paghahabol sa mga paru-paro ay narating kona ang tarangkahan ng gubat Nysa..

Alam kong mapanganib ito ngunit kutob kong may naghihintay sa akin dito..

Hindi ito ilusyon, alam ko at nakikita ko silang tunay...

Nag-aalangan akong magtungo ngunit sa aking isipan ay nais kong ituloy ito..

Isang beses ko lamang itong gagawin pagkatapos ay hindi na ako tutungo dito..

Binuksan ko ang mga malalaking tarangkahan at dahan-dahang pumasok..

Lumalakad patungo sa direksyon ng mga paru-paro..

                           °~°~°

Sa aking pagsunod ay narating ko ang isang malawak na bukid..

Isang hindi pangkaraniwang bukid..

Puno ito ng mga iba't- ibang uri ng mga bulaklak..

Nakatutok din ang malaking buwan sa bukid na nagbibigay liwanag sa madilim na gabi..

Tila isa itong lampara sa gabi..

Hindi ko mapigilang mamangha sa aking nakita at hindi ako nag-atubiling tumakbo takbo rito dahil sa tuwa..

                          °~°~°

Hindi nagtagal ay nadama kona ang pagod..

Nakahiga ako sa mayamang damo habang nakatingin sa bilugang buwan na maliwanag.

Nag-iisip ng kung anu-ano...

Mas masaya siguro kung nariyan sila Cassiopeia at Delilia..

Lalo na si mama..

Ano na kayang nangyari sa kaniya?

" Mama.. "

Labis akong nangungulila para sa kaniya..

Sandali ko lamang naramdaman ang kaniyang pag-aaruga at pagmamahal.

Siguro'y ito na ang panahon na dapat ko nang tanggapin..

Hindi na siya babalik..

Wala nang babalik..

Ang tanging kailangan kong gawin ay magising sa katotohanan na ang sarili ko na lamang ang aking aalalayan.

Hindi ko napigilang lumuha muli..

Napaka-bigat sa damdamin..

Masakit tanggapin pero kailangan..

" Hindi na ako iiyak.. kailangan kong maging malakas. "

Lumakas pa lalo ang bugso nng aking mga luha at ang puso ko'y mabigat.

Sa gitna ng aking pag-iyak ay may umusbong na tila liwanag sa buong bukid..

Pulang liwanag ngunit ito'y mainit sa pakiramdam..

" Ano iyon? "

Dahan-dahan kong pinunasan ang aking mga luha at tumayo sa aking mga paa..

Nilalapitan ko ito..

Sa aking paglapit ay labis na kagandahan sa aking mga paningin..

Mga pulang bulaklak at nahahalintulad ito sa Lily.

Mabango sila na tila amoy ng mga diyosa ng Olympus..

Nakita ko din ang mga nagliliwanag na paru-paro na nais itong dapuan..

Ito ba ang dahilan kung bakit hindi namumulaklak ang gubat Elusian?

Kung bakit puro mga nagyayamang damo lamang ang naroon at mga iba't-ibang uri ng bulaklak dito?

Ilusyon lamang ba ito?

Sinubukan ko itong hawakan at ito'y aking naramdaman..

Sa tingin ko'y ito ang dahilan kung bakit dito lamang ang namumulaklak..

May naisip ako..

Kung bumunot ako ng isa sa mga ito?

Upang sa gayon ay mamulaklak na ang gubat na aking tinitirahan?

Sa gayon ay masaya itong tignan at masigla..

Mabigyan ng kulay..

Dahan-dahan kong hinawakan ang tangkay ng isang bulaklak upang makuha ang ugat ng ilalim nito..

*Pluck!

Nang mabunot ko ito ay biglang nakaramdam ako ng lamig..

Ang hangin ay bumugso na tila may pwersang lumapag sa kalagitnaan ng malawak.

" Anong nangyayari?! "

Ang mga bulaklak ay sabay-sabay nalanta, gayundin ang mga pulang bulaklak ay nawalan ng liwanag.

Hindi lamang ang kapaligiran ang nagbago..

Kundi ang aking buong katawan ay tila isang lantay na halaman..

Bumagsak ang aking katawan at hindi ko ito maigalaw..

Ang aking mga mata'y dahan-dahang pumipikit..

Dumidilim..

Sa mundo ng kawalan..

                            *****

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status