Share

Chapter 2

[ Elina ]

- Sinusuklay ko ang aking buhok habang ako'y nakatingin sa salamin.

Gamit ko ang pilak na suklay.

Bigay ito sa akin ni mama.

Kamusta na kaya siya?

* Twit, twit, twit, twit!! *

Sa palagay ko'y may bisita ako.

Nakangiti akong nagtungo sa bintana.

Nariyang ang maliit na ibon.

Puti ang kaniyang kulay at ang tuka'y dilaw.

Madalas ang pagbalik-balik niya dito.

Bakit kaya?

Masaya naman ako kahit papaano dahil may nakaka-alala sa akin.

" Kamusta na, munting ibon?! " masayang wika ko pagkatapos kong binuksan ang bintana

*Twit-twit-twit-twit!! *

Sa palagay ko'y masaya ang maliit na ibon na ito, marahil may nanyaring maganda sa kaniya.

Umiikot-ikot ito na tila nagpapaliwanag sa akin.

" Mukhang maganda ang iyong araw ah!! Hahaha " masayang wika ko

Oo nga pala.

May bigla akong naalala.

Ung ginoo kahapon.

Babalik kaya siya ngayon?

Makikita ko kaya siya ngayon?

" Munting ibon, alam mo ba'y may nakilala ako kahapon. Isang lalaki na mandirigma! Kaso nga lang ay mailap siyang makipag-usap. Sana'y makumbinsi ko siya ngayon.. upang maka-alis na ako rito. Siya na lamang ang aking pag-asa. " wika ko

Hihintayin ko siya sa ilalim ng puno.

Ngunit paano kung hindi siya dumating muli?

Anong gagawin ko?

Talaga bang ito na ang aking bilangguan?

Dito na ako lumaki.

Dito na rin bang mamamatay?

°~°~°

Magdamag akong naghintay sa kaniyang pagdating.

Dito sa duyan ng lumang puno.

Lumipas na ang ilang oras at wala akong natanaw kahit ni isang anino niya.

Hindi siya bumalik..

May nasabi ba akong mali?

O baka hindi niya ako gustong tulungan.

Ano bang nagawa kong masama?

Hindi ko mapigilang umiyak muli habang naka-upo sa duyan na ito.

Sobra na ang bigat sa aking puso.

Sana'y may nakikinig sa akin kahit isa.

Kahit isa man lang.

May nakaka-alala sa aking lagay.

May nakaka-usap.

Papa, kuya Arion.

Kung maaari'y kunin isama niyo na ako kung saan man kayo naroroon.

°~°~°

[ Flashback ]

[ 10 years old Elina ]

" Mama, kelan kayo babalik? " tanong ko

Lumuhod si mama sa aking harapan at hinawakan ang aking mga balikat.

Ang kaniyang mukha'y nakangiti ngunit ang kaniyang mga berdeng mata'y may laman ng lungkot.

2 araw pagkatapos mamatay ang aking ama't kuya.

Hindi niya maihaon ang kaniyang sarili sa lungkot.

" Elina, Nais ko munang tulungan ang mga mortal sa kanilang hirap. " tugon ni mama

" Bakit? Anong nanyare? " Tanong ko

" May digmaan na nagaganap sa ating mga nasasakupan at ang kapaligiran at ani'y nawasak dahil sa kaguluhang ito. " Tugon ni mama

" Mama, sasama ako! " tugon ko

" Dumito kana muna.. ako'y babalik muli. " tugon ni mama

" Pangako? " tanong ko

Hindi na tumugon si mama at saka siya tumayo upang kausapin ang dalawang diwata.

Sila ang mangangalaga sa akin.

Si Cassiopeia at Delilia.

Pagkatapos noon ay lumisan na si mama.

Pinagmasdan ko ang kaniyang paglisan at tanging alam lamang ay muli siyang babalik.

Isang normal na Ina na babalik para sa kaniyang anak..

°~°~°

Lumipas ang mga panahon.

Ang tanging magagawa ko lamang sa mga araw ay laging nakadungaw sa bintana.

Naghihintay sa pagbabalik ng aking ina.

" Alam kong hindi ako matitiis ni mama. "

Biglang may kumatok sa pintuan at bumukas ito.

Lumingon ako sa aking likuran at si Cassiopeia ang nariyan.

" Binibining Elina, pinaghanda po kita ng makakain. "

" Pumasok po kayo. "

Inilatag ng diwata ang aking pagkain sa isang mesa na maliit at umupo siya sa gilid ng aking kama.

" Elina, babalik din ang iyong ina. Kumain kana muna dito upang makita ka niyang malusog. "

Lumingon ako kay Cassiopeia at siya'y ngumiti.

" Lagi niyo na lamang akong ginagawang batang maliit. " tugon ko

" Syempre, pinagkatiwala ka ng iyong ina sa amin. "

" Kelan naman siya babalik? " tanong ko

" Malapit na, tinutulungan lamang niya ang mga mortal at inaayos ang mga nasirang kapaligiran. "

" Matagal parin iyon. "

" Elina, diyosa ang iyong ina at ang mga dalangin ng mga tao'y kailangan niyang tuparin dahil tungkulin niya iyon. "

" Kung gayon ay hindi pa siya makakabalik. "

" Babalik muli siya.. magtiwala ka sa akin. "

Tama si Cassiopeia..

Babalik muli siya.

Pero..

Bakit hindi ko dama ang kaniyang pangungulila para sa akin?

Bago niya ako nilisan ay may bigat sa kaniyang mga balikat.

Anak niya ako.

Iyon dapat ang isipin ko.

Tigilan ko na ang kakaisip ng anu-ano.

Hindi magagawa ni mama na abandunahin ako..

°~°~°

Nagtiyaga akong naghintay.

Naghintay..

Naghintay..

Naghintay sa kaniyang pagbabalik.

Hanggang sa sumapit na ang ika-labing walong tagsibol.

Iyon ang aking kaarawan.

Sa loob ng mga araw ng aking paghihintay ay nagbago na ang lahat sa akin.

Isa na akong ganap na dalaga.

Gayundin akong nasanay na kasa-kasama ang aking mga diwata.

Tila mga kapatid ko na sila o mga ina na nag-aruga sa akin.

" Elina! Halika na rito! handa na ang mga pagkain!! "

" Opo! " tugon ko

Dali akong lumabas ng aking kwarto at nagtungo sa silid hapagkainan.

Nakita kong pinaghanda ako ni Delilia para sa aking kaarawan ngayon.

" Maligayang kaarawan sa iyo, Elina!! "

" Maraming salamat po!! "

Gayunding iniaabot ni Cassiopeia ang mga labing-walong bulaklak para sa akin.

Carnation, Daisy, Dahlia at mga Rosas ang mga ito.

Marahil ito ang kaniyang mga pinagsikapang pananim sa aming hardin.

" Elina, para sa iyo. "

" Salamat po! " tugon ko

" Osige na, kumain na tayo. Baka lumamig ang mga pagkain." wika ni Cassiopeia

Sabay-sabay kaming umupo sa aming mga silya at pinagsaluhan ang mga nakahain sa aming mesa.

Ilang minuto ang lumipas.

* Knock-knock-knock *

Nakarinig kami ng katok sa aming pinto.

Nagtinginan kaming tatlo kung sino ang panauhin.

Ako nama'y nakaramdam ng galak na marahil.

Nagbalik na si mama.

"Baka si mama na iyan!! " Wika ko na may ligaya ang tono

Dali kaming tumayo at ako naman ang nagbukas ng pinto.

Binuksan ko ito.

Napalitan ng pagtataka ang aking ligaya sa mukha.

Pinagmasdan ko ang panauhin.

Isang dalagitang diwata.

Ang kaniyang mukha'y maamo ngunit tila hindi maganda ang kaniyang dalang balita.

May pag-aalala sa kaniyang mukha.

" Sino po sila? " Tanong ko

" Freya??!! " sigaw nila Cassiopeia at Delilia

" Kilala niyo siya? " tanong ko

" Oo, siya ang aming nakababatang kapatid. " tugon ni Cassiopeia

" Ganun ba.. " mahinang wika ko

Dali nilang niyakap ang munting diwata ng mahigpit.

Sa higpit ng kanilang mga yakapan.

Marahil nangulila din silang magkakapatid sa isa't-isa.

" Mga kapatid ko, may masamang balita ako sa inyo. " wika ni Freya

" Anu iyon? "

" Nagbitiw ng mabigat na sumpa si Ares sa ating mundo.. nais niyang gawing alipin ang lahat ng mga diwata! Mga ate, umuwi muna kayo sa ating tahanan dahil kailangan tayong lahat!! Lalo na ang ating mga magulang! " wika ni Freya

Nalungkot ako sa dalang balita ng diwata.

Ang pamilya ni Cassiopeia at Delilia ay nasa panganib.

Habang sila'y nasa akin at ako'y inaalagaan sa loob ng mga taon.

" Patawad Freya, Hindi namin maaaring iwanan si Binibining Elina dito. May pangako kami sa diyosang si Demeter." wika ni Cassiopeia

" Pero ate Cassiopeia?! Nasa panganib sila papa't mama! Hindi ba kayo nag-aalala sa kanila? Kailangan nating kumilos lahat upang humingi ng tulong sa diyos ng Olympus!! " tugon ni Freya

" Freya, ito ang tungkulin namin kay Demeter, hindi namin pwedeng iwa-- " tugon ni Cassiopeia

" Ayos lamang ako, Cassiopeia.. puntahan niyo na ang inyong mundo dahil naroon ang inyong pamilya. Kailangan nila kayo! " wika ko

" Paano ka naman, binibini? Hindi ka namin pwedeng basta iwan lamang dito! May binitawan kaming tungkulin sa iyong ina! " tanong ni Cassiopeia

" Sapat na ang mga nagdaang araw at taon na pagpapalaki niyo sa akin.. ngayon ay dumating na ang panahon na kailangan niyo rin tignan ang inyong pamilya. May kaniya-kaniya din kayong buhay. " maalahaning wika ko

" Binibining Elina.. " wika ni Delilia

" Huwag niyo akong intindihin, tsaka isa pa: malaki na ako.. hindi na ako isang sampung taong gulang na bata. Kaya ko nang tignan ang aking sarili. Bumalik na lamang kayo sa akin kung maayos na ang lahat! " Tugon ko

Nasaksihan kong lumuluha ang mga mata ng mga diwata.

Hindi na mapigilang yumakap si Cassiopeia sa akin.

Mahigit ang yakap ng kaniyang mga bising na tila hindi na ito bibitaw.

Dama ko ang pag-aalala niya sa akin.

" Binibining Elina.. "

" Cassiopeia, maraming salamat sa mga araw ng pag-aaruga sa akin.. " wika ko

Pagkatapos ng yakap ko kay Cassiopeia ay yumakap ako kay Delilia.

" Mag-iingat kayo.. " wika ko

" Salamat sa pag-iintindi sa amin, babalik kami muli sa iyo. " tugon ni Delilia

" Alam ko.. " tugon ko

" Maraming salamat, Binibining Elina. " wika ni Freya

" Walang anuman. " Tugon ko at ngumiti sa kaniya

Tinulungan ko silang maghakot ng kanilang mga kagamitan at kasuotan para sa kanilang pag-uwi.

Pagkatapos ay hinatid ko sila pintuan.

Pinanood ko silang lumayo sa aking direksyon habang ako'y kumakaway sa kanilang paglisan.

Nakakalungkot mang isipin ngunit kailangan itong gawin para sa kanila.

Pumasok na ako sa aking tahanan.

Mag-isang umupo sa silya.

Pinagmasdan ko ang mga inihanda nila.

Mukhang ako lamang mag-isang magdidiwang sa aking kaarawan..

. . °~°~°

Lumipas pa ang mga araw.

Mga araw na ako na lamang ang mag-isang namumuhay sa gubat na ito.

Walang makausap..

Walang kasama..

Wala nang bumalik muli para sa akin..

Kahit sila Cassiopeia at Delilia..

Kahit si mama..

Ang tangi kong ginagawa araw-araw-

Ay ang puntahan ang mga puntod ng aking ama at kuya.

Upang hindi ko masyadong maramdaman ang lungkot.

Upang maramdaman ko na mayroon pa akong kasama sa aking buhay.

[ END OF FLASHBACK ]

°~°~°

Habang naiisip ko ang mga nakaraan ay hindi ko mapigilang umiyak ng umiyak ng labis habang ako'y nakaupo sa duyan.

Hindi ko alam ano ang aking nagawa.

Mayroon ba akong pagkukulang?

Mayroon ba akong nagawang mali?

Nagtiyaga akong naghintay

Kahit sino ay walang naka-alala sa akin.

Kahit isa lamang ay sapat na para sa akin.

Kahit si mama man lang ay naalala ako.

*****

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status