Share

Changing For You
Changing For You
Author: Miss_Myth

Chapter 1

[ Elina ]

- Maganda ang panahon sa kalangitan..

Mga ulap ay puti na tila mga buong bulak..

Ang hangin ay may lamig dahil sa kapaligiran..

Ang aking ngalan ay Elina.

Anak ni Demeter, ang diyosa ng agrikultura at mga pananim.

Anak sa isang mortal.

Kapag nasambit ang isang mortal ay ibig sabihin ay isang ordinaryong tao.

May limitasyon at kamatayan.

Namatay na ang aking ama na si Hiergos.

Gayundin ang aking kapatid.

Si Arion, ang panganay na anak.

Mabait si kuya..

Magalang at maginoo.

Ngunit namatay siya sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Sinambit lamang sa akin ni mama noon na mayroon pumatay sa kaniya.

Hindi niya binanggit kung sino.

Napakabuting tao ni kuya.

Anong dahilan para paslangin siya nang ganun lamang?

°~°~°

Nakarating na ako sa isang malawak na bukirin na tanging nariyan lamang ay mga mayamang damo.

Dito nakahimlay sa kapayapaan ang aking ama't kuya.

Kanilang puntod.

Pinagdalhan ko sila ng mga bulaklak.

Ito na ang pinaka-huling bulaklak na nakita ko rito.

" Papa, kuya.. para sa inyo. " wika ko at inilagay ang mga bulaklak sa tapat ng kanilang puntod

" Dito muna po muli ako sa inyong tabi. Maaari po ba? " dagdag na wika ko

Inilatag ko ang aking malawak na sapin at inilabas ang mga pagkain.

Dito muli ako kakain at maghapong mananatili sa kanilang tabi.

Kagaya parin ng dati..

°~°~°~°

Malapit nang lumubog ang araw at iniligpit na ang aking mga kubyertos at sapin: inilagay muli sa aking basket.

Dahan-dahan akong tumayo at hawak na ang basket.

Nakatingin ako sa mga puntod nila.

Labis akong nangungulila sa kanila.

Sana'y..

Sana'y isa na rin ako sa mga nasawi upang kasama sila.

" Papa, kuya.. sana kasama ko kayong dalawa. "

Hindi ko mapigilang umiyak sa harapan ng kanilang puntod habang mahigpit kong hinahawak ang aking basket.

Labis ang aking kalungkutan.

Tila habang-buhay ako'y mag-isa.

" Hindi na bumalik si mama.. si--simula noong nawala kayong dalawa! Simula noong nalungkot siya ng labis ay tila-- tila kinalimutan niya ang lahat! Sana'y.. namatay na rin ako tulad niyo.. upang hindi ako nag-iisa rito. "

Ang aking luha ay hindi tumigil sa pag-agos.

Hindi tumigil sa pagdaloy sa aking mukha.

Ito na lamang ang aking paraan para mabuhos ang aking kalungkutan.

Ang pag-iyak ng nag-iisa.

Si Papa.

Si Kuya.

At lalo na si Mama.

Tila binura niya ako sa kaniyang buhay.

Hindi niya ako binalikan dito.

Mistulang ako'y ulilang bata.

Kinalimutan niya ako dahil sa kaniyang labis na kalungkutan.

Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi na siya bumalik rito sa akin?

O ibang dahilan?

Ayaw ko siyang husgahan.

Mahal ko parin ang aking ina at handa ko siyang patawarin kahit anong dahilan pa iyon.

Araw-araw ako'y umaasa na babalik siya muli.

°~°~°

Naglalakad muli ako pabalik sa aking tahanan dala ang lungkot.

Napapa-isip ng kung anu-ano.

Naiisip ko muli na naghihintay na sa akin si mama sa bahay.

Araw-araw kong iniisip iyon.

Sa gayo'y kahit hindi manyayari ay gumagaan ang aking loob.

" Kailangan kong bilisan ang pag-uwi. " Wika ko

Binilisan ko ang aking lakad hanggang sa natanaw ko ang aking munting tahanan sa kalayuan.

Binilisan ko ang aking lakad upang makarating at daling binuksan ang pinto ng aking tahanan.

Wala itong pinagbago.

Walang dumating.

Pinagmasdan ko ang paligid ng aking tahanan at nagbuntong hininga.

Ipinatong ko ang aking basket sa ibabaw ng mesa at saka sumilip sa maliit na bintana ng aking kusina.

Natanaw ko ang matandang puno na mayroong duyan sa matibay na sanga nito.

" Siguro'y kailangan ko munang magpahinga. " wika ko sa aking sarili

Lumabas muli ako sa aking tahanan at nagtungo sa punong aking itinanim noon.

Umupo ako sa duyan nito at napatingala sa itaas..

Ang tanging makikita ko lamang ay mga dahon at mga lumang sanga nito.

Sa mga araw na dumaan ay ang punong ito ang aking nakasama.

" Tayong dalawa muli, munting puno.. "

Nagduyan ako ng dahan-dahan habang nakatingin sa aking mga paa.

Kung anu-anu muli ang naiisip upang makalimot muna ng sandali sa pangungulila.

Ngunit..

Ang aking atensyon ay nakuha sa isang ingay.

Ingay ng paghilik.

Dali akong kumilos at nagtago sa likod ng puno, sumilip kung ano ang mayroon.

Nabigla ang aking mga mata.

Sa harapan ng puno ay isang binata na natutulog.

" Isang estranghero.. "

Dahan-dahan akong humahakbang papalapit sa tabi niya.

Umupo ako malapit sa kaniya.

Pinagmasdan.

Maputla ang kaniyang balat na tila hindi kilala ng araw.

Matangos ang ilong at nasa tamang payat lamang ang mukha.

Makapal ang mga kilay at mga mata'y nasa tamang korte.

Ang kaniyang mga mata'y tila mga matatapang sa pakikipag-laban.

Mahaba at itim ang kaniyang buhok.

Lahat ng kaniyang suot itim.

Gayundin ang kaniyang kapa sa likod.

Isa ba siyang masamang tao?

Isa ba siyang mandirigma?

Mabuti ba siya?

" Mas maganda siguro'y ipaghahanda ko siya ng tubig. baka'y galing siya sa paglalakbay. " Wika ko

Hindi ko na naituloy ang aking pagtayo.

Nang mapansin kong bumubukas na ang mga mata ng binata at ito'y tumutok sa akin.

Kulay kayumanggi ang kaniyang mga mata.

Umatras ako ng bahagya ngunit walang kaba sa estranghero na ito.

Hindi ko maintindihan.

Baka siguro'y nagagalak lamang ako na makakita ng ibang tao dito sa gubat na ito.

" Kamusta po, ginoo.. ayos lamang po ba kayo? " Tanong ko

Hindi siya tumugon.

Dahan-dahan siyang bumangon at ipinatong ang braso sa tuhod.

" Ipagpatawad niyo po ang aking pang-iistorbo sa inyong tulog. Kung nais niyo po ay ipaghahand-- "

" Hindi mo na kailangan pang mag-abala sa akin.. " tugon niya

Matapang ang kaniyang boses.

Sa kaniyang pagtayo ay napaka-tangkad niya.

Tumayo na rin ako sa aking mga paa at nakita kung hanggang saan ako sa kaniyang matipuno na katawan.

Sa dibdib.

" Ginoo, huwag po kayo umalis muna. " Wika ko

Tumingin pababa ang kaniyang mga mata na tila isa akong maliit na nilalang sa kaniyang harapan.

Ilang segundo ito nang walang mga salita.

" Maaari niyo po ba akong isama? Gusto kona pong umalis dito sa lugar na ito! Nakikiusap po ako sa inyo! Kahit ano gagawin ko! " Pakiusap ko

Pinagmamasdan lamang niya ako.

Kalaunan ay dinaanan lamang niya ako.

Lumingon ako sa aking likuran habang nakakaramdam ng pagkadismaya at lungkot.

Papatakbo ako patungo sa kaniyang ngunit.

Sa pagbitaw ng kaniyang salita ay hindi ko itinuloy ang aking mga hakbang.

" Tigilan mo ang pagsunod sa akin. " wika ng lalaki habang siya'y nakatalikod sa akin

Dito, pinanood ko ang kaniyang paglisan.

Patungo siya sa liblib ng gubat.

Sino kaya ang lalaking iyon?

Sa pagkaka-alam ko'y ang lugar na ito ay hindi makikita ng sinuman maliban sa aking ina.

Maliban na lamang kung isinambit sa kaniya ang lugar na ito.

Marahil sinabit nga.

Ipinadala ba siya ni mama upang ako'y tignan?

O ibang dahilan?

Sana'y makita ko siya muli.

Sana'y sa pagkakataong iyon ay handa siyang makipag-usap sa akin.

Sana'y ito na ang hiling ko..

*****

A/N:

Kawawa naman si Elina..

Iniwan siya ng kaniyang ina..

Pero ung nakausap niya, puro siya suplado ah.. ?

Tsundere ba?! ?

Kung ako kay Elina, sinapak ko nayun hahaha ??

Anyways, sana abangan niyo ung next ❤️

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status