"Good evening, Sir!" maagap na bati ni Maureen kay Blaine, sinalubong niya ito sa gate pa lang."Pasok... pasok po kayo," tarantang sabi niya."Ah, sino nga pala ang kasama mo, Sir?" tanong nito nang mapansin ang lalaking naka-hoody jacket na kasunod ni Blaine. "Let's talk about it inside, Maureen," tugon naman ni Blaine."Si-sige po, pasensiya na, Sir!" paumanhin nito na tinanguan lang ni Blaine.Pinauna nitong makapasok ang amo at ang kasama nito bago siya sumunod sa loob."Nagawa mo ba ang bilin ko sa'yo?" tanong ni Blaine, habang inililibot nito ang mga mata sa kabuuan ng bahay. Malawak ang first floor. Limitado lang ang mga gamit ngunit alam mong lahat ay importante, mas nakaganda ngang tingnan na hindi masyadong maraming kasangkapan sa paligid. Nagustuhan ni Blaine pati na ang kulay ng pintura at kung paano idinesenyo ang buong bahay. Ito ang unang beses na nakita niya ito dahil noong ialok ito sa kaniya ni Maureen ay hindi siya naging interesado, mas prefer kasi niya na lupa
"Mama, are you sure my twin brother is already dead?" wala sa sarili na naitanong ni Blaine sa ina. Ilang araw na kasing palaisipan sa kaniya kung may koneksiyon ba si Fiero sa buhay niya? Parang hindi naman kasi tama sa isang tao na may makita kang kamukhang-kamukha mo pero hindi mo naman kadugo.Natigil sa pagdidilig ng halaman si Claudia at nabaling ang tingin nito sa anak, nangunot ang noo ng ginang. "What kind of question is that, Blaine? Ano bang pumasok sa isip mo para tanungin ako ng ganiyang klaseng bagay? And what made you think na buhay pa ang brother mo? Ilang araw ko palang kayong naipapanganak ng mamatay sa komplikasyon ang kapatid mo, and now it's been twenty five years since he was gone." Ipinilig ni Blaine ang kaniyang ulo. Sinisi niya ang sarili kung bakit ba naitanong pa niya ang bagay na iyon sa kaniyang ina. Kanina lang ay masaya silang nag- uusap tungkol sa plano nitong pagpapatayo ng bagong branch ng Claudia's Kitchen. Hindi niya alam kung bakit bigla kasing su
Nagsimula na nga ng online study si Fiero sa kursong business management. Bukod pa rito, twice a week ay mayroong pumupunta sa bahay para naman turuan siya ng tungkol sa personality development at pagsasalita ng tamang ingles. Unti-unti ay malaki na ang ipinagbago ng binata, tumaas na ang kumpiyansa niya sa sarili at sa loob ng halos tatlong buwan pa lang niyang pag-aaral ay makikita na ang progress niya. Habang tumatagal ay lalo lang silang nagiging magkamukha ni Blaine.Gumaganda na rin ang kutis niya dahil hindi na siya nabibilad sa araw, dahil nga hindi naman na siya naglala-labas at wala naman siyang ginagawang trabahong mabigat bukod sa paglilinis ng bahay at pagluluto ng kaniyang pagkain. Lahat ng kailangan niya ay mayroon siya kaya wala na siyang poproblemahin. Si Maureen ang nag-aasikaso ng lahat. Tinuruan din siya nito kung paano umorder at magpa-deliver ng pagkain online, may mga araw kasing nagsasawa rin siya sa mga available na pagkain sa ref at pantry.-Araw ng Sabado,
"Good evening, Mama!" bati ni Mikaela kay Claudia, nakasalubong niya ang biyenan, kababa lang nito nang hagdan at sila naman ay paakyat na sana.Tiningnan lang ni Claudia ang manugang at bumaling agad ito ng tingin sa anak."O, Blaine... bakit nandito ka na, akala ko ba sa lunes pa ang balik ninyo?"Napamaang si Fiero. Hindi niya inasahan na makikita sa malaking mansiyon na iyon si Madam Claudia, ang may ari ng Claudia's Kitchen, kung saan nagtrabaho siya bilang part time dishwasher. Napakaliit lang talaga ng mundo, wala rin siyang ideya na ito pala ang ina ni Blaine, katulad ng hindi niya rin inaasahan na ang asawa ng babaeng lihim niyang hinahangaan ay si Blaine pala."Honey, ano'ng sinabi mo kay Mama na bukas pa ang balik mo? Wala ka namang nababanggit sa akin," takang binalingan siya ng tanong ni Mikaela.Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Napipilan siya, hindi niya alam kung paano lulusutan ang sitwasyong iyon. Malay ba niya na may ganuong sinabi si Blaine sa Mama niya, hindi rin n
Napadilat si Fiero. Ang buong akala niya ay panaginip lang ang lahat, ngunit nang ilibot niya ang mga mata sa paligid ay naroon pa rin siya sa hindi pamilyar na silid. Lumingon siya sa kaniyang tabi, mag-isa na lamang siya sa kama, wala na si Mikaela, ngunit nanunuot pa rin sa ilong niya ang mabangong amoy nito na kumapit na sa higaan at sa balat niya.Bigla siyang kinabahan nang maisip si Blaine, paano kung dumating na pala ito? Paano kung maabutan siya nito sa silid na iyon? Napasarap ang tulog niya at ang balak na pagtakas kagabi ay hindi na niya nagawa. Araw ng Linggo ngayon, sa pagkakaintindi niya sa sinabi ni Madam Claudia ay Lunes pa raw ang balik ni Blaine."Gising ka na pala, good morning, honey!"Napamaang siya ng marinig ang boses ni Mikaela, hindi niya namalayan na nakapasok na pala ito sa silid dahil sa lalim ng iniisip niya. Tangkang babangon siya ngunit hindi niya naituloy, nabigla siya sa ginawa nito, lumapit ito sa kaniya, sumampa sa kama at dumagan sa ibabaw niya. Hin
Ilang araw ring na-stranded sa isla si Blaine kasama ang kaniyang team. Personal nilang hinatid ang isang dalaga na humingi ng tulong sa kaniya para makabalik sa kaniyang pamilya. Na-recruit ito para magtrabaho bilang kasambahay sa Maynila, ngunit sindikato pala ang nakakuha rito. Mabuti na lang at nadiskubre na ang modus ng mga sindikatong iyon at isa nga ang dalaga na nailigtas sa ginawang rescue and operation program sa lugar na nasasakupan ng kongresista."Maraming salamat po, Sir. Pasensiya na po kayo at naabutan pa kayo ng bagyo dahil sa paghatid ninyo sa akin," kiming sabi ng dalagang si Gina kay Blaine."It's okay, ang mahalaga ay nakauwi ka na sa pamilya mo," aniya. "Salamat din sa pag-aaskaso ninyo sa amin. Huwag kayong mag-alala, babalik kami rito para mamigay ng tulong sa pamilya mo at sa mga kababaryo ninyo.""Naku, maraming salamat po, Sir, tiyak na matutuwa ang mga kababaryo ko nito," tuwang sabi ni Gina.Ang ama ni Gina ang naghatid sa kanila hanggang kabilang isla, h
Narinig ni Fiero ang pagdating ng sasakyan ni Blaine kaya dali-dali siyang bumaba para salubungin ito.Pagtapak ng paa niya sa pinakahuling baitang ng hagdan ay siya namang pagpasok ni Blaine. Nagulat siya ng mabibilis ang mga hakbang na lumapit ito sa kaniya at inundayan siya ng malakas na suntok, tumama iyon sa kanang panga niya. Dahil sa labis na pagkabigla at walang kahandaan ay nawalan siya ng balanse at bumagsak sa sahig."Oh, my gosh, Sir, bakit mo sinuntok si Fiero?" Mababakas ang labis na pagkagulat sa mukha ni Maureen, kasama ito ni Blaine nang dumating nasa likuran ito ng kongresista at hindi niya inasahan na susugurin nito ng suntok si Fiero. Dali-dali siyang lumapit sa binata para daluhan ito, inalalayan niya ito na makatayo. Dumudugo ang labi nito na tinanamaan ng mabigat na kamao ni Blaine.Hindi pinansin ni Blaine ang tanong na iyon ni Maureen. Matalim ang mga tingin na ipinukol niya kay Fiero."You backstabber! How dare you?! How could you steal my identity? How could
Hindi maipaliwanag ni Fiero ang nadarama, ayaw niyang umalis pero nakahanda na ang lahat para sa paglisan niya ng bansa. Sinamahan siya ni Maureen, hanggang sa America, sinigurado nito na magiging maayos at komportable siya sa bago niyang tirahan. Isang apartment iyon na tama lang ang sukat, hindi ganu'n kalaki ngunit maganda naman at pulido."Sa Monday ay magsisimula na ang klase mo. Bago ako umuwi ay mamili muna tayo nang lahat ng kakailanganin mo sa school," sabi ni Maureen. Kasalukuyan itong nagluluto sa kusina at siya naman ay pinapanuod lang ang ginagawa nito."Kailan ka aalis?" tanong niya."Sa makalawa pa, bakit?"Bumuntong hininga nang malalim ang binata."Kaya ko bang mabuhay ng mag-isa rito? Lahat sa lugar na ito ay estranghero para sa akin at wala pa akong kakilala," nangangambang pahayag niya.Ngumiti si Maureen at pagkatapos ay tinapik siya sa balikat. "Kaya mo 'yan, matalino ka, mabilis kang matuto at maka-adapt sa mga bagay-bagay. Marami tayong kababayan dito, imposibl