Napadilat si Fiero. Ang buong akala niya ay panaginip lang ang lahat, ngunit nang ilibot niya ang mga mata sa paligid ay naroon pa rin siya sa hindi pamilyar na silid. Lumingon siya sa kaniyang tabi, mag-isa na lamang siya sa kama, wala na si Mikaela, ngunit nanunuot pa rin sa ilong niya ang mabangong amoy nito na kumapit na sa higaan at sa balat niya.Bigla siyang kinabahan nang maisip si Blaine, paano kung dumating na pala ito? Paano kung maabutan siya nito sa silid na iyon? Napasarap ang tulog niya at ang balak na pagtakas kagabi ay hindi na niya nagawa. Araw ng Linggo ngayon, sa pagkakaintindi niya sa sinabi ni Madam Claudia ay Lunes pa raw ang balik ni Blaine."Gising ka na pala, good morning, honey!"Napamaang siya ng marinig ang boses ni Mikaela, hindi niya namalayan na nakapasok na pala ito sa silid dahil sa lalim ng iniisip niya. Tangkang babangon siya ngunit hindi niya naituloy, nabigla siya sa ginawa nito, lumapit ito sa kaniya, sumampa sa kama at dumagan sa ibabaw niya. Hin
Ilang araw ring na-stranded sa isla si Blaine kasama ang kaniyang team. Personal nilang hinatid ang isang dalaga na humingi ng tulong sa kaniya para makabalik sa kaniyang pamilya. Na-recruit ito para magtrabaho bilang kasambahay sa Maynila, ngunit sindikato pala ang nakakuha rito. Mabuti na lang at nadiskubre na ang modus ng mga sindikatong iyon at isa nga ang dalaga na nailigtas sa ginawang rescue and operation program sa lugar na nasasakupan ng kongresista."Maraming salamat po, Sir. Pasensiya na po kayo at naabutan pa kayo ng bagyo dahil sa paghatid ninyo sa akin," kiming sabi ng dalagang si Gina kay Blaine."It's okay, ang mahalaga ay nakauwi ka na sa pamilya mo," aniya. "Salamat din sa pag-aaskaso ninyo sa amin. Huwag kayong mag-alala, babalik kami rito para mamigay ng tulong sa pamilya mo at sa mga kababaryo ninyo.""Naku, maraming salamat po, Sir, tiyak na matutuwa ang mga kababaryo ko nito," tuwang sabi ni Gina.Ang ama ni Gina ang naghatid sa kanila hanggang kabilang isla, h
Narinig ni Fiero ang pagdating ng sasakyan ni Blaine kaya dali-dali siyang bumaba para salubungin ito.Pagtapak ng paa niya sa pinakahuling baitang ng hagdan ay siya namang pagpasok ni Blaine. Nagulat siya ng mabibilis ang mga hakbang na lumapit ito sa kaniya at inundayan siya ng malakas na suntok, tumama iyon sa kanang panga niya. Dahil sa labis na pagkabigla at walang kahandaan ay nawalan siya ng balanse at bumagsak sa sahig."Oh, my gosh, Sir, bakit mo sinuntok si Fiero?" Mababakas ang labis na pagkagulat sa mukha ni Maureen, kasama ito ni Blaine nang dumating nasa likuran ito ng kongresista at hindi niya inasahan na susugurin nito ng suntok si Fiero. Dali-dali siyang lumapit sa binata para daluhan ito, inalalayan niya ito na makatayo. Dumudugo ang labi nito na tinanamaan ng mabigat na kamao ni Blaine.Hindi pinansin ni Blaine ang tanong na iyon ni Maureen. Matalim ang mga tingin na ipinukol niya kay Fiero."You backstabber! How dare you?! How could you steal my identity? How could
Hindi maipaliwanag ni Fiero ang nadarama, ayaw niyang umalis pero nakahanda na ang lahat para sa paglisan niya ng bansa. Sinamahan siya ni Maureen, hanggang sa America, sinigurado nito na magiging maayos at komportable siya sa bago niyang tirahan. Isang apartment iyon na tama lang ang sukat, hindi ganu'n kalaki ngunit maganda naman at pulido."Sa Monday ay magsisimula na ang klase mo. Bago ako umuwi ay mamili muna tayo nang lahat ng kakailanganin mo sa school," sabi ni Maureen. Kasalukuyan itong nagluluto sa kusina at siya naman ay pinapanuod lang ang ginagawa nito."Kailan ka aalis?" tanong niya."Sa makalawa pa, bakit?"Bumuntong hininga nang malalim ang binata."Kaya ko bang mabuhay ng mag-isa rito? Lahat sa lugar na ito ay estranghero para sa akin at wala pa akong kakilala," nangangambang pahayag niya.Ngumiti si Maureen at pagkatapos ay tinapik siya sa balikat. "Kaya mo 'yan, matalino ka, mabilis kang matuto at maka-adapt sa mga bagay-bagay. Marami tayong kababayan dito, imposibl
Gabi na nang makarating si Fiero sa dati niyang tinitirahan, matapos ang ilang oras na biyahe sa himpapawid. Hindi pa naman ganuon katagal siyang nawala sa bansa ngunit nanibago na siya sa oras.Dahil gabi na ay hindi na umuwi sa kaniyang tirahan si Maureen. Apat naman ang kwarto sa bahay na iyon. Siguradong bukas nang maaga ay kakailanganin siya ni Blaine, kaya mas minabuti na lang din niya na doon matulog para nasa malapit lang siya. Sa edad na thirty five ay wala pang sariling pamilya si Maureen, naninirahan itong mag-isa sa townhouse na naipundar niya, ang pamilya kasi niya ay sa malayong probinsiya nakatira. Kaya wala siyang pangamba kahit na saan siya pumunta o matulog dahil wala namang naghihintay sa kaniyang pag-uwi."Matutulog na ako, Fiero," paalam nito sa binata."Sige Ma'am dito muna ako sa labas, hindi pa ako inaantok," ani Fiero."Sige." Umakyat na ito ng hagdan patungo sa second floor kung saan naroon ang mga silid.Maalinsangan ang panahon, bukod sa time difference ay
Napakahirap para kay Blaine ang desisyon na iyon, ang kausapin ang kaniyang kakambal at kumbinsihin ito na pumayag sa gusto niya. Desperado na siya, dumating na siya sa punto na kailangan na niyang gawin ang lahat kahit na hindi nararapat, ito lang ang tanging naisip niya na sasagot sa problema niya. Hindi siya sigurado, hindi pa niya naikunsulta ito sa doktor at hindi kasama sa plano niya na gawin iyon. Naisip niyang kung ang kakambal niya ang makakabuntis sa kaniyang asawa, dahil sa iisa lang ang dugong nanalantay sa kanila at halos wala silang pinagkaiba sa itsura, ay hindi mag-iisip ng kung ano si Mikaela. Walang magiging pagdududa itong mararamdaman, at kung sakaling makabuo sila, kahit ipa-DNA test pa ang bata ay malaki pa rin ang probabilidad at mataas ang porsiyento na lalabas na kadugo niya ito. Kailangan lang ay ibayong pag-iingat na walang makakaalam na buhay pa ang kakambal niya. Isa ito sa maraming sikretong kaniyang itinatago sa asawa niya at sa pamilya."Sir, tama po ba
Napapansin ni Mikaela na ilang araw nang tahimik ang kaniyang asawa at para bang may malalim itong iniisip. Araw nang Linggo noon, pareho silang nasa bahay lang at walang commitment sa labas. Nasa tabi lang naman niya si Blaine, pero pakiramdam niya ay ang layo-layo nito sa kaniya."Hon, parang malalim ang iniisip mo, may problema ba?" tanong niya nang makalapit dito. Bahagyang napakislot si Blaine, hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot na iyon ni Mikaela sa kaniyang harapan. Inangat niya ang ulo at nilingon ito. "Wa-wala naman akong problema. Why are you asking?" balik tanong niya rito.Umiling si Mikaela. "Wala, napapansin ko lang ilang araw ka nang parang may malalim na iniisip."Pilit na ngumiti si Blaine, niyakap niya sa bewang si Mikaela, nakatayo kasi ito at siya naman ay nakaupo sa gilid ng kama. Inihilig niya ang ulo sa tiyan nito.Napangiti naman si Mikaela sa ginawing iyon ng kaniyang asawa. Inimagine niya na buntis siya, malaki na ang tiyan niya at pinakikinggan ni B
"Lately napapansin ko na masyadong kang pagod sa trabaho. It's about time na mag-relax ka naman. How about a vacation sa Isla Amelia?" Mabilis na nabaling ang tingin ni Mikaela sa asawang si Blaine. Bukod sa Isla De Montreal, ang Isla Amelia ay pag-aari rin ng kanilang pamilya, ipinangalan ang islang iyon sa kanilang Lola Amelia. Mala-paraiso ang lugar na iyon at kung papipiliin siya ay mas gugustuhin niya na manirahan na lamang sa isla na iyon habang buhay. Bukod kasi sa tahimik at malayo sa polusyon, ay sagana pa ang lugar sa masusustansiyang pagkain. Simpleng pamumuhay, ngunit masaya at mapayapa."Ha! Talaga? Kailan tayo pupunta sa isla?" excited na tanong niya."Ikaw kung kailan mo gusto. Ako nakahanda na, nakapag-file na ako ng leave. Ikaw baka may mga trabaho ka pang gagawin.""Pwede ko naman ibilin kay Menchie ang mga trabaho ko. Gusto kong magbakasyon na kasama ka." Halata ang labis na saya sa kaniyang mga mata.Napangiti si Blaine. "Ayusin mo muna ang mga dapat mong ayusin sa