Napapansin ni Mikaela na ilang araw nang tahimik ang kaniyang asawa at para bang may malalim itong iniisip. Araw nang Linggo noon, pareho silang nasa bahay lang at walang commitment sa labas. Nasa tabi lang naman niya si Blaine, pero pakiramdam niya ay ang layo-layo nito sa kaniya."Hon, parang malalim ang iniisip mo, may problema ba?" tanong niya nang makalapit dito. Bahagyang napakislot si Blaine, hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot na iyon ni Mikaela sa kaniyang harapan. Inangat niya ang ulo at nilingon ito. "Wa-wala naman akong problema. Why are you asking?" balik tanong niya rito.Umiling si Mikaela. "Wala, napapansin ko lang ilang araw ka nang parang may malalim na iniisip."Pilit na ngumiti si Blaine, niyakap niya sa bewang si Mikaela, nakatayo kasi ito at siya naman ay nakaupo sa gilid ng kama. Inihilig niya ang ulo sa tiyan nito.Napangiti naman si Mikaela sa ginawing iyon ng kaniyang asawa. Inimagine niya na buntis siya, malaki na ang tiyan niya at pinakikinggan ni B
"Lately napapansin ko na masyadong kang pagod sa trabaho. It's about time na mag-relax ka naman. How about a vacation sa Isla Amelia?" Mabilis na nabaling ang tingin ni Mikaela sa asawang si Blaine. Bukod sa Isla De Montreal, ang Isla Amelia ay pag-aari rin ng kanilang pamilya, ipinangalan ang islang iyon sa kanilang Lola Amelia. Mala-paraiso ang lugar na iyon at kung papipiliin siya ay mas gugustuhin niya na manirahan na lamang sa isla na iyon habang buhay. Bukod kasi sa tahimik at malayo sa polusyon, ay sagana pa ang lugar sa masusustansiyang pagkain. Simpleng pamumuhay, ngunit masaya at mapayapa."Ha! Talaga? Kailan tayo pupunta sa isla?" excited na tanong niya."Ikaw kung kailan mo gusto. Ako nakahanda na, nakapag-file na ako ng leave. Ikaw baka may mga trabaho ka pang gagawin.""Pwede ko naman ibilin kay Menchie ang mga trabaho ko. Gusto kong magbakasyon na kasama ka." Halata ang labis na saya sa kaniyang mga mata.Napangiti si Blaine. "Ayusin mo muna ang mga dapat mong ayusin sa
"Are you ready?" Tumango si Mikaela at pagkatapos ay nakangiting tinapunan ng tingin ang asawa.Magkahawak kamay silang sumakay sa speed boat na maghahatid sa kanila sa Isla Amelia.Habang nasa bangka ay nakayakap si Mikaela sa bewang ng kaniyang asawa at nakahilig ang ulo sa balikat nito. Hindi nawawala ang ngiti niya sa labi. Ito ang unang pagkakataon na makakasama niya ng matagal ang asawa, walong araw sila sa isla kaya naman hindi na siya makapaghintay sa mga maari pa nilang gawin sa kanilang bakasyon.Halos isang oras ang kanilang biniyahe bago dumaong ang speed boat sa gilid ng dagat. Bumaba ang kaniyang asawa at agad din siyang inalalayan nito na makababa.Ngumiti si Mikaela. "Thank you, honey," malambing na sabi niya.Gumanti ng ngiti ang kaniyang asawa. Hinawakan nito ang isang kamay niya at bahagyang pinisil. Magkahawak kamay silang naglakad, tanaw nila ang mataas na gate ng villa. Nakasunod sa kanila ang mga tauhan sa isla, bitbit ang kanilang mga bagahe."Ang dami na palan
Mikaela's POV"Hindi ka pwedeng lumayo sa paningin namin, Ma'am Mikaela, 'yan ang kabilin-bilinan sa amin ni Congressman Montreal."Hindi ko mapigilan ang mapabuntung hininga nang malalim habang nakatingin sa mga bodyguard na nakabantay sa akin. "Sa comfort room ako pupunta, hindi naman pwedeng hanggang sa banyo ay isama ko kayo 'di ba? Mas magagalit naman sa inyo ang asawa ko n'yan," may halong biro na sabi ko.Isang taon na rin simula ng mapangasawa ko ang pinakabatang congressman ng bansa na si Blaine Montreal, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasanay sa buhay na napili kong tahakin."Ah-okay po, Ma'am! Sige po, dito na lang kami sa labas ng pinto maghihintay." Kakamot-kamot ulong binigyan ako ng daan ni Peter, ang head ng mga bodyguards ko.Seryosong tingin lang ang ipinukol ko rito sabay tango. Mula pa sa kanilang mga ninuno hanggang sa kasalukuyang henerasyon ay namamayagpag ang apelyidong Montreal sa loob at labas ng bansa. Sila ay matatawag na pamilya ng mga politiko, d
Blaine's POV"Congressman! Phone call from the president." Inabot sa akin ng aking secretary na si Lanie ang hawak nitong cellphone, maagap ko naman iyong tinanggap at agad sinagot ang tawag ng aking ama. Bihirang-bihira na mangyari ito, so it must be important. "President, good morning! Napatawag po kayo," bungad bati ko sa aking ama."Yeah! I just want to invite you for a cup of coffee here at the palace. Are you free today at around ten?" tanong nito. Agad kong sinipat ang aking relo. 8:45 am nakasaad dito. Mayroon pa akong mahigit isang oras para i-review ang mga papeles na nasa ibabaw ng working table ko. Marami akong commitments ngayon ngunit wala ng mas mahalaga pa sa makasama ko ang aking ama kahit na ilang sandali lang. "Okay Papa, I'll be there," maagap kong sagot."Alright, I'll wait for you then," tugon naman niya."Yes, Papa."Tinapos na ni Papa ang tawag at binalingan ko naman ang aking sekretarya. "Lanie, cancel all my appointments for today," utos ko sa kaniya.
Mikaela's POVGabi na ng kami ay makauwi ni Blaine sa mansion. Sinulit namin ang mga sandali na kami ay magkasama dahil bihirang-bihira na mangyari iyon. Sa dami ng responsibilidad ni Blaine at sa sobrang busy niya sa maraming bagay ay natutuwa ako dahil gumagawa pa rin siya ng paraan para magkaroon ng oras sa akin. Hindi nga lang madalas ngunit nakikita ko naman na nag-e-effort talaga siya.Matapos naming makababa ng sasakyan ay lumakad na kami papasok ng bahay. Tama namang pagpasok namin ay natanawan namin si Mama Claudia na pababa ng hagdan."Shhh!" sabi ni Blaine, sabay lapat ng hintuturo niya sa aking labi. Hindi niya inaalis ang tingin sa aking biyenan na ngayon ay ilang hakbang na lang at nasa paanan na ng hagdan. Kinuha ni Blaine ang isang kamay ko, hinatak niya ako. Hindi naman ako tumutol, sumunod lang ako sa kaniya at nagtago pa sa likuran niya. May pag-iingat na naglakad kami patungo sa malaking estante at doon kami nagtago. Hinintay naming makababa ng hagdan si Mama Clau
"Mukhang nangangalawang ka na, Fiero. Ang tagal mong nawala tapos gusto mo bakbakan agad. Bakit kasi hindi ka muna nag-practice?"Marahas na pinahid ni Fiero ang tumutulong dugo sa kaniyang ilong na tinamaan ng kamao ng kaniyang kalaban. Nasa isang ring siya ngayon at katatapos lang lumaban sa isang underground fight."Malas lang ako ngayon at suwerte si Maky Boy," balewalang sabi niya.Ang totoo ay mahigit isang taon na siyang tumigil sa pagsali sa mga underground fighting, bukod kasi sa ilegal ay umiiwas na siya sa huli. Sawa na siyang humimas ng rehas. Ginawa lang niyang bumalik dahil kailangan niya ng mabilisang pera. Hindi na rin masama kahit natalo siya sa laban, malaki rin naman kasi ang consolation price na kaniyang natanggap."Huling laban ko na 'to, Kulot, hindi na ako uulit, kailangan ko lang talaga ng pera ngayon," sabi niya. Si Kulot ay kaibigan niya at kasamahang underground fighter din dati na ngayon ay isa ng trainor ng mga nagsisimula pa lamang na mga fighter."Sigu
Mikaela's POVKaarawan ni Mama Claudia ngayon kaya abala ang mga tao sa mansion. Halos lahat nang miyembro ng pamilya Leviste-Montreal ay naroon.Kay Blaine naka-assign ang pagtanggap ng mga bisita. Gusto ng aking biyenan na tumulong ako sa mga gawain sa kusina pero mariing tinutulan iyon ni Blaine, isinama niya ako sa pagharap sa mga bisita ni Mama. Naiipit ako sa dalawang batong nag-uumpugan. Hindi ko alam kung sino ang susundin, ang aking biyenan ba o ang aking asawa? Ayaw ni Mama Claudia na nakikita akong pakalat-kalat sa paligid. Kahit alam na naman at tanggap ng maraming tao na asawa ako ng kaniyang anak ay ikinahihiya pa rin niya ako. Hindi siya komportable na naroon ako dahil ang pakiramdam niya ay nasisira ko ang pangalan at reputasyon ng kanilang pamilya. Gusto ko sanang sundin ang kagustuhan ni Mama Claudia, tutal naman ay kaarawan niya, kaya lang ay mapilit si Blaine."Huwag mong intindihin si Mama, masyado na siyang abala para pakialaman pa tayo," wika ni Blaine nang m