Share

Chapter 3

Author: Rainisms
last update Last Updated: 2024-01-04 16:09:40

Mikaela's POV

Gabi na ng kami ay makauwi ni Blaine sa mansion. Sinulit namin ang mga sandali na kami ay magkasama dahil bihirang-bihira na mangyari iyon. Sa dami ng responsibilidad ni Blaine at sa sobrang busy niya sa maraming bagay ay natutuwa ako dahil gumagawa pa rin siya ng paraan para magkaroon ng oras sa akin. Hindi nga lang madalas ngunit nakikita ko naman na nag-e-effort talaga siya.

Matapos naming makababa ng sasakyan ay lumakad na kami papasok ng bahay. Tama namang pagpasok namin ay natanawan namin si Mama Claudia na pababa ng hagdan.

"Shhh!" sabi ni Blaine, sabay lapat ng hintuturo niya sa aking labi. Hindi niya inaalis ang tingin sa aking biyenan na ngayon ay ilang hakbang na lang at nasa paanan na ng hagdan. Kinuha ni Blaine ang isang kamay ko, hinatak niya ako. Hindi naman ako tumutol, sumunod lang ako sa kaniya at nagtago pa sa likuran niya. May pag-iingat na naglakad kami patungo sa malaking estante at doon kami nagtago. Hinintay naming makababa ng hagdan si Mama Claudia at sinundan namin ng tingin kung saan siya pupunta. Pumasok ito sa kusina. Nagkatinginan kami sabay tango. Sasamantalahin namin ang pagkakataong iyon para makapanhik sa second floor ng hindi niya kami nakikita. May pagmamadaling hinatak na naman ako ni Blaine, magkahawak kamay at lakad takbo ang ginawa namin para mas mabilis na marating ang hagdan. Puno ng pag-iingat ang bawat kilos namin. Iniiwasan naming makuha ang atensiyon ni Mama Claudia.

Ang totoong dahilan kung bakit hindi kami nagpakita sa aking biyenan ay dahil siguradong masesermunan na naman kami nito. Ayaw na ayaw niyang nakikita na magkasama kami ni Blaine at nagdi-date. Lalong ayaw niya na umuuwi kami ng dis oras ng gabi galing sa galaan. Kahit nasa tamang edad na kami at asawa na ako ng kaniyang anak ay para pa rin akong estranghero sa kaniya.

"Whooah! That was so close!" nakangiting sabi ni Blaine nang makapasok na kami sa aming kuwarto. Agad niyang isinara ang pinto at ni-lock iyon. Napagtagumpayan namin na makarating sa ikalawang palapag ng mansion ng hindi namamalayan ni Mama Claudia.

Napangiti na rin ako. Sino ba naman ang hindi matatawa sa pinaggagawa namin. Malalaki na kami pero para pa rin kaming mga bata na nakikipaglaro ng taguan sa aking biyenan. Nakasanayan na namin ang ganu'n simula pa ng magkasintahan pa lang kami. Dahil nga pinagbabawalan kami ay patago kaming nagkikita. Dadalawin ako ni Blaine sa bahay ampunan at ipagpapaalam niya ako sa mga madre, mamasyal kami, kakain sa labas at pagkatapos ay dadalhin niya ako sa kanilang bahay. Para kaming lumulusot sa butas ng karayom bago kami makarating sa kuwarto ni Blaine noon. Isang beses ay nahuli kami ni Mama Claudia na magkasama sa kuwarto ni Blaine. Kahit wala naman kaming ginagawang masama at madalas ay gumagawa lang naman kami ng assignments ng sabay, nagkukwentuhan o kaya ay nanunuod ng movie sa kwarto ni Blaine ay iniisip na ni Mama Claudia na may ginagawa kaming hindi namin dapat na gawin. Kahit naman mga bata pa kami noon ay alam naman namin ang aming limitasyon. Gusto lang namin na magkaroon kami ng lugar na para sa aming dalawa lang.

Lumapit ako kay Blaine at yumakap sa bewang niya, habang ang ulo ko naman ay isinandal ko sa kaniyang matipunong dibdib. Gumanti naman siya ng yakap sa akin, hinalikan pa niya ang buhok ko. Ang mga ganuong eksena sa buhay naming mag-asawa ang itinatatak ko sa aking isipan. Hindi araw-araw ay nagagawa naming maglambingan kagaya nito, kaya naman isa ang mga ganitong pangyayari na tini-treasure ko.

Buhat sa pagkakasubsob sa dibdib niya ay tumingala ako para tingnan siya. Ang hindi ko alam ay nakatingin din pala siya sa akin kaya nagtagpo ang aming mga mata. Titig na titig siya sa akin, napakurap tuloy ako. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya. Kahit na mag-asawa na kami ay pinamumulahan pa rin ako ng pisngi kapag ganu'n na siya sa akin. May halong kilig at hiya pa rin ang nararamdaman ko sa tuwing titigan niya ako na puno ng paghanga. Sino ba naman kasi ang hindi mako-conscious kung may napakagwapong lalaking nakatitig sa'yo?

Yumuko siya at unti-unting inilapit ang mukha sa akin. Napapikit na lamang ako at hinintay ang mga susunod na mangyayari.

Ang malambot niyang mga labi ay dumampi sa labi ko. Isang masuyong halik ang ibinigay sa akin ng aking asawa. Dinama ko ang halik na iyon at sinuklian ang mga halik niya.

"Let's take a shower together," sabi niya.

Tumango naman ako bilang tugon. Ang excitement at matinding antipasyon ay nagpakaba sa akin ng husto. Kinuha niya ang kanang kamay ko at hinatak ako papunta sa banyo na naroon din sa loob ng aming silid.

Hinayaan ko lang siya na isa-isang hubarin ang aking mga damit.

"You're so perfectly beautiful, sweetheart!" napapalatak na sabi niya habang pinagmamasdan ang aking kahubaran. Nakikita ko sa mga mata niya ang matinding paghanga. Nakaramdam na naman tuloy ako ng hiya. Gusto kong takpan ang maseselang parte ng aking katawan dahil nako-conscious ako sa mga tingin niya sa akin. Kahit mahigit isang taon na kaming mag-asawa ay hindi pa rin ako sanay na nakikita niya akong n*******d. Yumakap na lamang ako sa kaniya at ibinaon ang ulo ko sa dibdib niya para maitago ko ang pamumula ng aking pisngi.

"Hmm... Hanggang ngayon ba ay nahihiya ka pa rin sa akin?" nanunudyong tanong niya.

Niyakap niya ako nang mahigpit.

Marahan akong tumango, hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya. Si Blaine ang una ko sa lahat ng bagay at siya lang ang pamilya na meron ako.

Hinakawan niya ang baba ko at inangat ang ulo ko. Nang bumaling ako ng tingin sa kaniya ay nakita kong nakangiti siya sa akin.

"Hindi ka pa rin nagbabago, ganu'n ka pa rin simula nang una kitang makilala. "I like that you're innocent and naive, those qualities in you are really sweet."

Inilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan niya ako, sa pagkakataong ito ay mapusok na ang mga halik niya. Napakainit ng labi niya at damang-dama ko ang kagustuhan ng dila niya na makapasok at magsaliksik sa kaloob-looban ng bibig ko, kaya naman hindi ko pinagkait sa kaniya iyon.

Hindi niya inaalis ang kaniyang mga labi sa akin, habang hinuhubad ang kaniyang pang-ibabang damit. Hindi na ako nakatiis at tinulungan ko na siya, tinanggal ko sa pagkakabutones ang suot niyang polo.

Pareho na kaming walang saplot ngayon, niyakap niya ako nang mahigpit, ang mga kamay niya ay humahagod sa aking likod. Magkadikit ang hubad naming mga katawan at dama ko ang matigas niyang sandata na tumutusok sa aking tagiliran. Patuloy lang kami sa pagpapalitan ng maiinit na halik. Nang umtras si Blaine ay ginawa ko namang umabante, paulit-ulit lang siya sa pag-atras at dahil magkayakap kami ay wala akong magawa kung hindi ang umabante.

Sabay kaming napasinghap ng walang pasabi na biglang bumagsak ang malamig na tubig at bumuhos sa aming hubad na katawan.

Sensored ang shower namin sa banyo kaya naman nang maramdaman kami nito ay automatic na nagpakawala ito ng tubig.

Nahampas ko sa balikat si Blaine. Sinadya niyang gawin iyon, kaya naman pala panay ang atras niya dahil gusto niyang matapat kami sa shower.

Tumawa siya nang malakas at napasimangot naman ako, nanulis ang nguso ko. Kinabig niya ako at niyakap nang mahigpit.

"I'm sorry," sabi niya sabay halik sa noo ko.

Ngumiti ako, hindi ko naman kayang magalit sa kaniya ng matagal.

Maya-maya ay binitawan niya ako, kumuha siya ng sabon at sinimulan ng sabunin ang buo kong katawan. Parang batang sinabon niya ako, nagsimula sa aking leeg, pababa sa aking mga balikat, patungo sa aking dibdib. Bawat hagod ng kamay niyang may sabon sa aking katawan ay nagdudulot ng hindi maipaliwanag na kiliti sa akin. Matapos niya akong sabunin ay siya naman ang sinabon ko. Pinaliguan namin ang isa't-isa.

Matapos naming maligo at magbihis ng damit pantulog ay presko na kaming nakahiga ngayon sa kama. Nakaunan ako sa braso ni Blaine.

"Ano ba'ng gusto mong maging panganay natin, lalaki ba o babae?" tanong ko sa kaniya, habang hinihimas ang flat na flat niyang tiyan.

"If I were to choose, I would prefer our firstborn to be a boy. However, whatever the Lord grants us, I wholeheartedly accept. Having a child is a great blessing," sagot niya.

Napangiti ako. "Curious ako, bakit lalaki ang gusto mo?" tanong ko na naman.

"Dahil gusto ko na may matatanggol at magpo-protekta sa'yo kung sakali mang wala ako sa tabi mo," pahayag niya.

Hindi ko maiwasan na hindi maging emosyonal. Sa lahat ng pagkakataon ang kapakanan ko ang laging iniisip ni Blaine. Hindi ko alam kung anong maganda ang nagawa ko para biyayaan ako ng Panginoon ng napakabait at mapagmahal na asawa?

Alam kong marami pa kaming pagdadaanan na magkasama. Ang ipagtanggol niya ako sa pamilya niya at ipaglaban ang pag-iibigan namin kahit na langit at lupa ang pagitan namin ay napakalaking bagay na sa akin.

"Pareho tayo, gusto ko rin na lalaki ang maging panganay natin. Excited na ako na makita ang maliit na ikaw. Sigurado akong napakagwapo ng magiging anak natin dahil sa'yo siya magmamana," masayang sabi ko.

Lumipas ang ilang minuto ay wala akong narinig na salita mula sa kaniya at ng tumingala ako para lingunin siya ay nakita kong nakatulog na pala siya. Madalas niya akong tulugan kapag ganitong nakahiga na kami at nagkukwentuhan. Hindi ko naman magawang mainis o magtampo dahil alam kong pagod siya sa maghapong trabaho. Sa trabaho niya ay hindi lang naman ang katawan niya ang gumagana kung hindi pati na ang utak niya.

Dinampian ko ng halik ang kaniyang mapupulang labi.

"I love you!" sabi ko.

Alam kong hindi niya ako naririnig ngunit gusto ko pa ring sabihin. Ayokong natatapos ang araw na hindi ko nasasabi sa kaniya na mahal ko siya.

Ipinikit ko ang aking mga mata at kampanteng natulog ng nakayakap sa aking asawa.

Related chapters

  • My Husband's Shadow   Chapter 4

    "Mukhang nangangalawang ka na, Fiero. Ang tagal mong nawala tapos gusto mo bakbakan agad. Bakit kasi hindi ka muna nag-practice?"Marahas na pinahid ni Fiero ang tumutulong dugo sa kaniyang ilong na tinamaan ng kamao ng kaniyang kalaban. Nasa isang ring siya ngayon at katatapos lang lumaban sa isang underground fight."Malas lang ako ngayon at suwerte si Maky Boy," balewalang sabi niya.Ang totoo ay mahigit isang taon na siyang tumigil sa pagsali sa mga underground fighting, bukod kasi sa ilegal ay umiiwas na siya sa huli. Sawa na siyang humimas ng rehas. Ginawa lang niyang bumalik dahil kailangan niya ng mabilisang pera. Hindi na rin masama kahit natalo siya sa laban, malaki rin naman kasi ang consolation price na kaniyang natanggap."Huling laban ko na 'to, Kulot, hindi na ako uulit, kailangan ko lang talaga ng pera ngayon," sabi niya. Si Kulot ay kaibigan niya at kasamahang underground fighter din dati na ngayon ay isa ng trainor ng mga nagsisimula pa lamang na mga fighter."Sigu

    Last Updated : 2024-01-04
  • My Husband's Shadow   Chapter 5

    Mikaela's POVKaarawan ni Mama Claudia ngayon kaya abala ang mga tao sa mansion. Halos lahat nang miyembro ng pamilya Leviste-Montreal ay naroon.Kay Blaine naka-assign ang pagtanggap ng mga bisita. Gusto ng aking biyenan na tumulong ako sa mga gawain sa kusina pero mariing tinutulan iyon ni Blaine, isinama niya ako sa pagharap sa mga bisita ni Mama. Naiipit ako sa dalawang batong nag-uumpugan. Hindi ko alam kung sino ang susundin, ang aking biyenan ba o ang aking asawa? Ayaw ni Mama Claudia na nakikita akong pakalat-kalat sa paligid. Kahit alam na naman at tanggap ng maraming tao na asawa ako ng kaniyang anak ay ikinahihiya pa rin niya ako. Hindi siya komportable na naroon ako dahil ang pakiramdam niya ay nasisira ko ang pangalan at reputasyon ng kanilang pamilya. Gusto ko sanang sundin ang kagustuhan ni Mama Claudia, tutal naman ay kaarawan niya, kaya lang ay mapilit si Blaine."Huwag mong intindihin si Mama, masyado na siyang abala para pakialaman pa tayo," wika ni Blaine nang m

    Last Updated : 2024-01-05
  • My Husband's Shadow   Chapter 6

    Mikaela's POVMagkahawak kamay kaming naglalakad ni Blaine papasok sa loob ng ospital. Narito kami ngayon para sa aming monthly check up. Si Dra. Garces ay ang gynecologist na tumitingin sa amin ni Blaine. Isa siyang fertility specialist at siya ang nagmo-monitor ng fertility status naming mag-asawa. Dumaan na kami sa maraming test. Nakaka-pressure na rin sa part namin ni Blaine, minamadali kasi kaming magka-anak ng mga taong nakapaligid sa amin. Gustong-gusto kong magka-anak, kaya lang ay hindi ko naman ipinipilit na dumating kaagad. Kapag hinihintay mo kasi ay lalo namang hindi dumarating. Para sa akin ay may tamang panahon para sa lahat ng bagay.Siyam na test ang dapat sana ay isasagawa sa amin, ngunit inuna muna ang tatlo at iyon ang hihintayin namin na resulta. Pinababalik kami ng aming doktor after two days."Paano po, doc, aalis na kami," paalam ni Blaine kay Dra. Garces, nakipagkamay pa siya rito."Okay. Baka makalimutan ninyo ang schedule ng pagbalik ninyo rito kaya ire-re

    Last Updated : 2024-01-06
  • My Husband's Shadow   Chapter 7

    "Hon, paano ba 'yan hindi ko pwedeng basta na lang iwan ang mga kasama ko rito sa foundation at kahit na umalis ako ngayon ay hindi na rin natin aabutan si Dra.Garces," namomroblemang sabi ni Mikaela, habang kausap ang asawa sa cellphone.Tinawagan niya si Blaine, para ipaalam dito na hindi siya makakauwi sa takdang oras na kanilang napag-usapan. Pagkatapos kasi ng kanilang seminar para sa mga kababaihan ay naaya siya sa isang medical mission kasama ang buong staff ng Montreal Foundation."Don't worry, I'll handle going to the hospital today to speak with Dra. Garces. I believe she's fine with me representing you. I'll make sure to keep you informed about our conversation regarding our test results.""Huh! Sigurado ka bang okay lang sa'yo? Gusto mo ba na tawagan ko si Dra. Garces at ipa-reschedule na lang ang pagbisita natin sa kaniya?""It's okay, babe, huwag ka ng masyadong mag-alala. Aalis na ako sa office ngayon, tapos na rin naman ang trabaho ko rito."Nakaramdam ng kapanatagan n

    Last Updated : 2024-02-01
  • My Husband's Shadow   Chapter 8

    Gabi na ng makauwi sa mansion si Mikaela. Nang pumasok siya sa kanilang silid ay napangiti siya ng makita ang kaniyang asawa na mahimbing na natutulog. Marahan ang mga hakbang na lumapit siya sa kama para pagmasdan ang maamong mukha nito. Hindi na niya ginawang gisingin ang asawa dahil mukhang malalim na ang tulog nito. Gusto man niyang halikan ang mapupulang labi nito ay pinigilan niya ang sarili na gawin iyon. Ayaw niyang maistorbo ang pagtulog nito. Minsan lang kung ito ay matulog ng maaga kaya hindi niya ipagkakait ang tulog na kailangan ng katawan nito.Kumuha siya ng damit pantulog sa closet at tinungo ang banyo para maglinis ng katawan. Dahil masyado nang gabi at wala na siyang oras pa na mag-blower ng buhok kaya nag-half bath na lamang siya. Ang totoo ay antok na rin siya, sa dami ng ginawa niya kanina ay pagod na ang katawan niya at gusto nang magpahinga.Paglabas niya ng banyo ay presko na ang pakiramdam niya. Sasampa na sana siya sa kama para tumabi ng higa sa kaniyang asaw

    Last Updated : 2024-02-02
  • My Husband's Shadow   Chapter 9

    Pagod na sa kabubuhat ng banye-banyerang isda si Fiero. Nangangapal na ang balikat niya sa kalyo. Gusto na niyang tumigil, nakakaramdam na kasi siya nang panghihina dahil sa gutom, kaya lang ay hindi pa niya maaring gawin iyon. Hindi sila pwedeng tumigil hangga't hindi nila natatapos na isakay sa truck ang apat na banyera pang isda na natitira. Nagmamadali ang truck dahil may oras itong sinusunod."Hah! Kung alam ko lang na mapapasubo tayo ng ganito dinamihan ko na sana ang kain ng almusal kanina. Ang mali ko ay isang order na tapsilog lang ang binili ko, dapat pala ay nagpadagdag pa ako ng isang order pa na kanin," sabi ni Inggo, ang kasamahang kargador ni Fiero. Tatlong truck kasi ang nakapila kanina, natapos na nilang hakutan ang dalawa at ang panghuling truck na ngayon ang pinupuno nila."Tsh! Buti ka pa nga nalamnan ang sikmura, ako kape lang ang ininom ko kanina," reklamo ni Fiero."Di bale, apat na banyera na lang, tig-dalawa tayo, tapos puwede na tayong kumain," pakunswelong

    Last Updated : 2024-02-03
  • My Husband's Shadow   Chapter 10

    Nakailang balik na sa ospital si Blaine para sa panibagong test na isasagawa ni Dra. Garces sa kaniya. Ang lahat ng bagay na may kinalaman sa pagpapagamot niya ay inilhim niyang lahat kay Mikaela. Kahit kanino ay wala siyang pinagsabihan tungkol dito. Siya at si Dra. Garces lang ang bukod tanging nakakaalam. Sa bawat araw na lumilipas, sa bawat test at gamutan ay walang nakikitang magandang pagbabago sa kalagayan niya. Gusto nang mawalan ng pag-asa ni Blaine, ngunit sa tuwing nakikita niya ang masayahing mukha ng kaniyang asawa ay nabubuhayan siya ng loob para magpatuloy. Ayaw niyang makitang malungkot si Mikaela.Nagulat siya ng biglang sumulpot sa kaniyang opisina ang kaniyang asawa. Nakangiti ito ng pumasok sa loob, may dala itong pagkain na pinamili sa isang sikat na fast food chain."Oh, what a surprise?!" bulalas niya, talagang nagulat siya sa walang pasabing pagbisita ni Mikaela sa kaniya. Agad siyang tumayo sa kaniyang swivel chair at sinalubong ng yakap ang asawa."May pinun

    Last Updated : 2024-02-04
  • My Husband's Shadow   Chapter 11

    "Hindi mo nai-kuwento sa akin na may kakambal ka pala, ngayon ko lang nalaman ang tungkol doon," bungad na sabi ni Mikaela kay Blaine.Nang matapos silang kumain ng hapunan ay naglakad-lakad muna sila sa bakuran, hanggang sa makarating sila sa gazebo. Umupo siya sa upuang gawa sa narra na naroon at tumabi naman sa kaniya si Blaine."Yeah, sabi nga nila may kakambal daw ako, kaya lang ilang araw pa lang after kaming ipanganak ay namatay siya because of complications. ""Ah ganu'n pala. I'm sorry about your brother."Ngumiti si Blaine at kinuha ang kanang kamay niya na nakapatong sa kaniyang kandungan. Pinagsalikop nito ang kanilang mga kamay. Napangiti na rin siya inilapit niya ang mukha niya kay Blaine at pinagdikit nila ang kanilang mga noo. Saglit lang iyon at naghiwalay rin agad."Sorry dahil wala na akong iba pang maikukuwento sa'yo tungkol sa kaniya, because I don't have any memory of him at ayaw na ring pag-usapan ni Mama ang tungkol doon dahil nalulungkot lang siya kapag inaala

    Last Updated : 2024-02-05

Latest chapter

  • My Husband's Shadow   Chapter 45

    "Are you ready?" Tumango si Mikaela at pagkatapos ay nakangiting tinapunan ng tingin ang asawa.Magkahawak kamay silang sumakay sa speed boat na maghahatid sa kanila sa Isla Amelia.Habang nasa bangka ay nakayakap si Mikaela sa bewang ng kaniyang asawa at nakahilig ang ulo sa balikat nito. Hindi nawawala ang ngiti niya sa labi. Ito ang unang pagkakataon na makakasama niya ng matagal ang asawa, walong araw sila sa isla kaya naman hindi na siya makapaghintay sa mga maari pa nilang gawin sa kanilang bakasyon.Halos isang oras ang kanilang biniyahe bago dumaong ang speed boat sa gilid ng dagat. Bumaba ang kaniyang asawa at agad din siyang inalalayan nito na makababa.Ngumiti si Mikaela. "Thank you, honey," malambing na sabi niya.Gumanti ng ngiti ang kaniyang asawa. Hinawakan nito ang isang kamay niya at bahagyang pinisil. Magkahawak kamay silang naglakad, tanaw nila ang mataas na gate ng villa. Nakasunod sa kanila ang mga tauhan sa isla, bitbit ang kanilang mga bagahe."Ang dami na palan

  • My Husband's Shadow   Chapter 44

    "Lately napapansin ko na masyadong kang pagod sa trabaho. It's about time na mag-relax ka naman. How about a vacation sa Isla Amelia?" Mabilis na nabaling ang tingin ni Mikaela sa asawang si Blaine. Bukod sa Isla De Montreal, ang Isla Amelia ay pag-aari rin ng kanilang pamilya, ipinangalan ang islang iyon sa kanilang Lola Amelia. Mala-paraiso ang lugar na iyon at kung papipiliin siya ay mas gugustuhin niya na manirahan na lamang sa isla na iyon habang buhay. Bukod kasi sa tahimik at malayo sa polusyon, ay sagana pa ang lugar sa masusustansiyang pagkain. Simpleng pamumuhay, ngunit masaya at mapayapa."Ha! Talaga? Kailan tayo pupunta sa isla?" excited na tanong niya."Ikaw kung kailan mo gusto. Ako nakahanda na, nakapag-file na ako ng leave. Ikaw baka may mga trabaho ka pang gagawin.""Pwede ko naman ibilin kay Menchie ang mga trabaho ko. Gusto kong magbakasyon na kasama ka." Halata ang labis na saya sa kaniyang mga mata.Napangiti si Blaine. "Ayusin mo muna ang mga dapat mong ayusin sa

  • My Husband's Shadow   Chapter 43

    Napapansin ni Mikaela na ilang araw nang tahimik ang kaniyang asawa at para bang may malalim itong iniisip. Araw nang Linggo noon, pareho silang nasa bahay lang at walang commitment sa labas. Nasa tabi lang naman niya si Blaine, pero pakiramdam niya ay ang layo-layo nito sa kaniya."Hon, parang malalim ang iniisip mo, may problema ba?" tanong niya nang makalapit dito. Bahagyang napakislot si Blaine, hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot na iyon ni Mikaela sa kaniyang harapan. Inangat niya ang ulo at nilingon ito. "Wa-wala naman akong problema. Why are you asking?" balik tanong niya rito.Umiling si Mikaela. "Wala, napapansin ko lang ilang araw ka nang parang may malalim na iniisip."Pilit na ngumiti si Blaine, niyakap niya sa bewang si Mikaela, nakatayo kasi ito at siya naman ay nakaupo sa gilid ng kama. Inihilig niya ang ulo sa tiyan nito.Napangiti naman si Mikaela sa ginawing iyon ng kaniyang asawa. Inimagine niya na buntis siya, malaki na ang tiyan niya at pinakikinggan ni B

  • My Husband's Shadow   Chapter 42

    Napakahirap para kay Blaine ang desisyon na iyon, ang kausapin ang kaniyang kakambal at kumbinsihin ito na pumayag sa gusto niya. Desperado na siya, dumating na siya sa punto na kailangan na niyang gawin ang lahat kahit na hindi nararapat, ito lang ang tanging naisip niya na sasagot sa problema niya. Hindi siya sigurado, hindi pa niya naikunsulta ito sa doktor at hindi kasama sa plano niya na gawin iyon. Naisip niyang kung ang kakambal niya ang makakabuntis sa kaniyang asawa, dahil sa iisa lang ang dugong nanalantay sa kanila at halos wala silang pinagkaiba sa itsura, ay hindi mag-iisip ng kung ano si Mikaela. Walang magiging pagdududa itong mararamdaman, at kung sakaling makabuo sila, kahit ipa-DNA test pa ang bata ay malaki pa rin ang probabilidad at mataas ang porsiyento na lalabas na kadugo niya ito. Kailangan lang ay ibayong pag-iingat na walang makakaalam na buhay pa ang kakambal niya. Isa ito sa maraming sikretong kaniyang itinatago sa asawa niya at sa pamilya."Sir, tama po ba

  • My Husband's Shadow   Chapter 41

    Gabi na nang makarating si Fiero sa dati niyang tinitirahan, matapos ang ilang oras na biyahe sa himpapawid. Hindi pa naman ganuon katagal siyang nawala sa bansa ngunit nanibago na siya sa oras.Dahil gabi na ay hindi na umuwi sa kaniyang tirahan si Maureen. Apat naman ang kwarto sa bahay na iyon. Siguradong bukas nang maaga ay kakailanganin siya ni Blaine, kaya mas minabuti na lang din niya na doon matulog para nasa malapit lang siya. Sa edad na thirty five ay wala pang sariling pamilya si Maureen, naninirahan itong mag-isa sa townhouse na naipundar niya, ang pamilya kasi niya ay sa malayong probinsiya nakatira. Kaya wala siyang pangamba kahit na saan siya pumunta o matulog dahil wala namang naghihintay sa kaniyang pag-uwi."Matutulog na ako, Fiero," paalam nito sa binata."Sige Ma'am dito muna ako sa labas, hindi pa ako inaantok," ani Fiero."Sige." Umakyat na ito ng hagdan patungo sa second floor kung saan naroon ang mga silid.Maalinsangan ang panahon, bukod sa time difference ay

  • My Husband's Shadow   Chapter 40

    Hindi maipaliwanag ni Fiero ang nadarama, ayaw niyang umalis pero nakahanda na ang lahat para sa paglisan niya ng bansa. Sinamahan siya ni Maureen, hanggang sa America, sinigurado nito na magiging maayos at komportable siya sa bago niyang tirahan. Isang apartment iyon na tama lang ang sukat, hindi ganu'n kalaki ngunit maganda naman at pulido."Sa Monday ay magsisimula na ang klase mo. Bago ako umuwi ay mamili muna tayo nang lahat ng kakailanganin mo sa school," sabi ni Maureen. Kasalukuyan itong nagluluto sa kusina at siya naman ay pinapanuod lang ang ginagawa nito."Kailan ka aalis?" tanong niya."Sa makalawa pa, bakit?"Bumuntong hininga nang malalim ang binata."Kaya ko bang mabuhay ng mag-isa rito? Lahat sa lugar na ito ay estranghero para sa akin at wala pa akong kakilala," nangangambang pahayag niya.Ngumiti si Maureen at pagkatapos ay tinapik siya sa balikat. "Kaya mo 'yan, matalino ka, mabilis kang matuto at maka-adapt sa mga bagay-bagay. Marami tayong kababayan dito, imposibl

  • My Husband's Shadow   Chapter 39

    Narinig ni Fiero ang pagdating ng sasakyan ni Blaine kaya dali-dali siyang bumaba para salubungin ito.Pagtapak ng paa niya sa pinakahuling baitang ng hagdan ay siya namang pagpasok ni Blaine. Nagulat siya ng mabibilis ang mga hakbang na lumapit ito sa kaniya at inundayan siya ng malakas na suntok, tumama iyon sa kanang panga niya. Dahil sa labis na pagkabigla at walang kahandaan ay nawalan siya ng balanse at bumagsak sa sahig."Oh, my gosh, Sir, bakit mo sinuntok si Fiero?" Mababakas ang labis na pagkagulat sa mukha ni Maureen, kasama ito ni Blaine nang dumating nasa likuran ito ng kongresista at hindi niya inasahan na susugurin nito ng suntok si Fiero. Dali-dali siyang lumapit sa binata para daluhan ito, inalalayan niya ito na makatayo. Dumudugo ang labi nito na tinanamaan ng mabigat na kamao ni Blaine.Hindi pinansin ni Blaine ang tanong na iyon ni Maureen. Matalim ang mga tingin na ipinukol niya kay Fiero."You backstabber! How dare you?! How could you steal my identity? How could

  • My Husband's Shadow   Chapter 38

    Ilang araw ring na-stranded sa isla si Blaine kasama ang kaniyang team. Personal nilang hinatid ang isang dalaga na humingi ng tulong sa kaniya para makabalik sa kaniyang pamilya. Na-recruit ito para magtrabaho bilang kasambahay sa Maynila, ngunit sindikato pala ang nakakuha rito. Mabuti na lang at nadiskubre na ang modus ng mga sindikatong iyon at isa nga ang dalaga na nailigtas sa ginawang rescue and operation program sa lugar na nasasakupan ng kongresista."Maraming salamat po, Sir. Pasensiya na po kayo at naabutan pa kayo ng bagyo dahil sa paghatid ninyo sa akin," kiming sabi ng dalagang si Gina kay Blaine."It's okay, ang mahalaga ay nakauwi ka na sa pamilya mo," aniya. "Salamat din sa pag-aaskaso ninyo sa amin. Huwag kayong mag-alala, babalik kami rito para mamigay ng tulong sa pamilya mo at sa mga kababaryo ninyo.""Naku, maraming salamat po, Sir, tiyak na matutuwa ang mga kababaryo ko nito," tuwang sabi ni Gina.Ang ama ni Gina ang naghatid sa kanila hanggang kabilang isla, h

  • My Husband's Shadow   Chapter 37

    Napadilat si Fiero. Ang buong akala niya ay panaginip lang ang lahat, ngunit nang ilibot niya ang mga mata sa paligid ay naroon pa rin siya sa hindi pamilyar na silid. Lumingon siya sa kaniyang tabi, mag-isa na lamang siya sa kama, wala na si Mikaela, ngunit nanunuot pa rin sa ilong niya ang mabangong amoy nito na kumapit na sa higaan at sa balat niya.Bigla siyang kinabahan nang maisip si Blaine, paano kung dumating na pala ito? Paano kung maabutan siya nito sa silid na iyon? Napasarap ang tulog niya at ang balak na pagtakas kagabi ay hindi na niya nagawa. Araw ng Linggo ngayon, sa pagkakaintindi niya sa sinabi ni Madam Claudia ay Lunes pa raw ang balik ni Blaine."Gising ka na pala, good morning, honey!"Napamaang siya ng marinig ang boses ni Mikaela, hindi niya namalayan na nakapasok na pala ito sa silid dahil sa lalim ng iniisip niya. Tangkang babangon siya ngunit hindi niya naituloy, nabigla siya sa ginawa nito, lumapit ito sa kaniya, sumampa sa kama at dumagan sa ibabaw niya. Hin

DMCA.com Protection Status