Share

Chapter 7

"Hon, paano ba 'yan hindi ko pwedeng basta na lang iwan ang mga kasama ko rito sa foundation at kahit na umalis ako ngayon ay hindi na rin natin aabutan si Dra.Garces," namomroblemang sabi ni Mikaela, habang kausap ang asawa sa cellphone.

Tinawagan niya si Blaine, para ipaalam dito na hindi siya makakauwi sa takdang oras na kanilang napag-usapan. Pagkatapos kasi ng kanilang seminar para sa mga kababaihan ay naaya siya sa isang medical mission kasama ang buong staff ng Montreal Foundation.

"Don't worry, I'll handle going to the hospital today to speak with Dra. Garces. I believe she's fine with me representing you. I'll make sure to keep you informed about our conversation regarding our test results."

"Huh! Sigurado ka bang okay lang sa'yo? Gusto mo ba na tawagan ko si Dra. Garces at ipa-reschedule na lang ang pagbisita natin sa kaniya?"

"It's okay, babe, huwag ka ng masyadong mag-alala. Aalis na ako sa office ngayon, tapos na rin naman ang trabaho ko rito."

Nakaramdam ng kapanatagan ng loob si Mikaela dahil sa pagpresinta na iyon ng kaniyang asawa ay nabawasan nang malaki ang isipin niya.

"Si-sige, ikuwento mo na lang sa akin kung ano ang mga naging usapan ninyo. You know I hate to end our conversation kaya lang ay ipinatatawag na nila ako. Nakakahiya naman kung hindi ako tumulong sa kanila, konti lang kasi kaming volunteer dito ngayon."

"Okay babe, see you later. I love you!" masuyong sabi ni Blaine sa kabilang linya.

"I love you too," mabilis na tugon naman niya.

Tinapos ni Blaine ang tawag at siya naman ay bumalik na sa puwesto niya para ipagpatuloy ang naiwang gawain, ang pamimigay ng mga relief goods na galing sa kanilang foundation para sa mga taga-Baranggay Santol.

_

May ibinilin muna si Blaine na ilang mga bagay sa kaniyang sekretarya bago tuluyang nilisan ang kaniyang opisina.

Kulang isang oras din ang kaniyang ibiniyahe bago nakarating sa ospital.

"I'm sorry, doc, but my wife cannot make it today," agad na sabi niya nang makaharap na si Dra. Garces.

Bumuntong hininga nang malalim ang doktora. Seryoso ang mukha nito at walang kangiti-ngiti.

"Good thing na wala ngayon ang asawa mo at hindi natin kaharap, Congressman Montreal, because I have something important to discuss with you first. I believe na hindi mo rin gugustuhin na marinig niya ang pag-uusapan natin," makahulugang sabi ng doktor.

Natigilan si Blaine. Nakaramdam siya ng kaba ng makita kung gaano kaseryoso si Dra. Garces, habang pinapasadahan nito ng tingin ang mga papel na hawak nito na pinaniniwalaan niya na naglalaman ng resulta ng mga test na isinagawa sa kanila ni Mikaela.

"Is that a serious matter, doc?"alanganing tanong niya.

Tumango ang doktora. "I believe it's preferable for me to inform you first, as you are directly involved. After discussing this, if you feel that it suitable for your wife to be informed, we can arrange another appointment to revisit the matter together, ensuring clear understanding on both your parts."

Sa totoo lang ay lalo siyang pinapakaba ni Dra. Garces dahil sa mga sinasabi nito.

"Is it about the results of our tests, doc?"

"Yes, I have the results now Congressman Montreal. Ngayon ay tatanungin kita, are you ready to hear what I have to say?"

Saglit na natigilan si Blaine at pagkatapos ay alanganing tumango habang matamang nakatingin sa doktora.

"I'm pleased to report that all the tests conducted on Mrs. Montreal have produced positive results. She is in excellent health, with a 100% capability of conceiving a child. However, I must regretfully inform you that the issue lies in your infertility, posing challenges in achieving conception with your wife. This condition hampers the natural reproductive process, affecting your joint ability to conceive a child."

"You mean, doc, that due to my infertility, there is no possibility for me and my wife to have a child anymore?" hindi makapaniwalang tanong ni Blaine. Hindi kasi niya inaasahan na ganito ang magiging resulta ng mga test sa kaniya. Wala naman siyang naramdaman na kakaiba sa sarili niya at sa tingin naman niya ay maayos ang kalusugan niya dahil maalaga naman siya sa katawan, nakakapagtakang kaya hindi sila makabuo ni Mikaela ay dahil nasa kaniya ang problema.

Bahagyang tumango ang doktora. "I'm afraid to say that your infertility reduces the probability of successfully conceiving a child to a considerable extent," tugon nito.

"But I can suggest alternative solution for this like, in vitro fertilization (IVF) or artificial insemination," dagdag na sabi ng doktor.

"Can my infertility still be treated, doc?" alanganing tanong niya.

"Infertility comes from different reasons. More tests might be done to find out why. Changing how you live might help in some cases, or surgery could be an option. If you're still interested, we can set up more tests soon as possible."

"I am 100% ready to start a family, doc. Gusto kong magka-anak na sa akin mismo manggagaling. I'm prepared to make every effort. I am willing to undergo all the required tests and procedures for my infertility to be cured," determinadong sabi niya.

Napagkasunduan nila ni Dra.Garces na mag-schedule ulit ng panibagong test sa kaniya.

Nakalabas na siya ng ospital ngunit ang utak niya ay parang naroon pa rin. Hindi niya lubos maisip na wala siyang kakayahan na magkaroon ng anak. Masakit para sa kaniya na malaman iyon. Ang pinoproblema pa niya ngayon ay kung paanong ipapaliwanag kay Mikaela ang tungkol dito?

"Congressman, uuwi na po ba tayo sa mansion?" tanong ng kaniyang driver/ bodyguard, habang pinagbubuksan siya nito ng pintuan ng sasakyan sa backseat.

"Yes, ihatid niyo na ako sa mansion," wala sa sariling tugon niya.

Matapos niyang makapasok sa loob ng sasakyan ay sumakay na sa harapan ang kaniyang driver/bodyguard, at isa pang bodyguard sa tabi nito. May kotse pang nakabuntot sa kanila na sakay ang tatlo pa niyang bodyguard. Mahigpit ang seguridad sa kaniya dahil may nagtangka na noon sa buhay niya.

Nang makauwi sa mansion ay nakasalubong pa niya ang kaniyang ina. Kasama nito ang mga amiga sa sala at masayang nagkukwentuhan.

Bilang pagbibigay respeto ay lumapit siya sa mga ito para bumati.

"Good evening po!" sabi niya kasabay ang pagmano sa mga kaibigan ng kaniyang ina. Mga kapwa asawa rin ang mga ito ng mga politiko.

"Tingnan mo nga naman, ang tagal na nating hindi nakikita ng personal si Blaine, lagi na lang sa tv at social media. Mas lalong gumu-gwapo itong bunsong anak mo Claudia," sabi ni Mrs. Peralta na asawa ng isang senador.

"Oo nga, sinabi mo pa, kaya malakas ang boto niya sa mga kababaihan, napakagwapo naman talaga," segunda ni Mrs. Perez na asawa ng gobernador.

Sa lahat ng papuring iyon ay ngiti lang ang ibinigay ni Blaine.

"Itong anak mo Claudia ay marami nang naipasang batas at talaga namang kapaki-pakinabang sa bayan. Napakasuwerte mo talaga sa pagkakaroon ng matalino, masipag at napakagwapong anak. Sayang nga lang at nakapag-asawa na itong si Blaine, kung hindi ay irereto ko sana sa dalaga kong si Jasmine," sabi naman ni Mrs. Corpus na asawa naman nang senate president.

"Sayang nga, napakaganda at napakatalinong bata pa naman ni Jasmine. Graduate ng Harvard, at isang successful na doctor na ngayon sa America ang anak mo. Bagay na bagay sana sila nitong si Blaine ko. Masayado kasing padalos-dalos ang batang ito sa pagdedesisyon at hindi nag-iisip. Nagmamadaling mag-asawa, eh bata pa naman," may himig paninisi na sabi ni Claudia.

Gustong mainis ni Blaine sa kaniyang ina. Alam naman niyang hindi nito gusto si Mikaela para sa kaniya ay kung bakit hayagang ipinapaalam pa nito sa kaniyang mga kaibigan ang pagka-disgusto niya kay Mikaela bilang manugang.

Bago pa humaba ang usapan at mauwi ang topic sa kaniyang asawa ay minabuti niyang magpaalam na sa mga ito. "Mama, mga Tita, aakyat po muna ako sa kuwarto ko, medyo pagod po ako ngayon. Magpapahinga muna ako, mag-enjoy lang po kayo d'yan," magalang na paalam niya sa mga ito.

"Ay naku, oo naman, sige magpahinga ka na muna hijo. Napakasipag mo naman kasing bata."

Tinapunan niya ng tingin ang kaniyang ina. Gusto niyang ipaalam dito sa pamamagitan ng kaniyang mga tingin na hindi siya natutuwa sa sinabi nito kanina.

Waring naintindihan naman iyon ni Claudia ngunit inismiran lang niya ang kaniyang anak.

Nang tuluyan ng makaalis si Blaine ay hindi naman na binuksan pa ni Claudia ang topic tungkol sa kaniyang manugang, dahil ayaw naman niyang tuluyang magalit sa kaniya ang anak. Iniba niya ang usapan at hindi naman iyon napansin ng kaniyang mga amiga.

Wala pa sa mansion si Mikaela, hindi pa ito umuuwi. Bihira ang pagkakataon na nauuna si Blaine na makauwi sa bahay kesa sa kaniyang asawa. Nang mapag-isa siya ay bumalik na naman sa isipan niya ang malaki niyang problema.

Hangga't maari ay gusto niyang ibigay ang lahat-lahat ng makapagpapasaya sa kaniyang asawa. Naiinis siya sa sarili dahil ang pinakapangarap pa nito na magkaroon ng anak ang hindi niya maibigay. Pabagsak na inihiga niya ang patang katawan sa kama. Tumitig siya sa kisame. Ayaw niyang mawalan ng pag-asa. Gusto niyang maging positibo na magiging maayos din ang lahat. Itinanim niya sa isip na pagsubok lang sa kanila ito at malalampasan din nila. Marami naman siyang nabalitaan na mag-asawa na hindi magkaroon ng anak ngunit biniyayaan pa rin sa katagalan. Ang isipin na iyon na lang ang panghahawakan niya, na walang imposible basta magtiwala ka lang sa Panginoon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status