"Kuya, ano kaya kung ahitin mo 'yang balabas at bigote mo? Pagupitan mo na rin sana 'yang buhok mo, ang haba-haba na kasi.""Alam mo Kuya, kung mag-aayos ka siguradong maraming magkakagustong babae sa'yo. Bakit kasi gan'yan ang pormahan mo? Gusto mo bang i-make over kita, para magkaroon ka na ng girlfriend?" tanong ni Isabel, habang nakapangalumbaba na nakatanghod sa kaniyang kuya.Iiling-iling na napangiti si Fiero. Kasalukuyan niyang inaayos ang bike ng kaniyang kapatid na naputulan ng kadena, habang ginagawa niya iyon ay pinanonood naman siya nito."Tsh! Hindi ko kailangan ng girlfriend, dagdag lang sa isipin ko 'yan. Tama nang nasa inyo lang ni Inay ang atensiyon ko. Isa pa ang mga nagi-girlfriend lang ay 'yung mga lalaki na may maganda at maayos na trabaho. Hindi ako magi-girlfriend hangga't hindi ako umaasenso sa buhay.""Huh! Paano kung hindi ka umasenso, Kuya, hindi ka na mag-aasawa ganu'n ba?"Itinulak ng hintuturo ni Fiero ang noo ng kapatid, dahilan para malagyan ito ng gra
Isang maaliwalas na Lunes ng umaga. Mula Maynila ay bumiyahe ang mga piling grupo mula sa Montreal Foundation, kasama si Mikaela, patungo ang mga ito sa malayong probinsya ng San Marcelino. Ang kanilang misyon na magbigay ng tulong sa lugar, kung saan inihanda ni Mikaela at ng kaniyang grupo ang mga ipamimigay na relief goods. Bukod doon ay may libreng check-up at gamot din silang ibibigay para sa mga taga San Marcelino. Kasama nila ang mga volunteer doctors na siyang masusing titingin sa kalusugan ng mga mamamayan doon. Bago pa man simulan ang pamimigay, ay inayos na ng grupo ni Mikaela ang mga grocery bags at bigas."Ready na po ba ang lahat? Puwede na po ba tayong magsimula?" tanong niya sa kaniyang mga kasamahan."Yes, Ma'am Mikaela, handa na kami!" sabay-sabay na sagot naman ng mga volunteer."Okay, simulan na po natin," nakangiti at excited na sabi niya.Nagkani-kaniyang puwesto na ang lahat at inihanda ang mga sarili sa pamimigay ng mga relief goods, sinamahan na rin nila ng g
Pagdating ng magkaibigang Fiero at Inggo sa court ay hindi nila inaasahan na dadagsain ng tao ang lugar. Nag-dalawang isip tuloy sila kung itutuloy pa ba o hindi na lang ang pagpila dahil sa haba nito, ngunit sa huli ay mas pinili ni Inggo na magtiyagang pumila. Hindi puwedeng umuwi siya nang walang dala dahil paniguradong yari siya sa kaniyang asawa.Sa sobrang haba ng pila ay halos hindi na nila matanaw ang mga volunteer na namimigay."Ayos lang makakarating din tayo sa unahan, mabilis lang naman ang abutan," sabi ni Inggo na pinakakalma ang sarili para hindi makaramdam ng pagka-bagot."Dapat pala alas sais pa lang ng umaga ay nakapila na tayo," ani Fiero. Mabilis naman ang usad ng pila ngunit sa tingin niya ay aabutin pa rin ng kulang dalawang oras bago sila makarating sa pinaka unahan."Oo nga, ito naman kasing si Imang ang sabi sa akin ay siya ang pupunta, tapos ang siste ay ako pa rin pala ang uutusan. Dinadala lang kasi ako sa tapang ng babaeng 'yon, eh. Napakagaling manakot,"
"I regret to inform you, Congressman Montreal, that even after trying different treatments, the tests we did show no improvement. It's still unlikely for you and your wife to have a baby. I know you might not like other ways of having a child, but right now, it's the only option I can suggest. I think you should think about them because it's uncertain if you'll be able to have a baby with your current situation."Iyon ang mga salitang hindi mawala-wala sa isip ni Blaine nang mag-usap sila kanina lang ni Dra.Garces. Simula nang malaman niya ang tunay niyang kalagayan ay ginawa niya ang lahat, nakipag-cooperate siya sa mga doctor para sa ikakabuti ng kaniyang sitwayon. Ang mga kailangang test at gamutan ay palihim lamang niyang ginagawa. Nakuha pa nga niyang pumunta ng ibang bansa para sa ilang mga treatment ng hindi nalalaman ni Mikaela ang totoong dahilan ng pag-alis niya. Mahigpit na itinago niya ang lahat ng iyon sa kaniyang asawa.Nasa kanilang family rest house siya ngayon, hindi
Mabilisan lang ang pagbibihis na ginawa ni Mikaela, hindi na siya nag-ayos ng todo. Nagpahid lang siya nang liptint sa labi para hindi magmukhang maputla at naglagay ng konting pulbo sa mukha. Na-maximize niya ang kaniyang oras at nagawa niyang makahabol sa inauguration ng hindi nale-late.Agad niyang hinanap ang kaniyang biyenan, hindi pupwedeng hindi nito makita ang presensiya niya. Natagpuan niya ito sa pinaka unang upuan malapit sa stage. Agad siyang lumapit dito. "I'm sorry for being late, Mama." Tumabi siya ng upo sa ginang.Nalukot naman ang mukha ni Claudia nang makita siya. "Kung hindi mo kayang magising nang maaga ay huwag ka nang mangako na sasama. Ang ayoko sa lahat ay iyong pinaghihintay ako. Maiksi lang ang pasensiya ko at hindi ka espesyal na tao para hintayin ko. Kung alam mo ang ibig sabihin ng salitang 'commitment' ay maaga pa lang nakahanda ka na. Hindi pasado sa akin ang ugali mong 'yan, Mikaela. Kahit kailan talaga ay palpak ka, wala ka nang ginawang tama," sermo
Balik sa palengke si Fiero. Hindi pa sapat ang ipon niya para makapagpagawa ng kariton na gagamitin niya sa pagtitinda ng mga street foods kaya patuloy pa rin siyang natitiyagang magtrabaho bilang kargador."O ano kaya mo pa ba?" Nanghahamon ang tono ng boses ni Inggo habang pasan-pasan sa balikat ang isang sako ng bigas na dadalhin nito sa bigasan ni Mang Nanding. "Bakit?" kunot noong tanong ni Fiero. Magkaiba sila ng binubuhat ngayon dahil magkaiba rin ang kliyente nila, kung si Inggo ay sako-sakong bigas ang pasan, ang sa kaniya naman ay sako ng mga gulay . Alas tres pa lang ng umaga ay nasa palengke na sila para maghakot ng mga bubuhatin. Alas siyete na ng umaga ng matapos sila. "Gusto mo bang sumama sa akin, ha Fiero?" tanong Inggo. Sabay silang kumakain ng almusal sa suki nilang karenderiya.Itinigil ni Fiero ang pagkain at bumaling kay Inggo. "Bakit ano ang gagawin mo sa Maynila?" takang tanong niya sa kaibigan."Gusto ko nang mas malaking suweldo at magandang trabaho. Hindi
Gabi na ng makarating sina Fiero sa bahay ng pinsan ni Inggo na si Franco. Inaasahan na nito ang pagdating nila kaya naman nakapagluto na ito ng pagkain para sa kanila."Ginabi na kayo," sabi ni Franco nang pagbuksan sila nito ng pinto."Nagkaroon ng konting problema ang barkong sinasakyan namin. Dapat sana mga alas kuwatro pa lang nang hapon ay narito na kami," paliwanag ni Inggo kung bakit sila ginabi nang dating."Ah, ganun ba? Ayos na rin, mabuti naman at hindi malaki ang naging problema sa barkong sinsakyan ninyo, kung hindi ay baka mas lalo pang tumagal ang biyahe ninyo.""Kaya nga eh. Siya nga pala, kasama ko si Fiero, siya ang kaibigan na sinasabi ko sa'yo. Fiero ito nga pala si Franco ang pinsan ko," pagpapakilala nito sa dalawa."Maraming salamat sa pagtanggap mo sa amin dito," ani Fiero, inalok niya ang kamay kay Franco para makipag-shake hands na agad naman nitong tinugon."Naku, walang anuman, isang sabi lang sa akin ni Inggo, hangga't kaya kong makatulong ay tutulong ako
Sa ilang araw na pagtatrabaho ni Fiero sa construction bilang labor ay unti-unti na niyang nagagamay ang kaniyang trabaho. Unti-unti na rin siyang nakakasabay sa buhay sa siyudad. Kahit wala silang ginawa kung hindi ang magtrabaho, para sa kaniya ay mas maayos ang buhay niya ngayon. Bukod sa marami silang nakakasalamuhang tao ay marami rin siyang natutunan sa mga kasama niya. Nagpapasalamat siya at mababait ang mga ito at kapag may hindi siya alam na mga gawain ay willing naman ang mga ito na turuan siya.Si Franco at Inggo naman ay malaki na rin ang naitutulong sa kaniya. Sa pagpapatira pa lamang ng mga ito sa kaniya at pagtulong na makapasok sa trabaho ay malaking utang na loob na niya para sa mga ito.Lingguhan ang kanilang suweldo at tatlong beses na siyang nakakatanggap ng sahod sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Masaya siya at malaki-laki na ang naitatabi niya, iniipon niya ang ibang kita niya para sa pag-aaral ng kapatid na si Isabel."O, ano, uuwi ka na ba?" tanong ni Inggo