Ang istoryang ito ay ang Book 2 ng Ofw Wife of A Billionaire. Si Louisse Nicolas ay napilitang maglayas sa puder ng kaniyang mga magulang dahil sa halos araw-araw nitong pagbabangayan dahil sa pagka-lulong ng kaniyang ama dahil sa sugal. Dahil dito napilitan si Louisse na mamasukan bilang cleaner sa isang Motel sa Malate. Nang dahil sa isang pagkakamali ay nalagay sa panganib ang kaniyang sarili dahil sa isang bagay na hindi niya dapat makita. At iyon ay ang pagtatalik ng isa sa mayaman at maipluwensyamg tao na si Lester Duavit sa isang babae na ngayon lang niya nakita sa buong buhay niya. Lingid sa kaalaman ni Louisse na dahil dito ay pagtatangkaan ni Lester ang katahimikan ang kaniyang buhay, ngunit sa kasamaang palad ay pumalpak ang plano ni Lester at nabuhay si Louisse. Tila pumapabor naman kay Louisse ang ikot ng mundo ng madampot at matulungan siya ni Anthony Eduardo. Ang Don sa Malate. Ang lalaking tinitingala ng lahat. Anong mangyayari kung sa paggising niya ay malaman niyang si Lester na nagtangkang pumatay sa kanya ay ang nakababatang step-brother ni Anthony at ang babaeng binabayo ni Lester ay walang iba kundi ang fiancee ni Anthony. Hanggang kailan nila maitatago ang kanilang pagtataksil sa kaniyang boss/step-brother? Paano kung malaman niya na ang kaniyang kanang kamay at pinagkakatiwalaan niya ay step brother pala niya? Hanggang saan ang kayang ibigay ni Louisse kay Anthony kung umamin itong hulog na siya sa dalaga?
View MoreNang abutin niya ang bulsa ng kanyang jacket, napigil ang hininga ko. Natatakot akong baka kunin niya ang parehong baril at talagang tapusin ang sinimulan niya. Kahit pa magpaputok siya, siguradong walang makakarinig. Alam ni Lester ang ginagawa niya, at hindi iyon magandang senyales. Kalaban ko ang isang propesyonal na mamatay tao. "Alam mo ba kung ano ito?" tanong niya, habang hawak ang isang maliit na hiringgilya na may dilaw na likido sa loob. Umiling ako, hindi maialis ang tingin ko roon. "Ito ang tinatawag nilang magic shot. pag tinusuk ko ang karayom na to sa ugat mo, , pindutin ang plunger, at boom tapos na ang problema. Ang laman nito ay magdudulot sa'yo ng atake sa puso." "Diyos ko! Alam kong babalik siya para tapusin ako! Mawawala na ako sa isang iglap!" "pero wag kang mag-alala. Hindi ko iyon gagawin kya kalma ka lab saway niya nang walang awa. "Hindi?" paos kong tanong. "Hindi ako tanga," inikot niya ang mga mata habang isinusuksok ang hiringgilya sa kanyang
“fvck! Sino siya?!” Mahina kong bulong ng maiwan na lang kami ng lalaking kasama ko sa silid na tinatawag niyang Mr.Eduardo. Hindi ko siya kilala. Ngayon ko lang siya nakita sa buong buhay ko. Ang madilim at malamlam niyang titig ay nagdulot ng hindi magandang kilabot sa akin, at tumayo ang balahibo ko sa mga braso ko. Isang tingin pa lang, nahulaan ko na kung anong klaseng mundo ang ginagalawan niya. Ayokong malaman kung saan siya galing, ano ang ginagawa niya, o kung bakit siya nakaupo sa tabi ko. Gusto ko lang magpasalamat sa kanya sa pagligtas niya sa akin at hilingin na pwede na siyang umalis . Hindi ko planong makipag-ugnayan pa sa kanya . Isa pa bakit siya interesado siya na malaman kung kilala ko si Lester ?, ang lalaking nagtangkang ipadala ako sa kabilang buhay. Kailangan kong makatakas, ng mabilis. Kung sakaling malaman ni Lester na nabuhay ako, tiyak na babalik siya para tapusin ang trabaho niya. Pero paano ako makakatakas kung halos wala na akong lakas? Ang simple
Nagkamali ako— dahil in-under estimate ko si Louisse, walang ibang pwedeng sisihi dito kundi ang sarili ko. “Fvck!” anas ko sa sarili ko. Tumingin ako ng diretso sa kaniya, nakatitig ako sa kaniya pero hindi ko naririnig ang tuloy tukoy niyang sinasabi. May sariling buhay ang utak ko. Hindi pa ako kailanman pumalya sa isang trabaho. Isa ako sa pinaka-mahusay na tauhan ni Anthony sa laramgan ng oagbawi ng buhay ng taong nagkakasala sa amin. ilang oras na ang ginugol ko sa shooting range, sa gym, sa pag-ensayo, sa pagpapabuti ng aking sarili. Ang hindi ko din maintindihan kung ano nangyari sa araw na iyon? Tang ina nasa isang madilim na eskinita, walang tao at perpekto ang pagkakataon! Simpleng bagay dapat, pero pumalpak ako. At para bang hindi pa iyon sapat, wala akong ideya na si Anthony pala ay nasa tambayan ng sandaling iyon, nag-aayos ng isa pang biyahe. Maswerte pa yata ako kaysa matalino. Kung nakita niya ako noon… Paniguradong patay na ako ngayon. Ayaw na ayaw pa nam
KINUKASAN “Hello Anthony! This is Dr. Intalan. Come to the hospital now, gising na si sleeping beauty.” Pagkarinig ko nito ay hindi na ako naghintay pa ng sandali. Mabilis akong nag-ayos ng aking sarili at nagtungo sa ospital kasam ang mga bodyguard ko. Pagdating ko sa ospital nagmamadali akong pumasok sa kwarto ni a.k.a sleeping beauty, halos magkabanggaan pa kami ni Dr. Intalan. Binati niya ako ng isang maliit na ngiti at inangat ang kanyang salamin sa kanyang ilong. “Hi Dok. Kamusta na siya? Mabuti naman at nagising na siya“ nag-aalala kong tanong sa kaniya. Dahil Pag-alis ko kinaumagahan, wala pa rin siyang malay. “Okay na siya kagaya nung mga nakaraan. Nagising siya ng ilang minuto, pero sobrang disoriented siya at hindi masyadong nagsasalita.” Sagot ni Dr.Intalan “Ano ba naman yan. Akala ko pa naman gising na siya?!” Dismayado kong sabi “Eh pano naman ikaw, hindi pa ako tapos magsalita pinatayan mo na ako ng telepono. Magpapaliwanag pa nga ako sayo eh.” mapang asar n
Dahil sa halos dalawang araw na magkasunod na hindi ako nakakatulog sa bahay namin ay nagpalipas ako ng isang gabi sa bahay ko, kinabukasan ay sinundo ko si Maise sa bahay nila para ayain siyang mag almusal. Tahimik lang si Maise, nakakapanibago ang inaasal niya. Hindi ito ang Maise na kilala ko. “anong himala ang nangyari at tahimik ja ata?” tanong ko sa kaniya. Iniangat ni Maise ang ulo niya at tumingin sa akin. “Wala lang. Baka inaatake lang ako ng anxiety dahil sa paparating nating kasal.” Tugon niya sa akin. Napakunot noo ako. “anxiety? Matagal pa ang kasal natin ahh?! May dalawang taon pa?. “ sagot ko ng may pagtataka “ganoon talaga . Iba naman kaming mga babae kaysa sa inyo. Kayo walang pakiealam. Pakiramdam niyo basta makapagbigay kayo ng pera ay ayos na. Kaming mga babae hindi ganoon. Kaming mga babae gusto naman bawat detalye ay alam namin.” Bahagya siyang ngumiti, sa akin. Pinunasan niya ang mga labi niya ng napkin. Alam ko ang ganitong uri ng pag ngiti ni Maise. Ma
“Kung hindi siya magsalita, edi kailangan mong maghanap ng ibang paraan. Kailan pa nagkaruon ng pagdududa sa kaniyang desisyon ang isang Anthony Eduardo?! Haha.. Pero tandaan mo, minsan ang paghahanap ng katotohanan ay nagdudulot ng sakit na mas mahirap tiisin kaysa hindi mo malaman." Tahimik akong tumitig sa babaeng ito.“Basta hindi ako maghihintay ng matagal, Doc. Ang bawat segundo ay parang patibong na naghihintay na mahulog ako. Alam mo ang mga kalaban ko ngayon. Hindi ko iyon palalampasin. "Tumayo si Dr. Intalan at ipinapatong ang isang kamay niya sa balikat ko."Kung ganoon, simulang mo nang magtiwala. Hindi sa kanya... kundi sa sarili mong kakayahan na harapin ang anumang katotohanang matutuklasan mo. Gawin mo kung ano ang kaya mong gawin, pero tandaan mo na hindi lahat ng sagot ay makukuha mo kaagad. Iba ang reyalidad ng buhay sa pantasya, yan ang palagi mong tatandaan.” Nang umalis siya sa kwarto, naramdaman ko ang lamig ng gabi na tila pumapasok sa aking mga buto. Ang bi
ANTHONY EDUARDO POVNagulat si Dr. Intalan na pagpasok niya sa loob ng room ni Louisse ay nasa loob pa rin ako. Matagal ko ng kakilala si Dr. Intalan at kaibigan, mapapagkatiwalaan siya ng buong pamilya namin kaya sa tingin pa lang ay alam ko na ang ibig niyang sabihin."Oh wow! Anong milagro at nandito ka pa rin? Di’ba sinabi ko na sayong stable na ang kundisyon ni Louisse, Mr. Eduardo, wala ka ng dapat pang alalahanin! Makakauwi ka na at makakahinga ng maluwag. Kailangan niya lang ng kaunting recovery and all is well."Hindi ako sumagot sa kaniya kaagad. Inangat ko ang tingin ko mula sa mahimbing na natutulog na babaeng ito. Ang mahinang sabi ni Dr.Intalan ay may halong pagtataka, ngunit ang tono niya ay nanatiling kalmado at propesyonal.Ilang segundo lang ang nakalipas saka ako sumagot"Okay, sabi mo ee.. May bagay lang kasi akong pinag-tatakhan at ayokong umalis nang hindi ko iyon nalalaman.” mahinahon pero naguguluhan kong sabi“Ano na naman ba yun Anthony? Ikaw para kang Daddy
Dalawang round pa ang lumipas bago ikami tuluyang bumagsak sa kama, kapwa habol ang aming mga hininga. Si Maise ang stress reliever ko—sa tuwing nasa piling ko siya, tila nawawala lahat ng problema ko. Pero minsan, hindi ko pa rin lubos maisip kung paano niya ako nahatak sa ganitong sitwasyon. Sa tuwing tinititigan ko siya, napapa-isip ako. Napakabata niya, pero hawak na niya ako sa leeg. “Ano ang iniisip mo?” tanong niya nang marahan habang gumuguhit ng mga linya sa aking dibdib gamit ang kanyang daliri. “Hindi na naman mawala sa isip ko ang nalalapit mong kasal! Para na naman akong sinasakal!” Biglang nanigas ang katawan niya. Tumigil siya sa paglalaro sa balat ko, saka dahan-dahang umupo sa ibabaw ko. Nang magtama ang aming mga mata, may kirot akong nabasa sa kanya. Malamim siyang bumuntong hininga saka nagsalita na puno ng pait “hay babe. Kung ako ang tatanungin?! Ayoko ng sumipot sa kasalang yun! Para saan pa?! Alam mong masasaktan lang ako nang sobra tapos makikita
Sa totoo kaya ako lumapit kay Anthony para ipaghiganti ang ginawa ng pamilya Eduardo sa Mommy ko at maagaw ang kapangyarihang mayroon si Anthony dahil isa din akong Eduardo! Isang bagay na pinagkait sa ama ko dahilan para kitilin ni Mommy ang sarili niyang buhay ng dahil sa matinding depression. Kinasusuklaman ko ang mga Eduardo , hindi lang ang angkan ng Eduardo kundi pati na ang angkan ng Lola Amara nila Anthony. Unti-unti makukuha ko din ang buhay na pinagkait nila sa pamilya ko! This bullshit family tree.Kaya nang magkaruon ako ng oportunidad na dumikit kay Anthony noong nasa high school days pa kami hindi ko na ito pinalampas. Naging tagapag tanggol niya ako sa mga taong nambu-bully sa kaniya. Hanggang sa unti unti ay nakuha kona ang loob niya. At doon na ako nakapasok sa pamilya nila. Halos mag tatlong dekada ko nang kinikimkim ang lahat. Noong unang pumasok ako sa relasyon namin ni Maise, takot na takot ako. Baka ng dahil sa babae ay masira na lang lahat ng pinaghirapan ko! A
PRESENT TIME (IN THE HOSPITAL)ANTHONY EDUARDO;“Sino ka?! Nasaan ako?! Anong gagawin mo sakin… wag please lumayo ka sakin!!…” nanginginig niyang sabi habang ang bugal bugal na pawis sa kaniyang tuyong mukha ay biglang tumagaktak. Dahil sa pagka-taranta at matinding takot ay bigla niyang ginalaw ang kaniyang balikat. “Ahhhhh…” malakas niyang daing ng sakit sa biglaan niyang pagkilos."Lie still, hindi ka pa pwedeng gumalaw masyado, Miss hindi pa magaling ang sugat mo!" saway ko sa kanya, hindi ako sigurado kung naiintindihan niya ang aking sinasabi. “Kailangan mo pa ng pahinga!” Sa nakikita ko ay para siyang groge pa dala ng gamot na anaestecia na ginamit sa kaniya.Dinilaan niya ang pumuputok niyang labi at dahan-dahang ibinaling ang kaniyang ulo sa akin. Hindi naman maipinta ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Marahil , dahil sa trauma na inabot niya sa tao o mga taong gumawa nito sa kaniya. Mababakas ito sa dami ng pasa at sugat sa kaniyang katawan. Pero aaminin ko, hindi ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments