Naku! Kung magsusumbong talaga tong tukmol na to, wala na talaga katapusan mo na, paniguradong gagawan na ako ng final action ng bruhang ito! Ayan lang naman hinihintay niya ang magkamali ako at may mag-complaint sa akin.
“Nothing. Thank you Ms. Ronalyn for your special treatment on me as usual!” malandi na sabi ng lalaking ito kay Barney na siguradong nang-uuto “ Mayroon lang kaming kaunting hindi pagkakaintindihan, tama Miss Louisse?!” Ngumiti ako nang malapad, at hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya.“Yes sir.” pilit kong sabi“Your most welcome Sir, girls. Get back to work!” Anas ni Barney. “Iwan niyo na si Louisse Nicolas diyan kayong dalawa lumipat na kayo ng kwarto may new arrival tayo 10 minutes dapat tapos na yung room 201.” Dagdag pa niyo.Hindi ko naman din talaga sinasadya, akala ko talaga wala ng guest sa room na yun. Wala ding nakalagay na do not disturb sign sa labas ng pinto kaya dire-diretso lang ako at aksidente kong naabutan na nag-se-sex sila.“Ahhh sir, i sincerely apologize on what happen last time. Pasensya na po talaga,. May kasalanan din ako.” Inilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko ng may kaakit akit na tingin sa lalaking iyon.Mabilis kong tinapos ang paglilinis ko. Sumunod na ako kila Greyson . Dire-diretso akong naglakad papalayo, pero kahit nakatalikod ramdam ko ang mga matang nakasunod sa akin. “Dyusmiyo marimar! Anong laro naman kaya ang gustong laruin ng lalaking yun! Sana lang hindi ko na siya makasalubong ulit.” sabi ko sa sarili ko habang naglalakadNaabutan ako ni Greyson pagtapos ng shift ko, nang magpapalit na ako sa locker room. Galit na galit na naman siya sa akin dahil sa naging kapalpakan ko noong nakaraang araw. Malamang ay sinabon siya ni Barney dahil sa siya ang superior ko.
“Ano ba naman yan Louisse. Please lang ayusin mo naman. Niyawyawan na naman ako ni Barney! Bwisit na baboy yan! Buti na lang din mabait ang guest mo!” Iritable niyang sabi sa akin. “Diyos ko naman Greyson! Para kang namatayan ng buong pamilya. Humingi na ako ng pasensiya sa guest diba, tapos na iyon, di ba? Don’t worry hindi na mauulit.” Sabi ko sa kaniya ng taos puso na humingi ng pasensya. “Pasensya na sobrang pagod ko lang din talaga siguro ngayong araw.” Sabi niya sa akin.“Naiintindihan ko naman, okay lang. Magpahinga ka at mag-recharge! Plano ko ring gawin iyan. Siguro mag re request muna ako ng day off.” Sabi ko sa kaniya“ oo nga pala sabi ni Barney mag off ka daw bukas .” Napanganga ako, hindi makapaniwala sa sinabi niya.Ako mag da- day off? During the weekends? Anong himala ang nangyayari? Nilalagnat ba ang bruha?! Tanong ko sa sarili ko.“Joke ba yan?! Paanong binigyan niya ako ng leave kung kelan pa busy? I can’t believe it. Anong nakain ng bruhang yun?!” Sabi ko pa.“Ewan ko, Louisse. Sinabi lang niya na day off ka . Sabihin ko daw sayo. Ayaw mo nun makakapag relax ka ng husto. Ang swerte mo nga ee.” Sabi niya sa akin.“Kaya nga. Sige salamat. Tinamaan ng konsensya ang bruha .” Natatawa kong sabiIsinara ko ang locker ko at sinuot ang sweatshirt, iniisip ko ang sinabi ni Greyson. Nakakaramdam pa rin pala ng kaunting awa ang bruha. Mabuti naman mas okay ang weekends at sobrang busy nun.Mabilis na nagdaan ang oras, halos hindi na namin namalayang mag uuwian na pala sa sobrang pagka busy. Puno kasi ang hotel dahil sa mag holiday na naman.“Girl cancel off na naman daw tayo sa ng dimonyita. “ nagdadabog na sabi ni Greyson sa akin.“Haist kakainis talaga ang bruha.” Mapapaiyak na lang talaga ako sa inis. Pagod na pagod na ang katawang lupa ko.Halos natutulog na akong naglakad pauwi. Naninigas na ang mga paa ko at pakiramdam ko’y matutulog lang ako buong araw.Tatlong magkasunod na gabi na akong nagtatrabaho, at hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa ito makakaya. Gustong-gusto talaga ni Barney na pahirapan ako nang walang awa. Inuubos talaga nitong bruhang to ang pasensya ko. Kailangan makausap ko na si Jameson para makalipat na ako ng trabaho at ng makapag resign na dito. Habang naglalakad, napansin kong may mabagal na itim na kotse sa kabilang kalsada, na parang sinusundan ako. Nanginginig akong naglakad ng mabilis, tinakpan ang ulo ko gamit ang hood ng aking sweatshirt, at lumiko ako kahit hindi iyon ang way pauwi sa apartment ko.Hindi hihigit sa ilang metro ang layo ng apartment ko, kaya bumilis pa ako at palihim na sumilip sa hood. Lumiko rin ang kotse at patuloy na sumunod sa akin.“Tang ina naman! Baka naman kidnappin ako nito o holdapin.” Bulong ko sa sarili ko. Halos paliraparin ko na ang sarili ko para lang makarating na ako sa apartment ko sa ilang minutong paliko-liko ko.Sigurado kong ako ang sinusundan nun.Pagdating sa apartment, isinara ko ang pinto, inilock ko lahat ng kandado, at sumilip ako mula sa kurtina. Huminto saglit ang kotse sa harap ng hagdanan pero hindi naman ito bumaba. Natawa na lang din ako sa sarili ko at naupo sa sofa ko. Hindi ko alam kung paranoid lang ba ako, pero masama ang pakiramdam ko tungkol sa sasakyan na iyon. Mas mabuti ng nag iingat. Haist makagawa ng ang pepper spray bukas at malagyan ng alarm ang pinto ng apartment ko.TEXT MESSAGE FROM BARNEY : [sorry Louisse, dahil nag-co-cost cutting ang company. Isa ka sa mga na terminate. Kuhain mo na lang ang salary mo last month at bibigyan ka namin ng clearance. Pakidala na lang din ang keycard mo at locker key!]Parang huminto ang paligid ko. Bigla bigla akong tinanggal sa trabaho? Anong dahilan? Hindi ko alam.Gayunpaman . Nag reply ako sa kaniya [okay Mam!] saka ko bnilocked ang number niya. Pero dahil masama ang loob ko. Tinawagan ko si Greyson.“Girl, ano bang mabisang gawin para mabawasan ang bigat ng pakiramdam ko?!” Tanong ko sa kaniyaNarinig ko naman ang pagmamaktol nito mula sa kabilang linya “punyeta naman Louisse, tinawagan mo ko ng dahil lang diyan?! Mag inom ka na lang. Matutulog na ako.” Hindi pa man ako nakakasagot ay pinatayan na niya ako ng tawag. Kaya naman uminom na lang ako. Nang malasing na ako ay kinausap ko ang sarili mo.“Ikaw punyeta ka Barney” na ngo ngongong sabi ko habang kausap na literal na Barney stuffed toy na nasa harapan
“Tang ina naman! Bakit ba ayaw magsisagot ng mga ‘to!” Halos ibalibag ko ang sarili ko kama. Tumingin ako sa kisame ng ilang minuto at saka ako mabilis na bumangon. Haist walang mangyayari kung magmumukmok ako sa loob ng apartment na ‘to. Hindi ako matutulungan ng mga ipis at daga na mawala ang pagka badtrip ko.Kaya sa sobrang inis ay nagpagdedisyunan kong mag unwind sa bar ni Kelly, ang kaibigan kong bakla. Nakaupo ako sa harapan ng bar counter at nagpakalasing ng husto. Okay, siguro sabihin na nating hindi naman ganap na lasing, pero pangatlong beer ko na ito at alam na alam ni Kelly na hindi ako pala-inom, at hindi ko kaya ang sibrang pag-iinom kaya pinagmamasdan niya ako ng naka kunot-noo "spill it girl! Ano na naman bang katangahan ang nangyari sayo?” tanong niya sa akin, sa kaniyang tono ay alam mong nagtataka siya sa nangyayari."wala”“Anong wala tignan mo yang itsura mo wasted na wasted ka!”“Haha! Wala nga... just chillin." tugon ko sa kaniya. Gusto kong sabihin sa kany
" Huwag na po Kuya, kaya ko na ito". Kumaway ako sa kaniya at bumaba sa stool. Sa kasamaang-palad, biglang pumitik ang tama ng alak sa akin bago ko pa namalayan, natumba na ako. Laking gulat ko nang saluhin ako ng estranghero."Oops!""see i told you!,” sabi niya na parang may banta, sabay balik sa akin sa pagkakatayo.Ngayon ko lang itinaas ang ulo ko para tignan siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong nakatingin ako sa mga pamilyar na mata. Madilim ang mga mata niya. Akala ko nagkakaroon lang ako ng ilusyon dahil sa alak, pero habang tumatagal, mas nagiging totoo ito.Oh my God! Talaga ba Louisse?! Si Mr. Lester Duavit mismo ang taong nasa harapan ko!Bakit nandito siya?, anong ginagawa niya dito? Sa ganitong oras? Co-insidence ba ito?Pero malabo…Bakit naman pupunta ang isang mayaman sa bar ni Kelly na hindi naman kagandahan ang itsura ng lugar, kung tutuusin mukha itong gusgusing lugar kung saan natutulog ang mga lasinggero sa mesa! Nakaupo siya sa sirang st
“Ibig sabihin ay isa din akong makapangyarihan tao, at walang sinuman ang pwedeng bumangga sakin kaya kahit magsumbong ka sa mga pulis ay wala ring magagawa.” umarte siya na tila kinakamot niya ng kaniyang baril ang kaniyang ulo “hindi ako makakapayag ng dahil sayo ay mabuko kami ni Anthony! Never!” "Sir, excuse me lang aah. H-hindi ko pa rin naiintindihan ang lahat ng ito. Ayokong mamatay ng dahil sa problema mo o ng pamilya mo! Hindi nga kita personally na kilala."“Oh dear, mukhang hindi mo din naiintindihan ang kinasangkutan mo?! hindi basta basta nagtatalik lang ang nakita mo, honey ito ay tungkol sa isang sikretong hindi mo dapat nakita” Ngumiti siya ng may pang iinsulto at itinutok ang baril sa aking harapan, para itong may silencer para kahit na iputok niya ito ay walang kahit na anong tunog ang aalingawngaw. Ito na ang katapusan ko, wala na akong oras para iligtas ang sarili ko. Tinitigan ko ang manipis na tubo na nakaturo sa akin. Isang kalabit lang sa gatilyo ay siguradong
Sa totoo kaya ako lumapit kay Anthony para ipaghiganti ang ginawa ng pamilya Eduardo sa Mommy ko at maagaw ang kapangyarihang mayroon si Anthony dahil isa din akong Eduardo! Isang bagay na pinagkait sa ama ko dahilan para kitilin ni Mommy ang sarili niyang buhay ng dahil sa matinding depression. Kinasusuklaman ko ang mga Eduardo , hindi lang ang angkan ng Eduardo kundi pati na ang angkan ng Lola Amara nila Anthony. Unti-unti makukuha ko din ang buhay na pinagkait nila sa pamilya ko! This bullshit family tree.Kaya nang magkaruon ako ng oportunidad na dumikit kay Anthony noong nasa high school days pa kami hindi ko na ito pinalampas. Naging tagapag tanggol niya ako sa mga taong nambu-bully sa kaniya. Hanggang sa unti unti ay nakuha kona ang loob niya. At doon na ako nakapasok sa pamilya nila. Halos mag tatlong dekada ko nang kinikimkim ang lahat. Noong unang pumasok ako sa relasyon namin ni Maise, takot na takot ako. Baka ng dahil sa babae ay masira na lang lahat ng pinaghirapan ko! A
Dalawang round pa ang lumipas bago ikami tuluyang bumagsak sa kama, kapwa habol ang aming mga hininga. Si Maise ang stress reliever ko—sa tuwing nasa piling ko siya, tila nawawala lahat ng problema ko. Pero minsan, hindi ko pa rin lubos maisip kung paano niya ako nahatak sa ganitong sitwasyon. Sa tuwing tinititigan ko siya, napapa-isip ako. Napakabata niya, pero hawak na niya ako sa leeg. “Ano ang iniisip mo?” tanong niya nang marahan habang gumuguhit ng mga linya sa aking dibdib gamit ang kanyang daliri. “Hindi na naman mawala sa isip ko ang nalalapit mong kasal! Para na naman akong sinasakal!” Biglang nanigas ang katawan niya. Tumigil siya sa paglalaro sa balat ko, saka dahan-dahang umupo sa ibabaw ko. Nang magtama ang aming mga mata, may kirot akong nabasa sa kanya. Malamim siyang bumuntong hininga saka nagsalita na puno ng pait “hay babe. Kung ako ang tatanungin?! Ayoko ng sumipot sa kasalang yun! Para saan pa?! Alam mong masasaktan lang ako nang sobra tapos makikita
ANTHONY EDUARDO POVNagulat si Dr. Intalan na pagpasok niya sa loob ng room ni Louisse ay nasa loob pa rin ako. Matagal ko ng kakilala si Dr. Intalan at kaibigan, mapapagkatiwalaan siya ng buong pamilya namin kaya sa tingin pa lang ay alam ko na ang ibig niyang sabihin."Oh wow! Anong milagro at nandito ka pa rin? Di’ba sinabi ko na sayong stable na ang kundisyon ni Louisse, Mr. Eduardo, wala ka ng dapat pang alalahanin! Makakauwi ka na at makakahinga ng maluwag. Kailangan niya lang ng kaunting recovery and all is well."Hindi ako sumagot sa kaniya kaagad. Inangat ko ang tingin ko mula sa mahimbing na natutulog na babaeng ito. Ang mahinang sabi ni Dr.Intalan ay may halong pagtataka, ngunit ang tono niya ay nanatiling kalmado at propesyonal.Ilang segundo lang ang nakalipas saka ako sumagot"Okay, sabi mo ee.. May bagay lang kasi akong pinag-tatakhan at ayokong umalis nang hindi ko iyon nalalaman.” mahinahon pero naguguluhan kong sabi“Ano na naman ba yun Anthony? Ikaw para kang Daddy
“Kung hindi siya magsalita, edi kailangan mong maghanap ng ibang paraan. Kailan pa nagkaruon ng pagdududa sa kaniyang desisyon ang isang Anthony Eduardo?! Haha.. Pero tandaan mo, minsan ang paghahanap ng katotohanan ay nagdudulot ng sakit na mas mahirap tiisin kaysa hindi mo malaman." Tahimik akong tumitig sa babaeng ito.“Basta hindi ako maghihintay ng matagal, Doc. Ang bawat segundo ay parang patibong na naghihintay na mahulog ako. Alam mo ang mga kalaban ko ngayon. Hindi ko iyon palalampasin. "Tumayo si Dr. Intalan at ipinapatong ang isang kamay niya sa balikat ko."Kung ganoon, simulang mo nang magtiwala. Hindi sa kanya... kundi sa sarili mong kakayahan na harapin ang anumang katotohanang matutuklasan mo. Gawin mo kung ano ang kaya mong gawin, pero tandaan mo na hindi lahat ng sagot ay makukuha mo kaagad. Iba ang reyalidad ng buhay sa pantasya, yan ang palagi mong tatandaan.” Nang umalis siya sa kwarto, naramdaman ko ang lamig ng gabi na tila pumapasok sa aking mga buto. Ang bi
Pagkababa ni Anthony ay maganda ang mood niya. Kinuha niya ang inumin na inihanda ni Ate Beb at naupo sa veranda, pinagmamasdan niya ang hardin habang nilalagok ang malamig na inumin.Simula noong unang nabuo sa isip niya ang plano para kay Louisse, handa na siya na kahit na anu pa mang kahihinatnan nitong kalokohang naisip niya. Napuno na niya ang wardrobe nito, inihanda ang silid, at nakipagplano ng bagong menu kay Ate Beb. Kailangang maging komportable si Louisse sa bahay na ito na parang nasa sarili niyang tahanan siya. “Hey.”Naputol ang pag-iisip ni Anthony nang marinig ang matamis na tinig ni Louisse mula sa kaniyang likuran. Napangiti siya at agad na itinaas ang kaniyang ulo, bahagyang napataas ang kilay niya sa gulat. Damn, she's too hot,Naisip niya, ngunit pinigilan niya ang sarili na matawa sa suot nitong kasuotan.“My God, Louisse, ano yang suot mo?” ibinaba niya ang baso at tumayo, sinipat niya si Louisse mula ulo hanggang paa.“ ano pa nga ba? Edi mga damit ko,” sago
"Halika na, may utang ka pa at hindi ka pa nakakabayad sa akin.” Piniga niya ang panga niya upang pigilan ang sarili na suntukin ito. Natutukso siyang ipakita ang hindi niya pagkagusto, pero alam niyang wala itong epekto kay Anthony kahit pa magwala siya ngayon sa harapan nito, wala rin namang silbi. Dahil kung gaano kataas ang pride niya ay ganuon din ito kakulit. "Let’s go." Inutusan siya ni Anthony, sabay kuha sa kanyang kamay upang akayin siya pataas. "Ayan ganyan nga? Oh diba mas okay kung susunod ka na lang muna sa gusto ko?, para naman ito sa ikabubuti mo.”Naglakad sila sa maliwanag at maluwag na pasilyo na tahimik, bago sila nakarating sa isang pintuan na binuksan ni Anthony para sa kanya. Tulad ng ibang bahagi ng bahay, ang kwarto ay nakakasilaw sa kalinisan at kaayusan. Sa kaliwang bahagi nito ay may malaking kama na may puting kumot. Ang pader sa itaas nito ay pinalamutian ng brown brick, at ang sahig ay natatakpan ng mga light panel at isang malambot na karpet. Ang buong
"Kung ang ibig mong sabihin ay kung kasama ko sila Mommy?Ang sagot ay hindi.Kasama ko dito si Ate Beb. Halos parang pangalawang ina ko na siya, matagal na siyang naninilbihan sa akin, pero hindi siya dito nakatira. Stay out siya, malapit lang ang bahay niya dito. Araw-araw siyang pumupunta para mag-asikaso ng mga kailangan dito sa bahay. Kaya kung may kailangan ka, siya ang sabihan mo kung sakaling wala ako dito.”Nanlaki ang mga mata ni Louisse. "Seriosuly? Isa lang ang katulong mo dito? Sa laki ng bahay mo?” Umiling siya ng may pagka-dismaya. "Nakupo kung ako ang katulong mo, kahit gaano kalaki ang sahod ko dito hindi ko talaga tatanggapin ang offer dito. Hindi ko ma imagine kung paano nagtagal sayo ang katulong mo”Naglakad lakad siya na animo’y sinusuri ang buong lugar, mula naman sa kaniyang likuran ay piit na napapangiti si Anthony. Para sa kaniya ay normal lang ang bahay na iyon. Wala pa iyon kung makikita ni Louisse ang bahay ng kaniyang Lola Kate.“Sorry, pero kanina Momm
Mabilis siyang lumingon dito, ang ekspresyon na may seryosong ekspresyon. "Hindi ka niya pwedeng galawin. I make my own rules in life," sagot ni Anthony ng walang bahid ng pag-aalinlangan sa kanyang boses.Sa totoo lang, ang engagement nila ni Maiseh ay isang desisyon hindi nagmula sa kaniya kundi para sa kanyang ama. Isa iyong kasunduang dulot ng pagkakaibigan ng kanilang mga pamilya. Bata pa lang siya, kilala na niya si Maiseh at kailanman, hindi siya binigyan ng pagkakataong mamili kung tatanggapin ito o hindi.Honestly, sa buong buhay niya, ang pagpayag sa kasalang ito ang pinakawalang-kwentang desisyong nagawa niya."Hindi ba magiging issue ako sa pagitan niyo ng pamilya mo o ni Maiseh?" tanong ni Louisse at halatang nag-aalinlangan.Huminto si Anthony at tumingin nang direkta sa kanya. "Mmm… Kaya ko namang i-handle ang lahat. Hindi rin gusto ni Mommy ang naging desisyon ni Daddy…" Saglit siyang nagbuntong-hininga, bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "Alam mo ba kung gaano kahirap
"Naku naman Louisse. Huwag mo na akong pahirapan, pag nag traffic dito mas nakakahiya!” mahinahong sabi ni Anthony habang marahang tumayo sa harapan niya. Mas matangkad siya kesa kay Louisse, kaya nang tumingala ito upang salubungin ang kanyang tingin, lalo siyang naakit sa maliit nitong pangangatawan. Maganda ang hubog ng katawan ni Louisse, at mahirap hindi mapansin ang kaakit-akit nitong postura lalo na sa suot nitong masikip na itim na leggings. Napalunok si Anthony. Oh God, dapat ipagbawal ang mga leggings na ’yan!"Hindi ka mapapahamak kapag sumama ka sakin, pangako ko yan. Isang buwan lang ang hihilingin ko sayo at hahayaan na kitang umalis ng bahay basta masigurado ko lang ligtas ka. Isipin mo na lang na nag staycation ka.” sabi nito habang mapang akit na nakatingins kaniya. Bahagyang bumuka ang bibig ni Louisse at parang may gusto pang sabihin pero agad itong sinara ni Anthony gamit ang kaniyang daliri. Napansin ni Anthony na tuwing lumalapit siya rito, tila hindi ito ma
Habang naglalakad siya sa sidewalk, isang babae ang lumabas din mula sa ospital. “Pasensya na po,” aniya habang mabilis na umuurong upang bigyang-daan ito. Nagpatuloy siya sa paglakad at pilit na iniisip kung ano ang kanyang susunod na hakbang matapos magpagaling. Wala na siyang trabaho, at hindi na rin magtatagal ang kanyang ipon. Naubos na niya ang ilan sa kanyang naimpok habang nakaratay sa ospital, kaya alam niyang hindi siya maaaring manatili nang matagal sa kanyang apartment nang walang malinaw na plano.Sa gilid ng kanyang mata, napansin niya ang isang itim, mamahaling kotse na nakaparada sa hindi kalayuan. May sobrang dilim ang mga bintana nito, dahilan upang hindi niya makita kung sino ang nasa loob. Gayunpaman, hindi maikakaila ni Louisse na may pino at magarang panlasa ang may-ari ng sasakyan. Bago pa niya tuluyang mapag-isipan ang kahulugan ng presensya ng sasakyan ay bumukas ang pinto nito at bumaba si Anthony.Gulat na gulat siya at the same time ay natatakot dahil sa m
Isang mahinang pagkatok ang gumulat kay Anthony, dahilan upang mabilis siyang lumayo kay Louisse. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig, na para bang nahuli silang gumagawa ng isang bagay na hindi dapat. Agad niyang pinapasok ang nars, kahit pa sa loob-loob niya, gusto niyang kuhanin barilin ang kung sino man ang kumatok at umistorbo sa kanila. Ngunit alam niyang may dahilan ang pagpunta nito. Dahil binilinan na niya ang mga tauhan niya sa labas ng pintuan na walang papasukin kahit na sino. “Pasensya na po sir kasi kailangan na po ni Miss Louisse na uminom ng gamot niya!” natatakot na sabi ng nars , alam niyang pwede siyang mapahamak sa pang iistorbo niya kay Anthony. Pilit itong ngumiti , madami pa sana itong sasabihin na kinainis ni Anthony.“Sige na magpahinga ka na,” mahinang sabi niya bago hinagkan si Louisse sa noo , isang kilos na tila naging ugali na niya. Umubo si Anthony nang awkward at pilit na ibinalik ang kontrol sa sarili. Nagpaalam na siya kay Louisse
“sweetie patong ka sakin.. “ tumango ako at pumatong sa kaniya ng may paglalandi sa kaniyang katawan. Pinapagulong ko ang aking daliri sa kaniyang dibdib. Kinuha niya ang aking binti , umangat ako hanggang sa tumapat ang aking pechay sa kaniyang mukha. Hinayaan niya akong bumakaka sa tapat ng aking mukha. Ibinuka niya ang butas ko ng malaki. Ang aking ulo ay nakatapat naman sa kaniyang talong. Kasabay ng paglalaro ng dila niya sa loob ng aking pechay ang pagkain ko sa kaniyang talong. Bumilis ng bumilis ang paglabas pasok ng kaniyang talong sa aking bibig . Ng hindi na siya makatiis ay maingat niya akong pinihit paharap at inihiga sa kama hanggang sa mapunta na ako sa ilalim. Tinapat niya ang mukha niya sa mukha ko. “d*mn it sweetie… hindi ka na makakawala sakin.” Itinutok na ni Anthony ang kaniyang talong at pinadausdos na ito sa aking loob. Bahagya akong napaurong sa sakit. Kahit na hindi ito ang unang beses kong nakipagtalik ay hindi ko maiwasang hindi masaktan. Ang haba at ang t
LOUISSE NICOLAS “Anthony! Ano ba?!” tanong ko na halos seryoso na ang mukha.“Shh, relax ka lang. Akong bahala sayo,” bulong niya at dinala niya ako papunta sa banyo ng room ko.Pagdating doon ay dahan-dahan niya akong ipinatong samay tukador sa cr, tinanggal niya ng may paglalambing ang jacket ko. Saka niya tinukod ang kaniyang mga bisig sa harapan ko at tumitig siya sa akin, ang mga mata niya ay punong-puno ng pagmamahal at pananabik.“I really like you Louisse!” malambing niyang sabi habang hinahaplos ng bahagyang buhok na humaharang sa mukha ko. Malambing ang mga titig niya at ang haplos niya sa akin ay nakakaragdag sa init ng paligid. “I like you too Anthony.. Sinubukan kong pigilan pero hindi ko kaya” sagot ko, pero hindi ko mapigilang mapangiti. “At salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin?” Ngumiti siya at yumuko para halikan ako, banayad pero puno ng init. “Ang swerte ko sa’yo Louisse,” bulong niya bago ipinagpatuloy ang kanyang paghalik.Ramdam ko ang bawat paghawak niy