Marrying My Father's Mistress
Social climber, goldigger, malandi, mang-aagaw, home wrecker. Ilan lang 'yan sa mga salitang natatanggap ng isang kabit na kagaya ni Eunice, ngunit wala siyang pakialam, manhid na siya sa mga ganuong klaseng katawagan.
It's true that she's only up for money, it's her way para matustusan ang mga luho niya. Ang pinakamadaling paraan na alam niya para magkaroon ng mga bagay na gusto niya ng walang kahirap-hirap ay ang makipagrelasyon sa matatandang mayaman. Wala sa kaniya kung may asawa man ito at maging kabit siya. Ang totoo ay mas gusto niyang nakikipagrelasyon sa mga lalaking mas malaki ang agwat ng edad sa kaniya at may asawa na, kaysa sa binata pa. Para sa kaniya ay mas challenging iyon at mas nakakapagpapataas ng kompiyansya niya sa kaniyang sarili.Ngunit tila ba dumating ang karma ni Eunice. Nang makarelasyon niya ang business tycoon na si Emmanuel Montoya, ang dating magulo niyang buhay ay mas lalo pang gumulo. Galit na galit sa kaniya ang asawa at anak ni Emmanuel, dahil sa pagwasak niya sa masayang pamilya nito.
Si Joaquin ang nag-iisang anak ni Emmanuel, gagawin nito ang lahat para pasakitan si Eunice. Manaig pa kaya ang galit ni Joaquin kung unti-unti naman siyang nadadala sa mapang-akit na si Eunice? Magawa pa kaya niya ang maghiganti o kagaya ng kaniyang ama ay mahuhulog din siya sa karisma nito?
Basahin
Chapter: Chapter 21Kahit nangingig ang mga tuhod ay mabilis pa rin ang mga hakbang ni Eunice. Ang kagustuhan na makita si Roman ang nagbibigay sa kaniya ng lakas. Nasa loob na siya ng ospital at kasalukuyang hinahanap ang mayamang negosyante. Dali-dali niyang tinungo ang information center upang magtanong."Miss, pwede ko bang malaman kung may pasyente kayo rito na ang pangalan ay Roman Cervantes?" tanong niya sa babaeng naroroon at kumukuha ng mga inquiries."Roman Cervantes, Ma'am?" pag-uulit nito sa pangalang binanggit niya."Yes," mabilis na tugon niya kasabay ng pagtango."Teka lang po, itse-check ko rito sa files namin." Hinarap nito ang computer at hinanap sa record ng mga pasyente kung may ganuon ngang pangalan na naka-confine roon. Buhat sa paghahanap ay natigil ito at bumaling kay Eunice."According po sa file namin ay mayroon nga pong pasyenteng dinala rito kagabi na ang pangalan ay Roman Cervantes."Nabuhayan ng loob si Eunice ang buong akala kasi niya ay inilipat na ng ospital si Roman. "Ah
Huling Na-update: 2024-04-15
Chapter: Chapter 20Nakaramdam ng matinding excitement si Eunice, nang marinig niya ang pamilyar na tunog ng sasakyan na pumapasok sa loob ng kaniyang bakuran."Ma'am, si Sir Roman, dumating na!" masayang pagbabalita ng kaniyang kasambahay. Nasa tuktok siya ng hagdan at ito naman ay nasa paanan kaya tiningala siya nito."Gumawa kayo ng masarap na meryenda, ipagluto ninyo ng makakain si Roman," tarantang utos niya rito."Sige po, Ma'am, kami na ang bahala," maliksi ang kilos ng kasambahay, tinungo nito sa kusina ang kasamahang kusinera para sabihin ang ipinag-uutos ng kaniyang amo.Inayos muna niya ang kaniyang sarili. Mabuti na lang at lagi siyang handa sa pagdating ni Roman, katatapos lang niyang maligo kaya naman mabangong-mabango siya. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan para salubungin ang mayamang negosyante sa main door ng bahay."Honey!" masiglang tawag niya sa kalaguyo. Sinugod niya ito ng yakap. "Ano ba ang nangyari, bakit ang tagal mong nakabalik?" may himig pagtatampo na tanong niya."I'm so sor
Huling Na-update: 2024-04-12
Chapter: Chapter 19"Kamusta na ang pinagagawa ko sa'yo, Moreno, may resulta na ba?" tanong ni Emmanuel sa lalaking kapapasok lang sa kaniyang opisina at ngayon ay nakatayo sa harapan niya. Itinuro niya ang upuan sa tabi nito at iminuwestra na maupo, na siya namang ginawa ng lalaki.Kasalukuyan niyang sinusuri ang disensyo at label ng bagong alak na ilo-launch nila sa market. Ang anak na si Joaquin mismo ang dumiskubre ng bagong alak na iyon. Sobrang proud siya para sa kaniyang anak, talagang namana nito ang mga katangian niya."Good news, Sir, nakita ko na ang pinahahanap ninyo sa akin. Nalaman ko na ang pangalan niya at kung saan siya nakatira," masayang tugon ng kausap.Natigilan ang ginoo, bigla siyang napatuwid ng upo. Itinabi niya ang hawak na bote ng alak at hinarap ang kausap, hinanda ang sarili na makinig sa sasabihin nito."Really! So, ano ang natuklasan mo sa kaniya? Mabuti ba ang kalagayan niya? Maayos ba ang buhay niya? Nag-aaral ba siya, nagtatrabaho? Ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon?"
Huling Na-update: 2024-04-11
Chapter: Chapter 18Naging masaya ang bakasyon ni Eunice kasama si Roman sa Spain. Namasyal sila, nag-shopping at kumain ng mga masasarap na pagkain. Wala sa kanilang dalawa na nakapansin sa lalaking panay ang buntot sa kanila saan man sila pumunta. Natapos ang isang linggong bakasyon ng dalawa at bumalik na rin sila sa Pilipinas. "This is the most memorable vacation we had together, baby," ani Roman. May sumundo sa kanilang sasakyan, tauhan ni Roman ang nagmamaneho at hinatid sila sa bahay. Hindi muna dumiretso si Roman sa pamilya niya. Ang plano nito ay magpalipas muna ng gabi kasama si Eunice.Humilig ang dalaga sa balikat ng mayamang negosyante. "Yes, I agree, ito nga ang pinakamasayang bakasyon natin together, sana maulit pa."Alas diyes nang gabi ng makarating sila sa bahay at hindi nila inaasahan na mabubungaran nila si Olivia, kanina pa pala ito nakaabang sa pagdating nila.Isang malakas na palakpak ang umalingaw-ngaw sa malawak na sala."Bravo! Ang kakapal talaga ng mga mukha ninyo. Lalo ka n
Huling Na-update: 2024-04-10
Chapter: Chapter 17Matapos dumalaw sa kanilang plantasyon ng mga tubo sa Andalusia ay bumiyahe pabalik nang Barcelona si Joaquin.Inabot na siya ng gutom, alas kuwatro na ng hapon ng mga oras na iyon, kaya naman tumigil muna siya sa isang restaurant para kumain. Malapit lang ang restaurant sa kaniyang bahay. Hindi siya nakapag-hapunan kanina dahil sa sobrang pagkaabala, marami kasi siyang inasikaso sa farm.Habang siya ay kumakain ay bigla siyang napalingon sa entrance door ng restaurant. Hindi niya inaasahan kung sino ang makikitang pumasok. Si Eunice iyon, may kasama itong may edad nang lalaki. Noong una akala niya ay ama ng dalaga ang kasama nito, ngunit napaawang ang bibig niya nang ang lalaking kasama nito ay bigla na lamang halikan si Eunice sa labi ng sila ay makaupo na.Hindi siya napansin nito dahil ang puwesto niya ay sa nasa gawing dulo, malayo sa lamesa na napili ng mga ito. Hindi niya alam na may asawa na pala si Eunice, ang buong akala niya ay dalaga pa ito at hindi niya rin inaasahan na a
Huling Na-update: 2024-04-10
Chapter: Chapter 16“Dad! I’m going back to Spain tomorrow, meron ka bang ipagbibilin tungkol sa negosyo natin doon?” Umangat ang ulo ni Emmanuel para lingunin ang anak. Ngumiti ito sabay iling.“You’re doing great, son. Maganda ang pagpapatakbo mo sa kumpanya natin, what else can I ask for? Just take good care of yourself, okay. Iyon lang ang gusto namin ng mommy mo, lalo na at malayo kami sa iyo.”“Yes, Dad, lagi ko namang inaalagaan ang sarili ko, kayo rin po, ingatan ninyo ang kalusugan ninyo at alagaan ninyo si mommy.”Tumango si Emmanuel. “We’ll going to miss you, son. Ilang taon na naman tayong hindi magkikita.”“Yeah, but I will visit if I have time.”“Okay. Kung hindi ka naman makakauwi ay kami ang pupunta ng mommy mo sa Spain to visit you.”“I have to go, Dad, aayusin ko na ang mga gamit na dadalhin ko, maaga pa ang flight ko bukas.”Tumayo si Emmanuel at niyakap ang anak.“I’m so proud of you, son,” sambit nito sabay tapik sa balikat ni Joaquin.“Thanks, Dad,” aniya.Sa America nag-aral ng co
Huling Na-update: 2024-04-04
Chapter: Chapter 45"Are you ready?" Tumango si Mikaela at pagkatapos ay nakangiting tinapunan ng tingin ang asawa.Magkahawak kamay silang sumakay sa speed boat na maghahatid sa kanila sa Isla Amelia.Habang nasa bangka ay nakayakap si Mikaela sa bewang ng kaniyang asawa at nakahilig ang ulo sa balikat nito. Hindi nawawala ang ngiti niya sa labi. Ito ang unang pagkakataon na makakasama niya ng matagal ang asawa, walong araw sila sa isla kaya naman hindi na siya makapaghintay sa mga maari pa nilang gawin sa kanilang bakasyon.Halos isang oras ang kanilang biniyahe bago dumaong ang speed boat sa gilid ng dagat. Bumaba ang kaniyang asawa at agad din siyang inalalayan nito na makababa.Ngumiti si Mikaela. "Thank you, honey," malambing na sabi niya.Gumanti ng ngiti ang kaniyang asawa. Hinawakan nito ang isang kamay niya at bahagyang pinisil. Magkahawak kamay silang naglakad, tanaw nila ang mataas na gate ng villa. Nakasunod sa kanila ang mga tauhan sa isla, bitbit ang kanilang mga bagahe."Ang dami na palan
Huling Na-update: 2024-04-28
Chapter: Chapter 44"Lately napapansin ko na masyadong kang pagod sa trabaho. It's about time na mag-relax ka naman. How about a vacation sa Isla Amelia?" Mabilis na nabaling ang tingin ni Mikaela sa asawang si Blaine. Bukod sa Isla De Montreal, ang Isla Amelia ay pag-aari rin ng kanilang pamilya, ipinangalan ang islang iyon sa kanilang Lola Amelia. Mala-paraiso ang lugar na iyon at kung papipiliin siya ay mas gugustuhin niya na manirahan na lamang sa isla na iyon habang buhay. Bukod kasi sa tahimik at malayo sa polusyon, ay sagana pa ang lugar sa masusustansiyang pagkain. Simpleng pamumuhay, ngunit masaya at mapayapa."Ha! Talaga? Kailan tayo pupunta sa isla?" excited na tanong niya."Ikaw kung kailan mo gusto. Ako nakahanda na, nakapag-file na ako ng leave. Ikaw baka may mga trabaho ka pang gagawin.""Pwede ko naman ibilin kay Menchie ang mga trabaho ko. Gusto kong magbakasyon na kasama ka." Halata ang labis na saya sa kaniyang mga mata.Napangiti si Blaine. "Ayusin mo muna ang mga dapat mong ayusin sa
Huling Na-update: 2024-04-20
Chapter: Chapter 43Napapansin ni Mikaela na ilang araw nang tahimik ang kaniyang asawa at para bang may malalim itong iniisip. Araw nang Linggo noon, pareho silang nasa bahay lang at walang commitment sa labas. Nasa tabi lang naman niya si Blaine, pero pakiramdam niya ay ang layo-layo nito sa kaniya."Hon, parang malalim ang iniisip mo, may problema ba?" tanong niya nang makalapit dito. Bahagyang napakislot si Blaine, hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot na iyon ni Mikaela sa kaniyang harapan. Inangat niya ang ulo at nilingon ito. "Wa-wala naman akong problema. Why are you asking?" balik tanong niya rito.Umiling si Mikaela. "Wala, napapansin ko lang ilang araw ka nang parang may malalim na iniisip."Pilit na ngumiti si Blaine, niyakap niya sa bewang si Mikaela, nakatayo kasi ito at siya naman ay nakaupo sa gilid ng kama. Inihilig niya ang ulo sa tiyan nito.Napangiti naman si Mikaela sa ginawing iyon ng kaniyang asawa. Inimagine niya na buntis siya, malaki na ang tiyan niya at pinakikinggan ni B
Huling Na-update: 2024-04-19
Chapter: Chapter 42Napakahirap para kay Blaine ang desisyon na iyon, ang kausapin ang kaniyang kakambal at kumbinsihin ito na pumayag sa gusto niya. Desperado na siya, dumating na siya sa punto na kailangan na niyang gawin ang lahat kahit na hindi nararapat, ito lang ang tanging naisip niya na sasagot sa problema niya. Hindi siya sigurado, hindi pa niya naikunsulta ito sa doktor at hindi kasama sa plano niya na gawin iyon. Naisip niyang kung ang kakambal niya ang makakabuntis sa kaniyang asawa, dahil sa iisa lang ang dugong nanalantay sa kanila at halos wala silang pinagkaiba sa itsura, ay hindi mag-iisip ng kung ano si Mikaela. Walang magiging pagdududa itong mararamdaman, at kung sakaling makabuo sila, kahit ipa-DNA test pa ang bata ay malaki pa rin ang probabilidad at mataas ang porsiyento na lalabas na kadugo niya ito. Kailangan lang ay ibayong pag-iingat na walang makakaalam na buhay pa ang kakambal niya. Isa ito sa maraming sikretong kaniyang itinatago sa asawa niya at sa pamilya."Sir, tama po ba
Huling Na-update: 2024-04-13
Chapter: Chapter 41Gabi na nang makarating si Fiero sa dati niyang tinitirahan, matapos ang ilang oras na biyahe sa himpapawid. Hindi pa naman ganuon katagal siyang nawala sa bansa ngunit nanibago na siya sa oras.Dahil gabi na ay hindi na umuwi sa kaniyang tirahan si Maureen. Apat naman ang kwarto sa bahay na iyon. Siguradong bukas nang maaga ay kakailanganin siya ni Blaine, kaya mas minabuti na lang din niya na doon matulog para nasa malapit lang siya. Sa edad na thirty five ay wala pang sariling pamilya si Maureen, naninirahan itong mag-isa sa townhouse na naipundar niya, ang pamilya kasi niya ay sa malayong probinsiya nakatira. Kaya wala siyang pangamba kahit na saan siya pumunta o matulog dahil wala namang naghihintay sa kaniyang pag-uwi."Matutulog na ako, Fiero," paalam nito sa binata."Sige Ma'am dito muna ako sa labas, hindi pa ako inaantok," ani Fiero."Sige." Umakyat na ito ng hagdan patungo sa second floor kung saan naroon ang mga silid.Maalinsangan ang panahon, bukod sa time difference ay
Huling Na-update: 2024-04-11
Chapter: Chapter 40Hindi maipaliwanag ni Fiero ang nadarama, ayaw niyang umalis pero nakahanda na ang lahat para sa paglisan niya ng bansa. Sinamahan siya ni Maureen, hanggang sa America, sinigurado nito na magiging maayos at komportable siya sa bago niyang tirahan. Isang apartment iyon na tama lang ang sukat, hindi ganu'n kalaki ngunit maganda naman at pulido."Sa Monday ay magsisimula na ang klase mo. Bago ako umuwi ay mamili muna tayo nang lahat ng kakailanganin mo sa school," sabi ni Maureen. Kasalukuyan itong nagluluto sa kusina at siya naman ay pinapanuod lang ang ginagawa nito."Kailan ka aalis?" tanong niya."Sa makalawa pa, bakit?"Bumuntong hininga nang malalim ang binata."Kaya ko bang mabuhay ng mag-isa rito? Lahat sa lugar na ito ay estranghero para sa akin at wala pa akong kakilala," nangangambang pahayag niya.Ngumiti si Maureen at pagkatapos ay tinapik siya sa balikat. "Kaya mo 'yan, matalino ka, mabilis kang matuto at maka-adapt sa mga bagay-bagay. Marami tayong kababayan dito, imposibl
Huling Na-update: 2024-04-03