Matapos dumalaw sa kanilang plantasyon ng mga tubo sa Andalusia ay bumiyahe pabalik nang Barcelona si Joaquin.Inabot na siya ng gutom, alas kuwatro na ng hapon ng mga oras na iyon, kaya naman tumigil muna siya sa isang restaurant para kumain. Malapit lang ang restaurant sa kaniyang bahay. Hindi siya nakapag-hapunan kanina dahil sa sobrang pagkaabala, marami kasi siyang inasikaso sa farm.Habang siya ay kumakain ay bigla siyang napalingon sa entrance door ng restaurant. Hindi niya inaasahan kung sino ang makikitang pumasok. Si Eunice iyon, may kasama itong may edad nang lalaki. Noong una akala niya ay ama ng dalaga ang kasama nito, ngunit napaawang ang bibig niya nang ang lalaking kasama nito ay bigla na lamang halikan si Eunice sa labi ng sila ay makaupo na.Hindi siya napansin nito dahil ang puwesto niya ay sa nasa gawing dulo, malayo sa lamesa na napili ng mga ito. Hindi niya alam na may asawa na pala si Eunice, ang buong akala niya ay dalaga pa ito at hindi niya rin inaasahan na a
Naging masaya ang bakasyon ni Eunice kasama si Roman sa Spain. Namasyal sila, nag-shopping at kumain ng mga masasarap na pagkain. Wala sa kanilang dalawa na nakapansin sa lalaking panay ang buntot sa kanila saan man sila pumunta. Natapos ang isang linggong bakasyon ng dalawa at bumalik na rin sila sa Pilipinas. "This is the most memorable vacation we had together, baby," ani Roman. May sumundo sa kanilang sasakyan, tauhan ni Roman ang nagmamaneho at hinatid sila sa bahay. Hindi muna dumiretso si Roman sa pamilya niya. Ang plano nito ay magpalipas muna ng gabi kasama si Eunice.Humilig ang dalaga sa balikat ng mayamang negosyante. "Yes, I agree, ito nga ang pinakamasayang bakasyon natin together, sana maulit pa."Alas diyes nang gabi ng makarating sila sa bahay at hindi nila inaasahan na mabubungaran nila si Olivia, kanina pa pala ito nakaabang sa pagdating nila.Isang malakas na palakpak ang umalingaw-ngaw sa malawak na sala."Bravo! Ang kakapal talaga ng mga mukha ninyo. Lalo ka n
"Kamusta na ang pinagagawa ko sa'yo, Moreno, may resulta na ba?" tanong ni Emmanuel sa lalaking kapapasok lang sa kaniyang opisina at ngayon ay nakatayo sa harapan niya. Itinuro niya ang upuan sa tabi nito at iminuwestra na maupo, na siya namang ginawa ng lalaki.Kasalukuyan niyang sinusuri ang disensyo at label ng bagong alak na ilo-launch nila sa market. Ang anak na si Joaquin mismo ang dumiskubre ng bagong alak na iyon. Sobrang proud siya para sa kaniyang anak, talagang namana nito ang mga katangian niya."Good news, Sir, nakita ko na ang pinahahanap ninyo sa akin. Nalaman ko na ang pangalan niya at kung saan siya nakatira," masayang tugon ng kausap.Natigilan ang ginoo, bigla siyang napatuwid ng upo. Itinabi niya ang hawak na bote ng alak at hinarap ang kausap, hinanda ang sarili na makinig sa sasabihin nito."Really! So, ano ang natuklasan mo sa kaniya? Mabuti ba ang kalagayan niya? Maayos ba ang buhay niya? Nag-aaral ba siya, nagtatrabaho? Ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon?"
Nakaramdam ng matinding excitement si Eunice, nang marinig niya ang pamilyar na tunog ng sasakyan na pumapasok sa loob ng kaniyang bakuran."Ma'am, si Sir Roman, dumating na!" masayang pagbabalita ng kaniyang kasambahay. Nasa tuktok siya ng hagdan at ito naman ay nasa paanan kaya tiningala siya nito."Gumawa kayo ng masarap na meryenda, ipagluto ninyo ng makakain si Roman," tarantang utos niya rito."Sige po, Ma'am, kami na ang bahala," maliksi ang kilos ng kasambahay, tinungo nito sa kusina ang kasamahang kusinera para sabihin ang ipinag-uutos ng kaniyang amo.Inayos muna niya ang kaniyang sarili. Mabuti na lang at lagi siyang handa sa pagdating ni Roman, katatapos lang niyang maligo kaya naman mabangong-mabango siya. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan para salubungin ang mayamang negosyante sa main door ng bahay."Honey!" masiglang tawag niya sa kalaguyo. Sinugod niya ito ng yakap. "Ano ba ang nangyari, bakit ang tagal mong nakabalik?" may himig pagtatampo na tanong niya."I'm so sor
Kahit nangingig ang mga tuhod ay mabilis pa rin ang mga hakbang ni Eunice. Ang kagustuhan na makita si Roman ang nagbibigay sa kaniya ng lakas. Nasa loob na siya ng ospital at kasalukuyang hinahanap ang mayamang negosyante. Dali-dali niyang tinungo ang information center upang magtanong."Miss, pwede ko bang malaman kung may pasyente kayo rito na ang pangalan ay Roman Cervantes?" tanong niya sa babaeng naroroon at kumukuha ng mga inquiries."Roman Cervantes, Ma'am?" pag-uulit nito sa pangalang binanggit niya."Yes," mabilis na tugon niya kasabay ng pagtango."Teka lang po, itse-check ko rito sa files namin." Hinarap nito ang computer at hinanap sa record ng mga pasyente kung may ganuon ngang pangalan na naka-confine roon. Buhat sa paghahanap ay natigil ito at bumaling kay Eunice."According po sa file namin ay mayroon nga pong pasyenteng dinala rito kagabi na ang pangalan ay Roman Cervantes."Nabuhayan ng loob si Eunice ang buong akala kasi niya ay inilipat na ng ospital si Roman. "Ah
"You deserve every bit of this! You conniving b*tch! How dare you steal my husband from me!"Malakas na sampal sa magkabilaang pisngi ang natanggap ko mula sa babaeng halos hindi nalalayo sa laki ng drum ang hugis ng katawan. Punong-puno ito ng mga kumikinang na alahas, nagmistula tuloy siyang walking christmas tree sa paningin ko. Sinapo ko ang aking kaliwang pisngi na mas napuruhan sa malakas na sampal nito sa akin. Matindi ang sakit niyon dahil tumama sa mukha ko ang diyamanteng singsing na suot ng bruhang babaeng iyon.Nginitian ko siya na may kasamang pang-uuyam. I looked her up and down, as if assessing her entire being."No wonder. Your husband ditching you because your personality's a drag, and now I see your face matches the attitude. It wouldn't shock me if he ditches you for good and stay with me. Wala ka nang asim, LOLA," I sneered, chuckling with a careless flick of my hair.Nanlaki ang mga mata ng kausap ko, mukhang hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko. Well, I inten
Flash back"Ms. Mendoza, I'm sorry but you cannot take the exam today, please leave the classroom immediately. Magsisimula na ang aming test at nakakaistorbo ka."Naalarma ako sa sinabing iyon ng professor namin kaya agad akong napatayo. Ang tingin ng mga kaklase ko sa akin ay hindi ko mawari, nakangisi ang mga ito na para bang natutuwa pa sa nangyayari sa akin.Hindi maari ito, hindi pwedeng hindi ako makakuha ng exam ngayon, sayang ang mga pinaghirapan ko sa pag-aaral kung mauuwi lang sa wala ang lahat."Pe-pero Ma'am, pumirma po ako ng promisory note, magbabayad po ako ng tuition for this semester, after one week makokompleto ko na po ang pambayad ko, hindi lang po dumating ang pera na padala ng daddy ko ngayon," pagdadahilan ko.May narinig akong bulong-bulungan mula sa aking mga kaklase at mga pigil na pagtawa. Pinagtatawanan nila ako. Kasalanan ko ba kung hindi ako katulad nila na kayang i-fully paid ang tuition fee?Okay fine! Nagsinungaling ako, wala akong inaasahang pera na p
"Oh my gosh, Eunice, is that really yours?" Hindi makapaniwala na tanong sa akin ng bestfriend kong si Glacey.Inimbitahan niya ako for a cup of coffee sa paborito naming coffee shop. She looked so shocked when she saw me getting out of a car. Well I can't blame her, it's not just an ordinary car that I'm driving. I am driving the latest model of Lamborghini. Regalo sa akin ito ni Roman. He feels really bad about what his wife did to me last time, so he bought the car to make it up to me. Dapat lang naman na gawin niya iyon. Hindi biro ang dinanas ko sa bruha niyang asawa. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang anit ko, hindi ko nga magawang makapag suklay ng maayos at ang pisngi ko na tinamaan ng diyamanteng singsing nito ay may pasa pa rin hanggang ngayon, tinakpan ko na nga lang ng concealer para hindi makita. Sabagay, kung ganito ba naman siya palagi sa akin sa tuwing susugurin ako at sasaktan ng kaniyang asawa ay okay lang, kahit araw-arawin pa akong guluhin ng asawa niyang dragon