Share

Chapter 3

"Oh my gosh, Eunice, is that really yours?" Hindi makapaniwala na tanong sa akin ng bestfriend kong si Glacey.

Inimbitahan niya ako for a cup of coffee sa paborito naming coffee shop. She looked so shocked when she saw me getting out of a car. Well I can't blame her, it's not just an ordinary car that I'm driving. I am driving the latest model of Lamborghini. Regalo sa akin ito ni Roman. He feels really bad about what his wife did to me last time, so he bought the car to make it up to me. Dapat lang naman na gawin niya iyon. Hindi biro ang dinanas ko sa bruha niyang asawa. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang anit ko, hindi ko nga magawang makapag suklay ng maayos at ang pisngi ko na tinamaan ng diyamanteng singsing nito ay may pasa pa rin hanggang ngayon, tinakpan ko na nga lang ng concealer para hindi makita. Sabagay, kung ganito ba naman siya palagi sa akin sa tuwing susugurin ako at sasaktan ng kaniyang asawa ay okay lang, kahit araw-arawin pa akong guluhin ng asawa niyang dragonesa. Worth it naman palang talaga.

"You like it?" nakangiting tanong ko kay Glacey.

Naningkit ang mga mata nito. "Of course, sino ba naman ang hindi gugustuhin ang ganyan ka mahal na sasakyan?"

Nagkibit balikat lang ako. Pinindot ko ang remote key para buksan ang alarm ng sasakyan at masigurado na ring naka-lock na ang mga pinto nito.

Lumapit ako kay Glacey at kumapit sa braso niya. "Let's go, gusto ko nang maka-inom ng mainit na kape." Hinatak ko siya papasok sa coffee shop.

"Come on, tell me, sino na naman bang matabang isda ang nabingwit mo ngayon?" tanong niya ng makapuwesto na kami ng upo.

Natigil ako sa paghigop ng kape, binalingan ko ng tingin si Glacey.

"Hintayin mo na lang na ipakilala ko siya sa'yo, huwag mo nang itanong kung sino," mataray na sagot ko. Sinimangutan ako ng inggitera kong kaibigan.

"Tsh! I'm sure MMM na naman 'yan," nanunulis ang nguso na wika niya.

Kumunot ang noo ko. "Anong MMM ang sinasabi mo d'yan?" naguguluhan na tanong ko.

"Tsk! MMM hindi mo alam? Hello!" nang-iinis na sabi nito at umikot-ikot pa ang mga mata. "Ang tagal nang nauso ang salita na 'yan," dagdag na sabi pa niya.

Tumaas ang kilay ko. "Sabihin mo na kasi, huwag mo nang hayaan na i-search ko pa sa g****e dahil kapag hindi ako natuwa sa meaning niyan ay siguradong ikaw ang magbabayad ng mga kakainin natin ngayon," pananakot ko.

"Ito naman, sige na nga... matandang mayaman na madaling matsugi ang ibig kong sabihin. Di ba ganun naman ang mga tipo mong lalaki?"

Sinamaan ko lang siya ng tingin, ibinaling ko ulit sa tasa ng kape ang aking mga mata.

"Um-order ka na nga lang ng gusto mong kainin, huwag kang masyadong matanong," inis na wika ko.

Pero totoo naman ang sinabi ni Glacey, mas prefer kong makipag-relasyon sa lalaking mas doble pa ang edad sa akin dahil matured na sila kung mag-isip at magdala ng relasyon. Isa pa, gusto ko yung binibeybi ako at tinatrato akong parang isang prinsesa. Nasubukan ko nang makipag-relasyon sa halos kasing edad ko lang, hindi kami magkasundo at sakit lang siya sa ulo ko. Hindi ko ginagamit ang puso ko sa pakikipagrelasyon, kung saan ako mas may pakinabang ay doon ako.

"Hindi ko alam na d'yan ka dadalhin ng trabaho na inalok ko sa'yo noon. Tingnan mo nga naman, naalala ko pa noong una tayong magkita sa rooftop ng school, four years ago, you're so naive and innocent back then. Matapang ka at palaban pero napakamanang mo pa noon. Look at you now, ibang Eunice ka na, you're so glamorous and sophisticated."

Hindi ko alam kung pinupuri ba ako o iniinsulto ni Glacey, pero hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya. Halos anim na buwan na rin kaming hindi nagkikita, kauuwi lang nito ng bansa matapos makipag-break sa boyfriend niyang foreigner. Alam kong broken hearted siya ngayon kaya hindi na muna ako makikipagtalo. Minsan na lang kaming magkita kaya dapat ay sulitin na namin ang mga oras na magkasama kami. Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain.

Ilang oras din ang lumipas na magkasama kami bago namin napagpasiyahan na maghiwalay. Hindi ko alam kung kailan na naman kami ulit magkikita.

Hindi muna ako umuwi sa condo ko, dumaan muna ako sa amin para dalawin si Mama at ang mga kapatid ko.

Inaasahan ko na ang masamang tingin ng mga kapitbahay namin sa akin, lalo pa at nakita nila ang sasakyan ko na ipinarada sa harap ng bahay nila Mama. Sinalubong ako ng mga kapatid ko na sina Yna at Yana, tama kasing nasa labas sila at nakikipaglaro sa mga kapwa nila bata na anak ng mga kapitbahay naming tsismosa.

"Ate Eunice!"

Agad na yumakap sa akin si Yana, dahil limang taong gulang pa lamang ito at maliit pa ay umabot lang sa binti ko ang mga yakap nito.

"Kamusta kayo, nag-meryenda na ba kayo?" tanong ko sa dalawa.

"Hindi pa po, Ate," sagot ni Yna.

Ngumiti ako, ginulo ko muna ang buhok ng mga kapatid ko bago ko i-abot sa mga ito ang isang box nang mamahaling donut na pasalubong ko sa kanila.

"O, para sa inyo 'yan, pumasok na muna kayo sa loob at kumain."

"Opo!" sabay na sagot ng dalawa, tuwang-tuwa ang mga ito pagkakita pa lang sa box ng donut, nagmamadali ang mga ito at nag-unahan pa na makapasok sa pinto.

May naririnig akong mga bulong-bulungan, kaya napalingon ako sa aking likuran. Nakita ko ang aming mga tsismosang kapitbahay na nag-uumpukan, hindi nila inaasahan ang pagbaling ng tingin ko sa kanila, kaya naman, nataranta ang mga ito at isa-isang nagsipagpulasan.

Alam ko, ako na naman ang topic ng kanilang usapan. Iiling-iling na ipinagpatuloy ko ang paglalakad at pumasok sa loob ng aming hindi kalakihang bahay. Kahit anong pilit ko kay Mama na lumipat na lamang ng ibang lugar na matitirahan, yung maganda, komportable at higit sa lahat ay walang mga kapitbahay na tsismosa kaya lang ay ayaw naman niya, lalo na ng sabihin ko na ako na ang bahala sa bayad sa upa ay mahigpit niyang tinanggihan ang alok ko. She's not in favor of what I am doing in life. Ang totoo niyan, me and my mother are not in good terms.

"Mama, nandito si Ate Eunice," sabi ni Yna. Sinundan ko ang mga kapatid ko sa kusina at nakita ko si Mama na abala sa kaniyang nilulutong leche flan.

Bahagya lang akong tinapunan ng tingin ni Mama at pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ang ginagawang paglilipat ng mga leche flan sa plastic tab. Lumapit ako kay Mama at nagmano.

"Good afternoon, Ma, Kamusta ka na? Kamusta na kayo ng mga kapatid ko?" tanong ko.

"Yna, Yana, doon muna kayo sa labas, maglaro muna kayo." Binalingan ni Mama ang mga kapatid ko.

"Opo, sige po," mabilis na tugon ni Yna, kinuha nito ang kamay ni Yana at hinatak palabas ng kusina. Nang masigurado ni Mama na nakalabas na ang mga kapatid ko ay saka lang niya akong binalingan.

"Bakit ka narito? Hindi ba sinabi ko sa'yo na huwag ka nang pupunta rito, napakatigas talaga ng ulo mo." Ramdam ko ang inis sa tono ng boses ni Mama.

"Pero, Ma, hindi ko kayang sundin ang sinasabi mo. Pamilya ko kayo, yes, I'm not living here anymore but it doesn't mean na kinalimutan ko na kayo bilang pamilya ko."

"Matagal mo na kaming kinalimutan Eunice, simula pa ng piliin mo na mabuhay sa kasalanan. Sabihin mo nga sa akin, masaya ka ba ngayon sa buhay mo? Masaya ka bang pinag-uusapan ka ng mga tao at sinasabing isa kang kabit?"

"Ma, please, let's not talk about it."

"Nakita mo na, hindi mo man lang itinanggi ang sinabi kong isa kang kabit. Kung ganun totoo nga ang tsismis ng mga kapitbahay natin na pumapatol ka sa may asawa na para lang sa pera at para masunod ang lahat ng kapritso mo. Hindi kita anak, malandi ka!" galit na sumbat niya sa akin.

Nabigla ako sa sinabing iyon sa akin ni Mama. Hindi ko inisip na manggagaling sa bibig niya mismo ang mga salitang iyon.

"Bakit, Ma, nagmana lang naman ako sa 'yo, 'di ba dati ka ring kabit? Kaya hindi ka pinakasalan ng ama ko dahil pamilyado na siyang tao at anak niya ako sa labas!"

Isang malakas na sampal ang ibinigay sa akin ni Mama. "Umalis ka na rito. Lumayas ka at huwag na huwag ka ng babalik! Wala akong anak na kagaya mo. Tandaan mo, hindi sa pera at mga materyal na bagay makukuha ang tunay na kaligayahan. Huwag kang manira ng pamilya!"

Kinaladkad ako ni Mama. Galit na galit siya sa akin, wala akong nagawa ng itulak niya ako nang malakas palabas ng bahay at pagsarhan ng pinto. Mabuti na lang at walang tao sa paligid, walang nakakita sa ginawa ni Mama sa akin.

Hindi ako naiintindihan ni Mama. Hindi niya alam kung saan ako nanggagaling, hindi niya alam na malaki ang epekto ng pagtatago niya sa akin ng totoong kong pagkatao kaya ako nagkakaganito ngayon.

Malungkot na tiningnan ko ang aming bahay. Kahit ayoko ay kailangan ko nang umalis bago pa ako makita ng mga tao at mas lalo pa nilang pag-tsismisan ang buhay ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status