"Son, what's wrong? Parang malungkot ka, hindi ka ba masaya na nakauwi ka na at kasama mo kami ng Daddy mo?" tanong ni Veronica sa anak.Napansin kasi niya na simula ng dumating ito ay tahimik lang ito at parang laging may malalim na iniisip."May problema ba sa negosyo natin?" tanong na naman niya nang hindi umimik ang anak.Umiling si Joaquin. "Wala Mom," matipid na sagot ng binata."Kung ganu'n ano ba ang bumabagabag sa isip mo? Hindi ako sanay na tahimik ka."Bumuntong hininga nang malalim si Joaquin, tumayo siya buhat sa kaniyang kinauupuan, lumapit sa kaniyang ina at Inakbayan niya ito."Broken hearted ang anak mo, Mom," pagsusumbong niya.Nangunot ang noo ni Veronica. "Huh! Bakit nag-away ba kayo ni Madeline?"Tumango si Joaquin. "Nakipag-break na siya sa akin.""What?! Mahal na mahal ka ni Madeline, paano niya magagawa na makipag-break sa'yo, not unless may ginawa kang kasalanan sa kaniya." May pagdududa ang mga tingin ni Veronica sa anak.Marahang tumango si Joaquin. "Yes, Mo
Habang nakatambay sa kaniyang silid at nanonood buhat sa mga random na palabas sa tv ay umagaw sa pansin ni Joaquin ang eksena na iyon sa telebisyon, nang ang isang lalaki ay magpo-propose sa kaniyang girlfriend. Tuwang-tuwa naman at mangiyak-ngiyak pa ang babae na tinanggap ang marriage proposal ng boyfriend nito. Habang isinusuot ng lalaki ang singsing sa daliri ng kaniyang nobya ay hindi na ginawang tapusin pa ni Joaquin ang palabas, kinuha niya ang remote at pinatay ang tv. Nakaramdam lang siya ng inis, para naman kasing nang-aasar ang palabas na iyon. Biglang tuloy nag-flash back sa kaniya ang masamang nangyari sa relasyon nila ni Madeline dahil sa kaniyang palpak na marriage proposal.Napahilamos siya sa kaniyang mukha sa labis na pagkadismaya sa sarili. Nang dahil sa kaniyang pagkakamali ay hanggang ngayon hindi pa rin siya kinakausap ni Madeline. Mahal niya ang nobya at ayaw niya itong sukuan, kaya lang ay masyadong matigas ang puso nito at ayaw makinig sa mga paliwanag niya.
Isang engrandeng kasiyahan ang nagaganap ngayon sa loob ng isang five star hotel kung saan nagse-celebrate ng kanilang 40th wedding anniversary ang mga magulang ni Joaquin na sina Veronica at Emmanuel Montoya.Halos lahat ng kanilang mga bisita ay mga importanteng tao, mga mayayamang negosyante, mga taga alta sa soseyedad, politiko, celebrity at iba pa. Masayang-masaya si Joaquin na nakikita ang mga magulang niya na hindi nawawala ang pagmamahal sa isa't-isa kahit matagal na silang mag-asawa. Ang totoo ay ang mga ito ang kaniyang inspirasyon sa pangarap niyang pagbuo ng sariling pamilya. Iniidolo niya ang kaniyang ama sa pagiging mabait, mapagmahal at responsableng haligi ng tahanan. Namulat siya sa magandang pagsasama ng kaniyang mga magulang, ni minsan ay hindi niya nakitang nag-away ang mga ito. Nang lumaki na siya at nagka-isip ay napagtanto niya na wala namang perpektong pagsasama, siguro ay may pagkakataon din na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang kaniyang mga magulang kay
Wala si Roman, nasa ibang bansa ito ngayon at nagbabakasyon kasama ang kaniyang pamilya. Dalawang linggo itong mawawala, dahil walang magbabawal sa kaniya, kaya naman sinamantala ni Eunice ang pagkakataon na iyon para makagala at magawa ang lahat ng gusto niyang gawin.Nang gabing iyon ay nagpunta siya sa isang bar, naimbitahan siya ng mga kaibigan para uminom at magsaya."Sige pa, Eunice uminom ka pa!" sabi ni Janet, isa sa mga kaibigan niya.Ang mga kasama niya ngayon ay mga nakilala lang niya noong nagsisimula pa lamang siyang mag-modelo at nagtrabaho bilang escort ng mga big time na lalaki. Ang gawain nila noon ay magpunta sa mga party at sosyalan para makabingwit ng mayaman.Si Janet, Cristy at Rhema ay katulad din niyang binabahay ng mga lalaking mayayaman na may mga asawa na. In short pare-pareho silang mga kabit. Wala siyang pagkakaiba sa mga ito, dahil iisa lang naman ang gusto nila, ang maibigay ng mga lalaking iyon ang mga luho at kapritso nila.Matagal-tagal na rin simula
Parang binibiyak sa sakit ang ulo ni Eunice nang siya ay magising. Dahan-dahan siyang bumangon habang sapo-sapo ang namimigat na ulo."Huh!" Napamulagat siya ng mapansin na hindi pamilyar sa kaniya ang lugar kung saan siya naroon ngayon. Kunot noong inilibot niya ang mga mata sa paligid. Muntik na siyang mahulog sa kama sa labis na pagkagulat ng mahagip ng mga mata niya ang pamilyar na lalaki. Nakaupo ito sa sofa chair na nakapuwesto malapit sa kamang kinauupuan niya. Nakadekuwatro ito ng upo at matamang nakatitig lamang sa kaniya, seryosong-seryoso ang mukha nito."Finally, you're awake! Where's my ring?" agad na sabi ng binata na inilahad pa ang kamay.Akala niya ay nanaginip lang siya kaya kinusot niya ang mga mata para makasigurado, ngunit pagbaling niya sa lalaki ay naroon pa rin ito kung saan niya ito nakita.Tsh! Hindi nga ako nananaginip."A-ano'ng ginagawa mo rito? Bakit ka narito sa kuwarto ko?" tanong niya na may halong takot.Hindi niya alam kung paanong nakapasok ito sa s
"Huh!" Napakislot si Eunice nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Ang sarap-sarap ng higa niya sa inflatable bed na nakapatong mismo sa ibabaw ng swimming pool, muntik na nga siyang makatulog kaya nga lang ay nagising siya sa malakas na tunog na iyon na nagmumula sa kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon sa kaniyang tabi, hindi na niya inabalang tignan kung sino ang tumatawag agad niya itong sinagot. Maliban kay Roman ay ang kaniyang mga kaibigang sina Janet, Cristy at Rhema lang naman ang nakakaalam ng number niya, kaya inaasahan na niya na isa sa tatlong iyon lang naman ang tatawag sa kaniya, dahil si Roman ay hindi pa bumabalik mula sa European tour nito kasama ang kaniyang pamilya, kaya imposibleng tawagan siya nito.Nagpalit siya ng number pagbalik na pagbalik nila ni Roman mula sa Paris. Nalaman kasi ng asawa nito ang numero niya at palagi siyang ginugulo sa tawag nito. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Olivia ang cellphone number niya. Nag-iingat lang siya na hindi na ma
“Dad! I’m going back to Spain tomorrow, meron ka bang ipagbibilin tungkol sa negosyo natin doon?” Umangat ang ulo ni Emmanuel para lingunin ang anak. Ngumiti ito sabay iling.“You’re doing great, son. Maganda ang pagpapatakbo mo sa kumpanya natin, what else can I ask for? Just take good care of yourself, okay. Iyon lang ang gusto namin ng mommy mo, lalo na at malayo kami sa iyo.”“Yes, Dad, lagi ko namang inaalagaan ang sarili ko, kayo rin po, ingatan ninyo ang kalusugan ninyo at alagaan ninyo si mommy.”Tumango si Emmanuel. “We’ll going to miss you, son. Ilang taon na naman tayong hindi magkikita.”“Yeah, but I will visit if I have time.”“Okay. Kung hindi ka naman makakauwi ay kami ang pupunta ng mommy mo sa Spain to visit you.”“I have to go, Dad, aayusin ko na ang mga gamit na dadalhin ko, maaga pa ang flight ko bukas.”Tumayo si Emmanuel at niyakap ang anak.“I’m so proud of you, son,” sambit nito sabay tapik sa balikat ni Joaquin.“Thanks, Dad,” aniya.Sa America nag-aral ng co
Matapos dumalaw sa kanilang plantasyon ng mga tubo sa Andalusia ay bumiyahe pabalik nang Barcelona si Joaquin.Inabot na siya ng gutom, alas kuwatro na ng hapon ng mga oras na iyon, kaya naman tumigil muna siya sa isang restaurant para kumain. Malapit lang ang restaurant sa kaniyang bahay. Hindi siya nakapag-hapunan kanina dahil sa sobrang pagkaabala, marami kasi siyang inasikaso sa farm.Habang siya ay kumakain ay bigla siyang napalingon sa entrance door ng restaurant. Hindi niya inaasahan kung sino ang makikitang pumasok. Si Eunice iyon, may kasama itong may edad nang lalaki. Noong una akala niya ay ama ng dalaga ang kasama nito, ngunit napaawang ang bibig niya nang ang lalaking kasama nito ay bigla na lamang halikan si Eunice sa labi ng sila ay makaupo na.Hindi siya napansin nito dahil ang puwesto niya ay sa nasa gawing dulo, malayo sa lamesa na napili ng mga ito. Hindi niya alam na may asawa na pala si Eunice, ang buong akala niya ay dalaga pa ito at hindi niya rin inaasahan na a