Parang binibiyak sa sakit ang ulo ni Eunice nang siya ay magising. Dahan-dahan siyang bumangon habang sapo-sapo ang namimigat na ulo."Huh!" Napamulagat siya ng mapansin na hindi pamilyar sa kaniya ang lugar kung saan siya naroon ngayon. Kunot noong inilibot niya ang mga mata sa paligid. Muntik na siyang mahulog sa kama sa labis na pagkagulat ng mahagip ng mga mata niya ang pamilyar na lalaki. Nakaupo ito sa sofa chair na nakapuwesto malapit sa kamang kinauupuan niya. Nakadekuwatro ito ng upo at matamang nakatitig lamang sa kaniya, seryosong-seryoso ang mukha nito."Finally, you're awake! Where's my ring?" agad na sabi ng binata na inilahad pa ang kamay.Akala niya ay nanaginip lang siya kaya kinusot niya ang mga mata para makasigurado, ngunit pagbaling niya sa lalaki ay naroon pa rin ito kung saan niya ito nakita.Tsh! Hindi nga ako nananaginip."A-ano'ng ginagawa mo rito? Bakit ka narito sa kuwarto ko?" tanong niya na may halong takot.Hindi niya alam kung paanong nakapasok ito sa s
"Huh!" Napakislot si Eunice nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Ang sarap-sarap ng higa niya sa inflatable bed na nakapatong mismo sa ibabaw ng swimming pool, muntik na nga siyang makatulog kaya nga lang ay nagising siya sa malakas na tunog na iyon na nagmumula sa kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon sa kaniyang tabi, hindi na niya inabalang tignan kung sino ang tumatawag agad niya itong sinagot. Maliban kay Roman ay ang kaniyang mga kaibigang sina Janet, Cristy at Rhema lang naman ang nakakaalam ng number niya, kaya inaasahan na niya na isa sa tatlong iyon lang naman ang tatawag sa kaniya, dahil si Roman ay hindi pa bumabalik mula sa European tour nito kasama ang kaniyang pamilya, kaya imposibleng tawagan siya nito.Nagpalit siya ng number pagbalik na pagbalik nila ni Roman mula sa Paris. Nalaman kasi ng asawa nito ang numero niya at palagi siyang ginugulo sa tawag nito. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Olivia ang cellphone number niya. Nag-iingat lang siya na hindi na ma
“Dad! I’m going back to Spain tomorrow, meron ka bang ipagbibilin tungkol sa negosyo natin doon?” Umangat ang ulo ni Emmanuel para lingunin ang anak. Ngumiti ito sabay iling.“You’re doing great, son. Maganda ang pagpapatakbo mo sa kumpanya natin, what else can I ask for? Just take good care of yourself, okay. Iyon lang ang gusto namin ng mommy mo, lalo na at malayo kami sa iyo.”“Yes, Dad, lagi ko namang inaalagaan ang sarili ko, kayo rin po, ingatan ninyo ang kalusugan ninyo at alagaan ninyo si mommy.”Tumango si Emmanuel. “We’ll going to miss you, son. Ilang taon na naman tayong hindi magkikita.”“Yeah, but I will visit if I have time.”“Okay. Kung hindi ka naman makakauwi ay kami ang pupunta ng mommy mo sa Spain to visit you.”“I have to go, Dad, aayusin ko na ang mga gamit na dadalhin ko, maaga pa ang flight ko bukas.”Tumayo si Emmanuel at niyakap ang anak.“I’m so proud of you, son,” sambit nito sabay tapik sa balikat ni Joaquin.“Thanks, Dad,” aniya.Sa America nag-aral ng co
Matapos dumalaw sa kanilang plantasyon ng mga tubo sa Andalusia ay bumiyahe pabalik nang Barcelona si Joaquin.Inabot na siya ng gutom, alas kuwatro na ng hapon ng mga oras na iyon, kaya naman tumigil muna siya sa isang restaurant para kumain. Malapit lang ang restaurant sa kaniyang bahay. Hindi siya nakapag-hapunan kanina dahil sa sobrang pagkaabala, marami kasi siyang inasikaso sa farm.Habang siya ay kumakain ay bigla siyang napalingon sa entrance door ng restaurant. Hindi niya inaasahan kung sino ang makikitang pumasok. Si Eunice iyon, may kasama itong may edad nang lalaki. Noong una akala niya ay ama ng dalaga ang kasama nito, ngunit napaawang ang bibig niya nang ang lalaking kasama nito ay bigla na lamang halikan si Eunice sa labi ng sila ay makaupo na.Hindi siya napansin nito dahil ang puwesto niya ay sa nasa gawing dulo, malayo sa lamesa na napili ng mga ito. Hindi niya alam na may asawa na pala si Eunice, ang buong akala niya ay dalaga pa ito at hindi niya rin inaasahan na a
Naging masaya ang bakasyon ni Eunice kasama si Roman sa Spain. Namasyal sila, nag-shopping at kumain ng mga masasarap na pagkain. Wala sa kanilang dalawa na nakapansin sa lalaking panay ang buntot sa kanila saan man sila pumunta. Natapos ang isang linggong bakasyon ng dalawa at bumalik na rin sila sa Pilipinas. "This is the most memorable vacation we had together, baby," ani Roman. May sumundo sa kanilang sasakyan, tauhan ni Roman ang nagmamaneho at hinatid sila sa bahay. Hindi muna dumiretso si Roman sa pamilya niya. Ang plano nito ay magpalipas muna ng gabi kasama si Eunice.Humilig ang dalaga sa balikat ng mayamang negosyante. "Yes, I agree, ito nga ang pinakamasayang bakasyon natin together, sana maulit pa."Alas diyes nang gabi ng makarating sila sa bahay at hindi nila inaasahan na mabubungaran nila si Olivia, kanina pa pala ito nakaabang sa pagdating nila.Isang malakas na palakpak ang umalingaw-ngaw sa malawak na sala."Bravo! Ang kakapal talaga ng mga mukha ninyo. Lalo ka n
"Kamusta na ang pinagagawa ko sa'yo, Moreno, may resulta na ba?" tanong ni Emmanuel sa lalaking kapapasok lang sa kaniyang opisina at ngayon ay nakatayo sa harapan niya. Itinuro niya ang upuan sa tabi nito at iminuwestra na maupo, na siya namang ginawa ng lalaki.Kasalukuyan niyang sinusuri ang disensyo at label ng bagong alak na ilo-launch nila sa market. Ang anak na si Joaquin mismo ang dumiskubre ng bagong alak na iyon. Sobrang proud siya para sa kaniyang anak, talagang namana nito ang mga katangian niya."Good news, Sir, nakita ko na ang pinahahanap ninyo sa akin. Nalaman ko na ang pangalan niya at kung saan siya nakatira," masayang tugon ng kausap.Natigilan ang ginoo, bigla siyang napatuwid ng upo. Itinabi niya ang hawak na bote ng alak at hinarap ang kausap, hinanda ang sarili na makinig sa sasabihin nito."Really! So, ano ang natuklasan mo sa kaniya? Mabuti ba ang kalagayan niya? Maayos ba ang buhay niya? Nag-aaral ba siya, nagtatrabaho? Ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon?"
Nakaramdam ng matinding excitement si Eunice, nang marinig niya ang pamilyar na tunog ng sasakyan na pumapasok sa loob ng kaniyang bakuran."Ma'am, si Sir Roman, dumating na!" masayang pagbabalita ng kaniyang kasambahay. Nasa tuktok siya ng hagdan at ito naman ay nasa paanan kaya tiningala siya nito."Gumawa kayo ng masarap na meryenda, ipagluto ninyo ng makakain si Roman," tarantang utos niya rito."Sige po, Ma'am, kami na ang bahala," maliksi ang kilos ng kasambahay, tinungo nito sa kusina ang kasamahang kusinera para sabihin ang ipinag-uutos ng kaniyang amo.Inayos muna niya ang kaniyang sarili. Mabuti na lang at lagi siyang handa sa pagdating ni Roman, katatapos lang niyang maligo kaya naman mabangong-mabango siya. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan para salubungin ang mayamang negosyante sa main door ng bahay."Honey!" masiglang tawag niya sa kalaguyo. Sinugod niya ito ng yakap. "Ano ba ang nangyari, bakit ang tagal mong nakabalik?" may himig pagtatampo na tanong niya."I'm so sor
Kahit nangingig ang mga tuhod ay mabilis pa rin ang mga hakbang ni Eunice. Ang kagustuhan na makita si Roman ang nagbibigay sa kaniya ng lakas. Nasa loob na siya ng ospital at kasalukuyang hinahanap ang mayamang negosyante. Dali-dali niyang tinungo ang information center upang magtanong."Miss, pwede ko bang malaman kung may pasyente kayo rito na ang pangalan ay Roman Cervantes?" tanong niya sa babaeng naroroon at kumukuha ng mga inquiries."Roman Cervantes, Ma'am?" pag-uulit nito sa pangalang binanggit niya."Yes," mabilis na tugon niya kasabay ng pagtango."Teka lang po, itse-check ko rito sa files namin." Hinarap nito ang computer at hinanap sa record ng mga pasyente kung may ganuon ngang pangalan na naka-confine roon. Buhat sa paghahanap ay natigil ito at bumaling kay Eunice."According po sa file namin ay mayroon nga pong pasyenteng dinala rito kagabi na ang pangalan ay Roman Cervantes."Nabuhayan ng loob si Eunice ang buong akala kasi niya ay inilipat na ng ospital si Roman. "Ah