Flash back
"Ms. Mendoza, I'm sorry but you cannot take the exam today, please leave the classroom immediately. Magsisimula na ang aming test at nakakaistorbo ka."Naalarma ako sa sinabing iyon ng professor namin kaya agad akong napatayo. Ang tingin ng mga kaklase ko sa akin ay hindi ko mawari, nakangisi ang mga ito na para bang natutuwa pa sa nangyayari sa akin.Hindi maari ito, hindi pwedeng hindi ako makakuha ng exam ngayon, sayang ang mga pinaghirapan ko sa pag-aaral kung mauuwi lang sa wala ang lahat."Pe-pero Ma'am, pumirma po ako ng promisory note, magbabayad po ako ng tuition for this semester, after one week makokompleto ko na po ang pambayad ko, hindi lang po dumating ang pera na padala ng daddy ko ngayon," pagdadahilan ko.May narinig akong bulong-bulungan mula sa aking mga kaklase at mga pigil na pagtawa. Pinagtatawanan nila ako. Kasalanan ko ba kung hindi ako katulad nila na kayang i-fully paid ang tuition fee?Okay fine! Nagsinungaling ako, wala akong inaasahang pera na parating mula sa daddy ko dahil ang totoo ay wala naman talaga akong daddy. Si Mama lang ang nakagisnan kong magulang at hanggang ngayon na nineteen years old na ako ay hindi ko pa rin alam kung sino ang totoo kong ama dahil ayaw sabihin sa akin ni Mama. Maraming kwento-kuwento sa lugar namin na anak daw ako sa labas, kabit daw ang Mama ko, pero pinabulaanan ang lahat ng iyon ni Mama. Gusto kong maniwala sa kaniya, kaya lang minsan ay parang gusto ko na lang paniwalaan ang mga sinasabi ng ibang tao. Si Mama kasi, bakit kailangan pa niyang ilihim sa akin kung sino ang tunay kong ama? Kung wala naman siyang itinatago ay bakit ayaw niyang makilala ko ang daddy ko?May asawa na si Mama ngayon, at may dalawa na akong kapatid, isang seven years old at isang five years old. Nahihiya si Mama sa asawa niya kaya pinagtatrabahuhan niya ang perang pambayad sa matrikula ko. Nagluluto siya ng kung ano-ano at ibinibenta sa mga kapitbahay namin. Nag-o-online selling din siya ng mga damit, sapatos, bag at kahit ano na pwedeng ibenta.Second year college na ako ngayon sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management. Kaya ko kinuha ang kurso na ito dahil pangarap kong maging isang FA(Flight Attendant), malapit ko na sanang maabot ang pangarap ko na iyon dahil sa tingin ko naman ay nasa akin na ang lahat ng katangian na hinahanap para sa isang FA, matangkad ako, maganda at higit sa lahat ay matalino, kaya lang ang kahirapan ang humahadlang kaya hindi ko maabot-abot ang aking mga pangarap. Masipag naman ako, ang totoo nga niyan pagkatapos ng klase ko ay may part time job pa ako. Nagtatrabaho ako sa isang milk tea shop sa tapat lang ng eskuwelahan namin. Ginagawa kong pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral dahil ayoko namang i-asa na lang lahat ng mga gastusin ko sa eskuwelahan kay Mama. Ang kinikita ko sa part time job ko ay allowance ko na sa pagpasok, pambili ng mga project at pambayad ng iba pang miscellenous fee sa aming eskuwelahan.I feel like I'm a failure, dahil kahit na anong pakiusap ang gawin ko ay hindi nila ako binigyan pa ng konting palugit. Kanina matapos akong palabasin ni Ms. Legaspi sa aming klase ay dumiretso ako sa registrar office para sana makiusap ulit, kaya lang ay ayaw na talaga nila akong payagan na kumuha ng exam dahil may balance pa raw akong five thousand pesos noong nakaraang first semester. Kailangan kong i-settle ang lahat ng mga pending accounts ko bago nila ako payagan na makapag-exam ulit. Kaya lang, saan ba ako makakakuha ng malaking halaga ng pera nang ganuon kabilis? Walang-wala pa naman si Mommy ngayon dahil ilang araw rin siyang nahinto sa mga raket niya, nagkasakit kasi ng sabay ang mga kapatid ko, siyempre mas kailangan niyang unahin ang mga anak niya. Naawa na rin ako kay Mama, hindi rin naman ganuon kalaki ang kinikita ni Tito Juancho sa pagta-taxi. Sa totoo lang ay kapos na kapos kami. Ang hirap kapag wala kang sariling bahay at nangungupahan ka lang. Ang kinikita ni Tito Juancho ay napupunta lang sa pambayad ng renta sa bahay at mga bills namin. Mabait naman ang stepfather ko, pero nahihiya na rin ako sa kaniya. Kahit na parang tunay na anak na ang turing niya sa akin ay hindi ko maiwasan na isipin na hindi ako kabilang sa pamilya nila.Dalawang oras pa bago magsimula ang trabaho ko sa coffee shop. Ayokong umuwi sa amin dahil mado-doble pa ako sa pamasahe, kaya kahit ayoko nang magtagal pa sa school ay napilitan akong pumunta na lang muna sa rooftop ng building C. Ipinagbabawal ang mga estudyante na umakyat sa rooftop, pero dahil makulit at pasaway ako ay nagawa kong makaakyat nang hindi napapansin ng mga gwardiya ng aming eskuwelahan. Dito sa rooftop ako madalas tumambay, bukod sa tahimik ay gusto kong mapag-isa. Matapos ang nangyari kanina ay wala na akong mukha na ihaharap sa mga kaklase ko.May mga nakatambak na lumang upuan doon. Kumuha ako ng isa, sinigurado ko muna na maayos pa ito at pwedeng gamitin bago ko upuan. Para malibang ay nilabas ko ang aking luma nang cellphone na madalas mag-hang dahil full storage na at mababa ang capacity. Parang gusto ko na nga siyang itapon sa sobrang bagal niya, basag pa ang screen dahil ilang beses na ring nalaglag, kaya lang ay pinagtitiyagaan ko lang dahil wala naman akong perang pambili ng bago. Hindi ko na nga inilalabas kapag kaharap ko ang mga kaklase ko dahil tiyak pagtatawanan na naman nila ako. May mga na-d******d na akong kanta na naka-save sa phone ko kaya iyon ang pinatugtog ko. Wala akong headset kaya hinayaan ko lang na pumailanlang ang tutugtugin sa buong paligid, kampante naman ako dahil alam kong ako lang mag-isa sa lugar na iyon. Sinabayan ko pa sa pagkanta si Taylor Swift. Feel na feel ko ang awitin, favorite singer ko kasi siya at lahat ng kanta niya ay gustong-gusto kong pinakikinggan."Buwiset... ang ingay!""Huh!" Napakislot ako sa gulat nang biglang may sumigaw. Ang tono ng boses nito ay para bang galit. Inilibot ko ang mga mata sa paligid at napaawang ang bibig ko ng makita ang babaeng kasalukuyang bumabangon sa pinagdugtong-dugtong na upuan. Hindi ko siya napansin kanina, ang buong akala ko ay mag-isa lang ako, may nauna pa palang estudyante sa akin dito."Hoy, ikaw ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" mataray na tanong nito, matalim tingin niya sa akin. Galit siya dahil naistorbo ko ang tulog niya."A-ako?" alanganing tanong ko naman, itinuro ko pa ang aking sarili.Umikot ang mata ng babae. "Oo, ikaw! May iba pa bang tao rito, ay tanga!" inis na sabi nito."Wa-wala naman akong ginagawa ah," maang na sagot ko."Anong wala? Ang ingay-ingay mo kaya, nakita mo nang natutulog ang tao eh, istorbo ka!" singhal nito sa akin."Miss, sorry pero hindi kita nakita kanina, malay ko ba na may natutulog d'yan, hindi naman kasi ito bahay para gawing tulugan," may halong inis na rin na wika ko."Tsh... Whatever!" pagbabalewala nito sa sinabi ko.Katulad ko ay nakasuot din siya ng school uniform.Pinagmasdan ko lamang ang ginagawa niya. May inilabas siyang laptop sa dala niyang backpack, naglabas din ng airpod at cellphone. Napansin ko ang tatak ng mga gadget niya, mansanas na may kagat. Hindi ko maiwasan ang mapa-isip, pareho lang naman kaming estudyante pero ang mga gamit niya ay mamahalin, malayong-malayo sa mga gamit ko na patapon na, kahit ibigay ko siguro sa mangangalakal ay magdadalawang isip pang tanggapin.Napansin ko rin kung gaano kaganda ang sapatos na suot niya, ikumpara sa school shoes ko na dalawang taon ko nang ginagamit at nakailang beses ng dinala sa sapatero para dikitan ng rugby dahil laging humihiwalay ang suwelas. Nakakasilaw ang suot niyang relo, gold ang kulay niyon, pati ang kaniyang kwintas, bracelet at mga hikaw ay puro gold din. Inisip ko na lang na pinagpala siya dahil may mayaman siyang mga magulang na kayang tustusan ang mga pangangailangan niya.Tao lang naman ako, hindi ko itatanggi na nakaramdam ako ng inggit sa kaniya. Pinangarap ko rin na magkaroon ng mga bagay na mayroon siya pero sa katayuan ko sa buhay ay hanggang pangarap na lang talaga iyon, pambayad nga sa tuition wala ako, pambili pa kaya ng mga mamahaling bagay? Siyempre mas uunahin ko ang pag-aaral ko, dahil kapag nakatapos ako sisiguraduhin kong magtatagumpay ako at mabibili ko rin ang mga bagay na gusto ko. Imbes na panghinaan ay naging motivation ko pa ang nakita ko. Sisikapin kong makatapos ng pag-aaral. Tama... hindi ako mawawalan ng pag-asa, makakahanap din ako ng pera at masosolusyunan ko rin ang problema ko sa pag-aaral."Ano ang tinitingin-tingin mo d'yan?"Napakislot ako nang magsalita ang kaharap ko."Wa-wala, bakit masama bang tumingin?" inis na tanong ko, napakataray naman kasi ng babaeng ito."Naiinggit ka sa mga gamit ko noh?" tanong niya na may halong pang-uuyam.Napamaang ako, sunod-sunod ang naging pag-iling ko, kahit naman naiinggit ako ay hindi ako aamin. Bakit ko naman ipagkakanlulo ang sarili ko? Bibigyan ko lang siya ng dahilan na maliitin pa akong lalo kapag umamin ako.Kahit wala pa akong balak umalis ay tumayo na ako. Sa iba na lang ako tatambay. Iniwan ko ang mataray na babae nang walang pasabi. Bakit pa ako magpapaalam, hindi naman kami magkakilala at lalong hindi kami close?"Hoy, saan ka pupunta? Bumalik ka rito!" pasigaw na sabi ng mataray na babae.Ewan ko ba kung ano ang nag-udyok sa akin na lingunin ko pa siya kahit ang totoo ay inis ako sa kaniya."Bakit, ano ang kailangan mo? Pwede ba huwag mo akong tawagin ng "hoy" may pangalan ako.""So, ano ba'ng pangalan mo?"Natigilan ako hindi ko alam kung dapat ko nga bang sabihin ang pangalan ko sa babaeng ito, pero sa huli ay hindi ko rin napigilan na ipaalam ang pangalan ko sa kaniya."Ako si Eunice," matipid na sagot ko."Eunice," pag-uulit nito sa pangalan ko. "Ano ang ginagawa mo rito sa rooftop, di ba dapat nag-e-exam ka ngayon? Lahat ng estudyante ay nasa kani-kanilang classroom at nagte-take ng exam pero bakit ikaw naglalakwatsa lang?" nakangising tanong niya.Hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol ko rito. "Sa tingin mo ba, gusto kong mag-stay pa rito sa school kung hindi naman ako mag-e-exam? Gustong-gusto kong mag-exam at ika-klaro ko lang hindi ako naglalakwatsa, nagpapalipas lang ako ng oras dito habang hinihintay ko ang shift ko sa milktea shop.Sumilay ang ngiti sa labi ng babae. "Huhulaan ko, hindi ka pa bayad sa tuition kaya hindi ka nila pinyagan na mag-exam noh?" nanunudyong tanong niya."Eh, ano naman sa'yo? Bakit ikaw nandito ka rin at wala ka sa classroom? Wala ka rin sigurong pambayad ng tuition," may pang-aasar na sabi ko."Huh! Ofcourse not! Fyi, fully paid na ang tuition ko for the whole year, na-late lang ako, hindi ako umabot sa oras ng exam kaya hindi na ako pinapasok, pero okay lang, mas gusto ko ngang mag-special exam para solo ko lang yung classroom."Natahimik ako, sa pangalawang pagkakataon ay kinainggitan ko na naman ang babaeng kaharap ko. Mabuti pa siya walang problema sa pera."Gusto mo bang kumita ng malaking halaga? Walang hirap na trabaho mag-e-enjoy ka pa. Kapag sinuwerte ka, katulad ko makukuha mo lahat ng gusto mo," maya'y tanong sa akin nito.Agad napabaling ang tingin ko sa kaniya."Kung interesado ka sa alok ko, kontakin mo ako sa number na 'to. Alam mo, hindi ko gawain na makipag-usap sa ibang tao dahil lahat sila ay mapanghusga. Kaya lang, parang nakikita ko ang sarili ko sa'yo dati. Gusto kitang tulungan."Inabot nito sa akin ang pinilas na papel na may nakasulat na cellphone number. Alanganing tinanggap ko naman iyon. Tiningnan ko saglit at pagkatapos ay ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin."A-anong trabaho ba ang ibibigay mo sa akin?" Naging curious akong malaman ang tungkol sa alok niya, siyempre kapag usapang pera ay hindi ko palalagpasin dahil iyon nga ang kailangan ko.Tiningnan niya ako nang makahulugan."Simple lang, isasama kita sa party ng mga mayayaman. Wala kang ibang gagawin kung hindi akitin ang mga lalaking naroon at kapag nagustuhan ka nila ay aalukin mo silang gawin kang escort nila sa kanilang mga special occassion.""Huh! Ano'ng klaseng trabaho 'yon?" naguguluhang tanong ko. Wala akong ideya sa mga sinasabi niya."Subukan mo munang sumama sa akin ng isang beses para maintindihan mo ang sinasabi ko. Sisiguraduhin ko sa'yo na magugustuhan mo ang trabahong ibibigay ko sa'yo.""Oh my gosh, Eunice, is that really yours?" Hindi makapaniwala na tanong sa akin ng bestfriend kong si Glacey.Inimbitahan niya ako for a cup of coffee sa paborito naming coffee shop. She looked so shocked when she saw me getting out of a car. Well I can't blame her, it's not just an ordinary car that I'm driving. I am driving the latest model of Lamborghini. Regalo sa akin ito ni Roman. He feels really bad about what his wife did to me last time, so he bought the car to make it up to me. Dapat lang naman na gawin niya iyon. Hindi biro ang dinanas ko sa bruha niyang asawa. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang anit ko, hindi ko nga magawang makapag suklay ng maayos at ang pisngi ko na tinamaan ng diyamanteng singsing nito ay may pasa pa rin hanggang ngayon, tinakpan ko na nga lang ng concealer para hindi makita. Sabagay, kung ganito ba naman siya palagi sa akin sa tuwing susugurin ako at sasaktan ng kaniyang asawa ay okay lang, kahit araw-arawin pa akong guluhin ng asawa niyang dragon
Eunice's POVDream come true. It's not my first time to travel abroad, pero ito ang unang beses na makakarating ako sa bansa na pangarap kong puntahan. Roman granted my wish na magbakasyon kami sa Paris. Matagal ko nang hinihiling sa kaniya na dalhin niya ako sa lugar na 'yon. I prepared everything, pati ang mga damit na dapat kong suotin sa four days vacation namin. Pinag-isipan ko talagang mabuti ang mga OOTD ko para naman maganda ako sa mga selfie ko.Gusto kong kainggitan ako ng mga friends ko kapag pinost ko na ang mga pictures ko sa social media.Hindi kami pwedeng magsabay ni Roman sa flight, dahil baka malaman ng asawa niya na magkasama kami. Ang paalam kasi ni Roman sa misis niya ay business ang pupuntahan nito sa Paris, hindi alam ng bruha niyang asawa na magbabakasyon kaming dalawa. Well, it's not my problem anymore. Hindi ako mapipigilan ng kahit na sino, kahit pa ang tigreng asawa ni Roman.Nauna akong umalis kay Roman, siya naman ay bukas pa ang flight. Naayos na ng sekr
"I thought we were supposed to meet at the airport. Why you didn't show up? I waited for hours, expecting you to pick me up. And who's the girl in the news you're with? Are you cheating on me, Joaquin?"Galit ang itsura ni Madeline habang kausap ang nobyo."Of course not!" mariing tanggi naman ng binata. "I don't know her either, I'm confused too. Your coat and hers looked the same, so I mistook her for you. I'm sorry, it was all a mistake. Let's just put it behind us. The important thing is that you got away from the paparazzi, and we're together now. I will never cheat on you, Babe, you know how much I love you, right? I'm not the other guy you know. When I decide to be in a relationship, I want it to be serious, and I want it to last forever," seryosong sabi nito.Para namang hinaplos ang puso ni Madeline. Ang galit na nadarama nito kanina lang ay biglang napawi dahil sa sinabing iyon ng nobyo."Does that mean you're considering me as someone you'll be with for a lifetime?" curious
Nakaidlip sandali si Eunice, naninibago siya sa oras. Alas siyete pa lang naman ng gabi, pagkatapos niyang kumain sa restaurant ng hotel ay naisipan niyang lumabas muna para magpahangin. Bukas pa ang dating ni Roman kaya sasamantalahin niyang makapamasyal na mag-isa. Malapit lang ang hotel na tinutuluyan niya sa Tuileris Garden kaya doon siya nagtungo. Naglakad-lakad siya at nang mapagod ay naghanap ng mauupuan, may mangilan-ngilang upuang kahoy sa paligid kaya lang ay may mga nakaupo na. Naglakad-lakad pa siya at tama namang may nakita siyang babae na umalis sa kaniyang kinauupuan kaya dali-dali siyang lumapit para pumalit sa upuan nito, nangangalay na ang mga paa niya dahil ang boots na suot niya ay may takong."Hay, salamat at nakaupo rin," tuwang sabi niya, pinisil-pisil niya ang mga muscle sa kaniyang binti, na namintig na sa tagal niyang pagkakatayo.Nagulat siya ng may lalaking bigla nalang sumulpot at lumuhod sa kaniyang harapan. Napaawang ang kaniyang bibig ng walang pasabing
"Hmm... I don't remember buying you a ring. Where did you get that one you're wearing, Baby?"Napakislot ako.Oh shit! I forgot about it. Paano ko ba ito ipapaliwanag kay Roman? I can't just tell him the truth that out of nowhere, some stupid guy proposed to me because he mistook me for his girlfriend.No way it can't be. Sino naman ang maniniwala sa ganuong paliwanag?Grrrr... Binigyan pa talaga ako ng problema ng stupidong lalaki na iyon."I bought this ring... that's right! Binili ko ang singsing na 'to kahapon habang namamasyal ako. Mura lang 'to, nagustuhan ko ang design kaya kinuha ko na," paliwanag ko."I think you have great taste. It looks expensive, and the diamonds appear very authentic," sabi ni Ramon, habang nakatitig sa kamay ko.Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. Inalis ko na sa lamesa ang kamay ko para hindi na iyon mapansin pa ni Roman. Totoo naman kasi, ang kapirasong singsing na suot ko ay milyon-milyon ang halaga, maari na akong makabili ng bahay at lup
"Hey, what?!" singhal ni Joaquin sa kaibigang si Nikko."Anong what?" maang na tanong naman nito."What are you doing in my room and why are you staring at me like that?" Kanina pa kasi niya napapansin ang mga tingin na iyon sa kaniya ng kaibigan na tila ba nang-aasar."Wala lang, ang laki kasi nang problema mo eh," natatawang sabi nito."And so? Ang laki na nga ng problema ko nakuha mo pa akong tawanan," inis na sabi niya, kahit kailan talaga ang kaibigan niyang ito ay wala nang ginawa kung hindi ang asarin siya."Tama naman kasi 'yung babaeng 'yon. What's her name again?""Eunice," walang ganang sagot niya."Yeah, Eunice. I'm in favor of her, kahit na magkaibigan tayo ay hindi kita kakampihan sa pagkakataong ito. Sino ba naman kasing tanga ang magpo-propose sa maling babae? Nagkasya nga ang singsing tapos hindi naman maalis sa daliri. Natural, hindi naman kasi sa kaniyang sukat ng daliri iyon kung hindi kay Madeline.""So what are you trying to imply, na tanga ako ganu'n ba?" nang-a
Sa wakas ay natupad na rin ang pangarap ni Eunice, isang modern 2 storey house na may apat na kuwarto, parking garage na kasya hanggang tatlong sasakyan, malawak na bakuran at malaking swimming pool, ang ngayon ay pag-aari na niya. Ito ang iniregalo ni Roman sa kaniya noong kaarawan niya, kaya naman sobra-sobra ang kasiyahan niya.May tatlong kasambahay pang kinuha sa agency si Roman para makasama niya na magsisilbi sa kaniya at magbibigay ng mga pangangailangan niya. Ito ang buhay na pinapangarap niya noon pa. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos maisip na magagawa niyang mabuhay ng marangya ng hindi kailangan na magtrabaho at mangamuhan.Alas singko ng hapon noon at nakatambay lang siya sa gilid ng swimming pool. Sa ilalim ng malaking payong ay nakahiga siya sa sunlounger, suot ang kaniyang 2 piece red bikini ay talaga namang kumikinang siya sa kaputian. Alaga niya ang kaniyang katawan at kutis dahil ito ang kaniyang puhunan para mabuhay ng marangya.She's now living her dream life.
"Son, what's wrong? Parang malungkot ka, hindi ka ba masaya na nakauwi ka na at kasama mo kami ng Daddy mo?" tanong ni Veronica sa anak.Napansin kasi niya na simula ng dumating ito ay tahimik lang ito at parang laging may malalim na iniisip."May problema ba sa negosyo natin?" tanong na naman niya nang hindi umimik ang anak.Umiling si Joaquin. "Wala Mom," matipid na sagot ng binata."Kung ganu'n ano ba ang bumabagabag sa isip mo? Hindi ako sanay na tahimik ka."Bumuntong hininga nang malalim si Joaquin, tumayo siya buhat sa kaniyang kinauupuan, lumapit sa kaniyang ina at Inakbayan niya ito."Broken hearted ang anak mo, Mom," pagsusumbong niya.Nangunot ang noo ni Veronica. "Huh! Bakit nag-away ba kayo ni Madeline?"Tumango si Joaquin. "Nakipag-break na siya sa akin.""What?! Mahal na mahal ka ni Madeline, paano niya magagawa na makipag-break sa'yo, not unless may ginawa kang kasalanan sa kaniya." May pagdududa ang mga tingin ni Veronica sa anak.Marahang tumango si Joaquin. "Yes, Mo