"You deserve every bit of this! You conniving b*tch! How dare you steal my husband from me!"
Malakas na sampal sa magkabilaang pisngi ang natanggap ko mula sa babaeng halos hindi nalalayo sa laki ng drum ang hugis ng katawan. Punong-puno ito ng mga kumikinang na alahas, nagmistula tuloy siyang walking christmas tree sa paningin ko.Sinapo ko ang aking kaliwang pisngi na mas napuruhan sa malakas na sampal nito sa akin. Matindi ang sakit niyon dahil tumama sa mukha ko ang diyamanteng singsing na suot ng bruhang babaeng iyon.Nginitian ko siya na may kasamang pang-uuyam. I looked her up and down, as if assessing her entire being."No wonder. Your husband ditching you because your personality's a drag, and now I see your face matches the attitude. It wouldn't shock me if he ditches you for good and stay with me. Wala ka nang asim, LOLA," I sneered, chuckling with a careless flick of my hair.Nanlaki ang mga mata ng kausap ko, mukhang hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko. Well, I intentionally do that para lalo siyang maasar sa akin. Gusto ko talaga siyang galitin nang sa ganuon ay saktan pa niya akong muli para mas maging mukhang kaawa-awa ako sa paningin ng kaniyang asawa.Nakuha ko naman ang gusto ko. Walang pag-alinlangang hinila niya nang malakas ang buhok ko at pagkatapos ay sinabunutan niya ako. Hindi pa siya nakuntento at kinaladkad pa ako palabas sa aking silid pababa ng hagdan.Sa lahat nang ginawa niya ay hindi ako lumaban. I let her do whatever she wants to do with me.Napangiti ako, kahit masakit ay mas nanaig pa rin sa akin ang kasiyahan. I counted, one to five.Voila! Just in the nick of time. Sabay kaming napalingon sa ibaba ng bumukas ang pinto. As I was expecting, Romano is there at nakita niya sa akto ang magaling niyang asawa na sinasaktan ako. Ako naman ay itinodo pang lalo ang akting. Pinanindigan ko ang pagiging best actress ko in a kontrabida role."Roman, please help me! She's hurting me too much," paawa effect na sabi ko.Nabigla si Roman nang makita ako at ang kaniyang asawa, ngunit saglit lang ang pagkabiglang iyon."Olivia! What do you think you're doing? Let go off Eunice!" makapangyarihang utos niya sa kaniyang asawa."Roman! Paano mo ako nagagawang utusan ng ganiyan? At ano ang gusto mong gawin ko, sambahin ko at pagsilbihan ang makating higad na ito pagkatapos kong malaman na siya ang babaeng kinahuhumalingan mo? Ibinigay ko ang buong buhay ko sa'yo, wala ka sa kinalalagyan mo ngayon kung hindi dahil sa akin, at pagkatapos ano ang mapapala ko? Hindi ka ba kinikilabutan sa ginagawa mo? Tingnan mo, mas matanda pa ang mga anak natin sa babaeng ito.""At ikaw namang malanding babae ka, ang lakas din talaga ng sikmura mo na pumatol sa lalaking triple ang edad sa'yo. I doubt it na pinatulan mo ang asawa ko because you love him. I know you're just after his money. Kilala ko ang mga kagaya mong kabit, makakapal ang mukha ninyo at wala kayong konsensiya!" nanggagalaiti sa galit na sabi ng bruha.Hindi pa rin niya binibitiwan ang buhok ko and I think wala siyang plano na pakawalan ako. Kung hindi ako ipagtatanggol ni Roman sa kaniyang asawa there is no chance na makawala ako sa dragon na ito, not unless ay itulak ko siya nang malakas para mahulog sa hagdan. Tsk. Never mind, hindi ko nga pala pwedeng gawin iyon dahil kapag itinulak ko siya ay siguradong kasama niya akong mahuhulog, bad idea. Wish ko lang ay talagang napa-in love ko na ng husto si Roman, para ako ang piliin niya over her stupid, nagger wife.Ang mga lalaki hindi naman maghahanap ng iba 'yan kung walang nakikitang kulang sa'yo. Her wife lacks of everything. Gosh... ayoko na lang magsalita.Nawala ako sa malalim na pag-iisip ng makita kong papalapit sa amin si Roman. Umakyat siya ng hagdan para puntahan kami. At the back of my mind, I had this strong confidence that in this situation, he would choose me, and I'm right. Kung baga kasi sa negosyo, ako ang kaniyang best asset, and he will protect me at all cost.Mahigpit na hinawakan ni Roman ang kamay ng kaniyang asawa. Halos mapilipit na niya ito kaya naman walang nagawa ang dragon kung hindi ang bitawan ako. Napangiwi sa sakit ang bruha, ako naman ay yumakap kay Roman, para tuluyang buwisitin ang asawa nito."Huh! Ang kapal ng mga mukha ninyo mga hayup kayo! Malandi ka... malandi kang babae ka!"Akmang susugurin ako ng hampas ng dragonesa ngunit maagap si Roman, itinago niya ako sa kaniyang likuran at sinalo ang lahat ng hampas at palo ng kaniyang asawa.Gusto kong ma-touch sa ginawa niya pero naisip kong huwag na lang. Ayokong mag-invest ng feelings sa taong ginagamit ko lang.Yes, tama ang paratang sa akin ng asawa ni Roman, I'm after his money. Natural lang na suklian niya ng malaki ang serbisyo ko sa kaniya, hindi naman ako basta-bastang babae lang na napulot niya sa isang tabi. I'm Eunice Mendoza, I graduated with high honors sa isang prestigeous school. Wala nga lang akong maipagmamalaking trabaho but I use my brain wisely. Hindi ko kailangan na magtrabaho at magpakapagod para lang sa kakarampot na pera. Ang pumatol sa lalaking mayaman at ibigay ang lahat ng luho ko ay isang walang kalugi-lugi at hirap na negosyo. Ganda at katawan lang ang puhunan. Ang kailangan ko lang namang gawin ay laging maging mabango, sexy at maganda sa kanilang paningin.Isa lang naman si Roman sa mga mayayamang may asawa na naka-relasyon ko na, kaya no big deal na sa akin ang sugurin ng asawa nito. Ilang beses ko na bang naranasan na saktan ng mga asawa ng mga nakarelasyon ko? Immune na ako, kasama 'yan sa pinasok ko. It's true na walang lihim na hindi nabubunyag, and sad to say, ang mga lalaki ay hindi makakapaglihim ng matagal sa kanilang mga asawa. Mabubuking at mabubuking talaga ang mga kalokohan nila kahit gaano pa sila kaingat dahil ang mga babae ay mas magaling pa sa mga detective kung mag-imbestiga. Hindi pwedeng maliitin ang girl instict nila."Baby, go to your room and lock the door, don't open it until I say so," utos sa akin ni Roman, patuloy pa rin niya akong pinoprotektahan para hindi tamaan nang mabibigat na kamay ng kaniyang asawa. Tumango naman ako bilang tugon.Tiningnan ko ang nanggagalaiti niyang asawa at pagkatapos ay nginitian ko siya na para bang lalo pang nang-aasar. Nakita ko kung paano namula ng husto ang mukha niya sa galit sa akin, kaya bago pa siya magwala ng todo ay dali-dali na akong tumakbo papunta sa aking silid at kagaya ng bilin ni Roman ay nag-lock agad ako ng pinto. Narinig ko ang sigawan at pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa.Ayoko nang marinig kung anoman ang mga pinagsasabi nila, hindi ako interesado. Kinuha ko ang airpods ko at ipinasak ko sa aking tenga. Nagpatugtog ako nang malakas mula sa aking cellphone. I don't care about them. Hindi ako nakaramdam ng kahit na anong pagka-konsensiya.I sat on the edge of the bed, catching a glimpse of myself in the full-length mirror, and a smile crept across my face. It felt strange, but it was worth it. After everything that happened, I knew Roman would love me even more.Halos thirty minutes na ang lumipas. I decided to remove my airpods. Wala na akong narinig na nag-uusap, tahimik na sa buong paligid. I got curious, tumayo ako at marahang binuksan ang pinto, sumilip ako at tinanaw ko ang paligid. Wala akong nakitang tao, wala na si Roman at ang asawa nito kung saan ko sila iniwan kanina. I guess umalis na sila kaya naman I go out to check. Tama nga ako, wala na sila.Nakaramdam ako ng kapanatagan ng loob. Pabor sa akin ang nangyari, since alam na ng asawa ni Roman kung saan ako nakatira, now is the time para humiling ako kay Roman nang mas malaki at mas magandang tirahan. Sawa na ako sa condo na ito. The truth is, I want a big house at kayang-kayang ibigay ni Roman sa akin iyon. He's a multi-millionare, he can give me whatever I want.I'm only 23 years old but at this young age ay marami na akong pinagdaanan na hindi maganda sa buhay and those experiences have molded me into a stronger person I am today.Napangiti ako nang makita buhat sa aking cellphone ang message ni Roman, at nang aking basahin ay mas lumapad pa ang ngiti ko.Baby, I'm sorry I had to leave. I need to take Olivia home and calm her down. I'm not sure if I'll be able to come back there now, but don't worry about everything, I will handle this. I love you and I won't allow my wife to hurt you again.Ngiting tagumpay ako, sinasabi ko na, magagawa kong pa-ibigin si Roman sa maikling panahon lang na pagsasama namin. Sino ba naman ang hindi mabibighani ng husto sa alindog ko?Well, It's not my fault. Masyado lang talaga silang marupok.I am once a nice and naive girl, nagsimula lang ito nang mapagtanto ko kung gaano kahalaga ang pera sa buhay ng tao. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-isip at balikan ang aking nakaraan.Flash back"Ms. Mendoza, I'm sorry but you cannot take the exam today, please leave the classroom immediately. Magsisimula na ang aming test at nakakaistorbo ka."Naalarma ako sa sinabing iyon ng professor namin kaya agad akong napatayo. Ang tingin ng mga kaklase ko sa akin ay hindi ko mawari, nakangisi ang mga ito na para bang natutuwa pa sa nangyayari sa akin.Hindi maari ito, hindi pwedeng hindi ako makakuha ng exam ngayon, sayang ang mga pinaghirapan ko sa pag-aaral kung mauuwi lang sa wala ang lahat."Pe-pero Ma'am, pumirma po ako ng promisory note, magbabayad po ako ng tuition for this semester, after one week makokompleto ko na po ang pambayad ko, hindi lang po dumating ang pera na padala ng daddy ko ngayon," pagdadahilan ko.May narinig akong bulong-bulungan mula sa aking mga kaklase at mga pigil na pagtawa. Pinagtatawanan nila ako. Kasalanan ko ba kung hindi ako katulad nila na kayang i-fully paid ang tuition fee?Okay fine! Nagsinungaling ako, wala akong inaasahang pera na p
"Oh my gosh, Eunice, is that really yours?" Hindi makapaniwala na tanong sa akin ng bestfriend kong si Glacey.Inimbitahan niya ako for a cup of coffee sa paborito naming coffee shop. She looked so shocked when she saw me getting out of a car. Well I can't blame her, it's not just an ordinary car that I'm driving. I am driving the latest model of Lamborghini. Regalo sa akin ito ni Roman. He feels really bad about what his wife did to me last time, so he bought the car to make it up to me. Dapat lang naman na gawin niya iyon. Hindi biro ang dinanas ko sa bruha niyang asawa. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang anit ko, hindi ko nga magawang makapag suklay ng maayos at ang pisngi ko na tinamaan ng diyamanteng singsing nito ay may pasa pa rin hanggang ngayon, tinakpan ko na nga lang ng concealer para hindi makita. Sabagay, kung ganito ba naman siya palagi sa akin sa tuwing susugurin ako at sasaktan ng kaniyang asawa ay okay lang, kahit araw-arawin pa akong guluhin ng asawa niyang dragon
Eunice's POVDream come true. It's not my first time to travel abroad, pero ito ang unang beses na makakarating ako sa bansa na pangarap kong puntahan. Roman granted my wish na magbakasyon kami sa Paris. Matagal ko nang hinihiling sa kaniya na dalhin niya ako sa lugar na 'yon. I prepared everything, pati ang mga damit na dapat kong suotin sa four days vacation namin. Pinag-isipan ko talagang mabuti ang mga OOTD ko para naman maganda ako sa mga selfie ko.Gusto kong kainggitan ako ng mga friends ko kapag pinost ko na ang mga pictures ko sa social media.Hindi kami pwedeng magsabay ni Roman sa flight, dahil baka malaman ng asawa niya na magkasama kami. Ang paalam kasi ni Roman sa misis niya ay business ang pupuntahan nito sa Paris, hindi alam ng bruha niyang asawa na magbabakasyon kaming dalawa. Well, it's not my problem anymore. Hindi ako mapipigilan ng kahit na sino, kahit pa ang tigreng asawa ni Roman.Nauna akong umalis kay Roman, siya naman ay bukas pa ang flight. Naayos na ng sekr
"I thought we were supposed to meet at the airport. Why you didn't show up? I waited for hours, expecting you to pick me up. And who's the girl in the news you're with? Are you cheating on me, Joaquin?"Galit ang itsura ni Madeline habang kausap ang nobyo."Of course not!" mariing tanggi naman ng binata. "I don't know her either, I'm confused too. Your coat and hers looked the same, so I mistook her for you. I'm sorry, it was all a mistake. Let's just put it behind us. The important thing is that you got away from the paparazzi, and we're together now. I will never cheat on you, Babe, you know how much I love you, right? I'm not the other guy you know. When I decide to be in a relationship, I want it to be serious, and I want it to last forever," seryosong sabi nito.Para namang hinaplos ang puso ni Madeline. Ang galit na nadarama nito kanina lang ay biglang napawi dahil sa sinabing iyon ng nobyo."Does that mean you're considering me as someone you'll be with for a lifetime?" curious
Nakaidlip sandali si Eunice, naninibago siya sa oras. Alas siyete pa lang naman ng gabi, pagkatapos niyang kumain sa restaurant ng hotel ay naisipan niyang lumabas muna para magpahangin. Bukas pa ang dating ni Roman kaya sasamantalahin niyang makapamasyal na mag-isa. Malapit lang ang hotel na tinutuluyan niya sa Tuileris Garden kaya doon siya nagtungo. Naglakad-lakad siya at nang mapagod ay naghanap ng mauupuan, may mangilan-ngilang upuang kahoy sa paligid kaya lang ay may mga nakaupo na. Naglakad-lakad pa siya at tama namang may nakita siyang babae na umalis sa kaniyang kinauupuan kaya dali-dali siyang lumapit para pumalit sa upuan nito, nangangalay na ang mga paa niya dahil ang boots na suot niya ay may takong."Hay, salamat at nakaupo rin," tuwang sabi niya, pinisil-pisil niya ang mga muscle sa kaniyang binti, na namintig na sa tagal niyang pagkakatayo.Nagulat siya ng may lalaking bigla nalang sumulpot at lumuhod sa kaniyang harapan. Napaawang ang kaniyang bibig ng walang pasabing
"Hmm... I don't remember buying you a ring. Where did you get that one you're wearing, Baby?"Napakislot ako.Oh shit! I forgot about it. Paano ko ba ito ipapaliwanag kay Roman? I can't just tell him the truth that out of nowhere, some stupid guy proposed to me because he mistook me for his girlfriend.No way it can't be. Sino naman ang maniniwala sa ganuong paliwanag?Grrrr... Binigyan pa talaga ako ng problema ng stupidong lalaki na iyon."I bought this ring... that's right! Binili ko ang singsing na 'to kahapon habang namamasyal ako. Mura lang 'to, nagustuhan ko ang design kaya kinuha ko na," paliwanag ko."I think you have great taste. It looks expensive, and the diamonds appear very authentic," sabi ni Ramon, habang nakatitig sa kamay ko.Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. Inalis ko na sa lamesa ang kamay ko para hindi na iyon mapansin pa ni Roman. Totoo naman kasi, ang kapirasong singsing na suot ko ay milyon-milyon ang halaga, maari na akong makabili ng bahay at lup
"Hey, what?!" singhal ni Joaquin sa kaibigang si Nikko."Anong what?" maang na tanong naman nito."What are you doing in my room and why are you staring at me like that?" Kanina pa kasi niya napapansin ang mga tingin na iyon sa kaniya ng kaibigan na tila ba nang-aasar."Wala lang, ang laki kasi nang problema mo eh," natatawang sabi nito."And so? Ang laki na nga ng problema ko nakuha mo pa akong tawanan," inis na sabi niya, kahit kailan talaga ang kaibigan niyang ito ay wala nang ginawa kung hindi ang asarin siya."Tama naman kasi 'yung babaeng 'yon. What's her name again?""Eunice," walang ganang sagot niya."Yeah, Eunice. I'm in favor of her, kahit na magkaibigan tayo ay hindi kita kakampihan sa pagkakataong ito. Sino ba naman kasing tanga ang magpo-propose sa maling babae? Nagkasya nga ang singsing tapos hindi naman maalis sa daliri. Natural, hindi naman kasi sa kaniyang sukat ng daliri iyon kung hindi kay Madeline.""So what are you trying to imply, na tanga ako ganu'n ba?" nang-a
Sa wakas ay natupad na rin ang pangarap ni Eunice, isang modern 2 storey house na may apat na kuwarto, parking garage na kasya hanggang tatlong sasakyan, malawak na bakuran at malaking swimming pool, ang ngayon ay pag-aari na niya. Ito ang iniregalo ni Roman sa kaniya noong kaarawan niya, kaya naman sobra-sobra ang kasiyahan niya.May tatlong kasambahay pang kinuha sa agency si Roman para makasama niya na magsisilbi sa kaniya at magbibigay ng mga pangangailangan niya. Ito ang buhay na pinapangarap niya noon pa. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos maisip na magagawa niyang mabuhay ng marangya ng hindi kailangan na magtrabaho at mangamuhan.Alas singko ng hapon noon at nakatambay lang siya sa gilid ng swimming pool. Sa ilalim ng malaking payong ay nakahiga siya sa sunlounger, suot ang kaniyang 2 piece red bikini ay talaga namang kumikinang siya sa kaputian. Alaga niya ang kaniyang katawan at kutis dahil ito ang kaniyang puhunan para mabuhay ng marangya.She's now living her dream life.
Kahit nangingig ang mga tuhod ay mabilis pa rin ang mga hakbang ni Eunice. Ang kagustuhan na makita si Roman ang nagbibigay sa kaniya ng lakas. Nasa loob na siya ng ospital at kasalukuyang hinahanap ang mayamang negosyante. Dali-dali niyang tinungo ang information center upang magtanong."Miss, pwede ko bang malaman kung may pasyente kayo rito na ang pangalan ay Roman Cervantes?" tanong niya sa babaeng naroroon at kumukuha ng mga inquiries."Roman Cervantes, Ma'am?" pag-uulit nito sa pangalang binanggit niya."Yes," mabilis na tugon niya kasabay ng pagtango."Teka lang po, itse-check ko rito sa files namin." Hinarap nito ang computer at hinanap sa record ng mga pasyente kung may ganuon ngang pangalan na naka-confine roon. Buhat sa paghahanap ay natigil ito at bumaling kay Eunice."According po sa file namin ay mayroon nga pong pasyenteng dinala rito kagabi na ang pangalan ay Roman Cervantes."Nabuhayan ng loob si Eunice ang buong akala kasi niya ay inilipat na ng ospital si Roman. "Ah
Nakaramdam ng matinding excitement si Eunice, nang marinig niya ang pamilyar na tunog ng sasakyan na pumapasok sa loob ng kaniyang bakuran."Ma'am, si Sir Roman, dumating na!" masayang pagbabalita ng kaniyang kasambahay. Nasa tuktok siya ng hagdan at ito naman ay nasa paanan kaya tiningala siya nito."Gumawa kayo ng masarap na meryenda, ipagluto ninyo ng makakain si Roman," tarantang utos niya rito."Sige po, Ma'am, kami na ang bahala," maliksi ang kilos ng kasambahay, tinungo nito sa kusina ang kasamahang kusinera para sabihin ang ipinag-uutos ng kaniyang amo.Inayos muna niya ang kaniyang sarili. Mabuti na lang at lagi siyang handa sa pagdating ni Roman, katatapos lang niyang maligo kaya naman mabangong-mabango siya. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan para salubungin ang mayamang negosyante sa main door ng bahay."Honey!" masiglang tawag niya sa kalaguyo. Sinugod niya ito ng yakap. "Ano ba ang nangyari, bakit ang tagal mong nakabalik?" may himig pagtatampo na tanong niya."I'm so sor
"Kamusta na ang pinagagawa ko sa'yo, Moreno, may resulta na ba?" tanong ni Emmanuel sa lalaking kapapasok lang sa kaniyang opisina at ngayon ay nakatayo sa harapan niya. Itinuro niya ang upuan sa tabi nito at iminuwestra na maupo, na siya namang ginawa ng lalaki.Kasalukuyan niyang sinusuri ang disensyo at label ng bagong alak na ilo-launch nila sa market. Ang anak na si Joaquin mismo ang dumiskubre ng bagong alak na iyon. Sobrang proud siya para sa kaniyang anak, talagang namana nito ang mga katangian niya."Good news, Sir, nakita ko na ang pinahahanap ninyo sa akin. Nalaman ko na ang pangalan niya at kung saan siya nakatira," masayang tugon ng kausap.Natigilan ang ginoo, bigla siyang napatuwid ng upo. Itinabi niya ang hawak na bote ng alak at hinarap ang kausap, hinanda ang sarili na makinig sa sasabihin nito."Really! So, ano ang natuklasan mo sa kaniya? Mabuti ba ang kalagayan niya? Maayos ba ang buhay niya? Nag-aaral ba siya, nagtatrabaho? Ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon?"
Naging masaya ang bakasyon ni Eunice kasama si Roman sa Spain. Namasyal sila, nag-shopping at kumain ng mga masasarap na pagkain. Wala sa kanilang dalawa na nakapansin sa lalaking panay ang buntot sa kanila saan man sila pumunta. Natapos ang isang linggong bakasyon ng dalawa at bumalik na rin sila sa Pilipinas. "This is the most memorable vacation we had together, baby," ani Roman. May sumundo sa kanilang sasakyan, tauhan ni Roman ang nagmamaneho at hinatid sila sa bahay. Hindi muna dumiretso si Roman sa pamilya niya. Ang plano nito ay magpalipas muna ng gabi kasama si Eunice.Humilig ang dalaga sa balikat ng mayamang negosyante. "Yes, I agree, ito nga ang pinakamasayang bakasyon natin together, sana maulit pa."Alas diyes nang gabi ng makarating sila sa bahay at hindi nila inaasahan na mabubungaran nila si Olivia, kanina pa pala ito nakaabang sa pagdating nila.Isang malakas na palakpak ang umalingaw-ngaw sa malawak na sala."Bravo! Ang kakapal talaga ng mga mukha ninyo. Lalo ka n
Matapos dumalaw sa kanilang plantasyon ng mga tubo sa Andalusia ay bumiyahe pabalik nang Barcelona si Joaquin.Inabot na siya ng gutom, alas kuwatro na ng hapon ng mga oras na iyon, kaya naman tumigil muna siya sa isang restaurant para kumain. Malapit lang ang restaurant sa kaniyang bahay. Hindi siya nakapag-hapunan kanina dahil sa sobrang pagkaabala, marami kasi siyang inasikaso sa farm.Habang siya ay kumakain ay bigla siyang napalingon sa entrance door ng restaurant. Hindi niya inaasahan kung sino ang makikitang pumasok. Si Eunice iyon, may kasama itong may edad nang lalaki. Noong una akala niya ay ama ng dalaga ang kasama nito, ngunit napaawang ang bibig niya nang ang lalaking kasama nito ay bigla na lamang halikan si Eunice sa labi ng sila ay makaupo na.Hindi siya napansin nito dahil ang puwesto niya ay sa nasa gawing dulo, malayo sa lamesa na napili ng mga ito. Hindi niya alam na may asawa na pala si Eunice, ang buong akala niya ay dalaga pa ito at hindi niya rin inaasahan na a
“Dad! I’m going back to Spain tomorrow, meron ka bang ipagbibilin tungkol sa negosyo natin doon?” Umangat ang ulo ni Emmanuel para lingunin ang anak. Ngumiti ito sabay iling.“You’re doing great, son. Maganda ang pagpapatakbo mo sa kumpanya natin, what else can I ask for? Just take good care of yourself, okay. Iyon lang ang gusto namin ng mommy mo, lalo na at malayo kami sa iyo.”“Yes, Dad, lagi ko namang inaalagaan ang sarili ko, kayo rin po, ingatan ninyo ang kalusugan ninyo at alagaan ninyo si mommy.”Tumango si Emmanuel. “We’ll going to miss you, son. Ilang taon na naman tayong hindi magkikita.”“Yeah, but I will visit if I have time.”“Okay. Kung hindi ka naman makakauwi ay kami ang pupunta ng mommy mo sa Spain to visit you.”“I have to go, Dad, aayusin ko na ang mga gamit na dadalhin ko, maaga pa ang flight ko bukas.”Tumayo si Emmanuel at niyakap ang anak.“I’m so proud of you, son,” sambit nito sabay tapik sa balikat ni Joaquin.“Thanks, Dad,” aniya.Sa America nag-aral ng co
"Huh!" Napakislot si Eunice nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Ang sarap-sarap ng higa niya sa inflatable bed na nakapatong mismo sa ibabaw ng swimming pool, muntik na nga siyang makatulog kaya nga lang ay nagising siya sa malakas na tunog na iyon na nagmumula sa kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon sa kaniyang tabi, hindi na niya inabalang tignan kung sino ang tumatawag agad niya itong sinagot. Maliban kay Roman ay ang kaniyang mga kaibigang sina Janet, Cristy at Rhema lang naman ang nakakaalam ng number niya, kaya inaasahan na niya na isa sa tatlong iyon lang naman ang tatawag sa kaniya, dahil si Roman ay hindi pa bumabalik mula sa European tour nito kasama ang kaniyang pamilya, kaya imposibleng tawagan siya nito.Nagpalit siya ng number pagbalik na pagbalik nila ni Roman mula sa Paris. Nalaman kasi ng asawa nito ang numero niya at palagi siyang ginugulo sa tawag nito. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Olivia ang cellphone number niya. Nag-iingat lang siya na hindi na ma
Parang binibiyak sa sakit ang ulo ni Eunice nang siya ay magising. Dahan-dahan siyang bumangon habang sapo-sapo ang namimigat na ulo."Huh!" Napamulagat siya ng mapansin na hindi pamilyar sa kaniya ang lugar kung saan siya naroon ngayon. Kunot noong inilibot niya ang mga mata sa paligid. Muntik na siyang mahulog sa kama sa labis na pagkagulat ng mahagip ng mga mata niya ang pamilyar na lalaki. Nakaupo ito sa sofa chair na nakapuwesto malapit sa kamang kinauupuan niya. Nakadekuwatro ito ng upo at matamang nakatitig lamang sa kaniya, seryosong-seryoso ang mukha nito."Finally, you're awake! Where's my ring?" agad na sabi ng binata na inilahad pa ang kamay.Akala niya ay nanaginip lang siya kaya kinusot niya ang mga mata para makasigurado, ngunit pagbaling niya sa lalaki ay naroon pa rin ito kung saan niya ito nakita.Tsh! Hindi nga ako nananaginip."A-ano'ng ginagawa mo rito? Bakit ka narito sa kuwarto ko?" tanong niya na may halong takot.Hindi niya alam kung paanong nakapasok ito sa s
Wala si Roman, nasa ibang bansa ito ngayon at nagbabakasyon kasama ang kaniyang pamilya. Dalawang linggo itong mawawala, dahil walang magbabawal sa kaniya, kaya naman sinamantala ni Eunice ang pagkakataon na iyon para makagala at magawa ang lahat ng gusto niyang gawin.Nang gabing iyon ay nagpunta siya sa isang bar, naimbitahan siya ng mga kaibigan para uminom at magsaya."Sige pa, Eunice uminom ka pa!" sabi ni Janet, isa sa mga kaibigan niya.Ang mga kasama niya ngayon ay mga nakilala lang niya noong nagsisimula pa lamang siyang mag-modelo at nagtrabaho bilang escort ng mga big time na lalaki. Ang gawain nila noon ay magpunta sa mga party at sosyalan para makabingwit ng mayaman.Si Janet, Cristy at Rhema ay katulad din niyang binabahay ng mga lalaking mayayaman na may mga asawa na. In short pare-pareho silang mga kabit. Wala siyang pagkakaiba sa mga ito, dahil iisa lang naman ang gusto nila, ang maibigay ng mga lalaking iyon ang mga luho at kapritso nila.Matagal-tagal na rin simula