Nakaidlip sandali si Eunice, naninibago siya sa oras. Alas siyete pa lang naman ng gabi, pagkatapos niyang kumain sa restaurant ng hotel ay naisipan niyang lumabas muna para magpahangin. Bukas pa ang dating ni Roman kaya sasamantalahin niyang makapamasyal na mag-isa. Malapit lang ang hotel na tinutuluyan niya sa Tuileris Garden kaya doon siya nagtungo. Naglakad-lakad siya at nang mapagod ay naghanap ng mauupuan, may mangilan-ngilang upuang kahoy sa paligid kaya lang ay may mga nakaupo na. Naglakad-lakad pa siya at tama namang may nakita siyang babae na umalis sa kaniyang kinauupuan kaya dali-dali siyang lumapit para pumalit sa upuan nito, nangangalay na ang mga paa niya dahil ang boots na suot niya ay may takong.
"Hay, salamat at nakaupo rin," tuwang sabi niya, pinisil-pisil niya ang mga muscle sa kaniyang binti, na namintig na sa tagal niyang pagkakatayo.Nagulat siya ng may lalaking bigla nalang sumulpot at lumuhod sa kaniyang harapan. Napaawang ang kaniyang bibig ng walang pasabing kinuha ng lalaking iyon ang kanan niyang kamay at sinuutan ng singsing ang kaniyang daliri. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari, sabay pa silang napalingon ng lalaki ng may babaeng bigla na lang sumulpot sa likuran nito at galit na nagsalita."How could you do this to me, Joaquin? I hate you!" malakas at galit na sigaw ng babae sabay alis.Napamaang siya sa naging reaksiyon nito. Bumaling ang tingin niya sa lalaki na litong-lito ang itsura. Hindi nito malaman ang gagawin, akmang susundan nito ang babae."Babe, it's not what you think it is. Please come back! Oh no f*ck!" inis na sabi ni Joaquin at sinabunutan pa ang sarili gulong-gulo siya. Gusto niyang habulin si Eunice ngunit ang singsing ay hindi niya puwedeng basta na lang iwan. Bumalik siya at binalikan niya ang maling babaeng pinagbigyan niya nito.Natigilan siya ng makita ang mukha nito, pamilyar sa kaniya ang babae."It's you again! What do you want? Are you trying to mess up my relationship on purpose? Who are you? Why do you keep popping up and making my life so complicated?" galit na tanong ni Joaquin.Tumaas ang kilay ni Eunice. "Excuse me, you're the one who suddenly shows up and does all sorts of things. It's not my fault if your marriage proposal failed. If you weren't stupid, why did you put the ring on me? Are you blind?" sarkastikong sabi niya. Kung hindi ba naman kasi tanga ang lalaking iyon kung bakit lagi na lang siya nitong napapagkamalan na girlfriend niya.Nangunot ang noo ni Joaquin. Hindi niya matanggap ang pagkakamali niya at gusto pa rin niyang isisi kay Eunice ang mga kapalpakan na nangyayari sa kaniya."Take off the ring, it's not yours! Give me back my ring!" makapangyarihang utos niya."Why am I claiming it? You're the one who put it on me. Did I ask you for it?" inis nang sa ni Eunice."Oh, ito na i*****k mo sa baga mo!" sigaw niya.Hinila niya ang singsing sa kaniyang daliri ngunit natigilan siya ng hindi niya matanggal iyon. Naalarma siya at napatingin sa lalaki. Naalarma rin ang lalaki."Hindi ko matanggal!" sabi niya."What?" kunot noong tanong ng lalaki."I can't take off the ring, it won't come off my finger," histerikal na sabi niya."No way! Don't joke with me like that, I'm not playing around with you.Try to remove it."Inabot niya ang daliring may singsing kay Joaquin at ginawa naman nitong hatakin ang singsing ngunit hindi nga maalis sa daliri nito."Oh, shit! What did you do? You know how much it cost?""I didn't do anything. You're the one who put it on me, right? And how would I know the value of that ring? I'm not a jeweler to know the prices of jewelry," banas na sabi niya, sabay ikot ng mga mata."It cost 100,000 Euros, do you really think I'll let you keep that expensive ring? Take it off now!"Napaisip si Eunice kung iko-convert sa peso ay magkano kaya ang halaga ng singsing na iyon? Ipinilig niya ang ulo, wala pa siyang time para mag-compute."What do you want me to do now, cut off my finger just so you can have the ring, is that it?" pilosopong tanong niya."If there's no other choice, then go ahead, that's what you should do. That ring means more to you than your life, do you even realize that?" sarkastikong tugon naman nito.Nainis ng husto si Eunice sa kaarogantehan ng lalaking kaniyang kausap. Masyado nitong minamaliit ang pagkatao niya. Kung pwede nga lang suntukin niya ito ay kanina pa niya ginawa, para matauhan."Huh! It's on you. You caused this mess, so deal with it. Just wait till I remove your ring. And don't worry, I won't keep it. I'll return it to you once it's off my finger. Next time, don't be so foolish and blame others for your mistakes.""Just give me your number and I contact you, right away once I removed this thing on my finger."Wala nang nagawa pa si Joaquin kung hindi ang ibigay ang contact number niya kay Eunice. Hindi niya alam kung dapat nga ba niyang pagkatiwalaan ang babaeng ito, kaya lang ay wala na siyang choice. May kasalanan siya, alam niya, ayaw lang niyang tanggapin. Hindi naman maaring basta na lamang niya ipaubaya ang singsing sa taong hindi naman niya kilala lalo pa at mahigit anim na milyong piso ang halaga ng singsing na iyon."You better stick to your word. If you don't keep your promise, I'll find you. I have people keeping an eye on you, so don't try to trick or scam me. You won't like the consequences."Napabuga ng hangin si Eunice sa labis na pagka-dismaya."You're so impossible! You caused this, yet you're the one threatening me. I came here to relax, but you're disrupting my peace. If anyone has the right to be mad here it's me, not you.""Don't worry, I'll keep my word. I'll give your ring back to you. I won't take it for myself like you're thinking. I'm not like that."Huminahon naman ang itsura ni Joaquin."Just call me, okay? Put some soap or any lubricant to make the ring slide off your finger easily," suhestiyon nito."Yes, I'll do everything. I also don't want to keep this ring on my finger for long."Nagkasundo ang dalawa. Agad na ring umalis si Joaquin, nagmamadali ito, nagbabakasakaling abutan pa si Madeline, kailangan niyang suyuin ang nobya. Hindi niya alam kung anong paliwanag ang gagawin niya para paniwalaan siya nito.Samantalang si Eunice ay naiwang nakatitig sa calling card na iniwan sa kaniya ng lalaki. Binasa niya ang pangalan na nakasulat doon.Joaquin Montoya- CEO and President- Destileria de MontoyaIyon ang nakalagay sa calling card.Napaawang ang bibig niya. Mayaman palang talaga ang lalaking nakaharap niya kanina."Hmm... I don't remember buying you a ring. Where did you get that one you're wearing, Baby?"Napakislot ako.Oh shit! I forgot about it. Paano ko ba ito ipapaliwanag kay Roman? I can't just tell him the truth that out of nowhere, some stupid guy proposed to me because he mistook me for his girlfriend.No way it can't be. Sino naman ang maniniwala sa ganuong paliwanag?Grrrr... Binigyan pa talaga ako ng problema ng stupidong lalaki na iyon."I bought this ring... that's right! Binili ko ang singsing na 'to kahapon habang namamasyal ako. Mura lang 'to, nagustuhan ko ang design kaya kinuha ko na," paliwanag ko."I think you have great taste. It looks expensive, and the diamonds appear very authentic," sabi ni Ramon, habang nakatitig sa kamay ko.Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. Inalis ko na sa lamesa ang kamay ko para hindi na iyon mapansin pa ni Roman. Totoo naman kasi, ang kapirasong singsing na suot ko ay milyon-milyon ang halaga, maari na akong makabili ng bahay at lup
"Hey, what?!" singhal ni Joaquin sa kaibigang si Nikko."Anong what?" maang na tanong naman nito."What are you doing in my room and why are you staring at me like that?" Kanina pa kasi niya napapansin ang mga tingin na iyon sa kaniya ng kaibigan na tila ba nang-aasar."Wala lang, ang laki kasi nang problema mo eh," natatawang sabi nito."And so? Ang laki na nga ng problema ko nakuha mo pa akong tawanan," inis na sabi niya, kahit kailan talaga ang kaibigan niyang ito ay wala nang ginawa kung hindi ang asarin siya."Tama naman kasi 'yung babaeng 'yon. What's her name again?""Eunice," walang ganang sagot niya."Yeah, Eunice. I'm in favor of her, kahit na magkaibigan tayo ay hindi kita kakampihan sa pagkakataong ito. Sino ba naman kasing tanga ang magpo-propose sa maling babae? Nagkasya nga ang singsing tapos hindi naman maalis sa daliri. Natural, hindi naman kasi sa kaniyang sukat ng daliri iyon kung hindi kay Madeline.""So what are you trying to imply, na tanga ako ganu'n ba?" nang-a
Sa wakas ay natupad na rin ang pangarap ni Eunice, isang modern 2 storey house na may apat na kuwarto, parking garage na kasya hanggang tatlong sasakyan, malawak na bakuran at malaking swimming pool, ang ngayon ay pag-aari na niya. Ito ang iniregalo ni Roman sa kaniya noong kaarawan niya, kaya naman sobra-sobra ang kasiyahan niya.May tatlong kasambahay pang kinuha sa agency si Roman para makasama niya na magsisilbi sa kaniya at magbibigay ng mga pangangailangan niya. Ito ang buhay na pinapangarap niya noon pa. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos maisip na magagawa niyang mabuhay ng marangya ng hindi kailangan na magtrabaho at mangamuhan.Alas singko ng hapon noon at nakatambay lang siya sa gilid ng swimming pool. Sa ilalim ng malaking payong ay nakahiga siya sa sunlounger, suot ang kaniyang 2 piece red bikini ay talaga namang kumikinang siya sa kaputian. Alaga niya ang kaniyang katawan at kutis dahil ito ang kaniyang puhunan para mabuhay ng marangya.She's now living her dream life.
"Son, what's wrong? Parang malungkot ka, hindi ka ba masaya na nakauwi ka na at kasama mo kami ng Daddy mo?" tanong ni Veronica sa anak.Napansin kasi niya na simula ng dumating ito ay tahimik lang ito at parang laging may malalim na iniisip."May problema ba sa negosyo natin?" tanong na naman niya nang hindi umimik ang anak.Umiling si Joaquin. "Wala Mom," matipid na sagot ng binata."Kung ganu'n ano ba ang bumabagabag sa isip mo? Hindi ako sanay na tahimik ka."Bumuntong hininga nang malalim si Joaquin, tumayo siya buhat sa kaniyang kinauupuan, lumapit sa kaniyang ina at Inakbayan niya ito."Broken hearted ang anak mo, Mom," pagsusumbong niya.Nangunot ang noo ni Veronica. "Huh! Bakit nag-away ba kayo ni Madeline?"Tumango si Joaquin. "Nakipag-break na siya sa akin.""What?! Mahal na mahal ka ni Madeline, paano niya magagawa na makipag-break sa'yo, not unless may ginawa kang kasalanan sa kaniya." May pagdududa ang mga tingin ni Veronica sa anak.Marahang tumango si Joaquin. "Yes, Mo
Habang nakatambay sa kaniyang silid at nanonood buhat sa mga random na palabas sa tv ay umagaw sa pansin ni Joaquin ang eksena na iyon sa telebisyon, nang ang isang lalaki ay magpo-propose sa kaniyang girlfriend. Tuwang-tuwa naman at mangiyak-ngiyak pa ang babae na tinanggap ang marriage proposal ng boyfriend nito. Habang isinusuot ng lalaki ang singsing sa daliri ng kaniyang nobya ay hindi na ginawang tapusin pa ni Joaquin ang palabas, kinuha niya ang remote at pinatay ang tv. Nakaramdam lang siya ng inis, para naman kasing nang-aasar ang palabas na iyon. Biglang tuloy nag-flash back sa kaniya ang masamang nangyari sa relasyon nila ni Madeline dahil sa kaniyang palpak na marriage proposal.Napahilamos siya sa kaniyang mukha sa labis na pagkadismaya sa sarili. Nang dahil sa kaniyang pagkakamali ay hanggang ngayon hindi pa rin siya kinakausap ni Madeline. Mahal niya ang nobya at ayaw niya itong sukuan, kaya lang ay masyadong matigas ang puso nito at ayaw makinig sa mga paliwanag niya.
Isang engrandeng kasiyahan ang nagaganap ngayon sa loob ng isang five star hotel kung saan nagse-celebrate ng kanilang 40th wedding anniversary ang mga magulang ni Joaquin na sina Veronica at Emmanuel Montoya.Halos lahat ng kanilang mga bisita ay mga importanteng tao, mga mayayamang negosyante, mga taga alta sa soseyedad, politiko, celebrity at iba pa. Masayang-masaya si Joaquin na nakikita ang mga magulang niya na hindi nawawala ang pagmamahal sa isa't-isa kahit matagal na silang mag-asawa. Ang totoo ay ang mga ito ang kaniyang inspirasyon sa pangarap niyang pagbuo ng sariling pamilya. Iniidolo niya ang kaniyang ama sa pagiging mabait, mapagmahal at responsableng haligi ng tahanan. Namulat siya sa magandang pagsasama ng kaniyang mga magulang, ni minsan ay hindi niya nakitang nag-away ang mga ito. Nang lumaki na siya at nagka-isip ay napagtanto niya na wala namang perpektong pagsasama, siguro ay may pagkakataon din na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang kaniyang mga magulang kay
Wala si Roman, nasa ibang bansa ito ngayon at nagbabakasyon kasama ang kaniyang pamilya. Dalawang linggo itong mawawala, dahil walang magbabawal sa kaniya, kaya naman sinamantala ni Eunice ang pagkakataon na iyon para makagala at magawa ang lahat ng gusto niyang gawin.Nang gabing iyon ay nagpunta siya sa isang bar, naimbitahan siya ng mga kaibigan para uminom at magsaya."Sige pa, Eunice uminom ka pa!" sabi ni Janet, isa sa mga kaibigan niya.Ang mga kasama niya ngayon ay mga nakilala lang niya noong nagsisimula pa lamang siyang mag-modelo at nagtrabaho bilang escort ng mga big time na lalaki. Ang gawain nila noon ay magpunta sa mga party at sosyalan para makabingwit ng mayaman.Si Janet, Cristy at Rhema ay katulad din niyang binabahay ng mga lalaking mayayaman na may mga asawa na. In short pare-pareho silang mga kabit. Wala siyang pagkakaiba sa mga ito, dahil iisa lang naman ang gusto nila, ang maibigay ng mga lalaking iyon ang mga luho at kapritso nila.Matagal-tagal na rin simula
Parang binibiyak sa sakit ang ulo ni Eunice nang siya ay magising. Dahan-dahan siyang bumangon habang sapo-sapo ang namimigat na ulo."Huh!" Napamulagat siya ng mapansin na hindi pamilyar sa kaniya ang lugar kung saan siya naroon ngayon. Kunot noong inilibot niya ang mga mata sa paligid. Muntik na siyang mahulog sa kama sa labis na pagkagulat ng mahagip ng mga mata niya ang pamilyar na lalaki. Nakaupo ito sa sofa chair na nakapuwesto malapit sa kamang kinauupuan niya. Nakadekuwatro ito ng upo at matamang nakatitig lamang sa kaniya, seryosong-seryoso ang mukha nito."Finally, you're awake! Where's my ring?" agad na sabi ng binata na inilahad pa ang kamay.Akala niya ay nanaginip lang siya kaya kinusot niya ang mga mata para makasigurado, ngunit pagbaling niya sa lalaki ay naroon pa rin ito kung saan niya ito nakita.Tsh! Hindi nga ako nananaginip."A-ano'ng ginagawa mo rito? Bakit ka narito sa kuwarto ko?" tanong niya na may halong takot.Hindi niya alam kung paanong nakapasok ito sa s