Share

Chapter 7

"Hmm... I don't remember buying you a ring. Where did you get that one you're wearing, Baby?"

Napakislot ako.

Oh shit! I forgot about it. Paano ko ba ito ipapaliwanag kay Roman? I can't just tell him the truth that out of nowhere, some stupid guy proposed to me because he mistook me for his girlfriend.

No way it can't be. Sino naman ang maniniwala sa ganuong paliwanag?

Grrrr... Binigyan pa talaga ako ng problema ng stupidong lalaki na iyon.

"I bought this ring... that's right! Binili ko ang singsing na 'to kahapon habang namamasyal ako. Mura lang 'to, nagustuhan ko ang design kaya kinuha ko na," paliwanag ko.

"I think you have great taste. It looks expensive, and the diamonds appear very authentic," sabi ni Ramon, habang nakatitig sa kamay ko.

Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. Inalis ko na sa lamesa ang kamay ko para hindi na iyon mapansin pa ni Roman.

Totoo naman kasi, ang kapirasong singsing na suot ko ay milyon-milyon ang halaga, maari na akong makabili ng bahay at lupa sa singsing na ito.

"Never mind the ring, it's nothing. Kumain na lang tayo okay. Tikman mo 'tong steak nila rito masarap."

Humiwa ako ng maliit na piraso ng karne at isinubo ko kay Roman. Kailangan kong ilihis ang atensiyon niya sa singsing. Ayokong pag-isipan niya ako ng masama. Baka kasi isipin niya na may ibang lalaki akong nilalandi tapos ibinigay ng lalaking 'yon sa akin ang singsing na 'to. Sa kabilang banda totoo naman, may nagbigay nga sa akin kaya lang, aksidente lang naman iyon. It's not supposed to be me.

Nagpasalamat na lang talaga ako at hindi na ginawa pang malaking issue ni Roman ang singsing na suot ko. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam muna ako sa kaniya para magtungo sa powder room at mag-retouch. Titingnan ko na rin kung may sumabit bang karne sa ngipin ko, nakakahiya naman kasi kung ngingiti-ngiti ako tapos may tinga naman pala ako sa ngipin.

Naglagay ako ng konting face powder dahil feeling ko ay nag-o-oily na ang face ko, naglagay na rin ako ng manipis na liptint sa labi para hindi naman ako magmukhang zombie sa putla. Maliit lang na pouch ang dala ko kaya hindi na ako nagbaon ng suklay, ang mga daliri ko na lang ang ginawa kong panuklay sa medyo nagusot kong buhok.

Nang makita kong ayos naman na ang itsura ko ay agad na rin akong lumabas ng powder room. Mainipin si Roman kaya ayoko rin na paghintayin siya ng matagal.

Paglabas ko ay nagulat na lang ako nang biglang may humila sa akin. Hindi agad ako nakapag-react. Hinatak ako nang kung sino papunta sa kung saan pagkatapos ay pabalya akong itinulak nito. Napangiwi ako nang tumama ang likod ko sa sementadong dingding. Galit na galit ako at handa na sanang sigawan ang taong gumawa sa akin ng masama, kaya lang ay para bang umurong ang dila ko nang makita ang seryosong mukha ng lalaking tunay na nagmamay-ari ng singsing na suot ko.

Sa takot ko ay akmang tatakbo ako para iwasan siya, ngunit hindi ko nagawa. Itinukod niya ang dalawang kamay sa dingding at idinagan niya ang katawan sa akin para hindi ako makaalis. Na-corner na niya ako, wala na akong magawa para matakasan siya.

"Where do you think you're going, huh?" Narinig ko na naman ang maganda at very manly na boses niya, pero never mind, hindi importante kung gaano kaganda ang boses ng lalaking ito. Ang dapat na pagtuunan ko ng pansin ay kung paano ko ba siya matatakasan?

"It's been two days since I gave you my contact number, yet I haven't received any calls from you. Are you going to return my ring or not? It seems like you're planning to keep it," sarkastikong sabi nito na may matalim na tingin.

Iniwas ko ang mga mata ko sa kaniya, hindi ko kayang makipagtitigan sa lalaking 'to. Inaamin ko gwapo siya, para siyang isang modelo sa GQ Magazine, lalo na sa suot niyang itim na tuxedo. Napakalinis niyang tingnan at ang bango-bango pa. Sa sobrang lapit namin sa isa't-isa ay konting-konti na lang at mahahalikan na niya ako, kaya hindi ako komportable sa posisyon naming iyon.

"Could you please step away! I'll give you back the ring, like I'd ever try to escape from you. I've tried everything to take it off, see, my finger's already turning red. I've followed your instructions, I used soap, lotion, and oil on it, but it's still stuck. How can I call you when I haven't even gotten it off my finger yet?" inis na sabi ko.

"Then, come with me, we'll go to the hospital to have it removed by a doctor." Akmang hahawakan niya ang kamay ko ngunit mabilis kong iniwas iyon.

"No... I don't want to! And what will the doctors do to me, will they cut off my finger?" mapang-uyam na tanong ko.

"If there's no other choice to remove the ring from your finger, then that will happen," may halong pananakot na sabi nito.

"Huh! Stop it! I'll remove the ring, I can do it. There's no need to cut off my finger just for you to get it from me," determinadong sabi ko.

"Well, if that's the case, why don't you just remove it now? It got stuck quickly, so I'm pretty sure it will come off easily too, unless you're trying to deceive me by saying it won't come off your finger because you want to keep it. Let me tell you, Miss, claiming something that doesn't belong to you is not a good behavior."

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. "Why am I being blamed for this when you're the one who foolishly put this ring on me? Did I ask you to put it on me? Did I ask for the ring? Accusing me of being a thief is ridiculous. You should be the one apologizing for your actions. My finger hurts so much, can't I try to remove it tomorrow? I'll rest my finger for now to prevent further injury," iritableng sabi ko. Napupuno na kasi ako sa pagiging arogante niya. Para siyang walang puso sa ginagawa niyang pangha-harass na iyon sa akin.

"When are you going to call me? Even if you haven't taken off the ring yet, you still need to call me. I need to stay updated. I don't even know your name. How will I find you? I guess you're just a tourist here. What if your vacation ends and you haven't given the ring back yet? Where will I find you?"

Huminga ako nang malalim. Tama naman siya, gusto niya ng assurance na hindi ko siya lolokohin.

Kinuha ko ang ballpen sa pouch ko at pagkatapos ay inabot ko ang kamay niya. Wala akong dalang papel kaya iyon lang ang naisip ko na pwedeng pagsulatan.

"Here's my name," sabi ko.

Isinulat ko ang buong pangalan ko sa palad niya, nilagay ko ang address ko sa Pilipinas, pati na ang cellphone ko at ang social media account ko. Ipinakita ko rin sa kaniya ang ID ko para lang patunayan na hindi ako nagsisinungaling sa mga isinulat ko sa palad niya.

"Huh! You're not using your head. You didn't need to mess up my hand. Why didn't you just borrow my cellphone and write down all of that in my notes app? What if I sweat or wash my hands? It would have been erased."

"You're not using your head, either. What's the use of your cellphone? Just take a picture of your hand before it gets erased. It's so simple," sabi ko sabay ngiti na nakakainsulto.

Natahimik siya, huminga nang malalim at pagkatapos ay dinukot ang kaniyang cellphone sa bulsa ng kaniyang pantalon at saka pinikturan ang kaniyang palad.

"I've already given you everything you need. Can I leave now?" mataray na sabi ko.

Umalis na siya sa pagkakadagan sa akin at umatras ng konti para bigyan ako ng space.

Humakbang ako at tumalikod, handa na sana akong iwan siya kaya lang ay may nakalimutan akong sabihin kaya pumihit ako paharap.

"I also want to get rid of this ring because I don't wan't you to bother me anymore and I won't have to see you again," sabi ko.

Masamang tingin lang ang binigay niya sa akin, ngunit hindi nagsalita pa ng kung ano. Tumalikod na ako at tuluyan siyang iniwan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status