"I thought we were supposed to meet at the airport. Why you didn't show up? I waited for hours, expecting you to pick me up. And who's the girl in the news you're with? Are you cheating on me, Joaquin?"
Galit ang itsura ni Madeline habang kausap ang nobyo."Of course not!" mariing tanggi naman ng binata. "I don't know her either, I'm confused too. Your coat and hers looked the same, so I mistook her for you. I'm sorry, it was all a mistake. Let's just put it behind us. The important thing is that you got away from the paparazzi, and we're together now. I will never cheat on you, Babe, you know how much I love you, right? I'm not the other guy you know. When I decide to be in a relationship, I want it to be serious, and I want it to last forever," seryosong sabi nito.Para namang hinaplos ang puso ni Madeline. Ang galit na nadarama nito kanina lang ay biglang napawi dahil sa sinabing iyon ng nobyo."Does that mean you're considering me as someone you'll be with for a lifetime?" curious na tanong nito.Dahan-dahan namang tumango si Joaquin, nginitian niya ang nobya, inangat niya ang kanang kamay at hinaplos ang maamong mukha ng dalaga.Tumingkayad si Madeline, inabot ng labi niya ang labi ni Joaquin, ginawaran niya ng matamis na halik ang nobyo."I love you, honey! I'm sorry for my behavior earlier. This is all new to me, and I don't know how to react, especially because we're in a long-distance relationship. It won't happen again, I promise. I trust you, I was just surprised by the news. In our three years of relationship, this is the first time you've been involved with another woman."Kinabig ni Joaquin ang nobya at niyakap ng mahigpit."It's okay, I understand. If I were in your position, I'd probably do the same thing. I wouldn't just stand by quietly, I'd confront you too, for sure. What's important is that we've resolved the misunderstanding. We rarely get to see each other, so let's not argue. Let's make the most of the time we have together. I appreciate the effort you made to see me, but I hope you won't skip your concert again. It's not fair to the people who bought tickets and waited in long lines just to see you perform.""I did it because I miss you, honey. Don't you worry, my manager will handle it. I'm going back to Spain tomorrow, but for now, let's be together. I want to spend the rest of the day with you."Napangiti na lamang si Joaquin at hindi na nakipagtalo pa. Iniisip na rin niya na mag-propose kay Madeline. Matagal na rin naman silang magka-relasyon at handa na siyang lumagay sa tahimik.Wala siyang eksaktong lugar na napili para mag-propose. Hindi engrandeng proposal ang gusto niyang mangyari. Ang gusto niya ay silang dalawa lang. Kahit isang sikat na celebrity si Madeline ang personal life naman nito ay pinapanatili nitong pribado, lalo na ang tungkol sa kanilang relasyon.Kanina lang ay bumili na siya ng engagement ring. Nasa bulsa lamang niya iyon para kung sakaling maramdaman niya na iyon na ang tamang pagkakataon para mag-propose ay gagawin niya kahit nasaang lugar pa sila rito sa Paris.Matapos nilang kumain sa isang mamahaling restaurant ay naglakad-lakad muna sila. Kampante naman si Joaquin na walang iistorbo sa kanila na mga fans ni Madeline dahil naka-disguise naman ang kaniyang nobya. Magkahawak kamay silang naglalakad sa Tuileris Garden, hindi mapigilan ni Madeline na hindi humanga sa lugar, kulay berde ang paligid at maraming nagagandahang mga halaman at iba't-ibang kulay na mga bulaklak. Nakabibighani ang lugar lalo na ngayong gabi, mas maa-appreciate mo ang ganda ng paligid, nakadagdag sa ganda ng lugar ang nagkikislapan na mga ilaw sa buong Tuileris Garden.Inaya ni Joaquin ang nobya na maupo sa bakanteng bench na naroon. Tanaw na tanaw buhat sa kinauupuan nila ang makulay at maliwanag na ferris wheel."I want to ride there," parang batang sabi ni Madeline habang tinuturo ang ferris wheel.Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Joaquin. "No way!" wika ng binata. May phobia kasi siya sa mga rides, noong bata pa siya ay nasubukan na rin niyang sumakay sa ferris wheel, kaya lang nang nasa itaas na siya ay bigla namang nag-brown out, hindi agad gumana ang generator ng amusement park at na stuck siya sa tuktok, kaya simula noon ay hindi na niya sinubukan na muling sumakay sa mga rides dahil pinangungunahan na siya ng takot. Hindi na niya na overcome ang takot na iyon hanggang sa kaniyang paglaki.Napangiti si Madeline sa naging reaksiyon ni Joaquin, alam naman niya ang tungkol sa phobia nito, binibiro lang naman niya ang nobyo, natutuwa kasi siya kapag nakikita ang reaksiyon nito. Sa itsura ni Joaquin na matipuno at lalaking-lalaki ay hindi mo iisipin na may kinakatakutan pala ito.Humilig siya sa balikat ng nobyo, habang ang mga mata naman niya ay hindi inaalis sa ferris wheel na ngayon ay umiikot nang mabilis.Naisip ni Joaquin na ito na ang tamang pagkakataon para mag-propose kay Madeline, kaya lang ay hindi pa niya napa-praktis ang sasabihin, napagdesisyunan niyang magpaalam muna sa nobya na kunwari ay may kukunin."Come back quickly, okay?" alanganing sabi ni Madeline."Yes, of course, it wont take long. Just wait for me here," aniya.Nang tumango si Madeline ay mabilis na siyang lumayo. Doon siya nagtungo sa mga halamanan. Huminga siya nang malalim, kinuha niya ang singsing sa kaniyang bulsa, tinitigan muna ito at pagkatapos ay naglakad ng pabalik-balik, nag-iisip siya ng magandang salita na sasabihin niya kay Madeline habang nagpo-propose. Sa totoo lang ay ninerbiyos siya, ito ang unang beses na gagawin niya ang bagay na iyon, hindi siya nanunuod ng mga videos o palabas na tungkol sa mga proposal dahil nababaduyan siya sa ganuong eksena. Hindi niya alam na isang araw ay gagawin din pala niya ang bagay na iyon.Nakabuo na siya ng mga salita at sa tingin naman niya ay maganda at romatic iyong pakinggan. Isang hingang malalim pa sabay buga ng hangin bago siya bumalik sa kinaroroonan ni Madeline.Lumuhod siya sa harapan nito, dahil sa pagkataranta at labis na tensiyon niya ay kinuha niya agad ang kamay ng dalaga at isinuot ang singsing sa daliri nito. Alam niyang mali siya sa part na iyon kaya lang ay nangyari na ang nangyari, naisuot na muna niya ang singsing bago pa siya mag-propose. Akmang bubuka na ang kaniyang bibig nang biglang may magsalita buhat sa kaniyang likuran."What is the meaning of this?"Agad siyang napalingon sa nagsalita at napaawang ang bibig niya ng makita si Madeline na nasa kaniyang likuran.Ibinaling niya ang tingin sa kaniyang harapan at hindi niya lubos maisip kung paanong ibang babae na ang nakaupo roon. Sa makatuwid, ang singsing ay naisuot niya sa maling babae at hindi kay Madeline."I hate you, Joaquin... I hate you!" galit na galit na sabi ni Madeline sabay walk out.Hindi alam ni Joaquin ang gagawin, kung susundan ba niya si Madeline o babawiin muna ang singsing sa babaeng hindi sinasadyang pinagbigyan niya nito.Sa huli ay inasikaso muna niyang kunin ang singsing bago sundan si Madeline para suyuin. Ang laki niyang tanga para hindi muna tingnan kung sino ang kaharap niya, ngayon tuloy ay aksidenteng nakapag-propose siya sa ibang babae. Kampante kasi siyang hindi naman aalis si Madeline sa kaniyang kinauupuan. Kahit sisihin pa niya ng sisihin ang sarili ay hindi na mababago pa niyon ang nangyari.Nakaidlip sandali si Eunice, naninibago siya sa oras. Alas siyete pa lang naman ng gabi, pagkatapos niyang kumain sa restaurant ng hotel ay naisipan niyang lumabas muna para magpahangin. Bukas pa ang dating ni Roman kaya sasamantalahin niyang makapamasyal na mag-isa. Malapit lang ang hotel na tinutuluyan niya sa Tuileris Garden kaya doon siya nagtungo. Naglakad-lakad siya at nang mapagod ay naghanap ng mauupuan, may mangilan-ngilang upuang kahoy sa paligid kaya lang ay may mga nakaupo na. Naglakad-lakad pa siya at tama namang may nakita siyang babae na umalis sa kaniyang kinauupuan kaya dali-dali siyang lumapit para pumalit sa upuan nito, nangangalay na ang mga paa niya dahil ang boots na suot niya ay may takong."Hay, salamat at nakaupo rin," tuwang sabi niya, pinisil-pisil niya ang mga muscle sa kaniyang binti, na namintig na sa tagal niyang pagkakatayo.Nagulat siya ng may lalaking bigla nalang sumulpot at lumuhod sa kaniyang harapan. Napaawang ang kaniyang bibig ng walang pasabing
"Hmm... I don't remember buying you a ring. Where did you get that one you're wearing, Baby?"Napakislot ako.Oh shit! I forgot about it. Paano ko ba ito ipapaliwanag kay Roman? I can't just tell him the truth that out of nowhere, some stupid guy proposed to me because he mistook me for his girlfriend.No way it can't be. Sino naman ang maniniwala sa ganuong paliwanag?Grrrr... Binigyan pa talaga ako ng problema ng stupidong lalaki na iyon."I bought this ring... that's right! Binili ko ang singsing na 'to kahapon habang namamasyal ako. Mura lang 'to, nagustuhan ko ang design kaya kinuha ko na," paliwanag ko."I think you have great taste. It looks expensive, and the diamonds appear very authentic," sabi ni Ramon, habang nakatitig sa kamay ko.Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. Inalis ko na sa lamesa ang kamay ko para hindi na iyon mapansin pa ni Roman. Totoo naman kasi, ang kapirasong singsing na suot ko ay milyon-milyon ang halaga, maari na akong makabili ng bahay at lup
"Hey, what?!" singhal ni Joaquin sa kaibigang si Nikko."Anong what?" maang na tanong naman nito."What are you doing in my room and why are you staring at me like that?" Kanina pa kasi niya napapansin ang mga tingin na iyon sa kaniya ng kaibigan na tila ba nang-aasar."Wala lang, ang laki kasi nang problema mo eh," natatawang sabi nito."And so? Ang laki na nga ng problema ko nakuha mo pa akong tawanan," inis na sabi niya, kahit kailan talaga ang kaibigan niyang ito ay wala nang ginawa kung hindi ang asarin siya."Tama naman kasi 'yung babaeng 'yon. What's her name again?""Eunice," walang ganang sagot niya."Yeah, Eunice. I'm in favor of her, kahit na magkaibigan tayo ay hindi kita kakampihan sa pagkakataong ito. Sino ba naman kasing tanga ang magpo-propose sa maling babae? Nagkasya nga ang singsing tapos hindi naman maalis sa daliri. Natural, hindi naman kasi sa kaniyang sukat ng daliri iyon kung hindi kay Madeline.""So what are you trying to imply, na tanga ako ganu'n ba?" nang-a
Sa wakas ay natupad na rin ang pangarap ni Eunice, isang modern 2 storey house na may apat na kuwarto, parking garage na kasya hanggang tatlong sasakyan, malawak na bakuran at malaking swimming pool, ang ngayon ay pag-aari na niya. Ito ang iniregalo ni Roman sa kaniya noong kaarawan niya, kaya naman sobra-sobra ang kasiyahan niya.May tatlong kasambahay pang kinuha sa agency si Roman para makasama niya na magsisilbi sa kaniya at magbibigay ng mga pangangailangan niya. Ito ang buhay na pinapangarap niya noon pa. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos maisip na magagawa niyang mabuhay ng marangya ng hindi kailangan na magtrabaho at mangamuhan.Alas singko ng hapon noon at nakatambay lang siya sa gilid ng swimming pool. Sa ilalim ng malaking payong ay nakahiga siya sa sunlounger, suot ang kaniyang 2 piece red bikini ay talaga namang kumikinang siya sa kaputian. Alaga niya ang kaniyang katawan at kutis dahil ito ang kaniyang puhunan para mabuhay ng marangya.She's now living her dream life.
"Son, what's wrong? Parang malungkot ka, hindi ka ba masaya na nakauwi ka na at kasama mo kami ng Daddy mo?" tanong ni Veronica sa anak.Napansin kasi niya na simula ng dumating ito ay tahimik lang ito at parang laging may malalim na iniisip."May problema ba sa negosyo natin?" tanong na naman niya nang hindi umimik ang anak.Umiling si Joaquin. "Wala Mom," matipid na sagot ng binata."Kung ganu'n ano ba ang bumabagabag sa isip mo? Hindi ako sanay na tahimik ka."Bumuntong hininga nang malalim si Joaquin, tumayo siya buhat sa kaniyang kinauupuan, lumapit sa kaniyang ina at Inakbayan niya ito."Broken hearted ang anak mo, Mom," pagsusumbong niya.Nangunot ang noo ni Veronica. "Huh! Bakit nag-away ba kayo ni Madeline?"Tumango si Joaquin. "Nakipag-break na siya sa akin.""What?! Mahal na mahal ka ni Madeline, paano niya magagawa na makipag-break sa'yo, not unless may ginawa kang kasalanan sa kaniya." May pagdududa ang mga tingin ni Veronica sa anak.Marahang tumango si Joaquin. "Yes, Mo
Habang nakatambay sa kaniyang silid at nanonood buhat sa mga random na palabas sa tv ay umagaw sa pansin ni Joaquin ang eksena na iyon sa telebisyon, nang ang isang lalaki ay magpo-propose sa kaniyang girlfriend. Tuwang-tuwa naman at mangiyak-ngiyak pa ang babae na tinanggap ang marriage proposal ng boyfriend nito. Habang isinusuot ng lalaki ang singsing sa daliri ng kaniyang nobya ay hindi na ginawang tapusin pa ni Joaquin ang palabas, kinuha niya ang remote at pinatay ang tv. Nakaramdam lang siya ng inis, para naman kasing nang-aasar ang palabas na iyon. Biglang tuloy nag-flash back sa kaniya ang masamang nangyari sa relasyon nila ni Madeline dahil sa kaniyang palpak na marriage proposal.Napahilamos siya sa kaniyang mukha sa labis na pagkadismaya sa sarili. Nang dahil sa kaniyang pagkakamali ay hanggang ngayon hindi pa rin siya kinakausap ni Madeline. Mahal niya ang nobya at ayaw niya itong sukuan, kaya lang ay masyadong matigas ang puso nito at ayaw makinig sa mga paliwanag niya.
Isang engrandeng kasiyahan ang nagaganap ngayon sa loob ng isang five star hotel kung saan nagse-celebrate ng kanilang 40th wedding anniversary ang mga magulang ni Joaquin na sina Veronica at Emmanuel Montoya.Halos lahat ng kanilang mga bisita ay mga importanteng tao, mga mayayamang negosyante, mga taga alta sa soseyedad, politiko, celebrity at iba pa. Masayang-masaya si Joaquin na nakikita ang mga magulang niya na hindi nawawala ang pagmamahal sa isa't-isa kahit matagal na silang mag-asawa. Ang totoo ay ang mga ito ang kaniyang inspirasyon sa pangarap niyang pagbuo ng sariling pamilya. Iniidolo niya ang kaniyang ama sa pagiging mabait, mapagmahal at responsableng haligi ng tahanan. Namulat siya sa magandang pagsasama ng kaniyang mga magulang, ni minsan ay hindi niya nakitang nag-away ang mga ito. Nang lumaki na siya at nagka-isip ay napagtanto niya na wala namang perpektong pagsasama, siguro ay may pagkakataon din na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang kaniyang mga magulang kay
Wala si Roman, nasa ibang bansa ito ngayon at nagbabakasyon kasama ang kaniyang pamilya. Dalawang linggo itong mawawala, dahil walang magbabawal sa kaniya, kaya naman sinamantala ni Eunice ang pagkakataon na iyon para makagala at magawa ang lahat ng gusto niyang gawin.Nang gabing iyon ay nagpunta siya sa isang bar, naimbitahan siya ng mga kaibigan para uminom at magsaya."Sige pa, Eunice uminom ka pa!" sabi ni Janet, isa sa mga kaibigan niya.Ang mga kasama niya ngayon ay mga nakilala lang niya noong nagsisimula pa lamang siyang mag-modelo at nagtrabaho bilang escort ng mga big time na lalaki. Ang gawain nila noon ay magpunta sa mga party at sosyalan para makabingwit ng mayaman.Si Janet, Cristy at Rhema ay katulad din niyang binabahay ng mga lalaking mayayaman na may mga asawa na. In short pare-pareho silang mga kabit. Wala siyang pagkakaiba sa mga ito, dahil iisa lang naman ang gusto nila, ang maibigay ng mga lalaking iyon ang mga luho at kapritso nila.Matagal-tagal na rin simula