Eunice's POV
Dream come true. It's not my first time to travel abroad, pero ito ang unang beses na makakarating ako sa bansa na pangarap kong puntahan. Roman granted my wish na magbakasyon kami sa Paris. Matagal ko nang hinihiling sa kaniya na dalhin niya ako sa lugar na 'yon.I prepared everything, pati ang mga damit na dapat kong suotin sa four days vacation namin. Pinag-isipan ko talagang mabuti ang mga OOTD ko para naman maganda ako sa mga selfie ko.Gusto kong kainggitan ako ng mga friends ko kapag pinost ko na ang mga pictures ko sa social media.Hindi kami pwedeng magsabay ni Roman sa flight, dahil baka malaman ng asawa niya na magkasama kami. Ang paalam kasi ni Roman sa misis niya ay business ang pupuntahan nito sa Paris, hindi alam ng bruha niyang asawa na magbabakasyon kaming dalawa. Well, it's not my problem anymore. Hindi ako mapipigilan ng kahit na sino, kahit pa ang tigreng asawa ni Roman.Nauna akong umalis kay Roman, siya naman ay bukas pa ang flight. Naayos na ng sekretarya niya ang lahat tungkol sa vacation trip namin, pati ang hotel na titirahan namin sa apat na araw na pamamalagi roon ay naka-reserve na rin.Sa totoo lang ay mas feel kong ako lang ang mag-isang mag-travel, hindi ko rin gusto na kasama sa iisang eroplano si Roman at magkatabi pa kami ng upuan. Ayokong may masabi ang mga tao kapag nakita kaming magkasama. Mabuti na rin ang nag-iingat, ang alam kasi ng asawa ni Roman ay hiniwalayan na ako nito pero dahil nga love ako ni Roman ay hindi niya kayang gawin sa akin iyon. As usual, nagsinungaling na naman siya nang malala sa kaniyang asawa para lang papaniwalain ito na tapos na sa amin ang lahat at wala na talaga kaming relasyon. Sorry siya, ang laki kasi niyang tanga, at naniwala naman talaga siya sa kaniyang asawa, ang dali niyang mauto.-After 16 hours of flight finally, nakarating na rin ang eroplanong sinasakyan ko. Palabas na ako ng airport, may naghihintay na sundo na maghahatid sa akin patungo sa hotel na titirahan ko.Isang malaking maleta lang ang bitbit ko, bukod sa hand carry, as much as I want to bring all my things ay hindi ko na ginawang magdala ng marami dahil may iba akong plano. Sasamantalahin ko ang pagkakataon na magkasama kami ni Roman sa Paris, para magpabili sa kaniya ng mga bagay na gusto ko. Isa rin sa dahilan kaya gusto kong pumunta sa bansang ito ay dahil gusto kong ma-experience na mag-shopping ng bongga. I'm sure hindi naman ako hihindian ni Roman. Ibinibigay niya ang lahat ng gusto ko, kaya naman sa kaniya lang ako nakipagrelasyon ng matagal. Lahat naman ng nakarelasyon ko ay mapagbigay pero si Roman ang pinakagalante sa lahat. Mananatili ako sa tabi niya hanggat nakikinabang ako sa kaniya.-Habang naglalakad ako ay may naririnig akong ingay, hindi ko maiwasan ang hindi mapalingon. Maraming tao sa labas ng airport, sa tingin ko ay mga media iyon, dahil may dala ang mga ito na iba't-ibang klase ng camera. Mukhang may hinihintay silang lumabas. Na-curious tuloy ako kung sino? I'm sure sikat na celebrity iyon kaya naman ganun karami ang mga nakaabang na-reporter. Hinayaan ko na at hindi na ako naki-usyoso pa, maraming celebrities sa iba't-ibang panig ng mundo ang pumupunta sa bansang ito para magbakasyon kaya hindi na ako magtataka kung maraming reporter ang nag-aabang ng magandang maibabalita. Pagod na ako at wala akong panahon na mag-fan girl ngayon.Pagtapak na pagtapak nang isang paa ko sa exit door ay siya namang gulat ko nang bigla na lang may tumakip na kung anong bagay sa ulo ko, natabunan nito ang buong mukha ko. Hindi ko alam kung ano ang tumabing na iyon sa aking mukha, pero para siyang isang coat. In fairness, ang bango ng amoy—amoy imported na perfume. Maya ay may naramdaman akong umakbay sa balikat ko."Babe, it's me, the paparazzi is everywhere, don't remove your cover. Just trust me, we'll slip away unnoticed."Iyon ang narinig kong sabi ng taong umakbay sa akin. Boses iyon ng isang lalaki, kung wala lang ako sa ganitong sitwasyon ay maa-appreciate ko kung gaano kaganda ang boses niya, kaya lang ay iba ang nararamdaman ko ngayon. Imposibleng si Roman ang lalaking iyon, dahil hindi niya ka-boses si Roman at magkaiba sila ng pabango. Tingin ko ay bata pa ang lalaki, halos kasing edad lang ko lang siguro ito kung ibabase ko sa boses niya.Gusto kong kumawala, gusto kong tanggalin kung ano man ang nakatakip sa mukha ko. Naalarma ako nang biglang may umagaw sa dala kong maleta."Hey, what's going on? Who the f*ck are you? Where is my luggage? Are you trying to kidnap me or something? Let me out of here you bastard!" galit na sabi ko, ngunit hindi ako naririnig ng lalaking nasa tabi ko dahil nagkagulo na ang mga reporter. May naririnig akong mga ingay."Let's go, babe!" sabi ng lalaki sa akin.Halos buhatin na ako nito, wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa mabibilis na lakad nito, hanggang sa tumigil ito at may narinig akong bumukas na pintuan ng sasakyan. Ipinasok ako sa loob ng hindi ko kilalang lalaki.Isa lang ang naisip ko ng nga sandaling iyon—nakidnap ako!Pero, sino naman kaya ang magpapa-kidnap sa akin? At sa Paris pa talaga ako pina-kidnap. Hindi naman ako mayaman para kidnapin, kaya laking pagtataka ko."We did it! We outsmarted the paparazzi!" tuwang sabi ng lalaki, ako naman itong pilit tinatanggal ang nakatakip sa akin.Sa wakas nakawala na rin ako sa buwisit na kung anong bagay na iyon."Babe, are you okay?""Okay? Mukha ba akong okay? Pagkatapos mo akong takpan ng kung ano at kaladkarin sa sasakyan na ito, sa tingin mo okay ba ako?" mataray na tanong ko.Nagulat ang lalaki pagkakita sa akin."Huh! Who are you?""Ikaw ang sino? Bakit mo ako dinala rito? Kidnaper ka noh? Gusto mo akong kidnapin."Sinamaan ako ng tingin ng lalaki. Saglit akong natigilan ng matitigan ko ang mukha niya.Guwapong lalaki ang kaharap ko ngayon at tama ako, bata pa nga siya, sa tingin ko ay matanda lang ito sa akin ng ilang taon."F*ck! What are you doing here? You're not Madeline. Where is Madeline?" galit na tanong nito sa akin.Sinamaan ko siya ng tingin. "Ewan ko sa'yo, hindi ko kilala ang Madeline na sinasabi mo!" singhal ko rito.Nagtiim ang bagang niya. Nakakatakot ang matalim na tingin niya sa akin, ngunit hindi ako nagpadala sa takot. Inisnab ko ito at inikutan pa ng mga mata."Get out of my car, you fucking impostor!" galit na sigaw nito at pinagtulakan ako palabas."Shit ka! Sino ka bang siraulo ka? Pagkatapos mo akong kaladkarin at ipasok dito ngayon ay ipagtutulakan mo naman ako palabas. Kung sino mang Madeline 'yang pinagsasabi mo wala akong pakialam. Pagkatapos ng perwisyo na ginawa mo sa akin, hindi ka man lang marunong manghingi ng sorry!" nanggagalaiti na sabi ko.Umiling ang lalaki. "I don't know what you're talking about. Just get out of my car!" makapangyarihang utos nito sa akin.Mula sa backseat kung saan kami nakaupo ay bumaba ang lalaki at hinatak ako nito palabas ng kotse, dahil ayaw ko ngang lumabas. Hindi na ako nagpumiglas, mas malakas siya sa akin kaya nagawa niya akong mahila pababa ng sasakyan."Hoy siraulo ka, ibalik mo ang maleta ko!" sigaw ko, umandar na ang sasakyan ngunit bigla rin itong huminto at umatras pabalik sa kinaroroonan ko kaya nagulat ako. Lumabas ang driver, pumunta sa likuran ng sasakyan, binuksan ang compartment at kinuha ang maleta ko na doon pala inilagay."Ecco i tuoi bagagli, ci dispiace molto, è stato solo un grosso errore," sabi ng lalaki habang inilalagay ang maleta sa tabi ko."What? What did you say?" kunot noong tanong ko, wala kasi akong naintindihan ni ano man sa sinabi niya.Sumenyas lamang ito na para bang sinasabing wala lang, pagkatapos ay nagmamadali na itong sumakay sa loob ng sasakyan at pinaharurot iyon.Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nangyari. Ang dapat sana ay magandang araw ko ay sinira lang ng siraulong lalaking iyon. Nahirapan na tuloy akong hanapin ang susundo sa akin, nagpaikot-ikot na ako sa labas ng airport ngunit hindi ko ito makita. Ang akala siguro ay nakaalis na ako o kaya ay hindi ako natuloy na bumiyahe kaya umalis na lang bigla. Mabuti na lang talaga at pinabaunan ako ng pera ni Roman. Sumakay na lang ako ng taxi at nagpahatid sa hotel na tutuluyan ko.Pagod na nga ako sa biyahe tapos may ganuong eksena pa na nangyari sa airport. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang pagmumukha ng nakakainis na lalaking iyon.Nang makapasok ako sa hotel room ko ay agad kong ibinagsak ang patang katawan sa kama. Nadaganan ko ang remote at napaigtad ako ng biglang bumukas ang tv.Breaking News:Pop star Madeline Smith left her concert in Spain and flew to Paris to meet her rumored boyfriend, who owns the largest distillery in Asia.Napaawang ang bibig ko ng marinig ang balita na iyon na bigla na lang nag-flash sa tv screen.May ipinakitang footage ang nasabing balita. Kitang-kita ko ang lalaking naikuwentro ko kanina lang sa airport. Ang eksena kanina na tinakpan ako ng coat ng lalaking iyon at dinala sa sasakyan nito. Akala ng mga reporter ay ako si Madeline. Hindi ko kilala ang pop star na tinutukoy sa balita dahil hindi naman ako mahilig sa showbiz. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit napagkamalan ng mga reporter na ako siya at pati narin ng siraulong lalaking iyon na sa tingin ko ay siyang boyfriend ni Madeline, dahil binaggit nito ang pangalang Madeline kanina.Napabuntong hininga ako nang malalim.Most memorable moment talaga para sa akin ang unang tapak ko sa Paris. Biruin mo nasa flash news pa ako. Okay lang sana kung nakita man lang sa video ang magandang outfit ko, kaya lang nagmukha lang akong nililigaw na pusa sa itsura ko kanina."I thought we were supposed to meet at the airport. Why you didn't show up? I waited for hours, expecting you to pick me up. And who's the girl in the news you're with? Are you cheating on me, Joaquin?"Galit ang itsura ni Madeline habang kausap ang nobyo."Of course not!" mariing tanggi naman ng binata. "I don't know her either, I'm confused too. Your coat and hers looked the same, so I mistook her for you. I'm sorry, it was all a mistake. Let's just put it behind us. The important thing is that you got away from the paparazzi, and we're together now. I will never cheat on you, Babe, you know how much I love you, right? I'm not the other guy you know. When I decide to be in a relationship, I want it to be serious, and I want it to last forever," seryosong sabi nito.Para namang hinaplos ang puso ni Madeline. Ang galit na nadarama nito kanina lang ay biglang napawi dahil sa sinabing iyon ng nobyo."Does that mean you're considering me as someone you'll be with for a lifetime?" curious
Nakaidlip sandali si Eunice, naninibago siya sa oras. Alas siyete pa lang naman ng gabi, pagkatapos niyang kumain sa restaurant ng hotel ay naisipan niyang lumabas muna para magpahangin. Bukas pa ang dating ni Roman kaya sasamantalahin niyang makapamasyal na mag-isa. Malapit lang ang hotel na tinutuluyan niya sa Tuileris Garden kaya doon siya nagtungo. Naglakad-lakad siya at nang mapagod ay naghanap ng mauupuan, may mangilan-ngilang upuang kahoy sa paligid kaya lang ay may mga nakaupo na. Naglakad-lakad pa siya at tama namang may nakita siyang babae na umalis sa kaniyang kinauupuan kaya dali-dali siyang lumapit para pumalit sa upuan nito, nangangalay na ang mga paa niya dahil ang boots na suot niya ay may takong."Hay, salamat at nakaupo rin," tuwang sabi niya, pinisil-pisil niya ang mga muscle sa kaniyang binti, na namintig na sa tagal niyang pagkakatayo.Nagulat siya ng may lalaking bigla nalang sumulpot at lumuhod sa kaniyang harapan. Napaawang ang kaniyang bibig ng walang pasabing
"Hmm... I don't remember buying you a ring. Where did you get that one you're wearing, Baby?"Napakislot ako.Oh shit! I forgot about it. Paano ko ba ito ipapaliwanag kay Roman? I can't just tell him the truth that out of nowhere, some stupid guy proposed to me because he mistook me for his girlfriend.No way it can't be. Sino naman ang maniniwala sa ganuong paliwanag?Grrrr... Binigyan pa talaga ako ng problema ng stupidong lalaki na iyon."I bought this ring... that's right! Binili ko ang singsing na 'to kahapon habang namamasyal ako. Mura lang 'to, nagustuhan ko ang design kaya kinuha ko na," paliwanag ko."I think you have great taste. It looks expensive, and the diamonds appear very authentic," sabi ni Ramon, habang nakatitig sa kamay ko.Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. Inalis ko na sa lamesa ang kamay ko para hindi na iyon mapansin pa ni Roman. Totoo naman kasi, ang kapirasong singsing na suot ko ay milyon-milyon ang halaga, maari na akong makabili ng bahay at lup
"Hey, what?!" singhal ni Joaquin sa kaibigang si Nikko."Anong what?" maang na tanong naman nito."What are you doing in my room and why are you staring at me like that?" Kanina pa kasi niya napapansin ang mga tingin na iyon sa kaniya ng kaibigan na tila ba nang-aasar."Wala lang, ang laki kasi nang problema mo eh," natatawang sabi nito."And so? Ang laki na nga ng problema ko nakuha mo pa akong tawanan," inis na sabi niya, kahit kailan talaga ang kaibigan niyang ito ay wala nang ginawa kung hindi ang asarin siya."Tama naman kasi 'yung babaeng 'yon. What's her name again?""Eunice," walang ganang sagot niya."Yeah, Eunice. I'm in favor of her, kahit na magkaibigan tayo ay hindi kita kakampihan sa pagkakataong ito. Sino ba naman kasing tanga ang magpo-propose sa maling babae? Nagkasya nga ang singsing tapos hindi naman maalis sa daliri. Natural, hindi naman kasi sa kaniyang sukat ng daliri iyon kung hindi kay Madeline.""So what are you trying to imply, na tanga ako ganu'n ba?" nang-a
Sa wakas ay natupad na rin ang pangarap ni Eunice, isang modern 2 storey house na may apat na kuwarto, parking garage na kasya hanggang tatlong sasakyan, malawak na bakuran at malaking swimming pool, ang ngayon ay pag-aari na niya. Ito ang iniregalo ni Roman sa kaniya noong kaarawan niya, kaya naman sobra-sobra ang kasiyahan niya.May tatlong kasambahay pang kinuha sa agency si Roman para makasama niya na magsisilbi sa kaniya at magbibigay ng mga pangangailangan niya. Ito ang buhay na pinapangarap niya noon pa. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos maisip na magagawa niyang mabuhay ng marangya ng hindi kailangan na magtrabaho at mangamuhan.Alas singko ng hapon noon at nakatambay lang siya sa gilid ng swimming pool. Sa ilalim ng malaking payong ay nakahiga siya sa sunlounger, suot ang kaniyang 2 piece red bikini ay talaga namang kumikinang siya sa kaputian. Alaga niya ang kaniyang katawan at kutis dahil ito ang kaniyang puhunan para mabuhay ng marangya.She's now living her dream life.
"Son, what's wrong? Parang malungkot ka, hindi ka ba masaya na nakauwi ka na at kasama mo kami ng Daddy mo?" tanong ni Veronica sa anak.Napansin kasi niya na simula ng dumating ito ay tahimik lang ito at parang laging may malalim na iniisip."May problema ba sa negosyo natin?" tanong na naman niya nang hindi umimik ang anak.Umiling si Joaquin. "Wala Mom," matipid na sagot ng binata."Kung ganu'n ano ba ang bumabagabag sa isip mo? Hindi ako sanay na tahimik ka."Bumuntong hininga nang malalim si Joaquin, tumayo siya buhat sa kaniyang kinauupuan, lumapit sa kaniyang ina at Inakbayan niya ito."Broken hearted ang anak mo, Mom," pagsusumbong niya.Nangunot ang noo ni Veronica. "Huh! Bakit nag-away ba kayo ni Madeline?"Tumango si Joaquin. "Nakipag-break na siya sa akin.""What?! Mahal na mahal ka ni Madeline, paano niya magagawa na makipag-break sa'yo, not unless may ginawa kang kasalanan sa kaniya." May pagdududa ang mga tingin ni Veronica sa anak.Marahang tumango si Joaquin. "Yes, Mo
Habang nakatambay sa kaniyang silid at nanonood buhat sa mga random na palabas sa tv ay umagaw sa pansin ni Joaquin ang eksena na iyon sa telebisyon, nang ang isang lalaki ay magpo-propose sa kaniyang girlfriend. Tuwang-tuwa naman at mangiyak-ngiyak pa ang babae na tinanggap ang marriage proposal ng boyfriend nito. Habang isinusuot ng lalaki ang singsing sa daliri ng kaniyang nobya ay hindi na ginawang tapusin pa ni Joaquin ang palabas, kinuha niya ang remote at pinatay ang tv. Nakaramdam lang siya ng inis, para naman kasing nang-aasar ang palabas na iyon. Biglang tuloy nag-flash back sa kaniya ang masamang nangyari sa relasyon nila ni Madeline dahil sa kaniyang palpak na marriage proposal.Napahilamos siya sa kaniyang mukha sa labis na pagkadismaya sa sarili. Nang dahil sa kaniyang pagkakamali ay hanggang ngayon hindi pa rin siya kinakausap ni Madeline. Mahal niya ang nobya at ayaw niya itong sukuan, kaya lang ay masyadong matigas ang puso nito at ayaw makinig sa mga paliwanag niya.
Isang engrandeng kasiyahan ang nagaganap ngayon sa loob ng isang five star hotel kung saan nagse-celebrate ng kanilang 40th wedding anniversary ang mga magulang ni Joaquin na sina Veronica at Emmanuel Montoya.Halos lahat ng kanilang mga bisita ay mga importanteng tao, mga mayayamang negosyante, mga taga alta sa soseyedad, politiko, celebrity at iba pa. Masayang-masaya si Joaquin na nakikita ang mga magulang niya na hindi nawawala ang pagmamahal sa isa't-isa kahit matagal na silang mag-asawa. Ang totoo ay ang mga ito ang kaniyang inspirasyon sa pangarap niyang pagbuo ng sariling pamilya. Iniidolo niya ang kaniyang ama sa pagiging mabait, mapagmahal at responsableng haligi ng tahanan. Namulat siya sa magandang pagsasama ng kaniyang mga magulang, ni minsan ay hindi niya nakitang nag-away ang mga ito. Nang lumaki na siya at nagka-isip ay napagtanto niya na wala namang perpektong pagsasama, siguro ay may pagkakataon din na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang kaniyang mga magulang kay
Kahit nangingig ang mga tuhod ay mabilis pa rin ang mga hakbang ni Eunice. Ang kagustuhan na makita si Roman ang nagbibigay sa kaniya ng lakas. Nasa loob na siya ng ospital at kasalukuyang hinahanap ang mayamang negosyante. Dali-dali niyang tinungo ang information center upang magtanong."Miss, pwede ko bang malaman kung may pasyente kayo rito na ang pangalan ay Roman Cervantes?" tanong niya sa babaeng naroroon at kumukuha ng mga inquiries."Roman Cervantes, Ma'am?" pag-uulit nito sa pangalang binanggit niya."Yes," mabilis na tugon niya kasabay ng pagtango."Teka lang po, itse-check ko rito sa files namin." Hinarap nito ang computer at hinanap sa record ng mga pasyente kung may ganuon ngang pangalan na naka-confine roon. Buhat sa paghahanap ay natigil ito at bumaling kay Eunice."According po sa file namin ay mayroon nga pong pasyenteng dinala rito kagabi na ang pangalan ay Roman Cervantes."Nabuhayan ng loob si Eunice ang buong akala kasi niya ay inilipat na ng ospital si Roman. "Ah
Nakaramdam ng matinding excitement si Eunice, nang marinig niya ang pamilyar na tunog ng sasakyan na pumapasok sa loob ng kaniyang bakuran."Ma'am, si Sir Roman, dumating na!" masayang pagbabalita ng kaniyang kasambahay. Nasa tuktok siya ng hagdan at ito naman ay nasa paanan kaya tiningala siya nito."Gumawa kayo ng masarap na meryenda, ipagluto ninyo ng makakain si Roman," tarantang utos niya rito."Sige po, Ma'am, kami na ang bahala," maliksi ang kilos ng kasambahay, tinungo nito sa kusina ang kasamahang kusinera para sabihin ang ipinag-uutos ng kaniyang amo.Inayos muna niya ang kaniyang sarili. Mabuti na lang at lagi siyang handa sa pagdating ni Roman, katatapos lang niyang maligo kaya naman mabangong-mabango siya. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan para salubungin ang mayamang negosyante sa main door ng bahay."Honey!" masiglang tawag niya sa kalaguyo. Sinugod niya ito ng yakap. "Ano ba ang nangyari, bakit ang tagal mong nakabalik?" may himig pagtatampo na tanong niya."I'm so sor
"Kamusta na ang pinagagawa ko sa'yo, Moreno, may resulta na ba?" tanong ni Emmanuel sa lalaking kapapasok lang sa kaniyang opisina at ngayon ay nakatayo sa harapan niya. Itinuro niya ang upuan sa tabi nito at iminuwestra na maupo, na siya namang ginawa ng lalaki.Kasalukuyan niyang sinusuri ang disensyo at label ng bagong alak na ilo-launch nila sa market. Ang anak na si Joaquin mismo ang dumiskubre ng bagong alak na iyon. Sobrang proud siya para sa kaniyang anak, talagang namana nito ang mga katangian niya."Good news, Sir, nakita ko na ang pinahahanap ninyo sa akin. Nalaman ko na ang pangalan niya at kung saan siya nakatira," masayang tugon ng kausap.Natigilan ang ginoo, bigla siyang napatuwid ng upo. Itinabi niya ang hawak na bote ng alak at hinarap ang kausap, hinanda ang sarili na makinig sa sasabihin nito."Really! So, ano ang natuklasan mo sa kaniya? Mabuti ba ang kalagayan niya? Maayos ba ang buhay niya? Nag-aaral ba siya, nagtatrabaho? Ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon?"
Naging masaya ang bakasyon ni Eunice kasama si Roman sa Spain. Namasyal sila, nag-shopping at kumain ng mga masasarap na pagkain. Wala sa kanilang dalawa na nakapansin sa lalaking panay ang buntot sa kanila saan man sila pumunta. Natapos ang isang linggong bakasyon ng dalawa at bumalik na rin sila sa Pilipinas. "This is the most memorable vacation we had together, baby," ani Roman. May sumundo sa kanilang sasakyan, tauhan ni Roman ang nagmamaneho at hinatid sila sa bahay. Hindi muna dumiretso si Roman sa pamilya niya. Ang plano nito ay magpalipas muna ng gabi kasama si Eunice.Humilig ang dalaga sa balikat ng mayamang negosyante. "Yes, I agree, ito nga ang pinakamasayang bakasyon natin together, sana maulit pa."Alas diyes nang gabi ng makarating sila sa bahay at hindi nila inaasahan na mabubungaran nila si Olivia, kanina pa pala ito nakaabang sa pagdating nila.Isang malakas na palakpak ang umalingaw-ngaw sa malawak na sala."Bravo! Ang kakapal talaga ng mga mukha ninyo. Lalo ka n
Matapos dumalaw sa kanilang plantasyon ng mga tubo sa Andalusia ay bumiyahe pabalik nang Barcelona si Joaquin.Inabot na siya ng gutom, alas kuwatro na ng hapon ng mga oras na iyon, kaya naman tumigil muna siya sa isang restaurant para kumain. Malapit lang ang restaurant sa kaniyang bahay. Hindi siya nakapag-hapunan kanina dahil sa sobrang pagkaabala, marami kasi siyang inasikaso sa farm.Habang siya ay kumakain ay bigla siyang napalingon sa entrance door ng restaurant. Hindi niya inaasahan kung sino ang makikitang pumasok. Si Eunice iyon, may kasama itong may edad nang lalaki. Noong una akala niya ay ama ng dalaga ang kasama nito, ngunit napaawang ang bibig niya nang ang lalaking kasama nito ay bigla na lamang halikan si Eunice sa labi ng sila ay makaupo na.Hindi siya napansin nito dahil ang puwesto niya ay sa nasa gawing dulo, malayo sa lamesa na napili ng mga ito. Hindi niya alam na may asawa na pala si Eunice, ang buong akala niya ay dalaga pa ito at hindi niya rin inaasahan na a
“Dad! I’m going back to Spain tomorrow, meron ka bang ipagbibilin tungkol sa negosyo natin doon?” Umangat ang ulo ni Emmanuel para lingunin ang anak. Ngumiti ito sabay iling.“You’re doing great, son. Maganda ang pagpapatakbo mo sa kumpanya natin, what else can I ask for? Just take good care of yourself, okay. Iyon lang ang gusto namin ng mommy mo, lalo na at malayo kami sa iyo.”“Yes, Dad, lagi ko namang inaalagaan ang sarili ko, kayo rin po, ingatan ninyo ang kalusugan ninyo at alagaan ninyo si mommy.”Tumango si Emmanuel. “We’ll going to miss you, son. Ilang taon na naman tayong hindi magkikita.”“Yeah, but I will visit if I have time.”“Okay. Kung hindi ka naman makakauwi ay kami ang pupunta ng mommy mo sa Spain to visit you.”“I have to go, Dad, aayusin ko na ang mga gamit na dadalhin ko, maaga pa ang flight ko bukas.”Tumayo si Emmanuel at niyakap ang anak.“I’m so proud of you, son,” sambit nito sabay tapik sa balikat ni Joaquin.“Thanks, Dad,” aniya.Sa America nag-aral ng co
"Huh!" Napakislot si Eunice nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Ang sarap-sarap ng higa niya sa inflatable bed na nakapatong mismo sa ibabaw ng swimming pool, muntik na nga siyang makatulog kaya nga lang ay nagising siya sa malakas na tunog na iyon na nagmumula sa kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon sa kaniyang tabi, hindi na niya inabalang tignan kung sino ang tumatawag agad niya itong sinagot. Maliban kay Roman ay ang kaniyang mga kaibigang sina Janet, Cristy at Rhema lang naman ang nakakaalam ng number niya, kaya inaasahan na niya na isa sa tatlong iyon lang naman ang tatawag sa kaniya, dahil si Roman ay hindi pa bumabalik mula sa European tour nito kasama ang kaniyang pamilya, kaya imposibleng tawagan siya nito.Nagpalit siya ng number pagbalik na pagbalik nila ni Roman mula sa Paris. Nalaman kasi ng asawa nito ang numero niya at palagi siyang ginugulo sa tawag nito. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Olivia ang cellphone number niya. Nag-iingat lang siya na hindi na ma
Parang binibiyak sa sakit ang ulo ni Eunice nang siya ay magising. Dahan-dahan siyang bumangon habang sapo-sapo ang namimigat na ulo."Huh!" Napamulagat siya ng mapansin na hindi pamilyar sa kaniya ang lugar kung saan siya naroon ngayon. Kunot noong inilibot niya ang mga mata sa paligid. Muntik na siyang mahulog sa kama sa labis na pagkagulat ng mahagip ng mga mata niya ang pamilyar na lalaki. Nakaupo ito sa sofa chair na nakapuwesto malapit sa kamang kinauupuan niya. Nakadekuwatro ito ng upo at matamang nakatitig lamang sa kaniya, seryosong-seryoso ang mukha nito."Finally, you're awake! Where's my ring?" agad na sabi ng binata na inilahad pa ang kamay.Akala niya ay nanaginip lang siya kaya kinusot niya ang mga mata para makasigurado, ngunit pagbaling niya sa lalaki ay naroon pa rin ito kung saan niya ito nakita.Tsh! Hindi nga ako nananaginip."A-ano'ng ginagawa mo rito? Bakit ka narito sa kuwarto ko?" tanong niya na may halong takot.Hindi niya alam kung paanong nakapasok ito sa s
Wala si Roman, nasa ibang bansa ito ngayon at nagbabakasyon kasama ang kaniyang pamilya. Dalawang linggo itong mawawala, dahil walang magbabawal sa kaniya, kaya naman sinamantala ni Eunice ang pagkakataon na iyon para makagala at magawa ang lahat ng gusto niyang gawin.Nang gabing iyon ay nagpunta siya sa isang bar, naimbitahan siya ng mga kaibigan para uminom at magsaya."Sige pa, Eunice uminom ka pa!" sabi ni Janet, isa sa mga kaibigan niya.Ang mga kasama niya ngayon ay mga nakilala lang niya noong nagsisimula pa lamang siyang mag-modelo at nagtrabaho bilang escort ng mga big time na lalaki. Ang gawain nila noon ay magpunta sa mga party at sosyalan para makabingwit ng mayaman.Si Janet, Cristy at Rhema ay katulad din niyang binabahay ng mga lalaking mayayaman na may mga asawa na. In short pare-pareho silang mga kabit. Wala siyang pagkakaiba sa mga ito, dahil iisa lang naman ang gusto nila, ang maibigay ng mga lalaking iyon ang mga luho at kapritso nila.Matagal-tagal na rin simula