Mikaela's POV
"Hindi ka pwedeng lumayo sa paningin namin, Ma'am Mikaela, 'yan ang kabilin-bilinan sa amin ni Congressman Montreal."Hindi ko mapigilan ang mapabuntung hininga nang malalim habang nakatingin sa mga bodyguard na nakabantay sa akin."Sa comfort room ako pupunta, hindi naman pwedeng hanggang sa banyo ay isama ko kayo 'di ba? Mas magagalit naman sa inyo ang asawa ko n'yan," may halong biro na sabi ko.Isang taon na rin simula ng mapangasawa ko ang pinakabatang congressman ng bansa na si Blaine Montreal, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasanay sa buhay na napili kong tahakin."Ah-okay po, Ma'am! Sige po, dito na lang kami sa labas ng pinto maghihintay." Kakamot-kamot ulong binigyan ako ng daan ni Peter, ang head ng mga bodyguards ko.Seryosong tingin lang ang ipinukol ko rito sabay tango.Mula pa sa kanilang mga ninuno hanggang sa kasalukuyang henerasyon ay namamayagpag ang apelyidong Montreal sa loob at labas ng bansa. Sila ay matatawag na pamilya ng mga politiko, dahil 70% ng mga Montreal ay nanunungkulan sa iba't- ibang bayan bilang mga politiko at ang natitirang 30% naman ay mga kilalang negosyante.Hindi ko inakala na ang isang simpleng ulila na kagaya ko ay iibigin ng isa sa pinakamakapangyarihang tao sa bansa. Tinitingala si Blaine at hinahangaan nang lahat, hindi lang ito sikat na politiko, sikat din ito sa mga kababaihan dahil sa taglay nitong magagandang katangian. Si Blaine ay mabait, matalino, matulungin at gwapo. Ang pagiging magandang lalaki nito ang siyang nagpapalakas ng appeal nito sa mga kababaihan.Akala ko noon ako na ang pinaka suwerteng babae sa mundo ng makilala ko si Blaine. Perpektong asawa na may perpektong pamilya. Ngunit, masuwerte man ako sa aking napangasawa ay hindi naman ako pinalad sa aking naging biyenan. Hindi ako tanggap ng ina ni Blaine dahil sa estado ko sa buhay, ngunit, ganuon pa man ay pinagsisikapan ko na maging kapat-dapat sa kaniya, sa pag-asang balang araw ay tatanggapin din ako ng buong-buo ng pamilya niya.-"How's your day, babe?" masuyong tanong ni Blaine sa akin matapos akong halikan sa aking pisngi.Alas onse na ng gabi at katulad ng mga nakaraang araw, ito na siguro ang pinaka maaga niyang uwi. Hindi ko siya masisisi dahil alam kong tungkol sa negosyo at sa politika naman ang inaatupag niya."Pretty good! Nag-enjoy ako na kasama ang mga bata sa orphanage, ganu'n din ang mga matatanda sa home for the aged." Itinigil ko ang pagbabasa ng paborito kong libro at tumingin ng diretso sa gwapo kong asawa na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko."That's good to hear. At least I know that you're now enjoying your life as a wife of a politician.""Hmm... I'm still in the process of adopting your lifestyle, but I'll get used to it.""Thank you for embracing my world, babe. I know it's difficult to be a Montreal, but still, you take the risk to be one."Ngumiti lang ako rito at humilig sa balikat nito.Sino ba namang hindi mai-in love sa lalaking ito? Perpekto ang maamong mukha nito at ang mga mata nito na tila ba nangungusap ay para bang dinadala ako sa kung saan.Umalis ako sa pagkakahilig sa kaniya, muli ay nginitian ko siya sabay hawak sa pisngi niya."I'm doing all of this because I love you," galing sa puso na sabi ko."I love you more, Mikaela Castro Montreal!" tugon ng aking asawa.Nang tatangkain kong gawaran siya ng halik sa kaniyang labi ay siya namang tayo nito nang biglang mag-ring ang isa sa apat na cellphone nito na nakapatong sa side table ng aming kama."You go to sleep, babe. I need to take this call," sabi nito na hawak na ang kaniyang cellphone, hindi na nito hinintay na sumagot ako, agad na itong lumabas sa aming kwarto.At katulad ng mga nakalipas na araw,nakatulog na lang ako sa paghihintay na muli siyang bumalik sa aming silid._Alas siyete ng umaga nang makita ko ang oras sa orasan na nakasabit sa dingding ng aming kuwarto. And, as I expected, Blaine is not on our bed anymore, ni hindi ko nga alam kung dito ba siya natulog sa tabi ko kagabi o hindi? Parang hindi ko kasi siya naramdaman kagabi o baka masyado lang malalim ang tulog ko, dala na rin ng pagod dahil sa magkakasunod na activities na ginawa ko sa buong maghapon.Marami akong naka-line up na schedule ngayong araw kaya naman hindi na ako nag aksaya pa ng oras at dali-dali akong bumangon para maligo.Nakapagbihis na ako at handa na sanang lumabas ng mag-ring ang aking cellphone. Agad ko itong kinuha at napangiti ng mapagsino ang tumatawag."Good morning, babe!" masayang bungad bati ng aking asawa."Morning, hon!" tugon ko naman."I'm so sorry. I didn't wake you up to say goodbye because I know you're tired. I need to take an early flight to catch up on my appointments. I'm here in San Gabriel right now," mahabang paliwanag nito sa akin.Inaasahan ko na iyon ang sasabihin niya.Mapait na ngiti ang naging tugon ko.Nang pumayag akong mapangasawa siya ay alam kong magiging kahati ko ang bayan sa pagmamahal at oras niya kaya naman itinatak ko na iyon sa aking isipan. Ang maging supportive at maunawaing asawa para kay Blaine ang aking hangarin, dahil mahal na mahal ko siya at iyon ang kailangan niya, ang pagmamahal at ang suporta ko bilang asawa niya."It's okay, hon, I understand, just take care of yourself, okay? Be back safe and sound. I love you!" Alam kong sa bawat oras na malayo siya sa akin ay malapit naman siya sa peligro."Yes I will. I love you too, babe! Got to go. See you later." Wala na akong narinig kung hindi ang mga ingay at sigawan ng mga tao, isinisigaw ng mga ito ang pangalan ng aking asawa."Okay, bye!" tugon ko, kahit alam ko namang hindi na ako naririnig nito. Nakalimutan na naman kasi nito na patayin ang kaniyang cellphone, kaya ako na lang ang kusang tumapos ng tawag.Gustong-gusto kong makasama ang aking asawa at magkaroon kami ng oras para sa isa't isa ngunit napakahirap para sa amin na gawin iyon.-"Aren't you going to give respect to your in laws?!" Bigla akong napakislot ng marinig ang makapangyarihang tinig na iyon."Huh! Pa-pasensya na po kayo, Mama, hindi ko po kayo napansin, nagmamadali po kasi ako," paumanhin ko sa aking biyenan na si First Lady Claudia Montreal."That's why I didn't like you for my son from the very start. You don't have manners and you're so disrespectful." Galit ang tono ng boses ng aking biyenan."Lower your voice, Claudia! You heard her, she's in a hurry at hindi niya tayo napansin," saway ni Lola Amelia kay Mama Claudia.Si Lola Amelia ang ina ng aking father in law na si President Gustavo Montreal."But, Mama! This girl is too much, she's doing all of this intentionally just to annoy me," apela ni Mama Claudia."I said enough, Claudia!" Tumaas na rin ang tono ng boses ni Lola Amelia.Nag palipat-lipat lang ang tingin ko sa dalawa.Tutol na tutol si Mama Claudia sa relasyon namin ni Blaine at hindi ko siya masisisi. Ako na isang ulila at lumaki sa bahay ampunan ay mapapangasawa ng isang Montreal na tinitingala sa bansa ay talaga namang hindi katanggap-tanggap sa paningin niya. Pero sa kabila noon, ang taong bayan ay buong pusong tinanggap at minahal ang relasyon namin ni Blaine.Parang gusto ko na namang maiyak ngunit kinalma ko ang aking sarili."Sorry po, Mama! Sorry po, Lola!" paumanhin ko sa mga ito."No worries, hija! You may go now, just take good care, okay?" mahinahon at nakangiting sabi ni Lola Amelia sa akin.Talagang napakabait ni Lola Amelia, ito lang ang masasabi kong kakampi sa pamamahay na ito."Maraming salamat po, Lola!"Bahagya pa akong yumuko tanda ng paggalang dito."Mama, aalis na po ako, sorry po ulit," sinserong sabi ko, ngunit inismiran lang ako nito.Yuko ulong nilisan ko ang mansion.Alam kong marami pa akong kailangan na tiisin ngunit gagawin ko ang lahat at pagtitiisan ko ang lahat ng mga masasakit na salita at hindi magandang pagtrato matanggap lang nila ako sa pamilyang ito.Mahal ko si Blaine at iyon ang pinaghuhugutan ko nang lakas para lumaban.Siya lang ang pamilya na meron ako.Huminga ako nang malalim at saka ngumiti. Inisip ko na lang na hindi naman habang buhay na ganito, balang araw mamahalin din ako ni Mama Claudia. Gusto kong maging positibo sa lahat ng bagay, mahirap kasi kapag marami kang dinadala sa dibdib, hindi ka makapag-focus sa trabaho at hindi mo ma-enjoy ang buhay. Bata pa ako at maramin pa akong haharaping pagsubok, kung ang pagkuha ng loob ni Mama Claudia ay susukuan ko na, paano pa ang ibang darating?"Ma'am, aalis na po ba tayo?" tanong ng bodyguard ko na si Peter.Tumango ako sabay ngiti. "Oo. Ihatid mo muna ako sa supermarket at mamimili ako ng mga ipamimigay na pagkain sa mga pasyente sa ospital," tugon ko."Sige po, Ma'am." Pinaandar na ni Peter ang sasakyan, bukod sa kaniya ay may isa pa akong bodyguard na nakapuwesto rin ng upo sa harapan ng sasakyan at nagbabantay sa aking seguridad.Tumingin ako sa bintana, iba't-ibang klase ng tao ang nakikita ko sa daan at bawat isa sa kanila, kahit hindi ko man nababasa ang mga nasa isip nila ay alam kong lahat sila may mga pinagdaraanang problema. Iba-iba lang kami ng pasanin sa balikat, ngunit ang lahat ay lumalaban para mabuhay at iyon ang pinakamahalaga.Blaine's POV"Congressman! Phone call from the president." Inabot sa akin ng aking secretary na si Lanie ang hawak nitong cellphone, maagap ko naman iyong tinanggap at agad sinagot ang tawag ng aking ama. Bihirang-bihira na mangyari ito, so it must be important. "President, good morning! Napatawag po kayo," bungad bati ko sa aking ama."Yeah! I just want to invite you for a cup of coffee here at the palace. Are you free today at around ten?" tanong nito. Agad kong sinipat ang aking relo. 8:45 am nakasaad dito. Mayroon pa akong mahigit isang oras para i-review ang mga papeles na nasa ibabaw ng working table ko. Marami akong commitments ngayon ngunit wala ng mas mahalaga pa sa makasama ko ang aking ama kahit na ilang sandali lang. "Okay Papa, I'll be there," maagap kong sagot."Alright, I'll wait for you then," tugon naman niya."Yes, Papa."Tinapos na ni Papa ang tawag at binalingan ko naman ang aking sekretarya. "Lanie, cancel all my appointments for today," utos ko sa kaniya.
Mikaela's POVGabi na ng kami ay makauwi ni Blaine sa mansion. Sinulit namin ang mga sandali na kami ay magkasama dahil bihirang-bihira na mangyari iyon. Sa dami ng responsibilidad ni Blaine at sa sobrang busy niya sa maraming bagay ay natutuwa ako dahil gumagawa pa rin siya ng paraan para magkaroon ng oras sa akin. Hindi nga lang madalas ngunit nakikita ko naman na nag-e-effort talaga siya.Matapos naming makababa ng sasakyan ay lumakad na kami papasok ng bahay. Tama namang pagpasok namin ay natanawan namin si Mama Claudia na pababa ng hagdan."Shhh!" sabi ni Blaine, sabay lapat ng hintuturo niya sa aking labi. Hindi niya inaalis ang tingin sa aking biyenan na ngayon ay ilang hakbang na lang at nasa paanan na ng hagdan. Kinuha ni Blaine ang isang kamay ko, hinatak niya ako. Hindi naman ako tumutol, sumunod lang ako sa kaniya at nagtago pa sa likuran niya. May pag-iingat na naglakad kami patungo sa malaking estante at doon kami nagtago. Hinintay naming makababa ng hagdan si Mama Clau
"Mukhang nangangalawang ka na, Fiero. Ang tagal mong nawala tapos gusto mo bakbakan agad. Bakit kasi hindi ka muna nag-practice?"Marahas na pinahid ni Fiero ang tumutulong dugo sa kaniyang ilong na tinamaan ng kamao ng kaniyang kalaban. Nasa isang ring siya ngayon at katatapos lang lumaban sa isang underground fight."Malas lang ako ngayon at suwerte si Maky Boy," balewalang sabi niya.Ang totoo ay mahigit isang taon na siyang tumigil sa pagsali sa mga underground fighting, bukod kasi sa ilegal ay umiiwas na siya sa huli. Sawa na siyang humimas ng rehas. Ginawa lang niyang bumalik dahil kailangan niya ng mabilisang pera. Hindi na rin masama kahit natalo siya sa laban, malaki rin naman kasi ang consolation price na kaniyang natanggap."Huling laban ko na 'to, Kulot, hindi na ako uulit, kailangan ko lang talaga ng pera ngayon," sabi niya. Si Kulot ay kaibigan niya at kasamahang underground fighter din dati na ngayon ay isa ng trainor ng mga nagsisimula pa lamang na mga fighter."Sigu
Mikaela's POVKaarawan ni Mama Claudia ngayon kaya abala ang mga tao sa mansion. Halos lahat nang miyembro ng pamilya Leviste-Montreal ay naroon.Kay Blaine naka-assign ang pagtanggap ng mga bisita. Gusto ng aking biyenan na tumulong ako sa mga gawain sa kusina pero mariing tinutulan iyon ni Blaine, isinama niya ako sa pagharap sa mga bisita ni Mama. Naiipit ako sa dalawang batong nag-uumpugan. Hindi ko alam kung sino ang susundin, ang aking biyenan ba o ang aking asawa? Ayaw ni Mama Claudia na nakikita akong pakalat-kalat sa paligid. Kahit alam na naman at tanggap ng maraming tao na asawa ako ng kaniyang anak ay ikinahihiya pa rin niya ako. Hindi siya komportable na naroon ako dahil ang pakiramdam niya ay nasisira ko ang pangalan at reputasyon ng kanilang pamilya. Gusto ko sanang sundin ang kagustuhan ni Mama Claudia, tutal naman ay kaarawan niya, kaya lang ay mapilit si Blaine."Huwag mong intindihin si Mama, masyado na siyang abala para pakialaman pa tayo," wika ni Blaine nang m
Mikaela's POVMagkahawak kamay kaming naglalakad ni Blaine papasok sa loob ng ospital. Narito kami ngayon para sa aming monthly check up. Si Dra. Garces ay ang gynecologist na tumitingin sa amin ni Blaine. Isa siyang fertility specialist at siya ang nagmo-monitor ng fertility status naming mag-asawa. Dumaan na kami sa maraming test. Nakaka-pressure na rin sa part namin ni Blaine, minamadali kasi kaming magka-anak ng mga taong nakapaligid sa amin. Gustong-gusto kong magka-anak, kaya lang ay hindi ko naman ipinipilit na dumating kaagad. Kapag hinihintay mo kasi ay lalo namang hindi dumarating. Para sa akin ay may tamang panahon para sa lahat ng bagay.Siyam na test ang dapat sana ay isasagawa sa amin, ngunit inuna muna ang tatlo at iyon ang hihintayin namin na resulta. Pinababalik kami ng aming doktor after two days."Paano po, doc, aalis na kami," paalam ni Blaine kay Dra. Garces, nakipagkamay pa siya rito."Okay. Baka makalimutan ninyo ang schedule ng pagbalik ninyo rito kaya ire-re
"Hon, paano ba 'yan hindi ko pwedeng basta na lang iwan ang mga kasama ko rito sa foundation at kahit na umalis ako ngayon ay hindi na rin natin aabutan si Dra.Garces," namomroblemang sabi ni Mikaela, habang kausap ang asawa sa cellphone.Tinawagan niya si Blaine, para ipaalam dito na hindi siya makakauwi sa takdang oras na kanilang napag-usapan. Pagkatapos kasi ng kanilang seminar para sa mga kababaihan ay naaya siya sa isang medical mission kasama ang buong staff ng Montreal Foundation."Don't worry, I'll handle going to the hospital today to speak with Dra. Garces. I believe she's fine with me representing you. I'll make sure to keep you informed about our conversation regarding our test results.""Huh! Sigurado ka bang okay lang sa'yo? Gusto mo ba na tawagan ko si Dra. Garces at ipa-reschedule na lang ang pagbisita natin sa kaniya?""It's okay, babe, huwag ka ng masyadong mag-alala. Aalis na ako sa office ngayon, tapos na rin naman ang trabaho ko rito."Nakaramdam ng kapanatagan n
Gabi na ng makauwi sa mansion si Mikaela. Nang pumasok siya sa kanilang silid ay napangiti siya ng makita ang kaniyang asawa na mahimbing na natutulog. Marahan ang mga hakbang na lumapit siya sa kama para pagmasdan ang maamong mukha nito. Hindi na niya ginawang gisingin ang asawa dahil mukhang malalim na ang tulog nito. Gusto man niyang halikan ang mapupulang labi nito ay pinigilan niya ang sarili na gawin iyon. Ayaw niyang maistorbo ang pagtulog nito. Minsan lang kung ito ay matulog ng maaga kaya hindi niya ipagkakait ang tulog na kailangan ng katawan nito.Kumuha siya ng damit pantulog sa closet at tinungo ang banyo para maglinis ng katawan. Dahil masyado nang gabi at wala na siyang oras pa na mag-blower ng buhok kaya nag-half bath na lamang siya. Ang totoo ay antok na rin siya, sa dami ng ginawa niya kanina ay pagod na ang katawan niya at gusto nang magpahinga.Paglabas niya ng banyo ay presko na ang pakiramdam niya. Sasampa na sana siya sa kama para tumabi ng higa sa kaniyang asaw
Pagod na sa kabubuhat ng banye-banyerang isda si Fiero. Nangangapal na ang balikat niya sa kalyo. Gusto na niyang tumigil, nakakaramdam na kasi siya nang panghihina dahil sa gutom, kaya lang ay hindi pa niya maaring gawin iyon. Hindi sila pwedeng tumigil hangga't hindi nila natatapos na isakay sa truck ang apat na banyera pang isda na natitira. Nagmamadali ang truck dahil may oras itong sinusunod."Hah! Kung alam ko lang na mapapasubo tayo ng ganito dinamihan ko na sana ang kain ng almusal kanina. Ang mali ko ay isang order na tapsilog lang ang binili ko, dapat pala ay nagpadagdag pa ako ng isang order pa na kanin," sabi ni Inggo, ang kasamahang kargador ni Fiero. Tatlong truck kasi ang nakapila kanina, natapos na nilang hakutan ang dalawa at ang panghuling truck na ngayon ang pinupuno nila."Tsh! Buti ka pa nga nalamnan ang sikmura, ako kape lang ang ininom ko kanina," reklamo ni Fiero."Di bale, apat na banyera na lang, tig-dalawa tayo, tapos puwede na tayong kumain," pakunswelong