THE WIDOWER'S FIRST LOVE

THE WIDOWER'S FIRST LOVE

last updateLast Updated : 2025-01-13
By:   Bb.Taklesa  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
23Chapters
761views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Sa edad na 35 ay nabiyudo na si Ambrose at naiwan sa kanyang pangangalaga ang limang taong gulang na lalaki at bagong silang na kambal na babae. Mag-isa niyang pinasan ang responsibilidad na palakihin sila. Pagkalipas ng limang taon, lalo niyang nakita ang pangangailangan ng kalinga at pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak. Sinubukan niyang lihim na makipag-date ngunit walang tumanggap sa kanyang tatlong anak. Hindi nila kayang panindigan ang pagiging instant mommy para sa kanila. Hinanap ng kanyang mga anak sa kung kani-kaninong babae ang pagkukulang na iyon. Hanggang sa malaman niyang nakikipagkita sa isang may edad na babae si Ambrox na halos kamukha ng kanyang ina. Muli niyang nakita si Rose Anne. Nagbalik ang sakit ng nakaraan dulot ng panlilinlang na ginawa ni Roxanne. Hanggang isang gabi, hila-hila ng kambal ang babae papasok ng kanilang gate. "Daddy, I got you a wife. Meet our Mommy!” Kinindatan pa ng mga bata ang kanilang ama. At nagbago ang lahat sa pagdating ni Rose Anne sa kanilang buhay. Magkaroon kaya ng puwang ang pagpapatawad sa pagitan ni Rose Anne at Ambrose? Maging maligaya kaya sila sa pagkakataon ito upang ituloy ang kanilang naudlot na pagmamahalan o maghihiwalay na silang tuluyan sa piling ng kani-kanilang bagong minamahal?

View More

Latest chapter

Free Preview

CHAPTER 1:

Matindi ang tensyon sa pagitan ni Ambrose at ng kanyang ama. Tila ba hinahamon siya ng lalaki na wala itong magagawa dahil desidido ang kanyang anak na pakasalan ang kanyang long time girlfriend na si Rose Anne.Matagal na nilang alam iyon ngunit hindi nila inasahang aabot sa kasalan ang lahat. Akala nila ay dala lang ng kabataan ni Ambrose kaya niya niligawan ang isa sa anak na kambal ng mga Cabrera.“Hindi ko siya gusto para sa iyo. Anong maitutulong niya para tumaas ang iyong ranggo? Wala! Kaya sinasabi ko sa iyo, gamitin mo ang utak mo, Ambrose. Huwag puro puso. Wala kang mararating kung puro puso ang paiiralin mo. Mag-isip – isip ka, Ambrose!”“Tsss, kung magsalita ka naman. Hindi mo ako mapapangasawa kung hindi rin lang naman sa puso ko, iyon ang pakatandaan mo, uy!” tahasang sabi ni Maria sa kanyang asawa. Kahit anong hinahon ng babae ay napapataas ang kilay niya sa kanyang narinig. Hindi na niya napigilan ang sarili na magbigay ng komento.Mas batang di-hamak si Maria Esteban ...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
grracechoi
Meer Ambrose...
2024-06-16 21:09:12
2
23 Chapters
CHAPTER 1:
Matindi ang tensyon sa pagitan ni Ambrose at ng kanyang ama. Tila ba hinahamon siya ng lalaki na wala itong magagawa dahil desidido ang kanyang anak na pakasalan ang kanyang long time girlfriend na si Rose Anne.Matagal na nilang alam iyon ngunit hindi nila inasahang aabot sa kasalan ang lahat. Akala nila ay dala lang ng kabataan ni Ambrose kaya niya niligawan ang isa sa anak na kambal ng mga Cabrera.“Hindi ko siya gusto para sa iyo. Anong maitutulong niya para tumaas ang iyong ranggo? Wala! Kaya sinasabi ko sa iyo, gamitin mo ang utak mo, Ambrose. Huwag puro puso. Wala kang mararating kung puro puso ang paiiralin mo. Mag-isip – isip ka, Ambrose!”“Tsss, kung magsalita ka naman. Hindi mo ako mapapangasawa kung hindi rin lang naman sa puso ko, iyon ang pakatandaan mo, uy!” tahasang sabi ni Maria sa kanyang asawa. Kahit anong hinahon ng babae ay napapataas ang kilay niya sa kanyang narinig. Hindi na niya napigilan ang sarili na magbigay ng komento.Mas batang di-hamak si Maria Esteban
last updateLast Updated : 2024-06-05
Read more
CHAPTER 2
Masayang masaya ang usapan sa planong kasal nina Rosy at Ambrose. Nagdala ng mapagsasaluhang pagkain sa bahay nina Rosy ang pamilya ni Ambrose. Nag-beso ang magkaibigang Deniza at Maria.“Kumusta, Mareng Niza?” Sinalubong rin ni Rosy ang babae at humalik sa kanyang pisngi bilang paggalang ganoon rin kay Alberto. Hindi naman tumutol ang lalaki kahit halatang napipilitan dahil nasa harap sila ni Ambrose.“Mukhang mahalaga ang inyong ipinunta ni Pareng Al? Magiging balae na talaga yata tayo!” Tumango naman ang babae.“Darating ba si Pareng Sandro?”“Maupo muna kayo.” Naupo ang tatlo. Nagtungo sa kusina ang dalawa at inayos ang mesa. “Nasabi ko na sa kanya ang plano nina Rose at Ambrose. Makakauwi naman siya para ihatid ang kanyang anak sa altar.”“Alam mo naman siguro kung kanino ko gustong ipakasal si Ambrose. Hay, ewan ko ba dito kay Ambrose. Hindi marunong kumilatis ng ginto.” Tinapik ni Maria ang asawa sa hita. Masyadong matalim ang kanyang bibig sa pagsasalita.“Tito Al, Tita Maria,
last updateLast Updated : 2024-06-05
Read more
CHAPTER 3
“Help me, Vex. Bring your sniper gun. Pumuwesto ka sa tutok ng lumang building sa tapat ng Simbahan ng San Antonio. Kasal ng kapatid ko. Ayokong may manggulo sa araw ng kasal niya.”“At anong kapalit?”“Nakuha mo na ang kapalit. Kinukuha ko na lang ang kung ano ay kabayaran ng puring kinuha mo sa akin. Huwag kang tuso.”Kilala ni Deniza ang kanyang anak. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito. Ayaw niyang konsintihin ang kamaliang ginawa nito.“Bakit ba gustong gusto mong pinapahirapan ang kapatid mo? Not on this day, Roxy! Ano bang pumasok sa kukote mo?”“Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin, Mama. Please help me. Mahal na mahal ko si Ambrose. Hindi ako mabubuhay ng wala siya.”“Itigil mo ang pag-iyak mo. Masisira ang make-up mo.”Papalabas na ng unit si Rozy. Napakunot-noo si Sandro.“What is this? Where’s my daughter? Nasaan ang kapatid mo?”“See, sa tono pa lang ng boses ninyo ay parang si Rosy lang ang anak ninyo. Anong gagawin ninyo ngayon? Saan ninyo siya hahanapin? I am not g
last updateLast Updated : 2024-06-05
Read more
CHAPTER 4
Humingi ng tulong si Rosy sa dalawa. Masakit ang ulo niya. Magulo ang kanyang buhok at wala na siyang pamalit na damit. Naiwan na lang ang kanyang kulay pulang pantulog at bedroom slippers pa ng hotel ang ginamit ni Rose Anne habang naglalakad sa pasilyo ng hotel patungong elevator.“Ma’am, sigurado po ba kayong kaya ninyo?” tanong ng binatang nakasuot ng uniporme ng hotel. Halatang empleyado siya roon.“Bakit kaya kamukha niya ‘yung bride?” pabulong na sabi ng babae. “Ehem, Ma’am. Napag-iwanan po ba kayo?”“Amanda, huwag mo ngang tanungin si Ma’am ng ganyan,” saway ng lalaki. “Ma’am pasensiya na po kayo. Kayo po ‘yung nag-bridal shower noong isang gabi, ‘di ba?”Tumulo ang luha ni Rosy. Tinutoo ng kanyang kapatid ang banta nito na aagawin si Ambrose sa kanya.Late na siyang nagising. Bell boy at chambermaid ang nakadiskubre ng kinaroroonan niya. Ipinara siya ng taxi ng bellboy at nagmamadali itong nagpahatid sa St. Anthony Parish ngunit sarado na ang simbahan ng dumating siya. Tapos
last updateLast Updated : 2024-06-05
Read more
CHAPTER 5
Napakaenggrande ng kasal ni Roxy at Ambrose. Walang nahalatang pagkakaiba kay Roxy sa labis na kasiyahan ng lalaki. Ipinagsalawang-bahala ni Ambrose ang maliliit na detalye kay Rosy. Ayaw niyang sirain ang moment na iyon para lang sa pakikipagdiskusyon dahil sa kanyang buhok at sa kanyang engagement ring.Hindi naman pinaabot pa ng gabi ang reception. Unang pinaalis ang bagong kasal dahil may flight pa silang hahabulin for their honeymoon.Iniregalo ni Alberto ang trip to Switzerland for two-weeks para mas magkaroon ng panahon ang bagong kasal para sa isa’t isa.“Enjoy your time as Mrs. Ambrose Castillejo Romero.”“Thanks, General.” Nagulat si Alberto sa tugon na iyon. Napairap si Maria sa narinig niya. “Opsss, sorry. Yes, Papa!” Napatakip siya ng bibig at nag-peace sign. Kinabahan na si Ambrose.Her gestures are more of Roxanne. Siya lang ang tumatawag sa lalaki ng “General”. Kinaiinisan iyon ni Maria lalo pa kung maririnig niya itong tumawa.Masayang bumalik ang mag-asawa sa kanilan
last updateLast Updated : 2024-06-05
Read more
CHAPTER 6
Nakahilata sa long sofa si Ambrose habang nakatitig sa labas ng salamin. Maliwanag na at mukhang maaliwalas ang panahon para mamasyal ngunit tulala siya sa mga pangyayari. May benda ang kanyang kanang kamay.“Hindi mo ba talaga ako sasamahang mamasyal?” Hindi umimik si Ambrose. Nasa harap ng salamin si Roxy at pangisi-ngisi sa lalaki. “Okay, bahala ka. I’ll enjoy this. Pagbalik natin sa Pinas, hello sa work nanaman at mahirap nang makakuha ng bakasyon.”Si Roxanne Cabrera ay isa sa matitinik na jet fighter pilot ng Air Force. Hindi matatawaran ang kanyang galing. Malakas ang kanyang loob at hindi magpapatalo sa kanyang mga kasamahan. She aimed to become a jei fighter pilot to impress his Tito Alberto and to get Ambrose’s attention.Nawalan na siya ng pag-asa dahil ibang kurso ang kinuha ni Ambrose. Pareho sila ni Rosy, Hotel and Restaurant Management ang kursong kinuha nila.Pag-alis ni Rosy patungong ibang bansa para kumuha pa ng special courses sa International Culinary, akala niya
last updateLast Updated : 2024-06-14
Read more
CHAPTER 7
Maagang dumarating sa opisina si Ambrose. Hindi sila nagsasabay ni Roxy ng pagpasok sa trabaho. Tahimik silang pareho sa hapag-kainan. Naninibago talaga siya. Hindi rin naman Masisi ni Niza ang manugang na lalaki. Hindi iyon ang inaasahan niya.“Ano bang paborito mong pagkain para maipagluto kita?” tanong ni Niza.Baliktad ang mundo na sana ay si Roxy ang nagtatanong para ipagluto man lang ang asawa.“Okay lang po ako. Kung anong ihain ninyo ay wala naman po akong reklamo. Huwag po ninyo akong alalahanin.”“Pasensiya ka na, Iho. Hindi kasi talaga marunong sa gawaing-bahay itong si Roxy. Palagi kasi siyang naka-duty. Si Rosy…” BIglang napahinto si Niza.Binitiwan ni Ambrose ang kanyang kutsara’t tinidor.“Busog na po ako. Una na po ako.” Walang imik si Ambrose sa loob ng kotse. Napasuntok siya sa manibela. Sa simula pa lang ay panlilinlang na ang naging relasyon nila kaya hindi niya nakikitang magiging successful ang married life niya.Dumaan siya sa hangar at dinig niya ang sari-sari
last updateLast Updated : 2024-06-14
Read more
CHAPTER 8
Sa una lang nakaramdam ng pag-aalala si Roxy. Matibay ang kanyang paniniwalang matutulungan pa rin siya ng kanyang kambal.“Hindi nagma-mature ang mga egg cell mo, Iha. Mahina ang bahay – bata mo.”“You get it straight, Doc.” diretsang sabi ni Roxy. Tinitigan siya ng babaeng ob-gyne.“Everything is possible with in-vitro fertilization. With this procedure, hindi sa bahay-bata mo mangyayari ang fertilization ng egg at sperm cell kundi sa labas. Kapag fertilized na ito saka lang i-implant sa iyo.”Nakatingin pa rin sa kawalan si Roxy. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa kanyang nalaman. Napakamalas naman. Hindi na nga siya mahal ni Ambrose, inagaw na nga lang niya ang lalaki sa kanyang kapatid at ang pinakakaasam-asam ng lalaki na magkaroon ng anak ay hindi pa niya kayang ibigay.“Be back if you are ready with the procedure. But I want you to look for an egg donor. Let your husband know about your situation. Kung isinama mo siya ngayon, nalaman niya kaagad ang kondisyon mo. T
last updateLast Updated : 2024-06-17
Read more
CHAPTER 9
Maayos namang napalaki ni Ambrose at Roxy ang bata. Mas lalong naging responsableng ama ang lalaki. Masaya niyang pinagsilbihan ang kanyang pamilya kahit malayo pa rin ang loob nila sa isa’t isa. Hindi naman masisisi ni Niza ang lalaki. Si Sandro naman ay hindi na rin bumalik sa Pilipinas matapos ang kasal ng anak.Isang gabi ay late ng dumating si Roxy. Nagbibihis siya sa harap ni Ambrose para akitin ito ngunit wala naman iyon sa lalaki. Hindi niya pinag-aksayahang tingnan ang asawa.“I want a DNA Test for my son.” Malakas na sampal ang sumapo sa pisngi ni Ambrose.“Are you insulting me?” sabi ni Roxy. Hawak ni Ambrose ang kanyang pisngi. Ngunit mas masakit para sa kanya ang pagtawanan ng iba. At alam rin niyang imposibleng magkaanak si Roxy.“You know what I am talking about Roxy. Something may happen between us pero hindi ko kailanman ipinagkatiwala sa iyo ang semilya ko!” Mahigpit na hinawakan ni Ambrose ang braso ng asawa. “Sabihin mo sa akin ngayon kung sino ang ama ng bata?”“Ik
last updateLast Updated : 2024-06-17
Read more
CHAPTER 10
Ilang linggo rin si Roxy sa Italy tulad ng dati niyang ginawa. Hindi na nagtanong ang kapatid tungkol sa kanyang muling paghingi ng pabor. Niloko na nga siya, ginawa pang forever donor ng egg cell. Hindi man lang siya nangumusta. Hindi man lang din siya nagpasalamat. Ni wala siyang pasabi sa kanyang pagdating. HIndi man lang nag-inform kung successful ba ang porcedure.Napansin ni Pilar ang pagiging matamlay ni Rosy. Inakala niyang maysakit ang pamangkin.“Okay ka lang ba?” Sinalat niya ang noo ng babae baka ito nilalagnat.“I am okay, Tita.”“Why don’t you take a day-off para magpahinga.”Stress lang siya kay Roxy. Hindi ganoon kadali ang procedure. Hindi niya alam kung bakit inaadya ng pagkakataon na sa tuwing pupunta si Roxy sa kanya ay malulusog at malalaki ang kanyang mga itlog. Tuwang-tuwa ang doktor na nagsasagawa nito.Tiniis niya ang sakit higit pa ang sakit ng damdamin na dulot nito sa kanya. Habang isinasagawa ang lahat. Iniisip niyang sana ay iniingatan nilang mag-asawa an
last updateLast Updated : 2024-06-18
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status