Masayang masaya ang usapan sa planong kasal nina Rosy at Ambrose. Nagdala ng mapagsasaluhang pagkain sa bahay nina Rosy ang pamilya ni Ambrose. Nag-beso ang magkaibigang Deniza at Maria.
“Kumusta, Mareng Niza?” Sinalubong rin ni Rosy ang babae at humalik sa kanyang pisngi bilang paggalang ganoon rin kay Alberto. Hindi naman tumutol ang lalaki kahit halatang napipilitan dahil nasa harap sila ni Ambrose.
“Mukhang mahalaga ang inyong ipinunta ni Pareng Al? Magiging balae na talaga yata tayo!” Tumango naman ang babae.
“Darating ba si Pareng Sandro?”
“Maupo muna kayo.” Naupo ang tatlo. Nagtungo sa kusina ang dalawa at inayos ang mesa. “Nasabi ko na sa kanya ang plano nina Rose at Ambrose. Makakauwi naman siya para ihatid ang kanyang anak sa altar.”
“Alam mo naman siguro kung kanino ko gustong ipakasal si Ambrose. Hay, ewan ko ba dito kay Ambrose. Hindi marunong kumilatis ng ginto.” Tinapik ni Maria ang asawa sa hita. Masyadong matalim ang kanyang bibig sa pagsasalita.
“Tito Al, Tita Maria, Mama, ready na po ang mesa. Kain na po muna tayo.”
“Let’s go, Mama. I made your favorite dish.” Niluto ni Ambrose ang kanyang amazing caldereta. Paborito iyon ng kanyang ina.
“Ano ito? Suhol?”
“Kain na po, Tita Niza.” Iniabot ang plato ng kanin sa kanya. Luminga-linga si Ambrose. “Hindi pa ba umuuwi si Roxanne? Hindi mo ba sinabi sa kanya?” tanong niya kay Rose Anne.
“Busy siya sa kampo. Medyo late na rin kasi siyang umuuwi. I will surprise her about it.”
“Huwag mong kalilimutan, she will be your bride’s maid.”
“Sure! I won’t forget it.”
Sa likod ng pinto ay nangingilid ang luha ni Roxy na tinitingnan kung gaano kasaya ang kanyang kambal. Abut-tenga ang kanyang ngiti. Kinuyom niya ang kanyang palad sa sobrang gigil.
“Hindi ako makakapayag! Akin si Ambrose! Akin siya!”
Lumabas si Roxy. Sabay nang malalakas na tawanan sa dining table ay dinig nila ang kalabog ng gate at ang pagharurot ng sasakyan. Nagkatinginan sina Ambrose at Rose Anne. Mas mahalaga ngayon ay magiging maayos ang plano nila.
Nagtungo si Roxy sa firing range. Doon niya ibinuhos ang sama ng loob.
Hindi na nakaiwas si Roxy ng gabing iyon dahil hinintay talaga siya ni Rosy.
“Ate, promise mo, aattend ka sa bridal shower ko ha!”
“Busy ako, Sis para sa mga ganyan. Besides, bakit mauuna kang ikasal sa akin? Baka mamaya, hindi ako ikasal niyan?”
“Ano ka ba? Pamahiiin lang iyon. Bakit ka ba naniniwala sa mga ganoon?” Ngunit masama ang tingin ni Roxy sa biro ng kapatid. “Basta, see me tomorrow at Suite Castillejo in Marrion Hotel.” Tinalikuran na siya ng kapatid.
Hindi pinalampas ni Roxanne na komprontahin si Vex sa nangyari sa kanila.
“Paano mo nagawa sa akin iyon?”
“Anong ginawa ko?” malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng lalaki. Napangiwi siya sa lakas ng impact nito sa kanya. “I enjoyed it, Darling. Sabi ko sa iyo, walang makakawala sa mga kamay ko kahit isa kang Cabrera,” ngumisi ng nakakaloko ang lalaki.
Mahigpit siyang hinawakan ni Vex at sinakay sa kotse. Naka-lock ang sasakyan kaya hindi siya makawala. Dinala siya ng lalaki sa isang rest house na malapit lang sa kamaynilaan. Iyon ang lumang bahay ng kanyang lola Mayang.
Lalong naulol ang lalaki kay Roxy. Palaban ang babae at mas agresibo pa siya dito. Pawisan ang dalawa matapos ang kanilang mainit na pagniniig. Pagud na pagod si Roxy kaya inabutan ni Vex na sigarilyo ang babae. Hindi ito umimik. Matapos ang isang sigarilyo ay tumayo at nagbihis na parang walang nangyari.
Hinintay ni Niza ang kanyang anak.
“Bakit ngayon ka lang? Bakit hindi ka sumalo sa hapunan namin kanina?”
“I am not going to join a bunch of hypocrites in the dining, Mama. You know me. Should I be happy for her? Kasama ako sa wedding plans only as a shadow of my darling sister.”
“Ano bang sinasabi mo?”
“You have to help me, Mama.”
“Roxanne, ano bang ipinagkakaganyang mo, Iha?”
“Shut up!” malakas na sampal ang inabot ni Rpxy sa ina.
“You shut up! And what do you plan ha? Papatayin mo ang kapatid mo dahil sa pagiging sakim mo. Be happy for her even once in your life, Roxy.”
“NO! Hindi ako magiging masaya para sa kanya because Tito Albert promised Ambrose to me! I couldn’t forget it and I will never ever forget it!”
“Look Roxy. You cannot promise someone to love another person for that promise’ sake.”
“But I love Ambrose my whole life Mama.”
“Make sure to attend the bridal shower. You have to be there.” Tinalikusan na ni Niza ang anak. Hindi niya ito mapapakalma kahit magwala rin siya.
Hindi maganda ang ugnayan ng kambal. Pakiramdam kasi ni Roxy at palagi siyang naikukumpara kay Rosy. Ang mas masakit pa ay mas napupuri si Rosy kaysa sa kanya. Siya ang palaging kontrabida.
“Give up Ambrose to me and save your life.”
“Ate…”
“I mean it, Rosy. I won’t be nice to you tomorrow if you don’t give up now.” Tapos na ang bridal shower ng dumating si Roxy. Nanunuod ang mga make-up artist at wedding organizer staffs sa sala. Hindi naman sila pinansin ng mga ito habang seryoso silang nag-uusap sa dining table.
“Hilingin mo na ag lahat. Huwag lang si Ambrose,” mahinang pakiusap ni Rosy habang nakahawak sa braso ng babae.
“Fine! Happy for you, Sissy!”
“Talaga! Thanks, Ate!” Tulad pa rin siya ng isang batang mabilis magpatawad.
Iniabot ni Rosy ang gatas sa kanyang kapatid.
“Maaga kang matulog. Tomorrow is your big memorable day.”
Hindi umalis si Roxy. Hindi siya aalis sa hotel. She is the bride’s maid soon to be the bride. Napahalakhak siya sa kaloob-looban.
Madaling araw ay ginising si Rosy. Inayusan na siya para sa kanyang kasal.
“Napakaganda ng anak ko,” sabi ni Niza.
“Are you sure, Mama?” Nanlaki ang mata ng babae. Luminga siya sa paligid.
“Ma’am, huwag po kayong malikot. Masisira ang make up ninyo.”
Kasyang-kasya ang damit pangkasal ni Rosy sa kanya. Iyon daw ang magic sa kasal.
“Help me, Vex. Bring your sniper gun. Pumuwesto ka sa tutok ng lumang building sa tapat ng Simbahan ng San Antonio. Kasal ng kapatid ko. Ayokong may manggulo sa araw ng kasal niya.”“At anong kapalit?”“Nakuha mo na ang kapalit. Kinukuha ko na lang ang kung ano ay kabayaran ng puring kinuha mo sa akin. Huwag kang tuso.”Kilala ni Deniza ang kanyang anak. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito. Ayaw niyang konsintihin ang kamaliang ginawa nito.“Bakit ba gustong gusto mong pinapahirapan ang kapatid mo? Not on this day, Roxy! Ano bang pumasok sa kukote mo?”“Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin, Mama. Please help me. Mahal na mahal ko si Ambrose. Hindi ako mabubuhay ng wala siya.”“Itigil mo ang pag-iyak mo. Masisira ang make-up mo.”Papalabas na ng unit si Rozy. Napakunot-noo si Sandro.“What is this? Where’s my daughter? Nasaan ang kapatid mo?”“See, sa tono pa lang ng boses ninyo ay parang si Rosy lang ang anak ninyo. Anong gagawin ninyo ngayon? Saan ninyo siya hahanapin? I am not g
Humingi ng tulong si Rosy sa dalawa. Masakit ang ulo niya. Magulo ang kanyang buhok at wala na siyang pamalit na damit. Naiwan na lang ang kanyang kulay pulang pantulog at bedroom slippers pa ng hotel ang ginamit ni Rose Anne habang naglalakad sa pasilyo ng hotel patungong elevator.“Ma’am, sigurado po ba kayong kaya ninyo?” tanong ng binatang nakasuot ng uniporme ng hotel. Halatang empleyado siya roon.“Bakit kaya kamukha niya ‘yung bride?” pabulong na sabi ng babae. “Ehem, Ma’am. Napag-iwanan po ba kayo?”“Amanda, huwag mo ngang tanungin si Ma’am ng ganyan,” saway ng lalaki. “Ma’am pasensiya na po kayo. Kayo po ‘yung nag-bridal shower noong isang gabi, ‘di ba?”Tumulo ang luha ni Rosy. Tinutoo ng kanyang kapatid ang banta nito na aagawin si Ambrose sa kanya.Late na siyang nagising. Bell boy at chambermaid ang nakadiskubre ng kinaroroonan niya. Ipinara siya ng taxi ng bellboy at nagmamadali itong nagpahatid sa St. Anthony Parish ngunit sarado na ang simbahan ng dumating siya. Tapos
Napakaenggrande ng kasal ni Roxy at Ambrose. Walang nahalatang pagkakaiba kay Roxy sa labis na kasiyahan ng lalaki. Ipinagsalawang-bahala ni Ambrose ang maliliit na detalye kay Rosy. Ayaw niyang sirain ang moment na iyon para lang sa pakikipagdiskusyon dahil sa kanyang buhok at sa kanyang engagement ring.Hindi naman pinaabot pa ng gabi ang reception. Unang pinaalis ang bagong kasal dahil may flight pa silang hahabulin for their honeymoon.Iniregalo ni Alberto ang trip to Switzerland for two-weeks para mas magkaroon ng panahon ang bagong kasal para sa isa’t isa.“Enjoy your time as Mrs. Ambrose Castillejo Romero.”“Thanks, General.” Nagulat si Alberto sa tugon na iyon. Napairap si Maria sa narinig niya. “Opsss, sorry. Yes, Papa!” Napatakip siya ng bibig at nag-peace sign. Kinabahan na si Ambrose.Her gestures are more of Roxanne. Siya lang ang tumatawag sa lalaki ng “General”. Kinaiinisan iyon ni Maria lalo pa kung maririnig niya itong tumawa.Masayang bumalik ang mag-asawa sa kanilan
Nakahilata sa long sofa si Ambrose habang nakatitig sa labas ng salamin. Maliwanag na at mukhang maaliwalas ang panahon para mamasyal ngunit tulala siya sa mga pangyayari. May benda ang kanyang kanang kamay.“Hindi mo ba talaga ako sasamahang mamasyal?” Hindi umimik si Ambrose. Nasa harap ng salamin si Roxy at pangisi-ngisi sa lalaki. “Okay, bahala ka. I’ll enjoy this. Pagbalik natin sa Pinas, hello sa work nanaman at mahirap nang makakuha ng bakasyon.”Si Roxanne Cabrera ay isa sa matitinik na jet fighter pilot ng Air Force. Hindi matatawaran ang kanyang galing. Malakas ang kanyang loob at hindi magpapatalo sa kanyang mga kasamahan. She aimed to become a jei fighter pilot to impress his Tito Alberto and to get Ambrose’s attention.Nawalan na siya ng pag-asa dahil ibang kurso ang kinuha ni Ambrose. Pareho sila ni Rosy, Hotel and Restaurant Management ang kursong kinuha nila.Pag-alis ni Rosy patungong ibang bansa para kumuha pa ng special courses sa International Culinary, akala niya
Maagang dumarating sa opisina si Ambrose. Hindi sila nagsasabay ni Roxy ng pagpasok sa trabaho. Tahimik silang pareho sa hapag-kainan. Naninibago talaga siya. Hindi rin naman Masisi ni Niza ang manugang na lalaki. Hindi iyon ang inaasahan niya.“Ano bang paborito mong pagkain para maipagluto kita?” tanong ni Niza.Baliktad ang mundo na sana ay si Roxy ang nagtatanong para ipagluto man lang ang asawa.“Okay lang po ako. Kung anong ihain ninyo ay wala naman po akong reklamo. Huwag po ninyo akong alalahanin.”“Pasensiya ka na, Iho. Hindi kasi talaga marunong sa gawaing-bahay itong si Roxy. Palagi kasi siyang naka-duty. Si Rosy…” BIglang napahinto si Niza.Binitiwan ni Ambrose ang kanyang kutsara’t tinidor.“Busog na po ako. Una na po ako.” Walang imik si Ambrose sa loob ng kotse. Napasuntok siya sa manibela. Sa simula pa lang ay panlilinlang na ang naging relasyon nila kaya hindi niya nakikitang magiging successful ang married life niya.Dumaan siya sa hangar at dinig niya ang sari-sari
Sa una lang nakaramdam ng pag-aalala si Roxy. Matibay ang kanyang paniniwalang matutulungan pa rin siya ng kanyang kambal.“Hindi nagma-mature ang mga egg cell mo, Iha. Mahina ang bahay – bata mo.”“You get it straight, Doc.” diretsang sabi ni Roxy. Tinitigan siya ng babaeng ob-gyne.“Everything is possible with in-vitro fertilization. With this procedure, hindi sa bahay-bata mo mangyayari ang fertilization ng egg at sperm cell kundi sa labas. Kapag fertilized na ito saka lang i-implant sa iyo.”Nakatingin pa rin sa kawalan si Roxy. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa kanyang nalaman. Napakamalas naman. Hindi na nga siya mahal ni Ambrose, inagaw na nga lang niya ang lalaki sa kanyang kapatid at ang pinakakaasam-asam ng lalaki na magkaroon ng anak ay hindi pa niya kayang ibigay.“Be back if you are ready with the procedure. But I want you to look for an egg donor. Let your husband know about your situation. Kung isinama mo siya ngayon, nalaman niya kaagad ang kondisyon mo. T
Maayos namang napalaki ni Ambrose at Roxy ang bata. Mas lalong naging responsableng ama ang lalaki. Masaya niyang pinagsilbihan ang kanyang pamilya kahit malayo pa rin ang loob nila sa isa’t isa. Hindi naman masisisi ni Niza ang lalaki. Si Sandro naman ay hindi na rin bumalik sa Pilipinas matapos ang kasal ng anak.Isang gabi ay late ng dumating si Roxy. Nagbibihis siya sa harap ni Ambrose para akitin ito ngunit wala naman iyon sa lalaki. Hindi niya pinag-aksayahang tingnan ang asawa.“I want a DNA Test for my son.” Malakas na sampal ang sumapo sa pisngi ni Ambrose.“Are you insulting me?” sabi ni Roxy. Hawak ni Ambrose ang kanyang pisngi. Ngunit mas masakit para sa kanya ang pagtawanan ng iba. At alam rin niyang imposibleng magkaanak si Roxy.“You know what I am talking about Roxy. Something may happen between us pero hindi ko kailanman ipinagkatiwala sa iyo ang semilya ko!” Mahigpit na hinawakan ni Ambrose ang braso ng asawa. “Sabihin mo sa akin ngayon kung sino ang ama ng bata?”“Ik
Ilang linggo rin si Roxy sa Italy tulad ng dati niyang ginawa. Hindi na nagtanong ang kapatid tungkol sa kanyang muling paghingi ng pabor. Niloko na nga siya, ginawa pang forever donor ng egg cell. Hindi man lang siya nangumusta. Hindi man lang din siya nagpasalamat. Ni wala siyang pasabi sa kanyang pagdating. HIndi man lang nag-inform kung successful ba ang porcedure.Napansin ni Pilar ang pagiging matamlay ni Rosy. Inakala niyang maysakit ang pamangkin.“Okay ka lang ba?” Sinalat niya ang noo ng babae baka ito nilalagnat.“I am okay, Tita.”“Why don’t you take a day-off para magpahinga.”Stress lang siya kay Roxy. Hindi ganoon kadali ang procedure. Hindi niya alam kung bakit inaadya ng pagkakataon na sa tuwing pupunta si Roxy sa kanya ay malulusog at malalaki ang kanyang mga itlog. Tuwang-tuwa ang doktor na nagsasagawa nito.Tiniis niya ang sakit higit pa ang sakit ng damdamin na dulot nito sa kanya. Habang isinasagawa ang lahat. Iniisip niyang sana ay iniingatan nilang mag-asawa an
Napakapit ng mahigpit si Rosy sa door knob ng kanyang pinto. Kaagad niya itong ini-lock. Nag-double lock pa siya. Hindi na rin niya masisigurado kung mapipigilan pa ang sarili sa susunod na humantong sila sa mainit na eksena ni Ambrose. Napakagat- labi ang babae at mahigpit na niyakap ang unan. Pakiramdam niya ay lalo siyang nag-init at gusto niyang maligo. Humiga siya sa kama. Tumingin sa kisame at napangiti.“Hey, are you nuts, Rosy? Manloloko ang lalaking iyan. Dinadaan ka lang niya sa ninja moves. Huwag kang padadala. Tandaan mo, pinagpalit ka niya sa kapatid mo!” Ngunit napailing ang babae.“NO, hindi ako ipinagpalit ni Ambrose. Never! We are both tricked by Roxy.” Kasabay ang pagtulo ng kanyang luha. Hindi pa nauubos ang kanyang luha. Naalala pa ng kanyang sugatang puso ang nakaraan. Hindi pa niya napapatawad ang lalaki.Bago siya pumikit, desidido siyang huwag mahulog sa bitag ni Ambrose. She knows how Ambrose works. Epektibo pa rin ang mga old tricks nito sa kanya kaya muntik-
Kaya sa halip na umuwi kaagad ng maaga ay naisip niyang makipagdate ulit. May inirereto sa kanya si Sgt. Dominguez, pinsan niya ay Flight Attendant din. Sa Belle’s Restaurant sila magkikita. Balak lang naman nilang magmiryenda bago umuwi.“Hello, Mr. Ambrose Romero. I am Genevieve Aguirre. Nice meeting you!” Inilahad ng babae ang kanyang mala-kandilang daliri at nakipagkamay sa lalaking kaharap.“Nice meeting you too, Genevieve.” Namangha sa sobrang ganda si Ambrose. Inalalayan niya ito sa pag-upo. Nakasuot pa siya ng uniporme niya sa Airlines. Kalalapag lang daw ng kanilang eroplano at hindi na siya nakapagpalit ng damit. Hindi nan ga umuwi si Ambrose dahil baka hindi na naman siya makaalis. Tiyak na magta-tantrums na naman ang mga bata. Naka-silent mode na ang cellphone niya dahil baka tumawag si Ambrox at tanungin kung nasaan na siya. Maghihintay ang mga anak niyang babae sa gate. Lalo lang siyang hindi mapapalagay sa kanila.Ayaw niyang isipin ng kanyang biyenan na nagdidiang a
Tumango na lang si Ambrose. Susubukan niya kung puwede pa nga ba? Hindi masabi ni Ambrose kay Eric na hindi siya handa sa mga blind dates. Dahil napasubo na siya at nakakahiyang maghintay ang date niya ay nagpunta na rin siya. Wala namang masama at wala rin namang mawawala.Humanap siya ng maayos na long sleeves with tiny blue polka dots at blue slacks. Nagsuot rin siya ng formal black leather shoes that fits his attire. Hindi lang siya sanay na makipag-date habang nakauniporme pa. Umuwi naman siya ng maaga para kumustahin ang mga anak niya.Pero bago pa siya makaalis sa bahay, nag-iyakan na naman ang kambal at hinabol siya sa garahe. Hirap pa naman nilang patahanin. Nakakaramdam yata sa plano ng daddy nila.“Mukhang may date ka a,” komento ni Niza. Sarkastik pa ang pagkakasabi niya. Nakahalukipkip siya sa may pinto habang tinitingnan siya na inaalo ang kambal at nakaupo sa kanyang hita.“Aalis muna si Daddy. Saglit lang ako.”“Daddy, sama ako!” sabay- sabi ng kambal.“Amber, Rose, co
“This is a matter of who’s going to live and die later.” A matter of life and death ang sitwasyon. ”Kagabi ko pa hindi nagugustuhan ang tabas ng dila mo.” Idinuro niya ang lalaki.“Huwag mo akong iduro!” Sige pa rin siya ng type. Hindi niya tinitingnan si Rosy habang kausap ang isa.“Tumingin ka sa akin kapag kinakausap kita!” Ngunit pinindot ni Rosy ang power button ng computer at bigla itong namatay.“What did you do?” Napasigaw si Ambrose. “Ano ba? You turned it off!”“What?” Nagmaangmaangan pa siya na parang hindi niya alam ang kanyang ginawa. “Opsss! Sorry!”“Ano bang problema mo?”“Ikaw at ang makati mong dila ang problema ko. Sarap mong putulan ng dila dahil mapaggawa ka ng kuwento, Anggaling mong magparinig na para kang bading! Ako? Nakikipagharutan! Nakikipaglaro sa dilim! Nagpapaligaw sa kalye! Where did you get that?”“Ouch! ang kusinera, hindi kasing ingay na tulad mo! Pang karinderya ang bibig mo!”“Bawiin mo ang sinabi mo tungkol sa akin. Hindi ako lumaki ng ganito para m
Nagmadali si Rose anne upang ihanda ang mga bata sa pagpasok. Napasubo siya sa pagsama sa kanila sa school. Baka maging tampulan din siya ng bulung-bulungan lalo pa’t walang bukambibig ang kambal kundi tawagin siyang mommy.Si Ambrose naman ay nakalabas na ng subdivision at hindi niya nakalimutan ang nangyari. Lesson learned na sa kanya ang pag-go-goodbye kiss sa kanyang mga anak. Makalimutan na niya ang lahat huwag lang ang good bye kiss or else non-stop silang iiyak. Minsan siyang nakalimot at ang siste tinawag siya ng kanyang biyenan. Ipinakausap sa kanya ang mga bata at inuto pa niya ang kambal. Sa cellphone pa niya hinalikan ang mga ito kaya siya pinagtatawanan ng kanyang mga kaopisina.“Uy, Capt. Romero. Ano yan ha! ““Ma’am, umiiyak ang kambal ko kasi nakalimutan kong mag-goodbye kiss sa kanila.”“Hay naku, huwag mo kasing kalilimutan. Kiss lang eh kinakalimutan mo pa. Ano pa kung si Ma’am Roxy ‘yan?” Wala namang pakialam si Roxy ke mag-goodbye kiss siya o hindi.Kaya lang hind
Sa parking area ng simbahan nagkita-kita ang lahat bago sumakay ng kotse ang mga bata kasama si Rose Anne.“Rose Anne, tingnan mo ang mga bata at huwag puro cute ang tinitingnan mo doon ha!” mahigpit na bilin ni Niza bago sila maghiwa-hiwalay. Kinakabahan pa rin siya dahil kilala niyang sutil at nananadya rin si Rosy.“Yes, Nanay. Don’t worry po, I ‘ll take great care of them. Baka lalong magalit si KUYA sa akin.” Ipinagdiinan ang salitang kuya sabay-tingin kay Ambrose. Natawang bigla si Rosy sa sarili. Hindi man lang niya na-imagine na magiging magbayaw pa sila balang-araw.Dumiretso nga sina Ambrose at Rose sa birthday party kasama ang kambal at si Ambrox. Lahat ay nagbulungan sa kanilang pagdating. Walang katapusan ang pagpapaliwanag ni Ambrose. Naging center of attraction tuloy si Rosy.“Sister-in-law ko… si Rose Anne. Kakambal siya ni Roxanne.”“Kamukhang-kamukha ni Kapitan.” Hindi makapaniwalang sabi ng isang lalaking halos kaedad lang ni Ambrose.Lumayo na si Rose Anne habang h
Their journey as one big family just started. It’s cleaning up time. It is putting things in order at kilalang kilala ni Rosy ang lalaki. Hindi siya titigil hangga’t hindi nalalaman ang buong katotohanan. Hindi nasisiguro ngayon ni Rosy na magiging payapa ang buhay niya sa kanilang bahay. Tama ang hula ni Rebecca. Hindi palalampasin ni Ambrose ang pagkakataon.Dahil nasa iisang bahay sila nakatira, mas makikilala nila ang isa’t isa at tiyak gagawa ito ng paraan upang makumpronta ang babae.Samantala, umaasa si Niza at Sandro na hindi sila magiging aso’t pusa na palaging away ng away. Kasi ganoon naman talaga sina Rosy at Ambrose kahit noong magkasintahan pa sila. Madalas magtungo roon ang binata upang dalawin siya pero matapos nilang maging sweet sa isa’t isa, magkaaway na sila bago umuwi ang binata.Nabisto ni Niza na malakas uminom si Rose Anne. Sa loob siya ng kuwarto umiinom. Sa basurahan nito nakita ang mga basyo ng bote. Minsan niyang pinagsabihan ang anak. “Rose Anne, kay Ambr
“Rosy? I am Rose. Daddy, is she, our mommy? Why do I have the same name as hers?” Biglang nagilid ang luha ni Amber.“Bakit siya may mommy, ako wala?” Hindi na napigilan ni Rosy ang kanyang ngiti. Pinigilan na lang niyang tumawa kasi baka lalong magkaiyakan sa sala.“I am not your mommy. I am your Tita Rosy. My name is Rose Anne, that’s why they call me Rosy,” mahinahon at malumanay na sabi ni Rosy sa bata. Hinaplos niya ang ulo nito. Habang ipinapakilala ni Rosy ang sarili ay pupungas-pungas na nagising si Ambrox.“Huh, Miss Anne? Is that you? Why are you here?” Nagising ang bata dahil sa ingay at patakbong lumapit kay Rosy.“Ambrox, Miss Anne is you tita. She is your mommy’s twin sister,” ani Niza sa apo.“Whoah! Really! That’s why she looks like mommy!” Niyakap niya ang babae ng mahigpit. Tita Rose Anne na kaagad ang tawag niya rito.“Bakit gising pa ang mga batang ito?” tanong ni Niza. Humikab na ang kambal.“Daddy, let’s sleep.” Hinila ng isa si Ambrose. ”Daddy, let’s sleep. I am
“Alam kong sukdulan ang galit niya sa akin dahil hindi ko siya pinapasok ng reception hall. Sorry, Ambrose.Hinayaan ko na agawin ka ni Roxy.” Naawa na rin siya sa kanyang biyenang babae. Binabagabag siya ngayon ng kanyang konsensiya.“Nangyari na po ang lahat, Nanay. Patay na rin sir oxy kaya huwag na po natin siyang sisihin. Hayaan po ninyo at sasamahan ko kayo bukas.”Pagpasok sa kuwarto, tuluyan siyang napaiyak. Masyadong mahaba ang sampung taon. Marami ang nagbago. Mamahalin pa kaya siya ni Rose Anne sa kabila ng lahat? Ngunit nasisigurado niya na kahit kailan, hindi nagbago ang pagtingin niya sa babae. Minabuti niyang sa kambal ay Amber at Rose. Coincidentally, nasa pangalan na kasi niya ang Rose. Hindi na makakatutol pa si Roxanne. Nalulungkot pero natutuwa ang nararamdaman ni Ambrose. Kinakabahan at nag-aalangan na siya ngayon dahil dalaga pa si Rosy at siya ay mistulang biyudo na may tatlo pang anak.Kinabukasan ay maagang gumising si Niza. Tamang-tamang Sabado ng araw na iyon