Nakahilata sa long sofa si Ambrose habang nakatitig sa labas ng salamin. Maliwanag na at mukhang maaliwalas ang panahon para mamasyal ngunit tulala siya sa mga pangyayari. May benda ang kanyang kanang kamay.
“Hindi mo ba talaga ako sasamahang mamasyal?” Hindi umimik si Ambrose. Nasa harap ng salamin si Roxy at pangisi-ngisi sa lalaki. “Okay, bahala ka. I’ll enjoy this. Pagbalik natin sa Pinas, hello sa work nanaman at mahirap nang makakuha ng bakasyon.”
Si Roxanne Cabrera ay isa sa matitinik na jet fighter pilot ng Air Force. Hindi matatawaran ang kanyang galing. Malakas ang kanyang loob at hindi magpapatalo sa kanyang mga kasamahan. She aimed to become a jei fighter pilot to impress his Tito Alberto and to get Ambrose’s attention.
Nawalan na siya ng pag-asa dahil ibang kurso ang kinuha ni Ambrose. Pareho sila ni Rosy, Hotel and Restaurant Management ang kursong kinuha nila.
Pag-alis ni Rosy patungong ibang bansa para kumuha pa ng special courses sa International Culinary, akala niya ay mapagbibigyan na siyang akitin ang binata ngunit si Ambrose naman ay pumasok na ng military training.
“Should I give him up?” tanong niya kay Berna.
“Tsss, si Roxy ba ang taong sumusuko? Mahaba pa ang biyahe, Roxy. Be patient. Iyan ang kulang sa iyo kaya dagdagan mo pa ang pasensiya.” Nag-toast ng baso ang dalawa at nilagok ang alak. “Hindi mo ba naisip na mas malaki ang tsansa mo ngayon dahil pumasok sa military training si Ambrose? Pustahan tayo, sa Air Force ‘yan papasok?”
Maraming nagkakagusto kay Roxy ngunit wala ni isa sa kanila ang tipo niya. Tulad ni Rosy, Roxy is also loyal to Ambrose sa kanyang unrequited one-sided love.
Tinalikuran ni Ambrose ang babae at tinungo na niya ang pinto saka huminto. Nilingon niya si Ambrose at bumalik.
“If you think you can rebel against me, better think twice. Hawak ko ang buhay ni Rosy. Subukan mo lang na puntahan siya and I will make sure na mapapahamak siya.”
“That’s your big problem, Roxy. Besides, how can you say that to your friend. It really proves talaga na kung sino pa ang mga may kasalanan, sila pa ‘yung matapang. I think, you are just scared.”
“Ako? Scared?” Tumawa si Roxy na para siyang nababaliw. “Don’t you even dare to cheat on me.”
“Takot kang maloko ng iba pero ikaw naman iyong sakim at manloloko. Don’t give me those crap, Roxy. Huwag mo ring isipin na dahil kasal tayo sa papel ay magiging maayos ang relasyon natin bilang mag-asawa. This is a big fraud, alam mo ‘yan. I can act now and do something about this situation dahil niloko mo kaming lahat!”
Napatalikod si Roxy. Ayaw niyang nagagalit si Ambrose. Nagmadali na siyang lumabas ng suite at humingi ng tulong na itawag siya ng taxi.
Napaupo si Ambrose sa sopa sapo ang kanyang ulo. Kahit may benda ang kamay ay hindi iyon ang dahilan para huminto siya sa pagkontak kay Rosy. Palaging busy ang kabilang linya. Halatang naka-off ang cellphone nito.
Pinindot niya ang isang bagong numero. Lalaki ang nakasagot sa kabilang linya.
“Pare…” Napasinghot si Ambrose. Tumulo ang luha niya sa sobrang lungkot at panghihinayang.
“Anong nangyari?” Napasuntok sa sopa ang lalaki.
“Pare, gusto ko ring malaman kay Rosy kung anong nangyari at si Roxy ang sumipot sa kasal namin. May nangyari ba?” Ngunit pinatay kaagad ni Paul ang kabilang linya.
“Rosy, ano ba?” Inagaw pala ni Rosy ang cellphone. Nagkataon na nandoon siya ng tumawag si Ambrose. “Give me my phone.” Iniabot naman iyon ng babae.
Halatang namumugto pa ang mga mata niya.
“Simula sa araw na ito ay hindi na natin isasama sa usapan ang pangalan ni Ambrose.”
“Rosy, why don’t you tell Ambrose the truth?”
“The fact na hindi niya ako nakilala, it only means, hindi talaga kami para sa isa’t isa. There is a reason why I am here. This is a good start.” Ayaw na niyang pag-usapan pa kung ano ang buong katotohanan.
Matagal nang kinukulit ni Paul na maging magsosyo sila ni Rosy sa negosyo. Ang kasal nila ni Ambrose ang unang dahilan kumbakit hindi ito pumayag na magsimula ng restaurant sa Italy. Ayaw niyang magkalayo pa sila ni Ambrose kahit alam niyang iba ang linyang tatahakin ng lalaki matapos nilang ikasal.
“Mas makakabuti sigurong palamigin mo muna ang sitwasyon, Ambrose. Ayaw kang kausapin ni Rosy. Tiyak na hindi mo siya makontak ngayon dahil ayaw niyang sagutin ang mga tawag mo. Paano kaya kong kalimutan mo na siya tutal naman eh may asawa ka na?” Bahagya pang natawa si Paul.
Natahimik bigla si Ambrose.
“Pinaparusahan mo ba ako, Lord? Si Roxy po ba talaga ang nakatadhana sa akin?”
Mabilis lang ang dalawang linggo at bumalik na ang mag-asawa mula sa kanilang honeymoon vacation. Sinalubong ni Al at Maria sina Ambrose at Roxy sa kanilang tahanan sa St. Isidore. Hindi na nabigla si Al nang malaman niyang si Roxy ang babaeng napangasawa ng kanyang anak.
Niyakap niya ito ng mahigpit at kitang-kita ni Ambrose ang labis na kasiyahan dito. Isang bagay na hindi niya nakita tuwing si Rosy ang kanyang kasama.
“So, saan ninyo balak tumira?” tanong ng kanyang ama. Magkatabi ng mga oras na iyon sina Roxy at Ambrose.
“Kung okay lang po sa inyo, Mama…” Tiningnan niya si Niza. “Dito po muna kami ni Roxy. Wala po akong ipon para sa bahay. Pagpapasensiyahan na po ninyo.”
“Walang problema, Ambrose. Eh, okay lang ba sa’yo? Hindi kasing laki ng mansion ang bahay namin.”
“Ibibilhan na lang kita, Ambrose. Nakakahiya naman kung dito kayo titira.”
“Nakakahiya?” Biglang napailing si Ambrose at yumuko. Sinabayan pa niya ng nakakalokong ngiti ang kanyang sinabi. Pinigilan niya ang kanyang sasabihin ng bigla siyang tinitigan ng kanyang ina.
“Mareng Niza, pagpapasensiyahan mo na. Kung anuman ang kailangan ninyo sa kanilang pagsisimula ay susuportahan namin sila. Kung kailan ninyo nang kasambahay, I will send our househelp para tulungan ka sa mga gawaing-bahay.”
“Bakit kailangang dito pa kayo tumira? Hindi maaari, bumili kayo ng sarili ninyong bahay.”
“Papa, hanggang sa pag-aasawa ko po ba ay kayo pa rin ang masusunod? Kasal na po kami ni Roxy. Kailangan naming matuto sa buhay.”
Sa dating kuwarto ni Roxy natulog ang mag-asawa.
Pumasok na sa trabaho si Ambrose. Pansamantala, habang payapa ang buong bansa ay sa opisina muna siya. Mataas ang ranggo ni Roxy at siya ang lider ng kanilang grupo. Pangalawa si Ambrose. Kasama rin niya sina Vex at Winona.
“Congratulations, Sir Ambrose. Balita po namin ay ikinasal na kayo kay Ma’am Roxy.” Nakasimangot lang ang lalaki. Hindi niya tinapunan ng pansin ang babaeng nagmagandang loob na bumati.
“Magkakaroon ba ng honeymoon baby?” tanong naman ng isang nakatatanda sa loob ng opisina.
“Iba tayo. Kailangan eh kasingbilis rin ng jet fighter ang kilos para makabuo kaagad.” Hindi pinansin ni Ambrose ang mga bagay na iyon. Trabaho lang ang inatupag niya buong maghapon.
Mas gusto pang manatili ni Ambrose sa trabaho kaysa umuwi sa bahay. Halos wala siyang tigil sa harap ng computer. Ni hindi naman siya umiimik sa pangungulit at panunukso ng ilan niyang kasamahan na may asawa na. Inaasar siya ng mga ito kung nakailang round ba sila at kung nanginig ba ang tuhod niya.
Ngumisi lang siya at hindi man lang sinagot ng kahit na isang salita. Pinuntahan rin siya ng kanyang mga bagong kasamahan.
“Congratulations ha! Mas matinik pala si Lieutenant Romero. Napatumba si Capt. Cabrera.” Sabayan pa ng nakakalokong tawa nito. Akala niya ay ligtas na siya pag-uwi niya. Heto at unang sumasalubong sa kanya ni Bogart. Wala namang ginawa ang aso kundi, tahulan siya tahulan na parang bagong salta sa bahay na iyon.
Naupo sa gilid ng pinto si Ambrose. Huminto naman ang aso sa katatahol. Naupo rin ito sa harapan niya. Hinimas-himas niya ang ulo nito.
“Miss mo na siya? Hay Bogart. Dapat tayong magpakabait sa isa’t isa.” Umungot ang aso. Malungkot rin ito.
Si Ambrose ang nagbigay ng aso kay Rosy. Si Rosy ang nagpangalan ng Bogart dito dahil hambog daw ang taong nagbigay sa kanya ng bulldog. Bahagyang sumaya ng konti ang mood ni Ambrose.
Sa loob nga ng kuwarto natutulog ang lalaki ngunit sa sopa naman si Ambrose. Kahit ilang beses siyang yayain ni Roxy ay hindi ito tumatabi sa kanya.
“Tingnan natin kung hanggang saan aabutin ang pagmamatigas mo?” banta niya. “Mananakit ang katawan mo riyan,” sigaw niya sa asawa.
Samantala sa ibang bansa, walang gabi na hindi umiyak si Rosy bago matulog. Hawak niya ang baso ng alak habang nakatanaw sa labas ng bintana. Buhay na buhay pa ang mga ilaw at masigla pa ang mga lansangan sa Italya.
“Forget about Ambrose! Forget him!” mariing sabi ng ama. "That man is not worthy of your love!"
“How can I just throw it all away, Dad?” Umiling ang babae.
“You said it. Leaving you here and not recognizing you as Rosy would mean, he doesn’t know you that well.” Bumuntung-hininga ang ama. Nakikinig lang siya habang nakayuko at tumutulo ang luha.
Paano tatanggapin ng puso’t isipan ni Rosy ang ganoong katwiran sa mga oras na iyon? Naglahong parang bula ang lahat ng kanilang mga plano sa buhay. Akala nila ay sila na ang magkakatuluyan. Walang siyang ginawa kundi magtanong kung saan siya nagkulang? kung saan siya nagkamali? Nagbukas pa siya ng isang bote ng alak. Hindi pa sapat ang kanyang nainom upang makatulog at makalimot saglit.
"Ambrose!" Inihagis niya ang basong hawak sa pader. Hindi niya kayang i-describe kung gaano kasakit ang nararamdaman niya.
Naglalaro sa isipan niya ang ginagawa ng bagong kasal. Napaisip siya kung na-enjoy ba ni Ambrose ang lahat. Tutulo na kaagad ang kanyang luha. Nginangatngat siya ng matinding selos. Humagulgol na siyang tuluyan.
At ang kinabukasan ay palaging bagong araw. Isang gabi na naman ang lumipas at kanyang napagtagumpayan. Ilang araw at gabi pa siyang magiging ganito bago niya lubusang matanggap na nasa ibang kandungan na ang lalaking hinintay at pinakamamahal niya.
"Huwag kang masyadong magpakalasing," sabi ni Paul.
Samantala, itinuloy na rin nilang dalawa ni Paul ang dati ay plano nila ni Ambrose. Kung hindi na niya nakikita ang buhay sa Pilipinas na kasama si Ambrose, puwede naman siyang magsimulang muli sa ibang bansan. Maliit lang ang inupahan nilang lugar ngunit tiniyak nilang maraming tao ang pupunta rito. They serve Italian dish with a twist of authentic Filipino dishes kahit hindi maikakailang magiging matunog ang Rosy’s Life Resto in a matter of time. Paul was her college. Matalik na kaibigan siya ni Ambrose noong college.
“Just don’t ever mention his name.” Iyon ang pakiusap ng babae kaya hindi na niya binabanggit ang kahit ano tungkol kay Ambrose.
“Pareng Paul…” Hindi na alam ni Ambrose kung paano pa siya makikiusap.
“Next plate please! Ting!” Nagmamadaling lumapit sa counter ang binata at animo’y waiter na dinala ang tray ng pagkain.
Sumasagitsit ang kawali at mainit sa loob ng kusina. Abalang-abala si Rosy. Hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras hanggang sa parang lanta sa pagod na pumasok si Paul sa loob ng kitchen ngunit nakangiti ang binata.
Lihim na tumingin ng tiket si Ambrose. Plano niyang puntahan si Rosy sa kahit na anong paraan.
“Huwag ko lang malalaman na pinuntahan mo si Rosy, Ambrose. Hindi ako magdadalawang isip na tanggalin siya sa landas ko.” Bungad ni Roxy kay Ambrose pagpasok niya ng pinto.
“Maaring nandito ako sa piling mo pero huwag mong hangarin na pati puso ko ay magiging sa iyo. In your dreams, Roxy. May hangganan ang mali mong ginagawa.”
“Not even your God whom you both believed and trusted can stop me from marrying you. May nagawa ba siya ng mag-I-do ako sa ‘yo. Wala!” Inilapag ni Roxy ang larawan ni Rose Anne habang may nakatutok na sniper sa kanyang noo. “Take it as a warning. Souvenir mo na rin just in case nami-miss mo siya,” bulong ni Roxy. Tila boses ng demonyo ang kanyang narinig ng mga oras na iyon.
It was totally a torture for him. Para siyang inutil na walang magawa para kay Rosy.
Maagang dumarating sa opisina si Ambrose. Hindi sila nagsasabay ni Roxy ng pagpasok sa trabaho. Tahimik silang pareho sa hapag-kainan. Naninibago talaga siya. Hindi rin naman Masisi ni Niza ang manugang na lalaki. Hindi iyon ang inaasahan niya.“Ano bang paborito mong pagkain para maipagluto kita?” tanong ni Niza.Baliktad ang mundo na sana ay si Roxy ang nagtatanong para ipagluto man lang ang asawa.“Okay lang po ako. Kung anong ihain ninyo ay wala naman po akong reklamo. Huwag po ninyo akong alalahanin.”“Pasensiya ka na, Iho. Hindi kasi talaga marunong sa gawaing-bahay itong si Roxy. Palagi kasi siyang naka-duty. Si Rosy…” BIglang napahinto si Niza.Binitiwan ni Ambrose ang kanyang kutsara’t tinidor.“Busog na po ako. Una na po ako.” Walang imik si Ambrose sa loob ng kotse. Napasuntok siya sa manibela. Sa simula pa lang ay panlilinlang na ang naging relasyon nila kaya hindi niya nakikitang magiging successful ang married life niya.Dumaan siya sa hangar at dinig niya ang sari-sari
Sa una lang nakaramdam ng pag-aalala si Roxy. Matibay ang kanyang paniniwalang matutulungan pa rin siya ng kanyang kambal.“Hindi nagma-mature ang mga egg cell mo, Iha. Mahina ang bahay – bata mo.”“You get it straight, Doc.” diretsang sabi ni Roxy. Tinitigan siya ng babaeng ob-gyne.“Everything is possible with in-vitro fertilization. With this procedure, hindi sa bahay-bata mo mangyayari ang fertilization ng egg at sperm cell kundi sa labas. Kapag fertilized na ito saka lang i-implant sa iyo.”Nakatingin pa rin sa kawalan si Roxy. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa kanyang nalaman. Napakamalas naman. Hindi na nga siya mahal ni Ambrose, inagaw na nga lang niya ang lalaki sa kanyang kapatid at ang pinakakaasam-asam ng lalaki na magkaroon ng anak ay hindi pa niya kayang ibigay.“Be back if you are ready with the procedure. But I want you to look for an egg donor. Let your husband know about your situation. Kung isinama mo siya ngayon, nalaman niya kaagad ang kondisyon mo. T
Maayos namang napalaki ni Ambrose at Roxy ang bata. Mas lalong naging responsableng ama ang lalaki. Masaya niyang pinagsilbihan ang kanyang pamilya kahit malayo pa rin ang loob nila sa isa’t isa. Hindi naman masisisi ni Niza ang lalaki. Si Sandro naman ay hindi na rin bumalik sa Pilipinas matapos ang kasal ng anak.Isang gabi ay late ng dumating si Roxy. Nagbibihis siya sa harap ni Ambrose para akitin ito ngunit wala naman iyon sa lalaki. Hindi niya pinag-aksayahang tingnan ang asawa.“I want a DNA Test for my son.” Malakas na sampal ang sumapo sa pisngi ni Ambrose.“Are you insulting me?” sabi ni Roxy. Hawak ni Ambrose ang kanyang pisngi. Ngunit mas masakit para sa kanya ang pagtawanan ng iba. At alam rin niyang imposibleng magkaanak si Roxy.“You know what I am talking about Roxy. Something may happen between us pero hindi ko kailanman ipinagkatiwala sa iyo ang semilya ko!” Mahigpit na hinawakan ni Ambrose ang braso ng asawa. “Sabihin mo sa akin ngayon kung sino ang ama ng bata?”“Ik
Ilang linggo rin si Roxy sa Italy tulad ng dati niyang ginawa. Hindi na nagtanong ang kapatid tungkol sa kanyang muling paghingi ng pabor. Niloko na nga siya, ginawa pang forever donor ng egg cell. Hindi man lang siya nangumusta. Hindi man lang din siya nagpasalamat. Ni wala siyang pasabi sa kanyang pagdating. HIndi man lang nag-inform kung successful ba ang porcedure.Napansin ni Pilar ang pagiging matamlay ni Rosy. Inakala niyang maysakit ang pamangkin.“Okay ka lang ba?” Sinalat niya ang noo ng babae baka ito nilalagnat.“I am okay, Tita.”“Why don’t you take a day-off para magpahinga.”Stress lang siya kay Roxy. Hindi ganoon kadali ang procedure. Hindi niya alam kung bakit inaadya ng pagkakataon na sa tuwing pupunta si Roxy sa kanya ay malulusog at malalaki ang kanyang mga itlog. Tuwang-tuwa ang doktor na nagsasagawa nito.Tiniis niya ang sakit higit pa ang sakit ng damdamin na dulot nito sa kanya. Habang isinasagawa ang lahat. Iniisip niyang sana ay iniingatan nilang mag-asawa an
Napuno ng iyakan ang buong kuwarto. Animo’y reunion ng buong batch ni Ambrose ang nangyari. Alam nilang papasok ang binata sa military pero kahit mukha ni Rosy ang nasa kabaong, nagtataka pa rin sila kung sino siya. Walang naglakas-loob kung nasaan ang kanilang kaklase na inaasahan nilang mapapangasawa niya balang araw. Walang imik na lumapit si Berna sa kabaong ni Roxy. Sinilip niya ng buong tapang ang salamin saka tumulo ang kanyang luha. Isinubsob niya ang kanyang mukha kay Bart dahil hindi niya kaya saka niya binalingan si Ambrose.“Pinabayaan mo ang kaibigan ko! Pinabayaan mo ang kaibigan ko! Ito ang gusto mo, hindi ba? Ito ang gusto mo para lumaya ka na!” Tinitigan niya ng masama ang babae.Kilala niya si Berna pero wala siyang karapatang magsalita ng ganoon sa puntod ni Roxy. Patay na ang babae para sisihin pa niya.Alam niyang iyon ang sasabihin sa kanya ng babae. Binabayo siya dibdib nito. Ang totoo, matagal na siyang hindi iniimikan ni Berna kahit nagkakasalubong sila sa kam
Hinintay ni Rosy na makaalis na muna ang lahat bago siya nagtungo sa columbarium. Inibuhos niya ang kanyang luha sa harap ng puntod ni Roxy. Lahat ng panunumbat na gusto niyang sabihin ay ibinuhos na lang niya sa luha dahil wala nang halaga ang lahat sa mga oras na iyon.“Kukunin ko na ulit si Ambrose, Roxy. Hindi mo na kami mapipigilan ngayon. Hindi na rin ako papayag na magkahiwalay kami sa pagkakataong ito. Nagsisi ako kumbakit hinayaan ko siya na manatili sa piling mo. Nagtiis ako ng mahabang panahon. Patawarin ako ng Diyos pero salamat dahil pinatatag niya ako. Hindi niya ako pinabayaan nang agawin mo sa akin si Ambrose. Huwag kang mag-alala. Ang mga bata ay sa akin pa rin nanggaling kahit sa loob ng sinapupunan mo sila lumaki. I am also going to get back my children.”Ilang linggo lang si Rosy sa Pilipinas. Bumalik siya sa Italy at muling sinimulan ang bagong buhay. Hindi niya sinamantala ang pagkakataon upang maki
Lahat ng mga estudyante tuloy ay napaorder para tikman ang bagong twist ng pasta not with sauce but with adobo.Pagdating sa Little West, ipinagmayabang ni Rafa na may tumalo na sa lasa ng pasta ni Ambrox.“That could never happen. My dad makes a delicious pasta adobo ever.” Inalok pa niya ang kaklase pero tinanggihan niya ito. “Paano mo nasabi eh natikman nga namin sa One Happy Place ‘yung pinagmamalaki mong pasta adobo ng daddy mo? Taob na! Ano? Sama ka para matikman mo.”Kahit hindi ugali ni Ambrox na lumabas para kumain ay sumama siya sa mga kaklase. Abala naman si Rosy dahil sa kanyang pasabog na pasta.“What’s your order?”“Adobo pasta po.”“Tingnan ko if available pa. Chef, may adobo pasta pa po ba?” sigaw ng staff.“Sure!” Umupo na ang magkakaklase at hinintay ang kanyang order. Tahimik ang lahat ng dalhin kaagad ang kanyang order. Mainit-init pa ito.Hindi nakaimik si Ambrox ng matikman ang pasta. Almost the same taste the way it was cooked by his dad. Lumapit si Rosy para ku
Dala-dala ni Rosy ang ilang alalahanin pag-uwi niya sa condo. Kalalapag lang niya ng kanyang bag ay nakita niya ang tawag ng kanyang ama. Sinagot niya ang tawag habang dumiretso siya sa mini-bar at nagsalin ng alak sa baso.“Yes, Daddy.”Nakinig lang siya sa kabilang linya. Pinaglaruan ng kanyang daliri ang brim ng kanyang baso at nilaro ng kanyang hintuturo ang inilagay niyang yelo.“Come home now,” malambing na sabi ng ama.“I’ll think about it.” Nagbago ang tono nito. Galit na ang ama sa kabilang linya. Binibigyan na siya ng ultimatum na umuwi na. Nilagok ni Rosy ang alak. “It would be complicated to stay in one roof with Ambrose. Why are you nagging me?”Ibinaba ng ama ang linya. Kailangan na talaga niyang umuwi.Samantalang seryosong nag-iisip si Ambrose sa harap ng computer ay napansin niya ang isang unregistered call. Hindi niya ito sinagot ngunit nakatanggap siya ng mensahe pagkatapos niyang patayin ito.“This is Miss China Dominguez, Jan Ambrox Romero’s classroom adviser. May
Kaya sa halip na umuwi kaagad ng maaga ay naisip niyang makipagdate ulit. May inirereto sa kanya si Sgt. Dominguez, pinsan niya ay Flight Attendant din. Sa Belle’s Restaurant sila magkikita. Balak lang naman nilang magmiryenda bago umuwi.“Hello, Mr. Ambrose Romero. I am Genevieve Aguirre. Nice meeting you!” Inilahad ng babae ang kanyang mala-kandilang daliri at nakipagkamay sa lalaking kaharap.“Nice meeting you too, Genevieve.” Namangha sa sobrang ganda si Ambrose. Inalalayan niya ito sa pag-upo. Nakasuot pa siya ng uniporme niya sa Airlines. Kalalapag lang daw ng kanilang eroplano at hindi na siya nakapagpalit ng damit. Hindi nan ga umuwi si Ambrose dahil baka hindi na naman siya makaalis. Tiyak na magta-tantrums na naman ang mga bata. Naka-silent mode na ang cellphone niya dahil baka tumawag si Ambrox at tanungin kung nasaan na siya. Maghihintay ang mga anak niyang babae sa gate. Lalo lang siyang hindi mapapalagay sa kanila.Ayaw niyang isipin ng kanyang biyenan na nagdidiang a
Tumango na lang si Ambrose. Susubukan niya kung puwede pa nga ba? Hindi masabi ni Ambrose kay Eric na hindi siya handa sa mga blind dates. Dahil napasubo na siya at nakakahiyang maghintay ang date niya ay nagpunta na rin siya. Wala namang masama at wala rin namang mawawala.Humanap siya ng maayos na long sleeves with tiny blue polka dots at blue slacks. Nagsuot rin siya ng formal black leather shoes that fits his attire. Hindi lang siya sanay na makipag-date habang nakauniporme pa. Umuwi naman siya ng maaga para kumustahin ang mga anak niya.Pero bago pa siya makaalis sa bahay, nag-iyakan na naman ang kambal at hinabol siya sa garahe. Hirap pa naman nilang patahanin. Nakakaramdam yata sa plano ng daddy nila.“Mukhang may date ka a,” komento ni Niza. Sarkastik pa ang pagkakasabi niya. Nakahalukipkip siya sa may pinto habang tinitingnan siya na inaalo ang kambal at nakaupo sa kanyang hita.“Aalis muna si Daddy. Saglit lang ako.”“Daddy, sama ako!” sabay- sabi ng kambal.“Amber, Rose, co
“This is a matter of who’s going to live and die later.” A matter of life and death ang sitwasyon. ”Kagabi ko pa hindi nagugustuhan ang tabas ng dila mo.” Idinuro niya ang lalaki.“Huwag mo akong iduro!” Sige pa rin siya ng type. Hindi niya tinitingnan si Rosy habang kausap ang isa.“Tumingin ka sa akin kapag kinakausap kita!” Ngunit pinindot ni Rosy ang power button ng computer at bigla itong namatay.“What did you do?” Napasigaw si Ambrose. “Ano ba? You turned it off!”“What?” Nagmaangmaangan pa siya na parang hindi niya alam ang kanyang ginawa. “Opsss! Sorry!”“Ano bang problema mo?”“Ikaw at ang makati mong dila ang problema ko. Sarap mong putulan ng dila dahil mapaggawa ka ng kuwento, Anggaling mong magparinig na para kang bading! Ako? Nakikipagharutan! Nakikipaglaro sa dilim! Nagpapaligaw sa kalye! Where did you get that?”“Ouch! ang kusinera, hindi kasing ingay na tulad mo! Pang karinderya ang bibig mo!”“Bawiin mo ang sinabi mo tungkol sa akin. Hindi ako lumaki ng ganito para m
Nagmadali si Rose anne upang ihanda ang mga bata sa pagpasok. Napasubo siya sa pagsama sa kanila sa school. Baka maging tampulan din siya ng bulung-bulungan lalo pa’t walang bukambibig ang kambal kundi tawagin siyang mommy.Si Ambrose naman ay nakalabas na ng subdivision at hindi niya nakalimutan ang nangyari. Lesson learned na sa kanya ang pag-go-goodbye kiss sa kanyang mga anak. Makalimutan na niya ang lahat huwag lang ang good bye kiss or else non-stop silang iiyak. Minsan siyang nakalimot at ang siste tinawag siya ng kanyang biyenan. Ipinakausap sa kanya ang mga bata at inuto pa niya ang kambal. Sa cellphone pa niya hinalikan ang mga ito kaya siya pinagtatawanan ng kanyang mga kaopisina.“Uy, Capt. Romero. Ano yan ha! ““Ma’am, umiiyak ang kambal ko kasi nakalimutan kong mag-goodbye kiss sa kanila.”“Hay naku, huwag mo kasing kalilimutan. Kiss lang eh kinakalimutan mo pa. Ano pa kung si Ma’am Roxy ‘yan?” Wala namang pakialam si Roxy ke mag-goodbye kiss siya o hindi.Kaya lang hind
Sa parking area ng simbahan nagkita-kita ang lahat bago sumakay ng kotse ang mga bata kasama si Rose Anne.“Rose Anne, tingnan mo ang mga bata at huwag puro cute ang tinitingnan mo doon ha!” mahigpit na bilin ni Niza bago sila maghiwa-hiwalay. Kinakabahan pa rin siya dahil kilala niyang sutil at nananadya rin si Rosy.“Yes, Nanay. Don’t worry po, I ‘ll take great care of them. Baka lalong magalit si KUYA sa akin.” Ipinagdiinan ang salitang kuya sabay-tingin kay Ambrose. Natawang bigla si Rosy sa sarili. Hindi man lang niya na-imagine na magiging magbayaw pa sila balang-araw.Dumiretso nga sina Ambrose at Rose sa birthday party kasama ang kambal at si Ambrox. Lahat ay nagbulungan sa kanilang pagdating. Walang katapusan ang pagpapaliwanag ni Ambrose. Naging center of attraction tuloy si Rosy.“Sister-in-law ko… si Rose Anne. Kakambal siya ni Roxanne.”“Kamukhang-kamukha ni Kapitan.” Hindi makapaniwalang sabi ng isang lalaking halos kaedad lang ni Ambrose.Lumayo na si Rose Anne habang h
Their journey as one big family just started. It’s cleaning up time. It is putting things in order at kilalang kilala ni Rosy ang lalaki. Hindi siya titigil hangga’t hindi nalalaman ang buong katotohanan. Hindi nasisiguro ngayon ni Rosy na magiging payapa ang buhay niya sa kanilang bahay. Tama ang hula ni Rebecca. Hindi palalampasin ni Ambrose ang pagkakataon.Dahil nasa iisang bahay sila nakatira, mas makikilala nila ang isa’t isa at tiyak gagawa ito ng paraan upang makumpronta ang babae.Samantala, umaasa si Niza at Sandro na hindi sila magiging aso’t pusa na palaging away ng away. Kasi ganoon naman talaga sina Rosy at Ambrose kahit noong magkasintahan pa sila. Madalas magtungo roon ang binata upang dalawin siya pero matapos nilang maging sweet sa isa’t isa, magkaaway na sila bago umuwi ang binata.Nabisto ni Niza na malakas uminom si Rose Anne. Sa loob siya ng kuwarto umiinom. Sa basurahan nito nakita ang mga basyo ng bote. Minsan niyang pinagsabihan ang anak. “Rose Anne, kay Ambr
“Rosy? I am Rose. Daddy, is she, our mommy? Why do I have the same name as hers?” Biglang nagilid ang luha ni Amber.“Bakit siya may mommy, ako wala?” Hindi na napigilan ni Rosy ang kanyang ngiti. Pinigilan na lang niyang tumawa kasi baka lalong magkaiyakan sa sala.“I am not your mommy. I am your Tita Rosy. My name is Rose Anne, that’s why they call me Rosy,” mahinahon at malumanay na sabi ni Rosy sa bata. Hinaplos niya ang ulo nito. Habang ipinapakilala ni Rosy ang sarili ay pupungas-pungas na nagising si Ambrox.“Huh, Miss Anne? Is that you? Why are you here?” Nagising ang bata dahil sa ingay at patakbong lumapit kay Rosy.“Ambrox, Miss Anne is you tita. She is your mommy’s twin sister,” ani Niza sa apo.“Whoah! Really! That’s why she looks like mommy!” Niyakap niya ang babae ng mahigpit. Tita Rose Anne na kaagad ang tawag niya rito.“Bakit gising pa ang mga batang ito?” tanong ni Niza. Humikab na ang kambal.“Daddy, let’s sleep.” Hinila ng isa si Ambrose. ”Daddy, let’s sleep. I am
“Alam kong sukdulan ang galit niya sa akin dahil hindi ko siya pinapasok ng reception hall. Sorry, Ambrose.Hinayaan ko na agawin ka ni Roxy.” Naawa na rin siya sa kanyang biyenang babae. Binabagabag siya ngayon ng kanyang konsensiya.“Nangyari na po ang lahat, Nanay. Patay na rin sir oxy kaya huwag na po natin siyang sisihin. Hayaan po ninyo at sasamahan ko kayo bukas.”Pagpasok sa kuwarto, tuluyan siyang napaiyak. Masyadong mahaba ang sampung taon. Marami ang nagbago. Mamahalin pa kaya siya ni Rose Anne sa kabila ng lahat? Ngunit nasisigurado niya na kahit kailan, hindi nagbago ang pagtingin niya sa babae. Minabuti niyang sa kambal ay Amber at Rose. Coincidentally, nasa pangalan na kasi niya ang Rose. Hindi na makakatutol pa si Roxanne. Nalulungkot pero natutuwa ang nararamdaman ni Ambrose. Kinakabahan at nag-aalangan na siya ngayon dahil dalaga pa si Rosy at siya ay mistulang biyudo na may tatlo pang anak.Kinabukasan ay maagang gumising si Niza. Tamang-tamang Sabado ng araw na iyon
Dala-dala ni Rosy ang ilang alalahanin pag-uwi niya sa condo. Kalalapag lang niya ng kanyang bag ay nakita niya ang tawag ng kanyang ama. Sinagot niya ang tawag habang dumiretso siya sa mini-bar at nagsalin ng alak sa baso.“Yes, Daddy.”Nakinig lang siya sa kabilang linya. Pinaglaruan ng kanyang daliri ang brim ng kanyang baso at nilaro ng kanyang hintuturo ang inilagay niyang yelo.“Come home now,” malambing na sabi ng ama.“I’ll think about it.” Nagbago ang tono nito. Galit na ang ama sa kabilang linya. Binibigyan na siya ng ultimatum na umuwi na. Nilagok ni Rosy ang alak. “It would be complicated to stay in one roof with Ambrose. Why are you nagging me?”Ibinaba ng ama ang linya. Kailangan na talaga niyang umuwi.Samantalang seryosong nag-iisip si Ambrose sa harap ng computer ay napansin niya ang isang unregistered call. Hindi niya ito sinagot ngunit nakatanggap siya ng mensahe pagkatapos niyang patayin ito.“This is Miss China Dominguez, Jan Ambrox Romero’s classroom adviser. May