Kaya sa halip na umuwi kaagad ng maaga ay naisip niyang makipagdate ulit. May inirereto sa kanya si Sgt. Dominguez, pinsan niya ay Flight Attendant din. Sa Belle’s Restaurant sila magkikita. Balak lang naman nilang magmiryenda bago umuwi.“Hello, Mr. Ambrose Romero. I am Genevieve Aguirre. Nice meeting you!” Inilahad ng babae ang kanyang mala-kandilang daliri at nakipagkamay sa lalaking kaharap.“Nice meeting you too, Genevieve.” Namangha sa sobrang ganda si Ambrose. Inalalayan niya ito sa pag-upo. Nakasuot pa siya ng uniporme niya sa Airlines. Kalalapag lang daw ng kanilang eroplano at hindi na siya nakapagpalit ng damit. Hindi nan ga umuwi si Ambrose dahil baka hindi na naman siya makaalis. Tiyak na magta-tantrums na naman ang mga bata. Naka-silent mode na ang cellphone niya dahil baka tumawag si Ambrox at tanungin kung nasaan na siya. Maghihintay ang mga anak niyang babae sa gate. Lalo lang siyang hindi mapapalagay sa kanila.Ayaw niyang isipin ng kanyang biyenan na nagdidiang a
Matindi ang tensyon sa pagitan ni Ambrose at ng kanyang ama. Tila ba hinahamon siya ng lalaki na wala itong magagawa dahil desidido ang kanyang anak na pakasalan ang kanyang long time girlfriend na si Rose Anne.Matagal na nilang alam iyon ngunit hindi nila inasahang aabot sa kasalan ang lahat. Akala nila ay dala lang ng kabataan ni Ambrose kaya niya niligawan ang isa sa anak na kambal ng mga Cabrera.“Hindi ko siya gusto para sa iyo. Anong maitutulong niya para tumaas ang iyong ranggo? Wala! Kaya sinasabi ko sa iyo, gamitin mo ang utak mo, Ambrose. Huwag puro puso. Wala kang mararating kung puro puso ang paiiralin mo. Mag-isip – isip ka, Ambrose!”“Tsss, kung magsalita ka naman. Hindi mo ako mapapangasawa kung hindi rin lang naman sa puso ko, iyon ang pakatandaan mo, uy!” tahasang sabi ni Maria sa kanyang asawa. Kahit anong hinahon ng babae ay napapataas ang kilay niya sa kanyang narinig. Hindi na niya napigilan ang sarili na magbigay ng komento.Mas batang di-hamak si Maria Esteban
Masayang masaya ang usapan sa planong kasal nina Rosy at Ambrose. Nagdala ng mapagsasaluhang pagkain sa bahay nina Rosy ang pamilya ni Ambrose. Nag-beso ang magkaibigang Deniza at Maria.“Kumusta, Mareng Niza?” Sinalubong rin ni Rosy ang babae at humalik sa kanyang pisngi bilang paggalang ganoon rin kay Alberto. Hindi naman tumutol ang lalaki kahit halatang napipilitan dahil nasa harap sila ni Ambrose.“Mukhang mahalaga ang inyong ipinunta ni Pareng Al? Magiging balae na talaga yata tayo!” Tumango naman ang babae.“Darating ba si Pareng Sandro?”“Maupo muna kayo.” Naupo ang tatlo. Nagtungo sa kusina ang dalawa at inayos ang mesa. “Nasabi ko na sa kanya ang plano nina Rose at Ambrose. Makakauwi naman siya para ihatid ang kanyang anak sa altar.”“Alam mo naman siguro kung kanino ko gustong ipakasal si Ambrose. Hay, ewan ko ba dito kay Ambrose. Hindi marunong kumilatis ng ginto.” Tinapik ni Maria ang asawa sa hita. Masyadong matalim ang kanyang bibig sa pagsasalita.“Tito Al, Tita Maria,
“Help me, Vex. Bring your sniper gun. Pumuwesto ka sa tutok ng lumang building sa tapat ng Simbahan ng San Antonio. Kasal ng kapatid ko. Ayokong may manggulo sa araw ng kasal niya.”“At anong kapalit?”“Nakuha mo na ang kapalit. Kinukuha ko na lang ang kung ano ay kabayaran ng puring kinuha mo sa akin. Huwag kang tuso.”Kilala ni Deniza ang kanyang anak. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito. Ayaw niyang konsintihin ang kamaliang ginawa nito.“Bakit ba gustong gusto mong pinapahirapan ang kapatid mo? Not on this day, Roxy! Ano bang pumasok sa kukote mo?”“Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin, Mama. Please help me. Mahal na mahal ko si Ambrose. Hindi ako mabubuhay ng wala siya.”“Itigil mo ang pag-iyak mo. Masisira ang make-up mo.”Papalabas na ng unit si Rozy. Napakunot-noo si Sandro.“What is this? Where’s my daughter? Nasaan ang kapatid mo?”“See, sa tono pa lang ng boses ninyo ay parang si Rosy lang ang anak ninyo. Anong gagawin ninyo ngayon? Saan ninyo siya hahanapin? I am not g
Humingi ng tulong si Rosy sa dalawa. Masakit ang ulo niya. Magulo ang kanyang buhok at wala na siyang pamalit na damit. Naiwan na lang ang kanyang kulay pulang pantulog at bedroom slippers pa ng hotel ang ginamit ni Rose Anne habang naglalakad sa pasilyo ng hotel patungong elevator.“Ma’am, sigurado po ba kayong kaya ninyo?” tanong ng binatang nakasuot ng uniporme ng hotel. Halatang empleyado siya roon.“Bakit kaya kamukha niya ‘yung bride?” pabulong na sabi ng babae. “Ehem, Ma’am. Napag-iwanan po ba kayo?”“Amanda, huwag mo ngang tanungin si Ma’am ng ganyan,” saway ng lalaki. “Ma’am pasensiya na po kayo. Kayo po ‘yung nag-bridal shower noong isang gabi, ‘di ba?”Tumulo ang luha ni Rosy. Tinutoo ng kanyang kapatid ang banta nito na aagawin si Ambrose sa kanya.Late na siyang nagising. Bell boy at chambermaid ang nakadiskubre ng kinaroroonan niya. Ipinara siya ng taxi ng bellboy at nagmamadali itong nagpahatid sa St. Anthony Parish ngunit sarado na ang simbahan ng dumating siya. Tapos
Napakaenggrande ng kasal ni Roxy at Ambrose. Walang nahalatang pagkakaiba kay Roxy sa labis na kasiyahan ng lalaki. Ipinagsalawang-bahala ni Ambrose ang maliliit na detalye kay Rosy. Ayaw niyang sirain ang moment na iyon para lang sa pakikipagdiskusyon dahil sa kanyang buhok at sa kanyang engagement ring.Hindi naman pinaabot pa ng gabi ang reception. Unang pinaalis ang bagong kasal dahil may flight pa silang hahabulin for their honeymoon.Iniregalo ni Alberto ang trip to Switzerland for two-weeks para mas magkaroon ng panahon ang bagong kasal para sa isa’t isa.“Enjoy your time as Mrs. Ambrose Castillejo Romero.”“Thanks, General.” Nagulat si Alberto sa tugon na iyon. Napairap si Maria sa narinig niya. “Opsss, sorry. Yes, Papa!” Napatakip siya ng bibig at nag-peace sign. Kinabahan na si Ambrose.Her gestures are more of Roxanne. Siya lang ang tumatawag sa lalaki ng “General”. Kinaiinisan iyon ni Maria lalo pa kung maririnig niya itong tumawa.Masayang bumalik ang mag-asawa sa kanilan
Nakahilata sa long sofa si Ambrose habang nakatitig sa labas ng salamin. Maliwanag na at mukhang maaliwalas ang panahon para mamasyal ngunit tulala siya sa mga pangyayari. May benda ang kanyang kanang kamay.“Hindi mo ba talaga ako sasamahang mamasyal?” Hindi umimik si Ambrose. Nasa harap ng salamin si Roxy at pangisi-ngisi sa lalaki. “Okay, bahala ka. I’ll enjoy this. Pagbalik natin sa Pinas, hello sa work nanaman at mahirap nang makakuha ng bakasyon.”Si Roxanne Cabrera ay isa sa matitinik na jet fighter pilot ng Air Force. Hindi matatawaran ang kanyang galing. Malakas ang kanyang loob at hindi magpapatalo sa kanyang mga kasamahan. She aimed to become a jei fighter pilot to impress his Tito Alberto and to get Ambrose’s attention.Nawalan na siya ng pag-asa dahil ibang kurso ang kinuha ni Ambrose. Pareho sila ni Rosy, Hotel and Restaurant Management ang kursong kinuha nila.Pag-alis ni Rosy patungong ibang bansa para kumuha pa ng special courses sa International Culinary, akala niya
Maagang dumarating sa opisina si Ambrose. Hindi sila nagsasabay ni Roxy ng pagpasok sa trabaho. Tahimik silang pareho sa hapag-kainan. Naninibago talaga siya. Hindi rin naman Masisi ni Niza ang manugang na lalaki. Hindi iyon ang inaasahan niya.“Ano bang paborito mong pagkain para maipagluto kita?” tanong ni Niza.Baliktad ang mundo na sana ay si Roxy ang nagtatanong para ipagluto man lang ang asawa.“Okay lang po ako. Kung anong ihain ninyo ay wala naman po akong reklamo. Huwag po ninyo akong alalahanin.”“Pasensiya ka na, Iho. Hindi kasi talaga marunong sa gawaing-bahay itong si Roxy. Palagi kasi siyang naka-duty. Si Rosy…” BIglang napahinto si Niza.Binitiwan ni Ambrose ang kanyang kutsara’t tinidor.“Busog na po ako. Una na po ako.” Walang imik si Ambrose sa loob ng kotse. Napasuntok siya sa manibela. Sa simula pa lang ay panlilinlang na ang naging relasyon nila kaya hindi niya nakikitang magiging successful ang married life niya.Dumaan siya sa hangar at dinig niya ang sari-sari
Kaya sa halip na umuwi kaagad ng maaga ay naisip niyang makipagdate ulit. May inirereto sa kanya si Sgt. Dominguez, pinsan niya ay Flight Attendant din. Sa Belle’s Restaurant sila magkikita. Balak lang naman nilang magmiryenda bago umuwi.“Hello, Mr. Ambrose Romero. I am Genevieve Aguirre. Nice meeting you!” Inilahad ng babae ang kanyang mala-kandilang daliri at nakipagkamay sa lalaking kaharap.“Nice meeting you too, Genevieve.” Namangha sa sobrang ganda si Ambrose. Inalalayan niya ito sa pag-upo. Nakasuot pa siya ng uniporme niya sa Airlines. Kalalapag lang daw ng kanilang eroplano at hindi na siya nakapagpalit ng damit. Hindi nan ga umuwi si Ambrose dahil baka hindi na naman siya makaalis. Tiyak na magta-tantrums na naman ang mga bata. Naka-silent mode na ang cellphone niya dahil baka tumawag si Ambrox at tanungin kung nasaan na siya. Maghihintay ang mga anak niyang babae sa gate. Lalo lang siyang hindi mapapalagay sa kanila.Ayaw niyang isipin ng kanyang biyenan na nagdidiang a
Tumango na lang si Ambrose. Susubukan niya kung puwede pa nga ba? Hindi masabi ni Ambrose kay Eric na hindi siya handa sa mga blind dates. Dahil napasubo na siya at nakakahiyang maghintay ang date niya ay nagpunta na rin siya. Wala namang masama at wala rin namang mawawala.Humanap siya ng maayos na long sleeves with tiny blue polka dots at blue slacks. Nagsuot rin siya ng formal black leather shoes that fits his attire. Hindi lang siya sanay na makipag-date habang nakauniporme pa. Umuwi naman siya ng maaga para kumustahin ang mga anak niya.Pero bago pa siya makaalis sa bahay, nag-iyakan na naman ang kambal at hinabol siya sa garahe. Hirap pa naman nilang patahanin. Nakakaramdam yata sa plano ng daddy nila.“Mukhang may date ka a,” komento ni Niza. Sarkastik pa ang pagkakasabi niya. Nakahalukipkip siya sa may pinto habang tinitingnan siya na inaalo ang kambal at nakaupo sa kanyang hita.“Aalis muna si Daddy. Saglit lang ako.”“Daddy, sama ako!” sabay- sabi ng kambal.“Amber, Rose, co
“This is a matter of who’s going to live and die later.” A matter of life and death ang sitwasyon. ”Kagabi ko pa hindi nagugustuhan ang tabas ng dila mo.” Idinuro niya ang lalaki.“Huwag mo akong iduro!” Sige pa rin siya ng type. Hindi niya tinitingnan si Rosy habang kausap ang isa.“Tumingin ka sa akin kapag kinakausap kita!” Ngunit pinindot ni Rosy ang power button ng computer at bigla itong namatay.“What did you do?” Napasigaw si Ambrose. “Ano ba? You turned it off!”“What?” Nagmaangmaangan pa siya na parang hindi niya alam ang kanyang ginawa. “Opsss! Sorry!”“Ano bang problema mo?”“Ikaw at ang makati mong dila ang problema ko. Sarap mong putulan ng dila dahil mapaggawa ka ng kuwento, Anggaling mong magparinig na para kang bading! Ako? Nakikipagharutan! Nakikipaglaro sa dilim! Nagpapaligaw sa kalye! Where did you get that?”“Ouch! ang kusinera, hindi kasing ingay na tulad mo! Pang karinderya ang bibig mo!”“Bawiin mo ang sinabi mo tungkol sa akin. Hindi ako lumaki ng ganito para m
Nagmadali si Rose anne upang ihanda ang mga bata sa pagpasok. Napasubo siya sa pagsama sa kanila sa school. Baka maging tampulan din siya ng bulung-bulungan lalo pa’t walang bukambibig ang kambal kundi tawagin siyang mommy.Si Ambrose naman ay nakalabas na ng subdivision at hindi niya nakalimutan ang nangyari. Lesson learned na sa kanya ang pag-go-goodbye kiss sa kanyang mga anak. Makalimutan na niya ang lahat huwag lang ang good bye kiss or else non-stop silang iiyak. Minsan siyang nakalimot at ang siste tinawag siya ng kanyang biyenan. Ipinakausap sa kanya ang mga bata at inuto pa niya ang kambal. Sa cellphone pa niya hinalikan ang mga ito kaya siya pinagtatawanan ng kanyang mga kaopisina.“Uy, Capt. Romero. Ano yan ha! ““Ma’am, umiiyak ang kambal ko kasi nakalimutan kong mag-goodbye kiss sa kanila.”“Hay naku, huwag mo kasing kalilimutan. Kiss lang eh kinakalimutan mo pa. Ano pa kung si Ma’am Roxy ‘yan?” Wala namang pakialam si Roxy ke mag-goodbye kiss siya o hindi.Kaya lang hind
Sa parking area ng simbahan nagkita-kita ang lahat bago sumakay ng kotse ang mga bata kasama si Rose Anne.“Rose Anne, tingnan mo ang mga bata at huwag puro cute ang tinitingnan mo doon ha!” mahigpit na bilin ni Niza bago sila maghiwa-hiwalay. Kinakabahan pa rin siya dahil kilala niyang sutil at nananadya rin si Rosy.“Yes, Nanay. Don’t worry po, I ‘ll take great care of them. Baka lalong magalit si KUYA sa akin.” Ipinagdiinan ang salitang kuya sabay-tingin kay Ambrose. Natawang bigla si Rosy sa sarili. Hindi man lang niya na-imagine na magiging magbayaw pa sila balang-araw.Dumiretso nga sina Ambrose at Rose sa birthday party kasama ang kambal at si Ambrox. Lahat ay nagbulungan sa kanilang pagdating. Walang katapusan ang pagpapaliwanag ni Ambrose. Naging center of attraction tuloy si Rosy.“Sister-in-law ko… si Rose Anne. Kakambal siya ni Roxanne.”“Kamukhang-kamukha ni Kapitan.” Hindi makapaniwalang sabi ng isang lalaking halos kaedad lang ni Ambrose.Lumayo na si Rose Anne habang h
Their journey as one big family just started. It’s cleaning up time. It is putting things in order at kilalang kilala ni Rosy ang lalaki. Hindi siya titigil hangga’t hindi nalalaman ang buong katotohanan. Hindi nasisiguro ngayon ni Rosy na magiging payapa ang buhay niya sa kanilang bahay. Tama ang hula ni Rebecca. Hindi palalampasin ni Ambrose ang pagkakataon.Dahil nasa iisang bahay sila nakatira, mas makikilala nila ang isa’t isa at tiyak gagawa ito ng paraan upang makumpronta ang babae.Samantala, umaasa si Niza at Sandro na hindi sila magiging aso’t pusa na palaging away ng away. Kasi ganoon naman talaga sina Rosy at Ambrose kahit noong magkasintahan pa sila. Madalas magtungo roon ang binata upang dalawin siya pero matapos nilang maging sweet sa isa’t isa, magkaaway na sila bago umuwi ang binata.Nabisto ni Niza na malakas uminom si Rose Anne. Sa loob siya ng kuwarto umiinom. Sa basurahan nito nakita ang mga basyo ng bote. Minsan niyang pinagsabihan ang anak. “Rose Anne, kay Ambr
“Rosy? I am Rose. Daddy, is she, our mommy? Why do I have the same name as hers?” Biglang nagilid ang luha ni Amber.“Bakit siya may mommy, ako wala?” Hindi na napigilan ni Rosy ang kanyang ngiti. Pinigilan na lang niyang tumawa kasi baka lalong magkaiyakan sa sala.“I am not your mommy. I am your Tita Rosy. My name is Rose Anne, that’s why they call me Rosy,” mahinahon at malumanay na sabi ni Rosy sa bata. Hinaplos niya ang ulo nito. Habang ipinapakilala ni Rosy ang sarili ay pupungas-pungas na nagising si Ambrox.“Huh, Miss Anne? Is that you? Why are you here?” Nagising ang bata dahil sa ingay at patakbong lumapit kay Rosy.“Ambrox, Miss Anne is you tita. She is your mommy’s twin sister,” ani Niza sa apo.“Whoah! Really! That’s why she looks like mommy!” Niyakap niya ang babae ng mahigpit. Tita Rose Anne na kaagad ang tawag niya rito.“Bakit gising pa ang mga batang ito?” tanong ni Niza. Humikab na ang kambal.“Daddy, let’s sleep.” Hinila ng isa si Ambrose. ”Daddy, let’s sleep. I am
“Alam kong sukdulan ang galit niya sa akin dahil hindi ko siya pinapasok ng reception hall. Sorry, Ambrose.Hinayaan ko na agawin ka ni Roxy.” Naawa na rin siya sa kanyang biyenang babae. Binabagabag siya ngayon ng kanyang konsensiya.“Nangyari na po ang lahat, Nanay. Patay na rin sir oxy kaya huwag na po natin siyang sisihin. Hayaan po ninyo at sasamahan ko kayo bukas.”Pagpasok sa kuwarto, tuluyan siyang napaiyak. Masyadong mahaba ang sampung taon. Marami ang nagbago. Mamahalin pa kaya siya ni Rose Anne sa kabila ng lahat? Ngunit nasisigurado niya na kahit kailan, hindi nagbago ang pagtingin niya sa babae. Minabuti niyang sa kambal ay Amber at Rose. Coincidentally, nasa pangalan na kasi niya ang Rose. Hindi na makakatutol pa si Roxanne. Nalulungkot pero natutuwa ang nararamdaman ni Ambrose. Kinakabahan at nag-aalangan na siya ngayon dahil dalaga pa si Rosy at siya ay mistulang biyudo na may tatlo pang anak.Kinabukasan ay maagang gumising si Niza. Tamang-tamang Sabado ng araw na iyon
Dala-dala ni Rosy ang ilang alalahanin pag-uwi niya sa condo. Kalalapag lang niya ng kanyang bag ay nakita niya ang tawag ng kanyang ama. Sinagot niya ang tawag habang dumiretso siya sa mini-bar at nagsalin ng alak sa baso.“Yes, Daddy.”Nakinig lang siya sa kabilang linya. Pinaglaruan ng kanyang daliri ang brim ng kanyang baso at nilaro ng kanyang hintuturo ang inilagay niyang yelo.“Come home now,” malambing na sabi ng ama.“I’ll think about it.” Nagbago ang tono nito. Galit na ang ama sa kabilang linya. Binibigyan na siya ng ultimatum na umuwi na. Nilagok ni Rosy ang alak. “It would be complicated to stay in one roof with Ambrose. Why are you nagging me?”Ibinaba ng ama ang linya. Kailangan na talaga niyang umuwi.Samantalang seryosong nag-iisip si Ambrose sa harap ng computer ay napansin niya ang isang unregistered call. Hindi niya ito sinagot ngunit nakatanggap siya ng mensahe pagkatapos niyang patayin ito.“This is Miss China Dominguez, Jan Ambrox Romero’s classroom adviser. May