Bata pa lamang si Ariya ay siya na ang taga-salo ng problema ng kanyang kakambal na si Ayana. Dahil sumama ito sa lalaki gabi bago ang kasal nito kay Ashton Herrera ay napilitan si Ariya na pakasalan ang binata. Iyon na sana ang huling kahilingan na ibibigay niya sa ama kapalit ng limang milyon, ngunit gumuho ulit ang mundo niya nang malaman na buntis si Ayana at kailangan niyang magpabuntis sa binata bago siya umalis sa pamamahay nito. Tatlong buwan siyang namalagi sa bahay ng binata noong una ay galit na galit ito sa kanya, ngunit di maglaon ay tinanggap at minahal na rin naman siya nito. Ngunit bago niya pa maamin sa binata ang sekreto niya ay kinidnap na siya ng kanyang ama at ipinalit na nito si Ayana. Sa muli nilang pagkikita ay makakaya pa kaya niyang aminin sa binata na ang tunay nitong anak ay ang batang hawak-hawak niya? O hahayaan na lamang itong maging masaya sa piling ng kanyang kakambal? Magpaparaya na lang ba siya katulad ng palagi niyang ginagawa kahit na hinahanap na ng kanyang anak ang ama nito?
View MoreARIYA Hindi naman kami nagtagal ni Ashton sa 'honeymoon' kuno namin dahil bumalik din ito kaagad sa opisina sa sumunod na araw dahil sa sobrang busy nito sa kanyang trabaho. Pareho naman kaming abala sa aming trabaho kaya wala rin naman iyong problema sa akin. "Ariya, pinapatawag ka ni Sir CJ," pukaw ni Tintin sa akin. Kaagad naman akong nagpasalamat sa kanya, nag-ayos ng damit bago tinungo ang opisina ni Sir CJ na nasa kabilang kwarto. Tatlong beses kong kinatok ang pinto bago ko ito narinig na nagsalita sa loob. "Sir, pinapatawag niyo raw po ako? May kailangan po ba kayo sa akin?" tanong ko sa kanya nang makapasok na ako ng tuluyan. "Ariya, umupo ka na muna. Sasagutin ko lang muna itong tawag." Tumango ako at umupo nga sa upuan na nasa harapan ng kanyang mesa. Kalmado akong nakaupo sa may upua
•Ariya•Sa halip na tumigil sa labas ng kwarto ay mas pinili kong lumabas para masigurado na hindi nga ako masusundan ni Ashton. Kaagad ko sinagot ang tawag nang makahanap ako nang maayos na lugar."Dad, napatawag po kayo ulit? Mahirap po sa akin na sagutin kayo kapag magkasama kami ni Ashton dahil naghihinala po ito," bungad na sagot ko rito. Narinig ko naman kaagad ang kanyang malalim na paghinga. "May balita na po ba kayo tungkol kay Ayana? Kailangan ko nang umalis, dad!""Wala! Wala kaming nahanap na Ayana kahit saan na namin siya hinahanap." Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa inis ko sa kanila. Isang salita pa nito na hindi ko magustuhan ay tiyak kong mag-aaway na naman kaming dalawa. Simula pagkabata ko ay hindi na talaga kami magkaintindihan na dalawa. "Ikaw muna ang pumalit sa kanya r'yan total ay nasimulan mo na naman—"
•Ariya•Napakapit ako nang mahigpit sa dala kong maleta at dahan-dahang tumingin sa mukha nito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya habang dala-dala ang maletang ito."Do you want to leave me?" nakataas ang kaliwang kilay na tanong niya sa akin. Kaagad akong umiling at napaatras nang bigla itong humakbang palapit sa akin. "Really, huh?" sarkastiko niyang wika."O-oo, may ano... Kasi... Ashton!" gulat kong tawag sa pangalan niya nang bigla niyang hinablot ang maleta sa akin. "Anong ginagawa mo? Wala kang karapatan para halughugin ang bag ko!" inis kong sita sa kanya at hinablot dito ang aking gamit.Tumingin naman siya sa akin kaya kaagad akong napaatras para mapalayo sa kanya, lalo na at hindi ko maipaliwanag reaksyon ng mukha niya. Hindi ko siya lubusang kilala ngayon ko nga lang siya nakausap ng personal kaya hindi ko alam
•Ariya•Kanina pa ako paikot-ikot dito sa loob ng kwarto. Simula nang dumating kami ni Ashton dito sa Resort ay hindi na ako mapakali. Hindi ko naman siya gusto but I'm expecting. Siguro dahil ito ang unang pagkakataon na ibibigay ko ang aking pagkababae.Kahit hindi ko siya mahal at hindi ko siya totoong asawa, bilang isang babae ay nangangarap din naman ako na maging memorable ang unang beses nang pagbibigay ng pagkakabae ko. Iyong rerespetuhin din ako ng lalaking pagbibigyan ko nito.Napalunok ako at mabilis na napatalikod nang makita si Ashton na lumabas ng banyo. Tuwalya lang ang tanging suot nito at ang pang-ibabang bahagi lamang ang natatakpan no'n."Nahihiya ka ba, asawa ko?" Hindi ako nakaimik sa tanong niya. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi lalo na nang maramdaman ko ang kanyang dibdib na tumatama sa aking likuran. P
•Ariya•Kinakabahan kong hinawakan ang mikropono at dinala iyon sa aking bibig. Halata ang panginginig ng aking kamay dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam ang aking sasabihin na mas lalong nagpapabilis ng tibok nitong puso ko."Mrs. Herrera?" udyok sa akin ng host. Tiningnan ko ang mga bisita bago muling nag-iwas ng tingin dahil sa pagkailang. "Nahihiya yata ang ating magandang bride!""It's fine, Ariya, just breath, be calm, and talk," bulong sa akin ni Ashton. Nilingon ko siya kaya nagkasalubong ang aming mga mata. Ngumiti ito sa akin at ginulo ang aking buhok.Tatabigin ko sana iyon ngunit naalala kong may mga mata pa lang nakatingin sa amin. Hindi pala ako pwedeng magpadalos-dalos at baka masira ang pangalan ng aking ama at ni Ayana.Ipinikit ko ang aking mga mata sinusubukang balikan an
•Ariya•Nakangiti akong sinalubong ni Ashton at hinalikan ang aking noo. Napabuntong-hininga ako at iniyakap ang aking kamay sa bewang nito. "Napagsabihan ka ba ng daddy mo?"Tiningala ko siya habang nakakunot-noo dahil sa sinabi nito. Tiningnan naman niya ako at pinitik ang tungki ng aking ilong. Hinawakan ko naman kaagad ang pinitik niyang bahagi at sinamaan siya ng tingin."Ang gulo mo kasing kausap. Ano ba ang ibig sabihin mo roon?" mahinahon kong saad dito."Bigla ka kasing yumakap sa akin kaya akala ko ay napagsabihan ka ng iyong ama. Ang sungit mo pa naman sa akin kanina at parang gusto mong palagi tayong nag-aaway," paliwanag niya sa akin.Hindi naman ako inutusan ni daddy gusto ko lang din naman maramdaman niya ang ugali ni Ayana. Sweet ito at mahinhin higit sa lahat mahilig itong magyakap ng taong malapit
•Ariya•Itinatanong ko dati kung bakit palaging laman ng interview nito ay tungkol sa mga babaeng idini-date niya na hindi naman nagtatagal. Akala ko ay tinagurian lang itong cassanova para lang mabenta ang mga magazine na laman nito, ngunit ngayon ay nakikita ko na naaakit niya ang mga babae sa pamamagitan ng mga salitang lumalabas sa kanyang labi."I know. Hindi mo na kailangang sabihin sa akin iyon," nakangisi kong saad. Hindi naman ako ganito sa ibang taong nagsasabi sa akin na maganda ako. Magpapasalamat pa ako sa mga taong iyon dahil na-compliment nila ako but then hindi lang ibang tao si Ashton sa akin.Siya iyong tao na kinaiinisan ko at ayaw kong mahulog sa taong ito dahil sa matatamis niyang mga salita."Ang sungit naman ng asawa ko matapos nang nangyari sa atin kanina?" Napaigtad ako nang bigla niyang hinapit ang aking bewang para mapalapit
•Ariya•Humihigpit ang pagkakahawak sa aking pulso ni Ashton kaya balak ko sana iyong hilahin palayo nang makita ko si daddy na papalapit sa amin. Napabuntong-hininga ako at nanatiling nakatayo sa gilid niya na tila ba isang maamong tupa. Kaagad naman siyang lumingon sa akin at kumunot ang noo dahil sa biglaan kong pagtigil."Why?" he asked, while looking at me intently. Hindi ko siya sinagot ar nanatili lang na nakatayo roon habang pinagmamasdan ang mga bisitang nagtatawanan. "Bakit natameme ka na lang bigla? Galit na galit ka pa sa akin kanina roon sa loob. Gusto mo pa nga yata akong sapakin."Tiningnan ko lang siya saglit at muli nang nag-iwas ng tingin at baka mapagsalitaan ko ito nang masama sa harap ni daddy. "Hijo, mabuti na lang at nagkaunawaan naman kayo nitong anak ko," wika ni daddy pagkalapit niya sa akin."Of course, t
•Ariya•Kinalabit ko ang isang stylist ni mama at nginitian ito. Pinagkakatiwalaan niya ito nang husto kaya ito ang nandito ngayon at inaayusan ako. Alam niyang hindi ako si Ayana kaya kampante ang loob ko habang inaayusan ako, dahil hindi ko kailangan magpanggap sa harapan nito."Mich, you don't to make me look so pretty. It's not my wedding anyway," nakangiting saad ko sa kanya bago niya simulan ang pag-aayos sa akin.Totoo naman talaga ang sinabi ko. Ang katawan ko ang magpapakasal kay Ashton pero pangalan ni Ayana ang legal na nakasulat sa kanilang wedding certificate. Hindi naman sa gusto ko na pangalan ko ang nakasulat doon pero pumapasok lang talaga sa aking isipian paano kung ikakasal ako sa taong mahal ko sa susunod? Baka itong pangyayari na ito ang palaging nakatatak sa aking isipan."Don't you think it will damage my name, Little Ariy
•Ariya•"You need to marry Ashton Herrera, Ari, and that's an order!" pasigaw at mariin na saad ni daddy. Ang baritonong boses nito ay dumagundong sa loob ng aming bahay. Nanginginig na ang tuhod ko habang tinitingnan silang dalawa ni mommy.Ngayon lang ako nasigawan ng aking ama dahil sa kapabayaan ng kakambal ko. Kung hindi lang sana ito nagpunta ng club para magliwaliw bago ang kasal nito edi sana hindi ito nagalaw ng ibang lalaki bukod sa mapapangasawa nito.Simula bata sila ay palagi na lang itong gumagawa ng mga maling bagay at pagkatapos ay pinapaayos sa akin. Nasanay kasi ito na palaging pinagtatanggol ni daddy kaya hindi na nito alam ang tama sa mali. Kapatid ko nga siya pero aaminin ko na lumaki itong suwail na anak, ngunit hindi naman nila nakikita ni mommy at daddy.Palagi nilang rason ay hayaan na lang daw dahil bilang lang daw ang mga araw niya rito sa mundo....
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments