Sa mga araw na lumipas ay naging magaan at masaya para kay Mikaela, 17 days na siyang delayed at naniniwala siyang totoo ang hinala niya na buntis siya. Naging maingat siya sa kaniyang sarili at hangga't maaari ay hindi siya nagpapakapagod, kaya nitong mga nakaraang araw ay sa opisina lang siya at hindi muna sumasama sa mga medical mission at pamimigay ng mga relief goods. Hindi naman niya sinasabi ang kondisyon niya sa mga kasamahan dahil gusto muna niyang makasigurado bago ipamalita sa iba ang kaniyang pagbubuntis. Ngayong araw ay sasamahan siya ni Blaine sa ospital para magpa-check up, hinihintay lang niya ang kaniyang asawa na paparating na.Nang lumabas siya sa kaniyang opisina ay nakita niya ang kaniyang mga kasamahan na nagkakasiyahan. Nagkukulitan ang mga ito. Napangiti siya at lumapit sa mga ito para makisali sa kasiyahan nila."Anong pinag-uusapan ninyo at bakit ang saya-saya ninyo, ha?' tanong niya."Ma'am Mika, ito kasing si Danica, nakatisod nang foreigner kahapon. Mukhan
Nakatulog si Mikaela na umiiyak, natuyo na lang ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya maipaliwanag ang labis na kalungkutan na nadarama dahil sa labis na frustration. Pinagmasmasdan lang ni Blaine ang natutulog na asawa. Nagi-gulity siya, kung alam lang nito ang tungkol sa kalagayan niya ay hindi na sana ito aasa pa na magkakaroon sila ng anak. Sa ginagawa niyang panloloko sa kaniyang asawa ay alam niya na mas lalo pa niya itong sinasaktan. Bumangon siya, hindi niya kayang matulog ng payapa samantalang ang asawa niya ay nagdadalamhati at mabigat ang kalooban.Nagpalit siya ng damit, kinuha ang susi ng kaniyang sasakyan at tahimik na lumabas ng silid. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kaniyang mga paa, wala man siyang eksaktong patutunguhan, ang gusto lang niya ay kahit papaano ay mabawasan ang bigat sa dibdib na nadarama niya.Huminto ang kaniyang sasakyan sa tapat ng gate ng kanilang resthouse. Walang nakatira roon, ang kanilang caretaker ay may sariling tirahan sa lik
Alas sais pa lang ng umaga ay gising na si Fiero. Lumabas siya para mag-jogging. Sa dalawang araw na pamamalagi nila sa Hacienda de Montreal ay laging ganun ang routine niya, gigising ng maaga para mag-jogging, pagkatapos ay maglalakad-lakad at iikutin ang buong hacienda at makikipagkwentuhan sa mga trabahador na madadaanan niya. Makalipas ang isang oras ay bumalik na siya sa villa para mag-kape at mag-almusal. Maaga pa lang ay naroon na si Aling Daling at nagluluto na ng kanilang pagkain. "O, Fiero, andyan ka na pala, tamang-tama at nakapagluto na ako. Halika at tikman mo ang lomi namin dito. Teka at ipagsasandok kita," sabi ni Aling Daling, nasa 65 na ang edad nito ngunit maliksi pa rin kung kumilos."Naku, salamat po Aling Daling. Ako na po ang magsasandok ng para sa akin, huwag niyo na po akong asikasuhin." Nahihiya kasi siya sa matanda, hindi naman siya amo o kamag-anak man lang ng mga Montreal ngunit kung pagsilbihan siya nito akala mo ay kabilang siya sa pamilya. Kung tutuusi
Sabay na napalingon ang dalawa, may narinig silang mga nag-uusap, papalapit nang papalapit ang boses ng mga ito, tila ba papasok nang villa. Naalarma si Blaine, sa isip niya ay hindi maaaring may makakita sa kanila. "Fiero, pumasok ka muna sa kuwarto mo, huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinsabi, mamaya na natin pag-usapan ang bagay na ito. Hindi ka pwedeng makita ng mga tao rito dahil siguradong magtatanong sila."Tumango naman si Fiero, sumang-ayon siya sa sinabing iyon ni Blaine."Si-sige po, Sir," tugon niya, mabibilis ang mga hakbang na lumakad para tunguhin ang kaniyang silid. Ang mga paparating ay siguradong sa kusina ang tungo kaya bago pa man makapasok ang mga ito ay nakapagtago na siya sa kaniyang silid.Nakahinga naman ng maluwag si Blaine, ilang saglit lang ay dumating na ang grupo ni Aling Daling, kasama nito ang apong si Tonyo na may bitbit na planggana na may lamang mga tilapya at ang anak naman nitong si Jasmin na may dalang basket ng sari-saring mga gulay na pinit
"Good evening, Sir!" maagap na bati ni Maureen kay Blaine, sinalubong niya ito sa gate pa lang."Pasok... pasok po kayo," tarantang sabi niya."Ah, sino nga pala ang kasama mo, Sir?" tanong nito nang mapansin ang lalaking naka-hoody jacket na kasunod ni Blaine. "Let's talk about it inside, Maureen," tugon naman ni Blaine."Si-sige po, pasensiya na, Sir!" paumanhin nito na tinanguan lang ni Blaine.Pinauna nitong makapasok ang amo at ang kasama nito bago siya sumunod sa loob."Nagawa mo ba ang bilin ko sa'yo?" tanong ni Blaine, habang inililibot nito ang mga mata sa kabuuan ng bahay. Malawak ang first floor. Limitado lang ang mga gamit ngunit alam mong lahat ay importante, mas nakaganda ngang tingnan na hindi masyadong maraming kasangkapan sa paligid. Nagustuhan ni Blaine pati na ang kulay ng pintura at kung paano idinesenyo ang buong bahay. Ito ang unang beses na nakita niya ito dahil noong ialok ito sa kaniya ni Maureen ay hindi siya naging interesado, mas prefer kasi niya na lupa
"Mama, are you sure my twin brother is already dead?" wala sa sarili na naitanong ni Blaine sa ina. Ilang araw na kasing palaisipan sa kaniya kung may koneksiyon ba si Fiero sa buhay niya? Parang hindi naman kasi tama sa isang tao na may makita kang kamukhang-kamukha mo pero hindi mo naman kadugo.Natigil sa pagdidilig ng halaman si Claudia at nabaling ang tingin nito sa anak, nangunot ang noo ng ginang. "What kind of question is that, Blaine? Ano bang pumasok sa isip mo para tanungin ako ng ganiyang klaseng bagay? And what made you think na buhay pa ang brother mo? Ilang araw ko palang kayong naipapanganak ng mamatay sa komplikasyon ang kapatid mo, and now it's been twenty five years since he was gone." Ipinilig ni Blaine ang kaniyang ulo. Sinisi niya ang sarili kung bakit ba naitanong pa niya ang bagay na iyon sa kaniyang ina. Kanina lang ay masaya silang nag- uusap tungkol sa plano nitong pagpapatayo ng bagong branch ng Claudia's Kitchen. Hindi niya alam kung bakit bigla kasing su
Nagsimula na nga ng online study si Fiero sa kursong business management. Bukod pa rito, twice a week ay mayroong pumupunta sa bahay para naman turuan siya ng tungkol sa personality development at pagsasalita ng tamang ingles. Unti-unti ay malaki na ang ipinagbago ng binata, tumaas na ang kumpiyansa niya sa sarili at sa loob ng halos tatlong buwan pa lang niyang pag-aaral ay makikita na ang progress niya. Habang tumatagal ay lalo lang silang nagiging magkamukha ni Blaine.Gumaganda na rin ang kutis niya dahil hindi na siya nabibilad sa araw, dahil nga hindi naman na siya naglala-labas at wala naman siyang ginagawang trabahong mabigat bukod sa paglilinis ng bahay at pagluluto ng kaniyang pagkain. Lahat ng kailangan niya ay mayroon siya kaya wala na siyang poproblemahin. Si Maureen ang nag-aasikaso ng lahat. Tinuruan din siya nito kung paano umorder at magpa-deliver ng pagkain online, may mga araw kasing nagsasawa rin siya sa mga available na pagkain sa ref at pantry.-Araw ng Sabado,
"Good evening, Mama!" bati ni Mikaela kay Claudia, nakasalubong niya ang biyenan, kababa lang nito nang hagdan at sila naman ay paakyat na sana.Tiningnan lang ni Claudia ang manugang at bumaling agad ito ng tingin sa anak."O, Blaine... bakit nandito ka na, akala ko ba sa lunes pa ang balik ninyo?"Napamaang si Fiero. Hindi niya inasahan na makikita sa malaking mansiyon na iyon si Madam Claudia, ang may ari ng Claudia's Kitchen, kung saan nagtrabaho siya bilang part time dishwasher. Napakaliit lang talaga ng mundo, wala rin siyang ideya na ito pala ang ina ni Blaine, katulad ng hindi niya rin inaasahan na ang asawa ng babaeng lihim niyang hinahangaan ay si Blaine pala."Honey, ano'ng sinabi mo kay Mama na bukas pa ang balik mo? Wala ka namang nababanggit sa akin," takang binalingan siya ng tanong ni Mikaela.Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Napipilan siya, hindi niya alam kung paano lulusutan ang sitwasyong iyon. Malay ba niya na may ganuong sinabi si Blaine sa Mama niya, hindi rin n
"Are you ready?" Tumango si Mikaela at pagkatapos ay nakangiting tinapunan ng tingin ang asawa.Magkahawak kamay silang sumakay sa speed boat na maghahatid sa kanila sa Isla Amelia.Habang nasa bangka ay nakayakap si Mikaela sa bewang ng kaniyang asawa at nakahilig ang ulo sa balikat nito. Hindi nawawala ang ngiti niya sa labi. Ito ang unang pagkakataon na makakasama niya ng matagal ang asawa, walong araw sila sa isla kaya naman hindi na siya makapaghintay sa mga maari pa nilang gawin sa kanilang bakasyon.Halos isang oras ang kanilang biniyahe bago dumaong ang speed boat sa gilid ng dagat. Bumaba ang kaniyang asawa at agad din siyang inalalayan nito na makababa.Ngumiti si Mikaela. "Thank you, honey," malambing na sabi niya.Gumanti ng ngiti ang kaniyang asawa. Hinawakan nito ang isang kamay niya at bahagyang pinisil. Magkahawak kamay silang naglakad, tanaw nila ang mataas na gate ng villa. Nakasunod sa kanila ang mga tauhan sa isla, bitbit ang kanilang mga bagahe."Ang dami na palan
"Lately napapansin ko na masyadong kang pagod sa trabaho. It's about time na mag-relax ka naman. How about a vacation sa Isla Amelia?" Mabilis na nabaling ang tingin ni Mikaela sa asawang si Blaine. Bukod sa Isla De Montreal, ang Isla Amelia ay pag-aari rin ng kanilang pamilya, ipinangalan ang islang iyon sa kanilang Lola Amelia. Mala-paraiso ang lugar na iyon at kung papipiliin siya ay mas gugustuhin niya na manirahan na lamang sa isla na iyon habang buhay. Bukod kasi sa tahimik at malayo sa polusyon, ay sagana pa ang lugar sa masusustansiyang pagkain. Simpleng pamumuhay, ngunit masaya at mapayapa."Ha! Talaga? Kailan tayo pupunta sa isla?" excited na tanong niya."Ikaw kung kailan mo gusto. Ako nakahanda na, nakapag-file na ako ng leave. Ikaw baka may mga trabaho ka pang gagawin.""Pwede ko naman ibilin kay Menchie ang mga trabaho ko. Gusto kong magbakasyon na kasama ka." Halata ang labis na saya sa kaniyang mga mata.Napangiti si Blaine. "Ayusin mo muna ang mga dapat mong ayusin sa
Napapansin ni Mikaela na ilang araw nang tahimik ang kaniyang asawa at para bang may malalim itong iniisip. Araw nang Linggo noon, pareho silang nasa bahay lang at walang commitment sa labas. Nasa tabi lang naman niya si Blaine, pero pakiramdam niya ay ang layo-layo nito sa kaniya."Hon, parang malalim ang iniisip mo, may problema ba?" tanong niya nang makalapit dito. Bahagyang napakislot si Blaine, hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot na iyon ni Mikaela sa kaniyang harapan. Inangat niya ang ulo at nilingon ito. "Wa-wala naman akong problema. Why are you asking?" balik tanong niya rito.Umiling si Mikaela. "Wala, napapansin ko lang ilang araw ka nang parang may malalim na iniisip."Pilit na ngumiti si Blaine, niyakap niya sa bewang si Mikaela, nakatayo kasi ito at siya naman ay nakaupo sa gilid ng kama. Inihilig niya ang ulo sa tiyan nito.Napangiti naman si Mikaela sa ginawing iyon ng kaniyang asawa. Inimagine niya na buntis siya, malaki na ang tiyan niya at pinakikinggan ni B
Napakahirap para kay Blaine ang desisyon na iyon, ang kausapin ang kaniyang kakambal at kumbinsihin ito na pumayag sa gusto niya. Desperado na siya, dumating na siya sa punto na kailangan na niyang gawin ang lahat kahit na hindi nararapat, ito lang ang tanging naisip niya na sasagot sa problema niya. Hindi siya sigurado, hindi pa niya naikunsulta ito sa doktor at hindi kasama sa plano niya na gawin iyon. Naisip niyang kung ang kakambal niya ang makakabuntis sa kaniyang asawa, dahil sa iisa lang ang dugong nanalantay sa kanila at halos wala silang pinagkaiba sa itsura, ay hindi mag-iisip ng kung ano si Mikaela. Walang magiging pagdududa itong mararamdaman, at kung sakaling makabuo sila, kahit ipa-DNA test pa ang bata ay malaki pa rin ang probabilidad at mataas ang porsiyento na lalabas na kadugo niya ito. Kailangan lang ay ibayong pag-iingat na walang makakaalam na buhay pa ang kakambal niya. Isa ito sa maraming sikretong kaniyang itinatago sa asawa niya at sa pamilya."Sir, tama po ba
Gabi na nang makarating si Fiero sa dati niyang tinitirahan, matapos ang ilang oras na biyahe sa himpapawid. Hindi pa naman ganuon katagal siyang nawala sa bansa ngunit nanibago na siya sa oras.Dahil gabi na ay hindi na umuwi sa kaniyang tirahan si Maureen. Apat naman ang kwarto sa bahay na iyon. Siguradong bukas nang maaga ay kakailanganin siya ni Blaine, kaya mas minabuti na lang din niya na doon matulog para nasa malapit lang siya. Sa edad na thirty five ay wala pang sariling pamilya si Maureen, naninirahan itong mag-isa sa townhouse na naipundar niya, ang pamilya kasi niya ay sa malayong probinsiya nakatira. Kaya wala siyang pangamba kahit na saan siya pumunta o matulog dahil wala namang naghihintay sa kaniyang pag-uwi."Matutulog na ako, Fiero," paalam nito sa binata."Sige Ma'am dito muna ako sa labas, hindi pa ako inaantok," ani Fiero."Sige." Umakyat na ito ng hagdan patungo sa second floor kung saan naroon ang mga silid.Maalinsangan ang panahon, bukod sa time difference ay
Hindi maipaliwanag ni Fiero ang nadarama, ayaw niyang umalis pero nakahanda na ang lahat para sa paglisan niya ng bansa. Sinamahan siya ni Maureen, hanggang sa America, sinigurado nito na magiging maayos at komportable siya sa bago niyang tirahan. Isang apartment iyon na tama lang ang sukat, hindi ganu'n kalaki ngunit maganda naman at pulido."Sa Monday ay magsisimula na ang klase mo. Bago ako umuwi ay mamili muna tayo nang lahat ng kakailanganin mo sa school," sabi ni Maureen. Kasalukuyan itong nagluluto sa kusina at siya naman ay pinapanuod lang ang ginagawa nito."Kailan ka aalis?" tanong niya."Sa makalawa pa, bakit?"Bumuntong hininga nang malalim ang binata."Kaya ko bang mabuhay ng mag-isa rito? Lahat sa lugar na ito ay estranghero para sa akin at wala pa akong kakilala," nangangambang pahayag niya.Ngumiti si Maureen at pagkatapos ay tinapik siya sa balikat. "Kaya mo 'yan, matalino ka, mabilis kang matuto at maka-adapt sa mga bagay-bagay. Marami tayong kababayan dito, imposibl
Narinig ni Fiero ang pagdating ng sasakyan ni Blaine kaya dali-dali siyang bumaba para salubungin ito.Pagtapak ng paa niya sa pinakahuling baitang ng hagdan ay siya namang pagpasok ni Blaine. Nagulat siya ng mabibilis ang mga hakbang na lumapit ito sa kaniya at inundayan siya ng malakas na suntok, tumama iyon sa kanang panga niya. Dahil sa labis na pagkabigla at walang kahandaan ay nawalan siya ng balanse at bumagsak sa sahig."Oh, my gosh, Sir, bakit mo sinuntok si Fiero?" Mababakas ang labis na pagkagulat sa mukha ni Maureen, kasama ito ni Blaine nang dumating nasa likuran ito ng kongresista at hindi niya inasahan na susugurin nito ng suntok si Fiero. Dali-dali siyang lumapit sa binata para daluhan ito, inalalayan niya ito na makatayo. Dumudugo ang labi nito na tinanamaan ng mabigat na kamao ni Blaine.Hindi pinansin ni Blaine ang tanong na iyon ni Maureen. Matalim ang mga tingin na ipinukol niya kay Fiero."You backstabber! How dare you?! How could you steal my identity? How could
Ilang araw ring na-stranded sa isla si Blaine kasama ang kaniyang team. Personal nilang hinatid ang isang dalaga na humingi ng tulong sa kaniya para makabalik sa kaniyang pamilya. Na-recruit ito para magtrabaho bilang kasambahay sa Maynila, ngunit sindikato pala ang nakakuha rito. Mabuti na lang at nadiskubre na ang modus ng mga sindikatong iyon at isa nga ang dalaga na nailigtas sa ginawang rescue and operation program sa lugar na nasasakupan ng kongresista."Maraming salamat po, Sir. Pasensiya na po kayo at naabutan pa kayo ng bagyo dahil sa paghatid ninyo sa akin," kiming sabi ng dalagang si Gina kay Blaine."It's okay, ang mahalaga ay nakauwi ka na sa pamilya mo," aniya. "Salamat din sa pag-aaskaso ninyo sa amin. Huwag kayong mag-alala, babalik kami rito para mamigay ng tulong sa pamilya mo at sa mga kababaryo ninyo.""Naku, maraming salamat po, Sir, tiyak na matutuwa ang mga kababaryo ko nito," tuwang sabi ni Gina.Ang ama ni Gina ang naghatid sa kanila hanggang kabilang isla, h
Napadilat si Fiero. Ang buong akala niya ay panaginip lang ang lahat, ngunit nang ilibot niya ang mga mata sa paligid ay naroon pa rin siya sa hindi pamilyar na silid. Lumingon siya sa kaniyang tabi, mag-isa na lamang siya sa kama, wala na si Mikaela, ngunit nanunuot pa rin sa ilong niya ang mabangong amoy nito na kumapit na sa higaan at sa balat niya.Bigla siyang kinabahan nang maisip si Blaine, paano kung dumating na pala ito? Paano kung maabutan siya nito sa silid na iyon? Napasarap ang tulog niya at ang balak na pagtakas kagabi ay hindi na niya nagawa. Araw ng Linggo ngayon, sa pagkakaintindi niya sa sinabi ni Madam Claudia ay Lunes pa raw ang balik ni Blaine."Gising ka na pala, good morning, honey!"Napamaang siya ng marinig ang boses ni Mikaela, hindi niya namalayan na nakapasok na pala ito sa silid dahil sa lalim ng iniisip niya. Tangkang babangon siya ngunit hindi niya naituloy, nabigla siya sa ginawa nito, lumapit ito sa kaniya, sumampa sa kama at dumagan sa ibabaw niya. Hin