Ang tanging gusto lang ni Hastiana Florence sa buhay niya ay mapansin at mahalin ng isang Connor Sullivan kagaya ng pagmamahal niya para dito kaya naman ibinigay niya ang sarili niya dito sa pag-aakala na magiging parehas ang nararamdaman nilang dalawa pero nangangarap lang pala siya dahil kahit kailan ay hindi nito kayang suklian ang pag-ibig niya. Napuno siya ng lungkot at takot lalo na nung nalaman niya na nagbunga ang ginawa nila ni Connor. Upang maiwas sa kahihiyan ang mga magulang ay mas pinili niyang magpakalayo nalang at kalimutan ang lahat. Paano kung isang araw ay magparamdam si Connor sa kaniya?
View MoreConnor point of view"Bro, do you think may manggugulo pa sa kasal niyo ni Florence?" Tanong ni Alisson na nakatayo sa tabi niya."Yeah, I still can't recover from that past incident," tugon naman ni Arisson.Nakangiti siyang umiling bilang sagot sa naging tanong ni Alisson ng hindi inaalis ang tingin sa bukana ng simbahan kung saan nakatayo at naghahanda ng maglakad papasok ng simbahan nag mapapangasawa niya.Sino ba ang makakalimot sa nangyaring insidente na iyon? Noong mga panahong iyon ay akala niya mawawala na ng tuluyan si Florence sa kaniya, habang papunta sila ng hospital ay doon niya unang naramdaman ang kahinaan dahil sa pagkakasaksi niya kung paano dahan-dahan na pumikit ang mga mata ni Florence. Noong mga oras na iyon ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak at tahimik na magdasal na bigyan pa siya ng pagkakataon na makasama ang babaeng mahal niya at ang magiging anak nila."Bro!" Pasigaw na sambit ni Arisson.Napatingin siya dito only to find na nasa tabi na pala
Connor point of viewMabilis kaming nakarating sa lugar kung saan dinala ni Calixta si Florence, medyo nahirapan pa kami dahil may kalakihan ang lugar at marami ang pasikot-sikot pero eventually ay nahanap din naman namin.Naglakad siya ng dahan-dahan sa likod ng isang may kalakihang poste at mula doon ay nakinig siya ng mga pinag-uusapan.Humigpit ang hawak niya sa baril na dala niya pagkatapos marinig ang nagmamakaawang boses ni Florence."Damn you Calixta!" Mahina at madiin na sambit niya. Mabilis siyang tumayo at sinenyasan ang Daddy ni Florence na mauuna na siyang sumugod.Nasa tapat niya lang ito kaya madali lang silang nagkaintindihan. Tumango ito at sinenyasan siya na umabante na kaagad niyang sinunod. Maingat ang bawat hakbang niya pero may pagmamadali din siya dahil habang tumatagal na hindi niya nakikita si Florence at tanging mga hikbi lang nito ang naririnig niya ay para siyang masisiraan ng bait.Nagkubli siya sa likod ng pinto at palihim na sinilip ang mga nangyayari
Connor point of viewIsang linggo na ang nakakalipas mula noong nagpunta sila sa bahay ni Ruel sa pagba-baka sakali na makita doon si Calixta at makausap ito, at hindi naman sila nabigo, nakausap nila si Calixta pero hindi naging maganda ang kinalabasan. Sa loob ng isang linggo wala silang ginawa kung hindi ayusin ang kasal nila habang naghihintay ng pag-atake ni Calixta, pero hindi nangyari ang inaasahan niya na labis niyang ikinakatakot dahil baka kung kailan ikakasal sila ni Florence ay saka ito manggulo."Bro, kanina ka pa namin kinakausap pero nakatulala ka lang diyan sa labas ng simbahan. Sabihan mo kami kung hindi ka pa handang magpakasal para naman maitakas ka na namin habang hindi pa nagsisimula!" Nawala ang malalim niyang iniisip nung marinig niya ang natatawang boses ni Arisson- asawa ni Joana Me, panganay na anak ni Dominador at Consuelo."Arisson ano ka ba, hindi na tatakbo yan si Connor dahil sigurado na nasa tapat pa lang ng simbahan yan ay lumpo na 'yan," natatawang
Calixta point of viewOne month has passed."Miss Dela Vega, can you slowly open your eyes for me?" Patanong na utos ng doctor.Takot ang nararamdaman niya dahil ayaw niyang ma-dismaya siya sa resulta ng eye transplant niya.One month ago ay tuluyan siyang nabulag, walang kahit anong liwanag siyang nakita hindi kagaya noong una na mayroon kaunting liwanag. Noong mga panahon na iyon ay ang plano niya sana na gantihan sina Florence at Connor pero dahil sa pagkabulag niya ay wala siyang nagawa kung hindi ang ipagpaliban ang paghihiganti na gusto niya. Isang linggo pagkatapos niyang mabulag ay humanap siya ng pwedeng maging donor and luckily ay nakahanap siya sa tulong ng mga doctor na kakilala niya.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Napuno siya ng kaba dahil tanging blurry lang ang nakikita niya."Is your eyesight okay?" Tanong muli ng doctor.Kumurap siya baka sakaling magbago ang mga blurry na nakikita niya at halos mapatalon siya sa saya dahil habang tumatagal ay lumilin
Florence point of viewSorry love, na-late ako," puno ng pagsisisi na wika ni Connor habang yakap siya."L-Late k-ka na t-talaga."Sabay silang napatingin ni Connor sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng mas mahigpit na pagyakap niya kay Connor.Sa harapan nila ay nakatayo at nakangising nakatutok ang baril nung lalaki na nagtangkang pumatay sa kaniya."Nooooooo!" Sigaw niya para patigilin ito sa tangka nitong gawin pero;BANG!Huli na ang lahat dahil isang malakas na putok ng baril ang muling umalingawngaw sa loob ng kwarto niya. Namutla siya kasabay ng pagtakas ng lahat ng dugo na mayroon siya.Nanginginig na pinagmasdan niya ang dahan dahan na pagbagsak ng lalaki na nagtangka sa kaniyang pumatay. Isa-isang pumatak ang dugo mula sa bibig nito. Natutop niya ang bibig niya dahil sa halo-halong emosyon.Dahan-dahan siyang umalis sa kama para puntahan ang lalaki na kasalukuyang naghahabol ng hininga habang nasa kisame lang ang tingin. Bumubuka ang bibig nito na para itong n
Florence point of viewPagkalabas ng kwarto ni Connor at ng mga magulang niya ay saka lang siya tumihaya mula sa pagkakatagilid niya ng higa.Sakto naman na pagtihaya niya ay ang pagbukas ng pinto ng hospital room niya. Pumasok ang isang naka-uniporme ng pang-hospital pero napakunot ang noo niya sa pagtataka dahil masyadong balot ang suot nito."Ikaw ba ang doctor na tumingin sa akin?" Tanong niya.Tumingin ito sa kaniya pero hindi ito sumagot, bumaling ito sa pinto at sinarado iyon. (Click!) Mabilis siyang bumaling sa pinto bago kinakabahan na tumingin siya sa mukha ng staff ng hospital na pumasok."Bakit mo ni-lock yung pinto?" Tanong niya habang umuupo siya at mas idinidikit ang sarili sa dingding ng room niya.Nagsimulang maglakad palapit sa kaniya ang staff, ang mga tingin nito ay nanunuot sa kaniya at para siyang sinasaksak dahil sa sobrang talim non."Tinatanong kita kung ano ang balak mo at kinandado mo ang pinto!?" Singhal niya.Ramdam niya ang pag-ngisi nito sa likod ng fa
Connor point of viewIt feels like deja vu. Hawak niya ngayon ang mga kamay ng walang malay na si Florence, just like noong nag-crash ang eroplano nito, walang kasiguraduhan kung magigising ito at tanging milagro nalang ang kakapitan."Why you did not stopped her!?" Galit na sigaw ng Mommy ni Florence. Lumapit ito sa kaniya at pinagsusuntok siya sa mukha.Sobrang sakit ng mga suntok nito pero walang wala ang mga ito sa sakit na nararamdaman niya habang hawak niya ang kamay ng walang malay niyang minamahal.Hindi siya nakakibo dahil hanggang ngayon ay shock pa rin siya sa mga nangyari."Sumagot ka! Bakit hinayaan mo ang anak ko na magkaganito!?" Muli ay sigaw nito habang mas nilalakasan ang pagsuntok sa kaniya.Tahimik lang na tinanggap niya ang mga suntok na ibinibigay ng Mommy nito."Consuelo, aksidente ang mga nangyari kaya hindi mo pwedeng sisihin si Connor," sambit ni Daddy Dominador at sapilitang inilayo sa kaniya si Mommy Consuelo."No Dominador! Wala siyang ginawa para protekta
Calixta point of view"Ikaw na nga ang inaalala pero ikaw pa ang nagagalit. Magsama kayo ng halimaw mong kaibigan!" Sigaw nito at tumatakbong lumabas ng morgue, muntik pa itong mabangga sa pinto.Kaagad siyang na-konsensya sa nagawa niya dito kaya naman hinabol niya ito para sana suyuin pero habang nakikita niya itong paulit-ulit na nadadapa at bumabangon ay natigilan siya at tahimik lang na tinatanaw ito.Ilang minuto pa niyang tinanaw ito bago siya naglakad pabalik sa morgue."Mas mabuti na siguro na maghiwalay kami ng landas para na rin sa kaligtasan niya," pagkausap niya sa kaibigan niya.Ilang beses pa niyang kinausap ang kaibigan niya bago siya nag-desisyon na umalis ng morgue. Nag-iwan muna siya ng isang liham at one hundred thousand in cash para sa lahat ng expenses pati sa pagpapalibing sa kaibigan niya.Pagkalabas niya ng morgue ay muli siyang tumingin sa huling pagkakataon. Kasabay ng pagtulo ng luha niya ay ang pamamaalam niya sa kaibigan na ilang beses nagligtas sa kaniya
Ruel point of view"I'm sorry sir, but kailangan na po siyang idala sa morgue," sambit ng isang boses.Mula sa pagkakatulala ay mabilis siyang tumingin sa nagsalita. Nakita niya ang dalawang lalaki na nasa harapan ng hinihigaan ng kaibigan niya at nakahawak na ang mga ito sa gurney base sa suot ng mga ito ay nahulaan niya kaagad na staff ito ng hospital.Tumalim ang mga mata niya, "morgue!?" Galit na bulyaw niya. "Bakit ninyo dadalhin sa morgue ang kaibigan ko, hindi pa siya patay!" Dugtong pa niya at hinarangan niya ang mga staff ng hospital na gustong kuhanin ang katawan ng kaibigan niya.Nagkatinginan ang dalawang nasa harapan niya at bakas ang pagtatakha sa mukha ng mga ito. Nagbulungan pa ang mga ito, isang bagay na mas lalong ikinagalit niya."Umalis na kayo dahil wala kayong mapapala dito, hindi pa patay ang kaibigan ko!"Walang nagawa ang dalawang staff ng hospital kung hindi ang umalis nalang. Pagkalabas ng mga ito ay muling bumalik sa kaniya yung mga panahon na hindi pa sila
Third person point of view"This is Calixta Dela Vega, a business partner and a girlfriend of mine," buong pagmamalaking pinakilala ni Connor ang magandang babae na nasa tabi nito.Natigilan si Hastiana sa tangkang pag-inom ng alak at nanginginig ang kamay na naibaba ang baso.Girlfriend? Yeah, how stupid of her to not think na walang kasintahan si Connor. Nangilid ang luha niya kasabay ng paninikip ng dibdib niya pero hindi niya hinayaan na tumulo ito.Nanatili siyang kalmado habang pinapanood ang may malaking ngiti na si Calixta habang tinitignan sila isa-isa."Hi! My name is Calixta and I am Connor's girlfriend. It's a pleasure to meet you guys!" She has the sweetest smile like a candy, hindi kagaya niya na mukhang nakakain ng maasim na candy.Kinuha niya ang baso na nasa harapan niya para muling lumagok ng alak."I didn't catch your name, are you one of my boyfriend's employee?" Tanong nito na hindi niya alam kung para kanino dahil ang tingin niya ay nasa baso lang na hawak niya....
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments