Third person point of viewPinipiga ang puso ni Hastiana habang naririnig niya ang malungkot na boses ni Connor habang nakikiusap sa kausap nito sa cellphone.Tinutop niya ang bibig para pigilan ang paghikbi pero kumawala pa rin iyon.Mabilis siyang umalis sa pagkakasandal sa likod ng pinto para pumunta sa kama at doon umiyak.Nagtatalo ang puso at isip niya, isinisigaw ng isip niya na hindi deserve ni Connor ang kapatawaran para sa nagawa nito pero ang sigaw ng puso niya ay kasiyahan dahil sa wakas nagawa na siyang pansinin ng lalaking mahal niya.Hindi niya na alam kung gaano na siya katagal na umiiyak basta ang alam lang niya ay nakatulugan na niya iyon pero bago siya tuluyang makatulog ay nakarinig siya ng mahinang pagkanta mula sa labas ng kwarto niya.Kinabukasan ay maaga siyang bumangon dahil may trabaho pa siya pero hindi iyon ang dahilan kung bakit maaga siyang nagising.Tumayo siya at kaagad ng naghanda para pumasok, nag-apply lang siya ng light make-up and all set na siya.
Third person point of view"Spain, huh!" Nakangising sambit ni Connor habang nakatingin sa cellphone niya kung saan may nakalabas na mapa at sa gitna noon ay may maliit na red dot na paulit-ulit na nagbi-blink."What is it?" Curious na tanong ng nasa kabilang linya.Napailing si Connor dahil nakalimutan niya na may kausap pa pala siya sa kabilang linya."Just like you predicted, umalis siya ng walang paalam," sagot niya na hindi maitago ang lungkot."Don't be sad man!" Natatawang sambit nito."Thanks bro, kasi tinutulungan mo pa rin ako sa kabilang ng mga nangyari," pasasalamat niya.Masaya siya na may kaibigan siyang kagaya ni Blake.Natawa ito, "much as I wanted to see you suffering, ayokong lumaki na walang tatay ang pamangkin ko pero sa oras na sinaktan mo ulit si Florence ay ha-huntingin kita hanggang impyerno!" pabiro pero may halong pagbabanta nito.Umigting ang panga niya hindi dahil sa pagbabanta nito kung hindi dahil sa pangalan na binanggit nito."Hastiana bro, Hastiana!" M
Third person point of viewNaglalakad sa airport si Connor para mag-check in dahil uuwi na siya ng pilipinas nung mula sa gilid ng mga mata niya ay natanaw niya ang isang monitor. Pinagkakaguluhan iyon ng mga kapwa niya pasahero. Nilagpasan niya iyon at hindi pinansin pero dala ng curiosity at parang may nagtutulak sa kaniya na tignan iyon ay naglakad siya pabalik para tignan ang monitor.Pagdating niya sa tapat ng malaking monitor ay nakita niya ang isang pribadong eroplano ang umuusok habang nasa pangpang ng karagatan."Kawawa naman, ang sabi ay papuntang spain ang eroplano na iyan," dinig niyang pakikisimpatya ng katabi niya.Noong una ay parang wala lang sa kaniya ang sinabi nito pero unti-unting nanlaki ang mga mata niya pagkatapos mapagtanto ang sinabi nito kasabay non ay malakas na tumunog ang cellphone niya.Nagsimulang kumabog ng malakas ang dibdib niya kasabay ng panginginig ng katawan niya.Kinuha niya ang cellphone niya at tinignan kung sino ang tumatawag. Kaagaad siyang
Third person point of viewNaupo sa tabi ng kama ni Florence si Connor at umiiyak na hinawakan niya ang kamay nito."F-Florence, w-wake up p-please," umiiyak na pakiusap niya dito habang mahinang pinipisil ang kamay nito.Nung wala itong naging response ay mas lumakas ang paghikbi niya at dinukdok niya ang ulo niya sa ibabaw ng kamay nito. Hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili niya sa nangyari dito. Kung hinayaan nalang sana niya ito ay baka wala ito sa hospital ngayon.Nakarinig si Connor ng mahinang pagbukas ng pinto. Hindi na siya nag-abala pa na tignan kung sino iyon"Who are you and why are you here!?" Naaalarmang tanong ng isang babae.Hindi na makuha pa ni Connor na tignan ang nagsalita dahil sa sobrang pagod na nararamdaman niya. Hinayaan niya nalang itong magdaldal at tumawag ng security habang siya naman ay dahan-dahan ng pumipikit dahil sa antok."Promise ko na kahit araw-araw mo akong guluhin at sungitan ay hindi ako magagalit basta gumising ka lang," mga huling pakiu
Third person point of view"Sir, you need to wake up!" Sigaw ng nurse.Napabalikwas ng bangon si Connor at kinakabahan na napatingin siya kay Florence.Napahinga siya ng maluwag nung makita na ayos lang ito at walang nangyari masama. Bumalik siya sa pag-upo bago hinawakan ang kamay nito at hinalikan ang likod ng palad."Wake up Love, nag-aalala na kami ng sobra sa iyo," bulong niya. "Love?" Dismayadong tanong ng isang boses babae.Mabilis na bumaling siya sa nagsalita at doon lang niya napansin na marami na palang tao sa room ng girlfriend niya. Isa-isa niyang tinignan ang mga nasa loob ng room. May tatlong babae na nurse ang nakatingin sa kaniya at tatlong lalaki na nakasuot ng uniporme na may nakatatak na security."Who are you and why are you here?" Gulat na tanong niya sa mga ito. "We are the one that should ask you that question. You went in here without permission. So who are you?" Nakataas ang kilay na tanong ng isang meztisa at may blonde na buhok na nurse sa kaniya."I am
Third person point of viewTulala si Hastiana habang nakatingin sa umiiyak na si Connor. Hindi niya alam kung bakit ito umiiyak, gayong siya dapat ang umiiyak kasi na-reject na naman siya. Like it always does.Bumuka ang bibig niya at sinubukan niyang magtanong dito pero hindi niya alam kung bakit walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig niya kaya naman isinara niya ang bibig niya at magkakasunod siyang lumunok para alisin ang nagbara sa lalamunan niya."Why are you making this hard for me, Connor?" Nahihirapan na tanong niya.Her mind is set na mag-mo-move on na pero kung ganito ang akto nito ngayon ay hindi niya alam kung makakaya pa ba niyang maka-ahon.Lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi bago umiling, "I don't know," sagot nito habang titig na titig sa mga mata niya.Para siyang yelo na unti-unting natutunaw sa mga titig nito.Nagpalitan sila ng titig habang unti-unting lumalapit ang mukha nito sa kaniya."Don't do this to me Connor or I won't be a
Third person point of view"Who is pregnant, Blake?" Sa kabila ng pamumutla at kaba na nararamdaman ay nilakasan niya ang loob niya at dahan-dahan niyang hinarap ang nagsalita.Tigagal siya at mas lalong kinabahan pagkakita sa nangungunang businessman sa bansa. Seryoso ang mukha nito maging ang mga mata bagay na nakadagdag sa kaba niya."Uncle," tawag ni Blake at naglakad palapit dito.This is Florence father? Magkakasunod siyang napalunok."May kasama ka pala hindi ko alam," sambit nito sa kaibigan niya habang seryosong nakatingin sa kaniya. Dahan-dahan siyang tumango dito bilang pag-galang, "sir," aniya.Tumango din ito at binalik na ang tingin sa kaibigan niya."So, who is pregnant?" Tanong nitong muli."Ah! Wala iyon tito, isa sa mga kakilala namin ang buntis at pinag-iisipan pa namin kung ano ang ireregalo namin sa kaniya," nakangisi na pagdadahilan ni Blake.Matagal na silang magkaibigan ni Blake pero hindi niya akalain na expert na ito sa pagsisinungaling."Ah, okay. Anyway l
Third person point of view"YOU IMPREGNATED MY DAUGHTER!?" Parang angil ng isang mabangis na lion na dumagundong sa loob ng private room ang boses ng Daddy ni Florence.Nanginginig na humiwalay siya sa pagyakap kay Florence para harapin ang tatay nito."M-Magpapaliwanag a-ako s-sir," kabadong sambit niya habang mabagal na itinataas niya ang kamay bilang pagsuko."Daddy, will you stop threatening him!?" Nagmamaktol na sambit ni Florence dito.Kaagad na lumambot ang expression ng Daddy ni Florence at nakangiti na bumaling sa anak nito."Okay, okay, I'll calm down now, but I still need to test you kung karapat-dapat ka ba para sa anak ko!" Sagot nito kay Florence bago siya binalingan at itinuro.Tumango siya bilang tugon na gagawin niya ang lahat para kay Florence.Napatingin sila ni Florence sa isa't-isa at mahigpit na nagyakap."I'm sorry about my Dad," mahinang bulong nito.Umiling siya, "hmm, naiintindihan ko sila. They are worried about you," sagot niya dito."They always are, para
Connor point of view"Bro, do you think may manggugulo pa sa kasal niyo ni Florence?" Tanong ni Alisson na nakatayo sa tabi niya."Yeah, I still can't recover from that past incident," tugon naman ni Arisson.Nakangiti siyang umiling bilang sagot sa naging tanong ni Alisson ng hindi inaalis ang tingin sa bukana ng simbahan kung saan nakatayo at naghahanda ng maglakad papasok ng simbahan nag mapapangasawa niya.Sino ba ang makakalimot sa nangyaring insidente na iyon? Noong mga panahong iyon ay akala niya mawawala na ng tuluyan si Florence sa kaniya, habang papunta sila ng hospital ay doon niya unang naramdaman ang kahinaan dahil sa pagkakasaksi niya kung paano dahan-dahan na pumikit ang mga mata ni Florence. Noong mga oras na iyon ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak at tahimik na magdasal na bigyan pa siya ng pagkakataon na makasama ang babaeng mahal niya at ang magiging anak nila."Bro!" Pasigaw na sambit ni Arisson.Napatingin siya dito only to find na nasa tabi na pala
Connor point of viewMabilis kaming nakarating sa lugar kung saan dinala ni Calixta si Florence, medyo nahirapan pa kami dahil may kalakihan ang lugar at marami ang pasikot-sikot pero eventually ay nahanap din naman namin.Naglakad siya ng dahan-dahan sa likod ng isang may kalakihang poste at mula doon ay nakinig siya ng mga pinag-uusapan.Humigpit ang hawak niya sa baril na dala niya pagkatapos marinig ang nagmamakaawang boses ni Florence."Damn you Calixta!" Mahina at madiin na sambit niya. Mabilis siyang tumayo at sinenyasan ang Daddy ni Florence na mauuna na siyang sumugod.Nasa tapat niya lang ito kaya madali lang silang nagkaintindihan. Tumango ito at sinenyasan siya na umabante na kaagad niyang sinunod. Maingat ang bawat hakbang niya pero may pagmamadali din siya dahil habang tumatagal na hindi niya nakikita si Florence at tanging mga hikbi lang nito ang naririnig niya ay para siyang masisiraan ng bait.Nagkubli siya sa likod ng pinto at palihim na sinilip ang mga nangyayari
Connor point of viewIsang linggo na ang nakakalipas mula noong nagpunta sila sa bahay ni Ruel sa pagba-baka sakali na makita doon si Calixta at makausap ito, at hindi naman sila nabigo, nakausap nila si Calixta pero hindi naging maganda ang kinalabasan. Sa loob ng isang linggo wala silang ginawa kung hindi ayusin ang kasal nila habang naghihintay ng pag-atake ni Calixta, pero hindi nangyari ang inaasahan niya na labis niyang ikinakatakot dahil baka kung kailan ikakasal sila ni Florence ay saka ito manggulo."Bro, kanina ka pa namin kinakausap pero nakatulala ka lang diyan sa labas ng simbahan. Sabihan mo kami kung hindi ka pa handang magpakasal para naman maitakas ka na namin habang hindi pa nagsisimula!" Nawala ang malalim niyang iniisip nung marinig niya ang natatawang boses ni Arisson- asawa ni Joana Me, panganay na anak ni Dominador at Consuelo."Arisson ano ka ba, hindi na tatakbo yan si Connor dahil sigurado na nasa tapat pa lang ng simbahan yan ay lumpo na 'yan," natatawang
Calixta point of viewOne month has passed."Miss Dela Vega, can you slowly open your eyes for me?" Patanong na utos ng doctor.Takot ang nararamdaman niya dahil ayaw niyang ma-dismaya siya sa resulta ng eye transplant niya.One month ago ay tuluyan siyang nabulag, walang kahit anong liwanag siyang nakita hindi kagaya noong una na mayroon kaunting liwanag. Noong mga panahon na iyon ay ang plano niya sana na gantihan sina Florence at Connor pero dahil sa pagkabulag niya ay wala siyang nagawa kung hindi ang ipagpaliban ang paghihiganti na gusto niya. Isang linggo pagkatapos niyang mabulag ay humanap siya ng pwedeng maging donor and luckily ay nakahanap siya sa tulong ng mga doctor na kakilala niya.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Napuno siya ng kaba dahil tanging blurry lang ang nakikita niya."Is your eyesight okay?" Tanong muli ng doctor.Kumurap siya baka sakaling magbago ang mga blurry na nakikita niya at halos mapatalon siya sa saya dahil habang tumatagal ay lumilin
Florence point of viewSorry love, na-late ako," puno ng pagsisisi na wika ni Connor habang yakap siya."L-Late k-ka na t-talaga."Sabay silang napatingin ni Connor sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng mas mahigpit na pagyakap niya kay Connor.Sa harapan nila ay nakatayo at nakangising nakatutok ang baril nung lalaki na nagtangkang pumatay sa kaniya."Nooooooo!" Sigaw niya para patigilin ito sa tangka nitong gawin pero;BANG!Huli na ang lahat dahil isang malakas na putok ng baril ang muling umalingawngaw sa loob ng kwarto niya. Namutla siya kasabay ng pagtakas ng lahat ng dugo na mayroon siya.Nanginginig na pinagmasdan niya ang dahan dahan na pagbagsak ng lalaki na nagtangka sa kaniyang pumatay. Isa-isang pumatak ang dugo mula sa bibig nito. Natutop niya ang bibig niya dahil sa halo-halong emosyon.Dahan-dahan siyang umalis sa kama para puntahan ang lalaki na kasalukuyang naghahabol ng hininga habang nasa kisame lang ang tingin. Bumubuka ang bibig nito na para itong n
Florence point of viewPagkalabas ng kwarto ni Connor at ng mga magulang niya ay saka lang siya tumihaya mula sa pagkakatagilid niya ng higa.Sakto naman na pagtihaya niya ay ang pagbukas ng pinto ng hospital room niya. Pumasok ang isang naka-uniporme ng pang-hospital pero napakunot ang noo niya sa pagtataka dahil masyadong balot ang suot nito."Ikaw ba ang doctor na tumingin sa akin?" Tanong niya.Tumingin ito sa kaniya pero hindi ito sumagot, bumaling ito sa pinto at sinarado iyon. (Click!) Mabilis siyang bumaling sa pinto bago kinakabahan na tumingin siya sa mukha ng staff ng hospital na pumasok."Bakit mo ni-lock yung pinto?" Tanong niya habang umuupo siya at mas idinidikit ang sarili sa dingding ng room niya.Nagsimulang maglakad palapit sa kaniya ang staff, ang mga tingin nito ay nanunuot sa kaniya at para siyang sinasaksak dahil sa sobrang talim non."Tinatanong kita kung ano ang balak mo at kinandado mo ang pinto!?" Singhal niya.Ramdam niya ang pag-ngisi nito sa likod ng fa
Connor point of viewIt feels like deja vu. Hawak niya ngayon ang mga kamay ng walang malay na si Florence, just like noong nag-crash ang eroplano nito, walang kasiguraduhan kung magigising ito at tanging milagro nalang ang kakapitan."Why you did not stopped her!?" Galit na sigaw ng Mommy ni Florence. Lumapit ito sa kaniya at pinagsusuntok siya sa mukha.Sobrang sakit ng mga suntok nito pero walang wala ang mga ito sa sakit na nararamdaman niya habang hawak niya ang kamay ng walang malay niyang minamahal.Hindi siya nakakibo dahil hanggang ngayon ay shock pa rin siya sa mga nangyari."Sumagot ka! Bakit hinayaan mo ang anak ko na magkaganito!?" Muli ay sigaw nito habang mas nilalakasan ang pagsuntok sa kaniya.Tahimik lang na tinanggap niya ang mga suntok na ibinibigay ng Mommy nito."Consuelo, aksidente ang mga nangyari kaya hindi mo pwedeng sisihin si Connor," sambit ni Daddy Dominador at sapilitang inilayo sa kaniya si Mommy Consuelo."No Dominador! Wala siyang ginawa para protekta
Calixta point of view"Ikaw na nga ang inaalala pero ikaw pa ang nagagalit. Magsama kayo ng halimaw mong kaibigan!" Sigaw nito at tumatakbong lumabas ng morgue, muntik pa itong mabangga sa pinto.Kaagad siyang na-konsensya sa nagawa niya dito kaya naman hinabol niya ito para sana suyuin pero habang nakikita niya itong paulit-ulit na nadadapa at bumabangon ay natigilan siya at tahimik lang na tinatanaw ito.Ilang minuto pa niyang tinanaw ito bago siya naglakad pabalik sa morgue."Mas mabuti na siguro na maghiwalay kami ng landas para na rin sa kaligtasan niya," pagkausap niya sa kaibigan niya.Ilang beses pa niyang kinausap ang kaibigan niya bago siya nag-desisyon na umalis ng morgue. Nag-iwan muna siya ng isang liham at one hundred thousand in cash para sa lahat ng expenses pati sa pagpapalibing sa kaibigan niya.Pagkalabas niya ng morgue ay muli siyang tumingin sa huling pagkakataon. Kasabay ng pagtulo ng luha niya ay ang pamamaalam niya sa kaibigan na ilang beses nagligtas sa kaniya
Ruel point of view"I'm sorry sir, but kailangan na po siyang idala sa morgue," sambit ng isang boses.Mula sa pagkakatulala ay mabilis siyang tumingin sa nagsalita. Nakita niya ang dalawang lalaki na nasa harapan ng hinihigaan ng kaibigan niya at nakahawak na ang mga ito sa gurney base sa suot ng mga ito ay nahulaan niya kaagad na staff ito ng hospital.Tumalim ang mga mata niya, "morgue!?" Galit na bulyaw niya. "Bakit ninyo dadalhin sa morgue ang kaibigan ko, hindi pa siya patay!" Dugtong pa niya at hinarangan niya ang mga staff ng hospital na gustong kuhanin ang katawan ng kaibigan niya.Nagkatinginan ang dalawang nasa harapan niya at bakas ang pagtatakha sa mukha ng mga ito. Nagbulungan pa ang mga ito, isang bagay na mas lalong ikinagalit niya."Umalis na kayo dahil wala kayong mapapala dito, hindi pa patay ang kaibigan ko!"Walang nagawa ang dalawang staff ng hospital kung hindi ang umalis nalang. Pagkalabas ng mga ito ay muling bumalik sa kaniya yung mga panahon na hindi pa sila