BITTER SWEET LOVE STORY OF US

BITTER SWEET LOVE STORY OF US

last updateLast Updated : 2024-04-25
By:  DaylanCompleted
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
79Chapters
1.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

This story was about my bitter and sweet love story. My bitter-sweet love story began when I was twelve years old. I had a huge crush on my neighbor, Dean Samaniego. He's tall, handsome, and smart but a little bit aloof, especially to me. He always ignored me though we were just neighbors. After six long years of having a crush on Dean, I finally decided to give up my feelings for him. The fact finally hits on me, that no matter what I did he's not going to like me back. We moved to another city after a tragedy falls on my family. Since then, Dean and I have never met again. But after ten long years, we finally meet each other. He is now a lawyer, a well-known and successful public defender while I'm just a small coffee shop owner. After I met him again I realized that I still liked him a lot, but I found out that he's already engaged to someone else. Is this a second chance that God gave me to pursue Dean again or a second chance for me to feel the heartache that I once was felt before?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Brianna

Matamis ang aking pagkakangiti habang pinapanuod ko ang guwapong hitsura ng aking groom na naghihintay sa akin sa harap ng altar. Pakiramdam ko ay napaka-suwerte ko talaga sa kanya. Dahi siya ang pinaka-guwapong groom na nakita ko sa buong buhay ko. At hindi lang 'yon siyempre, dahil mahal na mahal niya ako.

Pero hindi lang ako ang masuwerte sa kanya dahil masuwerte rin naman siya sa akin. Dahil mahal na mahal ko rin siya. Sa katunayan ay tanging siya lamang ang lalaking minahal ko sa tanang buhay ko.

Pakiramdam ko ay parang lumulutang ako sa alapaap habang naglalakad palapit sa kanya. Finally, my long time dream did came true. Sino ba naman ang mag-aakala na kaming dalawa ang magkakatuluyan? Eh hindi nga niya ako pinapansin noong mga teenager pa lamang kami. But look at us now, we still ended up together.

"You're so beautiful," hindi napigilang sabihin sa akin ng groom ko habang inaabot niya ang kamay ko.

"Siyempre, guwapo ang magiging asawa ko kaya't kailangang maganda rin ako," nakangiting biro ko sa kanya habang naglalakad kami palapit sa harap ng altar.

Sabay kaming lumuhod sa harapan ng pari upang umpisahan na ang seremonyas ng aming pag-iisang dibdib.

"Bago tayo mag-umpisa ay tatanungin ko muna ang lahat. Wala bang tumututol sa kasalang ito?" malakas na tanong ng pari.

Sa lakas ng boses nito ay halos matulig ang tainga ng mga taong nasa loob ng simbahan. Lahat tuloy kami ay biglang napatakip sa aming mga tainga.

"Walang tututol sa kasal namin, Father. Kaya puwede mo nang umpisahan ang kasal," hindi mapigilang wika ko sa tono na hindi na makapaghintay. Hindi tuloy naiwasang matawa ng mga taong nakarinig sa sinabi kong iyon.

"Sigurado kang wala?" tanong ng pari sabay tingin sa mukha ko.

Teka, kilala ko ang paring ito na magkakasal sa amin, ah. Anak ng pating! Bakit naging pari ang impakto kong kapatid?

"Inuulit ko. Wala bang tumututol sa kasalang ito?" muling tanong ng paring kamukha ng kapatid ko.

"Itigil ang kasal!" sigaw ng boses ng isang lalaki mula sa kung saan.

Lahat kami ay napatingin sa pinagmulan ng boses na tumututol sa kasal namin ng lalaking pinakamamahal ko. At ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makilala ko kung sino ang tumututol sa kasal ko.

"Peter?"

Napabalikwas ako ng bangon sabay mulat sa aking mga mata nang marinig ko ang tatlong sunud-sunod na malalakas na mga katok sa pintuan ng aking kuwarto.

"Brianna! Tanghali na! Gumising ka na, Anak!" malakas na sigaw ng mommy ko mula sa labas ng aking kuwarto.

"Istorbo talaga. Ikakasal na sana kami ng mahal ko ay may kumatok pang bigla. At may tumutol pa na isang halimaw," nayayamot na bulong ko sa sarili habang dahan-dahang bumabangon sa aking kama para pagbuksan ang taong kumakatok sa labas ng pintuan ng aking kuwarto.

"Kagigising mo pa lang, Brianna? Anong oras na? Mali-late ka niyan pagpasok sa school," sita sa akin ni Mommy nang buksan ko ang pintuan.

"Mommy talaga panira ng tulog. Ang sarap-sarap ng panaginip ko, eh. Ikakasal na kami kaso nagising ako sa malakas na pagkatok mo sa pintuan. Saka may halimaw pa na biglang tumutol sa kasal ko," I pouted my lips when I remembered the person who stops my wedding. Makakatikim siya sa akin mamaya.

Ang lalaking tumutol sa kasal ko sa aking panaginip ay walang iba kundi ang kaklase at kaibigan kong si Peter, samantalang ang pari naman na magkakasal sa amin ay walang iba kundi ang kakambal kong kapatid na si Bryle.

"Naku, ikaw talagang bata ka. At sino naman ang groom sa panaginip mo? 'Wag mong sabihing si Dean na naman?" naiiling na tanong ng mommy ko. May munting ngiti sa mga labi nito habang nagsasalita.

Medyo nahihiya akong ngumiti sa kanya. Medyo lang naman. Alam naman na kasi ng pamilya ko na may lihim akong crush sa anak ng bestfriend ni Mommy. At saka hindi lang naman ngayon ang unang beses na napanaginipan ko na ikinakasal kami ni Dean. Kundi maraming beses na.

My feelings for Dean is like an open book to my family. Lahat na kasi sila ay alam na may damdamin akong itinatago sa supladong kapitbahay namin. Dahil do'n ay madalas tuloy nila akong pagtulungang asarin.

Magmula noong lumipat ang pamilya ni Dean sa tabi ng bahay namin four years ago ay nagka-crush na agad ako sa kanya. Sabihin na nating nagka-crush at first sight ako sa kanya. Matangkad na kasi siya noon kahit fourteen pa lamang ang edad niya, guwapo at malakas ang dating. At na-curious din ako sa kanya dahil binati ko siya ngunit hindi man lang niya ako pinansin. Sa halip na ma-turn off ako sa kanya dahil may pagka-suplado siya ay mas hinangaan ko pa siya. Para kasi siyang bida sa mga napapanuod kong Asian drama. May pagka-suplado ang bida pero may kabaitang itinatago sa loob. Siguro nadala na rin ako sa kapapanuod ko ng mga Asian drama na 'yan.

Mas lalo akong nagka-crush kay Dean nang pumasok siya sa school namin kung saan ako nag-aaral. Grade seven pa lang ako no'n at siya naman ay grade nine. Natuklasan ko na matalino pala siya at magaling pa sa sports. Siya ang naging panlaban ng school namin sa mga contest katulad ng quiz bee, spelling contest, debate at iba pa.

Magaling din siyang maglaro ng chess, tennis at basketball. Para sa akin, isa siyang perfect student and perfect boyfriend for a girl like me. Pero dahil sa mga katangian niyang taglay ay marami tuloy akong naging karibal sa kanya. Marami kasing mga babaeng estudyante ang nagkagusto sa kanya sa school namin. But I'm thankful sa pagiging suplado niya at aloof sa mga babae. Dahil do'n kaya nangingilag ang ibang mga babae na lumapit sa kanya sa takot na baka mapahiya lamang ang mga ito. Kaya pare-pareho lamang kami na hanggang tanaw at buntong-hininga ng malalim ang kayang gawin na lamang. At least, hindi lang sa akin siya suplado kundi sa lahat ng mga babae. So may pag-asa pa ako na mapaamo ko siya.

Mabait naman si Dean sa bahay nila at pati na rin sa mga magulang ko't sa kakambal ko. Ang totoo nga ay mag-close ang mga pamilya namin dahil mag-bestfriend ang aming mga nanay at magkapit-bahay lamang kami. Madalas nagbibigayan ng kung anu-ano lang. At madalas din itong kalaro ni Daddy sa larong chess. Pero ewan ko nga ba at mukhang ayaw talaga niyang makipag-lapit sa akin. Mas close pa nga siya sa alaga kong aso na si Shitzu kaysa sa aming dalawa. Shih Tzu kasi ang breed ng alaga kong aso kaya pinangalanan ko siyang Shitzu.

"Pinagnanasaan mo na naman ba si Kuya Dean sa panaginip mo, Ate? Isusumbong na talaga kita sa kanya," kantiyaw ng kapatid kong si Bryle na padaan sa harapan ng kuwarto ko kaya narinig niya ang pinag-usapan namin ni Mommy. Binigyan niya ako ng nang-iinisna ngiti.

"Shut up!" asik ko sa kanya at pagkatapos ay pinandilatan ko siya ng mga mata sabay irap.

Kahit na kailan talaga ay napaka-alaskador ng kakambal kong ito. Kung hindi lamang kami kambal ay iisipin ko na hindi talaga kami tunay na magkapatid. Magkaibang-magkaiba kasi kami sa lahat ng mga bagay. Matalino siya, average level lang ako, brown ang kulay ng balat niya samantalang maputi ako, hugis-puso ang mukha niya at ako naman ay maliit na bilog, matangkad siya at ako'y medyo kinapos sa height. Ayaw ko kasing uminom ng growee noong mga bata pa kami kaya hindi ako tumangkad. Hindi katulad ni Bryle na halos simutin pa ang laman ng bote kapag ubos na ang gamot pampatangkad.

Pero naisip ko na mana siya kay Daddy at ako naman ay mana kay Mommy. Matalino kasi si Daddy, matangkad at medyo tan ang balat samantalang si Mommy ay maputi dahil palaging nasa loob ng bahay namin o di kaya'y nasa bahay nila Dean at walang ginagawa kundi makipag-kuwentuhan kay Tita Amalia. Talagang totally housewife and a mother si Mommy para kay Daddy at sa aming dalawa ng nakababata kong kapatid.

Matanda ako ng ilang minuto kay Bryle kaya tinatawag niya akong ate. Minsan naman ay tinatawag ko siyang bunso kapag inaasar ko naman siya. Ayaw na ayaw niya kasi na tinatawag ko siya sa ganoong palayaw. Pang-baby lang daw ang palayaw na bunso kahit na hindi naman.

Matalino ang kakambal ko. Ito ang nangunguna sa lahat ng mga section sa aming antas. Guwapo din kahit na may pagka-seryoso rin kapag kaharap ang ibang tao. Pero sa akin ay malakas siyang mang-asar pero sa ibang tao ay may pagka-seryoso rin ito katulad ni Dean. Kaya click na click ang dalawa dahil nakikita siguro nila ang kanilang mga sarili sa bawat isa. Gano'n ba talaga kapag guwapo at matalino ang isang tao? Sa mga katulad nila na nag-i-excel sa lahat ng bagay nakikipaglapit at nakikipag-kaibigan lamang?

Kung matalino ang kakambal ko ako naman ay eksakto lamang. Hindi masasabing matalino talaga pero malayo naman para masabing bobo. Tamad lang kasi ako mag-aral dahil ang oras ko ay nauubos sa kakapanuod ng mga Asian drama sa Youtube at cable channel. Pero siguro naman kung magseseryoso ako sa pag-aaral ay baka mahanay din ako sa mga honor list ng classroom namin.

"O siya, huwag na kayong mag-asaran diyan at baka pareho pa kayong ma-late sa klase," saway ni Mommy sa aming magkapatid. "Maligo ka na Brianna at mag-ayos ng sarili mo."

Nang tumalikod si Mommy ay binelatan ko si Bryle na iiling-iling pa habang nakatingin sa akin ang nang-iinis na mga mata bago ko isinara ang pintuan ng kuwarto ko para maligo at maghanda na sa pagpasok sa school.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Leny Alindogan Meneses
Highly recommended.. ganda
2024-06-08 10:33:57
0
79 Chapters
Chapter 1
Brianna Matamis ang aking pagkakangiti habang pinapanuod ko ang guwapong hitsura ng aking groom na naghihintay sa akin sa harap ng altar. Pakiramdam ko ay napaka-suwerte ko talaga sa kanya. Dahi siya ang pinaka-guwapong groom na nakita ko sa buong buhay ko. At hindi lang 'yon siyempre, dahil mahal na mahal niya ako.Pero hindi lang ako ang masuwerte sa kanya dahil masuwerte rin naman siya sa akin. Dahil mahal na mahal ko rin siya. Sa katunayan ay tanging siya lamang ang lalaking minahal ko sa tanang buhay ko.Pakiramdam ko ay parang lumulutang ako sa alapaap habang naglalakad palapit sa kanya. Finally, my long time dream did came true. Sino ba naman ang mag-aakala na kaming dalawa ang magkakatuluyan? Eh hindi nga niya ako pinapansin noong mga teenager pa lamang kami. But look at us now, we still ended up together."You're so beautiful," hindi napigilang sabihin sa akin ng groom ko habang inaabot niya ang kamay ko. "Siyempre, guwapo ang magiging asawa ko kaya't kailangang maganda rin
last updateLast Updated : 2024-02-07
Read more
Chapter 2
Brianna PovPaglabas ko sa tarangkan ng gate namin habang hila-hila ko ang aking bisikleta ay nagulat ako nang makita kong nasa labas pa ng gate nila si Dean at tila may inaayos sa bisiklita nito. Nakapagtataka na sa ganitong oras ay wala pa ito sa school. Maagang pumapasok si Dean sa school kaya maaga rin akong gumigising para makasabay sa kanya sa pagpasok sa school kahit nakabuntot lamang ako sa likuran niya ng mga ilang metro ang layo. Pero ngayon ay tinanghali ako ng gising dahil nanuod pa ako ng Asian drama kagabi. Halos maghahating-gabi na yata ako nakatulog kagabi. 'Tapos napanaginipan ko na naman na ikinakasal kami ni Dean kaya lalong napasarap ang tulog ko't tinanghali na ako ng gising. Inaasahan ko na talaga na wala na siya, nakaalis na papuntang school dahil late na nga akong nagising. Pero laking-gulat ko nang makita ko siyang nasa harapan pa ng kanilang bahay. Hmm, hinihintay niya yata ako kaya hindi pa siya umaalis papuntang school. Kahit alam ko na imahinasyon ko la
last updateLast Updated : 2024-02-07
Read more
Chapter 3
Brianna"Hintayin mo naman ako, Peter. Nakita mo na ngang marami akong libro na pupulutin 'tapos bibilisan mo pa ang paglalakad mo. Napaka-walang kuwenta mo talagang kaibigan. Napaka-ungentleman mo rin," nangungunsensiyang sabi ko sa kaibigan ko. Naglaglagan kasi sa semento ang ibang libro na dala ko habang naglalakad kami sa hallway ng school.Marami kasi akong hiniram na books dahil nagpapahiram din ang kakambal ko. Tinatamad kasi itong pumunta ng library kaya nakisabay na lang sa akin."Eh sino ba naman kasi ang nagsabing manghiram ka ng maraming libro? Mukhang nanuno sa punso ka yata at bigla kang sinipag magbasa," nang-aasar na sagot ni Peter. "Hindi naman ito akin lahat. Mas marami ang kay Bry—" Napahinto ako sa pagsasalita nang pag-angat ko ng aking mukha ay wala na sa harapan ko ang kaibigan ko. Hmp! Napaka-ungetleman talaga. Hindi man lang huminto sa paglalakad para tulungan akong magbitbit ng mga dala-dala kong libro.Akmang tatayo na ako nang bigla na lamang may dalawang k
last updateLast Updated : 2024-02-07
Read more
Chapter 4
BriannaIlang minuto nang nakalabas si Dean ay nananatili pa rin akong natunganga sa nilabasan niyang pintuan. For the first time ay pinuntahan niya ako sa classroom ko kahit pa para lamang ibigay ang naiwan kong sapatos sa labas kanina. Kahit gano'n lang ay masaya pa rin ako na pinuntahan niya ako."Breath, Brianna, for Pete's sake! Wala na siya pero halos hindi ka pa rin humihinga diyan. Gusto mo bang siya ang maging dahilan para matigok ka?" may pagkainis sa tono ng boses ni Peter nang magsalita. Bahagya pa nitong niyugyog ang aking balikat na tila ginigising ako. Dahan-dahan ko siyang nilingon at nakahanda na ang nakamamatay kong tingin para sa kanya. "Oopss, sorry. Ginigising lang kita dahil baka nangangarap ka pa rin," tabingi ang pagkakangiti na turan niya."Makukulong ba ako kung papatay ako ngayon ng kutong-lupa?" tanong ko sa kanya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nakahanda ko siyang sakalin kapag mahawakan ko siya. Habang dahan-dahan akong lumalapit sa kanya ay dahan-
last updateLast Updated : 2024-02-07
Read more
Chapter 5
Brianna"O bakit mas maaga ka yatang gumising ngayon, Brianna?" hindi napigilang puna sa akin ng Mommy ko nang makita niyang four-thirty palang ng umaga ay gising na ako. Gising na rin si Mommy kasi maaga talaga siya kung gumising. Inaasikaso niya kasi lahat ng gamit namin bago pumasok sa school. Mula sa paghahanda sa mga uniform namin ni Bryle, sapatos, baon na pagkain sa school saka iyong umagahan namin. Actually, I can do it by myself. And Bryle too. We're big enough para i-asa pa namin kay Mommy ang mga ganoong bagay. But she insisted to do it. Gusto raw kasi niya na siya ang mag-asikaso sa amin dahil siya ang nanay. Kaya hinayaan na lang namin siya na gawin ang gusto niya."Gusto ko kasing sumabay kay Dean sa pagpasok sa school, Mommy," matamis ang pagkakangiting sagot ko sa kanya."Pero masyado pang maaga, Brianna. Mamayang alas otso pa ang pasok ninyo. Siguradong aantukin ka lang sa loob ng classroom. Bumalik ka sa loob at matulog muli," utos niya sa akin.Nakasimangot na buma
last updateLast Updated : 2024-02-07
Read more
Chapter 6
Brianna"Bakit sambakol na naman iyang mukha mo? Nag-asaran na naman ba kayo ni Bryle at ikaw na naman ang talo?" tanong ni Peter nang lumapit siya sa kinauupuan ko."Wala ako sa mood Peter kaya puwede bang huwag mo muna akong asarin?" nakasimangot na sabi ko sa kanya. Dahil sa nakita ko kanina kaya napagbuntunan ko tuloy ng inis ang walang muwang kong kaibigan."Aba, Miss Briannang masungit. Bakit ikaw ang nagsusungit ngayon sa akin? Hindi ba dapat ako ang magalit at mainis sa'yo dahil hindi mo ako sinipot kahapon? Nagmukha tuloy akong tanga sa kakahintay sa'yo kahapon," nakasimangot niyang saad. Napakagat ako ng mga labi ko nang maalala ko na hindi ko nga pala siya sinipot kahapon dahil kay Dean. Ni hindi ko nga siya nakuhang i-text or tawagan para sabihin na hindi ako makakarting. And it's all Dean's fault. Nakakalimutan ko talaga ang lahat kapag nasa paligid ko si Dean."Oo nga pala. Sorry. Nakalimutan ko na may usapan nga pala tayo," hindi ko na sinabi sa kanya na dahil kay Dean
last updateLast Updated : 2024-02-07
Read more
Chapter 7
BriannaAlas siyete na pero hindi pa rin ako lumalabas ng bahay namin para pumunta sa acquaintance party ng school namin. Hindi lang dahil sa tinatamad akong magpunta roon kundi dahil sa alam kong may ibang ka-date ang crush ko."Bakit hindi ka pa umaalis, Brianna? Anong oras ba ang party ninyo?" nakakunot ang noo na tanong sa akin ng mommy ko nang makita niyang nasa sala pa ako at nakaupo na parang wala akong balak na umalis."Medyo tinatamad kasi akong um-attend, Mom. Wala kasi si Peter dahil reunion ng family niya kaya parang ayaw ko na ring magpunta," sagot ko sa kanya. Hindi ko na sinabi na naiinis ako dahil may ka-date si Dean na ibang babae. At ang pinakasikat na estudyante pa sa school namin."So, hindi ka na pupunta niyan?"Huminga ako ng malalim bago sinagot ang mommy ko. "Pupunta pa rin pero mayamaya na siguro."Kung hindi lamang ako nakapangako kay Alex na magiging ka-date niya ay hindi na sana ako pupunta. Kaso kapag inindiyan ko naman siya ay baka naman isipin niya na wa
last updateLast Updated : 2024-02-07
Read more
Chapter 8
Brianna"Oouch...ang sakit ng ulo ko," daing ko nang magising ako sa umaga. Ito yata ang tinatawag nilang hangover. Mayamaya ay napatakbo ako sa loob ng banyo dahil biglang bumaliktad ang aking sikmura. Inilabas ko yata ang lahat ng mga kinain ko kagabi pati na rin ang nainom kong alak. "Kahit kailan ay hindi na ako iinom ng nakalalasing na inumin," mahinang sabi ko sa aking sarili. Nanghihinang napabalik ako sa higaan ko at muling nahiga sa kama. Nahihilo kasi ako at parang binibiyak ang ulo ko sa sakit."Ate Brin, gising ka na?" tanong sa akin ni Bryle na biglang kumatok sa pintuan ng aking kuwarto. "Brin" ang palayaw niya sa akin dahil nahahabaan siya sa pagbigkas sa pangalan ko kahit tatlong syllables nga lang ang "Brianna"."Yes, gising na ako," mahina kong sagot pero sinigurado kong nakaabot pa rin sa pandinig niya. Pagpasok ni Bryle sa loob ng kuwarto ko ay bigla akong nagtalukbong ng aking kumot. Ayokong makita niya ang haggard kong hitsura dahil mahahalata niyang may hangover
last updateLast Updated : 2024-02-07
Read more
Chapter 9
BriannaNaglalakad ako sa corridor papunta sa classroom namin nang bigla akong harangin ng grupo ni Ivy. Mukhang gulo yata ang hanap nila. Ano naman kaya ang nagawa kong kasalanan sa kanila?Ayoko ng gulo kaya nilagpasan ko na lamang sila ngunit bigla na lamang hinawakan ni Ivy ang isa kong braso at malakas na isinandig sa pader. Nasaktan ako nang mauntog ang ulo ko sa pader pero hindi ako nagreklamo."Ano ba ang problema mo, Ivy?" pilit akong nagpakahinahon kahit na gusto ko na siyang tarayan. Masakit ang pagkakahawak niya sa mga braso kaya nasisiguro ko na magkakaroon ng pasa kung saan siya nakahawak ng mahigpit."Ano ang problema ko? Ikaw ang problema ko, Brianna. Masyado kang papansin kay Dean. Pero huwag mong isipin na porke't inihatid ka niya noong gabi ng acquaintance party ay may gusto na siya sa'yo kaagad," nandidilat ang mga matang sabi niya sa akin. Mukhang nagalit siya ng sobra dahil sa ginawang paghahatid sa akin ni Dean noong party. Mabuti na lamang at hindi niya nalaman
last updateLast Updated : 2024-02-07
Read more
Chapter 10
BriannaLahat kami na kasali sa naganap na away ay humantong sa loob ng guidance office. Pare-parehong magugulo ang mga buhok namin at may mga kinalmutan. Pero dahil tatlo sila habang ako ay nag-iisa lamang ay ako ang mas na-agrabyado. Mas maraming kalmot sa mga braso leeg at mukha ang aking natamo at may putok pa ang gilid ng aking mga labi dahil sa malakas na sampal ni Ivy na pinadapo sa pisngi ko. Base sa usapang nagaganap ngayon sa loob ng guidance office ay ako ang lumalabas na may kasalanan. Halatado kasi sa pananalita ni Mrs. Katakutan na kumakampi ito kay Ivy. Porke't kasama sa honor list si Ivy ako'y hindi kung kaya't ito ang kinakampihan ng aming prinsipal."Ayoko nang maulit pa ang nangyaring kaguluhan na ito, Ms. Aguilar. Kapag inulit mo pa ito ay hindi lamang ipapatawag ko ang parents mo kundi i-expelled kita sa school na ito," babala sa akin ni Mrs. Katakutan. "Ma'am, hindi ako natatakot na ipatawag mo ang parents ko dahil wala akong kasalanan. Ilang ulit ko bang sasab
last updateLast Updated : 2024-02-07
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status