Share

Chapter 5

Author: Daylan
last update Last Updated: 2024-02-07 22:43:37

Brianna

"O bakit mas maaga ka yatang gumising ngayon, Brianna?" hindi napigilang puna sa akin ng Mommy ko nang makita niyang four-thirty palang ng umaga ay gising na ako.

Gising na rin si Mommy kasi maaga talaga siya kung gumising. Inaasikaso niya kasi lahat ng gamit namin bago pumasok sa school. Mula sa paghahanda sa mga uniform namin ni Bryle, sapatos, baon na pagkain sa school saka iyong umagahan namin. Actually, I can do it by myself. And Bryle too. We're big enough para i-asa pa namin kay Mommy ang mga ganoong bagay. But she insisted to do it. Gusto raw kasi niya na siya ang mag-asikaso sa amin dahil siya ang nanay. Kaya hinayaan na lang namin siya na gawin ang gusto niya.

"Gusto ko kasing sumabay kay Dean sa pagpasok sa school, Mommy," matamis ang pagkakangiting sagot ko sa kanya.

"Pero masyado pang maaga, Brianna. Mamayang alas otso pa ang pasok ninyo. Siguradong aantukin ka lang sa loob ng classroom. Bumalik ka sa loob at matulog muli," utos niya sa akin.

Nakasimangot na bumalik ako sa loob ng aking kuwarto at humilata sa ibabaw ng kama. Paano naman ako makakatulog gayong excited ako na muling makasabay si Dean mamaya? At saka hindi naman na ako inaantok kaya siguradong hindi na ako makakabalik pa sa pagtulog.

At dahil hindi na ako inaantok ay naisipan kong manuod na lamang ng paborito kong ongoing Asian drama. Habang nanunuod ako ng palabas ay unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog.

Nagising ako nang marinig ko ang mga katok ni Mommy sa pintuan ng aking kuwarto. Dali-dali akong bumangon sa kama para pagbuksan siya.

"Akala ko ba sasabay ka kay Dean sa pagpasok sa school? Nakita ko siyang umalis na kani-kanina pa," bungad ni Mommy pagkabukas ko ng pintuan.

"Kasi naman pinabalik mo ako sa kuwarto kanina kaya nakatulog akong muli. Hindi ko tuloy siya nakasabay ngayon sa pagpasok sa school," maiiyak kong sagot kay Mommy.

"Alam mo, Ate Brianna. Kung gusto talaga ni Kuya Dean na sabay kayong pumasok sa school ay hihintayin ka niya kahit ma-late pa siya sa pagpasok sa school. Kaso iniwan ka niya kaya ang ibig sabihin ay ayaw ka niyang kasabay, okay?"

"Tse!" asik ko kay Bryle na pupungas-pungas pa nang lumabas sa kuwarto niya. Siguro nagising ito nang kumatok si Mommy sa kuwarto ko. "Mommy, nang-aasar na naman si Bryle."

"Hindi ako nang-aasar, Ate. I'm telling the truth. Hindi ba, Mommy?" hindi patatalong sagot ng kapatid ko.

"Para kayong mga aso't pusa. Palaging nagbabangayan kapag nagkikita. Magsi-ligo na nga kayong dalawa at baka ma-late pa kayo sa pagpasok sa school," sabi ni Mommy bago umalis sa tapat ng kuwarto ko.

Benilatan ko muna si Bryle bago mabilis kong isinara ng malakas ang pintuan ng aking kuwarto. Pagkatapos ay agad na akong naligo at nagbihis ng aking uniform na kagabi pa ipinasok ni Mommy sa kuwarto ko. Paglabas ko sa kuwarto ay wala pa ang kakambal ko kaya nagmadali akong kumain para hindi kami magpang-abot. Tiyak kasi na aasarin lamang niya ako.

"Tapos ka na agad kumain, Bride? Ang bilis mo namang natapos. Kumain ka ba o hindi?"

"Mommy kumain po ako, don't worry," mabilis kong sagot sa kanya. Pagkatapos ay madalian akong nag-toothbrush at patakbong lumabas ng bahay namin at kinuha ang aking bisikleta.

Pagdating ko sa school ay agad kong ipinarada ang bike ko at tinalian ng kadena. Nagmamadali na akong naglakad patungo sa classroom namin. Hindi naman ako late sa pagpasok kaya ako nagmamadali. Nagmadali lamang dahil gusto kong makita ang ginagawa ni Dean sa classroom niya. Bago kasi makarating sa classroom namin ay dadaan muna sa classroom nila. At kapag dumadaan ako sa classroom nila ay palagi ko siyang sinisilip ng palihim para man lang masilayan ko ang guwapo niyang mukha.

"Good morning, Brianna."

Ilang hakbang na lang ay nasa tapat na ako sa pintuan ng classroom nila Dean nang marinig ko ang pagbati sa akin ng magandang umaga ng tsismosa kong kaklase na si Rhea. Napahinto ako sa paglalakad habang kagat ko ng mahina ang aking pang-ibabang labi. Mabuti na lamang at hindi pa ako sumisilip ng palihim sa bintana ng classroom nila Dean kung nagkataong nakita niya habang nakasilip ako ay 'di ko alam kung anong klaseng tsismis ang ipapakalat niya sa classroom namin.

"Hi, good morning," tabingi ang ngiting bati ko rin sa kanya matapos ko siyang lingunin. "What's up?"

"Boyfriend mo ba si Dean, Brianna? Nakita ko kasi kayo kahapon na magkasamang umuwi," curious ngunit nakangiting tanong niya sa akin.

I almost roll my eyes nang marinig ko ang tanong niyang iyon sa akin. Wala talagang pinapalampas ang babaeng ito. Kahit ano ang makita niya ay gustong gawan ng kuwento.

Nginitian ko siya ng pilit habang nakataas ang isa kong kilay. "Nakita mo lang kaming magkasamang umuwi'y mag-boyfriend na kaagad? Paano pala kung ang makita mong kasama ko sa pag-uwi ay si Bryle? Eh 'di isisipin mo rin na boyfriend ko ang kapatid ko? Paano 'yan, eh si Peter ang madalas kong kasama sa pag-uwi? Don't tell me na iniisip mo ring boyfriend ko rin siya? Makakarami ako ng boyfriend niyan."

   

"Eto naman, nagtatanong lang naman ako. Kahapon ko lang kasi nakita na hindi si Peter ang kasama mong umuwi kundi si Dean. At huwag kang mag-alala dahil hindi ko iisipin na may relasyon kayo ni Dean dahil alam naman namin na hindi siya ang gusto mo kundi si Peter," nakangiting saad ni Rhea.

I rolled my eyes. Hindi ko na talaga napigilang gawin iyon. Napailing na lamang ako bago ko siya tinalikuran para ituloy ang naudlot kong paglalakad. Ayoko nang mag-explain sa kanya. Bahala na nga siya kung ano ang gusto niyang isipin. Nakakapagod makipag-usap sa taong tsismosa.

Pagdaan ko sa tapat ng pintuan mismo ng classroom nila ni Dean ay nakita ko siyang nakatayo sa harapan ng chalkboard at may isinusulat. Nagsusulat siya sa chalkboard na malapit sa may pintuan ng classroom.

"Narinig kaya niya ang pinag-usapan namin ni Rhea? Pahamak talaga ang tsismosang babaeng ito." mahinang kausap ko sa aking sarili. Sana hindi niya narinig. Baka kung ano ang isipin niya kung narinig niya ang pinag-usapan namin ni Rhea. Baka isipin niya na talagang boyfriend ko si Peter.

                    

IT'S lunch time at papunta ako sa canteen para bumili ng mineral water. Naubos ko kasi ang baon kong tubig dahil sobrang init ng panahon sa araw na ito.

Malapit na ako sa canteen nang bigla kong nakasalubong si Dean sa daan. May bitbit ito na dalawang bote ng mineral water.

"Hi, Dean. Bakit hindi mo ako hinintay kaninang umaga para sabay tayong pumasok sa school?" nakangiting tanong ko sa kanya. Hindi ko siya nakausap kaninang umaga dahil walang time makipag-usap kanina.

"Bakit naman kita hihintayin?" blangko ang ekspresyon na tanong naman niya sa akin.

Biglang naglaho ang matamis na ngiti na naka-plaster sa mga labi ko. Ano ba ang nangyari kay Dean? Bakit parang bumalik yata siya sa pagiging aloof sa akin?

Ibubuka ko sana ang bibig ko para tanungin siya kung bakit biglang bumalik ang pagtrato niya sa akin nang biglang may tumawag sa pangalan ni Dean na isang babae mula sa likuran nito.

"Akala ko ay iniwan mo na ako sa canteen," malambing na wika ng babaeng lumapit kay Dean na walang iba kundi ang pinakamagandang babaeng estudyante sa school namin na si Ivy Suarez.

Anak si Ivy ng kapitan ng baranggay namin at kaibigan ng daddy ni Dean ang daddy ni Ivy. Ang babae ang palaging nakukuhang muse sa school namin dahil talaga namang maganda ito. Mahaba ang buhok, matangkad at maputi pa ang balat. May paka-mestisa ito dahil half-European half- Filipino ang momm nito kung saan ito nagmana.

Maganda nga si Ivy pero hindi ko gusto ang ugali niya. Iniisip kasi niya na siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa kung kaya't gano'n na lamang kung manglait ito sa mga taong hindi pinagpala na mabiyayaan ng magandang mukha. Pero ang tanong. Bakit magkasama ito at ni Dean? At mukhang mag-close pa ang dalawa.

Related chapters

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 6

    Brianna"Bakit sambakol na naman iyang mukha mo? Nag-asaran na naman ba kayo ni Bryle at ikaw na naman ang talo?" tanong ni Peter nang lumapit siya sa kinauupuan ko."Wala ako sa mood Peter kaya puwede bang huwag mo muna akong asarin?" nakasimangot na sabi ko sa kanya. Dahil sa nakita ko kanina kaya napagbuntunan ko tuloy ng inis ang walang muwang kong kaibigan."Aba, Miss Briannang masungit. Bakit ikaw ang nagsusungit ngayon sa akin? Hindi ba dapat ako ang magalit at mainis sa'yo dahil hindi mo ako sinipot kahapon? Nagmukha tuloy akong tanga sa kakahintay sa'yo kahapon," nakasimangot niyang saad. Napakagat ako ng mga labi ko nang maalala ko na hindi ko nga pala siya sinipot kahapon dahil kay Dean. Ni hindi ko nga siya nakuhang i-text or tawagan para sabihin na hindi ako makakarting. And it's all Dean's fault. Nakakalimutan ko talaga ang lahat kapag nasa paligid ko si Dean."Oo nga pala. Sorry. Nakalimutan ko na may usapan nga pala tayo," hindi ko na sinabi sa kanya na dahil kay Dean

    Last Updated : 2024-02-07
  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 7

    BriannaAlas siyete na pero hindi pa rin ako lumalabas ng bahay namin para pumunta sa acquaintance party ng school namin. Hindi lang dahil sa tinatamad akong magpunta roon kundi dahil sa alam kong may ibang ka-date ang crush ko."Bakit hindi ka pa umaalis, Brianna? Anong oras ba ang party ninyo?" nakakunot ang noo na tanong sa akin ng mommy ko nang makita niyang nasa sala pa ako at nakaupo na parang wala akong balak na umalis."Medyo tinatamad kasi akong um-attend, Mom. Wala kasi si Peter dahil reunion ng family niya kaya parang ayaw ko na ring magpunta," sagot ko sa kanya. Hindi ko na sinabi na naiinis ako dahil may ka-date si Dean na ibang babae. At ang pinakasikat na estudyante pa sa school namin."So, hindi ka na pupunta niyan?"Huminga ako ng malalim bago sinagot ang mommy ko. "Pupunta pa rin pero mayamaya na siguro."Kung hindi lamang ako nakapangako kay Alex na magiging ka-date niya ay hindi na sana ako pupunta. Kaso kapag inindiyan ko naman siya ay baka naman isipin niya na wa

    Last Updated : 2024-02-07
  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 8

    Brianna"Oouch...ang sakit ng ulo ko," daing ko nang magising ako sa umaga. Ito yata ang tinatawag nilang hangover. Mayamaya ay napatakbo ako sa loob ng banyo dahil biglang bumaliktad ang aking sikmura. Inilabas ko yata ang lahat ng mga kinain ko kagabi pati na rin ang nainom kong alak. "Kahit kailan ay hindi na ako iinom ng nakalalasing na inumin," mahinang sabi ko sa aking sarili. Nanghihinang napabalik ako sa higaan ko at muling nahiga sa kama. Nahihilo kasi ako at parang binibiyak ang ulo ko sa sakit."Ate Brin, gising ka na?" tanong sa akin ni Bryle na biglang kumatok sa pintuan ng aking kuwarto. "Brin" ang palayaw niya sa akin dahil nahahabaan siya sa pagbigkas sa pangalan ko kahit tatlong syllables nga lang ang "Brianna"."Yes, gising na ako," mahina kong sagot pero sinigurado kong nakaabot pa rin sa pandinig niya. Pagpasok ni Bryle sa loob ng kuwarto ko ay bigla akong nagtalukbong ng aking kumot. Ayokong makita niya ang haggard kong hitsura dahil mahahalata niyang may hangover

    Last Updated : 2024-02-07
  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 9

    BriannaNaglalakad ako sa corridor papunta sa classroom namin nang bigla akong harangin ng grupo ni Ivy. Mukhang gulo yata ang hanap nila. Ano naman kaya ang nagawa kong kasalanan sa kanila?Ayoko ng gulo kaya nilagpasan ko na lamang sila ngunit bigla na lamang hinawakan ni Ivy ang isa kong braso at malakas na isinandig sa pader. Nasaktan ako nang mauntog ang ulo ko sa pader pero hindi ako nagreklamo."Ano ba ang problema mo, Ivy?" pilit akong nagpakahinahon kahit na gusto ko na siyang tarayan. Masakit ang pagkakahawak niya sa mga braso kaya nasisiguro ko na magkakaroon ng pasa kung saan siya nakahawak ng mahigpit."Ano ang problema ko? Ikaw ang problema ko, Brianna. Masyado kang papansin kay Dean. Pero huwag mong isipin na porke't inihatid ka niya noong gabi ng acquaintance party ay may gusto na siya sa'yo kaagad," nandidilat ang mga matang sabi niya sa akin. Mukhang nagalit siya ng sobra dahil sa ginawang paghahatid sa akin ni Dean noong party. Mabuti na lamang at hindi niya nalaman

    Last Updated : 2024-02-07
  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 10

    BriannaLahat kami na kasali sa naganap na away ay humantong sa loob ng guidance office. Pare-parehong magugulo ang mga buhok namin at may mga kinalmutan. Pero dahil tatlo sila habang ako ay nag-iisa lamang ay ako ang mas na-agrabyado. Mas maraming kalmot sa mga braso leeg at mukha ang aking natamo at may putok pa ang gilid ng aking mga labi dahil sa malakas na sampal ni Ivy na pinadapo sa pisngi ko. Base sa usapang nagaganap ngayon sa loob ng guidance office ay ako ang lumalabas na may kasalanan. Halatado kasi sa pananalita ni Mrs. Katakutan na kumakampi ito kay Ivy. Porke't kasama sa honor list si Ivy ako'y hindi kung kaya't ito ang kinakampihan ng aming prinsipal."Ayoko nang maulit pa ang nangyaring kaguluhan na ito, Ms. Aguilar. Kapag inulit mo pa ito ay hindi lamang ipapatawag ko ang parents mo kundi i-expelled kita sa school na ito," babala sa akin ni Mrs. Katakutan. "Ma'am, hindi ako natatakot na ipatawag mo ang parents ko dahil wala akong kasalanan. Ilang ulit ko bang sasab

    Last Updated : 2024-02-07
  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 11

    Brianna"Ouch! Dahan-dahan lang naman, Bryle. Ang hapdi kaya," reklamo ko sa kapatid ko habang nilalagyan niya ng gamot ang mga kalmot ko sa braso, leeg at mukha. "Nakaramdam ka na ngayon ng sakit? Habang nakikipagkalmutan ka kanina ay hindi mo naisip na mahapdi kapag ginamot ang mga kalmot mo?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin. Napa-aray ulit ako nang bigla niyang diniinan ang paglalagay ng betadine sa leeg ko."Hindi ko na naisip 'yon kanina. Ang mahalaga lamang sa akin ay maipagtanggol ko ang sarili ko," nakangusong sagot ko. Napailing na lamang siya at ipinagpatuloy ang paglalagay ng betadine sa mga sugat ko. Mayamaya ay biglang dumating ang humahangos kong best friend."Brianna, okay lang ba?" agad na tanong nito pagkapasok sa sala namin. Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi habang sinisipat ang aking mga sugat.Napairap ako sa kanya. "Mukha ba akong okay?"Tumayo si Bryle at nagpaalam. "Mabuti at nandito ka Peter. Pakigamot naman ang mga sugat ng ate ko't kaila

    Last Updated : 2024-02-19
  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 12

    BriannaSa lahat ng umagang gumising ako ay ngayong umaga ang pinakatinatamad akong bumangon. Mabuti na lamang at Sunday kaya hindi ko kailangang bumangon ng maaga para pumasok sa school. Napabalikwas ako ng bangon nang biglang kumatok sa pintuan si Bryle."Ate Brin, hindi ka pa ba babangon? Hindi ka ba magsisimba?" tinig ng kapatid ko mula sa labas ng kuwarto ko. Nakasanayan na kasi ng pamilya namin ang magsimba tuwing Linggo. At kahit wala ang parents namin ay nagsisimba pa rin kaming magkapatid."Sa next Sunday na lang ako. Medyo masakit pa kasi ang katawan ko kaya tinatamad akong bumangon," mabilis kong sagot para hindi niya ako kuliting lumabas ng kuwarto."Sige, magpahinga ka na lang muna. Ako na lang ang magsisimba. Kapag nagutom ka ay kumain ka na lang. Nakapagluyo na ako ng almusal," ani Bryle bago ko narinig ang mga yabag niya palayo sa harapan ng kuwarto ko.Tuluyan na akong bumangon sa kama at humarap sa malaking salamin na nasa loob ng kuwarto ko. Napangiwi ako nang makit

    Last Updated : 2024-02-19
  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 13

    Brianna"Brianna! Hindi ka pa ba babangon diyan? Late ka na sa school."Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malakas na boses na iyon ng mommy ko. Napuyat kasi ako sa kakapanuod ng paborito kong Chinese drama. Sa inis ko kasi kay Dean ay mas itinuon ko ang isip ko sa panunuod ng mga Asian drama. Mabuti pa ang manuod ng drama dahil may happy ending. Sinisiguro ko kasi na may happy ending ang drama na papanuorin ko. Ayoko kasi ng walang happy ending dahil nakakalungkot. Palabas na nga lang ay wala pang happy ending. Kami naman ni Dean ay wala pang kasiguraduhan kong may happy ending ba o wala.Pagkatapos ng nangyaring away namin ni Ivy kasama ang mga kaibigan niya ay pinilit ko silang iwasan. Kapag nakikita kong naroon ang grupo niya sa pupuntahan ko ay mabilis akong umiiwas. Mahirap na at baka ma-guidance ulit kami at tuluyan nang maipatawag ang parents ko sa school. Si Dean naman ay ganoon pa rin. May pagka-aloof pa rin siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pa

    Last Updated : 2024-02-19

Latest chapter

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   79

    BRIANNAMalayang tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok habang nakatayo ako sa gilid ng baybayin sa isang isla sa Samar kung saan ako naroon ngayon. Probinsiya ito ni Desna at siya ang nagsabi sa akin na masarap daw magbakasyon sa probinsiya nito dahil malapit sila sa tabing-dagat kaya presko ang hangin. Kaya nang inalok ako ni Desna na magbakasyon sa bahay-bakasyunan nito ay hindi ako nagpatumpik-tumpik pa at tinanggap ang alok niya. At hindi naman ako nagsisi na nagpunta ako rito dahil maliban sa totoong presko ang hangin ay nakapag-isip-isip na rin ako ng maayos. Tama si Bryle. Ang lahat ng hindi magagandang nangyari sa amin ay pagsubok lamang sa amin ni Dean. Pagsubok na parehong nalampasan namin. Bryle was right when he said that I should give myself another chance to feel happiness. And only Dean could give me that happiness. Only he would make me happy. Sa loob ng halos tatlong buwan kong pananatili rito sa isla ay madalas tumatawag sa akin si Bryle para sabihin na nakikiu

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 78

    BRIANNANang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng aking silid at nakahiga sa aking kama, sa tabi ko ay naroon si Peter at nakayupyop ang ulo sa gilid ng aking kama at natutulog. Biglang umahon ang galit ko nang maalala ko ang sinabi niya bago ako nawalan ng malay. Bigla ko siyang pinaghahampas ng aking mga kamay."Bakit mo pinatay si Dean? Ano ang kasalanan niya sa'yo?" umiiyak na tanong ko kay Peter habang walang tigil ko siyang hinahampas ng aking mga kamay.Pupungas-pungas pa si Peter nang magising dahil sa sakit ng mga hampas ko sa kanya. Bigla itong napatayo at napaatras palayo sa akin."Calm down, Brianna! I am just kidding, okay?" pag-amin ni Peter sa akin. "Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Mamamatay tao? At isa pa, hahayaan ba ni Dean na patayin ko siya? Eh, mas magaling siyang makipaglaban kaysa sa akin."Sa aking narinig ay bigla akong napaiyak ng malakas. "I hate you, Peter. How could you joke at me like that?"Lumapit si Peter sa akin at nako-konsensiyang niyakap

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 77

    BriannaNanlalaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala habang nakatitig kay Dean na siya palang kausap ni Rex sa opisina nito. Buhay si Dean. At higit sa lahat ay tama ang una kong hinala na siya at si Lance ay si Dean. Pero bakit niya iyon ito ipinagkaila sa akin? Bakit hinayaan niya ako magdusa sa pagkawala niya?Mabilis na tumayo sa kinauupuan niya si Dean at nilapitan ako. Kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, Brianna. I'm sorry that I lied to you. I'm very sorry that I hid the truth that I'm alive."Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at dinama ang mainit niyang yakap. Akala ko ay hindi ko na mararanasan pang muli ang mayakap ng lalaking pinakamamahal ko.Akmang tutugunin ko na ang yakap niya nang sumagi sa isip ko ang mga paghihirap ng loob na ininda ko dahil sa pag-aakala kong patay na siya. Sukat sa isiping iyon ay itinulak ko siya at binigyan ng isang malakas na sampal sa mukha."Masaya ka ba sa ginawa mong pagpapanggap na patay ka na? Nag-enjoy ka ban

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 76

    BriannaPapasok na ako sa kotse ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Napakunot ang noo ko nang makita kong si Lance ang tumawag sa akin. Biglang bumilis ang pintig ng aking puso pagkakita ko sa kanya ngunit agad kong isinantabi ang dahilan kung bakit ganoon ang reaksiyon ko nang makita ko siya. Mas napagtuunan ko ng pansin ang ginawa niyang pagbanggit sa pangalan ko."Bry, sandali lang. Gusto lang kitang makausap," sabi niya nang makalapit siya sa akin."Bakit mo alam ang pangalan ko? Kung hindi ka si Dean ay bakit alam mo ang palayaw niya sa akin?" Hindi siya si Dean pero bakit alam niya ang palayaw ko?"Nakalimutan mo na ba na binanggit mo nag palayaw mo noong unang beses na nagkita tayo? Kahit ang kaibigan mong si Desna ay tinawag binanggit naman niya ang pangalan mo," mabilis na paliwanag ni Dean.Huminga na lamang ako ng malalim. Hindi ko matandaan kung binanggit ko pa ang oangalan ko o hindi nang gabing iyon."Ano ang kailangan mo sa akin? Bakit mo ako sinundan? Hindi ka

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 75

    BriannaKagagaling ko pa lamang sa lugar kung saan nahulog ang kotse ni Dean. Binisita ko ang lugar na iyon dahil gusto kong suriing mabuti kung may pag-asa bang makaligtas ang taong nahulog sa bangin na iyon. Ngunit kahit anong suri at posibilidad ay mukhang malayo na makaligtas si Dean sa nangyaring aksidente maliban na lamang kung may kapangyarihan siya. But he is just an ordinary person kaya imposible talaga na makaligtas siya.Sa halip na magtungo sa aking coffee shop ay nagdesisyon akong magtungo na muna sa mall at mag-ikot-ikot. Nang mapagod ay pumasok ako sa isang cake shop para mag-megmeryenda. Kasalukuyan akong kumakain ng isang slice ng strawberry cheesecake na binili ko nang makatanggap ako ng text mula kay Desna. Inimbitahan niya ako na dumalo sa award night next day, kung saan ay isa ito sa mga young fashion designer sa bansa na makatanggap ng award.Naisip ko na kailangan ko rin libangin ang sarili ko kaya sinabi ko sa kanya na aattend ako. Agad ko nang tinapos ang akin

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 74

    BriannaMagmula nang nalaman ko na hindi si Dean ang lalaking nakita ko na kamukha niya sa loob ng bar ay pilit kong iwinaglit siya sa aking isip. Naisip ko na tama si Rex. Dapat mag-move on na ako. Ayokong hindi matahimik ang kaluluwa ni Dean dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang mapait niyang sinapit.Para malibang ko ang sarili ko ay madalas akong nagtutungo sa mall pagkatapos magsara ng coffee shop ko. Kagaya ngayon, maaga kaming nagsara dahil birthday ng dalawang staff ko. At dahil maaga pa kaya ipinasya kong maglibot sa mall hanggang sa mapgod ako. Kagaya ng madalas kong ginagawa ay saka lamang ako uuwi sa bahay ko kapag nakaramdam na ako ng pagod at antok. Pagdating ko sa bahay ay matutulog agad ako kaya hindi ko na maiisip si Dean.Ngayon ay naabutan ako ng pagsasara ng mall dahil nanuod pa ako ng sine kaya paglabas ko ay mga sarado na pala ang bawat stall sa loob ng mall. Nagmamadaling lumaba ako ng mall dahil nakakaramdam na ako ng antok.Punuan ang park

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 73

    Brianna"D-Dean?" mahina ang boses na sambit ko sa taong pumigil sa kamay nang akmang gagantihan ko na ang ginawang pananampal sa akin ng babae."Don't you dare hurt her," nagtatagis ang mga ngipin na babala sa akin ni Dean. Matalim ang tingin niya at para bang hindi niya ako kilala na aking ipinagtaka."Dean. Is that really you? You're alive!" bulalas ko. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Narito sa harapan ko si Dean at buhay na buhay. Pero paano nangyari iyon?Akmang yayakapin ko na siya ngunit biglang humarang ang babaeng nanampal sa akin."Hey! Bitch! Get away from him!" galit na sigaw nito sa akin."Let's go, Mina. Ipinapasundo ka na sa akin ng ama mo," kausap ni Dean sa babaeng Mina ang pangalan. Hinawakan nito sa balikat ang babae at hinila para umalis sa bar na kinaroroonan namin.Isang taon akong nangulila sa kanya. Isang taon akong nagdusa dahil inakala kong patay na siya. At ngayong nandito siya sa harapan ko ay hindi ko siya hahayaang mawala sa paningin ko nang hin

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 72

    BriannaMabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa naging Linggo, naging buwan at umabot na ng isang taon. Isang taon nang patay si Dean ngunit sariwa pa rin sa aking puso ang sakit at alaala ng kanyang mga huling sandali na kapiling ko siya.Sa loob ng isang taon ay pinilit kong mabuhay. Kumakain ako, umiinom, natutulog ngunit pakiramdam ko ay patay na ang kaluluwa ko. Sumama na ito kung nasaan man ngayon si Dean. Minsan ngumiti rin ako na hindi umaabot sa aking mga mata. Nabubuhay na lamang ako dahil ayokong masayang ang pagbubuwis ng buhay ni Dean para lamang mailigtas ako."Aalis ka, Ma'am Brianna?" tanong sa akin ni Petchy, ang cashier ng aking coffeeshop.Pinalaki ko ang aking coffeeshop at dito na lamang ibinugos ko ang lahat ng aking atensiyon. Ako ang madalas nagbabantay sa cashier ngunit kapag umaalis ako at may lakad ako ay si Petchy ang humahalili sa akin."Yes, Petchy. First death anniversary ngayon ng asawa ko at dadalawin ko siya ngayon." Hindi man kami natuloy na ikin

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 71

    BriannaPagmulat ko ng mga mata ay nasa loob na ako ng hospital at binabantayan nina Peter, Bryle, at Desna."Thank God, gising ka na rin sa wakas, Ate Bri," kausap sa akin ng kakambal ko nang makita niyang iminulat ko ang aking mga mata. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mahigpit ang ang dalawa kong mga kamay.Bahagya kong itinulak ang kakambal ko at nagpalinga-linga ako sa paligid ng room. Hinahanap ko si Dean. "Nasaan si Dean, Bryle? Nasaan siya? Gusto ko siyang makita."Unfortunately, nasa in-denial stage pa ako. Hindi ko matanggap ang nangyari kay Dean kaya pilit kong iniisip na nakaligtas siya t nasa loob din siya ng hospital."Ate Bri, wala na si Kuya Dean. Masyadong mataas at matarik ang bangen tapos sumabog pa ang kotse niya kaya imposibleng mabuhay siya." Isinampal ni Bryle sa mukha ko ang katotoohanan na pilit kong tinakasan."No! Hindi totoo iyn, Bryle! Nakaligtas si Dean! Dalawa kaming nakaligtas!" sigaw ko. Pilit akong bumangon sa kama dahil pupuntahan ko si Dean ngunit

DMCA.com Protection Status