BriannaKanina pa kumukulo ang dugo ko habang nakatayo ako sa harapan ng gate at hawak sa itaas ng ulo ko ang may kalakihang plywood na may nakasulat na "HINDI NA AKO MALI-LATE AT TATALON SA PADER" habang pinagtatawanan ng mga estudyanteng nakakakita sa akin. Kahit si Peter ay hindi rin napigilan ang sarili na matawa sa hitsura ko. Para daw kasi akong nagbebenta ng plywood sa gilid ng kalsada.Natatawa sila sa hitsura ko samantalang hindi na maipinta ang mukha ko. Kasalanan ni Dean ito. Kung hindi siya nagsalita ay hindi sana malalaman ng kasamahan niya na tumalon ako mula sa pader dahil na-late ako. Kahit crush ko siya ay nakadama ako ng inis sa kanya. Bakit? Porke ba crush ko ang isang tao ay hindi na ako makakaramdam ng inis sa kanya? Ibang usapan na 'yon."Magkano ba ang isang letra, Brianna? Bibilhin ko na lahat para makauwi ka na sa bahay mo," nakangising buska ni Peter sa akin. Inirapan ko siya at ipinalo ko sa ulo niya ang hawak kong board. Hindi naman ito nasaktan dahil hind
BriannaNasa loob na ako ng classroom namin at nakaupo na sa upuan ko ay hindi pa rin maipinta ang mukha ko. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin kasi ako kay Dean. Hindi na nga niya ako ipinagtanggol noong nag-away kami ni Ivy ay siya pa ang naging dahilan para mahuli at maparusahan ako ngayon. Hay naku, kung hindi ko lamang siya crush ay baka nakatikim na siya sa akin ng medyo maanghang na mga salita. Medyo lang naman. Hindi naman kasi ako masyadong nagsasalita ng mga salitang hindi kanais-nais pakinggan. Hindi naman kasi ako mahilig magsalita ng ganoon dahil maayos ang pagpapalaki sa amin ng mga magulang namin."Tapos na ang parusa mo ay nakasimangot ka pa rin, Brianna? Move on ka na," puna sa akin ni Peter na biglang umupo sa katapat na upuan ko. Hindi pumasok ang subject teacher namin para sa oras na ito kaya wala kaming ginagawa. Mabuti na nga lang at hindi pumasok dahil kung pumasok ay siguradong absent ang magiging record ko dahil natagalan ako bago ko natapos ang aking punishment
BriannaNaninibago ako sa loob ng aming classroom pagpasok ko ngayong umaga. Napakatahimik kasi ng mga kaklase ko. Lahat sila ay nakaupo lamang sa kani-kanilang upuan. Abala sila sa pagbabasa ng aming mga pinag-aralan sa nakalipas na buwan. Napailing na lamang ako nang makita kong seryoso rin sa pagbabasa ang kaibigan kong si Peter. Dati-rati kapag pumapasok ako sa classroom ay sobrang ingay ng mga kaklase ko at kanya-kanyang tsismisan. Pero ngayon ay tila mababait na mga estudyante na seryosong nag-aaral."Anong nangyari sa mga kaklase natin pati na rin sa'yo?" mahina kong bulong kay Peter matapos ko siyang lapitan. Tiningnan ko ang binabasa niyang notebook. Tama nga ako. Ang mgs pinsg-aralan namin sa mga nakalipas na buwan ang kanilang pinag-aaralan."Hindi mo ba nakikita ang ginagawa namin, Brianna? Nag-aaral kami para sa nalalapit na grading period natin. Para naman ngayong examin natin ay hindi ang classroom natin ang panghuli sa listahan ng mga nakapasa," mahabang paliwanag ni P
BriannaKanina pa ako nagpapalakad-lakad sa loob ng aking kuwarto. Hindi ako mapakali. Mayamaya lang kasi ay darating na si Dean para turuan ako. Ang usapan namin ay seven ng gabi siya pupunta rito sa bahay namin. Excited ako na kinakabahan. Dati-rati ay hanggang sa tingin lamang ako sa kanya pero ngayon ay nakakausap ko na siya at magiging tutor ko pa. Hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko sa kanyang harapan ngayon."Nandito na si Dean, Brianna," malakas na boses ni Mommy mula sa labas ng aking kuwarto. Biglang kumabog ang dibdib ko at hindi ko malaman ang sking gagawin. "Brianna, gising ka pa?" tanong ni Mommy nang hindi ako sumagot."Yes, Mom. Papasukin n'yo na lang po rito sa kuwarto ko," sagot ko. Baka kasi isipin ni Mommy na tulog na ako at pauwiin si Dean ay wala pang magtuturo sa akin. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko bago naupo sa harapan ng aking study table. Hinintay ko na lamang ang pagpasok ni Dean sa loob ng aking kuwarto."Good evening, Bry," mahinang ba
BriannaHalos mabingi ako sa ingay ng mga kaklase ko sa loob ng aming classroom. Kalalabas pa lamang ng result nang aming grading period at hindi kami ang nasa bottom list. Nagbunga ang pinaghirapan ng buong klase. Hindi rin nasayang ang ginawa kong pangungulit kay Bryle na turuan ako. Hindi ko kasi tinigilan ang kapatid ko hangga't hindi ko siya napapapayag na turuan ako. Nakulitan siguro sa akin kaya pumayag siyang turuan ako. At worth it naman dahil nakapasa ako. Nakapasa kaming lahat kaya naman ang ibig sabihin no'n ay makakasama kami sa camping ng klase nila Dean. At hindi lang iyon. Siguro naman nabawasan na ngayon ang mababang tingin sa amin ng mga taga ibang section lalong-lalo na iyong mga nasa top section. Two birds in one stone, 'ika nga sa kasabihan."Guys, listen!" malakas na tawag pansin ng aming teacher. Lahat naman kami ay tumahimik at natuon ang atensiyon sa teacher naming nakatayo sa harapan ng chalk board. "I'm proud of you, guys. Pinatunayan lamang ninyo na kapag
BriannaWalang imik lamang ako habang nagbibiyahe ang bus na sinasakyan namin patungo sa talampas ng Anaruta sa Bulacan. Hindi gaanong mataas ang talampas na iyon at malawak ang patag na lupa sa tuktok. Perfect para sa mga taong nais mag-camping lamang ngunit nais maranasan ang malamig na klima sa gabi. Para daw kasing nasa Baguio ang pakiramdam kapag nasa itaas ng talampas ng Anaruta. Nakaka-relax daw ng pakiramdam at nakakawala ng stress ang malamig na hangin sa itaas ng talampas.Pinabaunan ako ni Mommy ng makapal na kumot at jacket kaya tuloy medyo malaki ang bag pack na dala ko. Siguradong mahihirapan ako nito mamaya sa paglalakad lalo pa at paakyat kami. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang nagsalita si Ivy st kinausap si Dean."Dean, malaki kasi ang bag na dala ko kaya siguradong mahihirapan ako mamaya sa pag-akyat. Puwede bang tulungan mo ako sa pagdadala ng bag ko?" narinig ko ang malambing na pakiusap ni Ivy kay Dean. Gusto ko sanang lumingon sa kanila para taasan siya ng
BriannaMag-e-eleven ng umaga nakarating sa tuktok ng talampas ang team namin. Mabuti na lamang at hindi gaanong matindi ang pagtirik ng araw kaya hindi masakit sa balat. Pagdating sa itaas ng talampas ay mapapa-wow talaga ang sino man sa kakaibang experience. Kahit na may araw at walang masisilungan ay hindi gaanong mararamdaman ang init. Ang mas mararamdaman mo ay ang tila nanunuot na lamig ng hangin. Preskong-presko ang hangin at tunay na nakakawala ng stress. Hindi man kasing-lamig sa Baguio ay hindi naman pahuhuli sa lamig ang tuktok ng talampas nang Anaruta."Everybody listen!" tawag pansin ni Ma-am Salve sa atensiyon ng lahat nang mga estudyante. "Magtulung-tulong kayo sa pag-ayos ng tent ninyo para may matulugan kayo mamayang gabi. At walang lalapit sa gilid ng bangen dahil sobrang delikado. Maliwanag?" "Yes, Ma'am!!" sabay-sabay naming sagot. Tapos nagkanya-kanya na kami sa paglalagay ng tent namin. Ang mga tent na inaayos namin ay nauna nang iniakyat sa talampas ng mga in
BrainnaKung malamig ang hangin sa araw ay doble naman ang lamig sa gabi. Nakasuot na nga akong makapal na sweater ay nararamdaman ko pa rin ang lamig sa aking katawan. Ngunit kahit nakakapanginig ang lamig ay masarap pa rin sa pakiramdam. Hindi kasi mararamdaman sa kapatagan ang ganitong pakiramdam.Nakabawas sa malamig na pakiramdam ang apoy na ginawa ng mga estudyanteng lalaki. Apat na grupo kami at sa bawat grupo ay nakapalibot sa apoy para kahit paano ay mabawasan ang lamig na nararamdaman ng bawat isa.Tahimik lamang kaming lahat habang ninanamnam ang init ns ibinibigay sa amin ng apoy mula sa naglalagablab na mga tuyong kahoy. Nakaka-bored pero walang nais na magsalita kahit isa sa amin. Kahit si Ivy na nasa grupo namin at katabi ni Dean sa pag-upo ay walang kibo lamang sa kinauupuan nito."Ma'am, ang boring naman kung mauupo lang tayo sa harapan ng at magtititigan lamang. Walang excitement," hindi nakatiis sa katahimikan na wika ni Carlo, isa sa mga kaklase ni Dean."Anong gus
BRIANNAMalayang tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok habang nakatayo ako sa gilid ng baybayin sa isang isla sa Samar kung saan ako naroon ngayon. Probinsiya ito ni Desna at siya ang nagsabi sa akin na masarap daw magbakasyon sa probinsiya nito dahil malapit sila sa tabing-dagat kaya presko ang hangin. Kaya nang inalok ako ni Desna na magbakasyon sa bahay-bakasyunan nito ay hindi ako nagpatumpik-tumpik pa at tinanggap ang alok niya. At hindi naman ako nagsisi na nagpunta ako rito dahil maliban sa totoong presko ang hangin ay nakapag-isip-isip na rin ako ng maayos. Tama si Bryle. Ang lahat ng hindi magagandang nangyari sa amin ay pagsubok lamang sa amin ni Dean. Pagsubok na parehong nalampasan namin. Bryle was right when he said that I should give myself another chance to feel happiness. And only Dean could give me that happiness. Only he would make me happy. Sa loob ng halos tatlong buwan kong pananatili rito sa isla ay madalas tumatawag sa akin si Bryle para sabihin na nakikiu
BRIANNANang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng aking silid at nakahiga sa aking kama, sa tabi ko ay naroon si Peter at nakayupyop ang ulo sa gilid ng aking kama at natutulog. Biglang umahon ang galit ko nang maalala ko ang sinabi niya bago ako nawalan ng malay. Bigla ko siyang pinaghahampas ng aking mga kamay."Bakit mo pinatay si Dean? Ano ang kasalanan niya sa'yo?" umiiyak na tanong ko kay Peter habang walang tigil ko siyang hinahampas ng aking mga kamay.Pupungas-pungas pa si Peter nang magising dahil sa sakit ng mga hampas ko sa kanya. Bigla itong napatayo at napaatras palayo sa akin."Calm down, Brianna! I am just kidding, okay?" pag-amin ni Peter sa akin. "Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Mamamatay tao? At isa pa, hahayaan ba ni Dean na patayin ko siya? Eh, mas magaling siyang makipaglaban kaysa sa akin."Sa aking narinig ay bigla akong napaiyak ng malakas. "I hate you, Peter. How could you joke at me like that?"Lumapit si Peter sa akin at nako-konsensiyang niyakap
BriannaNanlalaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala habang nakatitig kay Dean na siya palang kausap ni Rex sa opisina nito. Buhay si Dean. At higit sa lahat ay tama ang una kong hinala na siya at si Lance ay si Dean. Pero bakit niya iyon ito ipinagkaila sa akin? Bakit hinayaan niya ako magdusa sa pagkawala niya?Mabilis na tumayo sa kinauupuan niya si Dean at nilapitan ako. Kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, Brianna. I'm sorry that I lied to you. I'm very sorry that I hid the truth that I'm alive."Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at dinama ang mainit niyang yakap. Akala ko ay hindi ko na mararanasan pang muli ang mayakap ng lalaking pinakamamahal ko.Akmang tutugunin ko na ang yakap niya nang sumagi sa isip ko ang mga paghihirap ng loob na ininda ko dahil sa pag-aakala kong patay na siya. Sukat sa isiping iyon ay itinulak ko siya at binigyan ng isang malakas na sampal sa mukha."Masaya ka ba sa ginawa mong pagpapanggap na patay ka na? Nag-enjoy ka ban
BriannaPapasok na ako sa kotse ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Napakunot ang noo ko nang makita kong si Lance ang tumawag sa akin. Biglang bumilis ang pintig ng aking puso pagkakita ko sa kanya ngunit agad kong isinantabi ang dahilan kung bakit ganoon ang reaksiyon ko nang makita ko siya. Mas napagtuunan ko ng pansin ang ginawa niyang pagbanggit sa pangalan ko."Bry, sandali lang. Gusto lang kitang makausap," sabi niya nang makalapit siya sa akin."Bakit mo alam ang pangalan ko? Kung hindi ka si Dean ay bakit alam mo ang palayaw niya sa akin?" Hindi siya si Dean pero bakit alam niya ang palayaw ko?"Nakalimutan mo na ba na binanggit mo nag palayaw mo noong unang beses na nagkita tayo? Kahit ang kaibigan mong si Desna ay tinawag binanggit naman niya ang pangalan mo," mabilis na paliwanag ni Dean.Huminga na lamang ako ng malalim. Hindi ko matandaan kung binanggit ko pa ang oangalan ko o hindi nang gabing iyon."Ano ang kailangan mo sa akin? Bakit mo ako sinundan? Hindi ka
BriannaKagagaling ko pa lamang sa lugar kung saan nahulog ang kotse ni Dean. Binisita ko ang lugar na iyon dahil gusto kong suriing mabuti kung may pag-asa bang makaligtas ang taong nahulog sa bangin na iyon. Ngunit kahit anong suri at posibilidad ay mukhang malayo na makaligtas si Dean sa nangyaring aksidente maliban na lamang kung may kapangyarihan siya. But he is just an ordinary person kaya imposible talaga na makaligtas siya.Sa halip na magtungo sa aking coffee shop ay nagdesisyon akong magtungo na muna sa mall at mag-ikot-ikot. Nang mapagod ay pumasok ako sa isang cake shop para mag-megmeryenda. Kasalukuyan akong kumakain ng isang slice ng strawberry cheesecake na binili ko nang makatanggap ako ng text mula kay Desna. Inimbitahan niya ako na dumalo sa award night next day, kung saan ay isa ito sa mga young fashion designer sa bansa na makatanggap ng award.Naisip ko na kailangan ko rin libangin ang sarili ko kaya sinabi ko sa kanya na aattend ako. Agad ko nang tinapos ang akin
BriannaMagmula nang nalaman ko na hindi si Dean ang lalaking nakita ko na kamukha niya sa loob ng bar ay pilit kong iwinaglit siya sa aking isip. Naisip ko na tama si Rex. Dapat mag-move on na ako. Ayokong hindi matahimik ang kaluluwa ni Dean dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang mapait niyang sinapit.Para malibang ko ang sarili ko ay madalas akong nagtutungo sa mall pagkatapos magsara ng coffee shop ko. Kagaya ngayon, maaga kaming nagsara dahil birthday ng dalawang staff ko. At dahil maaga pa kaya ipinasya kong maglibot sa mall hanggang sa mapgod ako. Kagaya ng madalas kong ginagawa ay saka lamang ako uuwi sa bahay ko kapag nakaramdam na ako ng pagod at antok. Pagdating ko sa bahay ay matutulog agad ako kaya hindi ko na maiisip si Dean.Ngayon ay naabutan ako ng pagsasara ng mall dahil nanuod pa ako ng sine kaya paglabas ko ay mga sarado na pala ang bawat stall sa loob ng mall. Nagmamadaling lumaba ako ng mall dahil nakakaramdam na ako ng antok.Punuan ang park
Brianna"D-Dean?" mahina ang boses na sambit ko sa taong pumigil sa kamay nang akmang gagantihan ko na ang ginawang pananampal sa akin ng babae."Don't you dare hurt her," nagtatagis ang mga ngipin na babala sa akin ni Dean. Matalim ang tingin niya at para bang hindi niya ako kilala na aking ipinagtaka."Dean. Is that really you? You're alive!" bulalas ko. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Narito sa harapan ko si Dean at buhay na buhay. Pero paano nangyari iyon?Akmang yayakapin ko na siya ngunit biglang humarang ang babaeng nanampal sa akin."Hey! Bitch! Get away from him!" galit na sigaw nito sa akin."Let's go, Mina. Ipinapasundo ka na sa akin ng ama mo," kausap ni Dean sa babaeng Mina ang pangalan. Hinawakan nito sa balikat ang babae at hinila para umalis sa bar na kinaroroonan namin.Isang taon akong nangulila sa kanya. Isang taon akong nagdusa dahil inakala kong patay na siya. At ngayong nandito siya sa harapan ko ay hindi ko siya hahayaang mawala sa paningin ko nang hin
BriannaMabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa naging Linggo, naging buwan at umabot na ng isang taon. Isang taon nang patay si Dean ngunit sariwa pa rin sa aking puso ang sakit at alaala ng kanyang mga huling sandali na kapiling ko siya.Sa loob ng isang taon ay pinilit kong mabuhay. Kumakain ako, umiinom, natutulog ngunit pakiramdam ko ay patay na ang kaluluwa ko. Sumama na ito kung nasaan man ngayon si Dean. Minsan ngumiti rin ako na hindi umaabot sa aking mga mata. Nabubuhay na lamang ako dahil ayokong masayang ang pagbubuwis ng buhay ni Dean para lamang mailigtas ako."Aalis ka, Ma'am Brianna?" tanong sa akin ni Petchy, ang cashier ng aking coffeeshop.Pinalaki ko ang aking coffeeshop at dito na lamang ibinugos ko ang lahat ng aking atensiyon. Ako ang madalas nagbabantay sa cashier ngunit kapag umaalis ako at may lakad ako ay si Petchy ang humahalili sa akin."Yes, Petchy. First death anniversary ngayon ng asawa ko at dadalawin ko siya ngayon." Hindi man kami natuloy na ikin
BriannaPagmulat ko ng mga mata ay nasa loob na ako ng hospital at binabantayan nina Peter, Bryle, at Desna."Thank God, gising ka na rin sa wakas, Ate Bri," kausap sa akin ng kakambal ko nang makita niyang iminulat ko ang aking mga mata. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mahigpit ang ang dalawa kong mga kamay.Bahagya kong itinulak ang kakambal ko at nagpalinga-linga ako sa paligid ng room. Hinahanap ko si Dean. "Nasaan si Dean, Bryle? Nasaan siya? Gusto ko siyang makita."Unfortunately, nasa in-denial stage pa ako. Hindi ko matanggap ang nangyari kay Dean kaya pilit kong iniisip na nakaligtas siya t nasa loob din siya ng hospital."Ate Bri, wala na si Kuya Dean. Masyadong mataas at matarik ang bangen tapos sumabog pa ang kotse niya kaya imposibleng mabuhay siya." Isinampal ni Bryle sa mukha ko ang katotoohanan na pilit kong tinakasan."No! Hindi totoo iyn, Bryle! Nakaligtas si Dean! Dalawa kaming nakaligtas!" sigaw ko. Pilit akong bumangon sa kama dahil pupuntahan ko si Dean ngunit